Ada’s Point of View
Flashback
Nakatanggap ako ng tawag mula sa matalik kong kaibigang si Jane. Pinaalalahanan ako ni Jane sa kaarawan niya na sa susunod na araw gaganapin at sa bahay niya pagdarausan kaya ako tinawagan. Nakapagpaalam na ako kay Papa at pinayagan naman niya ako subalit dahil sa nalaman kahapon ay bigla akong nawalan ng gana hanggang ngayon para lumabas ng bahay o makisaya kasama ang mga kaibigan.
“Ano? Ipinagkasundo ka ng Papa mo kung kaninong mayaman na lalake?” hindi makapaniwalang sabi ni Jane nang maekwento ko ang nangyari kahapon.
“Oo at hindi ko nagawang tumanggi dahil sa takot ko kay Papa,” malungkot na tugon ko.
“Sana tumanggi ka? Ipinaglaban mo ang karapantan mo!” Mataas na ang boses ni Jane at halatang hindi rin gusto ang naging desisyon ni Papa para sa akin.
“H-hindi ko kaya.”
“Iyan ang problema sa’yo! Pagdating diyan sa Papa at Ate Anastasia-mangkukulam ay hindi mo kayang lumaban! Matandan ka na, Ada, kaya dapat ipaglaban mo ang karapatan mo!” mariing sabi ni Jane sa akin.
“Ayokong ma-disappoint sa akin si Papa.”
“Paano ka naman? Ang nararamdaman mo? Ang buhay na pinangarap mo?” sunod-sunod na tanong niya sa akin.
“Hindi ko alam. Wala na rin naman akong magagawa dahil pinag-usapan na nila kung kailan gaganapin ang kasal namin ng lalaking iyon. Wala na ngang engagement party, kasal na kaagad kahit simple lang daw muna dahil masiyado raw abala ang lalaking iyon kaya minamadali,” tugon ko kay Jane.
“Grabe naman,” malungkot na tugon ni Jane at napabuntonghininga.
Hindi ko nagawang magsalita at damang-dama ang lungkot dito sa puso ko na sa tingin ko ay matatagalang mawala lalo na kapag ikinasal na ako sa taong hindi ko naman kilala.
“Mas mabuting pumunta ka sa party ko bukas at magwalwalan tayo lalo pa at malungkot ka dahil sa kasunduan na iyon,” suhestiyon ni Jane sa kaniya. “Matapos ang party ko ay magplano rin tayo na maggala sa malayong lugar para kahit paano ay sumaya ka at makapag-isip-isip ng tamang gawin mo sa buhay.”
“Sige. Salamat, Jane.”
“Kita tayo bukas, “ paalala niya sa akin.
“Oo.”
Pareho na naming ibinaba ang telepono at muli ay napabuntonghininga ako habang nakaupo sa kama ko. Nagulat pa ako nang bumukas ang pinto at ang kapatid ko na namang si Anastasia at walang pakundangang nagbukas ng pintong iyon.
“Tama nang kadadrama mo riyan, weak! Bumaba ka na nga at sumabay ka na sa tanghalian!” inis na utos niya sa akin.
“Kumain na kayo na wala ako. Wala akong gana,” tugon ko.
Inis na nilapitan ako ni Anastasia at nagulat ako nang hilahin niya ang mahaba kong buhok saka hinila ako palabas ng kwarto.
“Aray ko! Ate, bitawan mo ang buhok ko!” reklamo ko.
“Kung ayaw mong mas masaktan ay bumaba ka na! Ayokong lagi akong inuutusan ni Papa para lang puntahan ka at ayaing kumain o papuntahin kung saan dahil nabibwiset ako sa pagmumukha mo!” gigil na sigaw sa akin ni Ate.
“Bakit ba galit na galit ka sa akin? Sana inutusan mo ang mga Yaya natin para puntahan ako rito kung ayaw mo naman pala akong makita,” tugon ko.
Malakas na binitawan ni Ate ang buhok ko kaya natumba ako at sumampa ang pang-upo ko sa sahig. Mabuti na lang na may makapal na carpet kaya hindi masakit ang pagkakabagsak ko.
“Dahil ayokong nakikita ang pagmumukha mo! Nakakasuka na naging kapatid kita at lumaki akong kasama ka!” galit na sigaw ni Ate sa akin.
