Galit siyang nilingon ito, "Gusto mong marinig? Oo! Dahil simula ng makilala kita, hindi ko na rin kilala, ang sarili ko! Galit na galit ako sa sarili ko, to the point na gusto ko ng tanggalin, itong puso ko sa loob ng dibdib ko, upang hindi ko na maramdaman ang ganitong klaseng pakiramdam!""Bakit, ikaw lang ba? Tangina nagsisisi ako kung bakit pa kita binili! Ang tahimik ng buhay ko, pero ginulo mo, Jayna!"Nanlalabo ang mga mata ni Jayna na lumingon sa asawa, "Kung ganun, bakit hindi mo na lang ako pakawalan!? Bakit mo pa ako pinakasalan!? Bakit ako, ang kailangan magbayad sa kasalanan ni Niel, sayo!?""Gusto mong umalis!? Gusto mong makalaya, upang makabalik kay Neil? Sige!, umalis ka! Tangina, kaya kong mabuhay kahit wala ka!" Sigaw ni Allaric, ngunit nahihirapan din ang kalooban niya, sakaling aalis nga, ang asawa niya.Tuluyan ng bumagsak ang mga luha ni Jayna, dahil sa sinabi ni Allaric, durog na durog ang puso niya, dahilan upang muli niyang sinuntok ang salamin, "Ahhh!" Halo
"Sweet angel, aalis muna ako ha, my pupuntahan lang kami ng mga tauhan ko galing America." Pagpapaalam ni Allaric kay Jayna, habang sinasalinan niya ito ng ulam. Kasalukuyan silang na-almusal at nahalata niyang wala sa mood ang asawa. "Ano oras ka uuwi?" Tanong ni Jayna, na halatang nagtatampo."Hmmm, uwi din ako kaagad, dadaan pa kasi ako sa opisina, dahil may business meeting pa ako mamaya sa bagong investors ng Santillan Airlines.""Mabuti naman kuya, naisipan ng Santillan Airlines na mag invest sa kumpanya. Ang lawak din kasi ng network nila eh. Si Nicole Santillan ba ang ka business meeting mo mamaya? Ah, kaya pala nag invest eh, matagal na kayang may gusto sayo yang CEO ng Santillan Air…."Hindi natapos magsalita si Adira, dahil ramdam na niya ang pagdilim ng anyo ng kanyang kuya, habang nakatingin sa kanya. Napabilang ang tingin niya kay Jayna, at napansin niyang lalong hindi maipinta ang mukha nito. Parang gustong tirisin ni Allaric ang kapatid dahil sa kadaldalan ng bungang
Pagdating sa kanilang silid, maingat na pinahiga ni Allaric ang asawa sa kama. Hinubad niya ang sexy knitted dress na suot nito. Pinipigilan niya ang sarili na huwag magalit, habang sinimulang punasan ng maligamgam na face towel ang katawan ng asawa. Hindi niya alam kung ilang mga mata na ang nakakita ng dibdib at singit ng asawa niya dahil sa suot nitong damit. "Allaric, babe, sorry.." Agad siyang natigilan dahil sinabi ng kanyang asawa. Nakapikit pa rin ang mga mata nito habang nagsasalita."Sorry for what?" Parang galit pa rin niyang tanong dito, hindi niya alam kung nananaginip lang ba ito."Kung nagalit kita. Nagseselos kasi ako," sumilay ang ngiti sa labi niya, at pakiramdam niya, nawala lahat ng galit sa loob ng dibdib niya.Matapos niya itong bihisan ng pagtulog na damit, hinalikan niya ang noo nito. Sakto naman, narinig niya itong may binubulong."Niel, Niel, nandito na ako,"Hindi niya alam kung ano ang maramdaman niya sa mga oras na ito. Akala niya, lubusan na niyang inang
