“Aly’s POV”
Kanina pa ako nakatitig rito sa aking kaibigang si Steph na mukhang tuliro at lutang na nakatitig lamang sa kawalan na parang lukaret dahil sa pagngisi nito sa di ko malamang dahilan.
“Steph, Steph,” I have been calling her name and knocking on the table para kunin ang kanyang atensyon ngunit hindi pa rin siya kumikibo hanggang ngayon.
“Steph, kung hindi mo ako papansinin mas mabuti pang umuwi na lamang ako,” sabi ko sa kanyang habang nakatulala pa rin. Hinawakan niya ang aking kamay nang ako ay tumayo at nagbabalak ng umalis sa coffee shop. Napaupo na lamang ako at hinintay kung kailan niya balak makipag-usap sakin dahil hindi na kami nakapag-usap pa matapos ang kanyang apology na ginawa para sa kanyang mister noong pasko.
“Steph, when are you planning to talk to me?” Naiinip kong tanong sa kanya matapos ang napakatagal na oras na pag
FlashbackNapasarap ang pag-uusap ng mag-asawang sina Steph at Caspian at hindi namalayang napasobra na pala ng inom ng alak itong kanyang misis.“Darling, umuwi na tayo,” ani nito. Hinawakan niya ang braso ng kanyang misis para hilahin patayo ngunit inalis agad iyon ni Steph.“Hmmm. Aya—w ko paaa.” Tamad niyang sabi sabay abot muli ng bote ng alak sa mesa ngunit hindi pa man niya ito naiaangat ay nabitawan na niya agad ito at tumaob sa mesa pero wala na itong laman na alak.Nag-angat siya sa mister ng tingin at ngumuso, “gusto ko pa ng isa pa… Gu—gusto ko pang uminom!” Sigaw niya.“No, that’s enough! Uuwi na tayo sa ayaw at sa gusto mo,” sabi nito saka hinila patayo ang asawa at isinambay ng pabaliktad sa kanyang balikat si Steph.
“Steph’s POV”Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala matapos matagpuan ang aking sariling walang saplot kalapit ang aking asawa sa iisang kama na kapwa hubad rin. Pinamulahan ako ng pisngi ng maalala ang buong detalye kung paano ito nangyari.Hindi pa rin ako makabago sa aking hinihigaan dahil sa sakit ng aking buong katawan at sa pagkakadagan ng kanyang hita sa akin. Masarap ngunit masakit ang aking naranasan n gaming unang gabi ng pagsisiping at hindi koi to kakalimutan kailanman.Minasdan ko ang bawat detalye ng kanyang mukha at maingat na kinapa ko ang kanyang mukha gamit ang aking daliri, at masayang nakangiti habang ginagawa ito at binabalikan ang kaganapan sa pagitan naming kagabi.Mabilis kong inaangat ang aking daliri palayo sa kanyang mukha at pinikit ang aking mata nang mapansin kong imumulat na niya ang kanyang mga mata.Naaninag ko ang pagtayo niya kahi
Nagulat si Aly sa kanyang nakita at lumingon sa spot na natagpuan niya ang asawa ng kaibigan na may kahalikang ibang babae, she sighed in relief thinking that her best friend did not witness what happened.Muli niyang binalik ang kanyang tingin sa kaibigan ngunit ilang minuto lamang ang lumipas nang nawala ang kanyang paningin dito ay nawala na rin ito agad.“Asan na siya? Saan kaya siya nagpunta?” Nagtataka nitong tanong sa sarili habang iniikot ang paningin sa buong paligid.Nakarating si Caspian sa labas ng kampo kasama ang babaeng kanina pa niya kalandian, sobrang dikit ng dalawa sa isa’t-isa na parang ayaw na nitong maghiwalay, ang mga kamay niya ay nasa ibabaw ng bewang ng babae at hinihimas-himas ito kasabay ng paghalinghing ng babae habang ginagawa niya ito.Ang hindi alam ng dalawa ay may nakasunod sa kanila at ito ay ang galit na asawa ni Caspian, binaltak ni Steph ang buh
