Home / Romance / Misery Business / Chapter 4: Say what?

Share

Chapter 4: Say what?

KASTIEL'S POV:

---

BECAUSE of Thud's stupidness, our mission got canceled. Nalaman ng grupo ang gagawin namin sa cargo ship na aalis mamayang hating gabi. At dahil sa kahalayan ng lalaking ito ay nasayang ang pagod namin.

"Boss naman patawarin mo na ako?" Nagmamakaawang sambit ni Thud. Nakaluhod ngayon ang lalaki sa harapan ni Boss while wearing only his boxers.

Nakangiwing pinagmamasdan ko ang lalaki. Sukat ba namang sabihin dun sa babaeng kasiping niya noong isang gabi ang plano namin, kung hindi ba naman siya kalahating tanga edi sana lubog na yung barko ngayon.

"Reflect your own mistake Clyborne, you will be leaving tomorrow."

"Boss ayokong mapadpad sa lugar na puno ng maanghit na kriminal parang awa mo na." Nagpipigil ng tawa ang mga nakasaksi sa pagmamakaawa ni Thud kay Boss. Kahit ako ay matatawa sa itsura niyang parang tanga.

"My decision is final and you can't do anything about it. Once you disobey my conditions, the worst punishment will await you." Boss said with a bored look on his face while staring at Thud's situation right now.

Wagas magparusa si Boss, kapag nagkakamali kami sa isang misyon pinapadala niya kami sa Iceland to reflect our mistake. Hindi pa naman ako nakakapunta ng Iceland at hindi ko pinangarap na mapunta doon!

"Kasalanan mo yan Clyborne." Pang aasar pa ni Gun samantalang siya ang may kasalanan kung bakit nagkaroon ng kopya si Rent.

"Gagu ka Gun!" Thud hissed at him.

"Nyenye. Magdusa ka pare" kumaway pa si Gun kay Thud habang papalayo. Kahit kailan mga baliw talaga sila.

Iniwan ko na rin si Thud sa mga kamay ni Boss. Kahit ata mapudpud ang tuhod niya kakaluhod sa harapan ni Boss ay hindi siya nito papakinggan.

"Annyeong baby Kastiel." Napairap ako sa kawalan bago pumihit sa likuran ko kung saan naroon si Saviel na ngiting-ngiti.

"Anong kailangan mo?" I ask her with a bored voice. Nahawaan na ata ako ni Boss sa pagiging bored niya.

"Kailangan agad? Hindi ba pwedeng na miss ko lang ang maganda mong mukha?"

"Huwag mo akong bolahin babae." Saviel let out a laugh after I said those words. Para siyang tanga kasi hindi pa rin nabubura ang magandang ngiti nito. "Para kang tanga Saviel, tigilan mo yang ngiti mo."

"Anong problema sa ngiti ko?"

"Psh. Never mind, makaalis na nga!" Iniwan ko si Saviel sa pasilyo at hinayaan siyang ngumiti sa sarili nitong repleksyon sa salamin.

Kailan kaya ako makakakuha ng matinong kausap dito? Sa tagal kong naging myembro ng Middle Class Division iilan pa lang ang nakakasalamuha kong nasa Elite Class Member, tulad ni Rent, Thud, Gun, Sinji and Saviel. Yung iba ay hindi ko pa nakikilala.

"Going home already?" Nakasalubong ko si Fourth na mukhang gumagala lang dito sa loob ng building.

Marahan akong tumango dito bilang tugon. "Hindi ko matagalan ang kabaliwan ng mga tao dito, uuwi na lang ako kaysa mahawa sa kanila."

"Masanay ka na." Aniya.

Sumabay sa akin si Fourth hanggang sa marating ko ang parking area nitong building. Mabuti na lang at dala ko ang kotse ko lalo na't maghahating gabi tiyak na malilintikan na naman ako sa matandang yun pag uwi ko.

"Be careful on your way home Kas."

"Thanks Fourth, see you tomorrow." Sumakay na ako sa kotse. Pagkasara ko ng pinto ay agad kong pinaandar ang makina nito, napalingon pa ako sa gawi ni Fourth na naghihintay na makaalis ako. Kumaway ako sa lalaki at nagbusina tsaka pinaandar ang kotse palabas ng gusali.

Nasayang lang ang effort kong pumunta dito ng maaga para sa mission kung hindi lang naging palpak si Thud.

