Naging bagong palaisipan kay Eunice ang nangyari kay Doña Divina. “Kung hindi po sa narinig niyong pag-uusap ni Iñigo ano pa ba ang maging rason para atakihin kayo sa puso?” tanong nito sa sarili habang iniisip ang ibang posibilidad sa nangyari sa matanda.
Naagaw ang pansin ni Eunice nang maramdaman niya ang paghigpit ng hawak ni Doña Divina sa kanyang kamay.
“Hayaan mo na iyon, Hija. Huwag mo nang isipin kung ano ang dahilan marahil buhat na rin ng aking katandaan kaya nangyari iyon,” wika ni Doña Divina.
“Pero—”
Hindi natuloy ni Eunice ang kanyang sasabihin nang magsalita si Doña Divina.
“Hayaan mo na iyon, Hija. Ang gusto kong malaman ay kung kumusta na kayo ni Stefan? Alam kong nag-alala kayong masyado sa akin at nawalan kayo ng oras sa isa’t isa dahil sa pag-aalala. Sabihin mo sa akin, kumusta kayong dalawa ng apo ko?” tanong ni Doña Divina na nasasabik marinig ang isasagot ni Eunice.
Hindi naman agad nakaimik si Eunice at patuloy
SUNOD-SUNOD ang pagbuhos ng mga luha ni Doña Divina nang sandaling iyon.“Maraming salamat, Hija. Salamat,” paulit-ulit na pagpapasalamat nito.Niyakap ni Eunice si Doña Divina at hinimas ang ito sa braso para patahanin. “Wala po kayong dapat ipagpasalamat kumpara po sa naitulong niyo sa amin ng aking ina ay wala po ito roon,” wika ni Eunice.Umiling si Doña Divina. “Hindi, Hija. Malaking bagay ito para sa akin lalo na para kay Stefan.”Ngumiti naman si Eunice at patuloy na hinimas ang braso ni Doña Divina. “Huwag na po kayo umiyak, Lola. Makakasama po sainyo ang maging emosyonal,” pag-aalong awat niya.“Hindi mo alam, Hija, kung gaano mo ako pinasaya,” masayang sabi ni Doña Divina na labis ang tuwa nang sandaling iyon.Hindi umimik si Eunice at tanging ngiti ang kanyang naging tugon. Ngunit sa kalagitnaan ng kanilang kasiyahan ay biglang bumakas a
“Why are you being so harsh on us, Ate Divina? We are your siblings, but you treat us as if we aren't,” pagda-dramang saad ni Gretta na napahawak sa kanyang dibdib na animo’y nasasaktan sa ginagawang pagtrato ng kanilang nakakatandang kapatid sa kanila.“Gretta, you've gotten me into a lot of trouble. What do you think I'll think of you and Astolfo? You two are the epitome of crime partners.”“Ate Divina, hindi naman namin ginusto ang nangyari. Biktima lang din kami ni Astolfo—”Hindi natuloy ni Gretta ang kanyang sasabihin nang putulin ni Doña Divina ang kanyang pagsasalita.“Three involvements in a pyramid scheme, two cases of estafa, and murder as a result of malpractice. Do you think I'll believe you two are just victims in a sea of criminal cases involving people who have been conned out of millions and billions of pesos?” pagbibigay diin ni Doña Divina. “If
“ANONG SINABI MO?” gulat na tanong ni Doña Divina.Ngumisi si Astolfo. “Sa tingin mo ba isang aksidente lang ang lahat na nangyari kay Eduardo? P’wes nagkakamalita ka, Ate Divina, dahil lahat ng iyon ay bahagi ng plano namin ni Gretta,” saad nito na may ngisi sa labi na animo’y isang demonyo na tuwang-tuwa at proud sa kanyang ginawa.Nanlaki ang mga mat ani Doña Divina sa kanyang narinig.“Paanong—”Hindi natapos ni Doña Divina ang kanyang sasabihin sa labis na pagkabigla sa kanyang nalaman na halos hindi siya makapaniwala na ang may kagagawan ng kanyang kalungkutan, pangungulila at pagkamatay ng kanyang anak at apo ay ang kanyang mga kapatid.“Paano niyo nagawa ang kasamaang iyon sa nag-iisa niyong pamangkin?” tanong ni Doña Divina na halos hindi magawang maikumpas ang kanyang sarili dahil sa mga nalalaman.Pumalatak at tumawa nang malakas si Astol
