Pagdating dito sa mansyon ay hindi ako nagpahalata sa nangyari sa akin. Hindi ko pa sinabi kay Alexander. Umalis sila Mr. Fuentes kasama si madam, naiwan dito ay si Alexander at ibang kasambahay. Nag message si Alexander na mag-usap daw kami saglit sa may garden. May mga upuan kasi doon at presko ang hangin sa labas, hindi rin masyado kita doon ng ibang kasambahay dahil sa laki ng mansyon ay halos hindi na nga kami nagkikita dito. Tanaw ko palang sa malayo si Alexander ay tumakbo na ito papalapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit.
"Na miss kita ga." sambit nito."Hmm.. Ako din naman ga.""Are you okay?""Yes, okay lang ako.""Ang tipid mo naman sumagot ngayon, may problema ba?"Sa totoo lang ay ayaw ko pa sabihin sa kanya ngayon, gusto ko sa lugar kung saan hindi namin iisipin na baka mahuli kami. Wala naman problema kay Mr. Fuentes at kay madam pero ewan ko, may nararamdaman akong kakaiba. Siguro dahil may masakit akong alaala 1 year ago. Halos mag 2 years narin simula noong nakunan ako. Natatakot ako, hindi ko alam anong gagawin ko. Hinawakan nito ang kamay ko."Ga... Ano man ang nasa isip mo, please lagi mo isipin na nandito lang ako."Biglang dumating ang Mom ni Alexander. Nakita niyang magkahawak ang kamay namin, hindi ko maipinta ano ang reaksyon ng mukha niya."Alexander, we need to talk." Agad namang binitawan nito ang kamay ko.Bakit kaya binitawan niya agad ang kamay ko? Bakit kaya hanggang ngayon hindi rin niya kayang ipaalam sa Mom niya na may relasyon kami? Sumunod rin ako sa kanila papasok ng mansyon pero imbes na hahakbang na sana ako papasok ay narinig ko silang nagtatalo."All these years Alexander, hindi ka parin marunong sumunod sa akin? I told you diba na ako ang pipili ng babaeng papakasalan mo.""Mom, all these years rin akong nagdusa dahil ikaw palagi nag dedesisyon sa babaeng magustuhan ko. Hindi mo ba gets? 27 years old na ako pero hindi pa ako nag settle down. 27 na ako pero nagagawa ko parin mag inom,mag club dahil pakiramdam ko nasasakal mo na ako. Ano po ba gusto niyo mangyari, palagi nalang ba akong sunod-sunuran sa gusto mo?"Nakatanggap ng malutong sampal si Alexander mula sa kanyang Ina."I don't care Alexander! Tomorrow, you should meet this girl na papakasalan mo. Huwag ka ng umangal dahil naka set na ang lahat."Nakasandal ako dito sa gilid ng wall habang nakinig sa napag usapan nila. Nangingilid ang luha, nababasag ang puso at hindi maipalawanag ang naramdaman ko ngayon. Bago pa ako makaalis ay nasilayan ako ni Alexander, malamang alam niya sigurong narinig ko. Tumakbo ako papuntang likuran ng mansyon, dito na ako dumaan papuntang kuwarto ko."Nangyari na 'to dati. Nangyari na 'to." Napaluhod na lamang ako dahil kusa nalang bumagsak ang mga tuhod ko.Tumatawag si Alexander sa cellphone ko pero hindi ko sinagot. Nagkulong muna ako ng kuwarto. Mabuti nalang ay hindi sila dito mag hapunan kaya hindi ko na kailangan magluto pa. Habang inaayos ko ang mga damit ko sa maleta ay napahawak ako sa aking dibdib, tila'y tinusok ito ng libo-libong karayom sa sakit."Thea andiyan kaba?" Malakas na katok ni manang Violy sa kuwarto namin. Hindi ko pinagbuksan ngunit palakas ng palakas ang katok nito kaya binuksan ko nalang at hinarap si manang."Thea, okay ka lang ba? Kanina pa ako nag aalala sa'yo?"Sinarado nito ang pintuan at niyakap ako, sa walang pagdadalawang isip ay umiyak ako kay manang Violy."Iiyak mo lang at huwag ka ng magpaliwanag, matagal ko ng napapansin na may pagtingin kayo sa isa't-isa ni sir Alexander, kaso Thea. Paano na 'to?" Tiningnan niya ako sa mata at hinawakan ang dalawa kong