After taking a bath and putting light make ups, lumabas na agad ako. Nakita kong nakapagpalit na rin ng damit si Zyle, siguro ay mat CR sa loob ang kwarto dahil basa rin ang buhok nito.
Kinuha ko ang cellphone ko saka nagbasa ng mga lumang messages para mahanap 'yung pangalan ni Steven. He's a friend of Terrence na naging substitute niya rin nang nagpapasundo ako pauwi one time. It was really weird. I mean, Terrence and his friends. I always end up meeting them once, but Steven was with me twice. Nagulat na lang ako may number niya na lang ako. I guess Terrence gave it. Tapos ayon, nagsimula na siyang manlandi but rules are rules. He's friend with Terrence so it's a no, no.
I texted him that the surprise preparation was done. Papunta na raw sila with a lot of girl friends para kay birthday boy. I shook my head. As if naman mapipilit nilang mambabae 'yon.
"Papunta na raw sila," I inform Zyle para alam naman niya ang mangyayari. I was seating on one of the sofa, reading the conversation on our group chat with my US friends greeting him.
Makalipas ang ilang oras ay dumating na si Steven. He's with some guy na familiar sa akin pero hindi ko naman alam ang mga pangalan. Beside them are group of women which I think was their girlfriend and some na sa tingin ko ay 'yung tinatawag nilang girl friends for Terrence.
We greeted at nagpakilala sa isa't isa. I stood still when I saw Luke looking at me. I raised my eyebrows asking what it was pero tinalikuran niya lang ako. I rolled my eyes. He was obviously alone and can't invite his girlfriend because of me. Well, that one was a long story to tell.
"This party is so girly!" Steven laughed beside me. Everyone felt at home in Zyle's unit already. Speaking of, nasaan na ba 'yon?
"He's having his debut," I answered earning another laughed from him. Pinabayan ko na lang siya roon and excuse myself to find Zyle.
I found him in the balcony alone, sipping something clear on his glass.
"The party haven't started yet!" Inagaw ko sa kaniya 'yung baso at inamoy ang laman. Alcohol.
"Should I call Terrence now?"
"Sige. Sabihan ko muna 'yung mga nasa loob." Tumango lang siya. Uminom muna ako sa baso niya para tikman pero hindi ko na ibinalik sa kaniya.
"'wag ka magsosolo rito hanggang mamaya! Find me if you're feeling out of place, okay? Hindi ko rin naman sila kilala. But still, they are Rencey's friends. Try to socialize. Or better yet, invite your girlfriend too."
Hindi ko na siya hinayaang makasagot at umalis na para masabihan 'yung mga tao sa loob. Nagtago ang lahat habang inaayos ko ang iPad ko sa table na makikita agad ni Terrence kapag pagpasok niya. The light was turned off then we heard the doorbell. I smiled to myself knowing that even I can't see anything, everyone's wearing a unicorn birthday party hat.
Zyle opened the door and since the light was turned off, Ang nakikita niya lang ang ay ang iPad ko na nakabukas kung saan naka-video call ang mga kaibingan namin.
"Happy birthday to you," they sang the first line. I saw how Terrence stiffened but still manage to act cool.
"Happy birthday to you," Zyle sang kaya napalingon sa kaniya ng kaunti si Terrence.
"Happy birthday, Happy birthday," kanta ko habang bumukas ang ilaw at lumalapit ako sa kaniya. Then everyone sang the song to the end.
Lumapit ako sa kaniya habang dala ang Mocha Caramel Cake na may kandila, na natatanging hindi kulay pink. Kawawa naan kasi siya kung pati iyong cake pink rin. Birthday niya pa rin naman, so...
"Happy Birthday," I greeted, and I don't know if I’ll smile in front of these huge number of people. I mentally rolled my eyes. Okay, just because it's Terrence day.
"I'm more surprise to the girly decors."
I smirked at him. "I knew you will." Tumawa ng mga nasa paligid namin.
Pagkaihip na pagkaihip niya sa kandila ay may sumigaw na agad. "Party!" Nagkanya-kanya na ng kuha ng mga inumin at pagkain ang lahat. Nagsimula na ring magpatugtog nang malakas at may disco light pa. May nagdala sa kanila kanina.
I saw Terrence shaking his head but I knew he was delighted that his friends are here. Someone gets the cake from me kaya naman idinipa ko ang kamay sa kaniya motioning for a hug. I saw Zyle on my peripheral vision looking at us pero hindi ko muna siya pinansin.
Terrence came closer. I rolled my eyes at him and hugged him first. Walang mangyayari kung magpapatigasan kami kung sinong mauuna yumakap base sa ugali namin. Misan tuloy nagtataka na rin ako sa friendship namin.
