Home / Romance / Mrs Alvarez / Chapter-2

Share

Chapter-2

Author: MrsDarcy
last update Last Updated: 2022-12-23 20:40:25

"Bakit himdi ka nagsabi ngayon na pala ang dating mo?" Tanong ng Mama ni Shawn, nang makapasok na s'ya sa mansyon.

Hindi n'ya alam kung paano n'ya narating ang mansyon na hindi man lang napansin ni Shawn kanina at nang kasama nitong babae, sabagay sino ba naman s'ya para mapansin ng mga ito, isa pa busy ang mga 'yon.

"Surprise ko po sana kayo," magiliw na sagot n'ya, at iniabot ang mamahaling pabangong binili n'ya para sa byenan.

"Ikaw talaga nag abala kapa. Hindi mo rin ba sinabi kay Shawn na darating ka ngayon?" Tanong nito, habang inaamoy-amoy ang mamahaling pabangong dala n'ya.

"Ah, kase po, baka busy po si Shawn," tanging sagot n'ya. At pasimpleng sinulyapan ang pinto, umaasang uuwi na si Shawn, at tapos na sa pakikipag lampungan sa ibang babae.

"Well, magpahinga kana muna maya-maya lang darating na si Shawn. Magpapahanda ako ng pagkain," magiliw na sabi ng byenan, at hinalikan s'ya sa pisngi.

Darating? nasa labas lang naman si Shawn may kasamang babae. Bulong ng isip n'ya.

"Welcome home Hainna," nakangiting bati ng byenan sa kanya.

"Lalo kang gumanda sa Canada hija,"

"Salamat po Ti-

"Ehep, ou can call me Mama. Asawa ka ni Shawn. You should call Ma, Mom, Mama,"  Asawa? Tama ba ang narinig n'ya asawa s'ya ni Shawn?

"Sige po Ma-ma-,." alanganing sabi n'ya. At nagpaalam na magpapahinga muna dahil napagod din s'ya sa biyahe, at pag-iisip sa kung ano naghihintay sa kanya sa mansyon ng mga Alvarez.

"Manang Rosa samahan mo muna si Hainna sa silid ni Shawn,"

Napatigil s'ya sa narinig. Sa silid ni Shawn? Bakit sa silid ni Shawn? Tanong n'ya sa sarili. Pero hindi nalang muna s'ya nagtanong, dahil baka magtaka pa ang mga ito kung bakit kailangan n'yang kwestyunin ang pagtuloy n'ya sa silid ni Shawn, na s'ya namang dapat dahil mag asawa sila ni Shawn. Asawa s'ya ni Shawn, asawa n'ya si Shawn Alvarez, ia s'yang Mrs. Alvarez sa pangalan.

"Salamat ho," magiliw na pasalamat n'ya, nang makapasok na sa loob ng silid ni Shawn. Ginala n'ya ang mga mata sa malawak na silid. Maayos ang buong silid pati kama mukhang hindi nahigaan man lang sa ayos, naikot na ng mga mata n-ya ang buong paligid, pero wala s'yang nakita ni isang larawan n'ya sa loob ng silid ng asawa. Wala ni isang larawan noong kasal nila ang nakasabit sa dingding, o  kaya sa side table man lang, tulad ng mga napapanood n'ya sa TV.

Ano pa nga bang aasahan n'ya? Hindi naman s'ya tinuring na asawa ni Shawn, bakit kailangan pa n'yang maghanap ng mga larawan n'ya sa silid ng asawa? Lumapit s'ya sa bintana at tinaas ang blinds doon, para makita ang tabing dagat. Mula sa silid ni Shawn makikita ang malawak na karagatan at mga naglalakihang puno sa paligid non. Wala na roon si Shawn at ang babaing kasama nito, wala na s'yang makitang taong naglalakad sa tabing dagat.

"Saan kaya sila nagpunta?" Tanong n'ya, at nagulat sa biglang  malakas na pagsara ng pinto. Mabilis s'yang napalingon sa gulat at nakita si Shawn na nakatayo sa may pinto. Nakamata sa mga gamit n'ya sa sahig at kama nito. Kitang-kita nya ang galit na tila ba ano mang sandali eh hihilahin s'ya ni Shawn at kakaladkarin palabas ng silid nito. Napalunok s'ya at nakaramdam ng takot kay Shawn.

"You're back!" Malamig na sabi nito.