kamay. "Kaya mo pabang ipaglaban siya?" Napaupo nalang ako sa kama habang pinupunasan ang mga luhang patuloy lang sa pagpatak. Hinintay kong aalis sina sir Alexander, aalis raw kasi ulit sila ni madam."Dalawang beses na akong muling nasaktan. Kailan ko paba maramdaman ang tunay na saya? Siguro, nagkulang rin ako, siguro may mali rin ako, siguro masyado lang akong nagtiwala ulit. Minahal din kaya ako ni Alexander?"Napamulat ako bigla sa tunog ng cellphone ko. May message pala si manang Violy."Thea, alam kung masakit ang naramdaman mo ngayon kaya kung ano man ang desisyon mo ay naka suporta lang ako. Kausap ko ngayon si Kuya guard sa main gate ng mansyon, bilisan mo na habang hindi pa niya naisipang bumalik. Mag-ingat ka at lagi mo alagaan ang pagbubuntis mo. Hanggang sa muling pagkikita Thea, salamat sa naboung pagkakaibigan."----------------(After 7 years)8:30 AM IN CANADA"Good morning mommy, what are you doing?" tanong ni Andrea habang nag kiss sa akin."It's your favorite anak.""Really? Is that pancake? Thank you mommy.""All for you anak. Heto! Kain ka muna dito sa table, okay? I have an urgent meeting lang, mag behave ka lang ha? Read ka lang ng book diyan while eating pancake.""But, Mommy, today is sunday, I thought sa akin lang ang oras mo ngayon?""Anak, I'm sorry, I told you naman already diba? Mommy is striving hard para sa atin, kailangan ni Mommy mag work para mayron tayong pambili ng food at pang savings natin kasi diba, uuwi tayo ng Pinas?"Yumakap lang ito sa akin at sabay sabing..."I understand naman po, sometimes lang nagtatampo ako kunti lang naman, pero I know ginagawa mo 'yan para sa akin, when I grow up I want to be like you mommy, to be a Brand Manager.""Oh! Siya, sige na... magsimula na kami, wait for a while lang anak, okay?"Nasa gilid lang si Andrea habang ako ay nakaharap sa laptop ko, few minutes left ay magsisimula na ang meeting namin. Sobrang vocal talaga ni Andrea when it comes to her feelings, for me mas okay 'yon sa akin at least I know kung ano ang nasa isip at puso ng bata. She is 6 years old now pero sobrang daldal niya."Good morning team," pagbati ko sa mga kasamahan ko.Andrea sent me a flying kiss at nagpapa cute pa ito habang binubulong ang pag cheer up sa akin."Go! Mommy, I love you." pabulong niyang pagkasabi habang tinaas ang dalawa niyang kamay na nakakuyom para i-cheer ako.Saglit lang meeting namin, natapos rin ito after 30 minutes. Napagtanto kong ilang years narin pala kami dito sa Canada. After kong umalis sa mansyon noon ay nag apply ako ng trabaho para makapag abroad.(6 years ago- Flashback)Nakalabas na ako ng mansyon, hindi ko mapigilang maiyak habang dala dala ang maleta ko. Nag message narin ako kay manang Violy na nasa labas na ako. Nag rent ulit ako ng apartment while waiting na ma kumpleto ko ang mga requirements para abroad. Nakalusot parin ako kahit buntis ako, Impossible man pero hindi ko rin lubos akalain. Namasukan akong kasambahay dito sa Canada, nagustuhan ng amo ko ang pagtatarabaho sa kanila kaya tinaasan nito ang sahod ko.Wala pa akong isang buwan dito sa Canada, medyo naninabago pa ako. Kailangan kong makaipon para sa pag panganak ko. Nagulat akong may notification sa akin na may perang pumasok sa bank account ko. Pag check ko through online banking ay may laman itong 500,000. Halos mawalan ako ng malay sa kaba kung saan ito galing. Nag message sa akin si manang Violy kung natanggap ko na ba ang pera sa bank ko. Pina deposit raw ito sa kanya ni Mr. Fuentes.Nakatanggap ako ng message galing kay Mr. Fuentes"Thea, Do you still remember what I told you no'ng nasa