"Hmp, stop!"Mabilis niyang tinulak si Raphael at masama itong tiningnan. Nalasahan pa niya ang alak sa bibig nito kaya't lalo siyang nainis."Ang kapal din naman ng mukha mo no?" hindi niya mapigilang angil kahit pa kulong pa rin nito ang katawan niya.Bumaba ang tingin niya sa labi nitong namamasa pa. Kita niyang bahagya nitong pinaglandas ang dila doon bago sumagot."I'm giving you a choice. If you don't want it, then fine. Mas gusto ko namang nandito ka," mahinang sambit nito.Napakurap siya roon. Hindi siya agad nakasagot. Ewan niya pero bahagyang kiniliti ang tiyan niya dahil doon. Pero mas gusto niyang makabalik sa magulang niya. May mas magandang buhay para kay Serenity doon kaysa sa kinaroroonan nila ngayon.Akmang tatalikuran na siya ngunit kusang humawak ang kamay niya sa damit nito. Natigilan ito at naguguluhang lumingon sa kanya."Did you... change your mind? Mananatili ka na ba dito?" maingat at mahina na lang ang pagbigkas nito.Mabilis siyang pumikit at hinigpitan ang
Hindi niya pa gets ang sinasabi nito pero noong may araw na ay halos maningkit ang mga mata niya sa maleta sa paanan ng kama."B*bo ka ba? Wala naman akong dinalang gamit dito," mataray niyang tanong habang pilit kinikipkip ang kumot sa kanyang katawan.Balewala itong tumayo. Naka-boxer short na ito kaya't nakahinga siya nang maluwang. Lumapit ito sa maleta at parang modelo na sinipat iyon."Yeah, mga gamit mo ito. I am giving you choice to stay or to leave—""To leave, Raphael. Iyon ang pipiliin ko. Hindi ako magtitiyagang makisana sa'yo sa bubong na ito. May magandang buhay na naghihintay para sa anak ko."Kita niyang umigting ang panga nito bago mahinang tinulak ang maleta palapit lalo sa kama."Sure. Get dressed and find your way out. Leave and never come back," malamig na utos nito bago tumungo sa pinto.Mahina pa siyang natawa sa inasta nito. Ano bang iniisip nito? Na mananatili siya dahil lang nags*x silang dalawa? Akala ba nito ay magbabago ang isip niya dahil lang sa init ng
"Bwisit!"Gigil niyang nilapag sa mesa ang babasaging baso na katatapos niya lang inuman. Naiinis siya at literal na kumukulo ang dugo niya para kay Raphael.Sa binigay kasi nitong kondisyon ay talo pa rin siya. Malamang na hindi niya rin maiiwan ang magiging anak niya rito kung sakali."Mukha ba akong palahiang baboy?! Ka-gigil!" inis niyang angil habang nakatingin sa labas ng kusina na akala mo naman ay naroon si Raphael."Kapag talaga ako nakabalik, lintik lang ang walang ganti," bulong-bulong niya muli bago dumausdos ng upo sa upuan at sinubsob ang mukha sa mesa."Oh, kumalma ka na, Hija. Hindi ka rin pakikinggan niyan."Agad siyang napatingin kay Yaya Lilit na kapapasok lang sa kusina. Nakangiti pa ito na tila nasisiyahan sa nangyayari sa kanya."Ang hirap pakiusapan niyang alaga mo, Nay. Hambog na nga, damuho pa!" hindi niya mapigilang lakasan ang boses para sana marinig ni Raphael na nasa kwarto na yata.Mahinang natawa ang Ginang sa kanya, "Paano ka ba kasi makiusap? Sinusuyo
