JANINA MARIEHalos kaladkarin ni Rhian si Yna at umiiyak naman ang bata habang tinatawag ang daddy niya. Awang-awa ako kay Yna ngunit nakikita ko rin ang takot sa mata ni Jude na noon ay nakatingin lang sa kaguluhan sa third floor ng bahay. Binulungan ko ang yaya ni Jude na ipasok siya sa loob ng silid at mag-lock sila ng pintuan. Galit na hinablot ni Xavier si Yna at saka kinarga ito. Dinuro niya si Rhian at saka pinalalayas ito ng bahay. Subalit matigas ang pagtanggi ni Rhian na umalis nang hindi kasama ang anak niya. Naiintindihan ko siya sa part na iyon dahil ina siya pero hindi ko makuha ang rason ng panggugulo niya. "Leave my house now, Rhian," sigaw ulit ni Xavier pagkatapos niyang palayasin kanina ang ex niya. Ngunit tulad din kanina, hindi ito sumunod. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanila habang nagtatalo sila at pinanood ko lang sila. "Give me my daughter!" malakas na wika ni Rhian. "You said, aalis ka at magbabakasyon. Ikaw ang nakiusap na rito muna si Yna. Why all
JANINA MARIE"Sino ka?! Anong ginawa mo sa akin?" Umiiyak na tanong ko sabay tulak sa aking katabing lalaki sa kama. "Ang sakit naman, Miss. Ito ba ang ganti mo pagkatapos ng nangyari kagabi?" Napansin kong naka-pánty ako at nakasuot din ng bra. Wala akong nararamdaman na kung ano sa katawan maliban sa sobrang pagkahilo. Alam kong nagsisinungaling ang kasama ko sa silid. "Sobra akong nag-enjoy na kasama ka at…" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil biglang pumasok sa silid si Xavier. "Talaga ba, Janina? Nag-enjoy ka sa piling ng lalaking ito." Itinuro ni Xavier ang lalaking nagsisimula nang magbihis. "Xavier, hindi…" "Shut up! I tried to understand you. I even respected your decision na maghiwalay tayo ng silid kahit mag-asawa na tayo pero sa isang iglap makikita lang pala kitang kasama ng ibang lalaki sa isang silid." "Ang hina mo naman, bro. Ang sarap kaya ng asawa mo," pang-aasar pa ng lalaking kasama ko. Isang malakas na suntok ang isinagot sa kaniya ni Xavier. Tumawa n
XAVIER WESLEY My car collided with the vehicle in front of me. I almost passed out. People began to inquire as to whether I was okay on the inside, but I simply closed my eyes. My head hurt and I had some leg pain. The traffic police came up to my car and knocked on the window. I rolled it down to talk to them. They asked if I was okay, and I simply replied, "Yes." "Sir, lasing po pala kayo," one of the officers said. "Don't mind me," I told him. I called Attorney Rafael and told him what had happened. Inutusan ko rin siya na puntahan ako sa area. Ang mga pulis na kanina kausap ko ay lumakad patungo sa nasa unahan kong sasakyan. I prayed na sana walang nasaktan sa mga sakay noon. After a few minutes, I was feeling better na. Although I was feeling dizzy pa rin, kahit paano ay alam ko sa sarili ko na wala akong grabeng pinsalang tinamo. Pilit akong pinalalabas ng mga pulis sa sasakyan ko but because of fear na baka balikan ako ng may-ari ng sasakyan na nabangga ko kaya I told
