NAPATAAS ng kilay si Stefan sa narinig na sagot ng kanyang lolo na mukhang pera. “Really? What made you think that Lola Divina should give you the 25 percent of her total assets? For what reason?”
“Hindi pa ba sapat na kapatid niya kami ni Gretta at nararapat lang niya kaming bigyan ng tamang shares sa mga kayamanan na naiwan niya?” paglilinaw na saad ni Astolfo. “Saka bakit niya kami bibigyan ng kakarampot na bahagi ng kayamanan na iniwan niya ‘e, lahat naman ng iniwan niya ay galing kay Papa kaya nararapat lang na bigyan niya kami ng kalahati sa yaman na maiiwan niya!”
Napapalatak si Stefan sa kanyang narinig. “Half of her assets? Are you joking?” sabay tingin sa dalawang magkapatid.
“Bakit? Kung nagawa niyang bigyan ng 25 percent ang hampaslupa mong asawa, bakit hindi niya magawang ibigay sa amin na kadugo niya?” pag-aalmang tanong ni Astolfo.
Inayos ni Stefan ang kanyang pagkakaupo at i
NATIGALGAL sina Astolfo at Gretta sa kanilaang narinig.“What?” nanlulumong tanong ni Gretta.“You can either take the 10 percent share or it will be donated to charity,” pag-uulit ni Atty. Francisco na mas lalong ikinalumo ng magkapatid.“This can’t be happening…” mahinang usal ni Gretta.“No, it’s happening,” nanunudyong wika ni Stefan. “So, will you take it or donate it to the people who’s in need?”Hindi nakasagot agad ang magkapatid dahil sa labis na pagkabigla at pagkadisgusto sa nangyayari.Tumingin si Stefan sa kanyang relo at ni-tap ang ibabaw nito. “What is your decision? If you can’t decide, you may leave; you’re taking up too much of my time,” wika ng binata nang tumayo ito sa kanyang pagkakaupo.Ilang segundo ang lumipas ngunit wala pa ring ibinibigay na sagot ang magkapatid dahilan para ibaling ni Stefan ang kanya
MAHIGPIT ang pagkakahawak ni Stefan sa manibela habang siya’y nagmamaneho kasabay ang pagkagat niya sa kanyang labi. Hindi niya maipaliwanag ang kaba na kanyang nararamdaman nang sandaling iyon tila ba sasabog ang kanyang puso sa lakas ng pagkabog nito.Huminga siya nang malalim para ikalma ang kanyang sarili ngunit nang sandaling makita niya ang bouquet of roses na nasa passenger seat ay muli siyang nakaramdam ng kaba at panlalamig ng kanyang mga kamay.“Shit! This is the first time I’ve felt nervous,” saad ni Stefan sa habang panay ang pagbuga.Sa ilang linggo pa lang nakakalipas simula nang pagkompronta sa kanya ni Eunice ay hindi na siya tinantanan ng kanyang konsensya matapos ang lahat na ginawa niyang pagbubunton ng sisi at pananakit sa kanyang asawa nang dahil sa pagkamatay ng kanyang lola. Alam niyang mali ang kanyang ginawa kung kaya napagdesisyunan niya na humingi ng kapatawaran kay Eunice sa lahat ng kanyang mga sinabi na masas
MATAPOS ang lahat na nangyari kay Eunice nang araw na iyon ay nakauwi siya ng bahay na kahit papaano ay may magaan na loob. Malaking tulong ang ginawa ni Iñigo para pagaanin ang kanyang nararamdaman lalo na at wala naman siyanhg ibang mapaghihingahan lalo na hindi naman maganda ang relasyon nilang dalawa ni Stefan.Biglang napatigil siya sa tapat ng pinto ng mansyon nang biglang sumagi sa kanyang isipan ang kanyag asawa.“Kung hindi sana ganito ang sitwasyon namin ni Stefan siguro may mapagsasabihan ako ng mga nangyayari sa akin…Siiguro hindi mangyayari ang ganito sa akin,” mahinang usal niya sa kanyang sarili. “Siguro hindi ako mahihirapan at masasaktan ng ganito.”Napailing si Eunice ng kanyang sarili para ikumpas ang kanyang sarili. Hindi iyon ang oras para mag-isip siya ng ganoong bagay lalo na para sa sitwasyon na meron sa kanilang dalawa ng kanyang asawa.Napabuga siya nang paghinga bago binuksan ang pi
