StephaniePagkarating namin sa condo ko ay agad na binuhat ko na si Samantha the Monster pa punta sa unit ko. Gaya kanina ng pag buhat ko dito ay pa bridal style din. Hayst pasalamat ka at may nararamdaman ako sayo dahil kung hindi pababayaan naman talaga kita eh. Sa sama ng ugali mo na yan.Pero kahit na masama ang ugali mo. Hindi ko alam itong puso ko at bakit ikaw ang napili nito. Sa tutuusin ay mas marami naman diyan na mas maganda pa sa iyo at mabait pa pero tanging ikaw lang ang naka pukaw ng interest ko. Feeling ko nga ay ginayuma mo yata ako eh. Naiiling na lang na nasabi ko sa aking sarili. Hindi ko Naman maiwasan na hindi pamulahan ng mukha paano naman kasi ay damang dama ko ang kalambutan nito. Pati kahit na amoy alak siya ay mas nangi ngibabaw naman dito ang kanyang natural scent na gustong gusto ko sa kanya. Nakaka relax kasi sa pakiramdam ng amoy nito. Ang bango nya kasi napaka expensive ng amoy nito. Sabagay nga naman ay napaka expensive din naman kasi niya. Halatang
Stephanie Halos mabingi naman ako ng may bigla na lang sumapak sa akin. Kaya naman napa gising na lang ako ng wala sa oras. Mabilis na iminulat ko ang aking mga mata upang tignan kung sino ang pangahas na naka pasok sa condo ko at ngayon nga ay sumapak na lang sa akin ng wala sa oras. Pero mas lalo lang ako nagulat ng isang galit na galit na Samantha ang namulatan ko. Na siyang may kagagawan ng pananakit sa akin.Sapo ang nasaktan kong mukha na tinignan ko ito. Sabi ko na nga at nag e extra ito bilang construction worker eh. Ang bigat kasi ng kamay nito. Sabagay kung siya ay mabigat na. Kamay pa kaya nito. Hayst ano naman ba ang nagawa kong kasalanan sa Monster na ito at ang aga aga ay na nanakit na kaagad ito. Siguro kung mamalasin at mapangasawa ko ito ay baka mag kulay ube na ako dito. Dahil sa ang bilis ng kamay nito na manakit. "Bakit ka ba na nanakit dyan?" medyo may inis na tanong ko dito. Kainis naman kasi eh. Ang sarap sarap ng tulog ko kanina. Na nanaginip pa ako na ma
StephanieLunesPanay ang lingon ko sa aking kaliwa at kanan. Nag iingat lang ako at baka kung ano na naman ang gawin sa akin ni Samantha the Monster na yun. Matindi pa naman ang pag ba banta na ginawa nito sa akin. Bago sya umalis sa condo ko. Siya na nga itong pinag malasakitan na at lahat. Ako pa ang pag ba bantaan niya ng ganun. Nakakainis talaga ang monster na yun. Pero kahit ganun lihim na kinikilig ang puso ko. Kainis bakit kinikilig ako. Hayst ikaw ba naman naka tabi mo sa pag tulog ang babae na naka pukaw ng puso mo. kahit na ano pa man ang dahilan nun. Ang importante doon ay nakatabi ko siya sa higaan ko. Shit guys sa higaan ko mismo. Naka dikit pa nga angamoy niya doon sa unan na ginamit nito eh. Pati na rin yung kumot hanggang ngayon hindi ko pa nilalabhan ang mga yun. Sayang kasi ang dumikit na amoy nito doon. Kaya naman naka tupi lang ng maayos yun sa may higaan ko at inaamoy ko bago ako matulog. Yap doon na muna ako ngayon naka tuloy sa condo ko. Wala naman ang pare
StephanieIsang Samantha ang nalingunan ko at sobrang dilim ng awra nito na hindi mo gu gustuhin na sayo nito ibaling ang galit nito ngayon. Mabilis na parang unan lang na inalis nito si Jade mula sa pag kakapatong sa akin. Hindi ko naman malaman kung dapat ba ako mag pasalamat dito o hindi eh. Basta ang alam ko lang ay huwag itong mas lalo lang galitin ngayon. "Wala na ba talaga kayong delikadesa at dito pa talaga sa school premises kayo gagawa ng milagro ha!!!" galit na galit na sigaw nito sa aming dalawa ni Jade. Maya lang ay si Jade naman ang binalingan nito ng nag babaga niyang tingin. "Kung gusto mo pang mabuhay ng matagal ay umalis kana habang kaya ko pang pigilan ang sarili ko!!" sigaw nito kay Jade na ngayon ko din lang nakita na natakot ito. Kakaiba naman kasi ang itsura ngayon ni Samantha at hindi mo sa salungatin ang lahat ng sa sabihin nito. Mabilis naman na umalis na si Jade at kami na lang dalawa ngayon ni Samantha ang narito sa may tagong parte ng garden na ito.
