Share

Araw ng kasal

Chapter 7

Hapon na at bored na bored na si camilla dahil maghapon lang siya nakakulong sa kwarto ni cedrick,nag iisip siya kung anu ang kanyang gagawin dahil hindi niya Alam kung paano siya makatakas sa lalaki dahil bukas na silang itakda na ikasal,ayaw pa niya matali sa buhay dahil marami pa siyang obligasyon sa pamilya.At lalo lalong hinding hindi siya magpapakasal sa lalaki dahil hindi naman sila nag iibigan tulad ng tunay na nagmamahalan na mag asawa.

Habang palakad lakad ako sa kwarto ay biglang tumunog ang aking telepono.Sinundan ko ang tunog kung saan nagmumula at kung saan inilagay ni cedrick noong ipadukot ako.Nakita ko ang bag sa gilid at agad ko itong kinuha at hinanap ang tumutunog,ng makita ko ang aking telepono sinagot ko agad ng makita ko ang pangalan ng aking kapatid sa screen.Oh carlo napatawag ka???

Ate!!!ate!!!may malaki tayong problema kakausapin ka ni inay!!!

Inay si ate kausap ko na inabot niya ang telepono kay inay.

Camilla anak umiiyak na ani ng aking ina,yung lupa natin mawawala na mawawalan na tayo ng lupa at bahay..

Ho!!!bakit po inay anu ba nangyari gulat kong tanong sa aking ina.Nagpunta dito kanina ang mga taga bangko limang araw na lang ibinibigay nilang palugit sa atin anak.Nag loan ako sa bangko noong nagkasakit ang iyong tatay anak at ginawa kong collateral ang lupang taniman.Ang sinabi ng nagpunta kanina dito ay maisasama ang ating bahay dahil lumaki na ang tubo ng aking utang.limang araw lang ang binigay nilang palugit para makahanap tayo ng ipambabayad anak.Sinubukan kong maki usap kahit isang bwan tayong bigyan ng palugit Pero hindi sila pumayag hagulgol na ani ng kanyang ina.

Nay magkano daw po ba ang babayaran natin kung sakali po??

2 million anak kasama na ang bahay natin at lupaing taniman.

Napabuga ng hangin si camilla dahil sa narinig.Nasapo niya ang ulo dahil sa problema nilang kinakaharap,Saan sila kukuha ng ganung kalaking halaga.kahit ibenta pa niya ang kidney niya ay kulang pa.

Wag po kayong mag alala nay maghahanap po ako ng paraan pangako po.Sige po patayin ko po muna at tatawagan ko na lang kayo pag may balita po.

Sige anak mag iingat ka jan,pasensya kana anak pati ikaw nadamay.

Nay wala pong problema sa akin ang importante ay magkakasama nating harapin ang problema.Ako na po bahala.

Kanina pa ako nakatulala at nag iisip kung anung solusyon ang aking gagawin at kukuha ng malaking halaga.

Isa lang ang pumapasok sa aking utak kung sino ang makakatulong sa akin.Kahit labag man sa loob ko na tanggapin ang kasal na inaalok ni cedrick ay lulunukin ko na lang ang aking pride kung siya ang sagot para maresolba at matubos ang aming bahay at lupa.Buo na ang aking desisyon para pumayag na magpakasal.

Alas siyete ng gabi hinihintay ko na pumasok si cedrick sa silid upang kausapin ito.Nahihiya man ako ay wala akong magawa at siya lang ang bukod tanging makakapitan ko.Ilang sandali ay pumasok nga si cedrick na may dala dalang tray ng pagkain ko.

Inilapag ni cedrick sa table ang pagkain niya at tinignan siya.What may gusto ko bang sabihin.???

Nag aalangan man sa sasabihin ay pinilit niyang muna lumunok ng laway bago nagsalita.ahh!!!anu kasi nauutal ako sa harap niya.Sa kasal na alok mo hmmmft anu..!!!pumapayag na ako magpakasal sayo..Basta tumupad ka sa usapan na babayaran mo ako kailangan ko ng 2 million kailangan ko yun bago matapos ang limang araw.Kinapalan ko na ang aking mukha sa pagsabi.

Really pumapayag kana.Well about sa pera walang problema ita transfer ko ba sa account mo or cash?Tanong ni cedrick?

Cash na lang isa pa hindi muna man ako pinapayagang lumabas ng bahay mo.

Ok no problem ibibigay ko agad..be ready tomorrow na ang kasal at tatawagan ko na lang ang abogado ko.Kumain kana bago pa lumamig ani ni cedrick bago pa lumabas ng silid.

