"Halaaaaa!" Bakas ang disappointment sa mukha ng kalaban ko sa arcade, nagi-guilty tuloy ako dahil hindi pa siya na nanalo simula ng maglaro kami.
"YOU WIN!" Sabi ng voice over sa game.
Nakanganga siyang lumingon sa akin habang ako ay patay malisyang nakatuon ang tingin sa monitor ng arcade. Sinabi ko kasi na hindi pa ko ganoon karunong maglaro ng tekken. "Hindi pala marunong ah?"
Dahan kong nilipat ang tingin sa kanya at ngiwi akong ngumiti. "Sorry."
"Pang 20 times na nating laro 'to, at sa 20 na 'yon hindi mo ako pinanalo kahit isa lang! Masyado ka nag papa-impress sa akin ah."
"Hindi ako nagpapa impress sa'yo, excuse me? Admit it, mas magaling na ko sa'yo ngayon." I proudly said and scoffed.
"Siguro ito lang inatupag niyo nila Nico n'ong absent ako, kaya dinaig mo na ko ngayon? Tama ako 'no? Baka nag cu-cutting ka na rin ng hindi ko alam ah?" May pagdududa sa mga mata niya.
"No way, Eri
"Welcome to 65th Foundation Day of Eastwest National Highschool!"Pagkababa namin ng sasakyan ay iyon ang bungad ng isang malaking banner na nakapaskil sa naglalakihang gate ng school.Hindi lang banner ang nakasabit dito kundi iba't ibang klase ng designs at palamuti ang nakasukbit sa bawat grills ng gate. Talagang pinaghandaan ng administration ng Eastwest High ang araw na ito.Hindi na rin mabilang ang mga dagsang estudyante na pumapasok sa ENH. Hindi mo mapapansin kung school mates namin ang lahat ng pumapasok dahil lahat kami ay naka civilian. Wala rin makikita na nakasuot ng I.D dahil ang araw na ito ay freeday para sa lahat ng year level. Pinayagan din ang pagdalaw ng magulang at malalapit na kaibigan ng mga kapwa ko mag-aaral.Kaya kasama namin ngayon ang parents ni Erie para makisaya sa mahalagang araw na ito, at ang Mom ko naman ay hindi ko napapayag na pumunta. Well, I understand her. Busy siya sa work,
Aerielle The day after Benjamin's bullying incident... Kanina pa ako kinakalabit ni Kayle at inaaya na umuwi. Ako 'tong posible na madampot ng barangay tanod dahil sa pagtambang na gagawin ko tapos siya itong ninenerbyos ng husto? Hindi ba dapat ako ang kinakabahan dahil first time ko lang gagawin ang kahibangan na 'to? "Baby girl, are you sure about this? L-Lets go home! Ayokong madawit sa scandal then... t-then malalaman ng parents ko! Plus lagot tayo kay Tito Marcel if he'll know about this!" "Wala naman makakaalam kung walang magsu-sumbong." Komento ni Samuel. "Shut up! Isa ka pang kunsintidor eh! Number 1 bad influence ka talaga! And you're really dumb huh? Kahit walang magsasabi kung marami naman witness na m
AerielleFoundation day..."E-Erie! Where are you going?"Balisa ang mukha ni Benjamin ng lingonin ko siya, ano na naman kaya ang tumatakbo sa isip niya? Iniisip niya ba na mawawala ulit ako na parang bula? Nag-aalala ba siya dahil baka akala niya masama ang pakiramdam ko? O baka naman apektado siya sa 'secret admirer' ko kuno?Napangiti ako sa isip, ang Benjamin ko talaga. Nagseselos ba siya? Akala niya ba papatulan ko kung sinuman ang tukmol na nag-confess? Never 'no! Hindi ako mag e-entertain ng ibang boys dahil siya lang ang laman ng puso ko. Occupied niya na ito kaya wala ng space para sa ibang kaharutan. Kung bubuklatin ang dibdib ko ay pangalan agad ni Benjamin ang makikita, naka calligraphy pa. Ganoon siya ka-special