SamanthaMaaga akong pumasok at may gagawin akong mahalaga. Kailangan na maka ganti kaagad ako sa Nerd na yun. Bwisit siya. Basta na lang niya ako pinalayas sa condo niya ng ganun ganun na lang? Ang isang Samantha the great basta na lang pinaalis ng bwisit na nerd na ito?? Mag handa talaga siya sa gagawin ko sa kanya. Kapal ng mukha niya na e treat ako ng ganun lang na bwisit siya. Maya lang ay nasa may parking lot na ako at dito ako mag hi hintay. Alam ko naman kung saan ito nag pa park ng kotse niya eh. Kaya malamang na dito ko lang siya ta tambangan. Bwisit napa salitang kanto pa tuloy ako dahil sa Nerd na ito. Feeling ko tuloy ay parang nasa kanto lang ako at may binabantayan na daraan upang gantihan. HaystIlang sandali pa lang ng bigla na lang dumating si James at nag aya ito na kumain na muna kami sa may canteen at di pa daw siya nakapag agahan. Ayaw ko sana na pumayag kaya lang nag ta tampo na ito. Paano hindi ko siya pinag bigyan na mag gala kami nung weekend ay hindi mag
SamanthaMaya lang ay dumating na ang Prof namin at nag discuss na ito kaagad. mabuti na nga lang at naka pag review ako kahit paano kaya ng mag pa quiz ito ay hindi naman ako na zero. Kahit paano naman may utak ako ako no.Hindi lang naman ako puro paganda lang. Nag aaral din naman ako kahit paano. Hiya ko lang sa parents ko no. Ayaw ko naman na may masabi sila sa akin. Hindi nga nila alam na napaka mqldita ko dito sa school. Ang alam nila ay nag aaral akong mabuti na siya naman ang totoo. Pero syempre hindi maganda ang pag aaral kung puro aral lang no. Kaya samahan mo na rin ng kunting kagaguhan.Para naman hindi boring diba. Well kasalanan na rin naman ngnga ta tanga tanga na na bu bully ko at pumapayag sila na ganunin ko na lang sila basta basta. Hayst kung minsan nga ay nakaka sawa din na pag tripan ang nga ito. Kung baga ay paulit ulit na lang ang ginagawa. Wala ng thrilled kaya nga itong kay Nerd ay medyo na aano ako eh.Paano palaban. Talagang sinusubukan nito masyado ang pa
Samantha "At saan ka pu punta sa tingin mo ha!!!?" Galit na baling ko dito. Hindi ko alam kung bakit sobrang galit ang nararamdaman ko ngayon. Basta ang feeling ko ay parang nadaya ako na ewan. Feeling ko ay pinag taksilan ako nito. Parang pinipiga pa ang dibdib ko kasi ang kirot nito. Kaya hindi ko mapigilan ang sarili ko na sobrang magalit dito ngayon. Tangina lang talaga bakit nararamdaman ko ito. Ang lahat ng ito ay bago sa akin ngayon. Ayaw ko nito dahil sa totoo lang ay nasasaktan ako. Ang sakit ang sakit sakit lang sa pakiramdam nito. Maya lang ay nag rant na ako dito ng kung ano ano. Hindi ko na alam ang mga pinag sasabi ko sa kanya. Basta ang pakiramdam ko ay kailangan na mailabas ko ang lahat ng nasa dibdib ko na ito. Dahil pag hindi ko ito ginawa ay alam ko na hindi gagaan ang bigat ng dibdib ko. Matapos ko mag flip-top sa kanya ay nakita kong bumuntong hininga muna ito bago ako sinagot. "Ano ba kasi ang ikinagagalit mo kung may lumapit man sa akin at landiin ako? Hi