Literal na lakad takbo ang ginawa niya para lang makalabas ngunit hindi na niya inabutan si Raphael. Nakalayo na ang sasakyan nito kaya't naiinis siyang namewang."Mas maganda pa ako do'n," bulong niya sa hangin."Si Meloni ba, Hija? Di mo na 'yan malalayo kay Raphael," komento ni Yaya Lilit na kalalabas habang hawak sa kamay si Serenity."I'm gonna meet my new friends, Mommy!" nagagalak na imporma ng anak niya sa kanya.Pilit siyang ngumiti kahit pa ang isip niya ay lumilipad sa kung ano ang ginagawa ni Raphael at ni Meloni sa sasakyan."Don't let them bully you, hm?" Hinaplos niya pa ang buhok nito na siyang kinasimangot ng bata."They are not bad, Mommy."Maliit siyang ngumuso. Hindi naman kasi niya kinalakihan na maraming kalaro noong bata pa. Tanging Ate Courtney niya lang talaga kaso ay imposible ng mabalik pa ang pagiging close nilang magkapatid."Basta huwag kang uuwi ng umiiyak," huling habilin niya bago ito pinakawalan.Hinayaan na niya ito. Bumalik siya sa loob at naghanap
Nag-walk out siya roon. Hindi na nga niya sinuri pa si Serenity, alam naman niyang aasikasuhin iyon ni Yaya Lilit. Dumiretso siya sa banyo ng kwarto. Agad niyang binuksan ang shower upang mabanlawan ang katawan niyang narumihan ng lupa."Sh*t!" naiinis niyang atungal matapos maramdaman ang hapdi ng mga kalmot ni Melonin sa kanya.Ni-off niya ang shower para lang makita ang mga sugat niya sa braso, malalalim at tingin niya ay mag-iiwan ng pekas iyon.Pumikit siya nang mariin upang pigilan ang matinding galit ngunit imbis na sigaw ay hikbi ang kumawala sa bibig niya. Hindi niya lubos maisip na hinayaan niya ang babaeng iyon na sugatan siya, pati yata buhok niya ay nabawasan ng marami dahil sa sabunot nito!"Bwisit talaga!"Mahina siyang humikbi matapos maalalang kinampihan pa ni Rafael si Meloni. Malamang dahil girlfriend iyon!Lalo siyang naghinagpis sa naisip. Ang kapal ng mukhang ikulong sila gayong may babae naman pa lang naghihintay rito!Galit niyang binuksan muli ang shower at u
COURTNEY'S POV"Aren't you worried about your sister?"Mabilis niyang sinara ang librong hawak at sinulyapan si Royce na kagagaling lang sa banyo. Tumagilid siya ng higa at nagtaas ng kilay."Why would I? In the first place hindi naman dapat siya umuwi. Hindi ko gusto ang presensya niya rito, mas lalong hindi ko gustong makita ang anak niya," bulgar niyang sagot sa asawa.Mas maganda pa ngang hindi na lang nagpakita sa kanila si Crystal. Kung tutuusin ay wala naman itong habol sa lahat ng yaman ng magulang nila at mas lalong hindi niya papayagan na makakuha kahit kaunting kusing sa mga Consunji ang anak nito. Sisiguraduhin niyang mamanahin lahat ni Amethyst dahil iyon naman ang dapat!Kumunot ang noo ni Royce at tila hindi gusto ang narinig mula sa kanya."She's still your sister—""Why are you so concern? Do you like her that much?" naging sarkastiko ang bosee niya.Hanggang ngayon nga ay bitbit niya pa ang alaala ng kahapon. Matindi ang selos niya at hinanakit sa kaisipang anak ni R
CRYSTAL'S POV"Bakit naman hindi mo tinanggap ang proposal? Sayang din iyon. Isipin mo, mabubuo na ang pamilya ni Serenity," panenermon sa kanya ni Yaya Lilit matapos niyang ikwentong tinanggihan niya si Raphael.Napaismid siya at binaba ang hawak na baso ng juice."Hindi ko po gusto ang alaga ninyo. Kung pwede nga lang ay makalayas na ako sa puder niya."Humarap sa kanya si Yaya Lilit at namewang, hawak-hawak pa nito ang sandok na pinanghalo sa linuluto nitong adobo."Akala ko ba ay gusto mong mapunta kay Serenity ang Consunji Empire?" taas kilay na tanong nito sa kanya."Oo nga po pero—""Tama lang na magpakasal ka sa kanya. Paano niya ipapamana ang kumpanya sa anak niya kung ibang tatay ang nasa birth certificate ni Serenity di ba?"Napamaang siya sa sinabi nito. Si Royce kasi ang nilagay niya doon. Hindi ba pwedeng papalitan iyon ng hindi sila nagpapakasal?"Mayaman sila. Magagawan nila ng paraan iyon," kumpyansang sagot niya.Umiling ang Ginang sa kanya, "Ang alam ko ay ibibigay