“Caspian’s POV”Alam kong nasaktan ko siya at wala akong magawa upang pawiin ang sakit na kanyang nadarama dahil mas gugustuhin kong kamuhian na niya ako habang buhay kaysa naman patuloy niya akong mahalin dahil hindi ko kayang suklian ang pagmamahal na maibibigay niya sakin.Pinagmasdan ko siyang maglakad papalayo at parang hinang-hina, mukhang ilang lakad lang ay babagsak na sa lupa.Masakit para sakin ang makitang nahihirapan siya ng dahil sa akin pero wala ng mas sasakit pa kapag mangyari sa kanya ang nangyari noon… Baka mas lalong hindi ko mapatawad ang sarili ko.Napasandal ako sa guard house ng kampo at inalala ang nangyari noon at yun ang panahong gabi gabi kong bangungot.Flashback…“Caspian, I can’t wait to see you soon! Gusto ko sa first break mo magde-date tayo, ha?” Hiling sakin ni Irene mula sa te
Hindi mawala sa isipan ni Caspian ang kanyang misis kahit pa ilang linggo na ang nagdaan simula ng huli silang magkausap nito. Alam niyang nasaktan ito sa nangyari noon lalo na at itinanggi rin niya ang nangyari sa kanila, pinalabas niya iyong hindi niya ginusto ang namagitan sa kanila ng gabing iyon.Mahigit dalawang linggo nang hindi umuuwi ng bahay si Caspian upang iwasan ang asawa at hindi na mahulog pang muli ito sa kanya ngunit nag-aalala siya rito dahil hindi rin ito tumatawag o nag-iiwan ng mensahe man lang kaya’t umaga ng sabado ay napilitan siyang umuwi ng walang pasabi.Pagkabukas na pagkabukas ng pinto ni Caspian ay bumungad sa kanya ang anak ng kanyang commandant na si Elise at kasalukuyang doon pa rin tumutuloy.“Nasaan si Steph?” Tanong ni Caspian, nilagpasan niya ang babaeng sumalubong sa kanya at bago pa man ito makasagot sa tanong niya ay nanakbo na ang lalaki papunta sa kwarto nito up
“Miss, are you alright?” Tanong ng isang lalaki nang makita ang pagsemplang ng motorsiklong sinasakyan ni Steph sa kalagitnaan ng kompetisyon ng mga riders. Agad niyang minaneobra ang kanyang sinasakyang motor ng makita ang aksidenteng naganap at nanakbo upang bigyan ng saklolo ang babae.Marahan niyang inalis ang helmet na suot ni Steph at tila huminto ang oras ng masilayan niya ang isang magandang mestisang babae na hindi nalalayo sa kanyang edad, maamo ang mukha nito at may mapupulang labi na nakakaakit.Sinuring mabuti ng doktor ang walang malay na dilag at nakahandusay sa kalye hanggang mapahinto ang kanyang paningin sa tuhod nito na panay ang agos ng dugo.“Miss… Miss,” he was trying to wake her up habang unti-unti nitong iminumulat ng tila diwata na dilag ang kanyang mga singkit at kulay tsokolateng mga mata.“Tumawag kayo ng ambulansya!&rdquo
“Aly’s POV”Papunta na ako sa address na sinned sakin ni Steph ngunit napaatras ako pabalik ng aking opisina nang makita ko ang paparating na sina Luigi at Caspian. Gusto ko sanang magtago dahil ang bilin sakin ni Steph ay wag kong sasabihin kahit kanino kung nasan siya.“Aly! Masaya kong nandito ka,” bati sakin ni Luigi.Napangiwi ako at sinuri ang mukha niya na parang may nais malaman mula sa akin, ngumiti lamang ako sa kanya kahit kinakabahan.“Tinawagan ka ba ng aking asawa at alam mo ba kung saan ang kinaroroonan niya?” Nabaling ang aking paningin ng magtanong ang mister ng aking kaibigan.Napalunok ako at hindi makasagot sa tanong niyang yun, nagpabalik balik ang aking tingin sa dalawang lalaking nakatayo sa aking harapan, kinakabahan ako na parang ini-interrogate sa loob ng kulungan at hindi ako makapagsalita dahil iniisip ko pa ri
“Bok, nakabalik na ba si sir Ardiente?” Tanong ni Lawrence sa kanyang mga kaibigan. “Hindi ko pa rin siya nakikita sa kanyang office,” sagot ni Ivan. “Hindi pa siya bumabalik and I am sure the he isn’t coming back today,” singit ni Brent na busy sa kakatitig sa screen ng kanyang cellphone. Napansin naman ng kanyang mga kaibigan ang segu-segundo niyang pagsulyap sa kanyang selpon. “Kaninong message ang hinihintay mo, bok?” Tanong ni Jerome kay Brent ngunit hindi ito kumibo. “Wag mong sabihin saming nagpapaloko ka na naman sa babae,” sarkastikong sabi ni Ivan. Hindi pa rin makasagot si Brent sa mga kaibigan na naging dahil upang magkaron ng haka-haka ang mga ito tungkol sa kanya. Nagkatinginan ang tatlong magkakaibigan at nagngitian na para bang naiintindihan nila ang ibig nilang ipahiwatig sa isa’t-isa, naglakad si Jerome patungo sa