I closed my eyes as I let myself comfortable in his arms. "This is my payment for arranging my debut. Hindi ko naman ginusto maggagan'on at magsasasayaw, but still thanks for doing that." I smiled at the thought of my 18th birthday when he together with my friends in U.S. surprised me with a party.
"You like my surprise?" instead of responding, I felt him kissed my forehead.
"You liked it?" tanong ko ulit. This time, I looked up at him.
He snorted. "Almost."
I laughed knowing how he doesn't like the theme I used. Hinatak ko siya palapit kay Zyle na nakatayo lang sa gilid, nagmamasid sa loob ng unit niya.
"This big guy helped me," I informed him while I pat Zyle on the back hard. Mabuti na lang ay hindi siya umiinom sa hawak niyang baso.
Tumingin siya rito. "Thanks, dude."
Tumingin si Zyle sa akin dahil sa ginawa ko. I rolled my eyes at him.
Tumango siya kay Terrence. "Happy birthday ulit."
They do some hand gestures na hindi ko maintindihan kaya napakunot ang noo ko.
"What's that?"
"Nothing," Zyle answered abruptly. Mas lalong kumunot ang noo ko.
"Are you keeping a secret from me?" I asked kaso walang sumagot sa akin. Napairap ako.
Bumaling ako kay Terrence saka siya tinulak patalikod sa amin. "Go talk to Stan, They're still on the video call." I watched him go before turning to Zyle.
"Kuha lang ako ng inumin."
I left him and go near the table. Babalik sana ako kaso may babaeng biglang kumausap sa akin hangang hindi na ako nakabalik. Some of them are playing cards on the living room. 'yung iba nakikipagtawanan lang kung kani-kanino. I even saw the guys pinning Terrence on the sofa habang pinapalapit sa kaniya 'yung isang babae. Napailing ako. Seems like his lips will be blessed this time by other girls than me?
Well that's what I thought. Bigla kasing sinuway ni Luke ang mga kaibingan. I rolled my eyes. Under ng girlfriend. Her girlfriend was best friend of Terrence's girl. Siguro pinapabantayan kay Luke si Terrence. KJ.
"Wait, I need to go to the restroom." Tumango lang ako sa kausap ko saka iniikot ang tingin sa paligid. Tiningnan ko ang cellphone ko at nakitang 10:54 na. Maaga pa naman pero nakikita ko na 'yung iba na hindi na makatayo ng maayos. Napailing na lang ako saka kumuha ulit ng inumin. Nakita ko ang ilang basyo ng bote sa may table. Malakas pa rin ang tugtog sa paligid.
"Ganito na agad 'yung naubos namin?" kunot noo kong sabi. Sabagay, maya't maya ba naman ang balik namin sa mesa para kumuha ng inumin e.
I saw Zyle on the single sofa. Lumapit ako dahil nananahimik na naman siya.
"Naharang ako kanina," I reasoned out kung bakit hindi agad ako nakabalik.
Napatingin ito sa akin. "Okay lang."
Natahimik kami. Sabay kaming uminom ng alak at tumingin sa paligid. I smiled ng pinagtutulungan na naman ng mga kaibigan niya si Terrence. Kitang-kita ko ang irita sa mukha niya pero parang hindi naman siya makareklamo.
"You should've brought your girlfriend," I said to him out of nowhere. Umupo ako sa armrest ng sofa niya habang pinapanood si Terrence. He looked murderously at his friends pero wala naman siyang nagawa ng lumapit ang isang lalaki at inilapat sa bunganga niya ang isang bote at tinungga niya ito.
"How can I do that when I don't even know where is she?"
Kunot ang noo kong inalis ang tingin kila Terrence at nabaling sa kaniya. "What?"
He smiled bitterly and shook the topic away. I rolled my eyes. "Wag mo akong binibitin. Kung bibitinin mo lang, 'wag mo nang simulan, hmmp!"
Ba't gan'on ang mga tao, ano? Gagawin kang curious tapos kapag tinanong mo, hindi naman ikukwento.
Tumayo ako nang makitang wala ng tao sa restroom. The level of fluids in my body reached its limit. Kailangan ko ng magbawas. I need to pee.
Mag-aala-una na nang magsimulang mag-uwian ang mga bisita. Biglang sumakit ang ulo ko dahil sa naisip. "Ako ba maglilinis ng lahat ng 'to?" Damn! Ba't 'di ko agad 'yon naisip?!
