PAPUNTA ako ng cosplay club ng harangin ako ni Xander. Halos isang linggo ko na din siyang iniiwasan simula nung nangyare sa veranda ko. "Dahil ba to sa nagawa ko?" Hindi ako sumasagot. Nagpatuloy lang ako sa paglakad. "Humingi na ko ng sorry, diba? Ice! Talk to me." Pangungulit niya pero nananatili akong tikom. Hinawakan niya ako sa kamay ng pagka-higpit kaya napilitan akong harapin siya. I compose myself. Honestly, I can't look at his eyes, nasasaktan ako. "Please, Xander. Just leave me alone." Muli akong lumakad bago pa man tuluyang hindi ko makontrol ang nararamdaman ko. "Ganun na lang yun? Wala lang ba ako sayo? Itatapon mo na lang lahat ng pinagsamahan natin?" Saglit akong tumigil sa pangalawang pagkakataon. "Sana naisip mo yan bago mo yun ginawa, Xander." Himutok ko. Ayoko siyang mawala sa buhay ko pero mas hindi ko kayang iwan ako ni Avry. "No! I don't believe you. Dahil to kay Avry diba? Pinagbawalan ka nya? Ano mas matimbang na ba siya kaysa sakin?" Oo! Xander, oo.. O
NAGLALAKAD na kami nila Rafa papunta sa klase namin kay Ms. Enriquez na hindi na napag-usapan yung kanina sa washroom. Kulang kasi ang oras para i-kwento ko pa sa kanila ang nangyare sa'men ni Xander. "Wifey.." Napatingin ako sa babaeng nasa pintuan. Hinaplos lang ako ni Kera sa likuran at si Rafa naman nginitian ako na parang nagsasabi na andyan lang sila para makinig, damayan ako anumang oras na kailanganin ko sila. "Are you alright? Did something happen.?" Nag-aalalang tanong nito ng mauna na sila Rafa pumasok sa loob.Nasa bewang ko ang kamay niya. Ngumiti ako, tinatago ang tunay kong nararamdaman. Saka siya pinatakan ng halik sa labi niyang namumula di dahil sa lipstick pero sa natural na kulay nito. Sarap lang laplapin kung kaming dalawa lang siguro ang andito. Hmmm.. Calm down, self! Mukhang wala pa si Ms. Enriquez kasi naka-tambay pa ang ilan dito sa labas sa may railings. May nag-tiktok pa nga. Meron naman mag-jowa na nag-lalandian. "May training ako after this. Can yo
SA SINABI ko kanina for sure nagkaroon na ng idea si Kera at Rafa. They know how important Xander is to me.Una si Xander sa buhay ko bago sila kaya alam kong naiintindihan nila ko regarding sa nararamdaman ko kay Xander. Tapos na ang discussion, nagsi-alisan na ang lahat at naiwan kaming dalawa ni Avry. Ramdam kong kanina pa siya nagpipigil. Inantay lang talaga niya matapos ang klase namin kay Ms. Enriquez. Kumaway lang kanina sakin sina Kera, sumenyas naman si Rafa gamit ang phone niya, nagsasabing chat ko lang sila. Alam kong alam na ng mga ito na may seryosong pag-uusapan na magaganap sa pagitan namin ng girlfriend ko kasi nakuha pa nilang isara ang pinto after nilang last na lumabas. "So, he's the reason bakit ganun ang mukha mo kanina? Nagkita kayo at wala kang balak sabihin sa'ken." Napasinghal ako. Meron na agad siyang conclusion na nabuo sa utak niya. "Hindi yun ganun, Love. Hindi naman expected yung pagkikita namin ni Xander. I'm on my way sa cosplay club ng pilit niya
"Hmmm.. Enough na gorgeous." Pinang-harang ko ang palad sa labi ko dahil mukhang wala siyang balak lubayan ako sa mga mapupusok niyang halik. "Uhmm.. Sorry. Sorry." Sabi nitong ma-aliwalas na ang mukha at wala na ni katiting na bakas ng galit. Naka-pulupot pa din sa waist ko ang mga kamay niya. "I love you," puno ng emosyon niyang sabi," I'm sorry for always making you cry." Ngumiti lang ako na parang nagsasabi na okay lang. Ang mahalaga naso-solved namin ang problema. "Such a cry-baby." Nahampas ko siya sa braso pero mahina lang naman. "Seriously, sorry Love. I'm sorry and I love you." "I love you more, Love. Halika na? You have training, right? You can't be late." Pinag-siklop niya ang mga daliri namin saka sabay na lumakad palabas ng room. Humabol pa ito ng halik sa gilid ng noo ko. Andito na kami ngayon ng girlfriend ko sa Natatorium ng school."You'll be fine here?" Masuyo niyang tanong. Nakaupo na ko dito sa unahang row ng bench kung saan mas malapitan ko siyang mapapanoo
