JANINA MARIE Walang imik si Xavier habang nakasakay ako sa kotse niya. Hindi rin ako nagsasalita dahil bukod sa alam kong galit siya ay malalim ang iniisip ko. Kung hindi niya kasi ako sinigawan kanina ay baka hindi ako natauhan. Kapareho lang pala ni Tommy ng katawan ang lalaki kanina. Buong akala ko talaga ay siya iyon. Subalit isang malaking katangahan lang pala ang paghabol ko sa kaniya. "Why did you go after the man and called him Tommy?" malamig na tanong ni Xavier. "Akala ko kasi ay si Tommy siya." "I don't understand, Janina. Why do you seem to be still madly in love with Tommy?" "Ang dami ko ng problema para isipin pa ang mga hinala mo. But since tinanong mo iyan, I just want to make it clear, Xavier, kung buhay pa si Tommy, marami akong gustong itanong sa kaniya. Hindi niya kasi ako dudukutin at pagkatapos ay palalayain ng ganoon na lang," tinatamad kong sagot sa kaniya. Umayos ng upo si Xavier at hindi na nagtanong pa. Sa opisina ay normal ang buhay namin. Hind
JANINA MARIE"Are you out of your mind?" Hinawakan ako ni Xavier sa braso. Hindi niya magawang lakasan ang kan'yang boses dahil baka marinig ni Lolo na nagtatalo kaming dalawa. "Huh! Ikaw pa talaga ang galit. Tsismosong baklang ito..." sabi ko sabay tulak sa kan'ya. "Sino ang nagbigay sa iyo ng karapatan para pangunahan ako sa mga desisyon ko pagdating sa aking anak? Sino ka ba?""Sino nga ba ako, Janina?" Lalong nanlisik ang mata ni Xavier. "Okay, sorry. Mali ang sinabi ko; pero ikaw na itong tsismoso, ikaw pa ang galit. Kakaiba ka!" "I am so disappointed with you. How could you keep important information to your son? He is longing for his father, Janina!" "Alam ko iyon," gusto ko sanang sabihin kay Xavier. Subalit kapag binigkas ko ba iyon ay maiintindihan n'ya ang nararamdaman kong takot? Napangisi ako sa sagot na lumitaw sa aking isip. Alam kong hindi n'ya mauunawaan ang damdamin ng isang ina. Selfish na kung selfish pero ayaw kong mawala si Jude. Habang tinitingnan ko si Xav
RHIAN HOFREYMy beautiful face was etched with an evil smile. I found out that my grandmother's brother had died. Bravo! I did an excellent job. I was born to be a villain. Yes, you read that correctly.I was born to destroy the families of Villasanta and Montefona. Unfortunately, I fell in love with Xavier. And my Lolo despised me as a result.I don't care naman. Daddy and mommy support me in many ways. I have no work pero kaya kung bilihin pati buhay ng tao. Sa yaman kong ito, tanging si Janina Marie Villasanta lang ang may K na labanan ako. Of course, hindi ako papayag doon. Umiiyak na lumapit sa akin si Yna. She's looking for her dad. Itinaboy ko siya palabas ng silid ko. Nakakairita na makita ang mukha n'ya. Kung hindi ko lang siya kailangan gamitin, matagal ko na siyang iniligaw sa kalsada. I really hate her. Ayaw ko pang maging ina. Mas gusto kong mag-travel, magpakalasing sa bar and of course lumandi. "Mommy, where is daddy?" ulit ni Yna. "I don't know. Probably ay kasama n