StephanieNandito na kami ni Avril sa may canteen at kakain na kami. Medyo gutom na kami pareho nito. Pansin ko lang dito kay Avril na palagi na lang itong nag papa alam sa akin na may pu puntahan or may gagawin na important kapag tanghali ng ganito. Kaya nga swerte na lang na nakakasabay ko ito paminsan minsan sa lunch. Katulad na lang ng ganito. Hindi ko naman matanong itong si Avril kung saan siya nag pu punta at nahihiya din naman ako. Nag wa wait lang ako na mag kwento ito sa akin. Pero ngayon ay natatakot na ako sa totoo lang na mag isa lang ako at hindi ko ito kasama katulad na lang ngayon. Alam ko na malaki ang kasalanan na nagawa ko kay Samantha at alam ko rin na ga ganti talaga ito sa akin ng bonggang bongga kaya naman kung maaari ay ayaw ko sana na mapag isa lang ako. At least kung kasama ko itong si Avril ay ma e pag ta tanggol niya ako dito kay Samantha. Although kaya ko kung tu tuusin ang sarili ko. Lalo na kung ang usapan ay about sa physical at marunong naman ako s
StephanieOn the way na kami ngayon ni Samantha papunta sa bahay nila Avril. Kalalabas lang kasi nito ng hospital kung saan ay na baril ito. Yun palang time na hindi ko na ito ma contact ay na kidnap pala ito. Mabuti na nga lang at buhay ito kahit na ang dami nitong tama. Sakto naman na nasa Netherlands kami ni Samantha noon ng mag paramdam na nga ito sa akin na nasa hospital nga daw ito kasi nga na kidnap siya. Kaya nga ngayon ko pa lang ito makikita paano naman ay pinigilan ako nito na pumasyal sa kanya sa hospital. Nakaka video call ko lang siya. Hindi ko nga malaman dito kung bakit ayaw niya na sabihin sa akin kung saan na hospital ito naka confined e. Di ko naman na siya pinilit pa. Hindi ko tuloy masabi din sa kanya na may asawa na ako at ito nga ay kasama ko na ngayon upang personal na ipakilala sa kanya. Sana lang ay huwag silang mag away na dalawa. hahahaNakarating na kami sa bahay ng mga ito at mabilis naman na pinapasok kami ng guard nila. Mukhang may mga tao na rin pa
SamanthaKatatapos lang ng kasal namin ni Stephanie at nandito nga kami sa pag aari nilang bahay dito sa Netherlands kung saan kami ikinasal nito. Kinakabahan ako syempre first night namin ito as a married couple, Pero mas lamang na excited ako kasi naman my god matagal ko ng hinihintay na mag initiate si Stephanie na may mangyari sa amin noon pa lang na mag jowa pa kami nito pero hanggang kiss lang ang ginagawa nito kahit na puro pang aakit na nga ang ginagawa ko sa kanya. Nag tapat din ito sa akin nung gabi ng first daye namin na isa daw siyang intersex at ok lang naman sa akin yun. Mas mahal ko siya at lahat ng yun ay kaya kong tanggapin at nasabi din niya sa akin na kaya daw niya akong ma buntis kaya naman mas lalong maganda kasi hindi na namin kailangan pa na mag pa IVF. Kanina pa din ako tapos maligo at itong si Stephanie ay kanina ko pa rin hinihintay na matapos siya sa kanyang pag ligo. Mukhang wala na yata itong plano pang lumabas ah. Paubos na rin ang wine na kanina ko p
StephanieNasa hapag kainan na kami at magkatabi kami ngayon ni Samantha. Sa totoo lang ay hindi pa naman niya ako formal na naipapakilala sa parents nito. At hindi ko din alam kung girlfriend ko na ba ito ulit. Wala din kasi kaming napag usapan sa bagay na yan e. Ang buong akala ko nga ay ngayon nito ma e explain sa akin ang lahat. Hindi ko naman alam na mas uunahin pala nito na ipakilala ako sa kanyang mga magulang. Masaya ako sa totoo lang. Kasi ibang level na kasi yung makilala mo ang magulang ng mahal mo. Pero parang ang bilis naman kasi sa totoo lang talaga. Hayst bahala na nga si Samantha sa mga trip niyang yan. Kung ito ang gusto niya why not naman diba. Maya lang ay nag salita na ang parents ni Samantha. "Ano ang balak nyo ngayon ni Stephanie anak?" tanong ni Tita. "Yun nga Mom balak ko sana na ipakilala ngayon ang girlfriend ko pero mukhang kilala nyo naman na at naguguluhan lang kami ni Stephanie po. Ano po ang ginagawa ng parents niya dito at bakit parang matagal nyo n
