Muling naglakad si Jane palabas ng meeting room. Sinamahan naman siya ni Callen ngayon. Tila mayroon na silang magandang usapan. Unang nakita ni Vivienne ang pigura ni Jane at nagtanong, “May narating na ba kayong kaayusan?”Isang matangkad na pigura naman ang lumitaw sa harap ng lahat.“Ito…”Tumabi si Jane sa gilid. “Hayaan mong ipakilala kita. Siya si Callen Feroch, ang kinatawan ng ikalawang partidang kumpanya.”Kadalasan, si Vivienne, ang namumuno sa proyekto, ay umabante at iniabot ang kanyang kamay. “Hello, Mr. Feroch, ako ang…”“Vivienne, ako na ang mag-follow up sa proyektong ito.”Kalmadong sumabat si Jane kay Vivienne.Nagpakita ng pagkatuliro ang mga mata ni Vivienne“Mag-usap tayo pagbalik natin,” bulong ni Jane sa tainga ni Vivienne.Inihatid sila mismo ni Callen Feroch pababa sa main entrance.May bahid ng gulat sa mga mata ng babaeng sekretaryang nasa gilid niya. Tinignan niya si Jane ng isa pang beses… Ang misteryosong CEO ay hindi laging nakikita sa S City
“Ikaw ang gumawa nito?” pinigilan ni Jane ang galit. Dumaan ang mga mata niya sa kalat sa lapag. Halata namang tinatanong niya kung ang lalaking kaharap niya ang nagsanhi ng kalat.“Patawad.”Humingi ng tawad ang lalaki sa isang maingat na bulong, puno ng pagkakasala ang kanyang mga mata.Gayunpaman, muntik nang matawa sa galit si Jane. Tinitignan ang lalaki sa likod ng lababo, na dati’y masyadong mayabang para mabilisang aminin ang pagkakamali, pero ngayon, mabilis niyang nagawa ito.Subalit, sa mga mata ni Jane, may iba pang uri ng galit ang nanggagaling mula sa kailaliman ng kanyang puso. Hindi lang galit, kundi isang alon ng malabong galit na nagmumula sa puso.Hindi niya mapagtanto, syempre, na ang kanyang galit sa mga oras na ito ay hindi nakadirekta lamang sa lalaking gumawa ng kalat sa kanyang tahanan.Binigyan niya ang lalaki ng malamig na tingin at nagtatampong kinuha ang kanyang telepono mula sa kanyang backpack nang hindi nagsasalita.“Ako ‘to, Elior. Anong oras ka
Sobrang tahimik ang silid na may dalawang taong nakaupo sa sopa. Tinawagan ni Jane ang kasambahay.Hindi pa dumating ang kasambahay. Siya at ang lalaki ay umupo sa sopa habang naghihintay. Tahimik na nakaupo ang lalaki, diretsong nakatitig sa babae gamit ang kanyang mga mata...Nakatitig ang lalaki sa kanya ng mabuting bahagi ng isang oras.Subalit, hindi.Ang hindi ay hindi.Hindi magawang mahabag ng babae.Magiging maayos lang hangga’t hindi niya nakikita ang nagmamakaawang mga mata ng lalaki.Hindi mahalaga kung paano ang ugali ng lalaki ngayon, ang kanyang kalamigan at kalupitan mula sa nakaraang dekada ang tumatak na sa kanyang isip.Nakatingin sa parehong mukha, hindi naisip ni Jane na magawang maging amnesiac at kalimutan ang nakaraan.Buo na sa kanyang isip na paalisin ang lalaki. Kailangan niya lang hintayin si Elior para isama na ito sa malayo.Hindi siya magkakaroon ng hindi maipahayag na damdamin sa kanyang puso.Habang lumilipas ang oras paunti-unti, pangatlong be
