Home / YA / TEEN / Memories of Erie / Chapter 1 - Pinky Promise

Share

Chapter 1 - Pinky Promise

Author: AndyThoughts
last update Huling Na-update: 2021-05-09 00:03:40

Kung mayroon contest sa pinaka duwag na tao sa mundo, siguro ako ang makakakuha ng first place.

Duwag ako. Napakahina ko. Nang dahil sa kaduwagan ko, mas pinili ko na masaktan ang taong pinahalagahan ko ng mahigit apat na taon. Nang dahil sa takot ko na baka magkaiba kami ng nararamdaman para sa isa't isa, mas pinili ko na makita siyang lumakad palayo sa akin.

Nang dahil sa pinairal ko ang mga scenario sa utak ko na baka hindi niya rin ako gusto gaya ng pagkagusto ko sa kanya ay hinayaan ko ang sarili ko na maging tikom sa totoong pagtingin ko sa kanya.

Kaya heto at nangyari nga ang kinakatakot ko, pero ako ang may dahilan kung bakit nagkatotoo ang mga naiisip ko lang. I am the reason why my illusions turn into reality.

Heto ako ngayon puno ng pagsisi dahil hinayaan ko lang naman na masaktan physically, and worst emotionally ang babaeng lihim kong minahal.

At heto rin ako ngayon, pasulyap-sulyap na lang sa maganda niyang ngiti. Kung noon ako ang rason sa mga ngiti niya, ngayon ibang tao.

Dapat ako iyon.

Ako pa rin dapat ang dahilan ng mga ngiti at tawa mo. Pero dahil tanga at duwag ako... Ganito ba talaga? Mapagtatanto mo ang lahat kapag huli na? Kapag ubos na ang tyansa at oras na binigay sa'yo para masabi ang salitang "mahal kita".

Huli na nga ba talaga? Ito na ba talaga ang ending? Tapos na ba talaga? Hindi pa nga nagsisimula pero tinapos na agad ng tadhana ang lahat?

Pero sino ba ang niloloko ko? Bakit ko sinisisi ang tadhana? Kasalanan ko. Ako ang dahilan kung bakit umabot sa ganito. Ako mismo ang tumapos ng lovestory na hindi pa nagsisimula.

Kung sana hindi lang ako naging duwag. Kung sana noong una pa lang naging matapang din ako katulad mo... sana nagkaroon din ako ng lakas ng loob para sabihin sa'yo. Sana noong araw na iyon, sana umamin din ako na mahal din kita. Sana—

"Liam?"

"Huh?"

"Are you okay?"

"Huh? O-oo. Okay lang ako."

Sinungaling ka Liam, ang galing mo talaga mag-sinungaling. Okay? Kahit durog na durog ka na dahil sa nakikita mo ngayon, okay ka pa rin? Napakasinungaling mo.

"Really? Then bakit hindi mo kami kinakausap?"

Hindi kinakausap? Hindi ko naman sila naririnig na nagsasalita. Si Wendy nga pala 'tong kumakausap sa akin ngayon, girlfriend ko.

Oo. Girlfriend ko. Alam ko ang gulo, dahil kanina lang nagda-drama ako tungkol sa babaeng pinakamamahal ko pero may iba na pala akong karelasyon? Huwag kayo mag-alala, dahil ako rin naguluhan.

Ang abnormal ko, 'di ba?

Nandito kami ngayon sa hospital, bakit nga ba kami narito? Ah, dinadalaw pala namin iyong best friend slash pinakamamahal kong babae.

"Hey, Liam!" Ano ba naman ang babaeng 'to? Kalabit nang kalabit. Nag-mo-moment ako rito, eh. "Are you really fine? Bakit ba 'di mo ako pinapansin? Kanina pa ako salita nang salita rito."

"Wala ka naman sinasabi." Wala naman talaga akong naririnig, baka hindi ko lang talaga siya naririnig dahil focus ako sa pagtitig sa babaeng nakikipag-usap ngayon sa taong nagsasabi na mas "deserving" siya sa mahal ko.

"Anong wala? Kanina pa kaya ako nagtatanong kung may gusto ka i-suggest na gawin sa upcoming birthday ni Aerielle. And... why are you crying?"

Ah, oo nga pala. Birthday na pala next week ni Erie, birthday na ng mahal ko. Pero sandali, ako umiiyak? Umiiyak ba ako? Hinaplos ko ang pisngi ko...

Tama siya. Bakit ako umiiyak? Nababaliw na ba 'ko?

"Oo nga Liam, pansin ko kanina ka pa tahimik diyan. Ayos ka lang ba? Bakit ka umiiyak?"

Lalo akong nawala sa sarili nang marinig ko ang himig ng babaeng iniibig ko.

Finally, kinausap niya na rin ako. Ang akala ko ay hindi niya ako kikibuin sa buong pananatili ko rito. Paano ko siya makakausap? Bantay sarado lang naman siya ng feeling boyfriend niya.

Well, iyon naman ang pinaniniwalaan ng lahat. Na boyfriend niya ang lalaking 'to.

"Wala 'to. Uh, it's just an a-allergy," pagsisinungaling ko, at mukha namang naniwala si Erie sa sagot ko dahil medyo umaliwalas ang reaksyon ng mala anghel nitong mukha.