StephanieNandito na ako sa condo ni Samantha at halos hindi ako makahinga ng makita ko ang itsura nito kanina pag bukas niya ng pinto. Bakit ba napaka ganda ng babae na ito? Hayst napapa sana all na lang talaga ako . Halos hindi ko naman malayo ang tingin ko sa kanya na ngayon ay sure ko na nag e star pa. Habang ito naman ay todo ang ngiti sa akin at alam ko na inaakit na naman ako nito. Hindi naman na niya kailangan na akitin pa ako kasi akit na akit na talaga ako sa kanya. Baka hindi kami matuloy sa date namin kapag hindi la rin siya tumigil s ginagawa niyang yan sa akin. "Hindi pa ba tayo aalis Samantha?" tanong ko naman dito. Gusto ko lang e divert ang attention ko sa ibang bagay. Baka kasi hindi na ako makapag pigil pa e. "Bakit excited kana ba hmmm sa date natin?" naka ngisi naman na sagot nito sa akin. Hayst bakit ba ganito na naman po siya? parang sinapian ng kalandian sa katawan niya ngayon. "Medyo lang naman." alanganin na sagot ko naman dito. Nakita ko na lang na na
StephanieUwian na. Balak pa sana na ihatid ako pauwe ni Samantha pero di na ako pumayag pa. Kailangan din na mag pahinga nito at saka dyahe naman kung ako pa ang ihahatid niya. Payag pa ako kung ako ang mag hahatid sa kanya sa condo niya. Mabuti na lang at hindi na ito nag pumilit pa at sinabi ko na kailangan na mag beauty rest namin pareho para sa date namin mamaya. Mabuti na nga lang at pumayag ito eh. Nang makarating na ako sa bahay ay agad na akong dumiritso sa kwarto ko at gusto ko ng ihiga ang aking katawan. Tsaka gusto ko na makapag pahinga ako ngayon dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin namin mamaya no Samantha. Siya kasi ang nag aaya ng date kaya siya ang nakakaalam kung ano ba ang gagawin namin. Nag pa akyat na lang ako ng meryenda kay Manang at gaya ng dati yung favorite na pansit canton with egg ang ni request ko na meryenda. Medyo matagal na rin kasi na hindi ako nakakakain nito e. Nag text na rin ako dito na naka uwe na ako sa bahay. Alam kong nag da drive pa ri
StephanieKanina pa nakaalis si Samantha at kanina pa rin panay ang tinginan sa akin ng mga classmates ko. Alam ko na gusto na akong lapitan ng mga ito at mag tanong kaya lang wala makapag lakas ng loob. Sa sagutin ko naman lahat ng tanong nila sa akin e.Pero nag tataka din ako kasi hanggang ngayon ay wala pa din si Avril. Naka ilang message na ako dito pero hindi pa rin siya nag re reply sa akin. Maging sa messenger ay nag message na rin ako sa kanya pero di pa niya ito na re read. Hindi ko alam kung ano na ang nangyari dito. Mula pa ito kahapon nung mag uwian na. Hindi na rin ito nag message sa akin. Medyo kinakabahan na rin ako sa tao na yun.Pero hanggang ngayon ay wala pa rin si Ms. Jane siya kasi ang first subject namin ngayon e. Pero mukhang hindi rin ito papasok. Kasi never naman na late ang isang yun eh Hanggang sa natapos ang first period namin na walang Avril at Ms. Jane ang dumating. Wala din naman sinabi kung bakit wala ito. Hanggang sa mag lunch ay wala pa rin akong