Humawak ako sa pader para makalad ng maayos dahil nakakaramdam na ako ng hilo. Nang tingnan ko si Terrence at nakaupo na ito sa pangmahabang sofa. Nakahilata siya roon, pero nakaupo. Pikit ang mga mata at nakasandal sa headrest ng sofa.
"Rencey, gising ka pa?" He groaned. Umupo ako sa tabi niya at ginaya ang ayos. "Drunk?"
"Think so. Pinakalahati nila sa akin 'yung bote...You?"
"Tipsy." Pumikit ako pero may narandaman akong kumay sa may bandang batok ko. Nang tingnan ko si Terrence ay inilalagay niya ang kaniyang kaliwang braso sa likod ng sinasandalan ko. Yumuko muna ako sandali saka susmiksik ng kaunti sa kaniya at sumandal sa balikat niya.
Tumingin ako sa paligid at nakitang wala ng taong natira maliban kay Zyle na kinukuha 'yung mga ginamit na cup na nakapatong sa center table.
"Zyle, tara," anyaya ko sa kaniya na parang panlasing na ang boses. Pinalo ko pa ang space sa kaliwa ko para doon siya umupo. Binitawan niya ang mga hawak saka lumapit sa amin.
"Lasing na kayo."
Hindi ko pinansin ang sinabi niya at hinatak na lang siyang bigla paupo. Muntik pa siyang masubsob kaya naman napatawa ako ng kaunti. He played it cool, but we all knew we have alcohols in our system tonight.
Sinubukan niyang umayos ng upo pero inilagay ko na ang kaliwang kamay ko sa may batok niya at hinatak rin siya pahiga sa balikat ko.
"Stay still!" medyo pasigaw kong sabi. "Medyo nahihilo na nga ako, ang likot-likot pa." I wanted to roll my eyes at him but not in my current situation wherein umiikot na ang paligid ko.
We stayed like that for a moment. Me leaning to Terrence and Zyle leaning to me. I tapped Zyle's cheek because he behaved kaya napatingin siya sa akin. He's face was... so close. I leaned to Rencey more then closed my eyes para umiwas sa kaniya.
"Napagod ka ba?" Hindi ko siya narinig na sumagot pero naramdaman ko ang pagtango niya.
"Don't worry, si Rencey bahala d'yan bukas," pinalo ko ang hita hi Rencey. "Right?"
He groaned making me laughed. I was just closing my eyes. Listening to my breathe; Feeling my friends beside me; Smelling the alcohol in my surrounding.
"Sidy."
"No!" I said dramatically, earning a laugh from the both of them.
"Damn, we're wasted!"
Nang tumigil silang tumawa ay natahimik ulit kaming tatlo.
"Zyle, you should start calling her Sidy." Hinampas ko ulit si Terrence sa hita na ikinatawa niya.
"Sure." Napadilat ako at tiningnan siya ng masama kaso ay nakapikit na rin ito. Gamit ang kanang kamay na pinanghampas kay Terrence ay hinampas ko rin siya kaso sa may bandang tiyan. Iyon kasi ang mas malapit dahil kailangan ko pang bumangon para maabot ang hita niya. Tumawa lang ito sa ginawa ko.
"Masanay ka na, medyo sadista 'yan 'pag lasing."
"Ingay mo, Rencey!" Tumawa silang dalawa. "Wag n'yo kong pagtulungan!" Lalo lang silang tumawa sa tinuran ko kaya pinabayaan ko na lang.
Damn Alcohol. Kung ano-ano talaga ang nagagawa ng mga tao kapag tinamaan ka.
"Sidy."
"Sidy."
"Pst, Sidy."
Hindi ko pinansin si Rencey at nanatiling nakapikit. Bahala siya d'yan. Hindi ko siya papansinin hanggang hindi niya ako tinatawag ng matino.
"Cass."
"O," sagot ko agad kaya tumawa sila ulit. "Don't make fun of me!"
I was about to stood up but Terrence manage to hold me at my shoulder using his hands on the back of my neck, while Zyle put his arms in front of my stomach to block me from leaving. I face Zyle then Terrence, giving both of them a murderous look.
"Pinagtutulungan n'yo ko lagi!" I whined.
"Okay, Sorry," Terrence said but there's an evident on his face that he's preventing himself from laughing. Umayos ako ng upo.
"Uuwi na talaga ako, isa pa," seryosong sabi ko. Pagkatapos noon ay natahimik ulit kami. I closed my eyes again. Anong oras na ba? I felt tired and sleepy at the same time.
"Cass, may nahanap ka na bang lilipatan?"
"Wala pa."
"Do you want to live with me?"