NAPAHINTO si Eunice sa kanyang paglalakad nang makaramdam siya nang kakaiba dahilan para gumuhit ang pag-aalala sa kanyang mukha nang sandaling iyon.“Ano ‘tong nararamdaman ko?” naguguluhan niyang tanong sa kanyang sarili.Hindi niya man ‘yon maipaliwanag pero alam niyang hindi maganda ang ibig sabihin noon kung kaya napakagat siya sa kanyang labi. At nang sandaling iyon ay isa lang pumasok sa kanyang isipan—si Doña Divina.“Sana naman walang nangyaring masama sa kanya,” saad ni Eunice sa kanyang isipan at dali-dali siyang naglakad pabalik sa k’warto ni Doña Divina.Hindi mawala ang kaba na kanyang nararamadaman, at mas lalo pa itong lumalala nang sandaling nakarating siya ng k’warto ni Doña Divina. Bakas sa mukha niya ang labis na pag-aalala na halos hindi niya maipaliwanag. Bago pa man siya pumasok ng k’warto ni Doña Divina ay ikinumpas niya ang kanyang sarili dahil
PUNO ng poot at pagkamuhi si Stefan matapos makita ang walang buhay niya ang kaisa-isang taong naging pamilya niya sa loob ng sampung taon magmula nang mamatay ang kanyang mga magulang sa nangyaring aksidente.Napakuyom ng kanyang kamay si Stefan kasabay ng pag-igting ng kanyang mga panga. “I will never forgive whoever did this to you, Lola. I will make sure that they are held accountable for their actions. They took life, so their life will be the price for what they have done,” mariing saad ni Stefan.Ibinaling ni Stefan ang kanyang tingin kay Eunice na nakatayo pa rin kung saan niya ito iniwan at tila wala sa sarili.“If you are the one who did this to Lola, I will not hesitate to make your life a living hell until you stop breathing,” wika niya na labis na binabalot nang matinding galit.Ibinalik ni Stefan ang kanyang tingin sa kanyang Lola kung saan tinatakpan na ng kumot para para dalhin na sa morgue.“Mr. Salvat
MABILIS na nakiusap si Stefan sa head nurse para tulungan siya sa pag-alam ng katotohanan. Hindi naman nagdalawang isip ang head nurse at dinala si Stefan kung nasaan ang CCTV room.“Henry, maaari mo bang tulungan si Mr. Salvatore? Gusto niyang i-check kung may ibang tao pa ba ang pumasok sa ICU bago mamatay si patient Salvatore?” pakiusap ni Vivian, ang head nurse.Napatingin naman si Henry kay Stefan ngunit matapos ang ilang saglit ay ibinaling nito ang tingin kay Vivian.“Bakit kailangang tignan ang footage? May nangyari ba?” tanong nito na may kuryosidad.Akmang magsasalita si Vivian nang biglang sumingit si Stefan sa usapan.“Do I need an excuse to look at the video, even though I'm the patient's grandson?” mariing tanong ni Stefan.Tinignan ni Henry si Stefan na animo’y sinusuri ang buong pagkatao nito. At dahil sa mukhang magkakaroon nang tensyon ay agad na hinawakan ni Vivian ang braso ni Hen
GALIT NA GALIT na hinawakan ni Stefan ang braso ni Eunice at saka hinila ito papasok ng ICU room na siyang ikinabigla nito.“Aray! Stefan, nasasaktan ako,” ngiwing saad ni Eunice na labis na nasasaktan sa matinding pagkakahawak sa kanya ni Stefan na para bang mababalian siya anumang sandali.“Enough of your nonsense, murderer! I was already aware of the truth!” sigaw ni Stefan sa pagmumukha ni Eunice.“Ano bang sinasabi mo, Stefan? Ilang beses ko ba sasabihin—”“Shut the fuck up!” galit na sigaw ni Stefan na kulang na lang ay kainin na ng buhay si Eunice nang sandaling iyon. “Kitang-kita ng dalawa kong mga mata kung paano ka pumasok sa k’warto ni Lola at walag ibang tao ang pumasok sa k’wartong ito bukod sa ‘yo. Dahil sa walang ibang taong naroon sapat na ‘yon para magkaroon ka ng pagkakataon para patayin si Lola. Kaya itigil mo na ang pagmamaang-maangan mo dahil huling-hu