Nagulat ako sa sinabi niya. Alam ko naman na hindi ako gusto ni Ate Anastasia noon pa man pero hindi ko inakala na umabot na sa nasusuka siyang maging kapatid ako at lumaking kasama ako.
“Ate, wala naman akong ginawang masama sa’yo noon pa man para maging ganiyan ka na lang kagalit sa akin?”
“Alam mo kung anong nagawa mong masama sa akin?” tanong ni Ate na may poot ang mga mata habang nakatingin sa akin.
“A-ano?”
“Na ipinanganak ka sa pamilyang ito at naging kapatid ko! Iyon ang masama mong nagawa sa akin!” galit na tugon niya sa akin saka iniwan ako.
Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Ate at naguguluhan kung saan ba nanggagaling ang galit niyang sa akin samantalang alam ko naman na naging mabuti akong kapatid sa kaniya at sa abot ng aking makakaya ay kumikilos ako na naayon din sa gusto ng kapatid ko.
Tumayo na ako sa pagkakaupo sa sahig at naglakad na upang pumunta ng hapag kainan at naabutan ko si Papa at Ate Anastasia, na nag-uumpisa nang kumain. Tumingin sa akin si Papa pero ipinagpatuloy lang niya ang pagkain hanggang sa nakaupo ako sa upuan kaharap ni Papa saka naglagay ng pagkain sa pinggan ko.
“Asikasuhin mo na ang gown na susuutin mo sa kasal. Hahayaan na kitang mamili ng gown pangkasal pero ang lahat ng requirements mo sa kasal ay ipapaasikaso ko sa tauhan ko. Ang sabi ng Ate mo kanina ay may kilala siyang gumagawa ng de-kalibreng gown pangkasal. Magpatulong ka na lang sa Ate mo para sa pangkasal mo,” sabi ni Papa sa akin.
“Opo, Papa,” tipid na tugon ko.
Tumingin ako kay Ate at inirapan lang niya ako.
Alam ko naman na pakitang-tao lang ang pagpayag ni Ate na tulungan ako sa pangkasal ko kaya hindi na ako aasa lalo na sa sinabi at ginawa niya sa akin kanina. Aasikasuhin ko na lang ang damit pangkasal ko at magpapatulong na lang ako kay Jane, sigiuradong iyon pang kaibigan kong iyon ay walang alinlangan na tutulong kahit alam ko na kahit siya ay tutol na maikasal ako sa taong hindi ko naman kilala.
Kinabukasan ay maagang nagpunta ako sa bahay ni Jane pero marami na ring bisita pagdating ko doon ay halos lahat ng kaibigan at dati naming kaklase ay nandoon na kaya niyaya ako nila kasama si Jane sa hardin at nandoon na ang lahat ng handa sa kaarawan ng kaibigan ko.
May iba’t-ibang uri ng alak na nandoon na pinuntahan nilang magkaibigan at kumuha ng alak para inumin. Marunong naman akong uminom dahil hindi naman maiwasan iyon sa mga party na dinadaluhan ko pero hindi ako ganoong kalakas uminom at alam ko na babagsak ako sa oras na naparami ang inom ko ng alak.
Tiwala naman akong hindi pababayaan ng mga kaibigan ko kahit pa bumagsak ako sa kalasingan at gusto ko rin talagang magpakalasing lalo pa at may problema ako ngayon at dumagdag pa ang kapatid ko na galit na galit pala talaga sa akin sa hindi ko malaman ang dahilan.
“Mukhang napaparami na ng inom mo, Ada. Baka malasing ka niyan?” sita sa akin ng isa kong kaklase dati noong College na nagngangalang Trevor.
Ngumiti ako kay Trevor.
“Party ito, hindi ba? Kaya dapat magsaya at magpakalasing,” tugon ko.
Natawa naman si Trevor sa sinabi ko at nagulat ako nang akbayan niya ako.
“Tama ka. Magpakalasing tayo,” nakangiting tugon niya at napakalapit ng mukha sa mukha ko dahilan para mailang ako.Inalis ko ang pagkakaakbay sa akin ni Trevor at tumingin sa iba pa naming kaklase at kaibigan na kasama sa mesa saka itinaas ang hawak na baso na may alak.
“Happy birthday, Jane!” masayang sigaw ko.