Habang nakasakay sila sa elevator pababa, tumingin si Jane sa lalaking nasa likod niya. Sa sandaling iyon, akala niya’y may mali na sa kanyang pag-iisip.Ng ganun ganun lang, malupit na nakumbinsi ng lalaki na maisama siya sa labas.Ang mga damit na suot ng lalaki ay mula pa kahapon. Habang pinapatuyo ng lalaki ang kanyang damit at sapatos at isinuot ang mga ito, nag-alala ang babae na baka may makakilala rito. “Itungo mo ang ulo mo.”Nang makita ng lalaki ang paglingon ng babae, masunuring isinuksok ang ulo nito sa harap ng babae, na nagpakita ng likod ng ulo ng lalaki. Kahit na, kailangan pa rin tumingkayad ng babae kaunti para mahila ang hood ng jacket ng lalaki. “Pagdating natin sa supermarket mamaya, bawal tumakbo sa paligid at ‘wag mong tatanggalin ang hood mo.”“Okay.” Nakaramdam ng ginahawa si Jane ng mabigat na tumango ang lalaki.Sinundan niya si Jane at binuksan ang pampasaherong pinto ng sasakyan bago sumakay.Sinundan niya rin ang ginagawa ni Jane nang makita niya an
Ng bumalik sila galing sa supermarket, si Jane ay poker face sa buong paglalakbay.Ang kanyang kotse ay huminto sa underground parking lot. Ang lalaki ay handang buhatin ang araw araw na pangangailangan ng bumaba sila sa kotse.Orihinal na siya ay dapat bibili lang siya ng simple para bumili ng ilang kailangan nila, ngunit matapo siyang dalhin doon, siya ay kumuha ng...Tinignan ni Jane ang bulto ng gamit na may poker face.Pakiramdam niya na ang pagtango niya at pagsang ayon na dalhin siya sa supermarket ay ang pinakamalaki niyang pagkakamali na nagagawa.Ang lalaki, na may bitbit sa parehong kamay ng mga groceries, ay nakatayo sa harap niya, nakangiti at sinasabi sa kanya sa kanyang mata na siya ang maganda ang mood.Subalit, siya ay nasa masamang mood. Sobrang sama na mood!Pumasok sila sa elevator isa isa. Ang lalaki ay nahihiyang sumandal sa kanya. Umatras siya ng kaunti sa pandidiri. Ang isang tao ay maingat na aatras. Walang sino man ang gustong mabigyan ng cold shoulder.
Pinanood siya ni Jane ubusin ang mangkok ng noodles ng may pait na itsura sa mukha. Pati ang sabaw ay naubos niya at nagnakaw ito ng maingat na sulyap sa kanya. Akala niya hindi ito makakahula ng kahit na maliit na ideya.Tumayo ng dahan-dahan, kinuha ni Jane ang mga pinggan sa lamesa.“Wag ka gumalaw, Janey.”“Ako na maghuhugas.”“Hindi si Janey, si Sean na gagawa,” sinabi niya at nagmadali siya para hugasan ang mga pinggan.Tumingin si Jane ng natatakot. Hindi talaga magandang ideya na payagan si Sean maghugas ng mga pinggan. Ngunit, sa kabutihang-palad, hindi nila nagawang baliktarin ang lugar ngayon. At least, hindi sila nagbaha at hindi nagulo ang lugar.Tumalikod siya at pumunta ng banyo. Mainit na tubig ang dumaloy pababa sa ulo niya, hinuhugasan siya nang paulit-ulit. Sa saglit na iyon, nakita niya ang mga magugulo na kaganapan sa harap niya.Kaganapan noong buhay pa ang lolo niya at may kumpiyansa pa siya kumapit sa lalaking iyon. Bata pa siya noon at masigla noong pana
Si Jane ay naka-IV drip sa sunod-sunod na tatlong araw at ang kalagayan niya ay umayos na. Ang temperatura ng katawan niya ay unti-unting nagsimula na bumaba sa normal na temperatura ng katawan.Sa gabing iyon, tinignan niya ang kutson sa ilalim ng kama niya at masakit na pintig ang tumama sa ulo niya. Hindi aalis ang taong yon sa anumang oras sa lalong madaling panahon. Nagtataka siya kung dahil ba ito sa siya ay nagkaroon ng makapal na balat pagkatapos niya magka-amnesia, o dahil ba sa alam niya na hindi niya ito mapapalayas.Sinusubukan ng taong to ang hangganan niya, Lalong umaakto ito ng hindi makatwiran sa pamamagitan ng pagsubok ng lahat ng klase ng paraan para mapanatili niya ang sarili niya sa kwarto niya tuwing gabi. Kahit na ibig sabihin non ay matulog siya sa kutson sa sahig, masaya na siya.“Janey, oras na para painitin ang mga paa mo.”Itong tao na ito, tulad ng bawat gabi bago ito, tumakbo sa kama niya para tulungan siya painitin ang kanyang mga paa.Anumang malami