HINDI NAGTAGAL ay dumating na ang mga pulis kasama ng lawyer ni Stefan dahilan para mabilis na mapatayo si Stefan sa kanyang pagkakaupo.“What took you so long?” bungad na tanong ni Stefan sa kanyang lawyer na si Ruru Francisco.“I apologize if I kept you waiting, Sir, but I just want to make sure that the police move quickly after I request a warrant to arrest Mrs. Salvatore,” paliwanag ni Ruru.“Stop addressing her as Mrs. Salvatore. She isn't even definitely worthy of it!” mariing saad ni Stefan na ibinaling ang tingin sa nurse station kung saan nakikipag-usap ang mga pulis.“My apologies, Sir,” muling paghingi ng tawad ni Ruru kay Stefan.Hindi pinansin ni Stefan ang paghingi ng despensa ni Ruru dahil ang buo nitong atensyon ay nasa mga pulis. Matapos ang ilang saglit pa na pakikipag-usap sa head nurse ay saka ito naglakad patungo sa kinatatayuan nina Stefan at Ruru.“Magandang hapon,
“WE are all here to witness the murder, fraud, and documentary falsification cases against Astolfo and Gretta Salvatore vs Stefan Salvatore,” panimula ni Judge Lopez. Ramdam sa buong paligid ang mabigat na hangin sa loob ng korte kung saan naroon si Stefan at ang magkapatid na puno’t dulo ng lahat ng pagdurusa at pag-iisa ng binata. Bagamat nakaposas ang mga ito ay hindi nawawala sa puso ng binata ang galit at poot na kanyang nararamdaman matapos ang lahat ng mga ginawa nito sa kanyang pamilya. Napakuyom ng kanyang mga kamay si Stefan nang sandaling magkrus ang mga mata nila Astolfo at Gretta na hindi niya man lang makakitaan ng pagsisisi bagkus ay tila nanlalaban pa ito na sila ay inosente dahilan para lalong humigpit ang pagkakakuyom niya sa kanyang mga kamay. “Defense Attorney, please proceed to your opening statement.” Puno nang galit ay binigyan niya ng mga tingin ang mga ito na may tahimik na mensaheng, “I will make you pay. You will pay everything!” At matapos noon ay itinuo
MAGKAHALONG tuwa, kaba at pag-aalala ang naramdaman ni Stefan nang marinig niya ang sinabi ni Dr. Kith.“For the time being, we’ll take her to the labor and delivery room and wait until the baby is ready to be delivered,” wika ni Dr. Kith. “I have to go and prepare what she needs.”Matapos noon ay iniwan na ng doktora sina Stefan.“Ahh…ang sakit,” daing ni Eunice habang namimilipit sa nararamdamang sakit.Hindi alam ni Stefan ang kanyang gagawin dahil iyon ang unang beses na makaranas ng ganoon dahilan para ‘di siya makagalaw sa kanyang kinakatayuan.“What should I do to help her to ease the pain that she’s having?” tanong niya sa kanyang sarili na may desperasyon sa kanyang tono.Hindi niya maatim na makita ang kanyang asawa na nasasaktan kung kaya hindi niya man alam ang kanyang kinuha niya ang kamay ng kanyang asawa at marahan na hinawakan iyon.“Calm down, Mahal. You need to relax,” marahan niyang saad na nakatuon ang mga tingin sa kanyang asawa na kagat-kagat ang labi para pigila