JANINA MARIEMaaga akong pumunta sa Montefona Mansion para makausap ko ang mga magulang ni Xavier. Hindi ko na kaya pang makisama sa kan'ya. Napakasakit na alam niya naman na matanda na si Lolo pero nagawa niya pa na i-text ito ng mga bagay na pwede niya naman sanang i-confirm muna sa akin. Naiintindihan ko na kung bakit siya hindi nagpakita sa burol ni Lolo. Marahil ay nakokonsensya siya sa ginawa niya or worst baka masaya pa siya dahil nasaktan niya ako ng sobra. Halos malaglag ang panga ng katulong na nagbukas sa akin ng malaking gate. Hinahanap niya si Xavier at ang sasakyan daw namin pero wala iyon dahil nag-commute lang ako."Nandiyan ba sina Mr. and Mrs. Montefona?" tanong ko. "Wala po, ma'am. Nasa bakasyon po sila sa Italy." Napasinghap ako sabay hawak sa bakal na gate. Tinanong ko ang katulong kung kailan ang balik ng mag-asawa at ang sagot niya ay isang buwan mamamalagi sa Italy ang mga ito. Nagtataka siya kung bakit hindi ko raw alam gayong galing doon si Xavier at napag
XAVIER WESLEYI can't control myself. Naghalo na ang galit, sakit at panlulumo dahil sa hindi ko inaasahan na mga pangyayari. My happy and peaceful life had devolved into a nightmare. And it's all due to Rhian. But I'm thankful that, despite everything, my bestfriend, Jake, never abandoned me. He always told me that if I wanted to keep my wife forever, I needed to fight.Ininom ko lahat ang laman ng bote ng alak na inilagay ni Jake sa table. Ang pag-inom ng alak ay paraan ko para makahinga kahit sandali lang. Minsan nga ay naiisip ko nang magpa-rehab dahil takot din akong maging dependent sa alcohol. "Xavier, lasing ka na, bro." Jake tapped my shoulder. "Parang pati ako ay mababaliw na kasi, Jake. Nag-aaway kami ni Janina kanina nang bigla na lang niyang tinawag ang pangalan ni Tommy, then nag-collapse na siya. I guess she's mentally ill." "Try to convince her to see a doctor, bro." "Eh, di lalong lumala ang away naming dalawa. Hindi na nga siya naniniwala sa akin. Simula ng dumat
JANINA MARIE Habang panay ang hampas ko sa pader ng walis-tambo na hawak ko ay pinagmamasdan lang ako ni Althea. Nakikipaglaro lang siya kay Jude at parang hindi siya affected sa pag-e-emote ko. Ngunit nagpatuloy lang ako sa aking ginagawa dahil paraan ko iyon para mailabas ang galit ko kay Xavier. "Umayos ka nga, JM. Masisira na iyang walis na hawak mo," saway niya sa akin. "Galit ka po ba, mama?" pagkuwan ay tanong din ni Jude. "Bad po ba ako?" Ngumiti ako at inipit ko ang walis sa pagitan ng aking dalawang tuhod. "Hindi, anak. Sinusubukan ko lang kung gaano katibay ang pader," sagot ko. "Pwede ako rin po… Titingnan ko rin kung matibay ang pader." Tumakbo si Jude palapit sa akin at hinawakan ang walis. Nang makuha niya iyon ay inihampas niya rin sa pader. "Tingnan mo ang kalokohan mo. Pati anak mo ngayon, ginagaya na ang ginagawa mo," sita sa akin ni Althea. "Gusto mo bang lumabas para kahit paano ay ma-refresh ang isip mo?" "Ayaw ko, Althea. Nagtitipid ako." "JM, saway
JANINA MARIE Janina! Halos hindi ko na makilala si Althea na nasa harapan ng natutupok na bahay ni Lolo. Patakbong sinalubong kami ng aking kaibigan at niyakap niya ako. Dama ko ang mabilis na tibok ng kaniyang puso nang magkadikit ang mga dibdib namin. "Salamat naman at ligtas kayong mag-ina. Mabuti at lihim na natutulog si Xavier sa bahay na iyan kun'di baka kung ano ang nangyari sa inyo," saad ni Althea. Parang wala akong narinig. Nang bitawan niya ako ay agad kong tiningnan ang buong katawan ni Jude. Nagising siya dahil sa ingay ng bumbero. Umiiyak siya dahil sa ingay ng mga nagkakagulo na mga tao. Wala siyang galos o paso kaya nakahinga ako ng maluwag. "Okay lang po ba kayo, sir?" tanong ng isa sa mga armadong lalaki kay Xavier. Nakilala ko ang isa sa kanila. Iyong dating bodyguard na minsan ay lihim na nagbantay sa aming mag-ina. Inasikaso kami ni Jude ng mga medics na sakay ng ambulansya. Kinunan nila ako ng BP at si Jude ay kinakausap nila para daw hindi ma-trauma ang