Hindi maalis ang paningin ko sa puting gown na isusuot ko ilang oras bago sumapit ang pinakahihintay ko na sandali—ang pinakamahalagang araw para sa amin na magkakaibigan. Dumungaw sa aking labi ang masayang ngiti ng maalala ko ang panahon na una akong tumapak sa ENH. Hindi naging sayang ang isang taon na inilagi ko sa Eastwest National. Hindi naging madali para sa akin ang pagiging transferee student, ngunit nalagpasan ko ang lahat ng challenges sa eskwelahan na ito. Sa lugar na ito ako natuto kung paano mahalin ang flaws ko, nagawa kong bitawan ang mga insecurities, pagiging mahiyain, at higit sa lahat... nakaya ko ng humarap ng walang takot sa mga tao. Hindi na naging big deal sa akin ang panahon na na-bully ako sa huling pagkakataon. Sa katunayan ay may natutunan ako sa insidente na 'yon. Kung hindi iyon nangyari ay hindi ko malalaman na may taong handa akong samahan sa kabila ng masalimuot kong buhay. Nagkaroon ng tao na handa akong
"Kuya! Nice, akala ko 'di ka pupunta eh."May galak kong binati ang kapatid ko nang pagbuksan ko siya ng gate. Agad niya naman akong inakbayan at ginulo gulo ang buhok ko ng makapasok siya."Pwede ba na hindi? Miss ko na ang luto ni Mom kaya 'di ko palalampasin 'to.""Lets go inside kuya, ready na ang lunch."Masaya kaming pumasok ng bahay at bumungad sa amin ang napaka bangong amoy galing sa kitchen. A familiar smell and scenario."Mom!""Ang panganay ko, ano kumusta? Akala ko ba busy ka?" Nakangiting bati ni Mom kay Kuya. Bakas sa mukha niya ang saya nang makita niya ang panganay na anak."Walang busy sa'kin when it comes to family Mom. And I really missed your tinola that's why I need to come." He kissed her on cheek."Tinola ko lang ba talaga pinunta mo rito?" Tinaasan niya ng kilay si Kuya.Kumapit siya sa braso ni Mom at malambing niya itong sinuyo. "Of course not! Mas nami-miss ko ang pinaka magandan
Year 2019 mid August... "Panget! Nandito na 'ko sa baba." Sent: 7:06am Binalik ko sa bulsa ang phone ko ng ma-send ko iyon, sana naman tapos na siya mag-asikaso. Huwag niya naman ako pag-antayin ngayon utang na loob. Ayokong ma-late ngayon dahil start ng prelims ngayong araw. Gusto ko matapos agad ang exams para makauwi ako agad. Marami pa akong aasikasuhin sa ibang subjects. May power point presentation pa ako sa major subject ko, reporting kasi ang prelim namin do'n this quarter. Wala naman sana problema kaso marami pa akong ire-recall sa reviewers ko. Sumulyap ako sa relo ko dahil tatlong minuto na ang lumipas ay hindi pa rin bumubukas ang pinto sa tapat ko. Muli kong dinukot ang phone ko at tinawagan ko ang hinihintay ko kanina pa. "Nag co-concert na naman siguro 'to." Puro ring lang ang kabilang linya ng tinatawagan ko. Hindi na ako nag-aksaya ng oras at pumasok na a
"Hindi mo kasama si Aerielle?" Walang gana kong tinapunan ng tingin ang taong kanina pa usisa ng usisa kung nasaan si Erie. "May nakita ka bang pandak sa tabi ko?" Asar kong pinasok sa locker ko ang libro at notebook na ginamit ko sa kakatapos lang na klase. Naaasar ako dahil hindi ko malaman kung saan lupalop ng Eastwest nagpunta ang kasama kong dugyot kanina. May break kaming 30 minutes kanina bago pumasok sa kakatapos lang na klase ngayon. Sumaglit kaming dalawa sa cafeteria para bumili ng coffee jelly niya at tubig para sa akin. Nang makabayad na ako ng binili namin, biglang nowhere to be found ang duwende. Nalingat lang ako saglit tapos bigla na lang siya naglaho sa tabi ko. Gusto ko sumigaw ng 'wow magic!' sa sobrang asar. Hinintay niya lang ako makabayad tapos sumibat na? Napakagaling talaga. Hindi ako nagkakamali na nag cutting na naman 'yon! "Luh? Kung sagutin mo 'ko parang may kas
