(Ayesha)
HINDI kami nagtagal sa abandonadong bahay. Kinuha lang ni Zion ang malaking bag niya tapos naglakad na k
(Ayesha)“‘Tangina naman,” gigil na bulong ni Zion kaya napunta sa kaniya ang tingin ko. Sa isang iglap naisuksok niya ang cellphone sa bulsa, nakalapit sa akin at hinawakan ang braso ko. Hinila niya ako patayo kasabay ng paghablot niya sa bag na katabi ko. Dumausdos ang kamay niya mula sa br
(Zion)HINDI PA AKO puwedeng mamatay. Kumbaga sa pusa na may siyam na buhay, kung bibilangin ko ang ilang beses na akala ko malalagutan na ako ng hininga pero nakaligtas ako, mayroon pa akong tatlong buhay. Dalawa kung isasama ko ang muntik ko nang pagkatigok sa kamay ng mga letseng bandido na wala sa plano ko. Sino ba naman kasi ang mag-aakalang ganoon sila karami? Kung hindi ba naman ako tinamaan ng katangahan at naisip pang sugurin sila lahat kahit alam kong limitado sa dilim ang kapangyarihan ko dahil hindi naman nila makikita ng husto ang mga mata ko kapag madilim. Bakit hindi na lang ako tumakbo? Nabawasan tuloy ang reserba kong buhay. Na isa na lang kapag nakaligtas ako ngayong gabi. ‘Tangina talaga. May nakabaong bala sa braso ko. Mayroon din yata sa binti ko. Parang gripo ang sirit ng dugo ko sa bawat hakbang ko pero alam kong hindi ako pwedeng tumigil. Kapag naabutan nila ako, ayos lang sana kung papatayin na nila ako agad. Ang
(Zion)TUMUTUNOG ANG cellphone ko. Nag-ba-vibrate iyon sa bulsa ko. Nahihilo pa rin ako pero pinilit kong dumilat. Padapa akong nakahiga sa lupa. Ngumiwi ako. ‘Taragis, parang binibiyak ang ulo ko at namimigat ang braso ko na tinamaan ng bala. Kahit ang binti ko, matindi rin ang sakit. Lalo pang pinapasakit ang ulo ko ng tunog ng cellphone. Kaso kailangan ko sagutin.Ang hirap at mabagal pero nagawa kong ikilos ang braso ko na hindi sugatan at dinukot ang nakakabuwisit na gadget sa bulsa ko. Hindi ko na tiningnan kung sino ang tumatawag dahil isa lang naman ang nakakaalam ng numero ‘non. Nakangiwi kong nailagay sa tainga ang gadget. “Hindi kita makontak kagabi. Hindi kita nabalaan na may mga kinuha silang magagaling na agent para iligtas ang moon bride. Anong balita? Nakatakas ba kayo?” tanong ng boses sa kabilang linya.“Buhay pa ako,” sarkastikong anas ko. Natigilan ang kausap ko sa kabilang linya. Malamang narinig niya na habol ko ang paghinga ko at nahihirapan ako magsalita. “Nan
(Ayesha)AKALA ko kapag nakabalik na ako sa bahay namin makakalma na ako at makakatulog ng maayos. Mali ako. Sinubukan ko matulog pero hindi ko nagawa. Kaya umupo na lang ako sa harap ng study table ko at hinayaan kong nakabukas ang kurtina ng bintana para makatingin ako sa labas. Ngayon maliwanag na ang langit. Sumisikat na ang araw.
(Ayesha)“Magiging maayos ang lahat, Becky. Wala sa pamilya namin ang makakasakit sa inyo. We are not going to allow it.”
(Ayesha)Tumango si Cain. Hinawakan ko ang kamay ni mama at pinisil ‘yon para iparamdam sa kaniya ang suporta ko.
(Ayesha)SA UNANG pagkakataon mula nang una kong makita ng personal si Victor, ngayon ko lang talaga tiningnan ng maigi ang mukha niya. Alam ko na ex-fiancee siya ni mama at na siya dapat ang clan leader kung hindi nakipagtanan si mama kay papa. Pero nga
(Ayesha)Sandaling namayani ang katahimikan bago nagsalita si senator Gregorio Alpuerto. “Kalimutan na natin ang nakaraan. Hindi na natin maibabalik pa iyon. Walang Alpuerto ang ipinanganak na may ganoong kapangyarihan. Ang kailangan natin ngayon a
(Ayesha) HININTAY MUNA namin na talagang pwede na lumabas ng ospital si Zion bago kami humarap sa buong angkan ng Alpuerto. Mayroon din akong kailangan sabihin sa kanila bago ituloy ang ritwal. Kailangan nila malaman ang katotohanan sa likod ng kapanganakan ko. Kailangan nila malaman kung ano ang talagang mangyayari kapag ginawa ang ritwal ng pag-iisa sa gabi ng kaarawan ko. Katulad ng inaasahan namin nagulat ang lahat ng malaman ang nararamdaman namin ni Zion para sa isa’t isa. Pero dahil suportado kami nina Cain, Chance at sir Angus sandali lang sila nag protesta at nag-alangan. Pumayag din sila na kahit si Cain ang magiging clan leader, si Zion ang makakapareha ko sa ritwal. 
