Halos pigilan ko ang paghinga ko nang makitang nagpula na ang nasa itaas, ibig sabihin ay sinimulan na ang operasyon kay Leo. Ipinikit ko ang mata ko at malalim na bumuntong-hininga ngunit nang maalala kung paano sinambit ni Leo ang...
"Leanne!" Mabilis na lumapit sa akin si Silvester nang mapaluhod na lamang ako sa harapan ng emergency room.
Napatakip ako sa aking mukha at doon humagulgol nang humagulgol. Nagpaalam siya sa akin... ang ibig bang sabihin no'n ay iyon na ang huli?
"L-Leo... H-Hindi... Please be strong..." Hagulgol ko. Narinig ko ang pagsinghot ni Silvester dahil pati siya ay kanina pa umiiyak.
"That bastard! Asan na ba ang gagong 'yon?!" Dinig kong galit na tanong ni Baron, tinutukoy ang lalaking nangahas na barilin si Jax. Sa kanilang lahat ay si Baron ang pinakagalit.
"Baron," tawag sa kaniya ni Damon, pinipigilan ang anumang binabalak ng kaniyang kaibigan. "Nasa
Mabilis na nailayo nina Damon at Draco si Baron kay Jax habang si Jax naman ay kalmado lamang na tumayo at pinunasan ang dugo sa kaniyang bibig."Wala akong pakialam," malamig niyang sambit kay Baron bago tinulungang tumayo si Madness na ngayon ay halos tulala na lamang at hindi nagsasalita.Halata sa kaniyang mukha na nagsisisi siya sa kaniyang ginawa ngunit hindi dahilan 'yon upang patawarin nalang siya basta-basta! Nasa lintek na emergency room ang pinsan ko dahil sa kaniya kaya ano ba ang nasa isip ni Jax para isama pa ang lalaking 'yan dito?!"What did you say?" hindi makapaniwalang tanong ni Baron, akmang susugurin muli si Jax ngunit hinarangan na siya ng dalawa."Tama na, pare.." sambit ni Draco bago iniling-iling ang kaniyang ulo.Sar
Tumagal ng isang oras ang pakikinig ko kay Jax hanggang sa bigla na lamang siyang tumahimik. Nang silipin ko siya ay napabuntong-hininga ako nang makitang naglalakad na siya paalis. Mukhang wala na siyang balak puntahan pa si Leo sa room nito.I wonder if he's feeling okay..."Wala na siya?""Ay petrang kabayo!"Napatalon ako sa gulat nang bigla na lamang may nagsalita sa aking likuran. Nang lingunin ko ito ay nakita ko ang nakangiting si Draco."What the hell? Kanina ka pa d'yan?" nagugulat kong tanong sa kaniya.He shook his head. "Not really?" Mukha pa siyang hindi sigurado sa kaniyang sagot.Sinundan ko siya ng tingin nang lumabas siya ng exit at tinanaw si Jax na naglalakad papalayo. Bahagya siyang ngumiti bago bumuntong-hininga."He's so cool, right?" he suddenly asked.Nangunot ang ki
"Suspicious..."Sandali akong natigilan at maging si Draco. Hindi ko alam ang mararamdaman ko habang pareho kaming nakatingin sa isa't-isa. Iniisip ko pa ang kaninang pagkakita namin kay uncle Mario ngunit dumagdag pa itong si Silvester.Madali man akong tangayin at lamunin ng takot, isa pa rin sa pinagmamalaki ko ang pagiging magaling ko sa pagkilatis ng tao. Sa paraan ng pagtingin, paggalaw at pagsasalita nito ay sa oras na makaramdam ako ng kakaiba, alam ko na ang ibig sabihin nito.May mali."Alam ko ang iniisip mo," sambit ko nang manatiling nakatitig kami sa isa't-isa ni Draco."Iniisip ko na ang ganda mo," sambit niya sa nagbibirong tono.Imbis tuloy na seryoso ay nakuha pang magbiro! But well, yeah. He's telling the truth though and I know I'm pretty, but!"Oh, come on. Pwede ba? Kaunting seryoso naman d'yan," naiinis ko nang wika
Habang nakatitig sa kaniya ay doon ko lamang napansin na marami silang pagkakapareho ni Jax. Mula sa maliit at hugis puso na labi, matangos na ilong, mata na may pagkakulay 'ember', at makinis at maputing balat.Napakaganda niya at kung hindi lamang siya nakasuot ng malaking salamin ay baka napagkamalan na siyang isang modelo. Manang siya manamit at kahit ang palda niya sa aming uniform ay napakahaba rin.Iyon lang ata ang pinagkaiba nila maliban sa ugali ay ang fashion sense nilang magkapatid dahil si Jax ay halos araw-araw iba't-ibang branded ng damit ang suot, at kahit simpleng damit ay napapaganda niya tingnan sa kaniya habang si Historia ay kung ano lang ata ang mapulot niya sa cabinet ay 'yon ang susuotin niya. Ang problema lamang ay lahat ng damit niya ay wala sa fashion."Leo, wake up..." mahinang sambit niya bago inihiga an