"Private Benj..." Napamulat ako ng tawagin ako ni Erie. Umalis siya sa pagkakasandal sa akin at maigi akong tinignan. "Hm?" Gusto ko pa sana pumikit para damhin ang hangin na dumadampi sa balat ko. Pakiramdam ko nga ay makakatulog na ako dahil nahihele ako sa paghampas ng hangin. "Sana ganito pa rin tayo, kahit lumipas na ang panahon." Ngunot ang noo kong tumitig sa mukha niyang malungkot. "What do you mean by 'ganito'?" Ano na naman kaya ang iniisip niya? Masaya naman kami kanina habang nagkukwentuhan, kaya bakit biglaan ang paglungkot niya? Tapos na ang 2nd semester ngayong taon sa pagiging 1st year college namin. Next school year ay 2nd year college na kaming dalawa and still... we're still close. Narito kami ngayon sa favorite tamabayan namin. Ang lugar kung saan nailalabas namin ang totoong pagkatao namin. A place where I can f
LIAM BENJAMINHindi ko nagawang ipagpatuloy ang plano kong magpunta ng library. My free time is spent accompanying Erie. I tried to console her as best I could because... She broke down unexpectedly.Iyon ang unang pagkakataon na makita ko siyang tila fatigued ang buo niyang sistema. Dama ko ang matinding pagkalubog ng kaloob-looban niya.She just cried and cried until she couldn't anymore.. Tila ngayon lang niya nailabas ang ilang taong pagkikimkim sa sakit dahil sa pagkawala ng unang naging kaibigan niya.I can see why she chose not to come to our favorite spot now. Paborito niya nga ang lugar na ito, ngunit itong lugar na nagkaroon ng malakimg puwang sa kaniyang puso ay nagbibigay rin ng paulit-ulit na bangungot sa kaniya.I just can't imagine na nagagawa niyang magpunta sa lugar na ito noon sa kabila ng natunghayan niya rito.Hindi ko magawang akapin ang bawat kirot sa mga pangyayaring nalaman ko. Hindi ko rin lubos maisip na paano itong nagagawang lagpasan
Warning!The following scenes contain depression and suicide. Read at your own risk.***AERIELLEFlash back...Lumipas ang ilang araw simula nang marinig ko ng hindi sadya ang usapan nina Wendy at Melisa ay gano'n pa rin ang pakikitungo ko sa best friend ko.Ngumingiti ako sa kaniya na para bang wala akong alam sa sikreto niya. Tinatrato ko siyang hindi ibang tao kahit alam ko ang totoong tumatakbo sa isipan niya habang kasama niya ako.Ilang araw kong kinimkim ang mga bagay na nalaman ko. Wala akong mapagsabihan tungkol sa bagay na 'yon, kahit kay Kayle ay itinago ko ito. Hindi ko kasi alam kung ano ang maiisip niya sa sandaling malaman niya ang totoong may pagtingin sa 'kin si Melisa na higit pa sa kaibigan.Oo... Gusto ako ni Melisa in a different affection.Hindi ko 'yon pansin dahil hindi ko naman binigyang malisya ang mga simpleng yakap at hawak niya sa kamay ko kapag magkasama kami. Iyon pala ay
