Chapter 30.1 "SHE was so funny and looked like a fool when she made us all believe that she didn't drink at that party. Know what? Nagpapantasya siguro siya na nilasing mo siya para may mangyari sa inyo. Ang lakas din ng tama niya. I was just laughing at her and told her to stop making illusions. She's not your type," patuloy na daldal ni Abegail sa kanya. "You told her?" Tanong niya sa babae. "Yeah!" Agad nitong sagot, "To help her learn and help her realize what's reality and what's illusion. And in her case, ilusyunada siya. Susko. Sa tagal e hindi mo siya natipuhan man lang, ngayon pa ba? Not because we broke up she could have a chance na to have you. Doon na lang siya sa kausap niyang balo noong reception, total naman ay may gusto 'yon sa kanya. She was made for those kinds of men, balo at matanda." Midnight didn't like what Abby was saying. May bumubulong sa kanya na masyado naman ang panghahamak nito kay Desire, samantalang sabi sa kanya ni Devi ay kaya walang nanliligaw s
Chapter 31 DESIRE was smiling ear to ear when she saw Mason at the gate. Inihatid na ng doktor ang kanyang sasakyan kaya naman sinalubong niya nang makita niya kaagad sa bintana. "How are you, beautiful?" He asked her with a smile and a smooch. "I'm quite good, Doc. Kakuwi mo pa lang ba?" "Yes. Sinadya ko talagang magpaumaga dahil alam ko tulog ka pa kapag 5:00 AM." She smiled. Gising na siya kapag ganoong oras nitong mga nakaraan. Pero ngayon, hindi na siya ginising ng maaga para maghanda ng pagkain ni Midnight. Tapos na ang kanyang pagpi-feeling ulirang asawa. He doesn't deserve to be treated as her king because he doesn't treat her like a queen. Queen of fool, yes. Sensitive na kung sensitive at mahilig mag-self pity pero 'yon naman talaga ang totoo. "Thanks for bringing her home. Anyway, may alam ka bang pwede kong tirhan?" Tanong niya rito kaya napatanga ito sa kanya. "You're leaving him?" Tanong nito saka sumulyap sa bahay." "Getting ready. After what I found out, mahira
Chapter 32 HE saw the books packed inside the bag. That's what greeted him when he entered Desire's room. Akala niya ay nakauwi na iyon pero wala pa pala. What's the meaning of this? Tila ba siya ay nataranta. Aalis ba si Desire sa bahay kaya inilagay na sa bag ang mga libro sa Medicine? Shit. Agad siyang napapihit para lumabas pero muli niyang tiningnan ang bag. A part of him doesn't want her to go, not because of his plan, but because he's fond of her company. And now that Desire turned too cold on him and aloof, he missed the old her. Diyos ko. Nahulog ba siya sa sariling patibong? He was constantly chatting with Abegail but it seemed like he was only doing it to accommodate that, as if it were an obligation, but inside, he is no longer interested in doing so. He saw her. Yes he did. He saw her now that she wasn't treating him well. May pakiramdam siyang ayaw na sa kanya ni Desire. "Sir," tawag ng isa sa mga kasambahay sa kanya. Nasa may pinto iyon ng kwarto nang lingunin ni
