“Mahal kita at ayokong makita na nasayang lang ang mga napatunayan mo dito dahil lang sa paglipat mo,” narinig ni Caspian na sabi nito.
“Kung nagawa kong patunayan ang sarili ko dito, alam kong magagawa ko rin yun doon. Isa pa, hindi ka dapat nagmamahal ng taong may asawa na dahil alam mong mali yun,” tugon niya bago tuluyan na siya nitong iniwanan.
Napaluha si Celine ng marinig ang sinagot sa kanya ng kanyang kaibigan, training pa lang ng mabuo ang kanilang pagkakaibigan dahil sa kabutihang pinakita sa kanya ni Caspian ng mga panahong yun ay unti-unti na siyang nahuhulog sa kanya kahit na alam niyang babaero talaga ito.
Naniniwala si Celine na sa kabila ng kamaliang ginagawa ni Caspian ay mag pag-asa pa itong magbago at nais niyang hintayin ito hanggang sa tuluyan na itong maging matino ngunit gumuho ang kanyang mga pangarap ng malamang kasal na pala ang lalaking pinapantasya niya.
<
“Steph’s POV” Padabog kong isinara ang pinto matapos kong maka-move on sa pagkatulala dahil sa balitang dala ni Caspian. Tamad akong naglakad patungo sa sofa at ibinagsak ko ang aking katawan dito saka isinandal ang aking pagod na katawan. Ilang sigundo pa lang ang nakakalipas ng marinig kong tumunog ang telepono, hindi ko sana ito sasagutin dahil wala ako sa mood upang sumagot ng tawag ngunit paulit-ulit ang pagtunog nito na gumugulo sa aking tahimik na pag-iisip. Inabot ko ang telepono at itinapat ito sa aking tenga, “hello, Steph? Is that you?” Narinig kong kabadong sambit ni Aly at ang ilang ulit niyang pagbuntong hininga. “Bakit ganyan ang tono ng boses mo? May problema ka ba?” Tanong ko sa kanya. Muli ko siyang narinig bumuntong hininga bago magsalita, “Steph… Ayoko sanang sabihing ito pero…” “Pwede bang diretsuhin mo na kung ano man yang sasabihin mo?” Pu
“San mo balak pumunta ng ganito kaaga?” Napahinto si Steph ng marinig niya ang boses ng kanyang asawa mula sa kanyang likuran, hinarap niya ito at nakita niya ang paghagod ng tingin ng kanyang asawa sa kanyang kasuotan.“Can’t you tell? Magdya-jogging ako sa labas,” nakapamewang niyang sagot.“Magdya-jogging ka sa labas ng ganyan ang suot mo??!” Nakakunot noo niyang tanong.“Bakit? Anong masama sa suot kong damit?” Inosenteng tanong niya habang ipinupusod ang kulot nitong buhok paitaas, napalunok si Caspian ng mas tumaas ang puting crop top na suot ng asawa at mas lalong nakita ang taglay na kaseksihan nito.Sumilip ang pula nitong panloob na nagpainit ng buong katawan niya ngunit hindi niya pinahalata ang pagnanasang nararamdaman at pinilit kontrolin ang sarili. Napasigaw si Steph ng maramdaman ang paghila ni Caspian pababa ng laylayan ng kanyang
Sinulyapang mabuti ni Steph ang magandang babae na kanilang kaharap at sa tantya niya ay galing ito sa isang kilalang pamilya dahil sa pamilyar nitong mukha at sa suot na kwintas na tanging pamilya lamang ng isa sa amiga ng donya ang mayroon noon.Bata pa lamang si Steph ay present na siya sa tuwing may kasiyahang dinadaluhan ang kanyang mga magulang kaya naman kabisado na niya ang mga itsura ng naroon at tanging mga kilalang tao lamang ang mga nasa pagtitipon. Tagamasid lamang siya sa paligid at hindi nakikihalubilo sa iba kaya naman kabisado na niya ang mga mukha ng mga anak, at kamag-anak ng mga ito.“She’s my—”“I am his cousin,” pagpapakilala niya, ngumiti siya ng malaki at mabilis na inagaw ang kanyang kamay sa asawa na pinagtaka naman nito.“Pinsan? Anong pinagsasasabi mo?” Mahinang bulong ng asawa sa kanya.“I am helpi
“Steph’s POV”Hindi maaring inlab ako sa mokong na yun, hindi pwede ‘to.I grab Luigi’s hand at tiningnan ang siya na parang nagmamakaawa, “Luigi, please help me. Hindi ako pwedeng magkagusto sa kanya.”Katahimikan ang bumalot sa aming buong kapaligiran habang ako ay naghihintay ng kaniyang isasagot, “wala akong maisip na sakop ng trabaho ko ang problemang pag-ibig mo and only you can help yourself,” tugon niya.“Luigi, wag mo naman akong talikuran. Kaibigan mo rin ako, at ang magkaibigan nagtutulungan,” panunumbat ko sa kanya. Pinilit kong magmukhang kawawa sa kanya para tulungan niya akong makalabas sa ganitong sitwasyon.“Alam mo naman na wala akong maitutulong sayo kahit magpaawa ka pa sakin,” nakiti siyang iiling-iling sakin.“Lui, natatakot ako,” malungkot kong sabi sa kanya. Sa
