AVA OLIVIA LEVESQUE a.k.a CIARA
Daig ko pa galing probinsya na may hawak na address at tinitingnan ko bawal block and street. “Ito po ba ang Clemenza Residence?” Tanong ko sa guard sa isang guard house. “Oo miss, anong kailangan mo?” Tanong nito sa akin. Pinakita ko ito sa kanya ang form ko. “Nag apply ka para maging chef sa mansion, sige pasok ka sinabihan naman kami Madam Amelia para sa anak niya..” paliwanag nito at pinapasok ako nito. “Salamat po manong,” pasasalamat ko at yumuko pa ako. “Wala yun, yung itim na bahay yun ang bahay na pupuntahan mo..” utos nito kaya naman tumango ako at nag lakad na patungo sa pupuntahan ko. Napa buntong hininga lang ako ng napansin ko na ang layo pala, nagpadala ako ng mensahe kay Bryant na dalhin ang motor ko. Tauhan ko ito at kanang kamay ko na rin. Hindi naman nag tagal nakarating na ako, namangha ako sa pagiging aesthetic ng bahay na ito dahil plain black lang talaga ito. “Gusto ko na mag duda..” bulong ko hanggang may nakita akong naka chef outfit. Huminga ako ng malalim dahil nakaramdam ako ng kaba. “Good morning po dito po ba yung bahay ng mga Clemenza?” Tanong ko. “Oo Miss, nag apply ka ba?” Tanong ng guard sa akin, tumango naman ako at agad nito ako pinag buksan ng gate. “Bago ka pumasok mag suot ka muna ng chef na damit niyo. Baka masabon sa loob, “utos nito kaya binaba ko ang gamit ko at kinuha ko sa loob ang damit ko. “Salamat po kuya guard!” Pasasalamat ko at yumuko ako bilang paggalang, tinuro sakin nito saan ako dadaan. HABANG NAKAPILA KAMI AT NAKATAYO ang iba kong kasamang chef ay halos babae kaming lahat. Iba naka makeup pa. Napa iling na lang ako at tumayo ako ng maayos. Pwede naman mag make up pero asahan mo lusaw yan mamaya kapag nag luto ka. Delikado din ito sa pagluluto, kaya dapat hindi sila nag aayos. Tinali ko lang ang buhok ko para hindi ito mahuhulog sa pagkain. “Isa lang ang gusto ipagawa sa inyo ni Sir Clinton yun ang Filet Mignon. Gusto nito ng lutuin niyo ito sa oven. But he want medium rare.. maliwanag?!” Tanong ng babaeng tingin ko ay mayordoma dito. “Opo!” Sagot namin lahat. Tinuro muna sa amin nito ang lahat ng pasikot sikot sa kusina. Kaya agad kami kumuha ng karne, “Narinig ko na picky eater daw si Mr. Clemenza tanging karne lang kinakain nito at hindi ito kumakain ng kanin.” Narinig ko na pag uusap ng dalawang babae sa likod ko. Kaya siguro may pa cooking showdown pa ito, mukhang hindi basta basta ang magiging amo ko. “Ma’am? Pwede po ba kami mag add ng iba sa pagkain ni Mr. Clemenza?” Tanong ko sa babaeng nag babantaya sa amin. “Oo wala naman sa rules ang plain meat lang. basta siguraduhin niyo na walang kanin..” bilin nito. Tumango ako at agad akong kumuha ng patatas at binalatan ko ito. Anim na patatas ang kinuha ko upang gawing Risotto. Gagawin ko ang Filet Mignon-Risotto, kumuha din ako ng asparagus at mabilis akong nag luto nilagay ko na ang karne sa oven. Sinet ko ito sa oras, hindi oras dito sa bahay na ito kundi sa oras ko mismo. Para makuha ko ang saktong lambot ng karne at the same time ay medium rare. Pinakuluan ko ang pataaas ng tatlong minuto, ng matapos agad kong nilagay sa cold water at binalatan ko ito. Doon ko na ito ginawang mash potato. Naglagay ako ng olive oil sa non-stick pan at nilagay ko na ang patatas hindi kailangan lagyan ng onion. Tulad ng tinuro sa akin ng mentor ko, kung walang white onion wag na itong