"Talaga bang iyon ang nangyari kay Leo mga hijo?" hindi makapaniwalang tanong ni Mommy matapos ikwento ni Draco ang nangyari, habang si Damon at Baron ay nanatiling nakaupo sa gilid, nakikinig ngunit ramdam ko ang nagliliyab na apoy sa kanilang paligid. Tumango si Draco. Lalong lumakas ang hagulgol ni auntie Lei habang humigpit naman ang paghawak ni Mommy sa aking kamay. Saktong pagdating kanina ni Mommy ay siyang pagdating din nina auntie Lei at Draco galing sa pagbili ng pagkain. Kumain lamang kami saglit bago pinag-usapan ang nangyari kay Leo. Habang kinekwento ni Draco ang nangyari ay tila bumabalik muli ako sa eksena kanina kung saan lahat sila ay naglalaban-laban. Dugo roon, dugo rito; hiyawan doon, halakhakan dito. Ang nangyari kanina ay tila isang masamang panaginip. Ang pagtakbo ni Leo ng walang alinlangan upang saluhin ang bala na dapat kay Jax ay nagpapaulit-ulit sa aking isi
"Historia..." nagugulat kong sambit ngunit lalo lamang akong nagulat nang biglang may nahulog na bagay.Mabilis akong lumingon sa kama ni Leo at doon ay nakita ko ang isang lalaking naka-itim at balot na balot hanggang sa kaniyang mukha. May hawak siyang injection na akmang ituturok niya kay Leo ngunit natigil dahil sa aming pagdating."W-Who are you?!" sigaw ko ngunit bago pa ito sumagot ay mabilis itong tumakbo sa bintana ng kuwarto nang bigla na lamang siyang sugurin ni Jax!"J-Jax!" I shouted, nagulat sa ginawa niyang pagsugod.Bago pa makasampa ang lalaki sa bintana ay mabilis na nahawakan ni Jax ang likod ng damit ng lalaki at malakas na hinila pababa ang lalaki sa bintana. Nang hindi nakayanan ng lalaki ay mabilis siyang tumalon pababa at sinuntok si Jax dahilan ng pagkatumba ni Jax!
"Hindi," buntong-hiningang sagot ni Draco. "Nasa baba silang dalawa. Tumutulong sa mga nabiktima ng pagsabog."Tila nanghina ang tuhod ko at napaluhod na lamang ako sa sahig nang marinig ang sinambit niya. Sa sobrang takot ko kanina ay halos hindi ko na marinig ang paligid ko sa sobrang pagkabog ng aking dibdib. Akala ko ay may nangyari na namang masama kay Mommy...Thank, God..."Leanne," tawag sa akin ni Draco sa kaniyang seryosong boses.Nag-angat ako ng tingin sa kaniya nang lumuhod siya sa harapan ko at hinawakan ang aking balikat. Maging ang kaniyang mata ay tila tensyonado habang hanggang ngayon ay hinahabol niya ang kaniyang paghinga. Mukhang nagmadali talaga silang pumunta rito.Bakit? Alam ba nila ang tungkol sa lalaking pumunta ngayon sa kuwarto ni Leo?Maya-maya'y nanlaki ang mata ko nang maalalang kailangan ko nga palang magtawag ng nurse p
"What took them so long? Bakit wala pa rin ang resulta ng anak ko?!"Napabuntong-hininga na lamang ako. Lahat kami ay narito sa bagong kuwarto ni Leo. Pagkatapos ng nangyari kanina ay wala na sa amin ang umalis, takot na baka may manloob na naman sa kuwarto ni Leo.Hanggang ngayon sa tuwing naaalala ko ang lalaking 'yon ay hindi ko maiwasan ang panginginig ng aking tuhod lalo na noong makita ang napakaraming pulis na tumatakbo sa aking direksyon. Para bang... pamilyar na sa akin ang ganoong eksena.Mga pulis na tumatakbo sa aking direksyon upang rumesponde... upang iligtas kami ni Historia... ngunit ang kinaibahan ay huli na ang lahat dahil nauna na siyang malagutan bago pa sila dumating."Hintayin nalang natin ang resulta, ate..." sambit ni Mommy nang lapitan niya si auntie na ngayon ay umiiyak na naman habang yakap ang kaniyang anak na nakahimlay sa kama."Hintayin? Kakahintay