Hindi mapalagay si Steph sa biglaang pagpoprose sa kanya ng dati niyang asawa sa harap ng mga kadete. Hindi pa rin siya makapaniwala sa mga nangyayari sa kanyang buong paligid. Matagal niyang tinitigan ang kumikinang na dyamanteng singsing sa kanyang harapan saka ibinaling ang paningin sa mukha ng kanyang dating asawa habang ang mga taong nasa paligid ay sumisigaw ng say yes!“Darling?” tawag niya habang iniaalok ang singsing sa kanya, hindi siya makapagsalita ng kahit ano dahil sa pagkaoverwhelmed sa nangyayari at patuloy pa rin ang pagbagsak ng kanyang mga luha na para bang wala ng bukas. Hindi siya lumuluha ng dahil sa lungkot, siya ay umiiyak ng dahil sa saying kanyang nararamdaman.Muling nagtanong si Caspian, “darling, will you marry me again?”Kusang gumalaw ang ulo niya at tumango sa tanong nito, “y—yes!”Maligayang inilagay ni Caspian s
“Steph’s POV”Pinipilit kong iwasan ang mga mata niyang kanina pa hinuhuli ang aking mga mata hangga’t kaya ko ay gagawin ko dahil ayoko na.Ayoko nang umiyak pa ng paulit-ulit sa isang taong minsan na akong sinaktan ngunit anong magagawa ko? Hindi ko naman matuturuan ang aking puso na huminto sa pagmamahal sa kanya, napakasakit para sakin na magpapakasal siya sa iba habang ako lugmok pa rin sa kalungkutan.Nakakalimang subo pa lamang ako ng pagkain ngunit parang ayoko ng ubusin ang lahat ng ito kahit gutom pa ‘ko dahil sa mga titig niya saking nakakatunaw.“Will you stop staring at me?” inis kong sabi sa kanya habang nakatuon pa rin ang aking mga mata sa pagkain.“I’m not,” tipid niyang sagot.“Nakatingin ka sakin,” mariin kong pag-uulit.“Paano mo nalamang nakatingin ako sa
Isang umaga ay nagising si Steph sa magkakasunod na katok sa kanyang pintuan kaya agad siyang napatayo at nagtungo roon kahit wala pang hilamos, nagulat siya ng bumungad sa kanyang harapan ang isang sundalo.“Good morning, ma’am. You need to jog for two laps, that’s an order!” sabi nito.Tumango siya at hindi nakapagreklamo dito, agad siyang nagpalit ng black shirt at yellow athletic short na mas lalong nagpaangat ng kanyang kulay saka nagsuot ng snickers kahit wala pang almusal ay sinikap niyang sundin ang utos sa kanya. Ikinabit rin niya ang kanyang running belt and she’s ready to go.Lumabas na siya para sundan ang lalaki, dinala siya nito sa field. “Should I start now?” tanong niya.“Yes, ma’am.” Sagot nito.Sinimulan na ni Steph ang pagjog sa track, matagal na rin ng huling makatakbo ng ganito si Steph
“Paano ba yan? Mukhang hanggang dito na lang kita maihahatid, my manager keeps on calling me,” sabi ni Steph kay Beatriz habang pinakikita ang kanyang teleponong walang tigil ang pagtunog.“Okay lang, thank you for helping me out,” nakangiting sagot nito.Bumaba ng sasakyan ang dalawa at tumayo sa tapat ng diamond studio, tinapik ni Steph ang balikat ng dalaga saka bumulong.“Don’t get too hard on yourself, isipin mong makakayanan mo rin ang lahat ng ito.” Payo niya bago iwan si Beatriz.Naglakad papasok sa loob si Steph, naabutan niya ang kanyang manager na nakaabang sa entrance at halos hindi mapakali doon.“My God, Steph! Kanina pa kita tinatawagan, bakit ngayon ka lang?” Naghihysterical niyang tanong.“Relax, Vi. Umattend lang ako ng kasal, aren’t you happy seeing me?” p
“Beatriz’s POV”Hindi ko alam kung saan ko napulot ang lakas ng loob na umattend sa misa ng kasal ng lalaking aking pinag-alayan ng pag-ibig pero heto ako nakaupo sa hanay ng mga guest sa loob ng simbahan. Siguro ay pinagtatawanan ako ngayon ng mga bisitang nakakaalam ng relasyon namin noon ni Ivan dahil sa pagpapakita ko sa araw ng kasal ng taong minamahal ko.I did not intend to attend their wedding today but I have no choice kundi ang ipamukha sa sarili ko na I don’t deserve this man at para na rin gisingin ang sarili ko na itigil na ang katangahang umasa pa sa kanya. Ayoko ng maghintay at maniwala sa mga pangako niya sakin dahil nasa harap ko na ang masakit na katotohanan.Nararamdaman ko ang mainit na tingin sakin ni Ivan mula sa kanyang kinatatayuan, ayoko sanang tingnan siya pero ito na lang ang aking huling pagkakataon na tumingin sa kaniya.Pinilit kong ngumiti sa kanya pero ang na
