Sa likod pa lang nito na parang pader na, papa'no niya makakalimutan ang bulto ng katawan nito kung tandang-tanda niya ang lahat ng anggulo nito dahil pag-aari niya ito? "Sige, Benjamin," gigil niyang anas habang sinusundan ang isang lalaking may matipunong pangangatawan. Ang tangkad nito, ang paraan ng paglalakad nito at ang boses nito, siya iyon. "Benjamin!" sigaw niya sa pangalan nito nang maabutan na ang lalaki. "B-bakit 'di mo'ko binalikan? Bakit mo'ko tinakasan?" Muling napuno ng hinanakit ang dibdib niya nang maalala ang pag-iwan nito sa mismong kasal nila. Malakas niyang hinampas ang kamay sa likod nito na ikinalingon nito bigla. Pak! Malakas lang naman ang pagkakasampal niya rito nang humarap ito bigla kaya pati tunog, dumagundong din sa pandinig niya. Nakuyom niya nang mariin ang kamao nang animo matuod ito sa harap niya. Isang bigwas ang ginawa niya sa mukha nito pero nakaiwas agad ito. Namimilog ang mata niya nang makita ang mukha nito. "B-Benjamin?" nautal niyang tan
Nang makapasok sa restaurant, agad niyang binuksan ang sobre. Namilog ang mata niya nang makita ang lilibuhing pera. Agad siyang napalingon sa likod sa pag-aakalang umalis na ang van pero nando'n pa rin ito. Iginala niya ang paningin sa paligid pero wala naman ang kanyang asawa. Napasinghot siya nang mahaba nang maamoy ang pagkain. Nakaramdam agad siya ng gutom nang makita ang ilang customer na kumakain. "This way, ma'am." Isang naka-uniform na lalaki ang sumalubong sa kanya kaya napasunod siya. "Have a seat." Agad itong tumayo sa likod ng upuan para hilahin ito. Napalunok siya at taas noong umupo bago iginala ang tingin sa loob nito. Nagkikislapan ang mga chandelier sa taas nang pasimple siyang tumingala. Unang beses niya itong pumasok sa ganitong yayamanin na restaurant. Ang mga tao, mga mukhang businessman at nakapormal ng suot samantalang siya, naka-uniform lamang. Napangiti siya dahil walang pumapansin sa kanya hindi kagaya sa labas na pinagdidiskitahan siya. "Let me know kung
"Before this semester ends, you will be given a one-week training related to your course, Diploma in Community Service. This whole class—" Umikot ang paningin ng professor nila nang isa-isahin nito ang mga estudyante. "Will reshuffe schedules and each group will be assigned in different areas as part of your training. Alphabetical tayo sa groupings. Are you excited, class? If you have any questions, raise your hand." Wala siyang naiintindihan dahil okupado ang utak niya sa kalbong iyon. Ang kalbong iyon na babaguhin ang lahat-lahat sa kanya. Matapos nilang kumain sa restaurant kahapon, marami pang ipinangako ang aspiring politician sa kanya. Kaya pala ito kilala ng karamihan dahil isa itong batang-bata pang pulitiko na tumatakbo sa mataas na antas ng gobyerno. Iyon lang naman ang pagkaka-explain nito sa kanya kahapon pero kakaunti lang ang pumapasok sa kukote niya. Minsan, nahihirapan siyang intindihin ang lahat sa tagal ng pagkakatingga ng utak niya pero unti-unti na siyang nae-expo