Sa oras na iyon, handa siya.Matapos sabihin ni Ray sa kanya ang sitwasyon, dinala niya lahat ng gamot na maiisip niya sa lalong madaling panahon.Ang madalas ng mabait tignan na mukha ni Dr Walsh ay naging sobrang seryoso ng sandaling iyon. Walang sinabi si Ray at tumalikod para kuhanin ang medicine box.Nagtiwala siya kay Dr. Walsh. Kung si Dr. Walsh ay ganun kaseryoso, ibig sabihin nito na ang kondisyon ni Sean ay sobrang kritikal din.“Magandang bagay na ang kanyang katawan ay hindi nabigla.” Matapos ni Dr. Walsh ang lahat, pinunasan niya ang malamig na pawis sa kanyang noo.Tumingin si Ray sa kumot sa lapag, nakatitig kay Jane ng sandali, ngunit walang sinabi.Kahit na hindi pinagalitan si Jane, nilayo niya ang kanyang ulo na parang siya ang may pagkakamali.Matapos magtrabaho kay Sean ng matagal ng panahon, si Ray at Dr Walsh ay sa huli umalis. Matapos silang umalis, ang temperatura ni Sean ay bumaba. Sabi ni Dr. Walsh na kung ang kanyang temperatura ay hindi bumalik sa n
Ang pangalan ko ay Luka Stewart. Ito ay kakaibang pangalan, ‘diba? Parang ‘Tignan mo! Sabaw.’Lolo ko ang nagbigay ng pangalan ko. Sa lahat ng maraming taon ng karanasan ko bilang bata ay nagsasabi na ang lolo ko ay hindi mabait na tao.Isang tabi na ang lahat, tignan mo na lang ang pangalan na binigay niya sa akin. Mayroon siyang mahusay na pangalan mismo, ngunit binigyan niya ako ng kakaibang pangalan.Subalit, bawat beses na mag protesta ako tungkol dito sa kanya, lagi niyang sinasabi na ito ay kasalanan ng aking ama. Kung si Dad ay naging babae, siya sana ang magkakaroon ng pangalan na iyon.Tignan mo, SI Grandpa ay ang siyang nagbigay sa akin ng ganito kasamang pangalan, ngunit sinisisi niya ang lahat sa aking ama.Ah, nakalimutan ko silang ipakilala ng ayos.Ang pangalan ng lolo ko ay Sean Stewart.Tila, siya ay medyo gwapo noong kanyang kabataan.Ang aking lolo ay nagngangalang Jane Dunn.Minsan, hindi ko maiwasang mapaisip kung paano sila nauwing magkasama. Sila talaga
Sa ospital, walang tunog na bumukas ang pinto ng ward. Sa oras na ‘to, hindi ipinahayag ni Dos ang pagdating ng mas maaga.Nang nagmamadaling dumating si Elior, mabilis niyang nakita ang babaeng iyon.Bago pa siya makapagsalita, hinila siya ni Alora papunta sa pasilyo. Nagbukas ang pinto at nagsara muli.Ang lalaki sa kama ay tumagilid, mahimbing ang tulog.Walang nakakaalam kung tungkol saan ang napapanaginipan ng lalaki, ngunit ang malalim na pagkakunot ng noo sa kanyang mukha ay nagpakitang hindi maganda ang mga panaginip niya.Ang kanyang kamay ay nagpapahinga sa panlatag, ang kanyang wedding ring ay suot niya pa rin sa kanyang daliri.Mabagal siyang nilapitan ng babae, sa wakas ay tumigil sa harap ng kanyang hospital bed.Ang mga mata nito’y maningning at maaliwalas, ang kanyang tingin ay lumapag sa singsing sa kamay ng lalaki.Wala ring nakakaalam kung ano ang iniisip ng babae.Tinitigan niya ang singsing ng mahabang, mahabang oras, hanggang mawalan siya ng ulirat.Mata