Buti na lang naniwala siya dahil hindi ko rin alam kung anong isasagot ko sa tanong niya, at hindi ko rin alam kung bakit ako umiiyak. Hindi ko naman puwede sabihing nababaliw na ako.

Si Wendy ang mukhang nalito dahil kumunot ang noo niya sa naging sagot ko. Alam niya kasi na wala naman akong allergy sa kahit anong bagay o pagkain. Lalo naman si Erie, alam na alam niya ang bagay na iyon.

Alam niya ang lahat tungkol sa 'kin, kahit nga siguro amoy ng utot ko ay alam niya. Pero hindi niya na maalala 'yon dahil sa katangahan ko.

"Ang lamig masyado rito. Napupuwing ako sa aircon ng kuwarto mo kaya 'yon," dagdag ko pa sa pagrarason. Huh, what a lame excuse, Liam.

Sumilay ang maamong ngiti ng babaeng mahal ko, dahilan para lalo akong maluha.

God, I miss her smile so much. Iyong kakaibang ngiti niya na ako lang ang may kakayahang magpalabas sa labi niya. "Gano'n ba? Kanina ka pa tinatanong ni Wendy kung ano'ng masu-suggest mo. Ang sabi niya kasi best friend kita, kaya alam mo raw ang mga iba kong hilig, totoo ba 'yon?"

Oo best friend mo ako Erie, pero kung hindi ako nagpakaistupido? I must be your other half now. Ako pa rin sana ang kasama mo ngayon, masaya pa rin sana tayong dalawa. Hindi sana mangyayari sa 'yo ang sinapit mo ngayon kung hindi ako duwag.

Ang mga bagay na iyan ang gusto kong isagot sa kanya pero bigla na naman akong napipi at natulala sa maganda niyang mukha. Pakiramdam ko'y hahagulgol ako dahil sa bigat na nararamdaman ko at pati na rin sa mga naiisip ko.

"Baka kasi naubusan na siya ng magiging pakulo sa birthday mo love, kaya naiyak na lang siya." Singit nitong lalaki na kanina pa nakahawak sa kamay ni Erie.

Tss, kung makahawak naman akala niya ay pagmamayari niya ang ang babaeng inagaw niya lang naman. Masyadong bantay sarado, ano ba'ng akala niya, aagawin ko si Erie? I won't do that. Hindi niya ako katulad na mahilig mang-agaw, and as if makalapit ako kay Erie?

Kaunting kibot ko nga lang dito eh, binibigyan niya ako ng tingin na subukan-mo-lumapit-bali-'yang-braso mo look.

And why he calling her "love"? Gross. Hindi man lang pinag-isipan ng mabuti iyong endearment niya kay Erie. Napaka-common. Baduy, tss.

Asarin mo pa ako Martin epal, mapanira ng relasyon. Kung ideas lang para sa gaganapin na birthday ni Erie, marami akong mai-su-suggest. Alam ko ang lahat ng gusto ni Erie. Kumpara naman sa kanya na basketball lang alam na gawin at puro pagyayabang. Favorite color nga ni Erie ay hindi niya pa alam. Asshole.

"Anong wala akong maisip? I have a lot of ideas compare to you, brainless shit," taas noo kong sagot kahit walang tigil sa pag-agos ng luha at uhog ko.

Nag-iba ang timpla ni Martin sa naging sagot ko, alam niya naman ang totoo. "If that's the case, anong iniiyak mo riyan?" nakangising sagot sa 'kin ni Martin.

I gritted my teeth, pinapadilim niya talaga ang paningin ko. Ano ba ang pakialam niya kung umiiyak ako? Bakit niya pa itinatanong? Alam ko na alam ng hambog na 'to ang iniiyak ko. Alam ko rin na tuwang-tuwa ang demonyo sa loob niya dahil nakikita niya akong luhaan at talunan dahil siya ang nagwagi sa puso ni Erie at hindi ako.

Ito ang gusto ni Martin. Ang makita akong lugmok, nahihirapan, nadudurog... This is what he wants, to destroy me using my beloved girl.

"Why are you crying, Liam?" Tanong muli ni Wendy na kanina pa nakakunot ang noo.

Bakit nga ba kasi ako umiiyak? Hindi ako dapat umiiyak lalo na at nasa harapan ko ang pinakasusuklaman ko sa lahat.

Sabi ko ay hindi na ako iiyak pero napakatraydor ng mga luha ko, ayaw makisama. Nakaka-badtrip!

"Sabi ko naman sa 'yo kung masama ang pakiramdam mo dapat hindi na tayo tumuloy sa pag-visit dito. She will understand it. Right, Aerielle?" Nakangiting sabi niya sabay tingin kay Erie.

Sumulyap sa 'kin si Erie na parang nagtatakha rin sa inaakto ko, pero tila may halong awa ang tingin nito sa 'kin.

Bakit siya naaawa sa akin? Wala naman rason para kaawaan ako. Deserve ko naman itong sakit na nararamdaman ko ngayon.

Pero naaawa nga ba siya sa 'kin? O pakiramdam ko lang 'to?