lalagyan dahil tatapang ang lasa ng pulang sibuyas. Matapos nito nag hiwa at nag linis na ako ng Asparagus at sa bukod na pan hinandan ko na ito lahat. Napa lingon ako ng makita ko ang taas ng apoy sa kabila. “Leave it! Leave it!” Utos ko at iniwan ko muna saglit ang ginagawa ko at nag titili na ang mga babae na kasama ko. Kinuha ko ang puting towel at binalot ko sa braso ko at agad kong inalis ito tiniis ko ang init ng hawakan ng mailayo ko. Pinatay ko ang apoy. “Use another pan, you can use a non-stick pan..” mahinahon kong suhistyon at binalikan ko ang niluto ko. Saktong time na para kunin ang karne. Kinuha ko ito at pinag pahinga ko muna, hinalo ko ang Risotto, nag tungo ako sa ref nila at kumuha ako ng Parmesan para sa Risotto ko. Ito ang favorite ko na klase ng Risotto bukod sa patatas ito ay mabigat pa ito tyan para ka ng kumain ng kanin. Hinawakan ko ang karne at nang makita ko na nag cool down na ang temperature ay agad kong binuksan ang apoy at naglagay ako ng olive oil at doon ko lulutuin ang Filet Mignon. Nang mainit na ang pan nilagay ko ng dahan dahan ang karne. Muli akong tumingin sa orasan ko sa pambising ko at tinikman ko naman ang Risotto ko at napa tango ako ng malasahan ito at masasabi ko na masarap na. Pero nilagyan ko pa ito ng kaunti pepper and salt pa at hinalo ko muli. Matapos nito binalikan ko ang Filet Mignon ko at binaliktad ko na ito upang mag pantay ang luto. Hinawakan ko ito at alam ko na nakuha ko na ang tamang luto. Mahirap ito sa akin dahil hindi ako expert sa karne pero sa tuwing nag luluto ako, lahat ng sinasabi ng aking mentor ang naalala ko. Binalikan ko ang Risotto ko at tinikman ko ulit. Agad kong pinatay ang apoy at kumuha na ako ng malinis na white plate. Pinunasan ko muna ito, napa lingon ako ng makita ko yung babae kanina. “Napa mabusisi mo kanina pa kita pinapanood. Alam mo ang gagawin mo at kailan mo babalikan ang niluluto mo..” puna nito. Ngumiti lang ako ng tipid at nag plating na ako. Binalikan ko ang karne at nag lagay na ako ng butter at rose marry para bumango at ang Asparagus. Matapos ko niluto ko muna ang gulay bago ko alisin ito. Nakita ko ang mga babae na nag plating na rin. Sakto lang pala kaming lahat. “Magugustuhan ito si Sir Clinton, sure yan!” Narinig kong wika ng babae. Matapos nito hiniwa ko muna ang karne para kakainin na lang, nang makita ko ang luto napa ngiti ako dahil nakuha ko ang medium rare. May mga tao talaga na mas gusto nila ay may nalalasan pang dugo sa karne. Minsan gusto ko ito minsan ayoko, but sa loob ko natatakot ako paano kung hindi magustuhan? “Haist bahala na..” bulong ko at nang matapos ako inayos at nilinis ko na ang pinag lutuan ko. Ni-isa wala akong naiwang na kahit anong dumi maliban sa hugasin. Alam ko naman na sila ang gagawa niya mamaya. “Lahat ng dish niyo ay ilagay niyo nasa malaking mesa sa likod pababa na si Mr. Clinton..” utos ng Mayordoma ng mansion na ito at binalingan nito ang katulong na babae din. “Sumunod po kayo sakin..” utos nito at nag lakad na ito. Dahil nasa unahan ako nauna akong sumunod dito. “Sabi nila gwapo daw si Sir Clinton..” narinig kong wika ng babae sa likod ko. “Malamang gwapo din ang ama niya, kaya sigurado mas gwapo yun saka maganda si Ma’am Amelia,” sagot ng kasama nito. Huminga na lang ako at umiling nag lakad na lang ako mg maayos. Hindi ko naman habol ang mukha ng amo ko, at hindi