Nanlaki ang ulo niya sa depinisyon nito ng wifely duties. Bakit parang lugi siya sa parteng iyon? Hindi naman sa hindi niya alam kung paano ito magromansa, ayaw niya lang na magkaroon ito ng hawak sa kanya. Ayaw niyang maging sunud-sunuran sa gusto nito."Deal or no deal?"Napalunok siya matapos maramdaman ang mahihinang paghagod nito sa kanyang bewang."Bakit parang atat ka?"Umangat ang gilid ng labi nito, "Marriage is just for formality. Alam mong hindi ko kailangan iyan kung s*x ang pag-uusapan—"Mabilis niyang tinakpan ang bibig nito at galit na tiningnan."Shut up, Raphael. Ngayon pa lang nagsisisi na ako sa desisyon ko pero sige, magpakasal tayo. Tuparin mo ang kasunduan na mapupunta kay Serenity ang Consunji Empire."Nanliit ang mga mata nito at kitang-kita niya ang pagka-irita sa mga iyon. Mukhang nainis ito sa narinig mula sa kanya pero iyon lang naman talaga ang habol niya.Naibaba niya ang kamay na tumatakip sa bibig nito. Hindi ito umimik. Marahan niyang kinalas ang kamay
RAPHAEL'S POV"Wake up, Baby," mabining paggising niya sa asawa.Umingit ito at mas siniksik ang sarili sa kanya. Napangiti siya at inayos ang buhok nito. Hinanap niya rin ang kamay nito pinagsalikop ang mga kamay nila. Dinama niya rin ang singsing doon. Pagkatapos kasi nilang makabalik sa bansa ay pinakasalan niya muli ito. Pinagbigyan niya rin ang hiling nitong pabayaan na ang kapatid nito kahit pa hindi siya pabor doon."Wake up, Baby. Ngayon na babalik si Royce at Amethyst. Baka nasa bahay na sila ng mga magulang mo," muling bulong niya rito.Isa pa iyon sa kinasasaya niya. Royce won his fight against cancer. Unti-unti ay umaayos na ang lahat. Isa na nga lang ang panalangin niya at iyon ang maalala na siya ni Serenity. Nalulungkot siyang hindi pa rin siya nito tinatawag na daddy pero alam niyang balang araw ay maalala rin siya nito."Nandoon na rin ba sila Anton?" inaantok na tanong nito.Nagsalubong ang mga kilay niya, "I don't care about that bastard—"Mabilis nitong tinakpan an
"Magpapahanap ako ng magaling na doktor," desididong saad ni Raphael matapos niyang ikwento lahat ng nangyari kay Serenity.Tinitigan niya ito. Nakaupo ito sa dulo ng kama, nakayuko, at ang kamay ay nakahawak sa batok. Kanina ay umiiyak ito pero ngayon ay kalmado na. Naiintindihan naman niya. Gusto nga niyang isumbat na kasalanan nito ang nangyari kay Serenity ngunit alam naman niyang hindi rin nito ginustong mangyari iyon. Katulad niya ay biktima lang din ito."Magaling na siya. Kusa rin daw babalik ang mga alaala niya," pagpapagaan niya sa loob nito.Naroon pa rin nga sila sa bahay ng Mama ni Anton. Ayaw pa kasing umuwi ni Serenity. Ayaw nitong sumama sila kay Raphael. Ayaw din nitong tumabing matulog sa kanila kaya't naroon pa ang magkapatid, sa talagang kwarto para sa mga ito."Will it take time?" Nagsusumamo pa itong nag-angat ng tingin sa kanya.Bumuntong hininga siya. Sa totoo lang ay ayaw niyang makitang mahina ito."Maybe? I don't want to force Serenity to remember you. Let h