LUMIPAS ang mga araw para kay Eunice na punong-puno ng parusa ang kanyang katawan at isipan maging ang kanyang emosyanal na kalagayan. Bawat araw pakiramdam niya ay nasa impyerno siya dahil sa ginagawa ni Stefan sa kanya na pisikal na pang-aabuso dagdag pa ang mga paninira ng kanyang pagkatao sa unibersidad. Lahat ng puntahan niya ay nagsisilbing pasakit sa kanya na siyang bumubugbog sa kanyang sariling katawan at kaisipan.“Nisa, ayos ka lang ba?” nag-aalalang tanong ni Iñigo na napapansin ang hindi magandang kalagyan ng dalaga.“Ayos lang ako, Iñigo. Wala ka dapat na ikapag-alala,” tugon ni Eunice na may pilit na ngiti.“Sigurado ka ba? Ilang araw ko ng napapansin na parang hindi maganda ang pakiramdam mo.”Tumingin si Eunice sa binata at binigyan ito ng ngiti. “Ayos lang ako. Promise,” wika nito. “Masyado kang paranoid.” Natatawang dagdag nito.Pinagmasdan ni Iñigo
DUMATING si Eunice ng unibersidad na tila walang nangyari sa kanya kani-kanina at tulad ng unang araw niya doon ay malinaw niyang naririnig ang mga hate comments sa kanya ng mga estudyante at professor ngunit hindi niya iyon pinansin at umakto na hindi ito naririnig.“Don’t mind them, Eunice. Just ignore them,” saad niya sa kanyang isipan at dire-diretsong naglakad nang walang tinitignan na sinuman.Hindi lumingon sa kahit na kanino man si Eunice patuloy siyang naglakad ngunit habang naglalakad siya tila ba gumagalaw ang kanyang buong paligid at unti-unting nanlalabo ang kanyang paningin.“Anong nangyayari?” tanong niya sa kanyang sarili habang pilit na naglalakad nang maayos.Ikinumpas niya ang kanyang sarili pero ramdam niya na tila gumagalaw ang paligid niya dahilan para mapailing siya nagbabakasakaling baka nanlalabo lang ang kanyang mga mata. Ngunit kahit natapos niya na ang pag-iling ay wala pa rin nagbago sa kanyang na
PAPALABAS ng ospital si Iñigo ngunit hindi niya mapigilan ang kanyang sarili na magalit sa nangyari kay Eunice. Gusto niyang suntukin si Stefan ngunit pilit niyang pinigilan ang kanyang sarili.Lumingon si Iñigo nang sandaling makalabas siya ng ER. “Maghintay ka lang Stefan Salvatore. Babawiin ko sa ‘yo si Eunice. Maghintay ka lang!”At nagsimula nang maglakad papalayo sa ospital si Iñigo na may buong determinasyon na mabawi si Eunice sa mga mapanakit na mga kamay nito.***MAINGAT na hinawi ni Stefan ang kurtina kung saan naroon ang kanyang asawa—nakahiga at bakas ang panghihina sa itsura nito lalong-lalo na ang pangingitim sa ilalim ng mga mata nito. Napakahawak nang mahigpit si Stefan sa kurtinang hawak niya habang pinagmamasdan ang kanyang asawang nakahiga.Naagaw ang pansin ni Stefan nang marinig niya ang boses ng isang babae sa kanyang tabi.“Excuse me, Sir.”Napalingon si