Ang tingin na iyon ni Erie ay hindi rin nagtagal. Naging maamo ang mukha niya at nginitian ako, ang mga ngiting iyan. Sa akin mo lang dapat iyan pinapakita pero dahil napakaestupido ko ay hinayaan ko na iba ang makinabang. "Oo naman. Wala naman problema sa 'kin kung hindi kayo makakadalaw palagi 'tsaka, balita ko final exam this week? Dapat nga mas focus kayo roon."

Exam week na rin pala. Hindi ko man lang namalayan. Hindi ko na alam ang mga nangyayari sa paligid ko dahil kay Erie lang nakatuon ang atensyon ko simula nang mangyari ang hindi ko pinakaaasahan na bagay.

"At saka palagi mo naman ako dinadalaw, Liam. Dinaig mo pa ang boyfriend ko sa pagbisita sa'kin hahaha," pagpapatuloy niya.

I feel the throbbing pain in my heart. Hindi kayang tanggapin ng pandinig ko na sa first name niya lang ako tinatawag. I really miss her endearment for me. I miss those time when she calls me "my Benjamin"...

"Mas gusto kitang bantayan kaysa mag-review." Yes, it's true.

Totoong mas gusto ko siya makasama rito sa hospital araw-araw kaysa pagtuonan ko ng pansin ang academics ko. Kahit bumagsak na 'ko sa mga subjects ko, okay lang. Wala na akong pakialam kung hindi na ako maka-graduate this year, basta nakikita at naaalagaan ko siya palagi 'tsaka... "Ako naman talaga dapat ang nag-aalaga sa 'yo ngayon, hindi siya."

Biglang huminto sa pagtawa si Erie. Bakit? May nasabi ba akong hindi maganda? At saka bakit hindi na lalong maipinta ang mukha ni Martin?

Wala naman masama kung mas gusto ko bantayan si Erie, wala naman problema ro'n. Best friend niya ako kaya walang malisya sa bagay na 'yon. Kung umasta naman ang epal na 'to akala mo'y boyfriend talaga siya ni Erie. Mapagpanggap.

"A-anong ikaw naman dapat talaga ang nag-aalaga sa akin at hindi siya? Sinong siya ang tinutukoy mo, Liam?" Tanong ni Erie na puno ng pagtatakha.

May sinabi ba akong gano'n? Sandali, nasabi ko ba talaga ang iniisip ko lang?

"May lakas ka pa talaga ng loob na sabihin 'yan sa kabila ng ginawa mo sa kanya?" Sabat ni Martin na ngayon ay pinanlilisikan ako ng tingin.

"Martin!" Pigil ni Wendy rito dahil panigurado'y magkakasagutan na naman kaming dalawa, or worse, magkapisikalan kami rito.

"Bakit Wendy? That's the truth, right? Hindi naman ma-co-confine si Aerielle kung hindi naman dahil sa BOYFRIEND mo?" He said while giving me a death glare.

Aba, in-emphasize pa talaga ang boyfriend? Sinasabi niya bang wala akong karapatan mag-alala kay Erie dahil may girlfriend na ako? Is he insane? Mag-aalala ako kay Erie sa ayaw at sa gusto niya. May girlfriend man ako o wala. That girl he's claiming his is my special person. Wala siyang magagawa kung mag-alala ako sa best friend ko.

Natahimik saglit si Wendy sa mga nasabi ni Martin. "Please Martin... not here," iyon na lamang ang naisagot niya dahil ayaw ni Wendy na magkasagutan kami nitong pinaka hambog na humihinga sa ibabaw ng lupa.

"Ikaw? Mag-aalaga sa kanya? Huwag mo 'ko patawanin, nerdy boy," nang-uuyam ang tono niya. Hindi siya natinag sa pakiusap ni Wendy at pinakatitigan niya ako. Sa mga tingin niyang iyon ay gusto niyang ipamukha sa akin na wala akong karapatan kay Erie.

Oo alam ko iyon, hindi niya kailangan ipangalandakan sa mukha ko na wala na akong karapatan at kasalanan ko iyon. Pero iyong bagay na maalagaan ko si Erie? Iyon na nga lang ang magagawa ko para sa babaeng mahal ko, ipagkakait niya pa? Nasa kanya na si Erie. Siya na ang kinikilala nitong boyfriend, kaya ano pa ang pinuputok ng butse niya?

"Kaibigan ako ni Erie kaya walang mali kung gagawin ko ang bagay na iyon." Lalo siyang nanggalaiti sa sinabi ko, nagtangis ang panga niya at lalong nanlisik ang mga mata niyang sobrang tutok sa 'kin.

Iyong tipo ng titig niya ay gusto na akong sakalin hanggang sa maging kulay violet na 'ko. Hindi ako nagpatinag at sinabayan ko rin ang nanlilisik niyang mata dahil bakit ako matatakot sa kanya? Sino ba siya? Extra lang naman siya rito. Kung hindi rin naman siya umeksena sa amin ni Erie ay hindi aabot sa ganito ang lahat.

"Hindi mo na kailangan mag-abala dahil nandito naman akong boyfriend niya. Kung pag-aalaga lang ang usapan, kaya kong gawin iyon. Higit pa sa kaya mong gawin. At isa pa," he suddenly cuts what he's trying to utter and he gives me a devilish smirk.  "Ang ironic naman kung ang mag-aalaga sa girlfriend ko ang cause ng accident niya?"