hospital ako? "Samahan mo si Alexander sa lahat ng plano niya." Noong unang kita ko palang sa'yo gusto kong ikaw na ang babaeng mapangasawa ng anak ko kaso hihingi ako ng pasensya dahil hindi sumang ayon ang Ina ni Alexander. Gamitin mo ang pera na iyan para sa pag panganak mo, para sa apo ko."Alam ni Mr. Fuentes na buntis ako? at alam niya na si Alexander ang ama nito? Sobrang haba ng message ni Mr. Fuentes sa akin, pag scroll ko pa sa ibaba ay may sinabi pa ito."Kung naalala mo ito, may nakabangga kang lalaki noong bumili ka ng p.t sa pharmacy. Pinasundan talaga kita kung saan ka pupunta, alam ko na may namamagitan na sainyo ni Alexander. Ayaw kong i-tolerate itong ginawa ng kanyang Ina kaso ayaw ko rin ng gulo, sana ay dadating ang panahon na masilayan ko pa ang apo ko. I-rerespeto ko kung hindi mo muna sabihin kay Alexander pero sana sa tamang panahon maipakilala mo sa kanya ang bata."----------Sa tuwing naalala ko ang lahat ng ito ay halo-halong emosyon ang nararamdaman ko. Wala akong balak ipakilala sa kanya si Andrea. Iba na ang noon at ngayon!!"Mommy, are you done na ba with your team meeting?" Nagising si Andrea habang hinimas ko ang kanyang buhok. "Yes, my Princess. Tapos na kami, you know na kapag sunday-" "It's church day." Pagputol niya sa sinabi ko. Alam na niya na kapag sunday ay church day saka bonding narin namin 'to ni Andrea. As usual gusto niyang magka terno kami palagi ng sosoutin. We are wearing a below the knee pink floral dress at sinoutan ko narin siya ng gloves dahil malamig rito sa Canada. Pagkatapos namin magbihis ay nakaharap kami sa salamin gusto raw niyang mag mirror selfie kami. "Mommy, you look so pretty," wika nito habang manghang mangha ang mukha. "Thank you nak, you look so pretty too. O siya! Labas kana, sumakay kana sa kotse, baka ma late pa tayo." "Andrea, What do you need to do first kapag aalis tayo?" "Hmm... Fasten your seatbelt po tapos i-check kung naka lock na ang car door, and then mag pray po kay Papa God." "Very good! Okay, aalis na tayo. Don't use your cellphone ah? Just beh
I was certain. I knew it, sure ako siya talaga ang sister ni Mr. Alexander. She was telling her information to me but what caught my attention is when she told me that her Dad was died 5 years ago that's why i-bebenta na nila itong property ng daddy nila. I was shocked about it. Mr. Fuentes has been good to me no'ng namasukan akong kasambahay sa kanila. Iyong binigay niya na 500,000 ay nandito pa sa akin. Nasa savings bank account ni Andrea. Simula no'ng naka received ako ng message mula sa kanya ay wala na akong balita tungkol kay Mr. Fuentes. After ko humingi ng tawad at nagpasalamat na dapat ay hindi ko sana tanggapin pero He insisted talaga na tanggapin ko dahil para raw naman iyon sa magiging apo niya. Iyon ang last na conversation namin, even Manang Violy wala narin akong contact sa kanya kasi pinutol ko lahat ang connection ko roon, nagpalit ako ng number, nag deactivate ako ng facebook. Sinubukan kong kalimutan ang lahat, mabuti ay nakaya ko naman. Noong nanganak ako kay And
Nasa Quezon City na kami, sa wakas nakarating din. I'm Originally from Cagayan De Oro City talaga, naroon din ang aking mga relatives pero dahil kailangan ng trabaho, nakipag sapalaran ako dito sa Manila. Mabuti ay nakaya namin ang Long travel ni Andrea. Bukas naman ang luwas ng aking tiyahin kasama ang anak ng pinsan ko para may kalaro raw si Andrea. Papasundo ko narin iyong sasakyan namin, mabuti ay nagawan ng paraan na madala rito sa Pilipinas. Nanibago raw si Andrea sa Klima dito medyo mainit daw compared doon sa Canada. Sa wakas raw ay hindi na siya palaging mag jacket at naka leggings. Gustong gusto niya na raw soutin ang mga skirt na kulay rainbow na binili ko sa kanya. Maranasan na raw niyang walang leggings na nasa ilalim nito dahil sa sobrang lamig. Tuwang tuwa ang makulit na bata sa pagdating namin dito sa ni rentahan naming apartment, kasi naman ang daming batang naglalaro dito sa loob ng subdivision. Gusto niya narin daw makipag laro. Nag away pa kami niyan dahil na