"What are you doing in my room?" Malamig na tanong nito. At sinulyapan s'ya. Napapitlag s'ya at napaatras ng isang beses. Natatakot pa rin s'ya kay Shawn hanggang ngayon, kahit tatlong taon na ang nakakalipas hindi pa rin nagbabago ang takot na nararamdaman n'ya kay Shawn. Pero hindi s'ya dapat magpakita ng takot, kailangan ipakita n'ya kay Shawn na matapang sya, at hindi na s'ya nito kayang kaladkarin at ipatapon sa ibang bansa.

"Saan ba ko dapat tumuloy?" Taas kilay na tanong n'ya, pinagsalikop ang mga braso sa diddib. Wala paring pagbabago si Shawn nagagawa pa rin nitong pabilisin ang tibok ng puso nya, at tulad ng dati napakalakas pa rin ng dating nito, o masasabi n'yang sa paglipas ng tatlong taon tila mas lalo itong gumuwapo, lumaki ang pangangatawan nito,  halatang alaga sa gym. Wala sa isip na pinaglakbay n'ya ang mga mata sa kabuuhan ni Shawn.

"How did you get here?" Tanong nito, na nagpatigil sa pasimple pag suri n'ya sa kabuuhan ng asawa.

"Si Kuya Harvey nagpasundo ako,"

"Akala ko ba 10AM ang dating mo? bakit ngayon kalang?" Tanong nito. At nagtanggal ng damit. Nanlaki ang mga mata n'ya ng makita kung gaano kaganda ang katawan ni Shawn.

"Yeah, kaso-late ko-nang tinawagan si Kuya," Utal na sagot n'ya. Dahil umaagaw kasi ng pansin ang magandang katawan ni Shawn.

"Why? Nakalimutan ba n'ya ang flight mo?" Tanong nito, at naglakad patungo sa cabinet. Napalunok s'ya ng makita ang malaking tattoo ni Shawn sa likod nito. Halos natatakpan na ng ink ang buong likuran nito sa laki ng tattoo nito. Napalunok s'ya sa kakaibang nararamdaman sa bawat galaw ng matipunong likod ni Shawn, kasabay ng tila pag galaw ng malaking ahas na nakapinta sa likuran ni Shawn.

"I thought darating ka, that's why I waited a little long," amin n'ya, habang nakasunod ng tingin kay Shawn.

"Alam mo naman na hindi ako darating hindi ba?" Mabalasik na sabi nito. At humila ng puting damit, mabilis na sinuot 'yon at linigon s'ya. Nagulat s'ya at napaatras, naramdaman n'ya ang blinds sa likuran.

"May sinabi ba kong darating ako para sunduin ka?"

"Well, nag assume lang ako, nabasa mo naman ang message ko, kaya inakala ko na-" hindi n'ya natuloy ang sasabihin ng maramdaman ito sa tabi n'ya. Nag angat s'ya ng mukha para magtignan ito sa mga mata.

"Bakit ka pa ba bumalik? Ano pa bang babalikan mo rito sa San Miguel?" Walang emosyong tanong nito, na tila bumasag sa puso n'ya. Maiksiing tanong na halos magpadurog sa puso n'ya. Ayaw na ba talaga s'yang makita ni Shawn? Ayaw na ba talaga s'yang makasama ng asawa n'ya?

"May babalikan ako kaya ako bumalik," lakas loob na sagot n'ya. Nagkatitigan sila ni Shawn.  Masasabi n'yang napakagwapo pa rin talaga ni Shawn, napakagwapo talaga ng lalaking pinakasalan n'ya at minahal n'ya at patuloy na minamahal sa kabila ng pananakit nito sa kanya.

"Bakit dito ka tumuloy?" Tanong nito. Tila  aayaw na talaga ang dibdib n'ya sa sakit, pero nagpakatatag s'ya, hindi n'ya inaalis ang mga mata sa magagandang mga mata ng asawa, kahit sa ganitong pagkakataon lang makasama n'ya ng malapitan ang asawa at matitigan ang mga mata nito, ang mga mata nitong laging galit pagdating sa kanya.

"Asawa mo ko," confident na sagot n'ya.  Ngumisi si Shawn at bumaba ang mga mata nito sa mga labi n'ya.

"Asawa?" Tuya nito, at hinawakan s'ya sa baba.

"Nakuha mo na ang gusto mo hindi ba? You are Mrs. Alvarez now. 'Yon lang naman ang mahalaga hindi ba? Ang maging Mrs. Alvarez ka," sabi nito sa kanya, habang halos kahibla lang ang layo nila sa isat-isa, sa sobrang lapit nito halos malanghap na n'ya ang mabangong hininga nito.