I was suddenly stunned by what he spilled. My guilt and conscience slowly consuming me again.

Yes, he's right. It's ironic because... I'm the reason for her accident and I have the guts to show my face in front of her?

Bakit nga ba ako nagpupunta pa rito? Sa tuwing dumadalaw lang naman ako ay walang oras na hindi pinapamukha sa akin ni Martin na ako ang puno't dulo ng lahat. Well in fact, he is right.

Ako lang naman ang nagpipilit na ayusin ang lahat kahit alam ko na malabo pa sa tubig kanal ang chance na maayos ko pa ang mga gulong nangyari.

"G-guys? Anong pinag-uusapan niyo?" Punong pagtatakha ni Erie. "Nag-aaway ba kayo?" Sasagot pa sana si Martin nang biglang tumayo si Wendy at hinatak ako patayo sa kinauupuan ko.

"I think we should go, may tatapusin pa kasi akong assignment and tutulungan ako ni Liam. Right, Liam?" Paalam niya at tinignan ako na para bang um-oo na lang ako sa sinabi niya. "And about the plan for your birthday Aerielle, maybe we can continue it on my next visit?"

"Ah... Gano'n ba?" Nalungkot si Erie sa biglaang pagpaalam ni Wendy. "Sayang gusto ko pa sana kayo kakuwentuhan."

Me too, Erie. I badly want to talk with you, like we used before.

"Pero ayos lang basta balik kayo dito ah, mga bukas agad," she genuinely smiled.

Kahit ayaw ko pa umalis ay wala rin naman akong magawa dahil ayoko na makita ni Erie na nagtatalo kami ni Martin. Hindi iyon maganda lalo na sa kondisyon niya ngayon.

"Of course, no problem. Pagbalik ko ishe-share ko sa 'yo ang lahat ng ideas ko para sa birthday party mo," pilit kong ngiti sa kanya, tumango siya at nginitian din ako pabalik. Hinihintay ko na may sabihin pa siya pero tanging ngiti lang talaga ang tugon niya. Ang sakit.

Tuluyan na kaming lumabas ni Wendy ng kwarto at naiwan si Martin sa loob. Pinapanindigan niya talaga ang boyfriend duties niya, tss. Habang naglalakad kami palabas ng hospital ay biglang tumigil si Wendy sa paglalakad. Tinignan ko siya, diretso lang ang tinigin nito sa daan.

"Bakit ka huminto? May nakalimutan ka ba sa loob?"

"Tanging pag-iyak na lang ba talaga ang gagawin mo, Liam?"

"Huh?"

"Hahayaan mo na lang ba na maagaw ang dapat sa 'yo?"

Nauunawaan ko ang gusto niyang iparating sa 'kin, pero ano ba'ng laban ko? Nabakuran na ng iba ang matagal kong inalagaan at minahal. At bakit niya ba ino-open 'yan? Hindi ba "girlfriend" ko siya? Ano na naman kaya ang nakain nito at kung ano-ano na lang ang pinagtatanong niya?

Pinakatitigan ko lang siya, ayoko sagutin ang tanong niya dahil kahit nasasaktan ako, pinipilit kong tanggapin na hindi ako worth it para sa babaeng gusto ko at kahit kailan, hindi magiging kami sa huli.

Hinarap niya ako at seryoso akong tinitigan, "I'll help you."

What? Tutulungan niya ako saan? Bakit niya ako tutulungan?

Buong pagtataka ko siyang tinignan. "Baliw ka ba? Anong tutulungan ang pinagsasabi mo?"

Mas naging seryoso ang mukha niya. "Hindi ako baliw, Liam. Kung may baliw rito, it is you."

Bakit ako? Dahil ba umiiyak na lang ako bigla? Oo nga naman. Sino ba iyong bigla na lang iiyak nang walang dahilan?

"You're crazy because you just letting her not to remember you."

Bigla akong natigalan sa sinabi niya. Totoong hinahayaan kong hindi ako maalala ng babaeng mahal ko dahil nandiyan naman si Martin. Si Martin ang alam niyang kasa-kasama niya simula pa umpisa at ako? Ako ang extra.

"Iyang iniyak-iyak mo kung sana gumagawa ka ng paraan para maalala ka niya, eh 'di sana happy together na kayo at hindi nagmumukhang kinagat ng ipis 'yang mata mo kakaiyak diyan!" Bulyaw niya. Halata sa mukha nito ang inis at panghihinayang.

"Bakit pa? Hindi na nga niya ako maalala, anong gagawin ko? At saka... Nandiyan naman si Martin, hindi niya naman siguro papabayaan si Erie," pagdadahilan ko at napayuko na lang, dahil totoo na wala na akong magagawa—

"Aw! Ano ba?!" Bigla na lang niya ako kinotongan ng pagkalakas-lakas. Ano ba'ng problema niya at nananakit na lang bigla!?

"Napakawalang kuwenta ng excuse mo, Liam. You know that you can do something, you just scared to make a move."

May magagawa pa nga ba ako? Baka nga mayroon, natatakot lang ako gumawa ng paraan dahil walang kasiguraduhan kung maaalala niya pa ako, at si Martin? Alam kong gagawin niya ang lahat para hindi na ako maalala ni Erie.