JANINA MARIE"May ahas! May ahas!" sigaw ko habang tumatakbo sa pasilyo. Gusto ko kasing asarin si Xavier dahil sa nakita ko. Ang masungit na CEO ng Montefona ay tiyak uusok ang ilong dahil sa aking kapilyahan. Ngayon na alam ko na ang totoo kahit paano ay magaan na ang loob ko kaya nagagawa ko nang magbiro. Tawang-tawa ako sa aking kalokohan pero hindi ko inaasahan nang umakyat sa second floor ang chef at may dala siyang matalas na itak. "Ma'am, nasaan po ang ahas?" nagmamadaling tanong ng chef sa akin. "Ah… wala. Uhm…" utal-utal kong sabi. Uminit ang aking pisngi dahil sa pagkapahiya. "Ma'am, malaki po ba?" tanong ni Gemma. "Maliit lang. O-o-oo, maliit lang. Ay, hindi! Malaki! Sobrang laki. Lumabas na siya sa bintana ng silid na iyon," natataranta kong sagot. Itinuro ko ang aking silid. "Naku, naman. Kagagaling lang ni ma'am sa trauma na likha ng sunog tapos ito na naman," nag-aalala na sabi ni Gemma. "Palagyan n'yo po kaya ng screen ng bintana sa silid na iyan. May mga halam
JANINA MARIE Makalipas ang isang taon, habang masaya kaming magkakaharap na kumakain sa malawak na bakuran ng Paraiso De Montefona sa Calauag ay biglang umiyak ang aking bunso. Parang sinilaban ang puwet ni Xavier dahil sa bilis n’yang tumayo. "Dessa, don't cry, baby," sabi niya habang isinasayaw ito. Kumikislap ang aking mga mata habang pinapanood ko sila. Sa tabi ko ay naroon sina Yna at Jude. Tinutulungan ni Yna ang kanyang kapatid para tanggalan ng tinik ang isda na nasa plato nito. "Ako na ate. Ayaw kong mahirapan ka kasi girl ka. Dapat ako ang tutulong sa iyo," saad ni Jude. "'Wag ka na ngang magreklamo diyan. Ate ako," sagot ni Yna. "Oh, 'wag na kayong mag-away. Ako na lang ang gagawa," sabad ni Nanay Elle. "Hindi po kami nag-aaway. Ganito lang po talaga kami," mahinang sabi ni Jude. Nakangiting sumubo ako ng pagkain. Sa mga gano'ng pagkakataon ay pinapabayaan ko ang aking mga anak upang matutunan nila kung paano respetuhin ang isa't isa. Hinahayaan ko sila para
JANINA MARIEAng mga sumunod na linggo na wala si Xavier ay napakahirap para sa akin. Nagsimula na akong makaranas ng morning sickness at katulad noong ipinagbubuntis ko si Jude, wala akong asawa na puwedeng tumulong sa akin. Nag-initiate ang mga biyenan ko na sa mansyon ng Montefona muna ako tumira subalit tinanggihan ko sila. Mas gusto ko kasing manatili sa bahay kung saan ay na kasama ko si Xavier ng matagal. Gusto kong mabuhay sa mga alaala ng aking mag-ama. "Kumusta ka rito," tanong sa akin ni Althea. "Maayos naman ako," sagot ko sa kan'ya. Tumingin sa akin ang aking kaibigan na para bang hindi niya ako pinaniniwalaan. "Sigurado ka?" tanong niya ulit sa akin. "Baka mamaya tumalon ka riyan sa swimming pool katulad nang ginawa mo noon sa dagat sa Batangas."Nahampas ko ang aking bestfriend. Kahit kasi ilang araw na ang lumipas ay hindi pa rin nawawala sa isipan niya ang nangyaring iyon. Aaminin kong nawala ako noon sa aking sarili, ngunit hindi ko na gustong mangyari pa iyon.