Mahigpit siyang kumapit sa braso ni Raphael pagkababa nila sa eroplano. Niyakap siya ng lamig at kahit yata tumira siya noon sa ibang bansa ay hindi pa rin sanay ang katawan niya."Gaano ba kadelikado si Philip at kailangan na magmadali tayong pumunta dito?" naguguluhang tanong niya kay Raphael.Tumiim bagang ito habang inaalalayan siya palabas ng airport."Courtney threatened to hurt our children, and we both know Philip was his lover," madiing sagot nito.Nagsalubong ang mga kilay niya, "Plano ba nilang dalawa iyon? Baka naman ginamit lang din ni Courtney si Philip?"Bumaba ang tingin nito sa kanya, "Kinakampihan mo siya?" malamig na tanong nito.Napaikot ang mga mata niya at napabuntong hininga, "Ayaw kong basta mag-isip ng masama lalo pa't si Philip ang nagdonate ng dugo para kay Serenity."Tumahimik ito pero kita niya ang bahid ng inis sa mukha nito."He is not a clean man. Pinsan siya ni Anton? Baka pati iyang si Anton ay may masamang balak—""Shut up, Raphael. Iba si Anton. Hig
CRYSTAL'S POV"What happened to Serenity?" malamig na bungad sa kanya ni Raphael kinagabihan noong makabalik ito.Kunot noo siyang nag-angat dito ng tingin at binitawan sa mesa ang hawak na ice cream."I'm not yet ready to show them to you—""F*ck that I'm not ready of yours, Crystal. Pinadala mo sila sa States kasama ang Mama ni Anton? Do you have any idea how dangerous that is?!" bahagyang tumaas ang boses nito kaya't tinaasan niya ng kilay."What are you talking about, Raphael? Mabait ang Mama ni Anton."Pumikit ito nang mariin na tila pinipigilan ang galit. Salubong lang ang kilay niyang tumitig dito. Noong magmulat ito ng mga mata ay mahinahon na ito."Tawagan mo at sabihin mong ibalik na dito ang mga bata kun'di ay ako ang pupunta doon—""Huwag ka namang mag-eskandalo ng ganyan, Raphael. Mabait ang Mama ni Anton at hindi niya pababayaan ang mga anak ko," matatag niyang laban dito.Tumiim bagang ito, "Then call her. I want my kids here beside me. Dapat ay hindi ka nagtitiwala kun
RAPHAEL'S POVMabining h*lik sa buhok ang binigay niya kay Crystal bago maingat na inalis ang pagkakayakap nito aa kanyang bewang habang mahimbing ang tulog nito. Naka-ilang hampas pa ito sa kanya bago niya nasuyo. Pinagsabihan pa siyang huwag maging masamang damo at sinermunan. Kun'di niya pa ito hin*likan ay baka hindi na tumigil kakasalita.Sandali siyang natigilan noong umingit ito at gumalaw. Noong masiguradong tulog pa ito ay maingat siyang bumaba sa kama. Agad siyang kumuha ng stick ng sigarilyo, sinindihan iyon bago kinuha ang kanyang cellphone at lumabas sa veranda ng condo.Isang hithit mula sa sigarilyo ay ni-dial niya ang numero ng kaibigan."F*ck you, Raphael! I'm in the middle of love making—d*mn, Baby!" reklamo sa kanya ni Martin mula sa kabilang linya.Napangisi siya, "Fine. I'll give you five minutes to finish that—""What the h*ll, man? Five minutes is not enough—""And I'm not your Baby, Martin. Hurry up!" putol niya pa sa pagrereklamo nito bago pinatay ang tawag.H
"Y-our condo?"Muli itong umirap at balewalang hinila ang maleta nito papasok ngunit maagap siyang lumapit at sinapa iyon palayo."What the h*ll, Crystal?!"Galit siya nitong tiningnan bago sinubukang kunin muli ang maleta ngunit muli niya rin iyong pinigilan."As far as I know kay Raphael 'to—""Na regalo niya sa akin, Crystal. Like duh, makakapasok ba ako dito kung hindi sa akin 'to?"Tinaas pa muli nito ang hawak na key card. Mariin siyang tumitig doon. Hindi niya alam kung nagsasabi ito ng totoo pero mas gusto niyang paalisin ito sa condo... at sa buhay nila ni Raphael."Really? Regalo niya 'to sa'yo, Courtney? Then why am I here wearing his shirt?" Ngumisi siya ngunit malamig lang siya nitong pinasadahan ng tingin."Obviously, past time ka niya ulit. Naniwala ka naman. Can't you see? Katawan lang ang habol sa'yo ni Raphael. Baka nga isang linggo lang at paaalisin ka na niya."Ito naman ang ngumisi. Bahagya siyang nainsulto doon pero naaalala niya ang sinabi ni Raphael. Dapat na m