Napabuntong-hininga na lang ako sa mga naiisip ko. Hindi ko alam kung lalaban ako o hahayaan ko na lang sila na maging masaya.

Muli akong hinampas ni Wendy sa braso, mahina na lang this time. "Huwag ka na nga magmuni-muni, Liam! Tanggapin mo na lang 'yong ino-offer ko na tulong."

I looked at her with skepticism. Even though I was hesitating about what this midget was planning, I still asked what help she would do. Maybe there's nothing wrong if I lift my hopes again, right?

"Anong tulong ba ang sinasabi mo?"

"I will help you with her to remember you... And to win her this time," she smiled and gives me a look that it's not too late for me to fight for my love.

Hindi ako agad nakasagot sa ino-offer niya, dahil natatakot ako. I want her to remember me and not to forget our good memories, but how? If she doesn't seem want to remember me, and as if she has never been with me for a long time.

How do I say that? Because I saw it in her eyes since the accident happen. Pakiramdam ko ay napakalayo na niya sa akin, lalo na at mayroon ng Martin sa buhay niya. Paano ako lalaban pa?

"So, will you accept my help? Or not?"

Tatanggapin ko ba? Kakayanin ko bang makita si Erie na masaya sa iba habang buhay? Kaya ko bang kalimutan ang pangako ko sa kanya... our promise to each other. Sandali akong natigilan sa mga iniisip dahil may naalala ako.

I suddenly remembered my promise to her years ago. Yes that's it. Why did I forget that?!

Iyong pangako ko sa kanya na hahawakan ko ang mga kamay niya kahit dumating na ang araw ng pagputi ng mga buhok namin. And she said... She promised that she will never leave me. We will never let go of each other even we are walking in different paths...

At kahit hindi man kami magkatuluyan ay hindi namin kakalimutan ang isa't isa.

Yes... That pinky promise we made!

Biglang sumiklab ang pag-asa sa loob ko at hindi mali ang kutob kong may paraan pa. At mali ang tadhana na huli na ang lahat para maamin ko ang totoo kong nararamdaman para kay Erie.

"Heeeeey, Liam? What? Hanggang kailan ka mag-de-decide? Kapag kasal na silang dalawa?" Wendy said with a bored tone in her voice.

No way! Hindi ako papayag na maikasal si Erie sa lalaking iyon. Kahit kanino na maitali si Erie, huwag lang sa lalaking iyon! But it would be better if I'm the one who's going to be her groom, right?

I wiped the remaining tears from my eyes and looked at her full of determination. I smile and said,  "yes. Please help me."

                               -AndyThoughts-

Kaugnay na kabanata

  • Memories of Erie   Chapter 2 - The Girl Who Bites Her Pen

    "Ready ka na, 'nak?" Bungad sa akin ni Mom nang makarating ako sa living room, nagkalat pa ang iba namin na gamit. My Mom and I just moved here since yesterday, that's why some of our things scattered all over the floor. Iyong iba pa nga ay nasakahonpa at hindi pa nagalaw. Hindi pa namin 'tomaaayosngayon dahil may pasok sa work si Mom at ako naman ay first day of class sa bago kong school. "Yes, Mom." Tanging sagot ko. Ewan, wala ako sa mood pumasok ngayon. First day na first day pero hindi man lang ako na-e-excite. I don't know why? Maybe, dahil ayaw ko naman talaga mag-tran

    Huling Na-update : 2021-05-14
  • Memories of Erie   Chapter 3 - Familiar

    I remembered something when Wendy and I were on our way to the hospital. It's about Martin. What if he's still there and guarding over Erie again? What if I can't talk to her, or just go near to her again because this fucktard doesn't leaving her. Even if he needs to piddle or poop he doesn't leave her too. How can I do my mission if Martin is always tailing Erie? I just sighed on the things bugging on my head. I leaned my head at the headrest and close my eyes. I feel dizzy, I don't have fine sleep in this past days, dahil marami akong inaasikaso na projects and requirements sa school na hindi ko puwede isantabi dahil graduating ako, and of course it's because of her too. She's the main reason of my sleepless night always.

    Huling Na-update : 2021-06-10
  • Memories of Erie   Chapter 4 - Where Everything Starts

    5 years ago... "Uh... My name is L-Liam Benjamin Chua. 15 y-years of age. I-it's my pleasure to m-meet you all." Naghiyawan ang mga babae ko na classmates pero wala akong pakialam sa kanila dahil muli ay napatingin ako sa babaeng nasa dulo. Nakayuko na siya at hindi na kagat-kagat iyong pen niya. She just playing it now with her fingers and I notice something on her. She's smiling. I don't know... I don't know why I felt my heart melts when I saw her smiled. I don't like what I'm feeling right now but damn, it felt so effin' good. Muli siya nag-angat ng tingin at nagtama ulit ang mga mata namin. Shit! Pakiramdam ko ay bibigay na ang tuhod ko sa nar

