''kamusta ang pag stay niyo sa ibang bansa .Hindi niyo na naisip umuwi man lang .Bakit wala pa akong apo ?" tanong ni Melissa sa anak niyang kararating lang galing sa Canada .Nagpasya silang doon muna sila ni Faye tumira para maging malaya at hindi nakiki alam ang mga magulang ni Faye sa kanila . ''Hindi po ako pwede magbuntis mommy kasi may mga gamot akong iniinum at risky sa amin pag nagkataon '' pero ang totoo ayaw niyang mabuntis na nakasakay lang sa wheelchair at ayaw niyang matuon sa iba ang pansin ni Theo gusto niya sa kanya lang . '' oo nga pala I am sorry iha '' biglang nalungkot si Melissa sa nalaman niya .Parang hindi na matutupad ang kanyang pangarap na magkaroon ng apo . Hindi nalang umimik pa sa Theo at pinagpatuloy ang pagkain .Ilang beses lang may nangyari sa kanila ni Faye kaya malabong mabuntis niya ito . Lasing siya tuwing may nangyayari sa kanila at nakukulangan siya sa init kaya nagawa na rin niyang nagloko sa ibang bansa na hindi alam ni Faye . ''ayos lan
'' hiyang mo sa ibang bansa beshy '' hindi makapaniwala si Diane na mas gumanda pa ang kanyang kaibigan simula nagpunta sa ibang bansa .Kulang isang taon lang siya doon nagmalagi pero nagmukhang totoong amerikana ang mukha ni Cashandra . ''anong hiyang pumayat nga ako eh !'' para sa kanya hindi niya kayang tumira sa isang malamig na lugar mas sanay parin siya ng pinas .Napansin din ni Diane na pumayat nga ang kanyang kaibigan kaya muntik ng hindi niya makilala ito kanina . ''Bakit pala umuwi ka agad hindi kaba masaya doon ?" hindi na siya nagtatrabaho pa sa kompanya ni Nich dahil sa naganap na pang gugulo ni Lucas sa kanya .Kaya nagpasya siyang umalis ng bansa at makipagsapalaran kasama ang ina ni Diane na siyang kumuha sa kanya sa amerika . ''bakasyon lang ako o di kaya maghahanap ako ulit ng work dito yung safe and secured na ako kay Lucas '' naipakulong nila si Lucas at laking gulat niya ng makabalas din ito . ''wag kang mag alala naka move on na yon dahil buntis na ang girlf
Hindi makapaniwala si Nich sa kanyang nakikita .Ibang iba na ang Cashandra na nobya niya ngayon .Lalong gumanda at pumuti ito galing sa amerika kaya kahit sino walang makakakilala lalot marunong na itong mag ayos ng mukha . ''you look gorgeous! '' paghanga niyang saad. Ibang iba ang Cashandra na nakilala niya noon kumpara sa Cashandra na nobyo nya ngayon .Isang buwan palang sila ni Cashandra at sinagot siya gamit ang videocall kaya ang saya niya noon dahil tatlong buwan niya itong niligawan at lagi siyang pumupunta sa Amerika makita lang siya . ''thank you babe ! ikaw lagi mo akong sinasabihan ng ganya ah .'' masyado na siyang flattered kay Nich at nasasanay na siya lagi . ''hindi ako magsasawang sabihin ito sayo babe dahil totoong napakaganda mo at lalo kang gumanda '' nasanay na siya sa laging pagpuri sa kanya ni Nich kaya minsan wala na rin sa kanya ang kilig dahil araw araw niya itong sinasabi na maganda siya at ang salitang I love you ay laging meron araw araw .Nagtataka siy