Nagulat si Mara ng masaksihan ang pananampal na ginawa ni Steph kay Caspian at takang-taka ito kung bakit ito galit na makita siya sa loob ng kanilang pamamahay gayong pinsan lamang siya nito katulad ng pagpapakilala ni Steph sa kanyang sarili habang si Caspian ay napatanga lamang matapos maramdaman ang pananakit ng kanyang mukha dahil sa sampal na bigay sa kanya ng asawa.“Paglabas ko ng kwarto ko at nakita ko pa rin ang PAGMUMUKHA NIYANG BABAENG YAN DITO, SINASABI KO SAYO CASPIAN. HINDI MO KO MAPIPIGILAN SA GAGAWIN KO,” nanggigigil niyang babala sa asawa saka ito dumaan sa kanilang gitna at dumiretso sa kanyang kwarto at iniwang nakatanga ang dalawa sa harap ng pinto.Napaisip si Caspian kung bakit basang-basa ang buong katawan ng asawa at kung bakit labis ang kanyang galit ng makita si Mara sa loob ng kanilang tirahan gayong siya naman ang nagtulak sa kanilang dalawa upang magkalapit.Tumingin si Mara sa k
Paulit-ulit ang katok ni Caspian sa pinto ng kwarto ni Steph dahil gabi na ay hindi pa rin ito lumalabas ng kaniyang kwarto simula ng pumasok ito rito. "Steph, Steph. Open the door," sigaw niya habang patuloy sa pagkatok ng pintuan ngunit mag-iilang minuto na siya dito ay wala man lang sumasagot sa kanyang tawag.Muli niyang tinawag ang pangalan ng asawa at ng wala talagang sumagot ay napilitan na siya piliting buksan ang pintuan ng kwarto.Labis ang kaba niya habang binubuksan ang pinto dahil imposibleng hindi sasagot si Steph sa kanya kapag ginugulo niya ito. Nagulat na lang siya ng matagpuan niya itong nakahiga sa kanyang kama at balot ng makapal na kumot."Anong nangyayari sayo? Kanina pa ko kumakatok sa pinto," saway niya rito habang palapit siya dahil nakita naman niya itong nakadilat ang mga mata pero hindi ito sumagot."Bakit ka umiiyak?" Tanong niya ng mas makalapit sa kanya at nakita ang tu
“Anong meron, dok Luigi?” Tanong ng kadarating lang na si Aly sa klinika nito. Ipinatong niya ang kanyang bag sa mesa at naupo sa sofa.Minasdan ni Aly ang nakangiting doktor habang naghihintay ng kanyang isasagot, madali niyang napansin ang aliwalas ng kanyang mukha na nagpapatunay na mayroong magandang nangyari sa kanya.“Maganda lang ang araw ko,” maiksi niyang tugon.“Alam kong masaya ka, sabihin mo na sakin kung sinong nagpapasaya sayo? Kaysa pinapahula mo pa ako,” sabi ni Aly sa doktor.Naging kaibigan na rin ni Aly ang dalawampu’t-limang anyos na si doktor Luigi simula ng naging personal doktor ng kanyang kaibigan ito at kalaunan ay nakapanatagan niya ng loob dahil sa kanilang magkaparehong ugali na tanging si Stephanie lang ang gumugulo sa kanilang mga tahimik na mundo ngunit kung hindi nila nakilala si Steph ay baka nawalan na ng saysay ang kanilang
“Steph’s POV”Nanghina ang aking mga tuhod at napaupo ako sa kama matapos marinig ang masakit na salita na nagmula sa kanyang bibig, pakiramdam ko tuloy ay isa akong babaeng mababa lang sa kanyang paningin dahil sa binitawan niyang salita at kahit kailan ay hindi niya magugustuhan ang tulad ko.Ano ba ang tulad ko? Masama ba akong babae, nakakasuka? Nakakadiri o pangit? Ganun ba ang tingin niya sakin. Masakit para sakin na malaman ang tumatakbo sa isipan niya laban sa akin.Susubukan kong kalimutan ang nararamdaman ko para sa kanya dahil ayokong mas lumalim pa ito at ayokong maramdaman ang labis labis na sakit dahil hindi ko ito kakayanin.Nakalingon lang ako sa bintana sa kaliwang side ko habang pinipigil ko ang aking mga luha na tumulo palabas ng aking mga mata nang maramdaman ko ang pagkirot ng aking ulo at marinig ko siyang muling magsalita, “may masakit pa ba sayo?”
