Natanaw ni Jacob si Lauren habang papalapit ito sa VIP room ng hospital. Dala dala ang mga prutas na nakaayos sa basket, agad na lumapit si Jacob sa kaniya upang tulungan ito.
“Thank you, any news?” tanong agad ni Lauren pagkakuha ni Jacob ng basket. Halata ang kabalisahan sa mga mata ng dalaga dahil malamlam ang mga ito at halatang walang tulog.
“Dumating ang doctor kanina at sinabi niya na makakalabas na ang Daddy mo bukas,” sagot naman ni Jacob. Malalaki at mabibilis na hakbang naman ang ginawa ni Lauren upang makarating agad sa kwarto ng ama. Pagbukas niya ng pinto, nadatnan niyang okupado na ang couch sa tabi ng higaan ni Mr. Gregory.
“Mom,” tawag ni Lauren, nilapag naman ni Jacob ang mga prutas sa mesa at sinulyapan pa si Lauren na yumakap sa kaniyang inang magdamag na nagbantay sa asawa. Tahimik na nilisan ni Jacob ang silid at iniwan ang mag-anak sa loob. Muli siy
“Lauren,” tawag ni Jacob. Nagtama ang kanilang mga mata nang tingnan siya ng dalaga, kita na hindi pa rin ito panatag base sa kaniyang itsura na malalim ang iniisip at tila hindi nito napansin na papalapit sa kaniya si Jacob. “Ayos ka lang?”“Yeah,” sagot nito. Umupo si Jacob sa harap niya at tiningnan siya nang mataman. Bumuntong hininga naman ito at sinuklay ang kaniyang kamay sa buhok. “Okay, I’m not. It’s just that…I still cannot get myself be used to things like this. Marami na ring threats ang natanggap ni Daddy, death threats even…but this one is really scary because napakalapit lang pala ng taong magtatangka sa buhay niya.”Alam ni Jacob ang pag-aalala ni Lauren. Maski man siya ay hindi niya rin aakalain na ang pinakamatalik na kaibigan ni Mr. Gregory ang sasaksak sa kaniyang likuran. Doon naman agad na pumasok sa kaniyang isip si Freddie, napangi
“Mr. Montero,” bati ni Mr. Gregory pagkapasok pa lamang ni Jacob sa kaniyang kwarto. Pinilit nito na makatayo at umupo mula sa kaniang higaan. Agad naman siyang inalalayan ni Jacob na siyang nagpangiti sa matanda. “I haven’t had the proper time to say thanks to you, you are the hero of my life.” Natawa maski si Mr. Gregory sa lumabas sa kaniyang bibig.“Trabaho ko po ang protektahan kayo Sir. Hindi na ho dapat malaking bagay ang ginawa ko roon,” sagot naman ni Jacob. Napakamot siya sa kaniyang batok dahil sa mga papuri ng mga tao sa kaniya, lalo na nang ito ay manggaling sa Presidente mismo.Nagulat si Jacob nang iabot ng Presidente ang isang envelope na kinuha niya mula sa kaniyang bedside table. Ang kulay puting papel ay walang nakasulat na anuman, na siya namang agad na napagtanto ni Jacob na ang laman ay pera. Agad na nanlaki ang kaniyang mga mata, at halos nagpa-panic na sinabing,
“A-Ano?”“Pwede mo ba akong samahan sa carnival?” pag-uulit ni Lauren sa kaniya. Walang pag-aalinlangan sa boses nito, at seryoso rin ang kaniyang mukha sa kaniyang pagkakasabi. “Actually, I’ll be going to abuse my authority here, you need to accompany me in the carnival.” Umalis si Lauren sa kaniyang harap, at dere-deretsong sumakay ng kotse. Naiwan naman si Jacob na tila hindi pa rin maintindihan ang sinabi niya at kinailangan pang kumurap ng ilang beses bago niya mapagtanto na ilang segundo na pala ang nakalipas nang iwan siya ni Lauren.Nang tumingin siya sa sasakyan, natanaw niya ang nakababang window nito at doon nakaupo sa loob si Lauren na nakapikit habang naghihintay sa kaniya. Dali daling pinuntahan ito ni Jacob at sumakay sa kaniyang tabi.“Seryoso ka ba? Ano’ng gagawin mo sa carnival?” tanong ni Jacob.“It&rsq
