CHAPTER 15 Ramdam na ni Estrella ang sakit at pangangawit ng batok niya ngunit hindi niya pa rin magawang iangat ang ulo dahil wala siyang mukhang maipakita kay Sebastian at kay Pio na nakasaksi ng aksidenteng nangyari kanina sa sala. Aksidente kaya alam niyang walang may kagustuhan na mapunta sila sa ganoong sitwasyon pero ang isyu dito, may nakakita sa kanila sa di kaaya-ayang posisyon. Gusto na lamang ni Estrella na magpalamon sa lupa dahil sa nararamdamang hiya. " Este, bakit di mo pa galawin ang pagkain mo? Hindi mo ba gusto ang ulam? " tanong ng matanda dahilan para maangat na niya ang ulo niya. " Ah, g-gusto ko po siyempre. Mainit pa po kasi kaya pinapalamig ko muna, " ang dahilan na lamang ni Estrella saka kunwaring pinaypayan ang putaheng nakahain sa mesa nila. Pasimple siyang tumingin sa kaliwa niya para silipin si Sebastian. Tahimik itong kumakain at sa nakikita niya, mukhang kinalimutan na nito ang nangyari kanina kaya natural na itong nakakakilos na para bang walang
CHAPTER 16 Malalim na ang gabi, tulog na ang lahat ng tao sa mansion maliban sa dalawang magkasama sa kama na nakapikit nga, gising pa rin ang mga diwa nila. Ilang oras na hindi gumagalaw si Sebastian sa pwesto niya sa takot na baka sa pagharap niya sa kabilang gilid, mukha ng katabi ang bumungad sa kaniya. Ganoon rin naman si Estrella na ngawit na ang balikat at leeg niya dahil sa ilang oras na nakatagilid kaharap ang dingding at sopa na gaya ni Sebastian, hindi rin niya magawang bumaling dahil sa takot na baka magising ang katabi na wari niya'y kanina pa tulog. Naramdaman ni Estrella ang biglang paggalaw ng kama kaya muli niyang ipinikit ang mga mata para magpanggap na siya'y tulog na. Maski ang ang kaniyang paghinga ay kino-kontrol niya dahil sa takot na baka mabuking ang pagkukunwari niya. Ilang minutong nakapikit si Estrella at pinakikiramdaman ang katabi niya na sa tingin niya'y umalis sa kama nang marinig ang mga yabag ng paa nito sa sahig na patungo sa kaniyang pwesto. Big
CHAPTER 17 " Good morning sir Martinez. " Nakangiting bati ng sekretarya ni Sebastian nang salubungin siya nito sa lobby. " Masyado po yata kayong napaaga ng pasok. Alas diyes pa naman po ang schedule niyo para sa meeting mamaya. " " May kailangan pa akong asikasuhin bukod sa meeting, " kaswal na lamang na sagot ni Sebastian bago tumuntong sa loob ng elevator. " Anyway, bigyan mo ako ng update patungkol sa kinukuha ninyong commercial model. Tumugon na ba sila sa email na pinadala niyo? " Napangiwi ito. " Ang totoo po niyan, hindi pa. Pero susubukan po namin ulit na contact-in 'yong manager--" " Hindi na kailangan. Maghanap na agad kayo ng ipapalit sakaniya, " hindi suhestiyon kundi isang kauutusan ang lumabas sa bibig ni Sebastian dahilan para bumagsak ang balikat ng sekretarya niya. " Kung pipili kayo ng endorser, siguraduhin niyong marunong tumupad sa usapan. Hindi bali ng hindi kasikatan pero marunong rumespeto sa oras at sa tao. " " Masusunod po, " anito at kasabay ng buntong
CHAPTER 18 Nakapangalumbabang nakatingin si Sebastian sa pwesto ni Estrella na abalang ubusin ang mga pagkaing dinala nito na para sana sakaniya, ngunit wala siyang balak itong saluhan dahil bukod sa di niya gusto ang mga putahe, hindi rin niya matagalan ang amoy ng bagoong na mukhang unti-unting sinasakop ang loob ng opisina niya. Kanina pa niya gustong tanungin kung anong oras ito uuwi pero ayaw naman niyang mag mukhang bastos at di rin niya gustong makaabala sa pagkain na enjoy na enjoy ni Estrella. " Ayaw niyo ba talaga akong saluhan dito? " tanong ni Estrella habang may nginuguya pa sa loob ng bibig nito." Masarap naman ang mga dala kong ulam. Subukan niyo sana para malaman niyo kung gaano kasarap ang mga 'to. Hindi kayo magsisisi. " Umalis si Sebastian sa pagkakahalumbaba sa mesa saka umiling para muling tanggihan ang alok nito. " Ubusin mo na lang 'yan lahat. Isa pa, wala naman dito si Chairman kaya di mo na ako kailangan alukin, " ani Sebastian saka sumandal sa swivel c