Napapitlag siya nang maramdaman ang kamay ng katipan sa hita niya paakyat sa hindi dapat tumbukin ng kamay nito. Agad niyang hinuli ang kamay nito at nagbigay siya ng warning look sa babae na ikinangiti lang nito. "S-stop, Venice," anas niya sa punong tenga nito. "Not here, sweetheart." Inikot niya ang paningin. They've gathered here to celebrate this much-anticipated surprise, and he'll break the good news to everyone shortly. Kahinaan man niya ang sexy at magagandang babae, hanggang tingin lang naman siya, and he made a promise to never despise his fiancee. He cherished Venice dearly, and during their official engagement, their dearest ones and close friends graced the occasion with their presence. "Yes." Excited na anunsyo niya sa lahat sabay taas ng kamay ni Venice na may suot-suot nang singsing. "We're getting married." Hiyawan at palakpakan ang kasunod nito at 'di maampat na pagbati sa kanila. Dahil sa flasback na nangyayari noon sa kanilang dalawa ng dalaga, napuno ng tawana
"Fuck this, Blake," inis niyang sigaw habang kausap ang pamangkin sabay iling. "Kinulong niya 'ko sa kwarto kaya hindi na'ko nakalabas para istimahin ang mga bisita." Inis niyang natingnan ang cellphone nang tumawa nang malakas ang lalaki sa kabilang linya. "Dude, don't laugh at me like that." Napatingala siya sabay iling nang sunod-sunod. "Ok, bye." Hindi niya na hinintay na makasagot pa ang kausap dahil pinatayan na niya ito ng phone. "That boy..." Ano ba ang ine-expect niyang response ng siraulo niyang pamangkin? 17 years old lamang si Blake pero malaking bulas ito. Ni wala nga itong naibigay na advice sa kanya. Sabagay, bata pa ito at siya itong matanda pero minsan kapag involve si Venice, nawawalan ng laman ang utak niya dahil ayaw niyang manakit ng damdamin nito kapag nagtatangka siyang kausapin ito. "Damn it, Venice." Naihilamos niya ang mukha sa inis dahil ang nangyari kahapon, parang bangungot sa kanya ngayon. "I love you, girl.... I just love you kaya titiisin ko ang kabal
Gusto niyang maiyak nang maalala na naman ang pagkukrus ng landas nila ng walanghiya niyang asawa. Hindi siya nito nakilala? Bakit? Mas pinaganda lang naman niya ang sarili pero ang siraulo, ni hindi siya nito pinagtuunan ng pansin. "Nakuha mo ba, Maria?" Inayos ng doctor ang salamin sa mata at muling tiningnan ang lahat ng anggulo ng litratong nakuha sa kanya. "Marami tayong babawasan at idadagdag sa'yo at mahaba-haba itong pagpapagaling mo." Napatingin ito sa katabing lalaki nang iharap nito ang monitor sa lalaki. "Look at this, Jacob." "Do whatever you think is right, Doc, I'll leave it in your good hands. You're one of the best surgeons in the Philippines and I believe the result will definitely be very beautiful." Napatingin siya kay Jacob nang sabihin ito ng lalaki. Bukod sa pag-aaral sa pinapasukan niyang institusyon, may isang training center din siyang pinapasukan para naman ma-improve ang pagsasalita niya pati ang social skills niya sa tulong ng butihing si Jacob. Hindi pa
Liposuction. Ito ang unang ginawa ng doctor na may hawak sa kanya. Facial surgery naman ang kasunod ng unang procedure na ginawa ng surgeon niya. Inuna ang pagpapatangos ng ilong niya at pagpapaliit ng mukha kaalinsunod ang iba pang facial procedures kapag umayos na ang pakiramdam niya. Lahat ng ito ay ine-explain sa kanya ng doctor bago pa man siya isalang kanina. May sarili rin siyang dentist na nag-ayos ng sungki at sira-sira niyang ngipin. Akala niya madali lang pero hindi pala dahil halos himatayin siya sa unang procedure na ginawa sa kanya. Weekend ngayon at tuluyan nang dumating ang sem break nila. Ang plano niyang pag-uwi sa probinsya, naudlot dahil nais ipagawa ni Jacob ang procedures na ito. "Yes, Maria, huwag tayong magsayang ng oras. I can't wait to see the result of your transformation and this—" Ipinakita ng lalaki ang papeles sa harap niya bago nito dahan-dahang inangat ang kamay niya. "You need to sign this to make sure na hindi mo tatalikuran ang napagkasunduan natin