ko din kilala ang mga Climenza wala akong oras para dyan. Mas gugustuhin ko pa mag hanap ng trabaho para mabuhay. Pag labas namin nakita ko ang pangalan ng dish at pangalan ko din sa table ibig sabihin doon ilalagay ang dish na niluto namin. Kung tutuusin pare-pareho lang naman ang sinuluto namin. “Bawat pangalan niyo doon niyo din ilalagay ang mga pagkain niyo na niluto..” utos ng babaeng katulong. Tulad ng nasa isip ko ay tama ako. Nilagay ko na ang akin at sinabihan ako kung saan ako tatayo. Nilibot ko ang paningin ko sa paligid masasabi nasa hardin kami may pool sa hindi kalayuan. Meron ding Gazebo at ang isa ay meron maliit na golf course dito. Malawak ang likuran nila tingin ko kaya ang labinlimang kotse sa lawak nito o higit pa. Nang ibalik ko ang tingin ko sa harap nagulat pa ako ng may mala-kapreng tao ang nasa harap ko mismo. “Done analyzing ny yard?” Naka ngisi nitong tanong sa akin. Nilingon ko ang paligid ko at binalik ko ang atensyon ko dito saka ko ito nginitian na pinaka ayaw ko gawin. “Namangha lang po, paumanhin..” pag hingi ko ng paumanhin. Tiningnan lang nito mula ulo hanggang paa at naglalakad na ito. “Isa isa ko ito tigikman kapag ayaw ko? Diretso sa trash can. Maliwanag?” Wika nito kaya lahat kami ay sumagot. Tulad ng sinabi nito tinikman niya isa isa ang pagkain na hinain sa kanya. “I said medium rare not raw!” Dumadagundong ang boses nito ng mag taas ito ng boses. Tinapon nito ang pagkain diretso sa basurahan na kina iyak ng nag luto. Gusto ko suntukin ito pero mali din ang nag lutong chef dahil malinaw ang sinabi na medium rare at hindi raw. “Thit one? Maybe this still moving it’s bloody raw!” Sigaw na naman nito na kina pikit kona lang. Umiyak na umalis yung babae ito yung kanina na babae na umapoy ang buong stove niya. Hanggang sa akin na at talagang inisa isa niya ang bawat parte kahit ang Risotto ko. “Potato Risotto? Who did this?” Tanong nito, natakot naman akong mag taas ng kamay. “Manang?” Tanong nito agad nag lakad ang babae at nag tungo sa harap. “Siya po sir,” turo sa akin nito na kina yuko ko. Tiningnan ko nito at tinikman nito, ramdam ko ang kabog ng dibdib ko sa pag tikim nito. “I like this one, it’s very tasty. Mas lalo sa katulad ko na hindi kumakain ng kanin.” Sagot nito na kina luwag ng hininga ko. “Mamang paki tapon na ang lahat na ito, and you miss Ciarra? Sumunod ka sa akin, hindi ko na titikman ang iba ninyong niluto I already saw that using may two own eyes..” malamig nitong utos at paliwanag na kina nganga ko. “Sumunod kana Hija, huwag mo siyang pag hintayin. Huwag kana magtaka kung hindi na niya tinikman ayaw niya masira ang panlasa niya..” pabulong na paliwanag nito. Napa ngiwi naman ako at agad akong sununod sa lalaki, nakakatakot pala ang lalaking ito. Sumunod lang ako hanggang pumasok ito sa isang Titanium Door, natakot ako pumasok hanggang mag salita ito. “Pumasok kana, ayoko may nakakarinig ng sasabihin ko..” utos nito kaya nag madali na ako pumasok at ako na din nag sara. “First tanggap kana. I’m Clinton Mathew Howard Clemenza. So ikaw si Ciarra Savannah Corpuz?” Tanong nito habang hawak ang resume ko. “A-ah opo ako nga po. Salamat po sir.” Pasasalamat ko at inabot sa akin nito ang isang gray folder na may CLZ na logo sa likod at binuksan ko ito. “Huwag ko muna pirmahan ngayon. Basahin mo muna at bukas bumalik ka dito ar doon natin pag uusapan ang