"Jane, hindi paraiso ang Erhai. Ang tinatawag mong kapayapaan ay pagtakas lamang," taimtim na sinabi ni Alora.Hindi nga dapat niya ito sinasabi, pero may mga nakikita siyang bagay na hindi nakikita ng mga taong sangkot.Siguro ang sitwasyon ay laging mas malinaw mula sa labas. Siguro hindi.Kahit na, malinaw niyang nakikita na nag-aalinlangan si Jane.Tatlong taon na ang nakalipas, tinulungan niya si Jane tumakbo palayo dahil taos puso niyang gustong mamuhay si Jane ng payapang buhay mula noon.Marami na ang nagbago sa tatlong taon. Nagmature na rin siya.Ito ay dahil sa bago niyang nalamang maturity na hindi siya tumigil kakaisip tungkol doon.Tama ba siyang tulungan si Jane na makatakas tatlong taon na ang nakalipas? O ito ay isang pagkakamali?Malabo, nagsimula siyang mag-isip na mali siya.Ang babaeng ito ay lubusang natakot. Walang paraan na titigil siya at titingin sa kanyang paligid para makita ang mga tao at katotohanan.Sa loob ng tatlong taon, nakita rin ni Alora k
So pumunta ka nga rito para pag-usapan ang matandang lalaki?” Natawa ang lalaki sa kama, may malinaw na hindi makapaniwala sa kanyang mga mata. “Michael Luther, ang matandang lalaki ay hindi takot na mamatay ako. Mayroon siyang isa pang apo para magmana ng trono niya.Si Michael ay tumawa ironically.“Sa tingin mo talaga na babalik ako sa Stewarts? Ang maruming lugar na iyon.”“Ayaw mo sa Stewart Industries?” malamig na sinabi ni Sean. “Well, sa kasong ‘yan, mukhang mabibigo ka.“Stewart Industries, huh.” Pinadaan ni Michael ang kanyang tingin kay Sean at tumingin sa labas ng bintana. “Mukha maganda, so palagay ko gusto ko nga ito. Ibibigay mo ba ito sa akin?”“Kung hindi, hindi mo ba ‘to kukunin ng pwersahan?”“Kung ikaw ang may hawak, sigurado.” Hindi sinubukan ni Michael itago ang kanyang ambisyon. “Pero kung mamatay ka, hindi ko ito kukunin mula sa kanya.”Naningkit ang mga mata ni Sean. “Well, siguradong tapat ka sa nararamdaman mo para sa kanya. Dapat bang sabihan kitang a
Si Michael Luther ay pumasok sa Stewart Old Manor.“Ikaw ang nasa likod ‘nun, hindi ba?”Walang kahit anong babala o konteksto, sinigawan niya si Old Master Stewart, na simpleng umiinom ng tsaa.“Bigla kang lumabas kung saan… para lang magpakita ng kabastusan sa lolo mo? Ibinaba ni Old Master Stewart ang kanyang tasa, naninigas ang kanyang matandang mukha.“Ikaw ang naglagay kay butler Summers doon, ‘di ba?“Kung hindi man, ay hindi siya maglalakas ng loob, ‘di ba?”“Anong ibig mong sabihin? Anong nagawa ni Summers na dahil sa akin?”“Ikaw ang nasa likod ng aksidente ni Jane. ‘Yan ang gusto kong malaman. Ikaw ba, o hindi ikaw?!” Si Michael ay nasa tabi niya.Sa sandaling narinig ni Old Master Stewart ang pangalan ni Jane, ang kanyang ekspresyon ay mabilisang naging madilim. “Ano ito? Lalabanan mo ang sarili mong lolo para sa kanya?”“Ibig sabihin niyan… inaamin mo.”Tinikom ni Michael ang kanyang kamay sa isang kamao, ang kanyang buong katawan ay nanginginig sa galit. “Ano ba
Sa sumunod na tatlong araw, ang taong iyon ay hindi humakbang kahit isa papasok ng bahay.Tumayo si Tres at si Cuatro sa may pinto na tila isang pares ng walang ekspresyong guardian gods.Ang dating tahanan ng babae ay wasak na, kaya bumalik siya sa Stewart Manor. Sa pinakamalalim na bahagi ng manor, hindi niya marinig ang mga ibon o maamoy ang mga bulaklak. Ang butler ay ganap na ganap na professional din, at lahat ay naayos na para sa kanya.Bukod kay Tres at kay Cuatro, wala siyang ibang makausap.Wala, kahit si Tres at si Cuatro ay hindi siya kinausap.At para sa family butler, laging mabuti ang pagkilos nito at tunay na magalang sa kanya sa tuwing sila’y nagkikita.Ang kanyang tainga ngayon ay halos wala nang pakinabang, ang kanyang bibig ay dekorasyon na lamang.Ang mga naglilingkod sa paligid ng bahay ay pamilyar ang mga mukha, habang ang iba ay mukhang bago. Hindi ito mahalaga. Kahit sino pa ang makakita sa kanya, sila’y tumatango lamang bilang paggalang at maglalakad sa