Binitiwan ni Steph ang kamay ng kanyang kaibigan ng makalayo na sila sa maraming tao saka huminto, hinabol niya ang kanyang hininga at pinaypayan ang sarili.Nang makapahinga na siya ay hinarap niya si Luigi at tiningnan ng seryoso, nababasa niya sa mukha nito na nais niyang malaman ang kanyang isasagot.“Let’s take a sit over there,” tinuro ni Steph ang bakanteng bench sa tabi ng isang shop. She bought two cold drinks at ibinigay ang isa sa kanyang kaibigan saka naupo kalapit nito.Uminom muna siya ng malamig bago harapin si Luigi, “you are always a good friend to me and I really appreciate you,” nakangiti niyang sabi saka muling sumipsip ng kanyang inumin.Napatigil sa pag-inom ng drinks niya si Steph ng ipatong ni Luigi ang kamay niya sa ibabaw ng kamay ng dalaga, “maghihintay ako sa isasagot mo sakin, I will not pressure you.”Ibinaba
“Steph’s POV”Hindi ko alam kung bakit biglang tumulo ang aking mga luha habang kinakain ang dalang pagkain sakin ni Caspian. Hindi ko alam kung nasisiraan na ba ako dahil mas pinili kong kainin ang pagkaing dala niya kaysa sa binili ko.Habang natitikman ko ang lasa ng pagkaing ito ay parang binabalik ako sa nakaraan, ang mga araw na pinagluluto niya ako, ang kulitan naming at ang lahat. Marahil ito na siguro ang dahilan ng aking pagluha, dapat ay maging masaya na lang ako dahil nahanap na niya ang babaeng para sa kanya kahit masakit ay kailangan kong tanggapin na hindi ako ang babaeng nakalaan sa kanya.Nagpatuloy ako sa pagnamnam ng pagkaing dala niya sa akin kasabay ng tuloy-tuloy na hikbi ko dahil sa labis na pag-iyak kahit ganun, dire-diretso pa rin ako sa pagsubo ng pagkain sa aking bibig.“Steph, Steph. Anong nangyayari sayo? Bakit ka umiiyak?” Hindi ko namalayan na kanina pa
Tipid ang ngiting binigay ni Steph sa harap ni Caspian, “where’s the paper?” tanong niya.Magkahalong emosyon ang naramdaman ni Steph ng iabot sa kanya nito ang isang brown envelope halot hindi niya maiangat ang kanyang kamay para tanggapin ito.Nilingon niya ang kanyang manager na noon ay nakatayo lamang sa kanyang likod at hindi alam ang gagawin, “d-do you have a pen?” pinilit niyang ituwid ang kanyang salita dahil ayaw niyang magmukhang iiyak sa harap nila.“Wala akong dala, dear,” tugon ni Vi sa kanya.“Do you have—”“Wala rin akong dala,” putol niya sa tanong nito.“Then I have no choice but to take that, my manger will send it to you once I am done signing it,” hinawakan ni Steph ang envelope ngunit parang ayaw bitiwan nito ang pagkakahawak sa sobre.
“Steph, we need to go back to the Philippines na,” pagpupumilit ni Vi sa kanya. Nakaharap pa rin sa malaking salamin si Stephanie at abala sa pagsusuklay ng kanyang buhok at pagpopostura ng mukha.“Hindi ba’t sinabi mo sakin na iikutin natin ang buong mundo, paanong babalik na tayo sa Pilipinas agad? Iilang buwan pa lang tayong umiikot sa piling bansa,” reklamo niya.“My goodness, Steph! Hindi tayo pwedeng umikot ng umikot lang ng bansa ng hindi ka nagtatrabaho, malaking offer ito ni Mr. Cruz at gusto niyang sa Pilipinas ito i-shoot.” Paliwanag ni Vi sa kanya.“Bakit pa kasi sa Pilipinas niya gustong i-shoot ang commercial na yun? Marami namang mas magagandang bansa na pwedeng puntahan, bakit doon pa?” muli niyang reklamo, kinuha niya ang pula niyang lipstick at sinimulang maglagay nito sa kanyang labi.“H’wag mong sabihin saking haban