    Huling Na-update : 2021-06-11
  • Memories of Erie   Chapter 5 - You're Welcome

    You're just too good to be true~Can't take my eyes off of you~ There is a girl who's wearing a white glowing beautiful dress, standing far away from me. Her dark-brown, long lovely hair were loose. She is looking behind me and she's... she is dazzling. Is she an angel? You'd be like Heaven to touch~I wanna hold you so much~ Bakit naman magkakaroon ng anghel dito? And where am I? Am I in heaven now? Am I dead? If I'm already dead, why I feel so good? I'm feeling so much pleasure right now, just by looking at this heavenly creature in front of me. Right now, I just don't want to look at her. I want to touch her

    Huling Na-update : 2021-06-11
  • Memories of Erie   Chapter 6 - Secret Haven

    Nakatitig lang ako sa perang nasa ibabaw ng kama ko. Ito 'yong pera ni Aerielle na hindi niya pinulot at pinabayaan lang na may ibang kumuha. Kakaiba talaga ang babaeng 'yon. Hindi niya ba alam na ang hirap kumita ng pera, 'tapos ay hinayaan niya lang na may ibang kumuha nito? Anak mayaman ba siya kaya wala siyang pakialam at pinabayaan na lang ang pera niya? Hindi ko sana ito kukunin at hahayaan na lang din, kaso ay nanghinayang ako sa 80 pesos na 'to. Kahit maliit na halaga lang ito, ay pera pa rin na puwedeng ipangbili ng laman tiyan. Ano kaya ang gagawin ko rito? Ayoko isama itong pera niya sa allowance ko. Tinuruan ako ni Mom na kapag hindi akin, huwag ko kukunin. Depende na lang kung ibibigay sa akin.

    Huling Na-update : 2021-06-12
  • Memories of Erie   Chapter 7 - Shrek and Fiona

    "Natagpuan mo rin ang secret haven hihihi!" Napabalikwas ako ng tayo dahil sa gulat. Sinong hindi magugulat sa ginawa ng dugyot na 'to?! May matino bang tao na titig sa nakapikit na nagpapahinga, 'tapos kung makalapit sa mukha ko ay parang gusto akong halikan? Well, okay lang naman kung iki-kiss niya ako pero—aish! Ayokong mahalikan ng babaeng ito! Hindi siya ang tipo ng babae na gusto ko! Nagdadabog pa rin ang dibdib ko sa nangyari pero itong babae na kaharap ko ay tawa pa rin nang tawa. Pinagtatawanan niya ba ako dahil nagulat ako sa ginawa niya? Nakatatawa ba ang naging reaksyon ko? Nakatutuwa bang nagawa niya akong gulatin sa ginawa niyang paglapit ng mukha niya sa mukha ko?! "Nagulat ba kita?" Tanong niya habang tumatawa pa rin. Hindi ba obvious?! Nakita niya naman siguro ang reaksyon kong parang nakakita ng multo, at napabalikwas pa nga ako, hindi ba? 'Tapos magtatanong pa siya? Is she stupid? Kahit nainis ako sa g

    Huling Na-update : 2021-06-13
  • Memories of Erie   Chapter 8 - Shoulder to Lean On

    I'm shocked when I saw Aerielle in the same look as mine. Bakit ganoon ang ayos niya? Napag-trip-an din ba siya ng group ni Shawn? Natulala ako at hindi makapagbitaw ng salita. Lalo akong natulala sa sinabi niya. I'm Shrek and... she's Fiona? Hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin, ngunit pakiramdam ko ay kinukutya niya ako dahil sa itsura ko na naliligo sa kulay green na pintura ang mukha at uniform. Nagsisisi akong pinagbuksan ko pa siya dahil akala ko... Ang buong akala ko ay nakahanap ako ng taong maagiging kakampi ko, masasandalan ko. Iyong tao na hindi ako kukutyain at ipaparamdam sa akin na hindi ko deserve na ma-bully. Iyong tao na ipagtatanggol ako sa mga taong gumawa sa akin nito. Akala ko lang pala, pero nagkamali ako... Isa rin pala siya sa kanila. Unti-unti kong nararamdaman muli ang pagpiga sa aking puso, nagsisimula ulit magsibaksakan ang mga luha ko kaya nanaakbo ako palabas ng comfort room at iniwan ko si

    Huling Na-update : 2021-06-13
  • Memories of Erie   Chapter 9 - Stain

    I can't make a single move. She still hugging me so tight. I couldn't hug her back because I was stunned by her sudden actions. My heart is beating so fast, I feel I'm going to faint right now because of over flowing emotions. Hindi ko alam ang gagawin kaya hinayaan ko na lang siya na yakapin ako ng pagkahigpit-higpit kahit hindi na ako makahinga. Ayos lang dahil kahit ganoon ay may umusbong na tuwa sa puso ko dahil lang sa pagyakap na ginawa niya. Marami na akong naramdaman na kakaiba sa tuwing nakikita ko ang babaeng nakayapos sa 'kin, pero iba itong nararamdaman ko ngayon. Ngayon ko lang naramdaman ito. It's like a strange heat that gives me comfort, I feel safe. Pakiramdam ko, hindi na ako nag-iisa. Napansin niya