RHIAN HOFREY Jake has been irritable lately. Madalas ay ikinukulong niya ako sa silid at hindi pinakakain. Ginagamit niya rin ako na parang hayop. My life with him is like hell. Nakakasakal at nakakapagod ang bawat segundo. Kapag lasing siya ay pinagdidiskitahan niya ako at binubugbog na para bang wala ng bukas. Madalas ay nagiging unconscious ako sa bawat atake niya. The love I felt for him turned into hate. Galit na pumapatay unti-unti sa akin. Ang daming mga boses ang bumubulong sa akin na tapusin ko na raw ang aking buhay pero pilit kong pinaglalabanan iyon. Ang tanging pangarap ko ngayon ay ang makita si Yna. Subalit idineklara na siyang patay ng mga alagad ng batas. Pumasok si Jake sa silid ko at pinukpok ako ng baril sa ulo. Naramdaman ko ang pagtulo ng pulang likido sa aking noo. Pinahid ko iyon ng likod ng aking palad. Nanginginig ang mga kamay ko habang nakatitig ako kay Jake na parang sinasapian din ng demonyo. “Jake, set me free. Hayaan mong hanapin ko si Yna,” I beg
JANINA MARIEHalos mawasak ang mundo ko dahil sa balitang dumating. Hindi ko napigilan nang unti-unti akong nawalan ng malay. Nagising na lang ako dahil sa mga boses na tumatawag sa pangalan ko. “Ma’am, gusto n’yo po bang dalhin namin kayo sa hospital?” tanong sa akin ng secretary ko. "Ma'am, ano po ang nararamdaman mo?""Misis Montefona, kumusta po kayo?""Ma'am, gusto n'yo po ba ng tubig o kahit anong inumin?"Umiling ako sa bawat tanong ng mga taong nakapaligid sa akin. Pinilit kong umupo kahit nanghihina ako. Agad kong inutusan ang aking personal assistant na tawagan si Althea at Lola Genevieve. Agad naman siyang tumalima sa utos ko. “Ma’am, on the way na raw po ang lola mo,” wika ng inutusan ko.Bago pa man ako magsalita ay agad na pumasok si Althea sa conference room ng isang hotel kung saan namin isinagawa ang meeting para sa expansion ng mga projects ng Villasanta. Agad akong yumakap kay Althea habang hinahayaan niya lang na dumaloy ang mga luha ko.“Ano ang gagawin ko?” ta
JAKE ADMERSONKapag pera ang gumalaw, kahit anghel ay magiging demonyo!I am patiently waiting sa news sa tv. Hindi ko na kasi makontak ang taong inutusan ko kaya sa balita ako ngayon umaasa. Si Rhian ay walang alam sa ginawa ko at panay lang ang ngawa niya dahil wala raw akong ginagawa kahit malapit na kaming magutom. Nakaririndi ang bibig niya ngunit hindi ko siya magawang palayasin o patayin dahil pwede ko pa siyang magamit laban kay Xavier. “Jake, ano ba, wala ka na bang gagawin riyan kung hindi ang umupo at tumunganga sa tv?” she asked angrily. Sinulyapan ko lang siya. Hindi ko gustong makipag-away dahil ayaw kong mabahiran ang saya ko ng galit. Hanggang sa binato niya ako ng unan. Sinalo ko lang iyon. “Jake, ano ba ang susunod na plano natin? Nakakainip na. Wala ka ng pera, wala na rin ako. Paano na tayo? Magtatago na lang ba tayo rito? I don’t want to live my life like this forever,” reklamo ni Rhian. Dahil nakakatulig na ang bibig niyang walang preno kaya binunot ko ang ba
XAVIER WESLEY As I watched Tommy suffer because of some people's cruelty, I couldn't keep my range under control. I feel bad for his mother, who recently lost her husband. I feel sorry for my wife because she blames herself for what happened.I resolved to take action once more. Although paulit-ulit na pumapalpak ang mga plano ko, hindi ako mapapagod na sumubok ulit para sa safety ng aking buong pamilya. Batid kong hanggang nakakalaya sina Jake at Rhian, hindi mararanasan ng mga anak ko ang kalayaan na tinamasa ko dati. Hindi nila magagawang maglaro ng malaya sa mga parks at lalong hindi sila makakakain sa labas na walang iniisip na panganib. Dad was surprised when I told him na pipilayan kong muli ang mga Admerson. He asked me why and I simply said na preparation lang iyon para sa isang sorpresa. He looked at me and said, "Okay. I'll support you all the way. Tell me what you need and I'll give it to you." It's not usual na basta-basta ako papayagan ni Daddy sa mga ganoong gawain pe