Mario Gregorio Cruzio January 4, 1979 - May 15, 2012 Bumuntong-hininga ako matapos basahin ang pangalan na nakaukit sa lapidang nasa harapan ko ngayon. So, it's true... Mario is dead. "Babalik na ako sa sasakyan. Huwag kang magtatagal." Napalingon ako kay Leo na ngayon ay mabilis na tumalikod upang bumalik sa sasakyan at doon maghintay sa akin. Nag-away pa kami ng ilang minuto sa City Jail bago ko pa siya napapayag na pumunta rito. Napabuntong-hininga na lamang ako. Alam kong ayaw na niyang mapadpad sa lugar na ito dahil kinasusuklaman niya si Mario ngunit nagpumilit pa rin ako. Mamaya na lamang ako hihingi ng pasensya. Nang ibalik ko ang tingin sa lapida ay hindi na ako nagtaka kung bakit napaka-alikabok nito. Tila ba walang naglilinis dito at bumibisita. Bahagyang umangat ang gilid ng aking labi. "Sino nga naman ang bibisita sa masamang taong kagaya mo..." Hindi ko napigilang sambitin. Umihip ang malakas na hangin ngunit hindi ako natinag sa aking kinatatayuan. Nanatili
Napalitan ng liwanag ng buwan ang sinag ng araw na kaninang lumalagpas sa bintana ng aking kuwarto. Ilang oras na ang lumipas simula nang matapos ang kamustahan namin kanina sa garden. Sandali pang nanatili ang mga kaibigan ko rito sa kuwarto ko kanina ngunit umuwi na rin sila dahil hindi na nila ako makausap ng maayos.Nanatili akong nakahiga at nakatulala sa kisame. Simula noong matapos ang pag-uusap namin ni auntie ay hindi na nawala ang bigat sa aking kalooban."Bakit kailangan niyang sisihin ang sarili niya..." mahinang sambit ko.Napanguso ako bago malalim na bumuntong-hininga at umupo sa kama. Hindi ko maiwasang maalala muli ang naging pag-uusap namin ni auntie..."I'm so sorry, Leanne..."Natigilan ako nang makarating kami sa gilid ng garden ay iyon kaagad ang sinabi sa akin ni auntie. Napakurap-kurap ako bago bahagyang nagpakawala ng tawa."Auntie, why are you-"Akmang lalapitan ko siya ngunit gano'n na lamang ang pagkatigil ko nang umatras siya kasabay ng pagtulo ng kaniyang
"Ayos ka lang?"Halos napatalon naman ako sa aking upuan nang magsalita sa aking tabi si Ravah. Narito na kami ngayon sa hapag kainan, sama-samang nakaupo at kumakain ngunit ang plato ko ay nanatiling may laman na mga pagkain, hindi pa nababawasan dahil ang mata ko ay masyadong tutok sa batang nakaupo sa aking harapan.Nilingon ko si Ravah. "Y-Yeah. I'm okay."Pinakatitigan niya ako saglit bago ngumiti."Pagod ka ba sa biyahe? Kain ka muna nang makapagpahinga ka na..." ani niya at bahagyang tinapik ang aking likuran bago bumalik sa kaniyang pagkain.Nanatili naman akong nakatitig sa kaniya hanggang sa lumipat ang tingin ko sa mga taong kasama ko ngayon sa hapag. Lahat sila ay kumakain habang nagke-kwentuhan. Nagngingitian at nagtatawanan sa hindi ko malaman na dahilan dahil tila mga tawa lamang nila ang naririnig ko na kay sarap pakinggan.Pinagmasdan ko ang mga kaibigan ko at bahagyang napaawang ang aking bibig nang makita ang isang wedding ring sa daliri ni Larra na ngayon ay malaka
"Trevor?"Pagkasabi na pagkasabi ko palang no'n ay kaagad na umupo sa aking tabi si Monica na kanina ay hihilata palang sana sa sofa, samantalang si Mommy naman ay nanatiling seryoso at nagsimulang magtipa sa kaniyang cellphone. Mukhang hindi niya talaga nagustuhan ang paghabol sa akin ng napakaraming tao kanina."Trevor? Si Trevor 'yan?" kaagad na tanong ni Monica, tila excited at nawala kaaagad ang pagka-stress."Oo?" patanong kong sagot, nanatiling nakatingin sa pangalan na nasa aking screen.Sino ba ang Trevor na 'to?"Oh! Bakit mo pinatay? Bakit mo pinatay?!" Monica asked dramatically nang walang pag-aalinlangan kong pinatay ang tawag."I don't even know him kaya bakit ko sasagutin?" tanong ko, akmang ibubulsa ko na ang aking cellphone ngunit muli itong nag-ring at pangalan muli ng lalaki ang nasa screen.Nagulat naman ako nang bigla