LULAN ng kotse ni Avry on the way to Samson University na kami. May extra uniform din kasi siya sa Condo ko kaya walang hassle para umuwi pa siya sa kanila. Sabay pa nga kaming naligo pero walang nangyari. Nire-respeto niya ang sinumpaan kong kasal muna bago sex. Nasa hallway kami ngayon, magka-hawak kamay na naglalakad. Pinagti-tinginan kami ng bawat student na madaanan pero parehas kaming tila nasa ibang mundo. Mundo na kaming dalawa lang ang andoon. We love each other this much. We're so in love like everything's so perfect. Ang gaan lang ng buhay. Not until. "Ice, can we talk?" Marahas niya akong hinawakan sa kamay. Di ko siya napansin ngayon lang sa mga mata niyang matalim. Sobrang talim. "Let go of my girlfriend you asshole!" Marahas na inagaw ni Avry ang braso ko kay Drei. Mas lalo itong nagalit. "Tss.. This girl? Seriously, Ice? What did you see to this dyke?" Mabilis ang kamay kong nasampal siya. "What's wrong with you, Drei? Huh?" Tiim bagang na hinawakan niya ang pisn
DUMATING ang lunch namin kaya papunta na kami ng Cafeteria nila Kera at Rafa. Nakapag usap na din kami ni Avry sa chat na dito na lang sa University kumaen at wag ng lumabas. Mapilit siyang mag lunch out pero tumanggi ako. Hindi dahil ayaw ko pero gusto kong mapalapit siya sa mga taong malapit sa puso ko. Kay Kera at Rafa. Umaasa akong isang araw ganun din kay Xander. Hindi ko sinusukuan ang bagay na yun, ang maging okay sila ni Xander. "Kalma na Ice Queen." Nawala ang tingin ko sa phone ko sa sinabi ni Kera. "Simula ng maging kayo, ikaw na ang pumalit sa'ken." Dagdag pa nito. "Panay phone ka na din." May halong tawang komento niya. Ngumingiti ngiti lang din si Rafa na nasa tabi niya. Kanina pa nga sila sweet kaya namimiss ko tuloy girlfriend ko kahit four hours mahigit pa lang kaming hindi magkasama. "Speaking.. Your girlfriend's here." Sabi ni Rafa na nagpatalon sa puso ko. Lagi akong excited makita siya. Malapit na din kaming mag three months pero parang bago pa din ng lahat
SPEAKING of Xander. Shit! Shit! Shit! Not now, please. Palapit ito sa table namin. "Ice.. Birthday ni mama. Ini-invite ka niya." Yun lang at umalis din ito agad. Hindi nga inantay man lang kung may sasabihin ako. Patagong humugot ako ng hininga. Alam kong hindi ako papayagan ni Avry pero si Tita Lena yun. For sure magtatampo siya kapag di ako nagpakita kahit saglit man lang. Napansin kong tila nauunawaan ni Kera ang bumabagabag sa'ken. "Invited din kami, Ice. Isama mo na din si Val. Tita Lena knows naman na girlfriend mo siya." Tama siya at hindi naman ito ang unang magsasama ako ng karelasyon sa birthday ni Tita Lena pero hindi kasi yun ang malaking problema. Hay! Ice Queen! What should I do now? Help me, God... "I won't mind, going." Sagot ng katabi ko. Bakas pa din ang kawalan nito ng wisyo. "Alright, then let's go together, Love." Pinilit kong kumalma. Bumalin sa pagkain ko. Natapos ang oras ng hindi bumabalik sa dati ang girlfriend ko. "I'll go ahead, guys. May training p
LUMIPAS ang dalawang araw na wala akong paramdam kay Avry. Ayoko siyang makausap kahit nami-miss ko siya. Baka sumabog ako kapag sinubukan kong makipag-usap sa kanya. Gaya ng dati, dito nanaman ako ng stay kela Kera. Sa University naman swerte at ako ang unang nakakakita sa kanya kaya agad akong nakakapag tago. "Ice.. She's calling me.." Napatingin ako kay Kera na kasama ko dito sa living room niya. Nanunuod kami ng cartoons. "How did she know your number?" Tanong ko. "I don't know. Perhaps sa registrar." Kibit balikat na sagot ni Kera. "Ano? Sasagutin ko ba?" Tanong niya ulit ng mag ring nanaman. "Don't!" Mabilis kong awat sa kanya ng akmang sasagutin niya nga. "What's your plan? Keep on avoiding her?" Hindi ko din alam. Di naman ako dating ganito. Kapag may gusto akong linawin, pag-usapan, i-confront sa mga ex ko noon ay nagagawa ko. Pagdating kay Avry, hirap na hirap ako kapag ganito na punong-puno ako na parang granada na sasabog kapag inalisan mo ng pin. "You should tal