    Huling Na-update : 2021-06-16

Pinakabagong kabanata

  • Memories of Erie   Chapter 67 - Letting Go

    LIAM BENJAMINHindi ko nagawang ipagpatuloy ang plano kong magpunta ng library. My free time is spent accompanying Erie. I tried to console her as best I could because... She broke down unexpectedly.Iyon ang unang pagkakataon na makita ko siyang tila fatigued ang buo niyang sistema. Dama ko ang matinding pagkalubog ng kaloob-looban niya.She just cried and cried until she couldn't anymore.. Tila ngayon lang niya nailabas ang ilang taong pagkikimkim sa sakit dahil sa pagkawala ng unang naging kaibigan niya.I can see why she chose not to come to our favorite spot now. Paborito niya nga ang lugar na ito, ngunit itong lugar na nagkaroon ng malakimg puwang sa kaniyang puso ay nagbibigay rin ng paulit-ulit na bangungot sa kaniya.I just can't imagine na nagagawa niyang magpunta sa lugar na ito noon sa kabila ng natunghayan niya rito.Hindi ko magawang akapin ang bawat kirot sa mga pangyayaring nalaman ko. Hindi ko rin lubos maisip na paano itong nagagawang lagpasan

  • Memories of Erie   Chapter 66 - Unprepared Goodbye (Melisa Part 4)

    Warning!The following scenes contain depression and suicide. Read at your own risk.***AERIELLEFlash back...Lumipas ang ilang araw simula nang marinig ko ng hindi sadya ang usapan nina Wendy at Melisa ay gano'n pa rin ang pakikitungo ko sa best friend ko.Ngumingiti ako sa kaniya na para bang wala akong alam sa sikreto niya. Tinatrato ko siyang hindi ibang tao kahit alam ko ang totoong tumatakbo sa isipan niya habang kasama niya ako.Ilang araw kong kinimkim ang mga bagay na nalaman ko. Wala akong mapagsabihan tungkol sa bagay na 'yon, kahit kay Kayle ay itinago ko ito. Hindi ko kasi alam kung ano ang maiisip niya sa sandaling malaman niya ang totoong may pagtingin sa 'kin si Melisa na higit pa sa kaibigan.Oo... Gusto ako ni Melisa in a different affection.Hindi ko 'yon pansin dahil hindi ko naman binigyang malisya ang mga simpleng yakap at hawak niya sa kamay ko kapag magkasama kami. Iyon pala ay

  • Memories of Erie   Chapter 65 - A Sinner Angel (Melisa Part 3)

    AERIELLEFlash back..."Hurry up, Aerielle! Mauubusan na tayo niyan sa sobrang bagal mo," Melisa nagged habang naiinip siyang nakatayo sa harapan ko, pero naroon pa rin sa labi niya ang napakahinhin niyang ngiti.Kahit yata inaalburoto siya ng galit ay hindi pa rin maiaalis ang ganiyang ngiti sa kaniya."Oo sandali lang!" Minadali ko na ang pagsuot ng rubber shoes ko. Katatapos lang kasi ng rehearsal namin sa dance group kaya sinusundo niya ako.Break time na rin kaya inaapura niya akong kumilos. Kasama kasi sa menu ng canteen ang Cheese Burger sa araw na ito kaya excited siyang pumila ro'n.Favorite namin ang food na 'yon kaya makikipagpatayan kami sa pila para lang makakain nito. At isa pa, one of a kind Cheese Burger ang ibinebenta sa canteen. Puwede na ipantapat sa Cheese Burger ng Mcdo.Actually, Melisa introduced this soulful food to me. Gawa na bawal ako kumain ng mga hindi masusustansyang pagkain ay wala akong id

  • Memories of Erie   Chapter 64 - Queer (Melisa Part 2)

    Warning!The following scenes contain extreme bullying/harassment. Read at your own risk.***AERIELLEFlash back...I thought matatapos na ang pambu-bully kay Melisa kapag naipaalam ko na sa nakatataas ang panghahamak na ginawa sa kaniya ng classmate niya.Simula nang ipagtanggol ko siya sa manyak niyang kaklase ay mas dumami pa ang nam-bully sa kaniya. At dahil doon ay tila pinaglalapit kami ng destiny.Kahit hindi kami pareho ng year level ay palagi ko siyang nakikita after ng klase. Kung minsan ay sumasama ako sa kaniya mag-lunch break kapag nakikita ko siyang mag-isa sa classroom nila. Alam ko kasi ang pakiramdam ng walang kasama lagi. Iyong kakain ako ng breakfast na wala ang parents ko dahil paggising ko sa umaga ay umalis na sila para pumasok sa trabaho.Kahit saan magpunta si Melisa ay bumubuntot ako sa kaniya. Puwera na lang syempre kapag oras ng klase.Ayoko kasing may lalapit sa kaniya para

  • Memories of Erie   Chapter 63 - Melisa

    AERIELLEFlash back...I tried to swallow the lump in my throat as I tightened my grip on the strap of my bag pack. Hindi ko akalain na ganito pala nakakanerbyos ang introduce yourself."Aerielle, just tell them your name. It's up to you if you like to tell them all about yourself."Lumingon ako sa lalaking nasa kanang bahagi ko. He was smiling, it seems he was helping me to elevate my self-esteem.This man address himself as Sir Pao. Siya ang adviser ko ngayong first year highschool. At simula nang tumapak ang mga paa ko sa loob ng kuwartong ito ay wala siyang ibang ginawa kun'di alalayan ako.Which is I don't like.Ang buong akala ko, kapag nakawala na ako sa kuwadra ko sa hospital ay iba na ang itatrato sa 'kin ng mga taong makakasalamuha ko.But it was just part of my imagination.Hindi ko naman masisisi ang taong ito. Kung hindi nakiusap ang parents ko sa administration nitong school na bantayan every minute ang