Pagdating ko sa bahay ay bukas lahat ng ilaw sa sala. Nagtaka naman ako kasi dapat sa mga ganitong oras ay tulog na si Daddy.

Ipinarada ko ang kotse ko sa parking space bago ko pinatay ang makina at umibis doon. Tahimik na tinahak ko ang daan papuntang front door. Pakiramdam ko, oras na pumasok ako sa pintong ito ay hindi na ako makakalabas ng buhay...Joke lang!

"Where the hell are you in this late hour Kastiel Devoncourt? Kanina pa kita tinatawagan!" Hawak ko pa lang ang doorknob ng pinto yan na agad ang bumungad sa akin. Tuluyan na akong pumasok sa loob ng buhay, nagulat ako sa itsura ni Daddy.

Magulo ang buhok nito at ang suot nitong roba ay parang basta na lang ibinalabal sa katawan - he really looks wasted.

"What do you want? Kung pera na naman yan, wala ka pong makukuha sa akin."

"Tigilan mo ako sa pagiging rebelde mo Kastiel. Bukas na bukas din ay may mamanhikan dito para kunin ang kamay mo. Kung ganyan ka kasutil na anak ipapakasal na lang kita baka sakaling mabayaran ko ang utang ko sa lalaking yun!"

Tila nagpanting ang tenga ko sa mga katagang binitawan niya. Anong karapatan niyang pakialaman ang buhay ko?

"You can't do this to me Dad! Bakit kailangang ako ang magbayad sa taong hindi ko naman pinagkakautangan? Nang dahil dyan sa bisyo niyo sarili niyong anak ipambabayad niyo?" Tangina nasaktan ako dun. Ni hindi ko pa nga naranasang magkaroon ng boyfriend, ng first kiss, ng first date at kung anu-ano pang first tapos ipapakasal niya lang ako? No way!

"Just do what I say Kastiel kung ayaw mong kunin ng bangko ang bahay na ito!" Sigaw niya pa sa akin. Just do what he say? Duh! Hindi ako tanga para sundin siya.

"No! Bukas na bukas din ay aalis ako sa bahay na ito. Wala akong pakialam kung hakutin ng bangko ang buong bahay na hindi naman ikaw ang nagpundar! Gusto mo pati ang lupa ipalagay mo na sa bulsa nila na may kasamang pampataba, baka sakaling literal na kumapal ang bulsa nila! Hindi ako ginto para ipambayad dyan sa utang mo!" I storm out to my room after I said those words to him without looking back even though he called my name.

Tangina talaga!

Pagkasara ko ng pinto ay agad na tumulo ang luha sa mga mata ko. Araw-araw ganito ang eksena naming mag Ama. Yung masaya at tahimik kong buhay dati kasama si Mommy naging alaala na lang dahil sa kalokohan ni Daddy.

Importante sa akin ang bahay na ito kaso anong magagawa ko? Kailangan ko itong iwan sa mga kamay ng Ama ko.

Nanghihinang naglakad ako palapit sa walk in closet ko at basta na lang hinila ang maleta na unang madapuan ng mata ko. I can't take this anymore! Ayokong makasal sa taong hindi ko mahal at hindi ko kilala!

Ma pride akong tao pero mas pipiliin ko pa rin ang sarili kong kaligayahan kaysa sa katangahan ni Daddy.

"Sorry Kastiel ah. Maliit lang kasi ang apartment ko." Hinging paumanhin ni Liezel nang tawagan ko siya kanina na dito muna ako sa kanya makikituloy. I have no choice but to leave our house, ayokong madatnan ni Daddy sa bahay at ibugaw na lang sa kung sino-sino!

"Okay lang Liez, sorry kung naisturbo kita. Wala na kasi talaga akong ibang matuluyan eh. Hayaan mo bukas na bukas maghahanap ako ng sarili kong apartment."

"Ano ka ba, ayos lang naman sa akin kung dito ka manirahan eh."

"Ngayong gabi lang naman Liez, kailangan ko lang talaga ng matutulogan." Gusto ko sanang pumunta sa HuPoFEL kaso naiwan yung kotse ko sa bahay. Umalis lang ako bitbit ang maleta ko at nagtaxi papunta dito.