tungkol dyan maliwanag?” Utos nito. Kaya wala akong nagawa kundi tumango. “Okay po sir, klaro po.” Yumuko ako matapos ko sumagot. “You may go now, but bukas you will stay here at Clemenza Residence and house starting tomorrow..” deklara nito kaya naman tumango na lang ako at umalis na dito. Inalis ko muna ang chef dress ko at sinilid ko sa bag ko. Nakita ko pa ang mga katulong na naglilinis ng kusina. Lumabas na ako para umuwi na ng bahay para sabihin ito kay Tita Mynerva. Pakiramdam ko? Nakakasakal maging amo ang mga Clemenza, yun lang ang nakikita ko, walang biro.AVA OLIVIA LEVESQUE a.k.a CIARA PAG UWI KO NG UNIT ko wala na akong naabutan, binaba ko muna ang hawak kong paper bag na may lamang ulam. Pagdating ko sa mesa sa kusina nakita ko ang sticky note sa glass table. Kinuha ko ito at binasa ng malakas. “Ava. Umalis na ako alam ko kasing matatanggap ka, dala ko ang mga alaga mo dahil alam ko din na ipapa alaga mo ito sa akin. Kung day off mo naman sana umuwi sa San Mateo ingatan mo sarili mo. Tita.” Basa ko dito at ngumiti ako at umiling. “Tulad ng alam ko, gagawin talaga ito ni Tita..” wika ko at kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko at nag padala ako ng mensahe dito at sinabi ko na natanggap ako. Yung bahay ko? Okay lang yan ako na may ari nito. Uuwi na lang ako kapag sunday mag papa-alam ako sa boss ko para malinis ko naman dito. Matapos ko gawin ang dapat kong gawin, bago ako bumalik sa bahay ng mga Clemenza ay nag linis muna ako ng buong unit ko. Nang matapos ako sa lahat lahat, lahat ng pagkain ko sa ref tulad ng mga de la
AVA OLIVIA LEVESQUE a.k.a CIARA HINDI NAGTAGAL PINATAWAG NA AKO ni Sir Clinton kaya naman umakyat na ako sa ikalawang palapag diretso sa opisina nito. "Salamat po, manang.." pasasalamat ko at umalis na ito. Kumatok naman at hinintay itong sumagot. "Come in.." utos nito kaya binuksan ko na ang pinto. Bumungad sa akin ang mukha ng Fiance ni Sir. Clinton na hinayaan ko na lang. Yumuko ako bilang paggalang sa amo ko. "Nabasa mo na siguro ang laman ng kontrata at mga hindi mo pwedeng gawin diba?" tanong nito agad. "Yes sir, wala naman akong plano na ala Cinderella story dito sa bahay mo at ang kontrata ko lang naman ay isang taon.." pag sagot ko dito. Tiningnan ako nito ng matalim kaya ngumisi ako. "Yung nangyari sa bar kagabe hangga't maaari ayoko na malalagay ka sa mga ganung gulo. Mas lalo nag ta-trabaho ka sa pamamahay ko.." utos na naman nito "Bakit Sir? Labas na kayo doon at kahit kailan hindi ko naman sinasabi sa mga kaaway ko ang tungkol sa personal na bagay. Sino ba
AVA OLIVIA LEVESQUE a.k.a CIARRA Nang mag gabi narinig ko na magkaroon sila ng inuman dito sa mansion. Kaya nag paluto ito ng beef and pork para sa maliit nilang pulutan. Habang naghihintay ako maluto ang smoke chicken na gusto ni Sir Steve naka sandal ako at naka titig sa grilled. “Hi, hindi pa ako naka pag pakilala. I’m Charles Antonio..” napa lingon ako dito at nakipag kamay. “Ciara or Savvy na lang po..” pakilala, tinatamad na ako mag pakilala pa ng mahaba. Ngumiti ito at umupo sa metal na upuan dito. Hinayaan ko na lang ito hanggang mag salita ulit ito. “Alam mo curious ako kung sino ka? Kasi ang pinakita mo sa Bar? Hindi basta basta yun.. yung lalaki na kinalaban mo? Tatay niya ang mayor ng lugar.” Tiningnan ko naman ito. Nagkibit balikat ako at pinay-payan ko ang inihaw ko bago mag salita. “Wala akong pakialam, tulad ng sabi ko ano man ang gawin akin ng taong ‘yun lalaban ako. Hindi naman ako kailangan makilala ng mga tao bilang personal chef ng amo ko, no need trabaho ito