Chapter 33 "HERE we are. Welcome," Mason was smiling ear to ear when he opened the door for Desire. He made sure that CCTVs were properly installed before she moved in. Kahit gabi nang sabihin nito na lilipat na kinabukasan ay pina-install-an niya kaagad ng CCTV sa paligid. "Thank you for accompanying me, Doc. Please don't tell Mommy ha," nito sa kanya, na agad naman nitong tinanguan. "Of course. Ako pa ba?" Sagot kaagad ng doktor, na hindi matanggal ang mga mata kay Desire. Finally, the lady he was eyeing since last year is now with him. Nakakatuwa na umayon sa kanya ang panahon, kaya naniniwala siya na kanya na si Desire ngayon. Naalala ni Mason nang una niya itong makita sa burol ng namatay niyang asawa. Masama man na maramdaman pero nagandahan siya rito na sobra. She was so lovely, and her face was so damn kind, very feminine. Mahinhin ito at pinong kumilos, isang kilos na natural at hindi aral. Mula nang nakausap niya ito nang gabing iyon at tumatawa sa mga biro niya, nagus
Chapter 34 ANG laki ng ngisi ni Midnight nang itaas sa ere ang kanyang baso na may lamang alak. He was so surprised to see his friends. Walang sinabi ang mga iyon na darating at bigla na lang siyang inimbita na lumabas. Pumayag naman siya kaagad. Wala rin naman siyang gagawin sa bahay. Maghapon lang siyang nagliwaliw. Mas mabuti na ito na makapag-good time siya. "What are you really up to, man?" Seryosong tanong ni Sandro sa kanya, "Let's talk seriously now. How are you after that?" Nakuha kaagad ng binata ang sinasabi nitong kumusta siya pagkatapos ng nangyari. Kumusta na nga ba siya? Well, hindi niya namalayan na mahigit ng isang buwan matapos iyon. Na isang buwan siyang naging busy sa prisensya ni Desire. Tapos, biglang sumulpot si Abegail at balik sila sa pagiging magkarelasyon. Tapos, ang isang beses na hindi niya pinansin ang ka-live in ay nauwi sa pag-iwan sa kanya. Tapos, kagabi lang ay nag-away sila ni Abby, at hanggang kanina ay seener lang siya. Naniniwala pa rin iyon s
Chapter 35EXAM DAY!Desire was happy that she felt good when she woke up. Mukhang may pakikisama ang kanyang baby sa pakikibaka niya ngayong araw. Pinilit niyang mag-review kahit na may pinagdaraanan siya ngayon na hindi maganda. Hindi niya pwedeng pabayaan ang pag-aaral dahil lang sa broken hearted siya."Ready ka na ba sa exam natin, baby?" Aniya sa anak na bigla na lang siyang naging dahilan para lakasan niya ang loob.Binuksan niya ang pinto, pero napatigil siya nang sandali na itulak niya ang brown na screen. She saw a bouquet of flowers. Nakaipit iyon sa bakal na siwang ng gate. At first thought, Desire thought somebody just made fun and left it there. Napatitig siya roon at napagtanto niya na parang hindi iyon kakatwang bagay lang. May distansya ang bahay niya sa mismong kalsada. Maraming bahay na nasa tabi ng daan, na pwedeng pag-iwanan ng mga bulaklak, bakit naman sa gate pa niya.She continued to lock the door and went to the bouquet. She handed it and checked the card. May
Chapter 36 HINDI siya matahimik habang masahe ang kanyang mga kamay. Palakad-lakad siya sa sala at sinisipat ang sarili sa mga nakakabit na salamin sa dingding. Hindi niya sinipot ang ka-date niya. Sabi niya ay biglang sumama ang kanyang pakiramdam kaya hindi na siya makikipag-date. Pinag-iisipan niya nang mabuti ang mga sinabi ni Devi sa kanya. Naninimbang pa rin siya kung gagawin ba niya iyon o hindi. She was prepared.She was wearing a very short sky blue skirt and a black top.Labas ang kanyang cleavage, ang mga braso at likod.Wedge sandals ang kanyang suot na pangyapak.Nakaisip na rin siya ng rason kung bakit siya sumulpot sa Ayala. Ang hindi niya matiyak ay kung naroon ang target niyang akitin at kabayuin. Diyos ko. Nakapangingilabot ang salitang kabayuin. Pero sa totoo lang, ang site na ipinag-send sa kanya ni Devi ay nakatulong sa kanya nang malaki, kung paano ang performance level sa kama. Nakapanood siya ng iba't ibang mga posisyon at tinandaan niya iyon pero pagkatapos n
