YIEL AMAROMalalim na ang gabi at ramdam na ramdam ko ang lamig ng simoy ng hangin na siyang humahapyas sa aking balat. Mabigat akong napabuntung hininga kasabay ng pag-angat tingin sa kalangitan. Nagniningning, nagkikislapan ang mga bituin sa langit, tila buhay na buhay ang mga ito. Samantalang ang mga mata ko na siyang nakapukaw sa kawalan ay punong-puno ng kalungkutan, poot at hinanakit. Saksi ang buwan at mga bituin sa langit kung gaano kawalang buhay ang aking mga mata.Miss na kita Kuya.Bakit iniwan niya akong mag-isa? Bakit hinayaan niya na iwan akong luhaan at nagdurusa?Napasinghap ako sa hangin nang maramdaman ko ang mga nagbabadya kong luha, mabilis akong tumayo mula sa duyan na aking kinauupuan. Hatinggabi na, ngunit narito pa rin ako sa lansangan naghahanap ng matutuluyan.Matapos bawiin sa akin ng may-ari ng bahay ang tinutuluyan ko dahil hindi na ako nakapagbayad simula nang iwan ako ni Kuya, ay nanatili na lang ako sa kalsada. Naghahanap ng makukuhang disenteng traba
YIEL AMARONagkamali ako. Nagkamali ako ng desisyon. Kung alam ko lang na ang taong hinahanap ko ay siya ring taong kinamumuhian ko ang makakaharap ko ngayon ay sana hindi ko na lang pinagpatuloy ang pagpasok sa pintuan na iyun.Nagsisisi akong tinanggap ko pa ang alok ng lalaking 'yun."With worth of billion peso, plus, you could get everything you wanted in just a snap of your fingers," sambit nito kasabay nang pagpitik ng daliri sa kawalan."Just by marrying me," dagdag niya, dahilan para bumalatay ang napakalaking galit at inis sa buong mukha ko nang sambitin ng lalaking kinamumuhian ng buong pagkatao ko ang mga salitang iyun.I couldn't express anything, but anger, bitterness and resentment as soon as he let those shameless words from his mouth.Saan niya kinukuha ang kapal ng mukha na sabihin ang lahat ng 'to sa mismong harapan ko?At bakit naman ako magpapakasal sa lalaking isa sa mga kasamahan ng taong pumatay sa Kuya ko? They're bunch of stupid agents who were looking for my
YIEL AMAROSeeing him right now, parang unti-onti na siyang nawawala sa wisyo dahil panay na ang buntong hininga niya habang namumula na ang mga tainga. Napasinghal ako. Akala ko ba mabilis lang siyang malasing? Bakit hindi pa rin siya natutumba? Sinungaling.Sa inip sa paghihintay sa kanya ay napilitan na lang akong inumin ang alak na nasa harapan ko. Ngunit matapos kong inumin iyun ay nagulat ako nang bigla nalang bumagsak ang ulo nito sa lamesa.Saglit ko pang hinintay na muling umangat ang ulo nito, ngunit ilang segundo siyang nagtagal na ganoon ang puwesto. Kaya naman dali-dali ay kinuha ko ang remote control sa pocket ng polo niya nang masiguro kong tumba na nga ito. Nang sa wakas ay makuha ko iyun mula sa sleeve pocket niya ay nagmadali kong pinindot ang button nito at hinintay na bumukas ang pinto, pero nangunot ang noo ko nang walang nangyari, ilang segundo akong naghintay ngunit hindi pa rin ito bumubukas, bagkus aytumunog at umilaw lang ang remote na hawak ko.What? May p
YIEL AMAROIsang sinag ng araw ang tumama sa mukha ko ang siyang nagpagising sa akin. Akma na sana akong tatayo mula sa pagkakahiga nang kumirot ng matindi ang ulo ko kaya naman napahawak ako dito at napapangiwing ininda ang pagkirot nito."Ang sakit. Ano bang nangyari?" Pikit ang matang tanong ko sa sarili. Habang hinihimas ang sintido ko at pilit na hinihimay isa-isa ang lahat ng nangyari sa akin kagabi simula nang may lalaking nag-offer sa akin ng trabaho.Teka..Nanlalaki ang mga mata kong napadilat at agad na sinuyod ang buong paligid."Hindi.." hindi!Ang nangyari kagabi. Mula sa pag-scam sa akin ng Vante na 'yun sa remote control niya na akala kong way para makalabas ng pinto ay siyang naging dahilan kung bakit ako nauwi sa pag-inom at pagkalasing. Matapos no'n ay wala sa wisyo akong pumasok sa kwarto niya, kasunod noon ang-Napatakip ako sa bibig at unti-onti ay ibinaba ko ang tingin sa katawan ko. Binalot ng kaba ang dibdib ko nang makita kong nakabalot rin ang buong katawan