“Happy birthday!” sabay-sabay na sigaw na rin nila saka kami uminom ng alak.
Dahil sa dami ng nainom ko ay nakisabay na rin ako sa pakikipagsayawan sa maindak na tugtugin sa hallway ng malaking bahay ni Jane sa mga kaklase at kaibigan ko at palagi namang nakasunod sa akin si Trevor na napapansin kong panay din ang dikit at hawak sa bewang ko. Ilang beses ko na siyang nilayuan at iniwasan pero kung saan ako pumunta ay nandoon din siya kaya sobra na talaga akong nakakaramdam ng ilang dahil sa kaniya.
Nahihilo na ako sa at mukhang umi-epekto na ang alak kaya naglakad ako patungo sa swimming pool para magpahangin subalit kapapasok ko pa lang doon ay bigla akong bumuwal at mabuti na lang ay may sumalo sa katawan ko na malakas na bisig.
“Lasing na lasing ka na,” sabi ng sumalo sa katawan ko at dama ko ang pagkakahawak niya sa bewang ko.
Lumingon ako kaagad sa lalaking gumawa niyon at walang iba iyon kundi si Trevor na mukhang sinundan na naman ako. Wala pa naman katao-tao ngayon sa swimming pool at sobrang nanghihina na ako dahil sa kalasingan.
“B-bitiwan mo ako.”
“Napapansin ko parang kanina mo pa ako iniiwasan? May nagawa ba ako para gawin mo iyon?” tanong niya sa akin.
“W-wala. Ayoko lang talagang nakikipaglapit sa mga lalake,” pagsisinungaling ko.
Ngumiti si Trevor at kinabahan ako sa ngiti niyang iyon na parang may masamang balak sa akin.
“Alam mo bang noon pa man ay gusto na kita, Ada. Liligawan sana kita kaya lang bali-balit kasi sa school natin na hindi ka raw nagpapaligaw lalo na sa kagaya ko na hindi naman kasingyaman mo,” amin ni Trevor sa akin.
“Hindi totoo iyan. Hindi talaga ako nagpapaligaw noon dahil tutok ako sa pag-aaral saka hindi pa talaga ako handa makipagrelasyon kahit ngayon. Ayoko na muna.”
“Maganda siguro ang pagkakataon na ito para pagbigyan mo ako. Siguro kapag ginawa ko ang nasa isip ko ay baka hindi mo na ako aaayawan ganoon din ang Papa mo,” nakangising tugon niya sa akin.
Nakadama ako ng matinding kaba at tinulak si Trevor pero mas malakas siya sa akin at kahit gusto kong sumigaw ay hindi ko na magawa dahil tinakpan na niya ang bibig ko at dinala ako sa isang sulok ng bahagi ng swimming pool. Hahalikan na niya sana ako kaya lang ay nagpapalag ako kahit nanghihina at nagulat ako nang malakas siyang napahiwalay sa akin at may isang lalake na humila kay Trevor saka malakas na sinuntok.
Humiga sa sahig si Trevor na duguan ang labi at halos hindij makatayo habang ang lalaking humila kay Trevor ay nag-aalalang tumingin sa akin.
“Are you okay?” tanong niya sa akin.
Natulala akong napatingin sa gwapong mukha ng lalaking nagligtas sa akin at kahanga-hanga pati ang maganda nitong katawan na bakat na bakat sa suot nitong polo.
“Lasing lang ba ako o talagang ang gandang lalake nang nakikita ko?” tanong ko sa sarili.
Nag-aalaang lumapit sa kaniya ang lalake saka hinawakan ang balikat ko at inalog ako ng marahan.
“Miss? Ayos ka lang ba?” tanong niya muli sa akin.
“O-oo. S-salamat sa pagliligtas mo,” tugon ko.
Muli ay umikot na naman ang paningin ko saka nanghina ang mga tuhod, mabuti na lang ay nasalo ako ng kaharap na lalake.
“Nahihilo ako,” sabi ko sa kaniya. “G-gusto ko nang magpahinga.”
“You need to go home,” tugon niya saka umangat ang katawan ko.
Napapikit ako dahil sa hilo pero amoy na amoy ko ang mabangong pabango ng lalaking ngayon ay buhat-buhat na ako at hindi alam kung saan ako dadalhin. Nawalan na ako ng malay dahil sa hilong nadarama at hindi ko na alam kung anong sunod na nangyari.