"What?!" Bigla akong napadilat sa sinabi niya. Parang nawala 'yung antok ko. I looked at him, nakapikit pa rin siya. Even Zyle have his eyes close.
"OA mo," he said bored.
"Ba't ka kasi nangbibigla?!"
"Is it, Zyle?" Dumilat ito at tumingin lagpas sa akin at kay Zyle. Pati si Zyle ay napadilat na.
"Yep, nagulat rin ako."
"See!"
"Is that so?" Nalilitong tanong nila. He shrugged. "Well you both new I am waiting for someone, right?" Walang sumagot sa amin pero naramdaman kong tumango si Zyle since nakahilig pa rin siya sa akin.
So they're really close that he knows about her?
"When I went to Paris--"
"Wait! You've been in Paris?!" Ba't ngayon ko lang nalaman?! "And you didn't invite or at least told me?!"
"That was your plan to be there with the man you love and that's not me--"
"You mean my baby!" Umayos ako ng upo at tinanggal na ang braso ko sa sandalan ni Zyle kaya nauntog siya sa pader sa likod ng sofa.
I made a face when he looked at me pointedly. "Oops, sorry..." I apologized slowly.
Bumaling ako kay Terrence at masama siyang tiningnan. I crossed my arms above my chest. "You know what, you're too noisy when your drunk, di ba Zyle?"
"Yep, I thought he's noisy when he's with you but it's worst when he's drunk."
"Yeah right. Akala ko, Ako 'yung kakampi mo rito buddy. Try asking Cassidy's plan for life sometimes. It is weird for me." Tinitigan ko lang siya ng masama pero binaliwala niya lang. "Anyway, back to me. Ayaan n'yo na minsan n'yo lang naman ako makita nang ganito, saka sa inyo lang naman."
He sighed. He was serious kaya pinakinggan ko na lang rin siya.
Totoo rin naman kasi 'yung sinabi niya na hindi siya ganoon ka-open sa mga tao. I was shocked that he actually told Zyle about him, waiting for someone else but nevertheless, I am glad. At least, hindi na lang ako ang outlet niya na pwedeng paglabasan ng problema.
Is Zyle that good? Maybe I should try too. It used to be the two us-Terrence and I. It would be nice if Zyle will join us. Zyle, I think, is really a godsend to us.
"When I was in Paris, I saw a girl on the bar. Akala ko talaga siya 'yon. They have the same body frame, same hair nang nakatalikod. Because of the poor lightning, I really thought it was her. Nakainom rin ako. But when she faced me, sobrang kamukha niya. I offered to drove her home, but she felt asleep on my car kaya dinala ko na lang siya sa condo..." He sighed again. "I almost slipped. We already made out. Mabuti na lang, nahimasmasan kami pareho."
"You slipped?!" Hindi makapaniwalang napatingin ako sa kaniya. "That's a first for years!"
"Yeah. That's why I need you."
Kunot ang noo kong tumingin sa kaniya. I looked at Zyle and he have the same expression as mine. "What do you mean?"
"I need you to look for me, so I won't slipped."
"Okay," I said slowly, still trying to analyze what the heck is he saying. "What does it have to do with me living with you?"
"That's where our deal will start."
Nanlalaki ang mga mata kong napatingin sa kaniya. "Oh, no... no, no, no! Where not having another drunk deal, Terrence!" Napatayo ako.
"You'll benefit from this."
"And how is that?" Singhal ko sa kaniya. Nakatingala ito sa akin, pinag-aaralan ang mukha ko.
"Well, I'm offering my guest room to you. If I knew you're on my unit, I'm sure I can't do a thing or even bring a girl with me. You knew how I hate hotels. If you agreed, your benefits are: first if you'll stay with me, you won't be late kasi malapit sa school. Then you won't have to pay for rent. Hati na lang tayo sa mga bills. Pwede na tayong sabay papuntang school, hindi sayang sa gas. Lastly...you won't have STD."
"What. The. Fuck?!" I felt myself raging by the last thing he said. Like, is he for real?! Does the alcohol really produce this asshole?!
He just laughed at my reaction. Zyle was listening to us. Will he just listen to us?!
"I'm just joking. The last part." I rolled my eyes on him.
"And you can't control yourself?" 'di makapaniwalang tanong ko. "Why am I even having this conversation with him?" I asked Zyle who's listening silently.
"Cass," tumingin siya kay Zyle, parang humihingi ng support. "We're guys. We have needs. We're being tempted even though we don't want to, right Zyle?" There was a glint of playfulness on his eyes kaya alam ko na hindi 'yon totoo. He loved her so much I knew he can wait for her.