AERIELLEFlash back..."Hurry up, Aerielle! Mauubusan na tayo niyan sa sobrang bagal mo," Melisa nagged habang naiinip siyang nakatayo sa harapan ko, pero naroon pa rin sa labi niya ang napakahinhin niyang ngiti.Kahit yata inaalburoto siya ng galit ay hindi pa rin maiaalis ang ganiyang ngiti sa kaniya."Oo sandali lang!" Minadali ko na ang pagsuot ng rubber shoes ko. Katatapos lang kasi ng rehearsal namin sa dance group kaya sinusundo niya ako.Break time na rin kaya inaapura niya akong kumilos. Kasama kasi sa menu ng canteen ang Cheese Burger sa araw na ito kaya excited siyang pumila ro'n.Favorite namin ang food na 'yon kaya makikipagpatayan kami sa pila para lang makakain nito. At isa pa, one of a kind Cheese Burger ang ibinebenta sa canteen. Puwede na ipantapat sa Cheese Burger ng Mcdo.Actually, Melisa introduced this soulful food to me. Gawa na bawal ako kumain ng mga hindi masusustansyang pagkain ay wala akong id
Warning!The following scenes contain extreme bullying/harassment. Read at your own risk.***AERIELLEFlash back...I thought matatapos na ang pambu-bully kay Melisa kapag naipaalam ko na sa nakatataas ang panghahamak na ginawa sa kaniya ng classmate niya.Simula nang ipagtanggol ko siya sa manyak niyang kaklase ay mas dumami pa ang nam-bully sa kaniya. At dahil doon ay tila pinaglalapit kami ng destiny.Kahit hindi kami pareho ng year level ay palagi ko siyang nakikita after ng klase. Kung minsan ay sumasama ako sa kaniya mag-lunch break kapag nakikita ko siyang mag-isa sa classroom nila. Alam ko kasi ang pakiramdam ng walang kasama lagi. Iyong kakain ako ng breakfast na wala ang parents ko dahil paggising ko sa umaga ay umalis na sila para pumasok sa trabaho.Kahit saan magpunta si Melisa ay bumubuntot ako sa kaniya. Puwera na lang syempre kapag oras ng klase.Ayoko kasing may lalapit sa kaniya para
AERIELLEFlash back...I tried to swallow the lump in my throat as I tightened my grip on the strap of my bag pack. Hindi ko akalain na ganito pala nakakanerbyos ang introduce yourself."Aerielle, just tell them your name. It's up to you if you like to tell them all about yourself."Lumingon ako sa lalaking nasa kanang bahagi ko. He was smiling, it seems he was helping me to elevate my self-esteem.This man address himself as Sir Pao. Siya ang adviser ko ngayong first year highschool. At simula nang tumapak ang mga paa ko sa loob ng kuwartong ito ay wala siyang ibang ginawa kun'di alalayan ako.Which is I don't like.Ang buong akala ko, kapag nakawala na ako sa kuwadra ko sa hospital ay iba na ang itatrato sa 'kin ng mga taong makakasalamuha ko.But it was just part of my imagination.Hindi ko naman masisisi ang taong ito. Kung hindi nakiusap ang parents ko sa administration nitong school na bantayan every minute ang
I kind of feel nostalgic as I made my way to the place where the first time I found tranquility. Ilang taon na rin simula nang huli kong itinapak ang mga paa ko sa espesyal na lugar na 'to. Matatayog na ang mga damong nadaraanan ko, matatag pa rin ang mga punong huling kita ko ay nalagas na ang mga dahon. Halos lahat ng puno ay napapaikutan na ng baging at ligaw na halaman. Napakatahimik, puro huni lang ng ibon at pag-iingay ng mga dahon gawa ng paghampas ng hangin ang ume-echo sa kabuuan ng garden. Malaki na ang pinagbago ng Secret Haven, mas nagmukha na itong totoong haunted garden kaysa noon. Ngunit kahit gano'n ay nagagalak ang kalooban ko. Sa bawat linga ko sa paligid ay tila nakikita ko ang mga past scenario na pinagsaluhan namin ni Erie sa lugar na ito. Hindi mapigilan ang pagguhit ng nananabik na ngiti sa aking labi. Saglit akong huminto sa paglalakad at ipinikit ko ang aking mga mata. Parang coincidence na