"Shawn," nanghihinang usal n'ya. Dahil tila nag-iiba ang pakiramdam n'ya sa sobrang lapit sa kanya ng asawa, isama pa ang kamay nitong humahawak sa baba n'ya na naghahatid din ng kakaibang pakiramdam.

"'Yan na naman ba ang pag uusapan natin?" Tanong n'ya, at inulak ito para makaiwas rito. Nagawa naman n'ya itong ilayo sa kanya at lumakad s'ya palapit sa kama, hinila ang bag kinuha ang isang kahon na nakabalot roon.

"Pasalubong ko pala," nakangiting sabi n'ya, para maiba ang usapan, dahil ayaw n'yang pag usapan ang tungkol sa kasal nila. Ang mapait na kasal n'ya, sa lalaking tanging minamahal n'ya, na ni katiting na pagmamahal ay wala ito sa kanya. Kinuha ni Shawn ang kahon at hinihagis sa kama, na hindi man tinitignan kung ano ang laman.

"Hanggang kailan ka ba rito?" Tanong nito. Bumuntong hininga s'ya, at kinuha ang kahon mula sa kinabagsakan na kama. Muli n'yang binalik sa bag, hindi n'ya ito pipilitin kung ayaw nito. Hinding-hindi na n'ya ipipilit kay Shawn ang mga bagay na ayaw nito, dahil alam n'yang masakit, dahil tulad n'ya pinilit lang n'ya itong pakasalan s'ya.

"Dinala ko na lahat ng gamit ko, kaya wala na kong babalikan sa Canada," sagot n'ya, at hinila ang dalawang  maleta.

"What do you mean?" Kunot noong tanong nito.

"Hindi na ko babalik ng Canada," ulit n'ya.

"At sinong nagsabing pwede ka rito?"

"Asawa mo ko Shawn at may karapatan akong manatili rito," inis na sagot n'ya at inihagis sa kama ang mga gamit na galing sa maleta.

"Huwag mong alisin ang mga gamit mo d'yan, ikukuha kita ng ticket pabalik sa Canada,"

"No! Hindi mo na ko pwedeng kaladkarin at ipatapon sa kung saan Shawn!" Hiyaw n'ya sa galit. Kung hindi n'ya lalabanan si Shawn ngayon sigurado s'yang magagawa nito ang paalisin s'ya ng bansa ano mang oras na gustuin nito.

"I'll stay here no matter what! Kahit ayaw mo mananatili ako rito sa San Miguel! sa pamamahay mo  Shawn! At gagampanan ko ang papel ko bilang asawa mo! Bilang Mrs. Alvarez!"

"You don't belong here Hainna,"

"Why? Dahil ba sa babaing kausap mo kanina? S'ya ba ang dapat na narito hindi ako?" Buong tapang na tanong n'ya.

"Alam mo kung sino ang dapat na nasa lugar mo ngayon Hainna," tagis bagang na sagot nito, at hinila s'ya sa braso. Mahigpit s'yang hinawakan sa braso ni Shawn.

"Alam mo kung sino dapat ang nag mamay-ari ng Mrs. Alvarez na hawak mo ngayon. Alam mo kung sino dapat ang narito sa mansyon, sa loob ng silid ko! At alam mong hindi ikaw -yon Hainna!" Galit na galit na litanya ni Shawn. At marahas s'yang tinulak  nito sa kama. Napatili pa s'ya ng bumagsak s'ya sa malambot na kama.

"Damn it!" Mura pa ni Shawn, bago ito tuluyang lumabas ng silid. Nakasunod lang s'ya ng tingin kay Shawn.

Unang araw palang n'ya sa mansyon ng mga Alvarez ganito na agad ang salubong sa kanya ni Shawn. Kaya pa ba nya? Hanggang kailan n'ya kakayanin? Magagawa ba n'ya ang matagal na n'yang plano na paibigin si Shawn? Paano n'ya magagawa ang bagay na 'yon eh galit na galit sa kanya si Shawn? At magpa hanggang ngayon si Patricia pa rin ang nasa puso ni Shawn. Kung hindi s'ya umeksena at gumawa ng gulo si Patricia sana ang Mrs. Alvarez at hindi s'ya.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Janet Toledo
hay nku kaloka ka hainna
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Mrs Alvarez   Chapter-3