NAPATINGIN si Stefan sa kanyang relo at pasado ala sais na ng gabi kung kaya inimpis niya na ang kanyang mga folders na kanyang binabasa at saka tumayo sa kanyang pagkakaupo. Kinuha niya ang kanyang car keys at agad naglakad paalis.“What should I buy for her?” tanong ni Stefan sa kanyang sarili habang nag-i-scroll sa kanyang cellphone naghahanap ng restaurant na pagbibilhan niya ng makakain nilang dalawa ni Eunice.Nang makahanap siya ay agad siyang nagtungo sa restaurant na iyon at um-order ng kanilang makakain pagkatapos noon ay dumiretso na siya ng ospital. Wala pa kalahating oras ay nakarating na siya ng ospital.“I’m just in time,” wika ni Stefan nang i-check ang kanyang relo.Gumuhit sa mga labi ni Stefan ang ngiti habang naglalakad papunta sa k’warto ng kanyang asawa ngunit nang sandaling makarating siya tapat ng pinto ay nakarinig siya ng ibang boses sa k’warto nito—nagtatawanan ang mga ito na tila ang saya-saya sa kanilang mga pinag-uusapan. Nang silipin niya ay nakita niya
NANG makita ni Eduardo ang tila kamukha ng kanyang anak na si Stefan sa ospital ay walang araw na ginagalugad niya ang ospital nagbabakasakaling makita niyang muli ito at makumpirma kung anak niya ba talaga ito.“Where are you going, Dad?” tanong ni Damon na tila napapansin ang palaging pag-alis ng kanyang ama sa kanilang k’warto sa mga nakalipas na mga araw.“Diyan lang, anak. Magpapahangin-hangin lang ako,” tugon ni Eduardo at kinuha ang crutches nito.“Are you not going to use your wheelchair, Dad?”“Hindi, mas makakabuti kung ito ang gagamitin para mapadali ang rehabilitation ng mga binti at paa ako nang sa gayon ay makapaglakad na ako ng hindi gumagamit ng wheelchair at crutches,” nakangiting saad nito.“But don’t you think you shouldn't put too much pressure on yourself?”“Damon, I’m not pushing myself. All I want to do is walk like I used to.” At
NAPABUGA ng hangin si Eduardo sa labis na pagkabagot. Ilang linggo na rin ang nakalipas ng siya ay magising at wala siyang ibang ginawa kung ‘di ang manatili sa k’wartong iyon at lalabas lang kapag schedule ng kanyang therapy. Muli napabuga siya ng hangin at napatingin sa labas ng bintana ng kanyang k’warto kung saan binalot na ng kadiliman at ang liwanag sa bawat k’warto ng ospital na iyon. Habang nakatingin sa munting liwanag na nilalamong kadiliman ay nanariwa sa kanyang isipan ang mga sandali na magkakasama sila ng kanyang buong pamilya, ang aksidente, ang pagkawala ng kanyang asawa at mga taong lumipas na hindi nila namalayan ay tila isang pangyayari na hindi nila lahat inaasahan. Para sa kanya, ang lahat ay tila isang panaginip—panaginip na hindi niya kailanman ginusto.Muling napabuga ng hangin si Eduardo dahil sa mabigat na emosyon na kanyang nararamdaman.“Bakit nangyari ang lahat ng ito sa amin?” tanong niya sa kanyang sarili.Binalot nang matinding katahimikan ang buong k’w
A WEEK AGO…Hindi maalis ni Eunice ang kanyang tingin sa kanyang cellphone na kanyang hawak. Kanina niya pa ito hawak at pinag-iisipan kung tatawagan niya ba ang kanyang ina o hindi. Labis siyang kinakain ng kanyang mga agam-agam at gusto niyang malaman ang buong katotohanan kung ano ba talaga ang tunay na relasyon ng kanyang ina at ni Eduardo at kung anak ba talaga siya ni Eduardo—kung magkapatid ba talaga sila ni Stefan. Wala siyang ibang alam na makakasagot ng kanyang katanungan at makakapagsabi ng katotohanan ay sina Doña Divina at ang kanyang ina. At dahil wala na si Doña Divina, walang ibang nakakaalam ng katotohanan kung ‘di ang kanyang ina.Napahugot siya nang malalim na paghinga at ipinikit ang kanyang mga mata para ikalma ang kanyang sarili at alisin ang mga gumugulo sa kanyang isipan para makapag-isip siya sa kung ano bang dapat niyang itanong sa kanyang ina sa sandaling tanungin niya ito sa totoong pagkatao niya.“Kung ito lang ang paraan para malaman ko ang katotohanan…”