AVA OLIVIA LEVESQUE a.k.a CIARRA Lumabas ako ng bahay ni Sir. Clinton dala ko ang jacket ko na kulay royal blue. Saktong pag labas ko nakita ko ang buong pamilya nasa labas. Hindi pa ako official na ang papakilala sa pamilya pero mas okay na hindi na dahil ayoko maalala nila ako matapos ang kontrata ko. “Chef? Halika ipapakilala kita sa aking asawa..” tawag sa akin ni Ma’am Amelia. Napa hinga ako ng malalim at binaba ko muna ang dala ko at nag lakad ako ng tahimik. “Anong damit yan? Parang hindi ka naman babae!?” May halong pandidiri na wika ni Britney. Binalingan ko ito at nag salita. “Pakialam mo ba? Ikaw ba nagsusuot?” Tanong ko dito na kina singhap nilang lahat. Yumuko ako at para magbigay ng galang. “Magandang gabi po, Mr. And Mrs. Clemenza..” malumanay kong bati. “Napaka bastos ng chef na ito, Amir?” Angal ng isang lalaki, mukhang ama ito ni Britney. Pero wala parin akong pakialam, “My son’s chef is right. Magandang gabi din hija,”nakangiting bati si Sir. Amir. Imbes na
AVA OLIVIA LEVESQUE a.k.a CIARRA KINAUMAGAHAN MAAGA AKO BUMANGON at nilagay ko ang sniper ko sa sasakyan ko at doon ito tinago. Saktong pag pasok ko habang nag uunat ako at pinapatunog ko ang leeg ko, pababa na naman ang mga Clemenza at ang Fiancée ni sir Clinton. Yuyuko na sana ako ng pigilan ako si Don Amir. “Don’t hija, chef ka dito hindi ka katulong..” utos nito kaya tumayo na lang ako tuwid. “Good morning po, ready na po ang agahan..” malamig kong bati at wika sa kanila. “Sumabay ka na samin,” naka ngiting aya ni Donya Amelia. Umiling ako agad, “Nauna na po ako kumain, naka handa na po ang pagkain kumain na po kayo mag palit lang po ako ng damit ko.” Sagot ko. Nakita ko na ang nagtataka nilang tingin sa akin hanggang lumipat ang tingin ko kay Sir Clinton na naka tingin sa hinaharap ko. Oh well, wala kasi akong suot na bra. Yumuko ako at tumalikod na ako sa kanila at nag lakad na lang ako. Nilagay ko pa ang dalawang kamay ko sa bulsa ng suot kong jogger pants. CLINTON MA
AVA OLIVIA LEVESQUE a.k.a CIARRA Nakipag titigan lang ako sa lalaki na may hawak na patalim. “Tama na yan, halika na Ciarra.” Hinila agad ako ni Mrs. Clemenza na hinayaan ko na lang. “Susmaryosep kang bata ka? Saan ka ba humahatak ng tapang? Mas matanda yun sayo hindi yun magandang gawain..” sermon ni Mrs. Clemenza, dahan dahan ko inalis ang kamay ko sa kamay nitong naka hawak sakin. “Tulad po ng sabi ko wala na po akong pakialam doon..” sagot ko at dumistansya na ako. I don’t like when people give me a sympathy look or affection, hindi ko gusto ang ganung bagay mas gusto ko pa rin na trabaho lang walang personalan. “Halika, mag aral ka din bumaril hija para kahit papaano kapag nag ka gipitan marunong ka ipagtanggol ang sarili mo..” aya sa akin ni Donya Amelia “Kutsilyo lang ang kaya niyan hawakan!” Natatawang wika ni Britney “Stop it, Britney! Muntik kana nga mawalan ng leeg kanina sige ka parin pang aasar!” Narinig kong suway si Sir Clinton sa haliparot niyang fiancee. Tumay