    "Yes po Mommy, sige po sabihin ko kay Shawn, pag uwi n'ya d'yan po kami mag di-dinner," sabi sa Mommy n'ya, nang tawagan ito at sabihin nasa mansyon na s'ya ng mga Alvarez.Agad naman s'yang niyaya ng Ina na doon na daw sila mag dinner ni Shawn mamaya sa bahay nila, dahil wala naman alam ang mga ito sa estado ng pagsasama nila ni Shawn, kaya ganoon nalang ang pag-aakala ng mga ito na nasa mabuting kalagayan s'ya, na masaya s'ya sa piling ni Shawn, at normal ang pagsasama nila bilang mag-asawa.Ang alam ng lahat maayos ang pagsasama nila bilang mag asawa ni Shawn, kung bakit nasa Canada s'ya ay dahil nais n'yang maipag patuloy ang pag-aaral n'ya, at sangayon naman si Shawn roon. 'Yan ang alam ng lahat, pero ang hindi nila alam, pinatapon s'ya ni Shawn sa Canada matapos ang kasal nila, sa mismong gabi ng kasal nila. Sinabi ni Shawn na mas makakabuti sa kanya na lumayo muna s'ya, bago s'ya nito masaktan physically, sakit diba? Pero wala naman s'yang magagawa kasalanan n'ya ang lahat.Sa

    Last Updated : 2022-12-23
  • Mrs Alvarez   Chapter-4

    Kanina pa n'ya tinitigan ang sarili sa salamin. Nakapagbihis na rin s'ya at nakapagsuklay ng mahabang buhok pero tila s'ya nagdadalawang isip kung bababa o hindi. "Ano bang balak gawin ni Shawn kanina?" Tanong nya at napasimangot."Hahalikan ba n'ya ko dapat oh ano? Haiyyyzz,nakakainis naman, kung halik lang naman pwede syempre isa sa mga pinapangarap ko 'yon ang muling mahalikan ni Shawn, pero kung-kung- ano kung, i consumate ang kasal namin pwe-.pwede rin basta maingat lang s'ya at di ako sasaktan physically," sabi n'ya habang nakaharap sa salamin aaminin n'yang na e-excite s'ya at natatakot kay Shawn."Kainis naman," maktol n'ya at tumayo, sinuri ang sarili, pinili n'yang isuot ang puting walking short at lace sando na nagpapakita ng makinis n'yang balat, maputi na s'ya dati pa at lalo lang s'yang pumuti ng pumunta sa Canada."I know you Shawn, you can't resist me," bulong n'ya at inayos ang bra para lalong apitin ang mga dibdib para magpakita ng konting clevage na kahit papano ay

    Last Updated : 2022-12-23
  • Mrs Alvarez   Chapter-5

    "It's a yes I guess" Narinig n'yang sabi nito ng kahiblang nilayo nito ang mga labi nito sa mga labi n'ya."Yes," Sagot n'ya, at mapangahas na tinawid ang pagitan ng mga labi nila at muli'y hinalikan si Shawn. Gumanti naman ng halik si Shawn sa kanya. Naramdaman nalang n'yang naikawit na n'ya ang mga braso sa basang batok ng asawa para mas lalo itong mahalikan."Shawn!" Tinig na nagpaputol sa ginagawa nila."And'yan pala kayo. Hello, Hainna," ang Mama ni Shawn. mabilis n'yang nilayo ang sarili at nagyuko ng ulo. Nakaramdam ng hiya."Yes Ma," sagot ni Shawn at sinulyapan s'ya. Alanganin s'yang ngumiti at dinampot ang baso para uminom."Well, itatanong ko lang sana kung anong dinner ang ipapahanda ko mamaya?" nakangiting tanong Mommy ni Shawn."May dinner kami sa mga dela Serna eh," sagot ni Shawn at sinandal ang likod sa upuan, sabay sulyap sa kanya. Ramdam na ramdam pa rin n'ya ang pamumula ng pisngi, dahil sa ginagawa nila kanina ni Shawn at nakita sila ng byenan."Well, sige bumisi

    Last Updated : 2022-12-29
  • Mrs Alvarez   Chapter-6

    3 Years Ago."Hainna, Hainna," tawwag sa kanya ni Bea her bestfriend habang tumatakbo palapit sa kinauupuan, may hawak-hawak pa itong dalawang pulang sobre. Napakunot noo s'ya at binitawan ang hawak na ballpen."Ano yan?" Tanong n'ya sa sobreng pulang hawak ng kaibigan."Hu-hu-laan mo," hingal na sabi nito."Ano nga?" Sabay hablot ang isang sobre sa kamay nito."Aray naman," "Ano ba to?" Taas kilay na tanong n'ya at binuksan ang pulang sobre. Binasa ang nakasulat doon isa yong invitation card sa birthday party. Napatili s'ya ng mabasa kung kanino party ang invitation na hawak."You're invited at Shawn Alvarez 25'th birthday," Napatili sya ng mabasa ang nakasulat."Oh no! Shawn!" Tili n'ya at nagtatalon sa tuwa at niyakap si Bea."Paano ka nakakuha ng invitation?" Tanong n'ya habang nagniningning ang mga mata na nakatitig sa pulang sobre."Ako pa, humingi ako kay Kuya syempre," sagot nito sabay kindat pa sa kanya."I can't wait," excited na sabi n'ya at hinalikan pa ang pulang papel.