"Oh my God, Ate!" Namimilog ang mata ni Moira nang ikutan siya nito. "Pumapayat ka na at"—Napatili ito at nagtatalon sa sobrang tuwa sa bagong outfit niya. Suot lang naman niya ang mga pinamili ni Jacob. Isang sexy shawl collar flap detail blazer and pants set ang suot niya ngayon na tinernuhan niya ng 3 inches shoes na kakulay din ng damit niya. Nagmukha siyang businesswoman sa attire niya kaya gandang-ganda siya nang sipatin niya ang sarili. Kailangang i-apply niya ang lahat ng natutunan dahil nang huling bisitahin siya ni Jacob, nagalit ito sa kanya at nasigawan siya. "Ang kupad mo, Marie." Malungkot niyang saad na napalakas pa. Kinalabit siya bigla ni Moira nang makita siyang nagsasalita mag-isa at lalo itong nagtaka nang pahiran niya ng tissue ang luha. "Ano, Ate? Makupad? Sino? Tsaka ba't ka umiiyak? Grabe! Ang ganda-ganda mo na kaya hindi kita nakilala agad kanina nang tawagin mo'ko." Bakas pa ang papahilom niyang sugat sa mukha pero hindi iyon nakapigil sa kanya para hindi
Benjamin's POV Inis niyang tiningnan ang babae. Kitang-kita na ang umbok ng tiyan nito pero nagpapakipot pa rin ito. Ano bang problema nito? "Ilang buwan na lang, manganganak ka na, Maria, pero look at you, nag-aaral ka pa rin. Hindi ba pwedeng pagkatapos mong manganak saka ka bumalik sa school?" Kahit nakakapagod ang magpabalik-balik sa probinsya every week, tiniis niya ito para lang suyuin ang babae. "Kaya ko ang sarili ko," inis nitong sagot. "Gusto kong makapagtapos kahit pa buntis ako. Hindi mo'ko mapipigilan sa pangarap ko." "Pag-aaralin kita ng bachelor's degree after mong manganak." Isang short course ang kinuha ng babae sa bayan na under ng TESDA pero hindi niya ito ikinatuwa. Mas gusto niyang mag-focus muna ito sa baby nila at sa sarili nito para masiguro ang kaligtasan ng mag-ina niya. Sa bayan ito pansamantalang nakatira dahil sa kalagayan nito kasama ang mga magulang nito. Isang malaking apartment ang nirentahan niya para sa mga ito. Mabilis niyang nilabas ang bungko
Benjamin's POV Magdadalawang buwan na ang lumipas nang makabalik siya ng Manila. Updated naman siya ng mga tao niya sa proyektong naiwan sa isla. Umangat ang mukha niya nang tingnan ang kaharap. "I'm listening, Venice." Napangiti nang kimi ang babae nang salubungin nito ang tingin niya, "Gusto ko lang mag-sorry, Ben, at magpasalamat kaya ako nandito—at magpapaalam na rin syempre." Naluluha ito nang muling magsalita. "Sorry kasi pinilit kitang balikan ako kahit na niloko kita. Salamat kasi—tinulungan mo pa rin akong makapagsimula rito sa Manila." Napatango siya. Nagpapasalamat siyang nagiging maayos na ang lahat sa pagitan nilang dalawa. "Sigurado ka na ba?" Tumango si Venice, "Oo, sapat na siguro ang dalawang buwan para makapag-isip ako nang maayos. Haharapin ko si Saeed para magkaro'n ng katahimikan ang isip ko. Pasensiya na." Nakatayo na ang babae nang hawakan niya ang kamay nito," I wish you all the best in life, Venice." Nang tumalikod ang babae at tuluyan nang naglaho sa lo