Chapter 37"I SAID, stop," he warned as he panted heavily.Ramdam na ramdam niya ang paninigas ng kanyang pagkalalaki.Natanaw na niya ito kanina pa habang kumukuha siya ng kape, at nakita niya ang itsura nitong parang pupunta sa bar ang itsura. Mahinhin pa rin ito, oo pero sobrang ikli ng palda nito.He could almost see her panty when she climbed upstairs. Her cleavage was peeking, and he knew her boobs weren't small."Anong stop? E nagsasabi lang ako ng totoo. I better get going," anito pero kinabig niya ito ulit.No, hindi ito aalis na basta lang. Noong isang araw pa niya ito iniisip. Hindi siya matahimik. He wanted to fuck her senseless. Ang nakakatawa pa ay matapos na mang-away ni Abegail, bigla siyang gustong kitain. Out of town daw si Gian at pwede silang mag-hotel maghapon, magdamag. He didn't come. He made another excuse that he was out of town, too to see Cain. Kahit na ang kapatid niyang hindi niya alam kung nasasang lupalop naman ay kanya pang idinamay, pero sa totoo ay iban
Special Chapter 4 months later... MALAKI ang tiyan, hindi naka-uniform. Iyon ang itsura ni Desire nang lumabas sa classroom, kasabay ang pambansang best friend na si Devi. Nasa ika-limang buwan na siya ng pagbubuntis ngayon. Tapos na halos ang paghihirap tuwing gumigising siya sa umaga ara magsuka. Sumusuka pa rin siya pero hindi tulad ng dati. Noon, ang katawan niya ay mala Jessy Mendiola, noong binabansagan pa iyon na, 'chubby is the new sexy', pero ngayon ay pumayat si Desire. Nabaliktad na ang takbo ng buhay niya. Apat na buwan na lang ay lalabas na ang kanyang little Midnight. The ultrasound last month showed the gender of the baby. Napakaaga para makita pero hindi rin naman imposible. Wala pang nakakaalam no'n, siya pa lang. Ang litrato ng ultrasound ay ipinakita niya kay Midnight, pero tanga naman iyon na hindi alam kung alin ang itlog at ang putotoy ng anak niya. Ang sabi no'n ay ang ganda ng utak ng anak nila. Tawa siya nang tawa at sinarili niya ang sikreto sa kasarian
Epilogue BUKOD sa napakahaba ng leeg ni Desire ay kandahaba rin ang binti niya habang nasa sidestand ng Red Bull Arena, kasama ang Mommy at Daddy niya at si Leonardo. Tatlong taon pa lang ang lumipas. Ang anak nila ni Midnight na si Rafayel na magtatatlong taon na ay hindi pa nasusundan. Sobra-sobra ang pag-iingat nila ni Midnight para makapagtapos na rin kaagad siya ng pag-aaral. Naoagkasunduan nila iyon, kahit na gusto sana nila na marami silang maging anak. Kasama niya ang anak, nasa side bench din kasama si Jocelyn. Iyon ang nag-aalaga kay Leaf, palayaw ng anak nila. Nasa stadium sila, sa Harrison, New Jersey para suportahan si Midnight at ang buong team, para sa fun game fir a cause. Ang mananalo sa laro na ito ay mabe-benepisyuhan ang mga homeless people sa Pilipinas. Si Midnight ay naimbitahan na sumali sa laro at dalahin ang Pilipinas sa laban. Sikat na sikat pa rin ang mister niya sa larangan ng football. Nagsisipagtilian ang mga dating fans nito, magpa Pilipino o foreig