Pagkabukas pa lamang ng pinto ni Lauren, agad siyang nakaramdam ng kakaibang presensya dahil sa katahimikang sumalubong sa kaniya. Nang tingnan niya ang kaniyang relo, malapit nang pumatak ang oras sa alas siete ng gabi, na kadalasan ay maririnig na ang mga tunog ng plato at kutsara sa dining area dahil ito ay inihahanda na ni Nanay Sol.“Ano’ng problema?” Napalingon si Lauren kay Jacob na hindi niya namalayang nasa likod na pala niya. Nakatingin ito sa kaniya ng may pagtataka dahil nakabara pa siya sa may pintuan. “May nangyari ba?”“Wala,” tipid na sagot ni Lauren at tuluyan nang pumasok sa loob. Tinanaw niya ang dining area at nagtaka dahil wala talagang tao roon, at wala pa ring nakahain na mga pagkain. “I’m just going up to check on Dad,” paalam niya kay Jacob at saka dumeretso sa hagdan upang umakyat sa taas.Malakas ang kabog ng kaniyang pus
“Muntik ka nang mahulog!” sigaw ni Jacob. Nang lingunin siya ni Paula, halos hindi niya makita ang mukha ng binata dahil sa namuong mga luha sa kaniyang mga mata. Doon naman napatigil si Jacob dahil sa nakita niyang itsura ni Paula. “A-Ano’ng nangyari?” tanong niya.Inayos ni Paula ang kaniyang silk robe at saka humarap kay Jacob. Pinunasan niya ang kaniyang luha at pilit na iniwasan ang mga mata nito. “What the hell are you doing here?” galit na tanong niya.Tumikhim naman si Jacob at inayos din ang kaniyang sarili. Binawi niya ang kaniyang kuryosidad nang mapagtanto niyang walang balak ang dalaga na sabihin ang dahilan ng kaniyang ginagawa. “Nagulat lang ako,” sabi niya. “Kung anuman ang iniisip mo, pag-isipan mo pang ulit.”Napaismid si Paula sa narinig niya mula kay Jacob. “Ano’ng alam mo?” mataray nitong tanong.
Kung sa karaniwang sitwasyon, dapat na ang unang ginawa ni Jacob ay ang lumayo mula kay Paula. Sabihin na mali ang nangyayari, at na hindi niya dapat iyon ginawa. Ang imahe ng maamong mukha ni Kyla ay biglang pumasok sa kaniyang isipan, at ang mukha nitong dismayado ang siyang nagbigay kay Jacob ng lakas ng loob upang itulak nang marahan palayo si Paula sa kaniya.Gulat ang naging ekspresyon sa mukha ng dalaga, halata na hindi niya inaasahan ang ginawa ni Jacob. Agad na nagsisi si Jacob sa kaniyang ginawa ngunit nanatili siya sa kaniyang sarili dahil maski siya ay hindi makapaniwala dahil doon. “Paula,” sambit niya at sinubukan siyang hawakan sa braso.“N-No,” utal na sagot ni Paula. Inilayo niya ang saril mula kay Jacob at inayos ang kaniyang buhok. “I’m so sorry, I didn’t mean to…I mean I’m not in my right mind,” dagdag nito, halos mawalan ng kulay ang kaniyang mukh