    Last Updated : 2022-12-29
  • Mrs Alvarez   Chapter-7

    Pagdating nilang magkapatid sa Tragora Mall panay buntot ng Kuya Hayden n'ya sa kanya, naiinis tuloy s'ya at hindi makapamili ng maayos na damit. Paano naman kasi lahat ng kuhanin n'ya binabalik ng kapatid. Sinasabing masyadong reaveling, masyadong seksi, showing too much skin. Mga commento ng kapatid sa kanya sa mga napipili n'ya. Nais kasi n'yang maging maganda sa gabi ng birthday ni Shawn, nais n'yang mapansin s'ya ni Shawn. Ang tagal na rin n'yang nagpapapansin kay Shawn, pero never s'yang napansin nito. Ewan n'ya kung bakit samantalang balita naman ang pagiging babaero ni Shawn sa bayan nila. Pero s'ya hindi s'ya pinapansin ni Shawn "Alam mo Hainna, nagsasayang ka lang ng effort mong magpapansin kay Shawn," bored na sabi ng kapatid, habang namimili pa rin sila ng maisusuot n'ya sa party."And why?" Taas kilay na tanong n'ya."Shawn never dated a teenager. Hindi mahilig si Shawn sa bata,""How did you know?""We're not friends but, naririnig ko sa iba kong mga barkada. Shawn want

    Last Updated : 2022-12-29
  • Mrs Alvarez   Chapter-8

    Nanginginig ang buong katawan n'ya ng makalayo sa may pintuan. Alam n'yang hindi s'ya dapat naroon, at hindi n'ya dapat nakita ang nakita n'ya. "Shit," mura n'ya at mabilis na naglakad palabas ng bahay. "Nakilala kaya n'ya ko?" Tanong n'ya sa sarili habang palabas. May nakabunggo pa s'ya dahil sa taranta nyang makalayo roon. "Hainna!" Tawag ni Bea sa kanya. "Saan ka ba nanggaling?" Tanong ng kaibigan at inabutan s'ya ng pulang cap. Agad n'yang kinuha 'yon at ininom ang laman. Alak 'yon na agad gumuhit ang pait sa lalamunan n'ya, pinilit n'yang lunukin ang alak. "Nakita mo ba si Shawn?" "Hindi!" Mabilis na sagot nya at nag-iwas ng tingin kay Bea. Pasimple n'yang sinulyapan ang pintuan ng bahay, kung saan s'ya nanggaling kanina. Kailangan n'yang magsinungaling. "Baka kasama ni Patricia," "Sigurado," sagot n'ya at inubos ang laman ng baso. "Gusto mo pa, ikukuha pa kita" sabi ni Bea. Tumango s'ya sa kaibigan. Kailangan n'ya ng alak para mabura sa isipan n'ya ang nakita kanina sa

    Last Updated : 2022-12-29
  • Mrs Alvarez   Chapter-9

    "Bakit kailangan natin dito mag-usap?" tanong n'ya ng makapasok na sa loob ng silid ni Shawn. Lininga n'ya ang paligid. Very clean and neat ng buong silid, tila hindi lalake ang may-ari."Bakit natatakot ka?" Tanong nito at sinulyapan s'ya."Bakit naman ako matatakot? May dapat ba kong ikatakot?' Balik tanong n'ya rito."I see, mukhang totoo nga yata ang mga naririnig ko tungkol sa Dela Serna Princess ng San Miguel," nakangising sabi nito."Ano bang mga naririnig mo?" Taas kilay na tanong n'ya, at lihim s'yang nasisiyahan dahil nakakasama n'ya si Shawn sa isang silid at kitang-kita n'ya kung gaano ito kagwapo."We can talk about it later," tanging sabi nito at humakbang palapit sa kanya. Hinintay n'yang makalapit sa kanya si Shawn saka n'ya ito tiningala. Matangkad s'ya pero mas matangkad sa kanya si Shawn na kinakailangan pa n'yang tumingala rito para magpang abot ang kanilang mga mata."Explain to me Ms. Dela Serna, what are you doing sa library that time? Bakit ka naroon at ano an