Nagising na lang ako ngayong umaga na nasa kwarto ko na at maayos ang kalagayan. Walang ginawang masama sa akin ang lalaking nagligtas sa akin kahapon kay Trevor at inuwi pa ako ng ligtas dito sa bahay naming kaya masaya akong napangiti.
Mukhang humanga ako sa kabaitan at pagiging gentleman ng lalaking iyon kaya ganito na lang ang tuwa na nadarama ko para sa kaniya at naiisip kung gaano siya kaguwapo sa alaala ko.
Dama ko pa ang hang-over dala ng pagkakalasing ko kahapon pero tumayo na ako para maligo at magpalit ng damit saka kinuha ko ang cell phone ko upang tawagan si Jane na sumagot din naman kaagad.
“Saan ka ba nagpunta kagabi? Bakit bigla ka na lang umalis nang walang paalam?” tanong ni Jane sa akin at halatang naiinis pa.
“Sa sobrang kalasingan ko kagabi ay nahilo at nanghina ako at pinagtangkaan ako ng masama ni Trevor kagabi. Mabuti na lang na may gwapong lalaking nagligtas sa akin at inuwi rin ako ng ligtas sa bahay,” tugon ko.
“Ano? Pinagtangkaan ka ng Trevor na iyon ng masama?” gulat na tanong ni Jane sa akin.
“Oo!”
“Walang-hiya siya! Sa bahay ko pa talaga niya gagawin iyon at sa araw ng party ko tapos sa matalik ko pang kaibigan? Wala siyang takot! Isusumbong ko siya kay Kuya para maparusahan siya!” galit na sabi ni Jane.
“Huwag na, Jane—“
“Anong huwag na?” mataas ang boses na tanong ni Jane sa akin. “Pinagtanggkaan ka niya ng masama kaya dapat maparusahan siya! Mabuti na lang talaga may nagligtas sa’yo at sabi mo gwapong lalake. Sino kaya iyon?”
“Hindi ko alam pero gwapo talaga siya. Nakasuot ng polo na kulay gray at pants na kulay black—“
“Kilala ko iyon!” sigaw ni Jane at muntikan pa akong mabingi sa pagsigaw niya. “Kaibigan ni Kuya Loki iyon. Tatanungin ko nga si Kuya para makilala mo dahil mukhang crush mo siya, eh.”
Nag-init ang buong mukha ko dahil sa sinabi ni Jane. Mukhang nahalata kaagad ni Jane na humahanga ako sa lalaking nagligtas sa akin kagabi at interasado siya na makilala iyon. Kahit naman ako ay interesadong makilala ang lalaking iyon dahil gusto ko rin na makapagpasalamat sa pagliligtas niya sa akin sa masamang balak sa akin ni Trevor.
Ada’s Point of ViewNagpunta ako sa opisina ni Papa sa bahay sa gabing iyon dahil gusto ko sana siyang makausap at magpapaalam na rin na magbakasyon kahit isang lingo lang kasama si Jane. Sinabihan kasi ako ng kaibigan na magbakasyon na muna habang inaayos pa lang naman ang kasal ko at para na rin kahit paano bago ako ikasal sa taong hanggang ngayon ay hindi pa nagpapakilala ng personal sa akin ay makapagliwaliw na muna raw ako.Naisip ko rin na magandang ideya iyon para kahit paano ay mabawasan ang sakit na nadarama rito sa puso ko lalo pa at tanggap ko na ang katotohanang ikakasal na ako at sa taong hindi ko pa kilala. I will marry a stranger because of the agreement between my Dad and his best friend, and I can't object to that agreement. I don't have the right to do that.Napabuntonghininga ako saka kumatok sa pinto ng opisina ni Papa.“Come-in,” nag-uutos na boses ni Papa ang narinig ko kaya pinihit ko na ang pinto
Ada’s Point of ViewNagulat ako at bumalik sa reyalidad nang maramdaman ko ang kamay ni Nik sa isa kong dibdib at minasahe iyon. Napatingin ako sa kamay niya at naramdaman ko ang init ng kamay niyang humahagod nang marahan sa dibdib ko.“Tell me if you don't want to do it? By the time you told me you didn't want to, I would stop what I was doing,” mahinahong sabi sa akin ni Nik kaya napatingin ako sa malamig niyang mga tingin sa akin.If I tell him to stop because I don't like what he's doing, will he change his mind about me? Will his anger go away and be replaced by happiness like when we first got together that night?Hindi ko na namang napigilan ang mga luha ko sa pagtulo at pinahid niya iyon saka inalis ang kamay niya sa dibdib ko.“Hindi ako namimilit ng babae kaya kung ayaw mong magtalik tayo ay hindi kita pipilitin,” malamig na sabi ni Nik sa akin saka umalis sa pagkakadagan sa katawan ko.