Napatunganga sa kaniya si Zyle hanggang sa unti-unting ngumiti at tumawa ng mahina bago umiling iling. "Ba't ako nasali d'yan?"
"Cause we're both celibate." Napatingin ako kay Terrence tapos kay Zyle. Then kay Zyle tapos kay Terrence. I blinked, once. Twice.
"You're really worst when drunk," I heard Zyle said under his breath.
"Oh My gosh! We're not having this conversation!" I told them when the information sank in.
Terrence laughed hard he was throwing his head backwards. Napapailing naman si Zyle sa kalokohan niya. Alcohol reall got into him, he's acting crazy!
"C'mon, Zyle. Help me. Hindi lang tayo ang dapat rated G. dapat tatlo tayo. 'Di ba tama ako?"
Hindi ko alam kung bakit ko pa tiningnan si Zyle pero napatanga ako ng tumango siya. "We're friends here. I think damay-damay dapat tayo."
"Are you for real?!" Dammit. Who would have thought this night will turn like this.
Tumayo si Zyle at nilampasan ako saka lumapit sa lamesa. Kinuha niya ang isang bote na kaunti pa lang ang bawas dahil nagsiuwian na nga 'yung mga bisita kanina. I wonder what time is it already.
Nagsalin siya sa tatlong baso saka iniabot sa amin ni Terrence.
"Cheers to our friendship." He raised his glass in front of us.
"Cheers for being celibate," sabi naman ni Terrence. Am I dreaming? Why am I here again?!
"Cheers 'cause we're threesome!" Sabi ulit ni Terrence. Itinaas niya ang baso niya hanggang sa magkadikit na ang baso nila. Gulat na napatingin kami sa kanya.
"What the fuck?!"
"Three wholesome kasi 'yon." Napailing-iling na lang ako. Walangyang alak 'to, ang sama ng tama sa kanya.
Nakataas pa rin sa ere ang mga baso nila. Iniintay akong may gawin pero nanatili lang akong nakatingin sa kanila. Are they really serious?
Napatingin sila sa akin ng wala akong ginawa.
"C'mon, Cass. Wag ka KJ. " Tinitigan ko siya ng masama. Tumayo siya saka lumapit sa akin at itinaas ang kamay kong may hawak ng baso.
"Cheers!" They said in unison. I rolled my eyes at them and made a reminder to never get them drunk when they're with me.
Masaya silang uminon sa baso nila. Akala mo nga nanalo sila sa mga ngiti nila, e.
"Tangina n'yo kapag tayo naging TeamTigang!"I said to them before bringing the alcohol to my mouth. Zyle laughed.
"Language," suway ni Terrence. Hindi ko na siya pinansin at uminom na lang sa baso ko. How I wish hindi na nila maalala ang gabing 'to.
We had another set of drinks. This time, no one stopped until we finished all the bottle of alcohol. Nagsasalitan na kami ng suka sa CR nang tumigil kami at mapunta sa dati naming posisyon. I was leaning to Terrence while Zyle was leaning to me. The position wasn't ideal to sleep but it was another ridiculous deal that was made that day. To sleep on the fucking sofa for the better bond of our relationship.
"Goodnight!" Terrence shouted.
I should've recorded a video. He's actions today will surely turn off a lot of lady obsessing on him. If only they knew. Napailing na lang ako.
I closed my eyes, exhausted from preparing for Terrence' birthday, to taking out everything that I've eat. Terrence moved, making a domino effect to us.
Before I drifted to sleep, I felt something soft on my neck.