    Last Updated : 2022-12-29
  • Mrs Alvarez   Chapter-10

    "Mama!" Narinig n'yang sabi ni Shawn. Nanlaki ang mga mata n'yang napatingin kay Shawn na nilingon ang may-ari ng tinig sa may pinto ng silid. Isang may edad na babae, pero maganda ang nakadungaw sa may pintuan na tinawag na Mama ni Shawn. Pakiramdam n'ya sinabuyan ng malamig na tubig ang buong katawan n'ya, hindi s'ya makagalaw at tila tumigil din ang paghinga n'ya, mula sa ilalim ng hubad na katawan ni Shawn."Mama, anong ginagawa mo rito?" Tanong ni Shawn. At mula sa pagkakaibabaw sa hubad n'yang katawan ay tumayo si Shawn, at naiwan s'yang nakahiga sa malaking kama. Ilang secundo ang lumipas bago n'ya naisipang takpan ang hubad na katawan sa puting kumot na naroon. "Shawn Alvarez! What the hell is this?!" Hiyaw ng babae na tinawag na Mama ni Shawn na nasa may pintuan pa rin.Nakasunod naman s'ya ng tingin kay Shawn, habang nagsusuot ng pantalon, tila wala s'ya sa sariling pag-iisip na titig na titig sa magandang katawan ni Shawn, at kahit nasa ganoong sitwasyon sila ay hindi

    Last Updated : 2022-12-29

Latest chapter

  • Mrs Alvarez   Finale

    Makalipas ang dalawang linggo. Naisaayos na nila lahat ang mga kailangan para sa kasal nila ni Shawn. Dumating na rin ang Mama ni Shawn para tumulomg sa pag-aasikaso. Pagkatapos ng kasal nila ay lilipad din daw ito pabalik ng ibang bansan. Nasanay na daw kasi roon ang Mama ni Shawn, at isa pa nais daw nitong sila lang muna ni Shawn ang manirahan sa Mansion ng mga Alvarez. Para daw maasikaso n'ya ng husto ang asawa.Sa pangalawang pagkakataon ihaharap s'yang muli sa altar ni Shawn at mangangako muli ng pag-ibig na wagas sa kanya, at sa pagkakataong ito, ay mahal na s'ya ni Shawn, kaya iba ang pakiramdam na excitement at kaba sa araw na ito.Sa Alvarez beach gaganapin ang kasal nila. Tanging malalapit na kaibigan at mga kamag-anak lang ang invited. Ayaw na din naman kasi n'ya ng masyadong crowded, lalo na't buntis s'ya iniiwasan n'yang mapagod ng husto."I can't believe na ikakasal ka na naman Hainna," tinig ng Kuya Harvey n'ya, ang napabalikwas sa kanya, mula sa pagtanaw sa malawak na

  • Mrs Alvarez   Chapter 60

    "Hindi naman siguro natin masasaktan si baby diba?" Tanong ni Shawn nang makarating na sila sa loob, napangiti s'ya at hinaplos ang pisngi ng asawa, saka iniling ang ulo."Our baby will be safe," nakangiting sagot n'ya."Good," nakangiting sagot nito at nagyuko ng ulo para halikan s'ya sa mga labi. Pinikit n'ya ang mga mata at buong pusong sinalubong ang mga halik ni Shawn sa kanya.Dahan-dahan humakbang si Shawn, at pag atras naman sa kanya patungo sa malaking kama, kung saan unang beses n'yang pinagkaloob kay Shawn ang sarili."I love you Hainna," bulong nito, nang makahiga na sila ng asawa sa kama at nakaibabaw na ito sa kanya."How much do you love me Shawn?" Ewan n'ya kung bakit n'ya natanong, basta nais n'yang malaman kung gaano s'ya kamahal nito."Why you are asking that?" Kunot noong tanong nito at hinawi ang hibla ng buhok na kumakalat sa pisngi n'ya."Gusto ko lang malaman Shawn, gusto kong marinig mula sa iyo,""I love you Hainna more than anything, I realized now I can't l