JANINA MARIEParang bulkan na sumabog ang impact sa akin ng balitang nag-declare ng bankruptcy ang Daddy ni Xavier. Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin dahil kahit galit ako sa aking asawa ay hindi ko naman kayang tiisin ang mga magulang niya. Kahit paano kasi ay naging mabuti silang mga biyenan sa akin at kahit hindi nila tunay na apo si Jude ay trinato nila itong tunay na kadugo. "Baka nagkamali ka lang," sabi ko sa aking kausap na abogado. "Hindi po ma'am. Habang nasa ibang bansa po si Mr. Kurt Montefona, napabayaan po ng asawa mo ang company nila. Niloko sila ng pinagkatiwalaan ni Xavier Montefona." "Nasaan ngayon ang manager ng Montefona Electronics Company?" "Nawawala po, ma'am.""Isa lang ang MEC sa ari-arian nila. Imposible na sa pagbagsak nito ay madadamay agad ang lahat nilang negosyo. "Ang tingin po namin ay tulad ng nangyari sa Lolo mo noon, may isang tao o grupo ng mga tao na palihim silang ibinagsak." Wala na ang kausap kong abogado pero nag-iisip pa rin ako h
JAKE ADMERSONRomantic music. Peaceful environment.Calm heart. Silly smile. I felt fantastic, especially now that everything happened according to plan. I clapped para sa sarili ko. Pwede na kasi akong bigyan ng award for being best actor. Lahat sila ay napapaikot ko sa aking mga kamay. "Kawawang Rhian. Masyado siyang evil and transparent kaya sa kaniya naibuntin ang sisi," nakangisi kong turan habang tinitingnan ko ang aking repleksyon sa mirror. "Boss, mayaman ka na ulit," wika ng dating manager ng Montefona Electronics Company. "Wala man lang nakapansin na muntik nang bumagsak ang Admerson Corporation. Good thing na naging busy si Xavier sa lovelife niya kaya nagtagumpay ako. He's weak.""Tama po kayo, sir. Ngayon na bankrupt na sila, siguradong mahihirapan silang bumangon dahil ma-pride din si Kurt Montefona."Ininom ko ang laman na alak ng baso na nasa aking harapan. I am celebrating as if nanalo ako sa isang karera. Actually, mas malaki pa ang prize na nakuha ko sa ginawa
JANINA MARIENitong nakalipas na mga araw, napansin kong nagiging salbahe si Jude. May mga pagkakataon na nagiging violent siya. Maging ang mga bagong yaya na kinuha ko na mag-aalaga sa kaniya ay hindi nagtatagal. Ilang beses na akong nag-hire ng yaya dahil umaalis agad sila. I decided to talk with my son. Subalit kahit anong pakiusap ko ay ayaw niya akong pakinggan. Madalas ay hinihiling niyang pupunta raw siya kay Jake kahit hindi pa schedule ng pagpunta niya roon. Unti-unti ko nang nararamdaman na napapalayo na si Jude sa akin. And it all started noong naghiwalay kami ni Xavier. Kinausap ko si Nanay Elsa at maging si Althea kung ano ang dapat kong gawin ngunit ang payo nila ay parang hindi ko kayang sundin. "Seryoso po ba kayo, Nanay Elsa?" ulit ko. Pang-apat ko na yatang tanong iyon sa kausap ko. "Maaaring makatulong si Xavier. Ang paghihiwalay n'yong dalawa ang isa marahil sa rason kung bakit naging ganiyan ang anak mo, JM." Maging si Althea ay pilit na kinukumbinsi ako na h
JANINA MARIE. Hindi makapaniwala ang mga kaharap kong security personnels nang sinabi kong hulihin nila si Tommy Bueno kapag nakita nila itong umaali-aligid sa mga lugar na pinupuntahan ko. Sa sobrang galing kasi ni Tommy ay hindi man lang ito napapansin ng mga taong palagi kong kasama kapag nasa labas ako. "Sige po, ma'am. Magiging mas alerto pa po kami," sabi ng pinakapinuno nila. Nang wala na sila sa harapan ko ay napabuntong-hininga na lang ako. Hindi ako comfortable na may mga taong nasa tabi ko palagi. Lalong ayaw ko na may mga matang nakatingin sa akin lagi. Subalit kailangan at ayaw ni Nanay Elsa na malagay ulit ang buhay namin ni Jude sa alanganin. "What if hindi ko na lang kaya ipahuli si Tommy at sa halip ay ipatawag ko na lang siya rito?" bulong ng isip ko. Hindi ko maintindihan kasi kung bakit hindi ako mapakali dahil sa mga sinabi ni Tommy sa akin noong nagkita kami. Tumayo ako sa swivel chair at naglakad-lakad ako. Hindi ko kailangan na magtrabaho dahil maayos na n