Nang magising ako ay nakahiga na ako sa sofa habang nakapatong ang ulo sa mga hita ni Zyle. I groaned as the thought of what happened last night. Damn, did that really happened?"Zyle," I called to know if he's already awake. Nakasandal siya at nakapikit pa. Baka tulog pa. I closed my eyes before drifting to another slumber.Nagising akong muli dahil sa pananakit ng tagiliran. Pagdilat ko ay mga butones ang nakita ko. I looked up and realized that I am facing Zyle's abdomen. Naramdaman kong nakahawak siya sa kaliwang balikat ko. Parang nakaalalay dahil baka mahulog ako.Wait. If I am facing his abdomen and my cheeks was against his lap, then... Agad na nanlaki ang mga mata ko ng marealize ko kung ano ang posisyon ko ngayon. Shit. I was so close to his thing!Bigla akong napatayo dahilan kung bakit nahilo ako kaya napahawa ako sa aking ilo habang napapikit."Hindi mo dapat binigla 'yung pagbangon, nahilo ka tuloy." Hindi ko siya pinansin at pumikit lang. Ilang sandali lang ay nawala rin
Advance Communication was another subject the three of us was taking together. Kakatapos lang mag-discuss ng prof and we had a group project for our midterm. Since the grouping was done randomly, hindi kami nakapili ng kagrupo. But fortunately for me, kagrupo si Zyle.Dahil irregular student kami, at block naman 'yung mga kagrupo namin, it was planned to be done on a weekend. Ayos naman sa sched ng lahat kay ng matapos ang meeting ay lumabas na rin kami."Should we wait for T?" I rolled my eyes while we're walking on the hallway. They've been calling each other by the first letter of their name recently. Nang tinanong ko kung bakit, tinatamad araw silang banggitin ang pangalan ng isa't isa. Like hello! Parang sobrang daming syllable naman ng pangalan nila!I saw some students glancing at us. Zyle was pretty popular since he's been writing on an online flatform and one of his stories was soon to be published. He was also part of the official theater of the university kaya naman familiar
Gabi na nang matapos kami sa ginagawawang project. Pinilit na rin kasi namin tapusin ngayon para hindi hassle at focus na lang sa kaniya-kaniyang majors."Fel, magpahatid ka na. anong oras na.""Rizz, saan ka ba?""Chin, ikaw?"Napairap ako dahil ang tagal nila magdesisyon kung sino ang maghahatid sa kung kanino dahil pauwi na at gabi pa. Delikado na raw kasi kaya the guys are insisting kung saan-saan ang mga bahay habang nananahimik lang ako."I'll go na," sabi ko na lang kaya napatingin sila sa akin. Parang doon lang nila nalaman na nandoon ako. Hindi ko na sila inintay dahil lumabas na ako sa bahay ng kagrupo namin. Zyle wasn't there dahil nag-CR muna bago umalis. Nabagot na lang ako sa usapan nila ng hatiran.I started walking out of the village. Sa gate na lang ako mag-aabang mg grab since hindi ko rin dala ang sasakyan ko.Umihip ang hangin kaya napayakap ako sa sarili. Madilim na pero may mga streetlight naman. Wala na ring kotse sa daan pero may iilang dumadaan. The silence was
Staying inside my unit wasn't the best idea lalo na kung may midterm exam na kami sa Lunes. I always get distracted and find a reason to stay away from my notes like I would eat food from the refrigerator, watch movies or just lay on my bed and spend the day sleeping.That's when I decided to go out and just study to a coffee shop. That way, I'll get motivated by some students who was probably studying too. Iwas antok na rin at hindi ako masyadong makakakain since kailangan ko pang magbayad.I was preparing my things when my phone vibrated."Hi Rencey!" bati ko agad sa kaniya."Where are you?""On my way out of my unit kaso tumawag ka. Why?" I set the call in loudspeaker and put my textbooks and reviewers on my backpack."Saan ka pupunta?" I rolled my eyes."I asked you first! Answer me!""Just checking on you. Where are you going?""I'll look for a coffee shop. I need to review.""You don't have your car."Naibaba ko 'yung pencil case na hawak ko. "Oh, shit! I totally forgot about tha
"I was admitted to a mental institution."Napaawang ang labi ko at hindi makapaniwalang napatingin sa kaniya. Magsasalita pa lang sana ako kaso ay lumapit na sa amin ang isang lalaking nagpaparenta ng kabayo.I watched him with a frown while he was talking to the man.It seems like he was not smiling bitterly earlier. Napailing na lang ako.We ride the horses with the help of the old man. Kumuha kami ng tig-isa since pareho naman kaming first time sumakay sa kabayo. Nagpaikot-ikot lang kami sa may kakahuyan. Ang sinag ng araw ay paminsan-minsang sumisilip sa espasyo sa gitna ng bawat dahon. Mahalumigmig ang paligid at maraming nag-uusap sa paligid pati na rin ang iilang huni ng mga ibon.Nang matapos ang oras namin ay tinulungan ako ni Zyle bumaba. Nagpasalamat kami at dumiretso na ng kotse dahil lumubog na ang araw. Bago umalis ay dumaan kami sa mga tindahan ng mga pasalubong at namili ng iba't ibang produkto.Pagbalik sa sasakyan ay idiniretso namin ang mga pinamili sa likod."I'll d