Ada’s Point of ViewFlashback“Mukhang close na kayo ng gwapong kaibigan ni Kuya Loki,” nanunudyong pansin ni Jane sa akin nang makita niyang bumalik ako sa Cabin at inihatid ako ni Nik.Namula kaagad ang mukha ko sa panunudyo ni Jane at umiwas ng tingin sa matalik na kaibigan saka nagmamadali nang pumasok sa loob ng Cabin pero sinundan siya papasok ni Jane at umupo sa kama na inupuan ko.“Papasa siyang maging unang lalaking wawasak sa iyong kabirhinan,” nakangising sabi pa rin ni Jane dahilan para manlaki ang mga mata kong napatingin sa kaniya.“Ano ka ba! Kung anu-ano na naman iyang lumalabas sa bibig mo!” sita ko kay Jane.“Bakit? Huwag mong sabihing ibibigay mo iyan sa lalaking hindi mo naman kilala na pakakasalan mo? Paano kung saksakan pala ng pangit iyon? Ibibigay mo iyan na sa ganoong tao?”“Oo. Asawa ko naman na siya dahil i
Ada’s Point of ViewPagsapit ng alas-siyete ng gabi ay sinundo na ako ni Nik, nakasuot siya ng khaki short na lagpas tuhod, kulay blue na polo at bukas ang apat na butones kaya kita ang balbon niyang dibdib habang siya ay floral dress na kulay red at bagay na bagay ang suot nilang parehas sa beach na kinaroroonan nila.Natawa pa kaming dalawa ni Nik nang makita naming ang halos parehong attire namin. Hindi naman kasi kami nag-usap ng susuotin subalit mukhang nagkasundo ang utak namin at pang-beach talaga ang naisip naming attire sa date naming dalawa.Inalalayan ako ni Nik na bumaba sa maliit na hagdanan ng cabin at naglakad na kami ng magkasabay sa buhangin ng beach.“So, saan mo gustong mag-date tayo?” tanong ni Nik sa akin.“Ikaw na ang bahalang mag-isip. Wala naman kasi akong ideya sa pakikipag-date dahil ngayon pa lang ako umu-o sa nagyaya sa akin,” tugon ko sa kaniya.“Gusto mo date
Ada’s Point of ViewONE YEAR LATERAbala ako sa ceramic shop ko dahil sa dami ng customer na dumarating ngayong araw. Nagkaroon kasi ng malaking sale sa mga produkto sa shop ko dahil isang-taong anibersayo ng pagbubukas ng Ada’s Ceramic Shop at bilang pagsasaya ay nagkaroon ng fifty percent sale at dahil magaganda at hindi talagang high class ang mga produkto na ako mismo ang gumawa ay talagang dinayo at binili ng maraming customer.Iba-ibang uri ng ceramic ang nasa shop ko. May plato, vase, tea cup at marami pang iba na gawa sa mamahaling clay na ako ang gumawa o hindi kaya ang binili ko sa iba’t-ibang bansa. Nakapagpatayo na rin ako ng pottery shop na pinapangarap ko at dahil na rin iyon sa tulong ni Nikola. Isang-araw na pamamalagi ko sa bahay niya ay pinuntahan ako ng tauhan ng asawa ko at sinabing mag-umpisa na magtayo raw ako ng negosyo na gusto ko.Naisip ko noon na maaaring natandaan ni Nikola ang pinag-
Ada’s Point of ViewNgayong gabi ay nasa maingay, amoy alak, sigarilyo at iba’t-ibang putahe ng pagkain sa paligid ang kinaroroonan ko ngayon. Dinala na naman kasi ako ni Jane sa isang bar at pang-apat na beses na iyon. Mabuti na lang, hindi araw-araw akong niyayaya mag-bar ni Jane at dalawang-beses lang sa isang linggo kaya hindi ako palaging puyat at naasikaso ko pa ang shop ko.Nasa upuan ako habang umiinom at si Jane naman ay nasa dance hall saka sumasayaw kasama ang lalaking nakilala lang niya sa bar.“Nag-iisa ka?”Nagulat ako na napatingin sa nagsalita saka umupo siya sa upuan sa harapan ko.“Loki?” gulat na sabi ko. “Anong ginagawa mo—“Napatingin ako kay Jane na masaya pa ring umiindak sa dance hall. Alam ko na kung bakit nandito si Loki at marahil dahil sa kapatid niya.“Paano mo nalaman na nandito kami?” tanong ko sa kaniya.Hindi nawa