XAVIER WESLEYThe happiness I'm feeling right now is beyond my expectations. Kahit malaki ang ipinagbago ni Jude ay masaya akong bumalik na sila sa bahay. Nakakapanibago lang because Janina is very bossy and untamable. Malayo sa submissive wife ko noon.Naiilang din ako sa maraming security personnels na kasama namin sa bahay. May mga pagkakataon na nakalulungkot kasi umaalis sila ni Jude at hindi nila ako isinasama. Nang tinanong ko ang isa sa mga guards ni Janina ang sabi niya ay umuuwi raw ang sa penthouse nito. Until now, I don't have any idea how rich she is and where she got her fortune. After Janina's assistance, Montefona Electronics Company and our other assets are performing well. Dad came back as the chairman of the company and I retained my position as the CEO. Maayos na rin kaming nagbibigay paunti-unti ng aming partial payment sa aming loan sa Villasanta Group of Companies. One time, naisipan kong tanungin si Janina tungkol sa kung paano niya nalaman o nakuha ang mga a
JANINA MARIE Makalipas ang isang taon, habang masaya kaming magkakaharap na kumakain sa malawak na bakuran ng Paraiso De Montefona sa Calauag ay biglang umiyak ang aking bunso. Parang sinilaban ang puwet ni Xavier dahil sa bilis n’yang tumayo. "Dessa, don't cry, baby," sabi niya habang isinasayaw ito. Kumikislap ang aking mga mata habang pinapanood ko sila. Sa tabi ko ay naroon sina Yna at Jude. Tinutulungan ni Yna ang kanyang kapatid para tanggalan ng tinik ang isda na nasa plato nito. "Ako na ate. Ayaw kong mahirapan ka kasi girl ka. Dapat ako ang tutulong sa iyo," saad ni Jude. "'Wag ka na ngang magreklamo diyan. Ate ako," sagot ni Yna. "Oh, 'wag na kayong mag-away. Ako na lang ang gagawa," sabad ni Nanay Elle. "Hindi po kami nag-aaway. Ganito lang po talaga kami," mahinang sabi ni Jude. Nakangiting sumubo ako ng pagkain. Sa mga gano'ng pagkakataon ay pinapabayaan ko ang aking mga anak upang matutunan nila kung paano respetuhin ang isa't isa. Hinahayaan ko sila para
JANINA MARIEAng mga sumunod na linggo na wala si Xavier ay napakahirap para sa akin. Nagsimula na akong makaranas ng morning sickness at katulad noong ipinagbubuntis ko si Jude, wala akong asawa na puwedeng tumulong sa akin. Nag-initiate ang mga biyenan ko na sa mansyon ng Montefona muna ako tumira subalit tinanggihan ko sila. Mas gusto ko kasing manatili sa bahay kung saan ay na kasama ko si Xavier ng matagal. Gusto kong mabuhay sa mga alaala ng aking mag-ama. "Kumusta ka rito," tanong sa akin ni Althea. "Maayos naman ako," sagot ko sa kan'ya. Tumingin sa akin ang aking kaibigan na para bang hindi niya ako pinaniniwalaan. "Sigurado ka?" tanong niya ulit sa akin. "Baka mamaya tumalon ka riyan sa swimming pool katulad nang ginawa mo noon sa dagat sa Batangas."Nahampas ko ang aking bestfriend. Kahit kasi ilang araw na ang lumipas ay hindi pa rin nawawala sa isipan niya ang nangyaring iyon. Aaminin kong nawala ako noon sa aking sarili, ngunit hindi ko na gustong mangyari pa iyon.