Naiinis na bumalik si Cashandra sa party hindi niya makakalimutan ang nasilayan niya sa banyo . Nanlalamig parin ang mga kamay niya dahil nakikita niya si Theo na nakatingin mula sa gawin nila ni Nich . ''babe gusto ko yon '' tinuro niya ang isang pagkain at agad naman pumunta kumuha si Nich para sa kanya . '' here's your order ma'am '' natawa nalang si Cash sa kalokohan ni Nich .Hindi niya maitatanggi pero malakas ang humor ni Nich pagdating sa kanya . ''uyy mukha atang nakatingin kana naman kila Nich ?" binigay ni Zyrius ang isang baso ng wine . Kanina pa niya nahuhuling nakatingin si Theo sa babaeng kasama ni Nich . ''girlfriend niya ba ang kasama ?" tanong nito sabay inom ng wine pero hindi parin maalis ang mata sa babaeng walang paki alam sa kanya . ''yes at isang buwan na ata sila according to my twins .'' ''hindi mo ba naalala yang babae ?" tanong nito kay Theo .Kilala niya ang babae dahil ito ang gusto noon ni Theo kahit hindi niya sabihin na gusto niya ang dal
Nakatingin ang mag asawa sa anak nilang si Faye na bigla bigla nalang itong umuwi sa kanila kahapon .Alam nilang may mali dahil lalong nangayayat ang anak nila sa piling ni Theo . '' papayag ka bang ganon nalang gawin sa anak mo ang balewalahin ni Theo ?'' ''at sino nagsabing papayag ako nahihibang ka ba Lumina sinong ama makita ang anak na nasasaktan kahit hindi nagsasabi ng problema ang anak mo alam ko may kinikimkim yan '' kuyom ang palad ni Fidel habang iniisip ang mukha ni Theo .Hindi niya gustong wala itong paki alam na basta basta nalang umalis ang anak niya sa kanilang bahay ng gabi Tahimik lang si Faye na nakatingin sa swimming pool .Ito ang kahiligan niya noong kompleto pa ang kanyang mga paa. Naawa na siya sa kanyang sarili dahil sa lahat ng gusto niya ay hindi na niya magawa .Kahit ang paligayahin niya si Theo ay wala parin sa kanya . (flash back) Lasing na lasing si Theo umuwi at alam niyang galing sa bar ang kanyang asawa dahil ayon sa kanyang inutusan na sundan
''Cash sabi ni Zedo binilin sa kanya ni Zyrius punta ka na raw ngayon sa kompanya nila '' labis ang tuwa ni Cashandra sa sinabi ni Diane akala niya wala na siyang mapapasukan pa na kompanya ayaw naman na niya bumalik pa sa kompanya ni Nich dahil ayaw niyang ma issue at baka sabihin ng lahat na sinasamantala nila ang pagiging magkarelasyon nilang dalawa .''sige at magbihis lang ako.'' maaga pa naman at sabay nalang sila ni Diane umalis dahil papasok na rin ito sa kompanya ng Fortillen.Gustong siyang ipasok ulit ni Diane sa kompanya ng mga Fortillen pero hanggang ngayon hindi parin niya nakakalimutan ang nangyari sa kanya kahit napatunayan ng wala siyang sala dahil si Irene natanggal na rin tulad niya . ''tara na'' saad nito saka sumakay sila sa kanilang kotse .Hindi na niya sinabi pa kay Nich ang tungkol sa pag apply niya ng ibang work dahil ang gusto nito magpapatayo nalang siya ng simpleng business .Pero hindi niya tinaggap dahil kakaahon niya lang at wala na siyang iisipin pa .Gu
Habang kumakain sila ng hapunan ay naisip ni Diane tanungin kung alam naba ni Nich ang tungkol sa trabaho ni Cashandra. ''alam naba ni Nich na nagtatrabaho ka doon sa model agency ?" Tinigil muna ni Cashandra ang pagkain at naisip niya hindi pa pala niya nasabi kay Nich ang tungkol sa bago niyang trabaho .Umiling siyang humarap kay Diane at nagdadalawang isip siya na aminin kay Nich dahil sigurado siyang hindi papayag ito . ''dont worry ako bahala kay Nich '' ''pero mag uusap kami mamaya .Tawagan ko siya '' ''ano kaba magkalapit lang bahay natin sa kanila puntahan natin siya mamaya after natin kumain lalot nabalitaan ko may bago daw recipe si tita Gil ng cake '' nasabi kanina ng ina ni Nich na punta sila sa kanila para tikman ang gawa nitong cake .Pumayag na rin siya sa mungkahi ni Diane at tinignan niya ang oras mag alas syete palang naman ng gabi kaya maaga para para mangapitbahay muna sila . Muli niyang naalala noong bata siya laging nasa kapitbahay sila ng kanyang ina