JANINA MARIEFeeling ko ay nabura ang lahat ng hinanakit at galit ko sa isang simpleng yakap lang ni Xavier. Mas nanaig kasi sa akin ang pagkagulat nang nakita ko siya sa police station. Hindi siya nakadamit pangkasal bagkus ay nakasuot siya ng isang simpleng t-shirt at maong pants lang. Pagkatapos masiguro na okay kami ng mga bata ay iniuwi kami ni Xavier sa bahay naming dalawa. Natatakot man dahil sa isyu ng security pero buo ang loob niya at ng mga police na hanggang nagtatago kami ay lalong hindi rin lalabas sina Jake at Rhian. Sinang-ayunan ni Lola Genevieve ang pasya ni Xavier. Ngunit may isang kondisyon, iyon ay itatago ulit ang mga bata at kaming mag-asawa lang ang parang magsisilbi na pain. Subalit hindi gusto nina Jude at Yna na malayo sa aming mag-asawa kaya no choice na ang lahat kung hindi magsama-sama sa loob ng isang bahay. Ang bahay namin na dapat ay ubod ng saya ay punong-puno palagi ng tensyon. Maraming tauhan kaming kasama bukod pa sa mga pulis na maya't-maya ang
JAKE ADMERSONDaig pa namin ni Rhian ang aso't pusa habang nasa biyahe kami pabalik ng Cavite. Kasal daw nila ni Xavier at naghihintay na ang fücking bestfriend ko. I was not about to go dahil hindi ko gustong maki-celebrate sa buhay ni Xavier. Magiging masaya lang kasi ako kung patay na siya. Tumawag si Rhian sa pinagkakatiwalaan niyang katulong na nasa mansion ng mga Montefona. Gusto kong marinig ang latest activity ni Xavier dahil aaminin kong duda ako sa magaganap na kasal nila ni Rhian kaya inutusan ko siyang lakasan ng tawag para marinig ko. “Ma’am, kinausap ako ni Sir Xavier. Tulungan ko raw siyang mag-ayos ng mga gagamitin sa kasal at inayos ko na po lahat,” wika ni Gemma. “Ano ang ginagawa niya ngayon?” ‘Nakakulong lang po siya sa kan’yang silid. Nitong mga nakaraan ay palagi siyang nasa kaniyang room lang kasi masama raw ang pakiramdam niya. Masakit daw ang kaniyang ulo.” “Have you seen any unwanted actions or may narinig ka ba na kahit na anong mga salita na laban sa
JANINA MARIEMatinding awa ang naramdaman ko habang tinitingnan ko si Rhian na dahan-dahang umuupo sa sahig at umiiyak. Alam kong biktima rin siya ng mga sakim na tao lalo na ng kaniyang kinilalang ina. Hindi ko alam kung ano ang mga pinagdaanan niya pero may hinuha akong marami siyang pasakit na naranasan. Inilayo ko si Yna sa kaniyang ina. Ayaw kong makita niya na nasasaktan ang Mommy niya. Kahit hindi ko man siya dugo’t-laman, mahal ko si Yna na parang tunay kong anak. Hanggang hindi matino si Rhian ay ipaglalaban ko ang batang natutunan ko nang mahalin. Nang madala ko si Yna sa silid, muli kong binalikan si Rhian. Ngunit naroon na si Jake. Parang bata na naglambitin si Rhian sa bestfriend ng asawa ko at umiyak lang siya nang umiyak. Panay naman ang tanong ni Jake sa kan’ya kung bakit siya umiiyak pero hindi naman nagsasalita si Rhian. Dahan-dahan akong lumayo sa kanila para hindi ako makaistorbo. Alam ko kasing may relasyon sila dahil nahuli ko silang naghahalikan sa living room