CHAOS VANTE"Are you sure about this, Z?" Tanong ko nang ipakita sa akin ni Chase ang transfer history sa bank account ng kompanya ko. It was a big money that got stolen from my bank."Yes, and guess who was it?" Natatawa niyang tanong."Tell me," hindi na maipinta ang pagmumukha ko sa pagtataka.Damn it, I was happy just this morning, pero ito ang bubungad sa akin?"That's your secretary Costello, bro. He stole billions of money in your bank habang wala ka at siya ang nag m-manage sa company mo." Natatawang sagot niya, dahil ang alam niya rin ay kay Costello ko pinahawak ang lahat sa kompanya, while I'm on the agency."How did you know about this?" Baling ko sa kanya."That's my mission inside your company, bro," kumunot ang noo ko."Iyung binigay kahapon ni chief na mission sa'yo?" Nagugulat na tanong ko na ikinatango niya naman. "Damn it," I scoffed."What's your plan? Bilis, patutumbahin mo ba? Gawin mo na, kailangan mo pang magkwento sa'kin, Chaos Vante. You already found Yiel n
YIEL AMARONakakalahati ko pa lang ang kinakain ko ay napahinto ako nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa noon ang isang babaeng matangkad, ubod ng puti, may hawak na sigarilyo, mataas ang heels, at masasabi ko bang maganda siya? Oo, sobra. Sobrang ganda niya, pero ang suot niyang sobrang ikli na talaga kinulang sa tela, dahil labas na labas ang kaluluwa nito ay siyang nagpa-iwas ng tingin ko sa kanya."Hi, dear!" Masiglang bati nito, nagulat pa ako nang bigla na lang nitong hinalikan ang pisngi ko kaya mabilis kong pinunasan 'yon.The fuck did she do?!"Oh, haha! I'm sorry for that. It's just how I greet people," ang ngiti nitong aabot na sa mga mata niya ay siyang nagpa-ngiti rin sa akin."Anyway, are you new here? Are you a virgin?"WHAT?Agad na nagkasalubong ang dalawang kilay ko sa naging tanong nito. Virgin? Do she really have to ask that to someone she just met? The hell is she doing?"Oh, my bad! Haha, you don't have to answer that, looks like you are naman," sambit nito
YIEL AMAROIlang oras pa ang tinagal ng biyahe namin nang huminto ang sinasakyan kong kotse sa isang mataas na building.Spedo Underground That was the name of the building, kapansin-pansin ito dahil sa napakatingkad na kulay at ilaw na nakapaligid dito."Come on, dear," pag-aya sa akin ng babae. Again, the two men that looks like a bodyguard escorted me towards the building. Wala naman akong nagawa kundi ang maglakad na lang dahil pakiramdam ko ay may mangyayaring hindi maganda sa akin kung aatras ako.Inilibot ko ang paningin sa paligid nang sa wakas ay makapasok kami sa building, it was big. Para itong hotel na mayayaman lang ang pwedeng pumasok sa sobrang laki at ganda."This way, dear." She pointed the door as we enter a hallway, mayroon doong nag-iisang pinto sa gitna. Sumunod naman ako sa babae at saka kami bumaba ng hagdanan.Maya-maya pa ay nakaramdam ako ng kaonting kaba dahil unti-onting dumidilim ang paligid, wala ng liwanag, dahil wala ng ilaw sa daan na tinatahak namin.