Matapos ang eskandalo na naganap sa pagitan nina Wendy at Erie ay hindi ko na nasilayan ang kaniyang bulto sa campus. Hindi siya sumipot sa klase namin kaya hindi rin ako nagkaroon ng pagkakataon na makausap siya tungkol sa nangyari kahapon.Buong maghapon ko siyang hinintay na magpakita sa classroom pero dumating na lang ang uwian ay wala talagang pag-asa na makita ko siya.I called her many times but her phone was out of coverage. Siguro ay naisipan niyang huwag muna magpaistorbo kahit kanino, kahit sa 'kin.I never tried to sulk just because she was ignoring me. Naiintindihan ko kung iyon man ang nais niya at nirerespeto ko 'yon.Sa tingin ko rin ay kailangan niya ng peace. Napakabigat ng bagay ng ibinintang sa kaniya ni Wendy na siya ang ay may kagagawan kung bakit pumanaw si Melisa, and to think na halos lahat ng estudyante sa Eastwest ay narinig 'yon? Kahit ako ay pipiliin ko na itago ang mukha ko sa lahat kung sa 'kin din mangyari 'yo
"Sorry, hindi ako makakasabay sa 'yo pagpasok. Morning shift kasi ako ngayon. Let's catch up after my duty."Na-i-sent ko muna ang message ko kay Erie bago ako nagpatuloy sa paglalakad palabas sa street namin.Hindi ko na siya nagawang puntahan sa kanila dahil baka mahuli pa ako sa pag-log in sa OJT ko.Nasa kalagitnaan ako ng paglalakad ay nag-vibrate ang phone ko. Dinukot ko ito habang lumilinga ako sa daan para tumawid sa kabilang kalsada."Okay lang. Focus ka sa work mo, I can wait naman. Basta sa 'yo lang hehehe 😘"I suddenly felt my cheeks burned up. Para akong bata na nakaramdam ng biglaang pag-iihi. Hindi ko malaman kung saan ako babaling para humupa ang bagay na kumikiliti sa kalooban ko.Gusto ko man mag-reply sa mala-pulot pukyutang message ni Erie ay nagpigil ako, binalik ko na lang muli sa aking bulsa ang phone ko. Baka kasi bigla na lang lumiko ang mga paa ko pabalik sa daan sa street namin para puntahan siya at huwag na pumasok sa office.Hindi naman ako nabigo sa pag-t
"Morning shift ka tomorrow, Liam. See you in office!" Message iyon galing kay Sir Patrick. Hiningi ko kasi ang schedule ko sa OJT. Gusto ko kasi i-manage ang oras ko bukas dahil marami akong aasikasuhin na school works, gusto ko rin kasi isingit sa oras ko ang plano kong i-date si Erie. Yup, kailangan ko bumawi sa pagiging aburido at immature ko kaninang umaga. "Alright," bulong ko habang nag-reply ng thank you. Binaba ko na ang phone matapos kong basahin ang noticed ni Sir Patrick sa confirmation ko. Pasado alas-nuebe na ng gabi at wala pa akong balak matulog. May ilan pa akong activity na kailangan gawin para sa minor subjects ko. Nasa dining area ako at nakatutok ako sa laptop. Naghahanap ako ng puwedeng makuhang relatable article sa research na ginagawa ko. Nawala rin agad ang atensyon ko sa binabasa dahil nag-ingay ang phone ko. Mabilis ko itong sinagot dahil pangalan ni Erie ang naka-display sa screen. "Good evenin