Pagmamadali kong hakbang patungo kung saan kami kakain. Pakiramdam ko sobrang init na ng mukha ko ngayon. "Bakit kaya hindi ako naalala ni madam?" tanong ko sa sarili habang nagmamadaling maglakad. Impossible talagang hindi niya ako nakilala, o baka nag bulaglagan lang dahil baka nalaman niya ang relasyon namin dati ni Mr. Alexander. To be honest, nagulat rin ako sa laking pinagbago ni madam, ang payat na niya saka marami na siyang puting buhok. May sakit kaya siya? Dire-diretso lang ako sa aming paroroonan at hindi ko na naisipan pang lumingon pang muli. Nag order na ako ng pagkain namin saka umupo na rito. Tahimik lang si Andrea parang nagtataka na siguro ito bakit gano'n na lamang ang aking reaction kanina. "Anong pakiramdam mo ngayon mamsh?" tanong ni Nico habang sumusubo ng pagkain. Tinititigan ko si Nico, pinangdilatan ko ng mata. Baklang 'to, alam naman niyang ayokong pag uusapan namin ang tungkol diyan kapag kasama namin si Andrea. Isa 'to si Nico sa nakakaalam sa lahat
Sobrang sakit ng ulo ko ng nagising ako nitong umaga, sumobra yata ang inom ko kagabi dapat sana ay pang relax lang sana iyon. Napagtanto kong nilagay ko pala muli ang dati kong simcard sa cellphone ko kaya agad agad akong nagtungo sa sala dahil naroon ang cellphone ko. Paglabas ko ng kuwarto ay hawak hawak na ni Andrea ang cellphone."Mommy, bakit ang dami mong messages? Sino po si Boss baby A?" Nataranta ako bigla at inagaw ko kaagad ang cellphone mula sa kamay ni Andrea, agad tinanggal ang simcard at itinapon sa basaruhan na nasa kuwarto ko. Napagalitan ko pa, pero humingi rin ako ng pasensya sa anak ko, siguro nadala nanaman ako ng emosyon ko. Nagluto na ako ng agahan namin dahil maya maya ay magsimula na ang meeting namin. Kasulukuyang kumakain na kami, si Andrea ay nasa gilid ko while si Nico ay nasa tapat namin. Ngumunguso si Nico paturo kay Andrea, ibig niyang sabihin ay bakit raw nakasimangot at parang malungkot. Niyakap ko rin agad at sinabihang huwag na magtampo dahil
Alexander's Fuentes Pov: Damn! Bakit ba ganoon siya kagalit sa akin? Kahit ilang beses pa niya akong pagtabuyan, hinding hindi ako magsasawang pabalikin ang pagmamahal at tiwala niya sa akin kaso may anak at asawa na pala siya. Hanggang dito nalang ba ang aming relasyon?Mas lalong gumanda at tumapang si Thea ngayon. Hindi ko maiwasan mamangha sa kanya, she's wearing a black skirt na may slit kaunti and white office top at naka heels pa ito. She walk like a fierce woman, palaban at mukhang hindi na siya ang Thea na nakilala ko dati.Mukhang hindi niya alam na hindi ko pinakasalan ang babaeng pinili ni Mom para sa akin. Hinding hindi ko siya kayang ipagpalit kahit kanino man, kahit na masakit, lalo na ngayong natunghayan mismo ng dalawa kong mata na may lalaki siyang kasama noong una naming pagkikita sa Mall. Bahala na, ang sa akin magkaroon nalang kami ng closure. Hindi ko kayang isipin na nagtatanim ng galit si Thea sa akin pero inaamin ko naman, kasalanan ko rin kung bakit sumam