Napakuyom ang mga kamao ni Jacob habang nanlalaki ang kaniyang mga matang nakatanaw kay Freddie na masayang masayang nakikipag kwentuhan sa mga mayayamang bisita. Halata nito na bagong bago na ang kaniyang buhay, at wala na ang kaibigan niyang minsan niyang nakasama sa hirap at ginhawa ng buhay.Ang malalapad na ngiti ni Freddie ang siyang nagpakulo ng dugo lalo ni Jacob. Hindi siya makapaniwala na ganoon kasaya ang kaibigan matapos siya nitong lokohin at piitin sa isang malagim na sitwasyon. Wala nang pumasok sa isip ni Jacob sa mga sandaling iyon, at ang tangi niya lamang naiisip ay ang kumprontahin si Freddie at ilapat ang kaniyang kamao sa mukha nito.Huminga nang malalim si Jacob. Inilipat niya sandali ang kaniyang mga mata kay Mr. Gregory, na siyang kumakain sa Presidential table at nakikipag huntahan sa mga ilang guests. Tinanaw niya sa kaniyang gilid si Paul at Sid na maingat na nagmamasid sa paligid, at ang ilan pang m
Pakiramdam ni Jacob ay nakalutang siya sa hangin. Ngunit bukod sa pakiramdam na tila idinuduyan siya sa kawalan, nababalot ang kaniyang buong katawan ng sakit dahil sa balang natamo niya sa kaniyang tagiliran. Nanlalabo na ang kaniyang mga mata at dahil doon ay hindi niya gaanong makita ang isang mukha na nakadungaw sa kaniya habang siya ay nakahiga.“DAMIEN!” sigaw ni Paula habang nanginginig ang kaniyang mga kamay na sinusubukang pigilin ang dugo sa paglabas. Punong puno na ng dugo ang kaniyang damit ngunit hindi niya iyon inantala. “Stay with me, ‘wag kang pipikit!” sigaw niyang muli. Narinig niya ang mga nagmamadaling yapak ng mga paa kaya’t lumingon siya sa kaniyang likod at doon ay nakita niya sina Paul at Sid na tumatakbo palapit sa kanila.“Paula!!” Agad na hinawakan ni Sid ang magkabilang balikat ni Paula upang sana’y ilayo mula kay Jacob ngunit itinulak siya palayo
Umalog nang malakas ang yate, dahilan upang magkatinginan ang maga-ama sa isa’t isa. Itinaas ni Paula ang kaniyang mga kamay upang pakalmahin sila at saka siya tumayo upang silipin kung ano ang dahilan nito. Mula sa maliit na siwang ng pintuan ng storage room, nakita ni Paula ang isa sa mga tauhang dumaan at tumalon upang makarating sa deck.Bumaling siya kina Lauren at bumulong, “Nakabalik na tayo.”Tila isang malaking tinik ang natanggal sa lalamunan ni Lauren. Buong byahe ay halos pigil pigil niya ang kaniyang hininga dahil sa takot na baka biglang tingnan ng kung sino man sa mga tauhan ang storage room at matagpuan sila.“Kailangan natin silang maunahan, bago nila tayo makita rito,” sabi ni Mr. Gregory at dahan dahan na binuhat ang sarili upang tumayo. “Sumunod kayo sa’kin, at kahit anong mangyari, ipangako niyo sa’kin na uunahin niyong iligtas ang inyong
“Lauren!” Marahang niyugyog ni Jacob ang balikat ni Lauren upang ito ay magising. Agad namang napadilat ang dalaga dahil sa gulat ngunit tinakpan ni Jacob ang knaiyang bibig upang hindi ito sumigaw o magsalita. “Huwag kang maingay,” babala ni Jacob. Tumango naman si Lauren at saka tumayo mula sa kaniyang pagkakahiga. Nang ilibot niya ang kaniyang mata sa silid, nakita niya si Paula na nakaabang sa pinto hawak hawak ang isang patpat, at si Mr. Gregory na nakasandal sa pader na katabi niya.“Ano’ng nangyayari?” gulat na tanong ni Lauren. “Bakit tayo nandito?”“Papatayin nila tayo,” sagot ni Jacob na siya namang ikinalaki ng mga mata ng dalaga. “Utos ng Mommy mo na kapag hindi niyo pinatay si Sir Gregory, ay tuluyan na tayo para hindi na makabalik pa.”“What?!” mahinang sigaw ni Lauren. Nanayo ang mga balahibo niya sa kan