Chapter 60.1 "JESUS!" Bulalas ni Midnight sa may likod ng dalawang babae na nagsipag-tilian. Si Desire ay agad na nakadampot ng kung anong bagay at pikit-mata na inihampas sa kanya. "Damn it!" Bulalas din ng binata matapos na dumapo sa mukha niya ang isang matigas na bagay. "Oh God!" Anito at agad siyang nahawakan sa mukha. Mabuti na lamang at hindi matalim o kahoy ang nadampot nito, paglalamayan sana ang gwapo niyang mukha, mukha na tinitilian, pinipilahan at kinababaliwan. "Ikaw talaga, lagi kang nanggugulat," she sassed and hugged him right away, "Sorry," masuyo nitong sabi. "Diyos ko naman, pards. Makatalsik kaluluwa ka naman. Alam mo naman na nandito tayo sa historical place ng baliw na doctor tapos may pabalikat ka," anaman ni Devi na parang hiningal, hindi niya alam kung sa takot o sa katabaan. "I decided to come to check the place. Mahirap na. Kahit may bodyguards, mas tiwala pa rin ako sa abilidad ko," pagmamayabang naman niya kaya natawa ang dalawa. "Sus, may nalala
Chapter 60 HAWAK ang sumakit na tagiliran ay napangiwi si Midnight. Ganoon na lang ang pagkataranta ni Desire at kaagad na ipinihit ang mukha ng binata. "Achy?" She asked right away. They even paused at the door. Tumango ito nang kaunti. "Babalik tayo sa hospital," aniya pero natawa ito sa kanya. "I can handle this, love," anito sa kanya pero naiinis siya. "Napakayabang mo naman kasi!" Angil niya rito kaya pangiti-ngiti si Chaos na pumasok at nilagpasan sila. "Castelloverde, Sire," ani Chaos sa kanya habang bitbit no'n ang ilang bag, na may mga gamit nila ni Midnight. "Ay pogi," komento ng mga kasambahay nang makita si Chaos. "Love naman," ani naman ni Midnight sa kanya. "You're so mapilit kasi na umuwi. You don't even want to use the wheelchair. Now, you'd complain because your stitch was aching," naiinis na litanya niya. Si Matilde ay nangingiti habang nakahawak pa rin sa pintuan, naghihintay na tuluyan silang makapasok sa loob ng bahay. "Tak tak tak tak," an
Chapter 59DESIRE wasn't in the room when the police officers came with Salvatore. Tanging kasama ni Midnight ay ang ama niya. Lumabas kasi ang dalaga para ihatid ang mga kaibigan na bumisita sa kanila."Sorry, it took a while for me to visit you. I was busy. I was cooperating with these people to finally get what kind of justice you deserve," Salvatore told him.Nasa tabi nito ang asawa, na siyang nag-aalaga sa kanya roon. Iyon ang tumatayo niyang doctor, bukod pa sa mga surgeon na umopera sa kanya."Thank you, Tito," he said and cleared his throat, "Where is the demon anyway?" Galit na tanong niya.Nagpupuyos pa rin ang kalooban niya sa tuwing naalala ang kwento ni Desire sa kanya. Damn that Mason for tasting his woman."Three counts of attempted murder, wala siyang kawala, Midnight. Nasa ospital siya, inopera ang ulo pero pagkatapos ay sa kulungan na ang bagsak niya. I will not let him get away with this, not with what he did to my daughter, to you and to my grandchild," anito sak
Chapter 58 KALIWA at kanan ng pakikipag-usap sa telepono ang parating nakikita ni Desire sa labas ng pinto ng kwarto ni Midnight. Nakahanda na iyon para sa paglipat sa binata mula sa ICU. Hindi na siya makapaghintay sa sandaling iyon. Leonardo decided to let his son stay inside the intensive care unit to fully monitor Midnight. Bente kwatro oras, iyon ang gusto ng matanda kaya matyaga siyang naghihintay sa natitirang trenta minutos bago tuluyang makita ang pinakamamahal niyang lalaki. Pakiramdam ng dalaga ay taon na ang ipinaghihintay niya na makausap si Midnight. Though he was doing okay, she still missed him so much. Nalulungkot siya dahil alam niyang masakit ang mga sugat, at masa masakit ang nangyari. Lumabas na muna siya para hindi siya mainip, at parehas na nasa lobby ang dalawang matanda, kanya-kanyang style sa pagdakip kay Mason. She had given her full testimony to the police. Masakit man na balikan ang lahat ng nangyari, kailangan niyang gawin iyon para sa ikalulutas