PENHAWK APARTMENT,Hahang kumakain ang magkapatid na Gretta at Astolfo ay biglang nag-ring ang cellphone ni Gretta dahilan para maibaling niya ang kanyang pansin dito at mapataas ang kanyang kilay.“Bakit, Gretta? May problema ba?” tanong ni Astolfo nang mapansin ang pagbabago sa reaksyon ng mukha nito.“Mukhang may magandang balitang dumating,” saad nito na may ngisi sa kanyang labi.Nanahimik si Astolfo at agad na sinagot ni Gretta ang tawag ng taong pinamanman niya sa asawa ng kanyang apo na si Stefan“Anong balita?” bungad niyang tanong sa taong nasa kabilang linya ng telepono.“Ma’am, naaksidente ang asawa ni Mr. Salvatore. Nasa ospital ito kasama ang isang lalaki na nagngangalang Iñigo,” pag-uulat ng lalaking nasa kabilang linya.Gumuhit ang ngiti sa mga labi ni Gretta sa kanyang narinig. “Is that so?” maikling tugon nito. “Kumusta lagay niya? Ang bata? Patay na ba?”“Hindi pa po sila patay, Ma’am pero nasa kritikal ang kanilang kalagayan” sagot ng lalaki. “Napag-alaman ko rin p
“I’M SORRY.”Iyon ang lumapas sa bibig ni Stefan dahilan para matigalgal si Eunice sa kanyang pagkakahiga.Naglakad papalapit si Stefan sa higaan ni Eunice at hinawakan ang kamay nito nang marahan at may buong pag-iingat. “I’m sorry,” pag-uulit niyang paghingi ng tawad sa kanyang asawa. “I apologize for hurting you without understanding your point of view. I’m sorry for being a jerk and harming our child as a result of my childish and irrational reasoning.” Pagpapatuloy niya saka tumingin sa mga mata ni Eunice nang diretso. “I sincerely apologize. I know that saying sorry won’t be enough after what you’ve been through as a result of my actions, but I’m willing to go to any length to make amends. If you want to punish or torture me, I’ll accept it until you’re satisfied. I'm not going to hold a grudge against you for what you’re going to do. I—”Hindi natul
“WE are all here to witness the murder, fraud, and documentary falsification cases against Astolfo and Gretta Salvatore vs Stefan Salvatore,” panimula ni Judge Lopez. Ramdam sa buong paligid ang mabigat na hangin sa loob ng korte kung saan naroon si Stefan at ang magkapatid na puno’t dulo ng lahat ng pagdurusa at pag-iisa ng binata. Bagamat nakaposas ang mga ito ay hindi nawawala sa puso ng binata ang galit at poot na kanyang nararamdaman matapos ang lahat ng mga ginawa nito sa kanyang pamilya. Napakuyom ng kanyang mga kamay si Stefan nang sandaling magkrus ang mga mata nila Astolfo at Gretta na hindi niya man lang makakitaan ng pagsisisi bagkus ay tila nanlalaban pa ito na sila ay inosente dahilan para lalong humigpit ang pagkakakuyom niya sa kanyang mga kamay. “Defense Attorney, please proceed to your opening statement.” Puno nang galit ay binigyan niya ng mga tingin ang mga ito na may tahimik na mensaheng, “I will make you pay. You will pay everything!” At matapos noon ay itinuo
MAGKAHALONG tuwa, kaba at pag-aalala ang naramdaman ni Stefan nang marinig niya ang sinabi ni Dr. Kith.“For the time being, we’ll take her to the labor and delivery room and wait until the baby is ready to be delivered,” wika ni Dr. Kith. “I have to go and prepare what she needs.”Matapos noon ay iniwan na ng doktora sina Stefan.“Ahh…ang sakit,” daing ni Eunice habang namimilipit sa nararamdamang sakit.Hindi alam ni Stefan ang kanyang gagawin dahil iyon ang unang beses na makaranas ng ganoon dahilan para ‘di siya makagalaw sa kanyang kinakatayuan.“What should I do to help her to ease the pain that she’s having?” tanong niya sa kanyang sarili na may desperasyon sa kanyang tono.Hindi niya maatim na makita ang kanyang asawa na nasasaktan kung kaya hindi niya man alam ang kanyang kinuha niya ang kamay ng kanyang asawa at marahan na hinawakan iyon.“Calm down, Mahal. You need to relax,” marahan niyang saad na nakatuon ang mga tingin sa kanyang asawa na kagat-kagat ang labi para pigila