(AYESHA) HUMINGA ako ng malalim habang nakatitig sa pinto ng hospital room kung nasaan si Zion. Tahimik sa loob. Baka natutulog siya at ayokong makaistorbo kaya hindi na ako kumatok. Maingat kong binuksan ang pinto. Suminghap ako nang makitang hindi naman tulog si Zion. Katunayan wala siya sa kama. Nakatayo siya at nasa aktong nagsusuot ng itim na t-shirt. Nakasuot na rin siya ng maong na pantalon at sapatos. Nakita ko pa ang benda sa bandang tiyan niya. Mukhang kailangan na palitan ang gasa sa tagiliran niya dahil may nakikita akong bakas ng dugo doon. Nakita ko na nakalaylay sa kama ang dulo ng dextrose na dapat nasa likod ng kamay ni Zion. May bakas din iyon ng dugo. Halatang pinuwersang hatakin paalis sa balat.&nb
(Ayesha) PAPASIKAT na ang araw nang tuluyang maapula ang sunog. Sa kabutihang palad hindi kumalat sa ibang mansiyon ang apoy. Sa kasamaang palad, sunog na bangkay na nang ilabas si Ambrosio. Ni hindi na siya ipinakita ng mga rescuer at dinala sa punerariya na nakabalot ng itim na tela ang natira sa kanyang katawan. Walang burol na nangyari. Deretso cremation at silang pamilya lang ang dumalo sa libing. Hindi pinayagan ang kahit na sino na lumapit sa mansiyon. Dahil daw sa sunog hindi na matibay ang natitirang nakatayong bahagi niyon. Kaunting galaw guguho iyon. Sa makatuwid, hindi na talaga pwedeng tirhan at kailangan na gibain para mapatayuan ng bago. Dahil namatay si Am
(AYESHA)“Lumabas na tayo dito, Ambrosio. Lumabas tayong lahat na buhay. Huwag kang kumapit sa alaala ng patay na,” sabi naman ni senator Gregorio. Malumanay at nakikiusap ang boses.Nawala ang ngiti ni Ambrosio at nanlisik ang mga matang tumingin sa kapatid. “Patay na? Ganiyan mo na lang ituring si Rosario kahit na sinabi mong mahal mo siya noon? Ganiyan lang kababaw ang naging pagtingin mo sa kaniya? Tama lang pala na inagaw ko siya sa iyo!”“Minahal ko siya ng husto! Patuloy ko siyang mamahalin buong buhay ko. But more than the memory of her, I value the living more. Mahalaga sa akin ang pamilya natin. Mahalaga sa akin ang kasaysayan ng lahi natin na ngayon ay kinakain na ng apoy na ikaw ang may gawa! Sa kabila ng lahat ng nagawa mo noon at ngayon, kapatid pa rin kita at mas mahalaga ka rin sa akin kaysa kay Rosario. I want you to live. I want us to live. I want our bloodline to continue to exist in this world!” sigaw na ni
(Ayesha)MALAKING bahagi na ng buwan ang nakalitaw sa kalangitan. Kahit kanina pa kami nagkaharap ni Zion, mabilis pa rin ang tibok ng puso ko hanggang ngayon. Lalo na kapag naaalala ko ang mga sinabi at ginawa ko. Hinalikan ko siya. Hindi ako makapaniwala na may lakas ako ng loob na gawin iyon. Pero hindi ko napigilan ang sarili ko. Kahit anong sabihin ko, kahit gaano ko pa ipakita sa mukha ko ang nararamdaman ko, ayaw pa rin niyang maniwala. Ayaw niyang buksan ang isip niya. Ayaw niya akong papasukin sa harang na pinalibot niya sa sarili sa mahabang panahon bilang proteksiyon. Umakto ako base sa instinct ko. At kahit nahihiya ako, hindi ako nagsisis
(ZION)MADALING araw na ako nakabalik sa hotel. Kakatapak ko pa lang sa palapag na bayad ng tatay ko naramdaman ko na agad na may hindi tama. Mabilis ang kilos ng mga puppet ng tatay ko papunta sa elevator at malamang palabas ng hotel. May determinasyon sa mga mukha nila.May inutos sa kanila si erpats. Sigurado ako.
(ZION) “Zion.” Napalunok ako. “Bakit ba?”
(Zion)GUSTO kong magwala. Gusto kong manira ng kahit anong bagay na maabot ng mga kamay ko. Gusto kong lumabas sa kalaliman ng gabi, magpakalat-kalat sa pinakadelikadong kalsada sa kamaynilaan at maghanap ng gulo. Para lang may mapaglabasan ako ng kumukulong emosyon sa dibdib ko. ‘Tangina, sigurado ako may makabangga lang sa akin sasabog ako.
(Ayesha)ALAM naming lahat na huli na ang lahat. Mariing nakapikit si Cain. Biglang humagulgol. Parang nilamutak ang puso ko. Si Chance at Angus napatakbo para lapitan ang kambal pero natulak sila palayo ng pwersa ng kapangyarihan ni Cain. Si Zion naging itim na itim ang mg