CLINTON MATHEW HOWARD CLEMENZA “Ito lang ang nakuha kong info, sa bago mong Chef.” Wika ni Charles ang kaibigan ko. “Bakit mo pala ito pina-imbestigahan?” Tanong ni Steve na naka upo pa ito sa gilid ng mesa ko dito sa aking opisina. “Naghihinala lang ako, alam ko nakita ninyo paano ito humawak ng baril. Tanging bisaha lang ang makakagawa ng one hand.” Sagot ko at binuksan ko ang puting folder. And.. “Ciara Savannah Corpuz, 26 years old, graduated in culinary and business administration..” basa ko sa information nito. Hindi ko ito nakita noon sa resume nito noon. “Nag tapos siya ng dalawang course ng sabay sa loob ng apat na taon. Meron din itong plus 2 years sa college dahil sa umiiral na curriculum ng bansa.” Wika ni Charles. “What? Two course sa apat na taon? Buti buhay pa siya?!” Hindi makapaniwala na tanong ni Steve. “Kung nag business ads siya bakit hindi na lang siya nag tayo ng sarili niyang restaurant? O business?” Tanong ko. “Tama ka, yun din ang pinag tataka ko si
AVA OLIVIA LEVESQUE a.k.a CIARA Nang makita ko may isang motor na tumabi sa amin, “Kuya bagalan mo! Kayo po yuko lang ako na bahala! Tapos kuya kapag sinabi ko bilisan ko gawin mo agad!” Utos ko sa kanilang lahat. “Okay po!” Sagot ni manong driver. Tingin ko natatakot din ito, “Ngayon na!” Utos ko at nang bumagal binuksan ko ang pinto at sinalubong ko biglang sipa sa mukha nito humawak ako sa mismong hawakan ng pinto sa itaas nito. Pag balik ko sa loob umupo na ako sa tapakan at kinuha ko ang baril ko at pinagbabaril ang naka motor. “Ciara!” Narinig kong tawag sa akin ni Donya. “Bryant? Tamaan mo mga gulong nila!” Utos ko at pumasok na ako. “Parating na sila Clinton at Charles..” narinig kong wika ni Donya Amelia. “Hindi sila aabot, mukhang kayo po ang habol nila. Ang kailangan natin ngayon ay labanan sila kaya ko naman..” sagot ko at nag re-load ako ng bala sa 45 caliber. “Kuya palit tayo ako na mag drive..” presinta ko, nagulat pa ito. “Pero kumapit kayo ng maigi.” Dag dag
AVA OLIVIA LEVESQUE LAST POV * AFTER ONE WEEK * Isang linggo ang lumipas matapos ang nangyaring tapatan namin ng mga Clemenza, Madden at Dimagiba. Nanatili ako sa hospital dahil sa mga natamo kong sugat. Ngayon ang araw na lalabas na ako, nag aayos na ako ng gamit para lumabas na ng hospital. Kung anong nararamdaman ko? Hindi ko alam kung masaya ba ako o hindi, dahil lahat ng nangyari nagawa ko naman ngunit may natitira pa. Pero tama si Boss Flame ang walang kasalanan huwag mo ng idadamay. Idadamay ko lang sila kung nag mamatigas pa sila. Sa ngayon hindi ako pwede gumaya sa mga kalaban ko na walang tinira sa akin. Kung ang Tita Mynerva ko naman ang tatanungin niyo, inilagay ito nila Brent at Barbie sa maayos na libingan. Pero under observation si Britney ng mga Lavistre, inutusan ako ni Boss Flame na matapos ang gulong ito at maka recover ako kailangan ko na sumunod sa Russia upang mag undergo ng training. Babalik ako ng Pilipinas kapag natapos ko ang 6 months training ko para
THIRD PERSON POV “Akala ko hindi kana tutupad sa upasan, Mrs. Dela V——” agad pinutol ni Flame ang pag tawag sa kanya ni Donya Amelia gamit ang apelyido ng asawa. “Miss Lavistre. Hindi ako papayag na tawagin niyo akong Dela Vega mas lalo kung isa akong mafia ngayon. Hindi ko babahiran ang apelyido ng asawa ko at pamilya ng asawa ko..” mahaba at ma-awtoridad na sagot ni Flame. Tinapunan pa nito ng malamig na tingin ang Donya. “O-okay sige..” nauutal na sagot na lang nito. “Tutupad ako marami lang kailangan baguhin sa plano..” sagot ni Flame sa Donya habang naka upo ito. “Danny, itigil mo ang sasakyan. Dalhin mo sila sa Underground,” utos ni Flame “Yes boss..” sagot ng pinagkakatiwalaan nitong driver. Nang itigil na ang sasakyan bumaba na agad si Flame at hinayaan na silang maka alis ng hindi ito nililingon. Inangat nito ang mask na suot nito at nag lakad na ito patungo sa kabilang kalsada. “Siguraduhin niyo na magawa ni Ava ang lahat ng gusto niya bago niyo tapusin silang lahat