Hindi ko malaman kung anong meron pero pagkagising ko kinabukasan, nagmamadali akong pumasok sa Assumption University. Dahil maaga pa ay wala pa masyadong tao kaya dumiretso muna ako sa cafeteria. After buying a fitbar, I made my way to my room.Hindi rin nagtagal ay dumating na ang ibang classmate ko at nagsimulang magdaldalan. I was listening to my playlist nang mapaangat ang ulo ko at nakitang sabay na pumasok si Rencey kasunod si Zyle. Nangunot naman ang noo ko nang bigla siyang umupo sa katabi kong upuan."That's Zyle's," sabi ko at tumingin pa kay Zyle na nagkibit-balikat lang at inilagay na lang ang bag sa kinauupuan ni Rencey sa dulo. Madalas kasi sa gitna namin si Zyle. Sa ibang klase naman, ako. Terrence was always seated near the aisle kaya nagtaka ako at bigla siyang lumipat ngayon. I just shrugged it away.Terrence was weirder when our vacant time came. He's arms was on my shoulders while we are making our way on the corridor. Napapatingin tuloy sa amin 'yung iba.Madalas
Ngumiti ito habang nakatingin sa mga mata ko saka tumango. Napaiwas ako ng tingin saka kinuha ang cellphone kong inilagay ko sa center table kanina."Who's Zyla?" I asked bago ko pa makalimutan. Who's that girl in his life? It that his girlfriend?"My little sister."Does Terrence know? I mean, he knew about my family since he asked where they are. Alam niya rin na isang anak lang ako but why didn't I know that he has a little sister? Maybe I forgot to ask. Maybe because I didn't wanna know much. Maybe because I don't wanna be attached.Napakunot ang noo ko at inilagay ang cellphone sa bulsa ng short ko sa harap. Mahirap na, baka madukot kapag sa likod ko nilagay."Didn't know you have one.""Patong mo rito yung medium box, ikaw na sa pinakamaliit.""Small na lang, ako na sa medium." Sabi ko saka ipinatong 'yung maliit na box sa ibabaw ng dala niya."Ikaw na. Para ikaw pumindot sa elevator at sa kotse." I rolled my eyes before exchanging our boxes."Nagpapaka-gentleman ka lang, e." He
The bottle spun around again. Nang minsang tumapat ito kay Terrence, he chose to drink the mixture of alcohol rather than the dare to kiss anyone in the room torridly. We both knew he can choose to kiss me but maybe he really wanted to drink. It was really fine for me and it wasn't really new to us. I knew it that he was trying to be faithful."Okay! Cuddle on that couch for one hour! The first two chosen by the bottle!"One of the girls twisted the bottle and for the first time, it pointed Zyle. Pinaikot ulit ang bote at napaawang ang labi ko nang tumapat ito sa akin. I looked at them then turned to Zyle. Tumayo ito at umupo sa sofa. When he was settled ay saka ito tumingin sa akin."Okay," He patted his lap. "Come to Daddy."Laughter filled the room. Nakita ko pang napailing rin si Terrence.I rolled my eyes at him saka tumayo. Tinulungan pa ako ni Terrence makatayo.Why does I have a feeling that this won't do me good?I slowly sat on Zyle's legs. Pero ‘yung malayo sa katawan niya.
I cried silently on the playground knowing that no one can see me at this state. Hindi ko malaman kung gaano na ako katagal sa ganoong posisyon pero nakaramdam ako na parang may nakatingin sa akin. Tinanggal ko ang aking mga palad sa aking mata at nagulat sa bumungad sa akin. I abruptly wiped the tears away.Sitting in front of me was Zyle. Nakaupo ito isang metro ang layo sa akin sa madamong lapag. Ang kaniyang tuhod ay nakadikit sa dibdib. Nakapatong naman ang mga braso sa tuhod nito. His chin was resting on his crossed arms while his eyes were watching me. I can't see any reaction from his face because of darkness. "What are you doing here?"Kanina pa ba siya nandito? Bakit hindi ko nalaman? Saka paano niya nalamang nandito ako?"Are you crying?"I don't even know why he was asking. He obviously knew that I was crying. I have a hunch that he's been here for a while, watching me cry but he never want me to recognize his existence, so he kept silent. Because if he does, Edi sana nala
"T-terrence.""Cass?" I imagined him frown just by his tone. Maybe because he heard me stuttered. "How's your date?"Hindi ko pinansin ang sinabi niya. "Terrence won't you really go home t-tonight?" My voice broke kaya agad kong tinakpan ang bibig, habang nararamdaman ang pagtulo ng luha sa aking mga mata."Cass, are you okay?""No." I cried silently. I was in a cubicle of a mall I passed by when I received the call...I...I don't even know what I should be thinking right now."Where are you? Is Zyle with you?""Just answer me if you can't really come home," I said stubbornly while wiping my tears away. "Please," I murmured."Cass," he called my name and I knew that he was really conflicted whether or not he'll come.I sniffed. "It's okay." Whatever it was he was doing, I knew it was important. "I'll wait you tomorrow then I'll tell you.""Are you sure? Cass if you want--""No. I'll be fine. Do your job t-there and come back ASAP.""Sure. Stay in the unit, okay?" He reminded me worrie
There are things that you'll do without second thoughts. But there are also things you'll do without thinking at all. And most of the time, you'll end up regretting doing it on the first place.I was hugging Terrence all the time as we made our way home. More like, hiding my face on his chest."We're heading in," Terrence said as we stood in front of our door. I was still hiding on him, somehow, trying to act drunk.