'' mag ingat ka doon besh " hindi na muna pumasok ng trabaho si Diane dahil tutulungan niya si Cashandra mag impake at para na rin ihatid niya ito para sa pagpunta nito sa palawan . ''ano kaba palawan lang ang pupuntahan ko '' natatawa niyang sagot sabay lapag ang isang maleta pababa ng kotse . Nagyakapan muna sina at nagpaalam sa isat isa .Parang kapatid na ang turingan nila kaya hindi nila maiiwasan mamiss ang isat isa. Pinaalis muna ni Cashandra si Diane bago siya pumasok sa kompanya dahil ayon kay Zyrius doon sila magkita kita bago pumunta . ''kala ko po magresign na po kayo ?" tanong niya sa dating assistant ni Zyrius nagtaka siya dahil naroon at may dalang maleta . ''orient muna kita sa lahat ng gagawin mo at nakiusap sa akin si Zyrius '' hindi niya masabi kung mabait o masungit ang babae dahil malumanay magsalita at hindi palangiti .Nakasuot ito ng makapal na salamit at manang manamit . ''wag mo akong tignan ng ganyan !'' bigla siyang nahiya sa kanyang inasal
'' sir Amber may naghahanap po sa inyo at sa babaeng kasama niyo ?" hindi makapaniwala na may nakatunog na agad sa kanila na nasa hotel na sila .Napapaisip siya kung sino nga ba si Cashandra at mukhang talagang pinaghahanap .Nakapa impossible sa kanya na hindi makapangyarihan ang taong nagpahanap sa dalaga dahil ngayon lang sila tumungtong sa syudad . ''sino daw sila?" tanong nito kailangan niyang makasigurado kung tama ba ang hinala niyang ang dalaga ang hinahanap nila . ''kaibigan po ni ma'am Cashandra.Yon naman po ang sinabi nila sa akin '' sagot ng manager sa kanya . ''sabihin mo mag hintay sila sa restaurant .Nadala niyo na ba ang pagkain ni Cashandra?" ''ipapadala palang sana sir . '' mabilis nitong sagot . ''huwag na at kasama ko nalang siya papunta sa restaurant '' lumabas siya ng opisina at nagtungo sa kwarto ng dalaga .Kailangan niyang kumpirmahin kung si Cashandra nga ba ang sadya nila . ''Cash '' kumatok muna siya ng dalawang beses saka bumukas ang pintuan . ''oh A
''dito muna tayo sa hotel hanggang hindi pa bumabalik ang normal na isip mo '' tinignan niya si Ambo . ''baliw ba ako ?" seryosong tanong niya dahil sa pagkakasabi nito na hindi normal ang kanyang isip ay parang baliw siya sa kanyang pagkakaintindi ''I mean gumaling yang amnesia mo .Ipapagamot din kita bukas. '' tumango lang si at hindi na muna umimik habang tinitignan ang kwarto niya sa hotel .Mamahalin ang piniling hotel ni Ambo .Parang wala siyang kaalam alam dito sa syudad .Nasa isip niya parin ang kanilang bahay .Paanong nangyari na walang tao doon at bakit hindi niya maalala kung ano nga ba ang nangyari . ''mukhang malaking abala na iyon sayo ?'' nakaramdam siya ng hiya dahil ang dami ng nagawang mabuting bagay sa kanya si Ambo . ''naku hindi !!! makatulong lang ako sayo maayos na iyon .Tawagin mo nalang ako kung may kailangan ka .Padala ako mamaya ng pag kain mo dito '' ''salamat pala sa lahat .'' tanging salita nalang niya .Titiisin na muna ang tumanaw ng utang na loo