Kalma self para sa ikakabuti ng pamilya mo ito at para sa magulang ko.Pang aalo ni camilla para sa sarili.Kinuha niya ang pagkain at inumpisahan ng magsubo.Pagkatapos niyang kumain ay inilagay lang niya sa gilid ng pinto ang tray dahil hindi pa siya makalabas dahil sa naka lock ang pinto ng silid.

Pagkatapos ko kumain ay pumasok na Ako sa banyo para maligo,sinabon ko ang buo kong katawan at nag shampoo ng mga buhok,kumpleto ang gamit ng pambabae sa paliguan.Pagkatapos ko maligo ay humiram Ako ng boxer shirt ni cedrick at puting t shirt niya.Wala akong gamit dito sa resthouse dahil dinukot lang naman niya ako.Pagkatapos kong magbihis ay nagpatuyo muna ako ng aking buhok bago humiga sa kama…

Araw ng kasal namin ngayon ni cedrick.Ayon sa kanya alas diyes pupunta ang attorney na magpapakasal sa amin.Kinuha ko ang damit na nasa paper bag na dinala niya kanina dito sa silid.Inilabas ko ito at tinignan,Isang bestidang puti na may mga bulaklak sa ibabang dulo.

Fighting self..matatali na talaga ako sa taong hindi ko mahal Pero Wala ako magawa..Kung sana mayaman lang kami ay hindi ko mararanasan ito.Pero ipinanganak lang akong dukha.Kahit sa ganun man ay masaya ang aming pamilya at nakakain kami ng tama.Ito ay isang problema na diko susukuan kaya kong gawin ang lahat alang ala sa aking pamilya.

Kaya naghanda na ako at

pumasok na sa banyo.Naligo ako ng mabilisan at nagpatuyo ng buhik,nagsusuklay na ako ng aking buhok ng pumasok si cedrick sa kwarto.

Are you ready???after 30 minutes we will be start ani niya sa akin.Lumapit siya sa akin at tinitigan ako.Your dress will suit you sweetheart.Habang pinupuri niya ako ay pinatakan ako ng halik sa noo.Nabibigla ako minsan sa mga kilos niya na hindi nagpapahalata.

Ok im ready ani ko.

Lets go!!!lumabas kami ng silid at nasa likod lang ako ni cedrick na nakasunod sa kanya pababa ng hagdan.Tumitingin ako sa paligid dahil sa maalwa niyang bahay at naglalakihang chandler.Dahil sa pagtitingin ko sa paligid ay hindi ko namalayan na sa aking pag apak ay namali ako at sumubsob ako sa likod ni cedrick na agad naman akong hinarap at inalalayan.

Be Careful sweetheart watch your step,and don't be nervous hindi kita kakainin ng buhay Pero kakainin kita sa sarap bulong nito sa akin.

Pervert!!!kumalas siya sa pagkakahawak ni cedrick sa kanyang baywang at lumayo siya dito.Kahit pa hiyang hiya siya kanina ay nainis siya sa lalaki dahil sa mga iniisip at ang bunganga niyang walang preno.

Nang makababa sila ay naroon na si attorney.Jerome Nixon eto ang pinagkakatiwalaan niyang attorney na makakatulong kay cedrick.

Thank you for letting my invitation atty.by the way this is my becoming wife camilla florentin,and camilla sweetheart this is atty.Jerome Nixon siya ang magkakasal sa atin.

Nice to meet you miss florentin sabay abot ng kanyang palad na agad ko namang tinaggap at kinamayan.

Nice to meet you atty.sabay ngiti niya ng peke.

Can we start now?after this i have a client waiting for me.But we need a witness ani ng attorney.

Sure Yes we proceed in my library ani ni cedrick.,Bago sila naglakad papuntang library ni cedrick ay Dumating ang kanyang kaibigan na si Saimon na isa sa witness,kasama ang driver niya at si aling cora na nagpalaki sa kanya.

Nagpalitan ng vow ang dalawa sa isat isa at nangakong mag mamahalan sa kabila ng hirap at ginhawa. Ng matapos silang basbasan ni attorney ay inanunsyo na nito na sila ay mag asawa na.

Wala bang kiss jan kantyaw ni saimon sa bagong kasal na kaibigan.Kiss!!!kiss!!!kisses!!! Sigaw pa ni Saimon,hinawakan ni cedrick ang mukha ni camilla at hinalikan ito sa labi…

Congratulations bro Ani ni Saimon sabay lahad ang kamay nito naa agad naman tinanggap ni cedrick nakipagkamay siya sa kaibigan at nagpasalamat.Ito lang bukod tanging niyang inimbatahan sa kanilang magkakaibigan..

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status