  • Mrs Alvarez   Chapter 59

    Taranta n'yang buhat-buhat ang asawa habang tumutulo ang dugo nito sa braso. "Hold on Hainna, hold on," sabi n'ya sa asawa.Halos sigawan n'ya ang mga staff n'ya para ihanda ang sasakyan n'ya at dadalhin sa ospital ang asawa. Mamaya na n'ya haharapin si Patricia, ang mahalaga ngayon ay ang kaligtasan ni Hainna. Sinakay n'ya sa likuran ng kotse ang asawa at s'ya na rin mismo ang nagmaneho. Malapit lang naman ang Donya Feliza Hospital rito wala man limang minuto mararating na nila ang ospital."Hainna are you ok?" Tanong n'ya sa asawa at panay sulyap sa salamin para makita kung ok pa ba ito."Shawn," tawag nito sa kanya."Eto na nasa ospital na tayo," sabi n'ya at dali-daling bumaba ng driver seat at tumawag ng emergency sa Nurse na nakatayo roon na agad naman kumilos."Are you ok?" Muli n'yang tanong asawa."I am," sagot ni Hainna at binuhat ang duguan na asawa. May sumalubong sa kanilang mga nurse at maya-maya pa napansin n'yang nawalan ng malay ang asawa."Hainna?! Hainna!" "Nawa

  • Mrs Alvarez   Chapter 58

    Kinabukasan pinilit n'ya si Shawn na isama sa opisina nito. Ngayon kasi kokomprontahin ng asawa si Patricia. Nangako si Shawn na dahil sa ginawang pagbabanta ni Patricia sa kanya ay paaalisin na nito si Patricia.Inamin kasi n'ya kay Shawn ang mga pagbabantang sinabi ni Patricia sa kanya.Patricia wants to kill her, kaya naalarma na ang asawa at paaalisin na nito si Patricia ngayon din."Ayokong ma stress ka Hainna, kaya mas gusto kong maiwan ka na lang muna sa bahay," sabi ni Shawn ng pareho na silang makasakay sa kotse nito. May inis n'yang sinulyapan si Shawn at hinila ang seat belt, sinuot 'yon habang nakatingin rito.Bumuntong hininga si Shawn at binuhay na ang makina, sinumulan ng magmaneho. Nais n'yang sumama para makita si Patricia, kahit sa huling sandali man ay makahingi din s'ya ng tawad kay Patricia, aminin man n'ya o hindi may kasalanan pa din s'ya kay Patricia. Pagdating sa kompanya sabay na silang umakyat ni Shawn patungo sa opisina nito. Agad na tumayo si Patricia para

  • Mrs Alvarez   Chapter 57

    "Are you ok?" Tanong ni Shawn sa kanya ng makalabas ng comfort roomHindi n'ya alam kung paano s'ya nakalabas ng comfort room, nanginginig ang buong katawan n'ya sa takot sa pagbabanta sa kanya ni Patricia."Shawn," anas n'ya at liningon ang pinanggalingan, hindi na n'ya makita si Patricia.Kung magsusumbong s'ya kay Shawn ngayon, baka isipin ng asawa na masyado s'yang na o-obsessed kang Patricia, baka isipin ni Shawn na pinapapadali n'ya rito ang pagtanggal kay Patricia sa trabaho."Namumutla ka Hainna, may nangyari ba?" Nag-aalalang tanong ni Shawn sa kanya.Napatitig s'ya sa mga mata ng asawa. Paano ba n'ya sasabihin kay Shawn na pinagbantaan s'ya ni Patricia, at sinusundan sila ni Patricia."Wa- wala," utal na sagot n'ya. "Umuwi na tayo Shawn, baka pagod lang to," sabi n'ya."Yeah, sure let's go," sagot ni Shawn at hinawakan s'ya sa kamay at naglakad na sila.Niningon n'ya muli ang loob ng restaurant at nakita si Patricia na masamang nakatingin sa kanila. Sa nakikitang pagkilos

  • Mrs Alvarez   Chapter 56

    Pagdating sa opisina nakita nanaman n'ya si Patricia. Hindi talaga s'ya kumportable kay Patricia. Isipin pa lang na ilang taon ng kasama ni Patricia ang asawa n'ya sa trabaho ay naiinis na s'ya, dahil kung anu-ano ang pumapasok sa isip n'ya.Pagpasok sa loob ng opisina ni Shawn pabagsak n'yang iniupo ang sarili sa sofa."Hainna," tawag ni Shawn sa kanya na marahil nakita ang ginawa, sinulyapan n'ya ang asawa."Why?" Taas kilay na tanong n'ya rito."Let's talk about Patricia," sabi nito."Shawn isa lang ang gusto ko, ang palitan mo si Patricia," agad na sabi n'ya."Hainna kung ang dahilan mo sa pagpapaalis kay Patricia ay selos, hindi magandang dahilan 'yan," sagot nito at naupo sa swivel chair nito. Sumimangot s'ya at sinandal sa sofa ang likod. Pinagsalikop ang mga kamay sa dibdib."What if ex ko ang makatrabaho ko Shawn ok lang ba sa iyo 'yon?" Tanong n'ya sa asawa."Hell no!" Mabilis na sagot nito."Exactly Shawn," at tumayo mula sa pagkakaupo sa sofa, lumakad palapit sa mesa ng