Malalakas na singhap at mahahabang ungol ang nagawa niya sa bawat galaw ni Raphael sa loob niya. Bumaon ang kuko niya sa likod nito noong muli itong gumalaw ng marahas at malalim."D*mn, Baby. You'll making me crazy," parang baliw na bulong nito sa kanya.Napangisi siya at sinalubong ang galaw nito. Ramdam niya ring malapit na siya kaya't malugod niyang tinatanggap ang rahas nito.Humigpit ang hawak nito sa kanyang bewang. Sumasabay sa mabibilis nitong galaw ang kama. Halos napapaliyad siya at talagang mahigpit ang yakap niya sa likod nito."Don't get me pregnant yet, Raphael. Ayaw ko munang magbuntis," paalala niya rito lalo pa't ang plano niya ay makilala muna ito nang lubusan.Hindi ito umimik. Umangat lang ang gilid ng labi nito at mariing humawak sa hita niya. Sabay silang napaungol noong dumiin ito. Dinig na dinig nga niya ang tunog ng pag-iisa ng kanilang katawan. Kagaya dati, marahas pa rin ito sa kama at... magaling.Lalong dumiin ang mga kuko niya sa likod nito at halos muli
Hindi niya alam ngunit napahikbi siya. Instead of feeling hot, she felt disappointed in herself.Tahimik siyang humikbi kahit pa ramdam niya ang paghinga nito roon. Ngunit kusang umawang ang mga labi niya noong lumayo ito at ipagdikit muli ang kanyang mga hita."Why stop now, Raphael? Bakit? Hindi ba't iyan lang ang habol mo?" hinanakit niya sa kabila ng pagpatak ng kanyang mga luha.Mabilis itong tumalikod at namewang. Kitang-kita niya ang matipuno nitong likod."Do not f*cking cry," mariing bigkas nito.Alam niyang umiigting na ang panga nito kahit pa nakatalikod ito sa kanya. Lalo lang siyang naiyak. Niyakap niya ang mga tuhod at sinubsob doon ang mukha."I didn't mean to be harsh. Makulit ka lang at ayaw mong makipag-ayos," dagdag pa nito.Nag-angat siya ng tingin. Kita niyang kumuha ito ng isang stick ng sigarilyo, sinindihan ngunit agad ding nilukumos sa ash try upang mamatay."Just tell me where the kids are to end this discussion. Ibabalik ko kayong lahat sa bahay ko. You want
"Your lies will be the death of you," nang-uuyam na bigkas nito pagkatago sa hawak na cellphone.Umirap siya, "I'm not lying, Raphael. Three years kaming nagsama ni Anton, malamang hindi lang jack en' poy ang ginawa namin. This baby inside me is our love child," patuloy na pagsisinungaling niya.Imbis na mainis ay umangat ang gilid ng labi nito, "We'll see about that. You better be pregnant, because once I prove you are not—""Anong gagawin mo? F*ck me senseless and get me pregnant? Wala ka na bang ibang alam na gawin kun'di paganahin iyang ulo mo sa baba? Kaya nga ba ayaw ko ng bumalik sa'yo kahit hindi ka pa nagloko. I want a man who has a sense of direction, not a man who only knows s*x!"Halos hingalin siya sa sinabi niyang iyon samantalang nawala naman ang ngisi ni Raphael. Kumibot ang labi nito at nanliit ang mga mata pagkaraan ay bigla na lang itong ngumisi."That won't work for me, but thanks for the idea, baby. I won't change my mind about getting you pregnant again if that m