Mahigit limang oras ang kanilang byahe bago sila nakarating .Mabuti nalang at maalala ni Cashandra ang kanto papasok sa kanila . ''dito na ako salamat pala Ambo '' tatanggalin na sana ni Cash ang seatbelt niya ng biglang hinawakan siya ni Ambo sa braso . ''pasensya na Cash pero sure ka bang bahay niyo iyan .Parang wala namang nakatira '' tinignan ni Cash ang bahay nila at ibang iba sa kanyang isip .Kunot noo siyang mabilis bumaba dahil hindi ganito ang kanilang bahay . ''ano nangyari ?" tanong niya sa kanyang sarili .May nakita siyang nagsasampay malapit sa kanilang bakuran .Nagtataka siya dahil matanda na ito gayong ito lagi ang laging kaaway ng lola Madel niya noon . ''aling Sima nasaan sina lola at ang papa't mama ko ?" kinilabutan si Sima dahil sa tanong ng dalaga .Inalala niya kung si Cashandra naba ang dalagang nasa harapan niya . ''Cashandra anong pinagsasabi mo matagal ng patay ang mama at papa mo ..tapos ang lola Madel mo kasama mo siyang pumunta sa syudad '' ''s
'' ineng nanaginip ka ...'' dahan dahang nagmulat si Cashandra.Naramdaman niyang may gumigising sa kanya .Pagkamulat niya ay isang matandang babae at hindi niya kilala ang nasa harapan niya . ''ako si Magda at siya naman ang asawa ko si Bon '' may edad na ang dalawa at sa tingin niya mangingisda ang mag asawa . ''ano ang nangyari sa akin bakit ako nandito ?" nilibot niya ang buong paningin niya sa bahay ng mag asawa .Maliit lang na kubo at maraming isda na naka sabit . ''hindi mo ba naalala ang nangyari sayo , nakita ka namin palutang lutang sa dagat .Akala namin patay kana pero bigla kang gumalaw pagka ahon namin sa katawan mo .May suot ka lang na bra at panty tingin namin nalunod ka .Pero ineng hindi namin sigurado iyon dahil ang dami mong sugat at mukhang napahirapan ka ?'' pikit mata niyang inalala lahat kung ano nga ba nangyari sa kanya pero ni isang bakas sa ala ala niya wala .Ang tanging tumatakbo sa kanyang isip ay ang lola Magda niya at magulang niya na nasa bahay ni
'' mukhang tama nga ang sinabi ni misis Vargas sir . Tignan niyo ang cctv tumakbo palayo si Cashandra pagkabukas ng elevator .Hindi naman hinabol ng mga lalaki pero mukhang takot na takot si Cashandra at may kasama silang babaeng lumabas din sa elevator pero ang babae ay kasama nilang pumasok sa loob ng kotse nila Lumina '' tinitigan niya ang kuha ng cctv .Alam niyang hindi si Cashandra iyon dahil ito kanina ang mabilis na tumakbo .Kilala niya ang suot na iyon dahil isang beses na niyang nakita na suot ni Thania ang damit na iyon . Halos masugatan ang kamay niya dahil sa kuko nitong nakabaon mula sa kanyang palad. Doon niya pinunta ang galit na galit niyang pakiramdam.Wala din mahanap ang mga tauhan nila . '' na trace naba kung saan pumunta ang sasakyan nila Lumina ?"''oo sir at sa sementeryo.Ito ang kuha ng cctv bumaba sila kasama sa kotse at pumasok silang lahat.'' naawa na rin si Miguel kay Theo wala na itong tigil sa kakahanap at kakautos sa mga tauhan niya para lang mahanap s
'' andito pala ang mistress ni Theo noon .Nandito kaba sa hospital para magkunwaring kaawa awa ha ?'' isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ni Cashandra nagtataka siya kung ano ang kasalanan niya sa ginang . ''nakita niyong masama ang pakiramdam ng kaibigan ko .'' pagtatanggol ni Diane .Nakalimutan niyang tiyahin niya pala ang sumugod . ''isa kapa Diane kinukunsinti mo ang tulad niya hindi ka man lang nahiya kinakampihan mo ang tulad ng babaeng iyan '' biglang naawa si Diane sa kaibigan niya dahil sa pamumula ng pisngi nito .Bakat ang palad ng tiyahin niya sa mukha ni Cashandra. Tumingin siya sa pintuan dahil wala parin si Theo lumabas lang ito para kausapin ang tawag ng ina nito mula sa cellphone . '' halika ka dito '' dahil sa sobrang galit ni Lumina wala siyang paki alam kung nasa hospital siya .Hinila niya ang buhok ni Cashandra at kinaladkad ito sa labas papunta sa elevator. ''Tama na po '' wala naman nagawa si Diane dahil pinigilan siya ng dalawang lalaki .Hindi n