Kumawala si Stefan sa pagkakayakap ni Eunice at tinignan ito sa mga mata.“You should feel sorry,” seryosong saad nito. “And you should be held accountable for your actions!” At sa isang iglap ay inangkin ni Stefan ang labi ni Eunice bagamat ito’y may kagaspangan dahil sa panunuyo dahil sa ilang araw na hindi ito nabasa ay hindi iyon naging alintana sa kanya para manabik na mahagkan muli ang kanyang asawa.Nabigla man sa ginawa ng kanyang asawa ay tinugunan niya rin ang mga halik ni Stefan. Nang sandaling iyon hindi niya maikakaila na na-miss niya din ang mga halik ng kanyang asawa sa mga araw na nawalan siya ng malay. Ngunit sa kabila ng pagpapalitan at pagtanggap ng halik na puno ng pagmamahal sa isa’t isa ay muling sumagi sa kanyang isipan ang agam-agam…o isang katotohanan na siya niyang natuklasan ng nakaraan.Stefan…***SINUBUKAN ni Eunice na baliwalain ang kanyang nalaman ngunit kahit anong pilit niyang alisin iyon sa kanyang isipan ay paulit-ulit pa ring nanariwa sa kanyang al
ITINULAK ni Damon ang kanyang wheelchair papalapit sa higaan ng kanyang ama at saka hinawakan ang kamay nito.“Dad…” mahinang sambit nito na halatang pinipigilan ang kanyang pagluha.Pilit na bumangon si Eduardo sa kanyang pagkakahiga at inabot ang pisngi ng kanyang anak na bakas ang pagbabago sa mukha nito noong huli niya itong makita.“You’ve already grown up a lot, Damon,” wika ni Eduardo habang hinahaplos ang pisngi ng anak.“Same goes to you, Dad,” wika ni Damon na tumawa nang mahina.Habang pinagmamasdang maigi ni Eduardo ang kanyang anak ay biglang sumagi sa kanyang isipan si Amanda, ang kanyang asawa.“Damon, where’s your mom? How is she?” Sunod-sunod na tanong ni Eduardo sa kanyang anak na may halong pananabik at pag-aalala ngunit biglang naglaho ang kanyang pananabik nang mapansin niya ang pagbabago sa reaksyon ng kanyang anak nang banggitin niya ang kanyang asawa.“Damon, why? Is there something wrong with your mom? What happened to her?”Hindi nakasagot si Damon.“Damon?”
SABIK na umuwi si Stefan sa kanilang bahay para ibalita kay Eunice ang magandang balita na kanyang dala. Nang sandaling maiparada niya na ang kanyang kotse ay dali-dali itong naglakad papasok ng mansyon at agad na hinanap ang kanyang asawa.“Mahal? I’m home!” masaya saad ni Stefan na agad ginala ang kanyang mga mata para makita ang kanyang asawa ngunit wala sa sala ang kanyang asawa dahilan para pumunta ito ng kusina ngunit wala rin doon si Eunice. “Where is she?” kunot noong tanong niya sa kanyang sarili.Umakyat si Stefan sa kanilang k’warto para tignan kung naroon si Eunice.“Mahal, are you—”Hindi nagawang matapos ni Stefan ang kanyang sasabihin nang makita niya ang kanyang asawang nakahandusay sa sahig.“Eunice!” bulalas na sambit ni Stefan sa pangalan ng kanyang asawa at mabilis itong nilapitan. “Mahal, mahal! Wake up! What happened?” Sunod-sunod na tanong nito nang