Napaawang ang mga labi ko ng marinig ang sinabi niya. Ibinaba ko ang aking cellphone saka tumingin sa kaniya na nakahiga sa gitna. "Nasaan 'yung mga kasama mo?" I asked with a frown. I looked at the seat but there's no evidence that someone was here. "I told you, umuwi ka na,” he said instead of answering me. "Sumabay ka na nga sa aki
CHAPTER 13Time flew fast. Parang kahapon lang, kakasimula lang ng taon. Ngayon, nasa ikahuling buwan na.Being a third year student in a university having trimestral term wasn't easy. Kaliwa't kanan ang mga gawain lalo na at malapit na kami sa goal: ang makapagtapos. Isang taon pa at pagkatapos noon, we will enter a new chapter of our life. I'll surely miss being in school one of those time when I'm in the industry."Zyle, I can't
Kinabukasan, maaga kaming umalis ng university para maagang makapunta sa elementary school. Pagdating roon ay dalawang classroom ng grade 2 ang aming mga nakita. I smiled at their tiny height and sweet smiles. They are falling in line and greeted us in unison, like how they greet their teacher in a slow manner.The program started with a prayer. Some remarks that obviously couldn’t understood by the grade school and then some lectures. We also gave them food before we started the Palarong Pinoy.
Every in the room was busy, preparing packed things we are going to donate on a school that was assigned to our class. We are having our outreach program for our NSTP. We’re lucky we’re allowed to do it already even before we had our midterms exams. It will be tomorrow; we are distributing them to the chosen public elementary and prepared a small program for the kids.On the past weeks, everything happened like days are flashing before our eyes. Like how buildings pass on my sight while we are making our way home. Terrence was MIA again. His engineering life always get his time for us that even on weekends, wala siya sa condo.
Both of them looked at me with amusement in their eyes. "Talaga, ate?!"A smile drawn into my lips. They look cute with their eyes wide and innocent faces na wala man lang make-up. Meron pa palang natitirang ganito sa kabataan ngayon. I mean, mostly kasi sa panahon ngayon, as early as Grade 10 'ata, nagme-make up na. Pero silang dalawa, ang natural lang."Yeah.""Wow! Anong pangalan mo ate?!"The conversation instantly turned to me and my modelling journey. Sumabay pa sila sa paglalakad namin hanggang sa theater room ng university kasi kailangan na ni Zyle makapunta at baka ma-late ito. Pareho naman kami ng dadaanan kaya sumabay na sila."Thanks, Kuya Z!""Oo nga kuya, sayo rin ate Cass! I'm your new fan na po." Napatawa ako sa sinabi nila."I'm hoping to see you two more. Bagay po talaga kayo!""True! Ang cute n'yo po. Nice to meet you po!""Nice to meet you rin," I said to them."Mauna na kami!""Bye po!" Kumaway sila sa amin at ganoon rin ako habang nakangiti at pinapanood silang um
The second term already started. Tulad pa rin nang unang term, magkakasama pa rin kaming tatlo nila Terrence sa minor courses maliban sa isa—NSTP. He already got that course on his freshman year unlike us.Wala rin naman masyasdong ginagawa doon kaya okay lang. Kailangan nga lang namin ng output at the end of the term."Bored?" Zyle murmured on my side."Obviously."Grabe, akala ko talaga dati hindi na uso reporting sa college. Akala ko free cut lagi. 'Yung papasok ka lang kapag trip mo basta naiintindihan mo 'yung mga lessons. 'yung wala ng attendance sa grading system. 'yung wala na hula at palakasan system.I had high hopes in college, I know.Inilahad ko sa kaniya ng pulso ko. He was sitting on my left. Tapos may katabi pa siyang tatlo malapit sa aisle."Draw me a tattoo," I said randomly.Ipinatong niya 'yung kamay ko sa desk niya. "Anything?"Tumango ako at nilingon 'yung prof namin na nagse-cellphone lang. I rolled my eyes. Palibhasa ay hindi niya trip 'yung nasa harap na estudy