RHIAN HOFREY Jake has been irritable lately. Madalas ay ikinukulong niya ako sa silid at hindi pinakakain. Ginagamit niya rin ako na parang hayop. My life with him is like hell. Nakakasakal at nakakapagod ang bawat segundo. Kapag lasing siya ay pinagdidiskitahan niya ako at binubugbog na para bang wala ng bukas. Madalas ay nagiging unconscious ako sa bawat atake niya. The love I felt for him turned into hate. Galit na pumapatay unti-unti sa akin. Ang daming mga boses ang bumubulong sa akin na tapusin ko na raw ang aking buhay pero pilit kong pinaglalabanan iyon. Ang tanging pangarap ko ngayon ay ang makita si Yna. Subalit idineklara na siyang patay ng mga alagad ng batas. Pumasok si Jake sa silid ko at pinukpok ako ng baril sa ulo. Naramdaman ko ang pagtulo ng pulang likido sa aking noo. Pinahid ko iyon ng likod ng aking palad. Nanginginig ang mga kamay ko habang nakatitig ako kay Jake na parang sinasapian din ng demonyo. “Jake, set me free. Hayaan mong hanapin ko si Yna,” I beg
JANINA MARIEHalos mawasak ang mundo ko dahil sa balitang dumating. Hindi ko napigilan nang unti-unti akong nawalan ng malay. Nagising na lang ako dahil sa mga boses na tumatawag sa pangalan ko. “Ma’am, gusto n’yo po bang dalhin namin kayo sa hospital?” tanong sa akin ng secretary ko. "Ma'am, ano po ang nararamdaman mo?""Misis Montefona, kumusta po kayo?""Ma'am, gusto n'yo po ba ng tubig o kahit anong inumin?"Umiling ako sa bawat tanong ng mga taong nakapaligid sa akin. Pinilit kong umupo kahit nanghihina ako. Agad kong inutusan ang aking personal assistant na tawagan si Althea at Lola Genevieve. Agad naman siyang tumalima sa utos ko. “Ma’am, on the way na raw po ang lola mo,” wika ng inutusan ko.Bago pa man ako magsalita ay agad na pumasok si Althea sa conference room ng isang hotel kung saan namin isinagawa ang meeting para sa expansion ng mga projects ng Villasanta. Agad akong yumakap kay Althea habang hinahayaan niya lang na dumaloy ang mga luha ko.“Ano ang gagawin ko?” ta
JAKE ADMERSONKapag pera ang gumalaw, kahit anghel ay magiging demonyo!I am patiently waiting sa news sa tv. Hindi ko na kasi makontak ang taong inutusan ko kaya sa balita ako ngayon umaasa. Si Rhian ay walang alam sa ginawa ko at panay lang ang ngawa niya dahil wala raw akong ginagawa kahit malapit na kaming magutom. Nakaririndi ang bibig niya ngunit hindi ko siya magawang palayasin o patayin dahil pwede ko pa siyang magamit laban kay Xavier. “Jake, ano ba, wala ka na bang gagawin riyan kung hindi ang umupo at tumunganga sa tv?” she asked angrily. Sinulyapan ko lang siya. Hindi ko gustong makipag-away dahil ayaw kong mabahiran ang saya ko ng galit. Hanggang sa binato niya ako ng unan. Sinalo ko lang iyon. “Jake, ano ba ang susunod na plano natin? Nakakainip na. Wala ka ng pera, wala na rin ako. Paano na tayo? Magtatago na lang ba tayo rito? I don’t want to live my life like this forever,” reklamo ni Rhian. Dahil nakakatulig na ang bibig niyang walang preno kaya binunot ko ang ba
XAVIER WESLEY As I watched Tommy suffer because of some people's cruelty, I couldn't keep my range under control. I feel bad for his mother, who recently lost her husband. I feel sorry for my wife because she blames herself for what happened.I resolved to take action once more. Although paulit-ulit na pumapalpak ang mga plano ko, hindi ako mapapagod na sumubok ulit para sa safety ng aking buong pamilya. Batid kong hanggang nakakalaya sina Jake at Rhian, hindi mararanasan ng mga anak ko ang kalayaan na tinamasa ko dati. Hindi nila magagawang maglaro ng malaya sa mga parks at lalong hindi sila makakakain sa labas na walang iniisip na panganib. Dad was surprised when I told him na pipilayan kong muli ang mga Admerson. He asked me why and I simply said na preparation lang iyon para sa isang sorpresa. He looked at me and said, "Okay. I'll support you all the way. Tell me what you need and I'll give it to you." It's not usual na basta-basta ako papayagan ni Daddy sa mga ganoong gawain pe