"50 million! Higher?" Sigaw ng babae na siyang nasa stage, katabi ang babaeng nakaupo ngayon sa isang upuan. She looks young, tila naawa ako sa itsura nito dahil ang inosente niyang tignan. Parang wala siyang alam sa nangyayari, she's just watching the crowd raising their hands, yelling a price to buy her. Not knowing she will be sold to someone she doesn't know.Kung nasasaktan ako para sa babae na ngayon ay siyang nasa stage, ano pa ako para sa sarili ko. I thought makakaalis ako kanina, pero I still ended up here. Panay ang baba sa suot kong napakaikli na damit, it's a spaghetti strap white fitted dress, ang ikli na nga ang fitted pa! Ano ba namang klaseng damit 'to?!"100 million!" Someone raise his hands atsaka nito inilapag ang case sa lamesa, kasama ang dalawa pang bag.Napanganga ako nang umangat ang ulo nito. The heck, hindi ko alam na may mga ganito kagwapong sumasali rito?"Going once, going twice! Any higher than 100 million?" No one answered."Thalia Lasuel sold out to
Ilang saglit lang ang binyahe namin ni Briana at huminto na ang tricycle na siyang sinakyan namin patungo sa building ng Delta Apparel.Ito ang unang pagkakataon na nakapunta ako rito at unang beses rin na nakita ko ito ng personal. Halos malula pa ako sa taas nito nang subukan kong abutin ng tingin kung gaano kataas ang building na siyang na sa harapan namin."Wew!" Narinig ko ang pagsipol ni Briana sa tabi ko. Halatang hindi rin ito makapaniwala sa nakikita. Mukhang hindi biro ang kompanya na ito dahil sa sobrang laki at lawak, hindi lang iyun, dahil kahit ang mga empleyado rito na siyang nakikita naming lumalabas ay mukhang mga galante rin dahil may kanya-kanya silang sasakyan."Para namang nakakahiyang mag-trabaho rito," napapakamot sa ulo na saad ni Briana at nagawa pang ayusin ang suot niya nang dumaan sa harapan namin ang isang babae na mayaman kung tignan dahil sa suot nitong napakagara."Huwag na lang kaya akong mag-apply? Nakakahiya. Tara na nga, Yiel, umuwi na lang tayo," a
Yiel Amaro"Ang galante pala talaga sobra ng Chaos Dale Vante na 'yun," hindi makapaniwalang sambit ko habang pinagmamasdan ang black card niya na siyang gagamitin ko para makakain ako ngayon.Ngayon lang ako nakahawak ng ganitong card at aaminin kong tumatakbo sa isip ko ngayon na maaari ko itong gamitin para makatakas. Pero naiisip ko pa lang kung gaano karami ang resources ng taong 'yun, ay hindi pa man ako nakakalayo, natunton niya na agad kung nasaan ako.Grabe, feeling ko talaga mamamatay na ako kahit anong oras.Until now, I still can't imagine kung gaano kalaking pera ang winaldas niya para lang bilihin ako. It annoys me, sa totoo lang. Sino bang hindi magagalit na ang taong bumili sa buong pagkatao mo ay ang taong kinamumuhian mo? Pero at the same time, I felt relieve dahil hindi ako sa matandang mukhang hukluban na iyun napunta.May silbi rin pala talaga ang kagustuhan ni Chaos Dale Vante na pakasalan ako dahil hindi niya talaga ako hinayaang mapunta sa iba, pero hindi ko si