CHAPTER 19 " Sir, naibigay ko na po kay Miss Estrella iyong damit. Nagpapalit na po siya sa restroom, " rinig ni Sebastian sakaniyang sekretarya na inutusan niyang bumili ng bagong shirt sa kalapit na mall. " I see, thank you Secretary Jia, " ani Sebastian habang inaayos ang suot na necktie para sa meeting na ilang minuto na lang bago magsimula. " Natawagan mo na ba si Chairman? Nasaan daw siya? " Ang ngiti ng sekretarya niya ay napalitan ng ngiwi. " Ahm, sir tungkol sa bagay na 'yan, hindi raw siya dadalo sa meeting ngayon dahil masama ang pakiramdam ng Chairman. Nasa bahay na raw po siya at nagpapahinga. " Hindi na nagulat pa si Sebastian sa narinig dahil inaasahan na niyang mangyayari ito ngayong araw. Batid niyang plano talaga nitong iwanan si Estrella sa opisina niya na para sakaniya, isa lang malaking abala. Nawala na nga ang ugali nitong mag reto ng mga babaeng pakakasalan niya ngunit di naman ito tumigil sa paggawa ng mga paraang maglalapit sakanilang mag-asawa. " Secret
CHAPTER 20 " Yes po Chairman. Umalis po si sir Sebastian kasama si Miss Estrella. Pina re-schedule nga po ni sir ang meeting para ihatid po si Miss Estrella sa mansion. " Sumilay ang malaking ngiti sa labi ni Lolo Pio nang marinig ang report sakaniya ng sekretarya ni Sebastian. Isa ito sa ginawa niyang mata para bantayan ang mag-asawa sa opisina, ngunit di naman niya akalain may mangyayaring gulo na magiging dahilan para kumilos ang apo niya. Labis niyang ikinatuwa ang narinig na pagtatanggol kay Estrella at ang ginawang pag r-re-schedule ng meeting nito para ihatid ang asawa. " Ikinatutuwa ko ang balitang iyan at dahil d'yan, do-doblehin ko ang sahod mo ngayong buwan na ito, " ani Lolo Pio sa kabilang linya at rinig naman niya kung gaano kasaya ang sekretarya na si Jia. " Hala seryoso po ba? Naku, maraming salamat po sainyo, Chairman! Tamang-tama po, gipit ako ngayon. Maraming salamat po talaga! " hindi ito magkamaway sa pagsasalita dahil sa sobrang tuwa. " Pero sandali lang po, b
CHAPTER 21 Halos libutin na ni Adam ang buong subdivision sa paghahanap sa pusang higit dalawang oras ng nawawala. Dala ang cellphone na may litrato ng kaniyang alaga, kada taong nasasalubong ay kailangan niyang hintuan para itanong kung nakita ang kaniyang pusang si Belle. " Ah, sorry hindi po. Wala po kaming nakikitang ganiyang pusa dito, " muling bumagsak ang balikat ni Adam sa narinig na tugon ng pinagtanungan niya. " Pero anong breed po ng pusa? Mukhang imported. " " Persian cat, " sagot ni Adam at 'di sinasadyang magpakawala nang buntong hininga sa harap nila. " Kanina lang siya nawala sa bahay at hindi ko na alam kung saan pa siya hahanapin. " " Magpakalat na lang po kayo ng missing poster dito sa subdivision para po aware ang lahat. Siguradong narito lang po siya at naghahanap ng kalaro, " suhestiyon nito saka inilibot ang tingin sa paligid. " Masyadong malawak ang subdivision pero babalik din po siya sainyo panigurado. " " Sana nga. First time niya kasi tumakas kaya nag
CHAPTER 22 " Tsk, dahan-dahan lang. " Umangat nang bahagya ang magkabilang balikat ni Estrella nang marinig ang reklamo ni Sebastian dahil sa ginagawa niya. " S-sorry. Lalagyan ko na ng band-aid, " ani Estrella matapos lagyan ng ointment ang parte ng pisngi nitong may kalmot ng pusa. Hindi naman ito kalakihan pero kitang-kita pa rin ang mapulang guhit sa pisngi ni Sebastian. Kompleto rin naman ng bakuna ang pusang may gawa nito sakaniya subalit kinailangan pa rin nila itong maagapan ng lunas. Matapos matapalan ang sugat nito sa pisngi, sinimulang ligpitin ni Estrella ang mga gimanit niyang First aid kit at pasimpleng tinapunan ng tingin ang pasyente niyang salubong parin ang mga kilay habang nananalamin para suriin kung mayroon pa bang ibang kalmot siyang natamo bukod sa isang na-remedyohan na. " Sorry... " hindi na naman mapigilan ni Estrella ang sariling humingi ng tawad kahit na wala naman siyang kasalanan. Maituturing isang aksidente ang nangyari kanina subalit pakiramdam ni