Hindi mapalagay si Steph sa biglaang pagpoprose sa kanya ng dati niyang asawa sa harap ng mga kadete. Hindi pa rin siya makapaniwala sa mga nangyayari sa kanyang buong paligid. Matagal niyang tinitigan ang kumikinang na dyamanteng singsing sa kanyang harapan saka ibinaling ang paningin sa mukha ng kanyang dating asawa habang ang mga taong nasa paligid ay sumisigaw ng say yes!“Darling?” tawag niya habang iniaalok ang singsing sa kanya, hindi siya makapagsalita ng kahit ano dahil sa pagkaoverwhelmed sa nangyayari at patuloy pa rin ang pagbagsak ng kanyang mga luha na para bang wala ng bukas. Hindi siya lumuluha ng dahil sa lungkot, siya ay umiiyak ng dahil sa saying kanyang nararamdaman.Muling nagtanong si Caspian, “darling, will you marry me again?”Kusang gumalaw ang ulo niya at tumango sa tanong nito, “y—yes!”Maligayang inilagay ni Caspian s
“Steph’s POV”Pinipilit kong iwasan ang mga mata niyang kanina pa hinuhuli ang aking mga mata hangga’t kaya ko ay gagawin ko dahil ayoko na.Ayoko nang umiyak pa ng paulit-ulit sa isang taong minsan na akong sinaktan ngunit anong magagawa ko? Hindi ko naman matuturuan ang aking puso na huminto sa pagmamahal sa kanya, napakasakit para sakin na magpapakasal siya sa iba habang ako lugmok pa rin sa kalungkutan.Nakakalimang subo pa lamang ako ng pagkain ngunit parang ayoko ng ubusin ang lahat ng ito kahit gutom pa ‘ko dahil sa mga titig niya saking nakakatunaw.“Will you stop staring at me?” inis kong sabi sa kanya habang nakatuon pa rin ang aking mga mata sa pagkain.“I’m not,” tipid niyang sagot.“Nakatingin ka sakin,” mariin kong pag-uulit.“Paano mo nalamang nakatingin ako sa
Isang umaga ay nagising si Steph sa magkakasunod na katok sa kanyang pintuan kaya agad siyang napatayo at nagtungo roon kahit wala pang hilamos, nagulat siya ng bumungad sa kanyang harapan ang isang sundalo.“Good morning, ma’am. You need to jog for two laps, that’s an order!” sabi nito.Tumango siya at hindi nakapagreklamo dito, agad siyang nagpalit ng black shirt at yellow athletic short na mas lalong nagpaangat ng kanyang kulay saka nagsuot ng snickers kahit wala pang almusal ay sinikap niyang sundin ang utos sa kanya. Ikinabit rin niya ang kanyang running belt and she’s ready to go.Lumabas na siya para sundan ang lalaki, dinala siya nito sa field. “Should I start now?” tanong niya.“Yes, ma’am.” Sagot nito.Sinimulan na ni Steph ang pagjog sa track, matagal na rin ng huling makatakbo ng ganito si Steph
“Paano ba yan? Mukhang hanggang dito na lang kita maihahatid, my manager keeps on calling me,” sabi ni Steph kay Beatriz habang pinakikita ang kanyang teleponong walang tigil ang pagtunog.“Okay lang, thank you for helping me out,” nakangiting sagot nito.Bumaba ng sasakyan ang dalawa at tumayo sa tapat ng diamond studio, tinapik ni Steph ang balikat ng dalaga saka bumulong.“Don’t get too hard on yourself, isipin mong makakayanan mo rin ang lahat ng ito.” Payo niya bago iwan si Beatriz.Naglakad papasok sa loob si Steph, naabutan niya ang kanyang manager na nakaabang sa entrance at halos hindi mapakali doon.“My God, Steph! Kanina pa kita tinatawagan, bakit ngayon ka lang?” Naghihysterical niyang tanong.“Relax, Vi. Umattend lang ako ng kasal, aren’t you happy seeing me?” p
“Beatriz’s POV”Hindi ko alam kung saan ko napulot ang lakas ng loob na umattend sa misa ng kasal ng lalaking aking pinag-alayan ng pag-ibig pero heto ako nakaupo sa hanay ng mga guest sa loob ng simbahan. Siguro ay pinagtatawanan ako ngayon ng mga bisitang nakakaalam ng relasyon namin noon ni Ivan dahil sa pagpapakita ko sa araw ng kasal ng taong minamahal ko.I did not intend to attend their wedding today but I have no choice kundi ang ipamukha sa sarili ko na I don’t deserve this man at para na rin gisingin ang sarili ko na itigil na ang katangahang umasa pa sa kanya. Ayoko ng maghintay at maniwala sa mga pangako niya sakin dahil nasa harap ko na ang masakit na katotohanan.Nararamdaman ko ang mainit na tingin sakin ni Ivan mula sa kanyang kinatatayuan, ayoko sanang tingnan siya pero ito na lang ang aking huling pagkakataon na tumingin sa kaniya.Pinilit kong ngumiti sa kanya pero ang na