  • Mrs Alvarez   Chapter 55

    Iniharap s'ya ni Shawn rito at hinawakan ang mukha n'ya."I'm so sorry for everything Hainna. For all the pain I've cause you. I'm really sorry," bulong ni Shawn sa kanya, habang nakatitig sa mga mata nito na puno ng pagsisisi."Hayaan mo kong makabawi sa lahat ng pagkukulang ko, sa lahat ng nagawa kong mali sa pagsasama natin," patuloy nito habang hinahaplos ang pisngi n'ya.Napapikit s'ya at dinama ang bawat haplos nito sa kanya at ninamnam ang bawat salita nito."Let me make it up to you Hainna," he said. She opened her eyes at look at his eyes."Yes Shawn, we can make it up, maaayos natin lahat ng mga mali natin noon," sagot n'ya at hinawakan ang kamay nito.Ngumiti si Shawn sa kanya at dahan-dahang lumapit ang mga labi nito sa mga labi n'ya. Pinikit ang mga mata at sinalubong ang mga labi nito.Naramdaman n'ya ang bahagyang pagtulak ni Shawn sa kanya sa salamin at napasandal s'ya roon, kasabay ang pagdikit ng katawan ni Shawn sa kanya. Unti-unti na ring naglalakbay ang mga kamay

  • Mrs Alvarez   Chapter 54

    Pagdating sa bahay naunang bumaba ng sasakyan si Shawn at mabilis itong umikot para pagbuksan s'ya ng pintuan. Pigil ang kilig n'ya ng buksan ni Shawn ang pintuan, inalalayan pa s'ya nito sa pagbaba."Salamat," pasalamat n'ya. Hawak kamay silang naglalakad papasok ng mapatingin s'ya sa malinis na dagat. May mangilan-ilan na naglalakad para mamasyal. Bukas ang Alvarez Beach para sa mga tao sa San Miguel, kaya hindi nakakapagtaka kung laging maraming tao sa Beach. Huminto s'ya sa paglalakad, nilingon s'ya ni Shawn."Pwede ba tayong maglakad sa tabing dagat?" Anyaya n'ya kay Shawn, ngumiti ito sa kanya at humigpit ang hawak sa kamay n'ya sabay tango.Ngumiti s'ya sa asawa, at naglakad na sila pababa sa mahabang hagdan pababa sa tabing dagat. Magkahawak kamay silang naglakad ni Shawn sa tabing sa dagat. Ito ang unang beses na nakapamasyal silang mag-asawa sa tabing dagat."Ang ganda," bulalas n'ya. Habang pinanoood ang pag hampas ng tubig palapit sa nilalakaran nila, sinulyapan n'ya si S

  • Mrs Alvarez   Chapter 53

    Pagdating sa G. Saavedra Airlines binigyan muna n'ya ng space ang mag-ina para makapag-usap ng maayos ay makapagpaalam sa isat-isa.Pansin n'ya ang panay sulyap sa kanya ng byenan kaya duda n'ya s'ya ang pinag-uusapan ng mga ito. Baka sinasabi ng byenan kay Shawn ang sinabi nito kanina sa kanya kanina.Maya-maya pa ay tinawag s'ya ng byenan at sinenyasang lumapit. Naglakad s'ya palapit sa mag-ina. Sinulyapan s'ya ni Shawn, bahagya s'yang ngumiti kay Shawn, pansin n'yang naiilang sa kanya ang asawa. Marahil dahil sa mga nangyari sa kanila kagabi. Hindi pa kasi nila napapag-usapan ni Shawn ang tungkol sa bagay na 'yon, at tiyak mamaya 'yon ang pag-uusapan nilang mag-asawa."Take care to my son hija ah," sabi ng byenan. Tumango s'ya at ngumiti rito"Thank you Hainna," sabay yakap ng byenan sa kanya."Do everything for your marriage," bulong ng byenan sa kanya. "Yes po," sagot n'ya agad. Aayusin talaga n'ya ang lahat sa kanila ni Shawn. Aayusin n'ya ang pagsasama nila ng asawa.Pagsakay

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status