StephanieHalos hindi naman ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon sa aking harapan. Ito si Samantha kasama ang kanyang mga kaibigan ay hinarana ako. Oo feeling ako e. Syempre ako sino pa ba naman ang ibang my girl na tinutukoy nitong si Samantha? e ako lamang naman. Alangan na may iba pa? Ang lakas tuloy ng kabog ng dibdib ko putek na yan hindi ko maiwasan ang hindi kiligin sa pinag gagawa nito ngayon. As in dito pa talaga sa oval nito ginawa yun? Ang ibig bang sabihin nito ay ready na siya? Ready na siyang ipaalam na ako ay mahal niya? Ayaw ko mag assume pero kasi hindi ko maiwasan e. Nakita ko na nag lakad na ito palapit sa akin matapos nitong ibigay ang guitara sa kaibigan niya. Bakit ang hot niya ngayon tignan? Malaki ang ngiti na lumapit ito sa akin. "Nagustuhan mo ba ang ginawa ko Cupcakes ko?" tanong nito sa akin pagka lapit palang niya. Gusto ko sana na sabihin na hindi ko lang nagustuhan. gustong gusto ko. Pero kailangan na mag pakipot pa. Baka mamaya ay sabihin naman
SamanthaNakangiti na nag hiwalay na kami ng labi nito. Tama na ang live show namin ni Stephanie ko. Masyado na silang sinu swerte sa kanilang mga pinapanood. Maya lang ay lumapit si Trish sa akin at iniabot nito sa akin ang bouquet ng white roses na binili ko kanina bago pumasok. Saka ko naman ini abot ito sa babaeng mahal ko na ngayon ay namumula na naman ang mukha. . Hayst ang bilis talaga pakiligin nito eh. Feeling ko naman ay ang pogi ko ngayon. hahaha"Para sa babaeng mahal na mahal ko" sabi ko pa dito. Nahihiya naman na inabot nito sa akin yun. "Nag abala kapa" nasabi na lang niya. "Walang abala sa akin basta para sa iyo. Gagawin ko yun. Sabay tayo mag lunch mamaya ha. Sunduin kita sa room mo. Wait mo ako doon ha. hmmm" sabi ko pa sa kanya. "Okay lang ba sa mga friends mo na kasabay mo ako mag lunch? Baka may masabi sila about sayo?" Nag aalala naman na sagot nito. "Okay na okay sa kanila yun. Kita mo nga o at naka support sila sa akin hindi mo nga lang sinagot yung banner
SamanthaKausap ko ngayon ang mga kaibigan ko. Nag pa plano kami kung ano ang gagawin upang maniwala si Stephanie na tunay ang nararamdaman kong pag ibig sa kanya at ito ay hindi dahil lang sa pustahan na yan. Nakausap ko na rin si James at humingi na ito ng tawad sa akin. Hindi na daw niya uulitin pa ang ginawa niya doon sa gym. As if naman na kahit ulitin pa niya yun ay bugbog sarado din lang naman ang aabutin niya kay Stephanie ko e. Maya lang ay bigla na lang naka isip ako na alam kong mapapansin na ako nito ni Stephanie. Alam ko naman kasi na ang nasa isip nito ay hindi totoo ang pagmamahal ko sa kanya. Agad na sinabi ko sa mga ito ang plano ko na agad naman nilang sinang ayunan. Maganda daw yun at sure na kikiligin si Stephanie pag ginawa ko ang bagay na yun. Pero Hindi lang naman ako ang gagawa nito e. Kasama ko sila para hindi lang ako ang mag mu mukhang tanga nito. Nang ma sure na namin na yun nga ang gagawin namin ay nag simula na rin na planuhin namin ng mas maayos ang