Benjamin's POV "Wala ka bang balak umuwi?" Tanong niya nang lapitan siya ulit ng babae. "Give me some time, Venice. My priority is not our relationship right now." Hindi niya maintindihan kung bakit na lang siya biglang nanlamig dito. Inamin na kasi nito ang lahat; ang pagkakaroon nito ng relasyon kay Saeed pero balak na itong bitawan ng babae. All this time, pinaniwala siya nitong single ito pero hindi na 'yon mahalaga sa ngayon. "I made it clear, right, Venice? I just want to ensure that there is no confusion between us. Hanggang dito na lang muna tayo. We're done, iyon ang gusto ko." "Yes," napabuntong-hiningang saad nito pero nagtangka itong yakapin siya na agad niyang pinigilan. "Nagkamali ako, Ben, I'm sorry at sadyang naguguluhan lang nang una dahil nga sa issue namin ni Denise pero sigurado na'ko na ikaw ang pipiliin ko. Yong pagsampal ko sa'yo kahapon, nabigla lang talaga ako."Napatingin siya sa paligid. May ilang katutubo ang nag-uusap at ang tatay ni Maria, kanina pa
Maria's POV Ang saya niya nang matapos ang pagpapa-DNA nina Jacob at ng mama ni Ben. Resulta na lang ang hihintayin nila para malaman kung talagang mag-ina ang dalawang ito. "If you think we're done, Maria, think again," anas ni Jacob nang mapadaan ito sa gawi niya. "Tinakbuhan mo'ko. Tinraydor mo'ko nang bawiin mo ang kasong inihabla mo kay Benjamin." Kumabog ang dibdib niya sa sinabi ng lalaki at para na siyang maiiyak nang tingnan ito, "J-Jacob, ayoko na ng gulo. B-baka nga kapatid mo pa si Ben, eh." Napatiim-bagang ang kaharap nang sabihin ito, "I don't think so." Saad nito. "Not that guy, I hate him." "J-Jacob?" tawag ng mama ni Ben nang makalabas ito mula sa isang cubicle kasama naman ang tita ng lalaki. Agad itong naglakad palapit sa kanila. "The result will be delivered to us in two to three weeks." Huminto ito nang tuluyang makalapit, "I just wanted to say thank you for helping out tonight. Although I'm eager to find out, I know in my heart that I'm right." Sa isang osp
Maria's POV Hindi siya mapakali sa kinauupuan niya habang papasok na sa building ni Jacob ang sinasakyan nila. Sa tulong ng tiyahin nito, pumayag na humarap ang lalaki pero hindi pa nito alam na sila ang kakatagpuin nito. "Maria." Ginagap ng babae ang nanginginig niyang kamay nang tuluyang mag-park ang sinasakyan nila, ito ang tiyahin ni Jacob na nagpaanak sa mama ni Ben. "Relax, gusto ko nang itama ang lahat kaya nandito ako kahit pa nangako ako sa namatay kong kapatid na ibabaon ko sa hukay ang sekretong ito."Nakausap na siya ng mama ni Ben pati na ng babae ukol dito. Si Jacob ay anak ng mama ni Ben pero dahil nga sa pakikipagsabwatan ng daddy ni Jacob at ng babaeng ito, pinalabas na namatay ang bata para maitakas ang sanggol palayo sa ina nito. Dahil ang mama ni Ben ay kasal na kaya pinili nitong manatili sa asawa nang magtaksil ito. Handa namang tanggapin ng asawa nito ang anak sa labas ng babae pero iba ang plano ng kerido ng mga oras na iyon. Napuno ito ng galit dahil mas pi
Benjamin's POVParang bumabalik lang ang dating nangyari sa kanila nang nasa loob na sila ng kweba pero sa pagkakataong ito, pareho na nilang nakikita ang isa't isa sa tulong ng emergency light na nakabukas. Nakapikit siya habang hinahalikan ang babae na hindi kababakasan ng pagtutol."B-Ben," napasinghap na tawag nito.Bumaba ang halik niya sa leeg nito hanggang tinunton ng labi niya ang pinakakaasam niyang yaman nito. Doon siya nagtagal habang impit na tinatawag ng babae ang pangalan niya. Salit-salitan niyang hinahalikan ang mayamang dibdib ng babae habang nakasabunot naman ang dalawang kamay nito sa buhok niya. "N-nakikiliti ako," reklamo ng dalaga pero napaungol lang siya habang binabaybay naman ng labi niya ang tiyan nito. "D-Diyos ko, Ben." HIndi napigilang mapaigik ng dalaga nang maramdaman na nito sa singit ang paghalik niya.Nostalgia. Ito ang hinahanap ng puso't katawan niya na nangyari na noon pero muling naulit ngayon. Handang-handa na siya ngayong gabi at nakalimutan na