"Sige na. Magpahinga ka na, ikaw na dyan sa kama ako na dito sa lapag." Marahan akong tumango kay Liezel. Hindi ko alam kung bakit siya ang una kong tinawagan gayong hindi naman kami gaanong kaclose. Kung kay Celyn naman kasi baka itaboy lang ako ng Mommy nun.

Umayos ako ng higa sa kama, iniisip ang mga bagay na mangyayari sa akin bukas.

'Paano kung hanapin ako ni Daddy? Psh. Bahala siya maghanap!'

Sa kakaisip ko, hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Paggising ko kinabukasan ay agad akong nagpatulong kay Liezel para makahanap ng trabaho na imposibleng paghanapan sa akin ng magaling kong Ama.

"Kung gusto mo talaga ng trabaho may maitutulong ako." Sabi nung kaibigan ni Liezel na ang pangalan ay Cynthia. Makapal ang make up nito at mapupulang labi habang may nginunguyang bubble gum.

"Anong klaseng trabaho ba?" Tanong ko.

Sinipat ng babae ang buong katawan ko na parang inieksamin.

"Maganda ka naman, maganda ang katawan mo. Sigurado ako papasa ka sa trabaho ko." I roll my eyes towards her. Bakit di na lang niya ako diretsahin?

"Ano ngang trabaho?" Naiinip na wika ko. Kahit ano naman papasukin ko basta ba makalayo ako sa mga mata ng Daddy ko.

"Entertainer sa Bar." Nalaglag ang panga ko sa sinabi ni Cynthia.

"Say what? Entertainer? Ako?" May talent naman ako pero...bar? Hindi ba mga bastos ang tao dun?

"ANAK mayaman ka ba? Infairness ang ganda ng kutis mo." Sabi sa akin ng isang bakla habang kinikilatis ang buong katawan ko. They called them here Mamita, she's the one who handles those girls who work here.

At gaya nga ng sinabi ni Cynthia, dinala niya ako sa Grind Me Harder Bar. Pangalan pa lang ng lugar siguradong sasapian ka ng masamang espirito.

"I told you Mamita, she's beyond perfect." Nakangiting wika pa ni Cynthia while chewing her gum inside her mouth.

Gusto ko sanang magsisi sa ginagawa ko kaso I have no choice but to endure it. Naka-ban ang grupo ko sa HuPoFEL because of Clyborne.

"Pasok ka na girl, all you have to do is to dance in the middle of that stage." Tinuro pa ni Mamita ang isang entablado na may pole sa gitna. Napalunok ako ng makita ang stage, malawak naman yun pero parang pakiramdam ko hindi ako nababagay doon.

"Your secret is safe with us, I mean lahat ng alaga ko dito ay may kanya-kanyang rason kaya hindi na bago sa akin ang mga ganitong set-up." Mamita.

"Oo nga Kastiel, ligtas ka dito. Kung iniisip mong illegal ang ginagawa namin ay hindi yun totoo. Nagtatrabaho kami dito ng marangal yun nga lang dinudungisan ng mga kampon ni Adan ang dangal namin." Cynthia.

"K-kelan ako magsisimula?" Nauutal na tanong.

"Mamayang gabi pwede ka ng magsimula." Nalaglag ang panga ko sa sinabi ni Mamita.

Wala man lang orientation? Training? Tour perhaps? Lusob agad?

Wala na akong nagawa nang umalis si Mamita sa harapan ko. Tanging kami na lang ni Cynthia ang naiwan dito sa loob ng bar. Sarado pa kasi sila ngayon at magbubukas ito mamaya alas nueve ng gabi.

"Huwag kang mag alala Kastiel, madali lang naman ang trabaho eh. All you have to do is to dance in the middle of that platform and seduce all the guys who's watching. Hindi ka pwedeng magsalita, hindi mo pwedeng kausapin ang costumer. May magrerequest sayong i-table ka pero nasa sayo yun kung papatulan mo." Napaisip naman ako sa sinabi niya. Hindi naman pala masama ang pinasok ko, pwede akong magtago dito hanggat hindi pa ako natutunton ni Daddy, sigurado akong nag aapoy na yun sa galit dahil sa pag alis ko sa poder niya.

"Nasa likod mo lang ako Kastiel, akong bahala sayo."

Tumango na lang ako kay Cynthia bilang tugon. Kailangan kong gawin ang mga bagay na ito para na rin sa ikakatahimik ng mundo ko.

-----

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status