Ada’s Point of ViewNagising ako na nasa kama na at nagulat ako na napatingin sa gumalaw sa tabi ko. Si Nikola iyon, na mahimbing na natutulog kaya nanlaki ang mga mata ko dahil katabi ko ngayon sa kama ang asawa ko na dumating na pala. Naalala ko ang pag-uusap namin ni Nikola kagabi at nasungitan ko siya dahil sa kalasingan at inaantok na rin ako pero ngayong napagtanto ko iyon ay bigla akong nakadama ng kaba sa mga pinaggagawa ko sa kaniya.“Bakit ko nagawa at nasabi sa kaniya ang lahat ng iyon?” kabadong tanong ko sa sarili.Tumayo na ako sa kama at nagmamadaling kumuha ng damit sa closet saka pumasok sa banyo at naligo. Habang nasa shower ako ay hindi ko mapigilang isipin ang mga ginagawa at sinabi ko kay Nikola. Nagalit sa akin kahapon si Nikola pero imbes na matakot ako ay nagalit din ako sa kaniya saka iniwan at humiga sa sofa.“Hindi kasi dapat ako umiinom, eh!” inis na sisi ko sa sarili.
Ada’s Point of View Umalis ako sa kandungan ni Nikola saka humiga sa kama at tinakpan ang h***d kong katawan ng kumot. Humiga rin sa tabi ko si Nikola pero hindi kagaya ko ay hindi siya nagtakip ng kumot sa h***d na katawan at kompiyansang humiga sa kama kahit walang saplot. Maganda ang katawan ni Nikola kaya naiintindihan ko kung bakit wala siyang kinahihiya kahit pa wala siyang kahit anong saplot. Sa paningin ko nga ay mas lumaki ang katawan niya kaysa sa huling nakasama ko siya at nakita ang h***d na katawan. “We need to talk. This is about to our relationship,” basag ni Nikola sa katahimikan. Nakadama ako ng kaba sa umpisa ni Nikola at pakiramdam ko ay iyon ang sinasabi ni Papa na pakikipaghiwalay ni Nikola sa akin. “Dad wanted to annul our marriage because he had another woman I wanted to marry. That's why I came home to talk to you but I didn't reach you here and I didn't go to your shop because I also brought home some
Ada’s Point of ViewUmaga palang ay binulabog na ako ng tawag ni Jane at hindi ko sana sasagutin ang tawag na iyon subalit walang tigil ang pagtunong ng cell phone ko halos kalahating oras nang tumatawag si Jane ay saka pa niya sinagot dahil sa kakulitan ng kaibigan. Puyat pa naman siya dahil halos magdamag siyang inangkin ni Nikola at kahit sinabi ko na sa asawa ko na pagod na ako ay hindi pa rin niya ako tinigilan at nagtalik pa rin sila sa nakatayong posisyon.Wala na ngayon sa tabi si Nikola at siguradong bumalik na siya sa kwarto niya. Pinalipat kasi ako ng kwarto ni Nikola at ayaw na niya akong katabi matulog saka lang kami nagkakasama sa kwarto na nilipatan ko kapag gusto niya akong galawin at halos araw-araw naman nangyayari.“Bakit hindi mo sinasagot ang tawag at mga text ko? Alam mo bang sobra mo akong pinag-aalala!” sigaw ni Jane sa akin.Napaungol ako dahil halos mabingi ako sa sigaw niya pero tumayo na ako sa kinahihigaan at dama ang hapdi ng pagkababae ko saka sakit ng ka
Ada’s Point of ViewIsang linggo na naming kasama sa bahay si Verona at wala naman naging problema na nakasama namin siya dahil mabait naman talaga ang dalaga at wala akong naging problema sa ugali niya. Napansin ko ngang malapit talaga si Nikola at Verona at masaya silang laging nag-uusap. Napapansin ko rin ang mga effort ni Verona para kay Nikola at pinaglulutuan pa niya si Nikola ng agahan at baon sa trabaho na hindi ko nagagawa sa sarili kong asawa.Masaya si Nikola kapag nag-uusap sila ni Verona at kapag ibinibigay ng dalaga ang niluto niyang pagkain sa asawa at ang saya sa mga mata ni Nikola ay nakita niya noon sa La Union noong magkasama sila, na matagal ko nang hindi nakikita. Nakakaramdam ako ng lungkot dahil palagay ko ay hindi magtatagal ay magugustuhan ni Nikola si Verona at hindi magiging katulad namin ang pagsasama nila Verona at Nikola sa oras na ikinasal sila sa Spain at tuluyan na kaming maghiwalay.Napabuntonghininga ako