Alexander Fuentes Pov: Napalunok ako sa ginawa ni Thea, lumapit pa talaga siya sa akin? Nagkalapit pa ang aming mga mukha na siyang naging dahilan na napagmasdan ko ang kanyang mukha at labi. Matagal ko ng miss 'yan. Matagal na akong nananabik! Ang laki ng pinagbago ni Thea. Alam kong kaya niyang maging succesful sa buhay dahil sa kanyang angking sipag at talino. Dati pa niyang gustong mag trabaho sa opisina. Masaya ako kung anong naabot niya ngayon kahit hindi na ako kasama sa pag abot ng mga pangarap niya. --------- Thea Reyes Pov: "Ah! Tahimik lang?" Tumayo ako at kinuha ang laptop. "Akala mo hindi ko alam na ikaw ang i-meet ko ngayon? Gusto ko lang malaman kung nanadya kaba o sa business ba talaga ito? pero kahit ano paman, nandito ako para sa trabaho." Nilapag ko ang laptop sa lamesa niya at pinakita ang services ng aming kumpanya. I explained to him kung anong advantage kapag kukuha siya ng Social Media Marketing Team mula sa agency namin. Nagpatuloy lang ako pagsasalita
Nagsimula na ang meeting at kinakailangan na ako ang mag report sa harapan. I'm wearing an above the knee skirt paired with color blue silk longsleeve and color black 2 inches heels. Napansin kong humahawak si Andrea sa tiyan niya kaya medyo nawawala ako sa fucos. Akala ko nagutom lang ngunit nag-iiba na ang reaksyon ng mukha niya. Nagulat akong nilapitan siya ni Alexander at lumabas sila. Alexander Fuentes Pov:"Hey, baby what's wrong with you? Masakit ba tiyan mo?" aniyaPapunta na sana kami ng clinic ng biglang napaupo na sa sakit ng tiyan si Andrea. "S-sir..." Humahagulhol na ito sa pag-iyak. "C-cr po. Gusto ko po mag c.r." Hindi ko na alam saan kami pupunta buti nalang natauhan ako at dinala ko si Andrea sa opisina. Nakakataranta naman talagang mag alaga ng bata, kailangan makuha mo ang damdamin nila.Pagdating sa opisina ay dali dali ko siyang pinapasok sa comfort room. "Baby, just call me kung kailangan mo ng tulong." Hindi ako mapakali, lakad dito at lakad doon. Tatawagi
Chapter 37"Good evening everyone, thank you for celebrating with me," anito habang unti-unting tinatanggal ang kaniyang maskara. Halos nanlambot ang aking mga tuhod at kamay. Para akong sinalakay bigla ng kaba na hindi ko maintindihan ang naramdaman ko. I felt betrayed! Hindi maaari!!! Ang babaeng top investor namin ay si Thea! Nang tinanggal nito ang kaniyang maskara ay napatingin na lamang rin si Katrina sa akin. Agad niya itong tiningnan ang profile ni Thea sa company, ibang pangalan ang ginamit niya para hindi namin siya makilala. "Meron akong special na bisita ngayong gabi," sambit niya habang ang mga mata niya'y klarong-klaro na sa akin nakatoun."Ms. Cathlyn" "M. Katrina" Of course hindi mawawala ang supportive husband ko na si Alexander. Napalingon ako sa likod at naroon nga si Alexander at mas lalo akong nagulat nang katabi pa niya si mommy. "What the hell is going on? Katrina!" "I don't know, Cath. Hindi ko talaga alam. Gulong-gulo rin ako. Wait, ibig-sabihin matag
Chapter 36 Namilog ang mata ko nang makitang kalong na ni Alexander si Andrea. "A...anong pakay mo?" tanong ko sa nalilitong tono."Wala! I just want to be with you and Andrea," saad niya sa kalmadong mukha.Really? Sa kabila ng lahat na nangyari, nagawa pa niyang magpakita sa harapan ko na parang wala lang? How insensetive he is! Hindi man lang niya inisip ang naramdaman ko. Patibong ba 'to? Huminga ako ng malalim."Can I talk to your dad, Andrea?" Ngumiti ako na parang walang tensyong namamagitan sa amin ni Alexander."Mommy, gagala po ba tayo with dad Alexander?" tanong ni Andrea na halos lumundag sa saya. Hindi ko alam pero nangilid bigla ang luha ko. Tinitigan ko saglit ang anak ko at niyakap ito saglit. "Usap lang kami ah? Iloveyou" Saka hinalikan siya sa noo.Hinili ko si Alexander sa labas at siniguradong hindi kami maririnig ni Andrea. "Nanadya kaba?" Diretsahan kong tanong.Bigla niya akong niyakap..."I'm sorry. I love you, Thea," anito habang yakap akong mahigpit. T