CHAOS DALE VANTESipping my coffee while eyes dart outside the building, pareho kaming tulala ni Chase sa kawalan. I even heard him making sounds."Tss, problema 'tong pinasok natin," saad niya.It really is a problem, at halatang halata iyun sa mukha ni Agent Z, dahil mukha na siyang sabog ngayon.Hindi naman siya ang bumaril kay Ms. Terra, pero kung umakto siya at ang itsura niya ngayon ay mas problemado pa sa akin."Anong plano mo niyan, ghost?" Baling nito sa akin. I put my coffee down at muling napaisip.Plano?"I don't know," sagot ko na nakapag-pabuntung hininga sa kanya."Kailan ka ba nagkaroon ng plano tuwing may mission ka. Tss, sa bagay kapag naman naroon ka na sa eksena ay bigla mo na lang akong tatawagin at sasabihin sa akin ang dapat kong gawin at saka mo tatapusin ang mission ng malinis at mabilis," reklamo nito.That's the problem to me. I never ever tell what's my next step to anyone. Kaya naman minsan ay nahihirapan si Chase na sumabay sa akin dahil impromptu siyang
CHAOS DALE VANTEWay back to the agency, sinalubong ako ni Agent Z sa parking space when he heard that I'm coming."Grabe, ghost! I still can't believe that it was the Yiel you're talking about! She's hella deadly gorgeous, bro! Mula ulo hanggang paa. Just how lucky you are dahil nakatagpo ka ng isang Yiel Amaro." Unang bungad sa akin ni agent Z nang salubungin ako nito."Tss, ulol. Back off," iritadong saad ko."Luh, bakit parang ang init yata ng ulo mo at halos magrambulan na 'yang mga kilay mo sa pagkakakunot?" Natatawang tanong nito habang sinasabayan ang lakad ko patungo sa loob ng agency."At saka, hell with the back off, pre? You should said that to yourself. We both know that you spend all your time finding her for fucking 12 years. But suddenly, will appear as someone who knows a lot about our target? And what? Siya din pala ang magiging daan natin para mahanap si Akuji Morte. We don't know if she's dangerous, bro. Hindi natin alam kung anong alam ni Don Giovanni sa kanya, an
CHAOS DALE VANTEI don't know what to feel. Should I be happy knowing na lahat ay umaakma sa plano ko. O dapat ba akong mag-alala, knowing that it's Yiel, the Yiel I was looking for in my entire life. I know there's a part of me that I'm happy and I'm celebrating dahil in any way, I could finally live my life with her whenever I want to, pero bakit ako nag-aalala?Hindi kaya dahil alam kong malaki ang posibilad na madamay siya sa gulong meron kami? We're literally looking for the Heiress na siyang pumatay kay Don Rafael, at hina-hunting namin siya ngayon just to kill her, and Yiel Amaro is our lead to her. Hindi imposibleng may dumanak na dugo at may buhay na pumanaw dahil hindi ordinaryong buhay ang pinasok namin.We're surrounded by fire, everything is on fire because we're in hell.O baka naman nag-aalala ako dahil hindi ko naman talaga kilala kung anong meron kay Yiel Amaro? Kung sino talaga siya? We literally just met once, at bukod sa feelings ko para sa kanya na bitbit ko hangg
YIEL AMAROIsinara ko na ang pinto ng sasakyan at saka ako suminghap ng hangin at ibinuga iyun.This is it, Yiel. Ito na ang umpisa ng lahat, pero ang tatapos rin sa'yo.“Hi, Ms. Yiel,” gulat kong naibaling ang tingin ko sa lalaking nasa harapan ko na. Bumuka pa ang bibig ko nang mapagtanto kong ito iyung security guard na naging dahilan kung bakit natagalan pa ako sa pagtakas kaninang umaga dahil naharang niya ako. “Welcome back.” Nakangiting saad nito.Nahihiya naman akong ngumiti pabalik. Hindi ko alam kung ang ngiti niyang iyun ay natural o natatawa. Dahil ba alam niyang palusot ko lang ang lahat nang sinabi ko kanina at balak ko talaga ang tumakas? Ang sinabi pa naman ng Vante na iyun kanina ay matq-rack nila rito ang location ko kahit saan pa ako magpunta. Kaya ba naroon siya kanina sa Spedo Underground, dahil alam niyang naroon ako?Grabe, bilib na talaga ako sa kapangyarihan ng Vante na 'yon. Parang wala siyang bagay na hindi kayang gawin.“Tara po,” tumalikod na ito sa aki