JANINA MARIEFeeling ko ay nabura ang lahat ng hinanakit at galit ko sa isang simpleng yakap lang ni Xavier. Mas nanaig kasi sa akin ang pagkagulat nang nakita ko siya sa police station. Hindi siya nakadamit pangkasal bagkus ay nakasuot siya ng isang simpleng t-shirt at maong pants lang. Pagkatapos masiguro na okay kami ng mga bata ay iniuwi kami ni Xavier sa bahay naming dalawa. Natatakot man dahil sa isyu ng security pero buo ang loob niya at ng mga police na hanggang nagtatago kami ay lalong hindi rin lalabas sina Jake at Rhian. Sinang-ayunan ni Lola Genevieve ang pasya ni Xavier. Ngunit may isang kondisyon, iyon ay itatago ulit ang mga bata at kaming mag-asawa lang ang parang magsisilbi na pain. Subalit hindi gusto nina Jude at Yna na malayo sa aming mag-asawa kaya no choice na ang lahat kung hindi magsama-sama sa loob ng isang bahay. Ang bahay namin na dapat ay ubod ng saya ay punong-puno palagi ng tensyon. Maraming tauhan kaming kasama bukod pa sa mga pulis na maya't-maya ang
JAKE ADMERSONDaig pa namin ni Rhian ang aso't pusa habang nasa biyahe kami pabalik ng Cavite. Kasal daw nila ni Xavier at naghihintay na ang fücking bestfriend ko. I was not about to go dahil hindi ko gustong maki-celebrate sa buhay ni Xavier. Magiging masaya lang kasi ako kung patay na siya. Tumawag si Rhian sa pinagkakatiwalaan niyang katulong na nasa mansion ng mga Montefona. Gusto kong marinig ang latest activity ni Xavier dahil aaminin kong duda ako sa magaganap na kasal nila ni Rhian kaya inutusan ko siyang lakasan ng tawag para marinig ko. “Ma’am, kinausap ako ni Sir Xavier. Tulungan ko raw siyang mag-ayos ng mga gagamitin sa kasal at inayos ko na po lahat,” wika ni Gemma. “Ano ang ginagawa niya ngayon?” ‘Nakakulong lang po siya sa kan’yang silid. Nitong mga nakaraan ay palagi siyang nasa kaniyang room lang kasi masama raw ang pakiramdam niya. Masakit daw ang kaniyang ulo.” “Have you seen any unwanted actions or may narinig ka ba na kahit na anong mga salita na laban sa
JANINA MARIEMatinding awa ang naramdaman ko habang tinitingnan ko si Rhian na dahan-dahang umuupo sa sahig at umiiyak. Alam kong biktima rin siya ng mga sakim na tao lalo na ng kaniyang kinilalang ina. Hindi ko alam kung ano ang mga pinagdaanan niya pero may hinuha akong marami siyang pasakit na naranasan. Inilayo ko si Yna sa kaniyang ina. Ayaw kong makita niya na nasasaktan ang Mommy niya. Kahit hindi ko man siya dugo’t-laman, mahal ko si Yna na parang tunay kong anak. Hanggang hindi matino si Rhian ay ipaglalaban ko ang batang natutunan ko nang mahalin. Nang madala ko si Yna sa silid, muli kong binalikan si Rhian. Ngunit naroon na si Jake. Parang bata na naglambitin si Rhian sa bestfriend ng asawa ko at umiyak lang siya nang umiyak. Panay naman ang tanong ni Jake sa kan’ya kung bakit siya umiiyak pero hindi naman nagsasalita si Rhian. Dahan-dahan akong lumayo sa kanila para hindi ako makaistorbo. Alam ko kasing may relasyon sila dahil nahuli ko silang naghahalikan sa living room