Bakas sa mukha ni Jordan ang kaniyang pagkagulat sa aking ginawa. Natulala ito sa aking pinakitang parang paglalandi sa kaniya. As if, totohanin ko naman. "Anong kondisyon ba ang sinasabi mo?" ani nito sa malamig na boses."Help me to get revenge." "Bakit kapa mag revenge? Dahil ba sa mga mana na sana ay para sa anak mo? O dahil mahal mo talaga ang ama ng iyong anak?"Napabuntong-hininga ako at napatigil saglit. "Gusto ko lang bawiin ang para sa akin," ani ko habang nakatingin sa kawalan.------------Umaga nanaman, pinagtimpla ko kaagad ng gatas si Andrea. Medyo marami akong iniisip ngayon dahil maglilipat-bahay nanaman kami. Bagong simula! Kung alam ko lang na ganito rin ang mangyari sana hindi nalang naglaan ng oras para kay Alexander pero masaya ako ngayon kahit sa kabila ng mga pagsubok na dumating alam kong makakaya namin to ni Andrea. Iniwan ko muna saglit si Andrea kay tyang Alice. Papunta ako sa mall ngayon, mayroon lang akong kailangan bilhin. Nakapack narin lahat ng amin
Agad akong umuwi ng bahay pagkatapos ang nangyari kanina sa opisina. Pinalitan nila ako sa aking posisyon. Katrina, is the girl that supposed to be maging ka arranged marriage ni Alexander ngunit hindi iyon natuloy. Baka ngayon na maglaho na ako sa buhay nila baka matuloy na, parang sunod-sunoran lang din naman si Alexander sa kapatid niya. I have trust in him pero ewan ko! Nawala na ang lahat ng iyon simula noong hindi niya ako pinagtanggol. Cathlyn, her sister was my client noong nasa canada ako. She sell her father's properties pero nalaman ko nalang na hindi pala alam iyon nila Alexander at donya Fuentes.--------- Abala ako sa aking pagtipa ng aking laptop habang nagkakape. Iniwan kong bukas ang telebisyon namin nang narinig ko ang balita na inanunsyo na raw ang tagapag mana ni donya fuentes. Kilala ng mga media ang pamilya nila Alexander dahil sa kilalang bilyonaryo sila at maraming negosyo. Nakita ko sa screen ang tamis ng ngiti ni Cathlyn. Hindi naman to tungkol sa pera lan
THEA'S POV: Umaga ng ako'y nagising. Maga ang mata at parang nawalan narin ng gana bumangon. Mabuti nalang binigyan ako ng Panginoon ng unica ija na magpapatibay sa akin sa ganitong sitwasyon. Minsan nakakapagod na, ginawa ko naman lahat pero mayron parin talagang umaaligid sa buhay ko na mga demonyo. Akala ko'y magiging okay na kami Alexander. Ito na nga ang sinasabi ko na baka masaktan lang ulit si Andrea kapag malaman niyang hindi nanaman kami nagkakasundo ni daddy niya. Gagawin ko ang lahat maging safe lang ang anak ko sa mga taong may balak sirain ang buhay namin. Babalik din ako! Nagdusa man ako ngayon pero hinding-hindi ko hahayaan na sisirain pa nila ang mundo ko. Akala ni Cathlyn hindi ko alam ang totoo? Iyong binenta niyang ari-arian sa ibang bansa dati hindi pala alam ng mommy at daddy nila ni Alexander. At least meron na akong alas laban sa kaniya. Sa susunod pang manghimasok pa siya sa buhay ko, hinding-hindi ko na siya uurongan pa! Nagluto ako ng agahan at sinilip lan