NAPATINGIN si Stefan sa kanyang relo at pasado ala sais na ng gabi kung kaya inimpis niya na ang kanyang mga folders na kanyang binabasa at saka tumayo sa kanyang pagkakaupo. Kinuha niya ang kanyang car keys at agad naglakad paalis.“What should I buy for her?” tanong ni Stefan sa kanyang sarili habang nag-i-scroll sa kanyang cellphone naghahanap ng restaurant na pagbibilhan niya ng makakain nilang dalawa ni Eunice.Nang makahanap siya ay agad siyang nagtungo sa restaurant na iyon at um-order ng kanilang makakain pagkatapos noon ay dumiretso na siya ng ospital. Wala pa kalahating oras ay nakarating na siya ng ospital.“I’m just in time,” wika ni Stefan nang i-check ang kanyang relo.Gumuhit sa mga labi ni Stefan ang ngiti habang naglalakad papunta sa k’warto ng kanyang asawa ngunit nang sandaling makarating siya tapat ng pinto ay nakarinig siya ng ibang boses sa k’warto nito—nagtatawanan ang mga ito na tila ang saya-saya sa kanilang mga pinag-uusapan. Nang silipin niya ay nakita niya
NANG makita ni Eduardo ang tila kamukha ng kanyang anak na si Stefan sa ospital ay walang araw na ginagalugad niya ang ospital nagbabakasakaling makita niyang muli ito at makumpirma kung anak niya ba talaga ito.“Where are you going, Dad?” tanong ni Damon na tila napapansin ang palaging pag-alis ng kanyang ama sa kanilang k’warto sa mga nakalipas na mga araw.“Diyan lang, anak. Magpapahangin-hangin lang ako,” tugon ni Eduardo at kinuha ang crutches nito.“Are you not going to use your wheelchair, Dad?”“Hindi, mas makakabuti kung ito ang gagamitin para mapadali ang rehabilitation ng mga binti at paa ako nang sa gayon ay makapaglakad na ako ng hindi gumagamit ng wheelchair at crutches,” nakangiting saad nito.“But don’t you think you shouldn't put too much pressure on yourself?”“Damon, I’m not pushing myself. All I want to do is walk like I used to.” At
NAPABUGA ng hangin si Eduardo sa labis na pagkabagot. Ilang linggo na rin ang nakalipas ng siya ay magising at wala siyang ibang ginawa kung ‘di ang manatili sa k’wartong iyon at lalabas lang kapag schedule ng kanyang therapy. Muli napabuga siya ng hangin at napatingin sa labas ng bintana ng kanyang k’warto kung saan binalot na ng kadiliman at ang liwanag sa bawat k’warto ng ospital na iyon. Habang nakatingin sa munting liwanag na nilalamong kadiliman ay nanariwa sa kanyang isipan ang mga sandali na magkakasama sila ng kanyang buong pamilya, ang aksidente, ang pagkawala ng kanyang asawa at mga taong lumipas na hindi nila namalayan ay tila isang pangyayari na hindi nila lahat inaasahan. Para sa kanya, ang lahat ay tila isang panaginip—panaginip na hindi niya kailanman ginusto.Muling napabuga ng hangin si Eduardo dahil sa mabigat na emosyon na kanyang nararamdaman.“Bakit nangyari ang lahat ng ito sa amin?” tanong niya sa kanyang sarili.Binalot nang matinding katahimikan ang buong k’w