“Alam mo ba ang ginagawa mo?!” sigaw ni Jacob kay Lauren. Kitang kita ang gulat sa mga mata nito, na agad din niyang itinago. “Huwag kang gumawa ng bagay na pagsisisihan mo Lauren. Alam kong hindi mo kayang gawin ‘to!”“Tumahimik ka!!” sigaw pabalik nni Lauren. Itinutok niya ang baril kay Jacob nang magtangka itong humakbang upang agawin ito sa kaniya. “Please, just let me finish this all for once. I’m really tired, Damien.” Masaganang luha ang tumulo sa mga mata ni Lauren, unti unti naman niyang ibinalik ang baril niya sa kaniyang ama na pinanonood lamang siya sa kaniyang ginagawa. “I’m really sorry Dad. We’ve prepared long for this. I can’t let you hurt Mom again.”Huminga nang malalim si Mr. Gregory, itinaas niya ang kaniyang dalawang kamay sa hangin at saka pumikit. “Do what you have to do, Lauren. After all, nothing can change y
Nang makababa sina Jacob, buhat buhat si Mr. Gregory sa isang stretcher ay agad niyang inilibot ang kaniyang mga mata sa isla na kanilang pinuntahan. Walang ibang tao ang naroroon bukod sa mga nagdala sa kanila. Sa gitna ng mabatong isla ay nakatayo ang mansyon na may kaliitan lamang sa mansyon ng mga Guavez ngunit malalaman na pinagmamay-arian ng isang mataas na personalidad base sa seguridad na naka-implementa rito.Bawat sulok ay may camera, at bawat pinto ay may bantay. Tulad ng mga naghatid sa kanila, ang mga ito ay nakasuot din ng itim na maskara na natatakpan ang kanilang mga ulo hanggang leeg.Tinapik siya ng isa sa mga tauhan at agad naman na napalingon dito si Jacob. “Ipasok na natin si Mr. Gregory sa loob, naghihintay na sila.”“Sila?” banggit ni Jacob. “Sinong sila?”Ngunit hindi ito sinagot pa ng tauhan. Sa halip, nagsimula
Umiikot ang paningin ni Jacob. Hindi niya alam kung dahil ba ito sa pagod na kaniyang nararamdaman, o sa takot na bumalot sa kaniya nang pumasok sa kaniyang isipan na hindi na siya pwede pang umatras sa pagkakataong iyon, nang isara na ni Mr. Gregory ang kaniyang mga mata dhail umepekto na ang droga na inilagay ni Jacob sa pagkain niya.Ilang minuto na ang nakalilipas, ngunit ang sasakyan nila ay nananatili pa ring naka-park sa tapat ng restaurant na kanilang pinagkainan. Nanginginig ang mga kamay ni Jacob na kinapkap ang kaniyang cellphone upang tawagan si Garett.Sinagot ni Garett ang tawag sa pangatlong ring. “I am only accepting good news.”Napapikit nang mariin si Jacob bago niya sinagot ang bungad sa kaniya ni Garett. “Nagawa ko na ang unang hakbang. I-send mo sa’kin ang address kung saan ko siya dadalhin.”Mahabang katahimikan ang b