Nagulat ang mga tao rito sa biglang pagsalita ni Cathlyn. Mas lalo akong kinabahan ng tumingin siya sa akin na para bang kulang nalang ay kakainin niya ako sa demonyo niyang tingin. Wala akong pakialam sa yaman nila. Nakaya kong buhayin si Andrea na ako lang mag-isa even the 500,000 money na binigay ni Mr. Fuentes ay hindi ko iyon ginalaw dahil may sarili akong fund pero ang siraan ako sa harap ng mga tao ay baka hindi ko kakayanin. Marami na akong masasakit na karanasan kailan ba ito matatapos? Nangatog ang tuhod ko sa sobrang kaba. Dahan-dahan kaming lumabas sa venue at hila-hila ko si Andrea ngunit bigla akong hinawakan sa braso... Ni Cathlyn. "Plan to escape?" saad niya sa mahinang boses. "How dare you to cross the line! You planned this, Cathlyn! Wala kang awa," madiin kong pagkasabi ngunit kami lang ang nakakarinig. Pakiramdam koy aatakihin ako sa kaba lalo na't nakatingin sa amin si Alexander. Dali-dali kong kinuha sa bag ang headset at inilagay ko sa tainga ni Andrea at i
Dahan-dahan akong bumaba sa kama at dinampot ang aking mga damit. Nag tip-toe ako papuntang comfort room at nagmamadaling magbihis ngunit pagbalik ko ng kama ay naka-upo na si Jordan. Matalas ang kaniyang tingin sa akin at nag evil laugh ito. "Hi! It's been a while, Thea!" "Can't believe this, Jordan! Ano ito? Ilang taon na ang lumipas bakit kapa nagpakita sa akin?" Bulyaw ko sa kaniya."Kailangan ko ng pera kaya heto! Pumayag ako." "Shit! Wala kang pinagbago. Pagkatapos ng lahat-lahat nagagawa mo na akong traydorin?" Tumaas ang sulok ng kaniyang labi at ngumiti ito. "Ikaw rin! Wala kang pinagbago. Kumapit ka sa bilyonaryo para umangat sa buhay!" Hindi ko napagilan ang sarili ko at nasampal ko si Jordan. Ayokong ipakitang nasasaktan ako pero tangina! Bakit?! Bakit ipinagkait sa akin ang kasiyahan? Ito na sana 'yon eh pero dahil diyan sa Cathlyn na iyan ay mawala lang ang lahat. Alam kong magagalit si Alexander sa akin. Biglang tumunog ang cellphone ko at pagtingin ko ay si Alex
umipas ang isang linggo, nag handa na kami para sa aming travel goals ni Andrea at kasama pa si Alexander. Ganito pala ang pakiramdam kapag bou kayo. "Saan kana?" "On the way na ako, I will fetch you and Andrea diyan mismo sa bahay niyo," sagot nito sa kabilang linya. Flight na namin papuntang Hongkong, I never thought that Alexander would join us to travel abroad. Dati ay pangarap ko lang na maigala si Andrea pero sobra pa ang dumating, naging okay kami ni Alexander at tinanggap pa siya ng anak niya ng boung-buo. "Mommy? I want to bring these." Turo niya sa mga laruan niya. "Anak, huwag kana magdala ng mga toys mo dahil hindi na kakasya sa maleta natin." "But mommy... Gusto kong kasama ko ang mga barbie doll ko sa pag travel. Unang abroad natin ito kaya gusto ko silang isama," pagpapaliwanag nito sa malambing na tono. "O siya, sige na. Basta iyang dalawang barbie doll mo lang dalhin mo." Aba'y gusto ba naman dalhin lahat ang barbie doll niya. Nasa sampu na nga itong mga barbi
Chapter 29 Napatingin si Alexander sa akin na para bang nagtataka ito. Tinaasan ko lang siya ng dalawang kilay habang naka ngiti. Pagtingin ko kay Andrea ay nakangiti ito habang nakapikit ang mata. Para bang kinilig siya sa kanyang sinabi. Humalik ako kay Thea at hinila si Alexander palabas ng kuwarto. Dali-dali kaming pumunta sa hardin kahit gabi na. "What happened? I mean, alam na niya? Paano? Sino nagsabi?" Hindi mapakaling pagtatanong nito. Taimtim akong tumingin sa kanya, hindi ko mapigilang ngumiti habang nangingilid ang luha. "Yes, nalaman na niya. Sinabi ko," diretso kong sagot kahit hindi naman talaga ito ang totoo. Niyakap niya ako ng mahigpit habang tumatanaw kami sa mga bituin. Bigla niyang naalala ang mga alaala namin dito seven years ago. "Dito tayo huling nag-usap," saad niya sa mahinang boses. "Oo nga, muntik ko narin sana sabihin sa'yo noon na buntis ako." "B-bakit hindi mo sinabi agad?""Gusto ko kasi dati na mapag-usapan natin sa lugar kung saan hindi ako m