Ada’s Point of View Matapos naming kumain ni Nikola ay naisipan na naming umuwi. Sinabihan kong ihatid na lang ako ni Nikola sa shop para makapagtrabaho ako subalit hindi siya pumayag at sinabing rest day ko na lang ngayong araw at siya na muna ang pagtuunan nito ng pansin. Hindi na ako nakatanggi pa, hindi dahil sinabi iyon ni Nikola kundi dahil gusto ko rin naman na magkasama pa rin kami sa araw na ito ng asawa ko at masayang magkasama. Minsan lang mangyari ito at baka sa susunod ay abala na naman si Nikola at wala na naman siyang oras para makasama ako. Pagdating namin sa bahay at masaya pang nag-uusap habang pumapasok sa sala ay nagulat na lang kami nang makita namin ang Papa ni Nikola na nasa sala at masama ang tingin sa aming dalawa. Napalunok ako ng laway sa kaba lalo pa at naging matalim na ang mga tingin ng Papa ni Nikola sa amin. “Where did you go last night? Why did you leave and not meet Verona and her family?” galit na sa
Ada’s Point of View Umupo ako sa tiyan ni Nikola at matapos kong halikan ang labi niya ay dumaan ang labi ko sa pisngi niya patungo sa tainga saka kinagat iyon nang mahina kaya napaungol si Nikola marahil nagulat sa ginawa ko. Humahaplos ang kamay ko sa leeg niya at kasabay ng pagdila ko pababa sa leeg na may kasamang mahihinang kagat. “Oh, sh-t! You make me more h-rny, baby,” bulong ni Nikola habang patuloy ako sa ginagawa. Nang bumaba ang labi ko sa matigas na dibdib ni Nikola ay bumaba rin ang kamay ko patungo sa flat niyang tiyan at dinilaan ko rin ang isa niyang n-pple dahilan para magulat na naman si Nikola at napatingin sa kaniya. “Ginagawa ko lang sa’yo kung anong ginagawa mo sa akin,” nakangising tugon ko sa asawa na ikinangit niya. Sinubo ko ang isang n-pple ni Nikola saka parang sanggol na s******p iyon dahilan para mapaungol si Nikola na ikinatuwa ko. Hindi ko akalaing masisiyahan siya sa ginagawa ko. “I lo
Nikola’s Point of View Ada and I were at a well-known bar, and I brought her here after Dad scolded me for bringing Ada to his party. I didn't think Dad would do that, and he would speak badly of Ada as well as Ada's Dad. I understand Papa's anger, and even I felt mad at Ada's Papa's deception to my father. Papa believed in the business they should partner with, and he trusted Ada's Dad, but the money he had spent all and entrusted to Ada's father was all gone and could not be recovered. Hindi lang naman pera ang dahilan kung bakit nagalit si Papa sa Tatay ni Ada pati kasi ang tiwala ni Papa at sinira niya at pati pagkakaibigan nila at isa iyon sa ayaw na ayaw ni Papa ginagawa sa kaniya ng mga malalapit na kaibigan o kahit kaanak niya at kapag nagalit siya ay mahirap siyang magpatawad. “May magpe-perform ba ngayon?” untag ni Ada sa akin. I looked at Ada. I saw happiness on her face stared at the stage with a mic and chair in front of