THIRD PERSON POV Umupo ang dalaga si Ava loob ng control room ng maliit na resort na ito. Habang may hawak itong 45 caliber, “Pinag tatago po sila tapos pinapanood mo naman sila?” Tanong ng tauhan dalagang si Ava at kaibigan na rin na si Federick Lewis. Nilingon ito ng dalaga bago mag salita. “Mas mainam na ito para hindi sila maka takas, hawak na ba natin ang buong control sa lahat dito?” Tanong ng dalaga dito. “Oo mabuti sinabi ni Boss Flame na dito kayo pupunta, pero paano niya nalaman yun ng hindi man lang nakaka kuha ng information?” Malaking pag tataka ng binata sa kilos ng kanilang bagong amo. “Alam niya, si Donya Amelia ang nagsasabi sa kanila ng kilos ng asawa niya..” sagot ng dalaga na kina singhap ng hangin ng binatang kasama ni Ava. “Kahit ang isa sa mga katulong mga Clemenza ay tauhan din ni Boss Flame, si Ate Tery isa siyang Secret Agent. Pamilyar sayo si Agent Freyah Knoxville? Kasamahan niya ito..” paliwanag at pagtatanong ng dalaga sa kanyang kasama. Ngumisi nam
AVA OLIVIA LEVESQUE a.k.a CIARA “Ikaw ang dahilan bakit nawalan ako ng pamilya!” Wika ng isang lalaki sa speaker. Ngumisi ako at ang salita habang ang retaso na pinunit kong damit at binalot ko sa kamao ko. “Masaya ba? Masarap ba sa pakiramdam o masakit?” Tanong ko dito, Natawa lang ako at umiling. “Masaya bang mawalan ng pamilya? Makitang nasusunog ang asawa mo at anak? Buti nga tinira ko pa mga katulong mo..” pang aasar ko dito at kinagat ko ang dulo ng tela ng damit ko at mahigpit kong tinali ang kamao ko. “Hayop ka! Papatayin kita!” Pag babanta nito. Nilingon ko si Clinton, ito ang huling beses na magiging mabait ako. “Clinton? Alisin mo sila dito dahil papatay ako ng brutal ngayon..” utos ko dito ng hindi ito nililingon. “Sino ka para utusan ang apo ko?!” Tanong ni Don Martino. Tinutukan ko ito ng baril sa mukha. “Sasabihin ko kung anong nararapat niyang gawin, ayoko pa kayo mamatay dito. May oras kayo..” diretso kong sagot at malamig kong sagot dito. “Umpisa na ng hindi
AVA OLIVIA LEVESQUE a.k.a CIARA *FlashBack* “Gusto mo na pumayag ako sa kasal? Paano kung irehistro nila yan? Paano ako?” Tanong ko kay Boss Flame. Umupo ito at humarap sa akin. “Trust the process, Ava hindi naman namin ikaw pababayaan dito. Kahit irehistro nila yan kami ang bahala sa bagay na ‘yun..” sagot ni Boss Flame sa akin. “Ang dahilan lang naman bakit naman ikaw pinipilit na pumayag, dahil kailangan mo ilabas si Donya Amelia at mga katulong doon, lahat sila inosente kung kami pa ang kikilos mamatay silang lahat hindi kami mahilig umatras, alam ko naiintindihan mo ‘yun..” paliwanag ni Boss Thunder. Napa tingin naman ako kay Boss Vlad ng ito naman ang mag salita. “Naiintindihan mo naman siguro diba? Hindi kakayanin ni Agent Shantel ito mag isa lang siya doon. Gumawa ka ng paraan para lumayo sila sa mansion at kikilos kami ng palihim..” pagtatanong at paliwanag ni Boss Vlad sa akin. “Kailangan niyo ba talaga sila ilabas sa mansion? Kaaway ko din sila..” tanong ko sa kanila.