Binitiwan ni Steph ang kamay ng kanyang kaibigan ng makalayo na sila sa maraming tao saka huminto, hinabol niya ang kanyang hininga at pinaypayan ang sarili.Nang makapahinga na siya ay hinarap niya si Luigi at tiningnan ng seryoso, nababasa niya sa mukha nito na nais niyang malaman ang kanyang isasagot.“Let’s take a sit over there,” tinuro ni Steph ang bakanteng bench sa tabi ng isang shop. She bought two cold drinks at ibinigay ang isa sa kanyang kaibigan saka naupo kalapit nito.Uminom muna siya ng malamig bago harapin si Luigi, “you are always a good friend to me and I really appreciate you,” nakangiti niyang sabi saka muling sumipsip ng kanyang inumin.Napatigil sa pag-inom ng drinks niya si Steph ng ipatong ni Luigi ang kamay niya sa ibabaw ng kamay ng dalaga, “maghihintay ako sa isasagot mo sakin, I will not pressure you.”Ibinaba
“Steph’s POV”Hindi ko alam kung bakit biglang tumulo ang aking mga luha habang kinakain ang dalang pagkain sakin ni Caspian. Hindi ko alam kung nasisiraan na ba ako dahil mas pinili kong kainin ang pagkaing dala niya kaysa sa binili ko.Habang natitikman ko ang lasa ng pagkaing ito ay parang binabalik ako sa nakaraan, ang mga araw na pinagluluto niya ako, ang kulitan naming at ang lahat. Marahil ito na siguro ang dahilan ng aking pagluha, dapat ay maging masaya na lang ako dahil nahanap na niya ang babaeng para sa kanya kahit masakit ay kailangan kong tanggapin na hindi ako ang babaeng nakalaan sa kanya.Nagpatuloy ako sa pagnamnam ng pagkaing dala niya sa akin kasabay ng tuloy-tuloy na hikbi ko dahil sa labis na pag-iyak kahit ganun, dire-diretso pa rin ako sa pagsubo ng pagkain sa aking bibig.“Steph, Steph. Anong nangyayari sayo? Bakit ka umiiyak?” Hindi ko namalayan na kanina pa
Tipid ang ngiting binigay ni Steph sa harap ni Caspian, “where’s the paper?” tanong niya.Magkahalong emosyon ang naramdaman ni Steph ng iabot sa kanya nito ang isang brown envelope halot hindi niya maiangat ang kanyang kamay para tanggapin ito.Nilingon niya ang kanyang manager na noon ay nakatayo lamang sa kanyang likod at hindi alam ang gagawin, “d-do you have a pen?” pinilit niyang ituwid ang kanyang salita dahil ayaw niyang magmukhang iiyak sa harap nila.“Wala akong dala, dear,” tugon ni Vi sa kanya.“Do you have—”“Wala rin akong dala,” putol niya sa tanong nito.“Then I have no choice but to take that, my manger will send it to you once I am done signing it,” hinawakan ni Steph ang envelope ngunit parang ayaw bitiwan nito ang pagkakahawak sa sobre.
“Steph, we need to go back to the Philippines na,” pagpupumilit ni Vi sa kanya. Nakaharap pa rin sa malaking salamin si Stephanie at abala sa pagsusuklay ng kanyang buhok at pagpopostura ng mukha.“Hindi ba’t sinabi mo sakin na iikutin natin ang buong mundo, paanong babalik na tayo sa Pilipinas agad? Iilang buwan pa lang tayong umiikot sa piling bansa,” reklamo niya.“My goodness, Steph! Hindi tayo pwedeng umikot ng umikot lang ng bansa ng hindi ka nagtatrabaho, malaking offer ito ni Mr. Cruz at gusto niyang sa Pilipinas ito i-shoot.” Paliwanag ni Vi sa kanya.“Bakit pa kasi sa Pilipinas niya gustong i-shoot ang commercial na yun? Marami namang mas magagandang bansa na pwedeng puntahan, bakit doon pa?” muli niyang reklamo, kinuha niya ang pula niyang lipstick at sinimulang maglagay nito sa kanyang labi.“H’wag mong sabihin saking haban