Isa lang ang nasa isip ni Jacob sa buong oras na dinadrive niya ang sasakyan pabalik ng mansyon. Ang matapos na ang lahat ng ito. Matagal niyang pinaghandaan ang pagkakataon mapag-isa ang Presidente kasama niya nang maisagawa na niya ang kaniyang plano, ngunit ngayon na nabigyan na siya ng pagkakataon ay tila nawala ang lahat ng kaniyang lakas ng loob. Mula nang makaalis sila sa hotel, hanggang sa makaalis sila sa unang city pabalik ng mansyon ay mahigpit ang pagkakahawak niya sa manibela.“Do you know a good place to eat some Chinese food? I’m craving for some. Maybe we could stop for awhile kapag may nadaanan ka Damien, okay?” sabi ni Mr. Gregory sa likod habang siya ay abala sa pagbabasa ng magazine. Hindi naman sumagot sa kaniya si Jacob dahil nasa kalaliman pa rin ito ng kaniyang pag-iisip kaya naman napunta na ang kaniyang mga mata sa binata. “Damien?”Napatingin si Jacob sa rear mirror ng sa
Ramdam ni Jacob ang ihip ng malamig na hangin nang makalabas siya ng building kung saan dinaraos ang meeting ni Mr. Gregory sa mga farmers and fishers unions. Ayaw man niyang iwan ito sa loob, ang pangalan na tumambad sa kaniyang cellphone ay kailangan niyang sagutin.“Garett,” tawag ni Jacob nang sagutin niya ito. Lumayo siya nang bahagya sa building at inilibot ang kaniyang mga mata upang tingnan kung may nakasunod, o nakatingin sa kaniya. “Ano’ng kailangan mo?”“Mr. Jacob, are you having a good time?” May halong pagka-pilyo ang boses ni Garett na alam ni Jacob ang tunog. May binabalak nanaman ito sa kaniya. “I heard the meeting’s going too well. It’s quite disappointing dahil inaasahan ko na magkakagulo sila at sila na mismo ang gagawa ng trabaho na hindi mo magawa gawa.”“Hindi magagalaw ng mga taong nasa
“It came to my attention that you were suppose to pick me up at ten in the morning, why didn’t you show up?” Ang mga salitang iyon ang unang bumungad kay Jacob nang makapasok siya sa hotel room ni Mr. Gregory. Hindi man siya nilingon ng matanda, rinig ang pagkadismaya sa tono nito at kung paano nito ipinahayag ang kaniyang mga sinabi. “You are supposed to be here before I wake up, yet you came an hour after I woke up.” Sa wakas, tinapunan siya ng mga tingin ng matanda. “What’s wrong Damien?”“Sorry Sir,” sagot ni Jacob. Nakatayo lamang siya sa may pintuan dahil hindi niya rin kayang humakbang pa upamg kumapit sa Presidente. Hindi naman niya maaaring sabihin ang dahilan kung bakit siya na-late, at kung bakit hindi niya ito nasundo sa takdang oras. Namuo ang pawis sa palad ni Jacob, at ang kaniyang mga mata ay nanatili lamang sa kaniyang mga sapatos. “Tinanghali po ako ng gisi
Agad na bumagsak si Jacob sa kaniyang kama matapos niyang maligo. Kasalukuyan namang pumalit sa kaniya sa banyo si Sid, at nasa balcony si Paul na nags-stargazing. Hindi niya alam kung nais ba niya talagang makasama ang dalawang ito sa loob ng isang linggo, dahil nangangamba siya na baka sinundan sila ni Garett at madamay ang dalawa kapag kinuha siyang muli ng mga tauhan nito.Ipinikit ni Jacob ang kaniyang mga mata habang ang kaniyang isang braso ay ipinatong niya sa mga ito. Ang mukha ni Lauren ang agad na pumasok sa kaniyang isipan. Tila hindi siya makapaniwala na ang isang tulad nito ay may gusto sa kaniya, sa kaniya na walang maipagmamalaki at higit sa lahat, ang siyang pinaka nagtatangka sa kanilang buhay. Tinakpan ni Lauren ang galit na nararamdaman niya para kay Kyla. Ngunit alam niya na hindi niya dapat na palalain pa ang nararamdaman nito sapagkat anumang araw ay nakalagay sa panganib ang buhay nito kung patuloy siyang didikit kay Jacob.