"Anak, are you okay?"Napatingin ako kay Mommy na ngayon ay nakaupo na sa aking tabi. Narito na kami sa loob ng eroplano pauwi ng Pilipinas at hinihintay na lamang ang iba pang mga passengers bago mag take off."Y-Yes, Mommy..." sagot ko bago tipid na ngumiti sa kaniya. Nginitian niya rin ako bago hinaplos ang aking buhok at hinalikan ang aking noo.Bumalik din ang atensyon niya sa harapan habang hawak ang aking kaliwang kamay. Malalim akong bumuntong-hininga at mabilis na nawala ang ngiti sa aking labi nang muling mapadpad ang aking paningin sa litratong hawak ko sa aking kabilang kamay."Leandro Mleiondres... He's the leader of Serpient. The man behind the mask of snake..." Naramdaman ko ang pagtaas ng aking balahibo mula sa aking batok hanggang pababa nang tila marinig ko muli sa aking isipan ang sinabi ni Damon sa akin kanina lamang. Napalunok ako nang mariin nang m
"It's been a while, Leanne..." sambit ni Damon habang nakaupo sa aking harapan. Matapos ng pagkasalubong namin kanina ay pinauna ko na si Monica pumunta kay Mommy. Hindi ako makapaniwala na makikita ko si Damon dito sa Paris. Kaagad na pumasok sa isipan ko ang mga katanungan noong magtama ang aming mga mata kaya naman hindi ko na sinayang ang oras at hiningi ang oras niya para kausapin siya. Hinawakan ko ang aking kamay at itinago ito sa ilalim ng mesa. Hindi ko mapigilang manginig ito dahil kinakabahan ko gayong kaharap ko si Damon. Pakiramdam ko ay marami na ang nagbago sa kaniya kaya naman hindi ko siya maaaring pakitunguhan gaya ng pakikitungo ko sa kaniya noon bilang isang malapit na kaibigan. "R-Really? I don't think so..." Napakamot ako sa aking batok at hilaw na ngumiti. Talaga bang matagal na simula noong huling kita namin?
"Leanne..." Kasabay ng malakas na pagputok ng baril ay siyang malakas din na pagsabog na aking narinig sa hindi kalayuan. "Leanne..." Sigurado ako... Sigurado akong nanggaling ito sa luma at abandonadong gusali. "Leanne..." Si Jax... Si Leo... Ang Black Panther... Ang mga kaibigan ko... Ano na ang mga nangyari sa kanila? Napakalakas ng pagsabog na sigurado ako na buong buildng ang nasakop ng pagsabog. Nadamay ba sila? Maayos ba ang lagay nila? Ano na ang- "Leanne!" Mabilis akong napabangon habang hinahabol ang aking bawat paghinga. Para akong umahon sa napakalalim na dagat. Sa dagat na iyon ay napakadilim, nakakatakot at walang hangin akong masagap at sa napakatagal kong nasa ilalim ng dagat ay tila ngayon lamang ako nakaahon.&nb
"Masaya bang pagtaksilan ang isang kaibigan... Dacey?" Naramdaman ko ang pagtulo ng aking luha sa aking pisnge nang itanong ko iyon. Nanatili akong nakatitig sa kaniya habang siya ay nakatakip pa rin sa kaniyang mukha. Unti-unti ay mabagal niyang tinanggal ang kaniyang kamay sa kaniyang mukha at doon ay tuluyan kong nakita ang mukha sa likod ng maskara. Malamig niya akong tiningnan, ibang-iba sa kung paano niya ako tingnan sa tuwing kasama namin ang aming mga kaibigan. "So it's really you..." I whispered. Tila may kung anong lumubog sa aking loob. Hindi ko maipaliwanag ang bigat at sakit na nararamdaman ngayong nakatingin ako kay Dacey. Sa itsura niya ngayon ay tila ibang tao siya.... Tila hindi siya ang kinilala kong kaibigan. "It's your fault why I became like this..." mariin niyang sambit, puno ng galit sa kaniyang boses.
Leanne's Point Of View Nangunot ang noo ko nang maramdaman kong may gumagapang sa paanan ko. Dahan-dahan kong idinilat ang mata ko at saktong dumapo ito sa paanan ko. Gano'n na lamang ang gulat ko nang makita ang isang malaking gagamba rito. Napasigaw ako ngunit ni hindi man lang iyon narinig dahil sa malaking tape na nakatakip sa aking bibig. Nagsimulang magtambol ang dibdib ko nang tingnan ko ang paligid. Madilim at tanging ilaw lamang sa labas na nanggagaling sa basag na bintana ang nagsisilbing liwanag sa kuwarto na ito. Makalat at napakaraming nagkalat na basag na bote at mga parte ng bintana. Pati ang mga daga, ipis at gagamba ay kulang nalang gawin itong tahanan nila dahil sa rami nila. Na... Nasa'n ako? "Gising ka na." Mabilis akong napalingon sa isang pigura ng babae sa dilim na ngayon ay unti-unting lumalabas sa dilim at naglalakad papalapit sa aki