  • Memories of Erie   Chapter 62 - Guilt and Burden

    I kind of feel nostalgic as I made my way to the place where the first time I found tranquility. Ilang taon na rin simula nang huli kong itinapak ang mga paa ko sa espesyal na lugar na 'to. Matatayog na ang mga damong nadaraanan ko, matatag pa rin ang mga punong huling kita ko ay nalagas na ang mga dahon. Halos lahat ng puno ay napapaikutan na ng baging at ligaw na halaman. Napakatahimik, puro huni lang ng ibon at pag-iingay ng mga dahon gawa ng paghampas ng hangin ang ume-echo sa kabuuan ng garden. Malaki na ang pinagbago ng Secret Haven, mas nagmukha na itong totoong haunted garden kaysa noon. Ngunit kahit gano'n ay nagagalak ang kalooban ko. Sa bawat linga ko sa paligid ay tila nakikita ko ang mga past scenario na pinagsaluhan namin ni Erie sa lugar na ito. Hindi mapigilan ang pagguhit ng nananabik na ngiti sa aking labi. Saglit akong huminto sa paglalakad at ipinikit ko ang aking mga mata. Parang coincidence na

  • Memories of Erie   Chapter 61 - Back to Beloved Spot

    Matapos ang eskandalo na naganap sa pagitan nina Wendy at Erie ay hindi ko na nasilayan ang kaniyang bulto sa campus. Hindi siya sumipot sa klase namin kaya hindi rin ako nagkaroon ng pagkakataon na makausap siya tungkol sa nangyari kahapon.Buong maghapon ko siyang hinintay na magpakita sa classroom pero dumating na lang ang uwian ay wala talagang pag-asa na makita ko siya.I called her many times but her phone was out of coverage. Siguro ay naisipan niyang huwag muna magpaistorbo kahit kanino, kahit sa 'kin.I never tried to sulk just because she was ignoring me. Naiintindihan ko kung iyon man ang nais niya at nirerespeto ko 'yon.Sa tingin ko rin ay kailangan niya ng peace. Napakabigat ng bagay ng ibinintang sa kaniya ni Wendy na siya ang ay may kagagawan kung bakit pumanaw si Melisa, and to think na halos lahat ng estudyante sa Eastwest ay narinig 'yon? Kahit ako ay pipiliin ko na itago ang mukha ko sa lahat kung sa 'kin din mangyari 'yo

  • Memories of Erie   Chapter 60 - Digging Up the Past

    "Sorry, hindi ako makakasabay sa 'yo pagpasok. Morning shift kasi ako ngayon. Let's catch up after my duty."Na-i-sent ko muna ang message ko kay Erie bago ako nagpatuloy sa paglalakad palabas sa street namin.Hindi ko na siya nagawang puntahan sa kanila dahil baka mahuli pa ako sa pag-log in sa OJT ko.Nasa kalagitnaan ako ng paglalakad ay nag-vibrate ang phone ko. Dinukot ko ito habang lumilinga ako sa daan para tumawid sa kabilang kalsada."Okay lang. Focus ka sa work mo, I can wait naman. Basta sa 'yo lang hehehe 😘"I suddenly felt my cheeks burned up. Para akong bata na nakaramdam ng biglaang pag-iihi. Hindi ko malaman kung saan ako babaling para humupa ang bagay na kumikiliti sa kalooban ko.Gusto ko man mag-reply sa mala-pulot pukyutang message ni Erie ay nagpigil ako, binalik ko na lang muli sa aking bulsa ang phone ko. Baka kasi bigla na lang lumiko ang mga paa ko pabalik sa daan sa street namin para puntahan siya at huwag na pumasok sa office.Hindi naman ako nabigo sa pag-t

  • Memories of Erie   Chapter 59 - We are Ready

    "Morning shift ka tomorrow, Liam. See you in office!" Message iyon galing kay Sir Patrick. Hiningi ko kasi ang schedule ko sa OJT. Gusto ko kasi i-manage ang oras ko bukas dahil marami akong aasikasuhin na school works, gusto ko rin kasi isingit sa oras ko ang plano kong i-date si Erie. Yup, kailangan ko bumawi sa pagiging aburido at immature ko kaninang umaga. "Alright," bulong ko habang nag-reply ng thank you. Binaba ko na ang phone matapos kong basahin ang noticed ni Sir Patrick sa confirmation ko. Pasado alas-nuebe na ng gabi at wala pa akong balak matulog. May ilan pa akong activity na kailangan gawin para sa minor subjects ko. Nasa dining area ako at nakatutok ako sa laptop. Naghahanap ako ng puwedeng makuhang relatable article sa research na ginagawa ko. Nawala rin agad ang atensyon ko sa binabasa dahil nag-ingay ang phone ko. Mabilis ko itong sinagot dahil pangalan ni Erie ang naka-display sa screen. "Good evenin

DMCA.com Protection Status