'' hindi ko alam na allergy pala si Gabe sa hipon at si Xavi sa mani .Si Xeruis naman ay ng manok ang daming pagkakaiba ang mga anak mo Theo ang swerte ni Faye at nagkaroon kayo ng anak tulad nila '' nasa swimming pool sila ngayon at pinapanood ang mga bata habang tinuturuan ng mga swim instructor. Hindi pa siya handang sabihin kay Theo ang naganap kahapon sa kanila ni Zyruis ayaw niyang mag away ang dalawa dahil sa kanya . ''oo ang dami nilang pagkakaiba .Hindi namin silang totoong anak .Ampon lang namin sila at naiintindihan naman nila iyon .Pero hindi nararamdaman ng puso ko na hindi sila galing sa akin .Nanaig ang lukso ng dugo na para bang galing sila sa akin '' ''bakit saan ba galing ang mga bata ?" tanong nito . Mas marami pa pala siyang malalaman na katotohanan tungkol sa buhay ni Theo nagtataka siya kung bakit hindi niya anak ang mga bata gayong kahawig naman niya ang mga ito .May kahawig din ang kanyang yumaong asawa . Kung para sa kanya parang hindi siya naniniwala na
'' talagang ang tigas ng ulo mo Cashandra ''laking gulat ni Cash dahil sa pambubulyaw ni Zyruis sa kanya . Wala siyang kasama sa baba ngayon dahil may pinuntahan ang ina ni Theo at ang mga bata naman ay abala sa tutor sa kabilang bahay na siyang nagiging paaralan nila .Hindi niya inaasahan ang biglang pagsugod ni Zyruis sa bahay nila Theo . Akala niya nasa business trip ito dahil iyon ang sinabi ni Theo sa kanya nakaraang araw . ''grabeng pambubulyaw iyang Zyruis may nagawa ba akong mali at ganyan mo ako kausapin ?" magkasalubong ang makakapal nitong kilay habang nakatingin sa kanya . ''ano ba pinakain sayo ni Theo at pumayag kang tumira dito sa kanilang bahay .Hindi kaba nahihiya .Wala pang isang taon ang asawa niya o ni man lang dalawang buwan Cash '' ''wala naman masama ang relasyon namin mahal namin ang isat isa .Hindi ko naman pwedeng tanggihan ang gusto niyang mangyari ang maging ina ng mga triplets '' lalong nanlumo si Zyruis sa narinig . Pakiramdam niya balang araw ma
''How did you find mommy? Is this true daddy ?'' saad ni Xavi . Halos walang kurap kurap ang triplets habang nakatitig sa kasama ng kanilang ama .Ngiting tipid ang ginawa ni Cashandra at umupo sa para pumantay sa tatlong naggwagwapuhan na mga bata .Mata palang kuhang kuha nila sa kanilang ama .Muli na naman niya naalala ang kanyang anak .Sa tingin niya kasing laki na sana niya ang tatlong bata na nasa kanyang harapan .Hindi siya makapaniwala na nagkaroon nga talaga ng anak sina Theo at Faye . Nagmadaling niyakap ng Triplets si Cashandra.Masaya sila dahil nahanap na ng ama nila ang tunay nilang ina .Wala namang imik si Theo hindi niya gustong sabihin ang totoo sa mga bata na hindi si Cashandra ang tunay nilang ina dahil sa nakikita niyang reaksyon ng mga bata pagkakita kay Cashandra. ''mommy ang tagal namin hinintay na nahanap kana namin '' pinunasan ni Cashandra ang mga luhan ni Xeruis. Laking pagtataka ni Theo dahil ngayon lang umiyak ang anak niyang napakaseryoso .Muling niyak