Benjamin's POV "What?" 'di makapaniwalang tanong ni Clyde nang sabihin niya ang napag-usapan nila ni Maria. "You're such an awful person to say that to her." Pareho lang naman sila ni Maria, nasa sitwasyon din siyang naguguluhan dahil kay Venice. Alam na rin ng mga kaibigan ang ukol dito kaya katakot-takot na advice ang binigay nila. "Stop fantasizing about Venice, hindi ka pa nadala." Walang kangiti-ngiting singit ni Clint sabay tapik sa balikat niya. "Kung type mo si Maria, do it properly at tawagan mo si Venice para makipaghiwalay na. Bro, remember, magkadugo sila ni Denise eventhough paulit-ulit mong sinasabi na iba siya, she's romantically involved with Saeed I think. Medyo natukso lang siya nang ma-meet ka ulit dahil gwapo ka. Red flag, dude." Hindi siya makapaniwala dahil kung tutuusin, mga babaero din ang mga kaibigan noon at walang pakialam ang mga ito kahit ilang babae pa ang dumaan sa kanya. For the first time, nagbigay ng advice ang mga mokong. "I'm afraid we don't ha
Benjamin's POV "Masakit lang malaman na magpapakasal siya sa'kin dahil napilitan lang," malungkot na saad ni Polding nang magkaharap na sila para pag-usapan si Maria. "Hindi ko naman ipipilit ang sarili ko. Kung sa'n masaya si Maria, hahayaan ko siyang mamili." "Maria?" untag niya sa babae. "Pasensiya na, Polding," nahihiyang pag-amin ni Maria. "Totoo naman ang sinabi ni Benjamin na wala akong gusto sa'yo pero napakabuti mo kaya pumayag ako pero kanina—" Talagang hindi siya makasagot ng oo agad. "Ok lang 'yon, Maria," hinging-paumanhin nito. "Importante pa rin ang may maramdaman ka sa taong papakasalan mo. Pakisabi na lang sa magulang mo na umalis na'ko." Bilib siya sa lalaking 'to. Good sport ito matapos niyang manalo sa palaro kanina. Nakipagkamay pa ito na kanyang malugod na tinanggap. Nakaligo na rin sila at nakapagbihis pero ang amoy nila, hindi mawala-wala kaya naaasar pa rin siya sa tradisyong ito. "Thank you for understanding everything, Polding. I know you're an educate
Benjamin's POV "Kung gayon, Polding, dadaan kayo ni Ben sa kinagisnang tradisyon ng tribong ito, ang laban-bawi na palaro. Bilang isang pinuno—" Panimula ni Ka Letong na siyang tatayong watcher din ng kanilang laban. "Ganito ang patakaran sa larong ito: nilaban ni Polding ang pag-ibig niya kay Maria kaya papakasalan niya ang kahuli-hulihang babae na wala pang asawa. Siya ang tatayo sa "laban." Nakatingin na ang matanda kay Maria na walang kibo. "Pero dumating si Benjamin na pinipigilan ang kasalan kaya siya ang babawi sa dalaga. Siya ang tatayo sa "bawi." For them, that actually sounds pretty strange. He doesn't know what this tribe chief wanted them to do to put an end to this marriage. Kung tutuusin, hindi naman legal ang ginagawa ng matanda na pagkakasal kung hindi dumaan sa tamang proseso. "Dude, I think we made the right choice not to go on our mountain trek today. This sounds more fun to me." Bulong ni Clyde sa kanya na nakatayo na sa tabi niya. "Mukhang mapapalaban ka sa is