A WEEK AGO…Hindi maalis ni Eunice ang kanyang tingin sa kanyang cellphone na kanyang hawak. Kanina niya pa ito hawak at pinag-iisipan kung tatawagan niya ba ang kanyang ina o hindi. Labis siyang kinakain ng kanyang mga agam-agam at gusto niyang malaman ang buong katotohanan kung ano ba talaga ang tunay na relasyon ng kanyang ina at ni Eduardo at kung anak ba talaga siya ni Eduardo—kung magkapatid ba talaga sila ni Stefan. Wala siyang ibang alam na makakasagot ng kanyang katanungan at makakapagsabi ng katotohanan ay sina Doña Divina at ang kanyang ina. At dahil wala na si Doña Divina, walang ibang nakakaalam ng katotohanan kung ‘di ang kanyang ina.Napahugot siya nang malalim na paghinga at ipinikit ang kanyang mga mata para ikalma ang kanyang sarili at alisin ang mga gumugulo sa kanyang isipan para makapag-isip siya sa kung ano bang dapat niyang itanong sa kanyang ina sa sandaling tanungin niya ito sa totoong pagkatao niya.“Kung ito lang ang paraan para malaman ko ang katotohanan…”
Kumawala si Stefan sa pagkakayakap ni Eunice at tinignan ito sa mga mata.“You should feel sorry,” seryosong saad nito. “And you should be held accountable for your actions!” At sa isang iglap ay inangkin ni Stefan ang labi ni Eunice bagamat ito’y may kagaspangan dahil sa panunuyo dahil sa ilang araw na hindi ito nabasa ay hindi iyon naging alintana sa kanya para manabik na mahagkan muli ang kanyang asawa.Nabigla man sa ginawa ng kanyang asawa ay tinugunan niya rin ang mga halik ni Stefan. Nang sandaling iyon hindi niya maikakaila na na-miss niya din ang mga halik ng kanyang asawa sa mga araw na nawalan siya ng malay. Ngunit sa kabila ng pagpapalitan at pagtanggap ng halik na puno ng pagmamahal sa isa’t isa ay muling sumagi sa kanyang isipan ang agam-agam…o isang katotohanan na siya niyang natuklasan ng nakaraan.Stefan…***SINUBUKAN ni Eunice na baliwalain ang kanyang nalaman ngunit kahit anong pilit niyang alisin iyon sa kanyang isipan ay paulit-ulit pa ring nanariwa sa kanyang al
ITINULAK ni Damon ang kanyang wheelchair papalapit sa higaan ng kanyang ama at saka hinawakan ang kamay nito.“Dad…” mahinang sambit nito na halatang pinipigilan ang kanyang pagluha.Pilit na bumangon si Eduardo sa kanyang pagkakahiga at inabot ang pisngi ng kanyang anak na bakas ang pagbabago sa mukha nito noong huli niya itong makita.“You’ve already grown up a lot, Damon,” wika ni Eduardo habang hinahaplos ang pisngi ng anak.“Same goes to you, Dad,” wika ni Damon na tumawa nang mahina.Habang pinagmamasdang maigi ni Eduardo ang kanyang anak ay biglang sumagi sa kanyang isipan si Amanda, ang kanyang asawa.“Damon, where’s your mom? How is she?” Sunod-sunod na tanong ni Eduardo sa kanyang anak na may halong pananabik at pag-aalala ngunit biglang naglaho ang kanyang pananabik nang mapansin niya ang pagbabago sa reaksyon ng kanyang anak nang banggitin niya ang kanyang asawa.“Damon, why? Is there something wrong with your mom? What happened to her?”Hindi nakasagot si Damon.“Damon?”
SABIK na umuwi si Stefan sa kanilang bahay para ibalita kay Eunice ang magandang balita na kanyang dala. Nang sandaling maiparada niya na ang kanyang kotse ay dali-dali itong naglakad papasok ng mansyon at agad na hinanap ang kanyang asawa.“Mahal? I’m home!” masaya saad ni Stefan na agad ginala ang kanyang mga mata para makita ang kanyang asawa ngunit wala sa sala ang kanyang asawa dahilan para pumunta ito ng kusina ngunit wala rin doon si Eunice. “Where is she?” kunot noong tanong niya sa kanyang sarili.Umakyat si Stefan sa kanilang k’warto para tignan kung naroon si Eunice.“Mahal, are you—”Hindi nagawang matapos ni Stefan ang kanyang sasabihin nang makita niya ang kanyang asawang nakahandusay sa sahig.“Eunice!” bulalas na sambit ni Stefan sa pangalan ng kanyang asawa at mabilis itong nilapitan. “Mahal, mahal! Wake up! What happened?” Sunod-sunod na tanong nito nang