Chapter 57 DESIRE ran to her father after seeing the old man walking in the hallway. Papalapit ang ama sa kanya sa mabalasik na anyo, na kahit may uban na ay mababakas pa rin ang pagiging isang walang kasing tikas na militar. "Daddy," she sobbed. His men surrounded her. She wasnt able to tell him the story over the phone because she was in a hurry. Kinamayan si Salvatore ng mga pulis na nasa ospital, na nag-i-imbestiga sa kanya dahil halos hindi matapos-tapos ang kanyang magku-kwento. "General Salvatore Arandia," Salvatore introduced himself. Sumaludo ang mga pulis dito habang siya ay hindi makatikal sa ama. "Maupo tayo, Desire," anito sa kanya. Mula sa pasilyo pakaliwa ay lumabas naman si Chaos, galing sa banyo. Lumapit iyon sa kanila at kinamayan ang ama niya. "Does your father know?" Tanong ni Salvatore kay Chaos. Napakabigat ng loob ng matanda sa nangyari. Kahit hindi nito alam ang kabuuan ng kwento, umpisa at katapusan, alam nito ang nangyari. Ang anak niya
Chapter 56 NAPAKADILIM ng buong bahay at lahat ng ilaw sa labas ay patay. At dahil walang mga tao sa bahay na nasa may 'di kalayuan ay hindi na nagtataka si Midnight, na kakarampot na liwanag lang mula sa solar lamps sa mga poste ang tumatanglaw sa kalsada, na naaabot ang inuupahang bungalow ni Desire. Ang kanyang dibdib ay sumikip nang tuluyan nang makita ang estado ng bahay. He was damn sure he left the lights on in the living room. Hindi brownout. May ilaw ang lahat sa phase 1 and 2 ng subdibisyon. May nangyayaring hindi maganda. At sukat sa kaisipan na iyon ay gusto niyang umiyak. Nasa loob ang Desire niya, mag-isa. He called his brother Chaos before hopping out of the car. Hindi niya masasabing tanga si Desire para tumira sa ganitong lugar. Maayos naman kasi ang subdibisyon, at kahit siya ay wala naman isip na masama noong una, pero ngayon, napagtatanto niya na may mali. "Hello—" "Backup," iyon lang ang sinabi niya at agaran na nag-type ng mensahe para sabihin sa kapati
Chapter 55 UMAGOS ang mga luha ni Desire sa mata habang nakatitig sa kisame na balot ng kadiliman. Kahit anong pilit ay hindi niya lubos na maisip kung ano ang pumasok sa isip ng napakabait na Mason para gawin ang kahayupan na ito sa kanya. He undressed her. She remembered now. Naalimpungatan siya kanina nang tumunog ang grills sa may garahe pero dahil sa sobrang antok at pagod dala ng pagbubuntis hindi niya nagawang bumangon. She was expecting it to be Midnight. Kampante siyang iyon ang pumasok dahil iyon lang naman ang may duplicate key. Wait. Hindi kaya may nangyaring masama kay Midnight? Lalo siyang napahikbi. Naalala niya na may tumakip sa ilong niya, at naamoy niya ang isang panyo na siyang naging dahilan ng kanyang lubos na pagkahilo at pagkakatulog. Now, she's naked. "Let me go!" She cried again, "Let me go, please..." Nahahapo niyang pakiusap, "Paano mo ito nagawa sa akin, Doc Mason?" Napailing siya sa sobrang sakit ng kalooban. She trusted this man since she