YIEL AMAROAm I just imagining things or this jerk named Chaos Dale Vante really bought me for a freaking what? Five hundred billion dollars?Seryoso ba siya? Ano bang espesyal sa akin na mukhang kailangang kailangan niya para lang maglagas siya ng ganong kalaking pera? Am I that deadly gorgeous for him to chase me?Well, I'm sorry to tell him, pero binabawi ko na ang sinabi ko kanina. I'm not greatful at all na binili niya ako dahil kahit kailan ay hindi noon mababago ang katotohanan na sila ang dahilan kung bakit nawala sa akin ang Kuya ko.They're nothing but a merciless criminal who kills innocent people.Naiisip ko pa lang na hinayaan kong may mangyari sa amin kagabi ay kinikilabutan na ang buong sistema ko.Speaking of the devil, I'm currently inside his car at mukhang babalik na naman kami sa mala-palasyo niyang teritoryo. He's quitely just seating beside me. Seryoso at diretso lang ang mukha habang nag d-drive.Hindi naman siguro masama if I ask him kung may nangyari talaga sa
"50 million! Higher?" Sigaw ng babae na siyang nasa stage, katabi ang babaeng nakaupo ngayon sa isang upuan. She looks young, tila naawa ako sa itsura nito dahil ang inosente niyang tignan. Parang wala siyang alam sa nangyayari, she's just watching the crowd raising their hands, yelling a price to buy her. Not knowing she will be sold to someone she doesn't know.Kung nasasaktan ako para sa babae na ngayon ay siyang nasa stage, ano pa ako para sa sarili ko. I thought makakaalis ako kanina, pero I still ended up here. Panay ang baba sa suot kong napakaikli na damit, it's a spaghetti strap white fitted dress, ang ikli na nga ang fitted pa! Ano ba namang klaseng damit 'to?!"100 million!" Someone raise his hands atsaka nito inilapag ang case sa lamesa, kasama ang dalawa pang bag.Napanganga ako nang umangat ang ulo nito. The heck, hindi ko alam na may mga ganito kagwapong sumasali rito?"Going once, going twice! Any higher than 100 million?" No one answered."Thalia Lasuel sold out to
YIEL AMAROIlang oras pa ang tinagal ng biyahe namin nang huminto ang sinasakyan kong kotse sa isang mataas na building.Spedo Underground That was the name of the building, kapansin-pansin ito dahil sa napakatingkad na kulay at ilaw na nakapaligid dito."Come on, dear," pag-aya sa akin ng babae. Again, the two men that looks like a bodyguard escorted me towards the building. Wala naman akong nagawa kundi ang maglakad na lang dahil pakiramdam ko ay may mangyayaring hindi maganda sa akin kung aatras ako.Inilibot ko ang paningin sa paligid nang sa wakas ay makapasok kami sa building, it was big. Para itong hotel na mayayaman lang ang pwedeng pumasok sa sobrang laki at ganda."This way, dear." She pointed the door as we enter a hallway, mayroon doong nag-iisang pinto sa gitna. Sumunod naman ako sa babae at saka kami bumaba ng hagdanan.Maya-maya pa ay nakaramdam ako ng kaonting kaba dahil unti-onting dumidilim ang paligid, wala ng liwanag, dahil wala ng ilaw sa daan na tinatahak namin.