Nalalapit na ang araw para sa bone marrow transplant ni Jason.Nagpalit na siya sa isang surgical gown. Si Madam Dunn ang kasama niya.“Huwag ka kabahan, Jason. Walang mangyayari na mali.” Inalo siya ni Madam Dunn. Kahit na, ang anak niya ay nanatiling tahimik.Habang tinitignan niya ang payat na pisngi ng anak niya, minura niya ulit si Jane sa puso niya.“Kung hindi dahil sa mabuting-puso na tao na kamatch mo, iyong malditang Jane na iyon ay muntik ka na mapatay.”Mukhang nasaktan si Jason.“Mama! Tumigil ka!”“Huh? Anong mayroon sa iyo?“Naaawa si mama para sayo. Bakit mo ako sinisigawan?”“Mama, huwag ka magsalita ng ganyang kay Jane.”“Bakit hindi ko pwede gawin iyon? Wala nga siya pake sa sariling miyembro ng pamilya niya.”Kinamumuhian ni Madam Dunn ang anak niyang babae mula sa kailaliman ng puso niya.Ngunit kahit na napatunayan niyang na talgang napagkamalan niya na hindi niya sariling anak si Jane, si Madam Dunn ay nanatiling kampi laban sa anak niya.Kung sabaga
Lumipas ang mga araw. Lulutuin ng lalaki lahat ng pagkain niya. Kapag pupunta siya sa trabaho, isasama niya ang babae sa tabi niya, pinapanatili siya sa paningin niya sa lahat ng oras. Mukha silang matamis at mapagmahal na mag-asawa.Mayroon itsura ng kainggitan sa mga mata ng ibang tao kapag nakikita nila si Jane.Sa oras, lahat ng tao mula sa bilog ay alam na.May nag buntong hininga, ‘si Jane Dunn mula sa pamilyang Dunn ay nakaraos na. Noong hinahabol niya pa lang si Sean dati, siya ay isang mapamillit na go-getter.’Ang iba ay may katulad na sentimyento rin. Nakuha na rin Jane kung ano ang gusto niya/Isang katapusan ng linggo.“Gusto ko siya makita.”“Sino?”“...Kuya ko.”May kumislap sa mga mata ng lalaki. Kahit na, pinanatili niya pa rin ang itsura niya.“Hindi mo kailangan mag-alala kay Jason.”Isang casual na ugali.Piniga ni Jane ang mga kamao niya. Pagkatapos ng ilang saglit...“Ang kondisyon niya ay hindi maganda. Gusto ko siya makita.”“Hindi ba maayos ang pa
‘Di kinalauna’y nagising din si Jane. Madilim ang kuwarto nang siya’y magising. Bumangon siya at naglakad-lakad sa sala. Hindi na niya ikinagulat ang lalaking nakaupo sa may sofa sa ilalim ng mainit na ilaw habang nanonood ng telebisyon.Mahina lamang ang tunog ng telebisyon sa sala dahil nag-aalala itong baka magising niya ang kanyang kasama kapag masyado itong malakas.Maririnig ang mga magaang yapak mula sa pasilyo. Napalingon ang lalaki.Nagtagpo ang kanilang mga mata.Ni wala ma lang pagbabago sa kanilang mga emosyon. Tila’y matagal na panahon na silang kasal at nagsasama. Tila ri’y mayroon silang kasunduang hindi na kailangang sabihin pa. Walang nagtangkang pigilan ang kakaibang kapayapaang kanilang nararamdaman.Mistulang… payapa sila sa isa’t isa.Tumayo ang lalaki, naglakad patungo sa gilid na lamesa, ininit ang mga pagkain, at ibinalik ito sa lamesa.Tahimik na tumungo rito ang babae, at umupo sila upang kumain.Mistulang wala silang away-bati na pagsasama, na wala si