Ada’s Point of ViewNikola's car stopped in the parking lot of his Dad's mansion. Many people were just outside the villa, and almost everyone was wearing expensive clothes and body jewelry. I know that's what I'll see at this party, but I still can't help but be nervous and don't like to attend this kind of party.Lumabas na ng kotse si Nikola at mabilis na naglakad palapit sa puwesto ng inuupuan ko saka binuksan ang pinto ng kotse at inabot sa akin ang kamay niya. Kahit kinakabahan ay inabot ko ang kamay niya saka inalalayan akong lumabas sa kotse.“Your hand is cold. Are you nervous?” pansin sa akin ni Nikola.Napatingin ako sa kaniya at hindi na ako nagsinungaling pa. Tumango ako sa tanong sa akin ni Nikola.“Hindi naman kasi ako sanay magpunta sa ganitong party, makihalubilo sa maraming tao at hindi ko kilala,” tugon ko.Napakunot ang noo ni Nikola at nasa hilatsa ng mukha niya na hindi nan
Nikola’s Point of ViewPagbalik ko sa kwarto ni Ada ay nakahiga muli siya sa kama at nakatalikod sa kinaroroonan ko. Inilapag ko ang tray na may lamang pagkain sa kama saka umupo ako na rin ako sa kama.“Kumain ka na habang mainit pa ang pagkain,” sabi ko kay Ada.“Iwanan mo na lang diyan ang pagkain, kakain din ako mayamaya,” tugon ni Ada sa akin.“I want to talk to you too,” sabi ko.“If you are mad about what I did before and you say bad things to me again, just tell me tomorrow. I’m so tired now of the hurtful words from you. I also need a break,” walang emosyon na tugon sa akin ni Ada saka umupo at kinuha ang tray.Napabuntonghininga ako at nag-umpisa namang kumain si Ada na walang kahit anong emosyon sa mukha.“We talked to your Papa, and we also talked about how to revive your business. I will not give him money and I will take action to get your
Ada’s Point of ViewNakasuot ako ng simpleng dress na lagpas sa tuhod ko at kapag sinunod ko ang utos ni Nikola ay aangat ang dress ko at makikita ang legs ko. Mukhang nainis lalo si Nikola kaya masama na siyang tumingin sa akin. Nasa kalagitnaan kami ng traffic kaya nakahinto ang sasakyan.“Hindi mo gagawin? Gusto mo bang hindi matuloy—““Gagawin ko!” tugon ko.Kagat-labing ibinuka ko ang mga hita ko kaya umangat ang dress ko saka nakita ang maputi kong legs. Mabilis na pumasok ang isang kamay ni Nikola sa loob ng dress ko at naramdaman ko kaagad ang mainit na kamay niya na humaplos sa kaselanan ko na kahit nakasuot ako ng underwear ay dama ko pa rin ang init ng kamay niya.Mas napakagat ako ng labi na unti-unti nang gumalaw ang kamay niya sa kaselanan ko humihimas iyon ng marahan saka tinutusok ang gitna ng pagkab-bae ko dahilan para maging malikot ako sa kinauupuan. Napaungol na ako nang ipaso
Ada’s Point of View Umalis ako sa kandungan ni Nikola saka humiga sa kama at tinakpan ang h***d kong katawan ng kumot. Humiga rin sa tabi ko si Nikola pero hindi kagaya ko ay hindi siya nagtakip ng kumot sa h***d na katawan at kompiyansang humiga sa kama kahit walang saplot. Maganda ang katawan ni Nikola kaya naiintindihan ko kung bakit wala siyang kinahihiya kahit pa wala siyang kahit anong saplot. Sa paningin ko nga ay mas lumaki ang katawan niya kaysa sa huling nakasama ko siya at nakita ang h***d na katawan. “We need to talk. This is about to our relationship,” basag ni Nikola sa katahimikan. Nakadama ako ng kaba sa umpisa ni Nikola at pakiramdam ko ay iyon ang sinasabi ni Papa na pakikipaghiwalay ni Nikola sa akin. “Dad wanted to annul our marriage because he had another woman I wanted to marry. That's why I came home to talk to you but I didn't reach you here and I didn't go to your shop because I also brought home some