CLINTON MATHEW HOWARD CLEMENZA Hindi mawala sa isip ko ang nangyari dalawang araw na nakaka lipas. Pinilit ko naman kunin si Charles pero hindi talaga ito sa amin binigay kahit anong gawin ko. “Babe, tikman mo ito..” wika ni Britney. Tinapat nito sa labi ko ang cake sa pero tinabig ko ito at tumayo ako. “Walang kasal na magaganap!” Anunsyo ko at nag lakad na ako pero biglang nag salita si Lolo. “Umupo ka at itutuloy natin ang kasal bukas na ito! Minadali na nga ito!” Utos ni Lolo kaya humarap ako at sinugod ito. Kinuha ko ang knife para sa cake at tinapat ko ito sa leeg nito bago ako mag salita. “Ngayon natatandaan ko na ang nangyari hinding hindi na ako susunod pa sa inyo! Tigilan mo ako, pakakasalanan ko kung sino ang gusto kong pakasalan! Desisyon ko yun!” Galit kong sagot dito, nakita ko pa na nanlaki ang mata nito kaya naman sinamantala ko ang pagkakataon na yun at umalis na ako. Ngunit sumunod si Britney sa akin at nag salita. “Bakit sa tingin mo magugustuhan ka ni Ciara sa
CLINTON MATHEW HOWARD CLEMENZA “Anong sabi mo kuya? Si Chef Ciara ay isang Levesque?!” Gulat na tanong sa akin ng kapatid kong si Krystell. “Paano nangyari na hindi man lang natin napansin ito?” Tanong ni Kayzee. Naka lingon ako ng tumayo si Britney. “At pinapasok niyo pa siya sa mansion! Mamaya espiya siya!” Wika ni Britney. “Imposible na espiya siya sino naman ang amo niya?” Tanong ng nakaka bata kong kapatid na si Kayzee. Nahuli ko pang inirapan ni Britney si Kayzee. “Duh, espiya baka kumukuha na siya ng information tungkol sa inyo! Para magamit niya yun sa pag ganti niya.. mag isip ka nga!” Asik ni Britney. Sinamaan ko ito ng tingin at agad kong sinuway. “Britney! Huwag mo kakalimutan na kapatid ko yan..” paalala ko dito na agad naman nito kina tikom. Umirap lang din ito at padamog na umupo sa pang isahang sofa. “So, anong plano ngayon na alam na natin na matagal ng nag ta-traydor yang Ciara na yan?” Tanong ni Britney sa akin. Huminga ako ng malalim at pinag laruan ko ang
AVA OLIVIA LEVESQUE a.k.a CIARA AGAD KONG TINAPAKAN ANG BREAK ng motor ko ng may humarang na sasakyan sa harapan ko. “What the fuck?!” Mura ko at agad akong bumaba sa motor ko at bumaba din ang driver ng sasakyan. “Ano ba problema mo?!” Sigaw ko dito. Hanggang bumaba ito at namukhaan ko ito. Nag salubong ang kilay ko ng makilala ko ito ng tuluyan. “Tita Mynerva?!” Gulat na tawag ko dito. Masama ang tingin nito sa akin. Nagulat parin ako kahit malinaw na sa akin ang ginawa nito. “Sana hindi na lang kita binuhay!” Sigaw nito habang nag lalakad ito palapit sa akin. Nasa gitna kami ng highway kung saan maraming tao. Hanggang may ilabas itong Axe at agad akong tatamaan sana nito na kina iwas ko agad. “Ikaw pa ang may ganang magalit sakin?! Ikaw ang may kasalanan ng lahat!” Pagtatanong ko dito at paninisi ko. “Hindi ko gagawin yun kung binigay lang sa akin nila Mommy ang kumpanya na gusto at mana na gusto ko!” Sagot nito. Umiwas ako muli tinamaan naman ang side mirror ng sasakyan nit
AVA OLIVIA LEVESQUE a.k.a CIARA Sa hindi ko inaasahan na pagkakataon. Kaharap ko ngayon ang punot dulo ng gulong ito. Ang mga Clemenza at ang Tita Mynerva ko. In one frame. Naka mask ako at iniba ko ang kulay ng mata ko, sinunod ko ang utos ni boss Flame na baguhin ang pisikal kong anyo pansamantala. Habang nag pe-play ang video ko kung saan nag salita na ako tungkol sa isyu na binabato sa akin. Kahit totoo ito kailangan maging malinis parin ako hanggang dumating tamang oras. “Totoo nga na buhay pa ang isang Levesque..” wika ni Don Martino. Tiningnan ko ito ng malamig at nag salita ako. “Oo, bakit hindi kayo mag pasalamat sa pinagkakatiwalaan niyo? Binuhay ako ng mahal kong tita..” sagot ko na kina lingon nila kay Tita Mynerva. Ngumisi ako sa ilalim ng mask na suot ko. Pero ang pinag tataka ko minsan ko na sinabi sa kanila na ang Tita ko ay si Tita Mynerva pero bakit parang wala silang nakukuhang clue? Hindi ganun ka hina ang utak nila para hindi ito mapansin, kahit siguro bata