Dalawang buwan ang nakalipas, simula ng huling paglalasing ni Jayna, at ito na naman sila, muli na naman na nag-aaway ni Allaric, dahil naabutan na naman niya nitong naglalasing. Hindi nga ito pumunta sa bar sa labas, ngunit halos maubos naman nitong inumin ang kanyang wine na stock. Nadagdagan pa ang galit niya dahil naabutan pa niya itong humihithit ng sigarilyo. Hinablot niya ang sigarilyo sa kamay nito at inapakan."Ano bang problema mo, bakit ka naglalasing huh!?""Tinanong mo kung ano ang problema ko? Wala akong problema! Gusto ko lang mag-enjoy!""Mag-enjoy? Tingnan mo nga ang sarili mo? Akala ko ba pinag-usapan na natin to? Sumama lang ako kanina kay Nicole upang tingnan ang bagong project namin, pag-uwi ko, nagkaganyan ka na! Gusto kitang isama kanina, ngunit ayaw mo naman. Alam mo, napapansin ko, nitong mga huling araw, hindi na kita maintindihan!" Puno ng galit ang mukha ni Allaric, habang nakatingin sa sitwasyon ng asawa. Kinuha niya ang baso ng alak sa kamay nito at galit
Namumula ang mukha ni Jayna sa sobrang hiya ng napagtanto ang ginawa niya. "Talaga bang ako ang may gawa nito sa kanya?" Sa loob-loob niya. Ngunit bakit ngayon pakiramdam niya, andyan pa rin ang pagnanasa at panggigil niya ng pasadahan ng kanyang mga mata ang mapang-akit na mga muscles nito, at limang pakete ng abs at…."Sweet angel, ayoko ng mga ganyang klase ng tingin mo, pagod na ako." Kinakabahan na wika ni Allaric nang mapansin na naman ang pagnanasa sa mga mata ng kanyang asawa. "Tanggalin mo na ang mga tali ko, baby please." Napalunok na lang ng laway si Jayna, habang tinatanggal ang tali sa mga kamay at paa ni Allaric. Hindi niya alam kung anong nangyari sa kanya, bakit bigla siyang naging agresibo kapag nakikita niya ang katawan nito. Sa loob ng mahigit dalawang buwan nilang pagsasama, ngayon lang siya nagkaroon ng pagnanasa at panggigigilan ang katawan ng asawa niya.Nakahinga ng maluwag si Allaric ng sa wakas nakakagalaw na siya ng maayos. Bumangon siya, at nag stretching
Apat na oras na ang nakalipas, ngunit nagtataka si Allaric kung bakit hanggang ngayon wala pa rin ang asawa niya. Sinubukan niyang tawagan ang cellphone nito, ngunit out of coverage ang palaging sagot ng system operator sa kanya. Kinakabahan na siya. Kanina pa natapos ang board meeting, nagugutom na rin siya dahil hindi pa siya nakapag lunch. Hinihintay kasi niya na sabay silang mag lunch ni Jayna, ngunit mag-aalauna na ng hapon, wala pa rin ang kahit anino nito, patunay na dumating na ito, sa kanilang kumpanya. Naisipan niyang tawagan ang driver nitong si Andres."Andres, nasaan na kayo ngayon ng Ma'am Jayna mo? Matagal pa ba kayo?"Parang iiyak na sumagot si Andres sa kanya, "Boss, 'yun nga din po ang pinagtataka ko, dahil hanggang ngayon, hindi pa rin po siya lumalabas ng ospital. Pumasok na po ako sa loob at hinanap siya. May nakapag turo sa akin na doon siya pumasok sa loob ng ob-gyne clinic ni Dra. Juson, nang pumunta naman ako doon, sinabi sa akin ng Doctor niya na mahigit dala
"Boss, wala na rin sila sa loob. Pero napulot ko ito sa sahig." Binigay ni Troy ang singsing na napulot niya mula sa loob ng silid, kung saan, pinaniniwalaan nilang pinagdalhan kay Jayna. Ikatlong abandonadong building na ito na pinuntahan nila, ngunit palaging hindi nila naabutan si Jayna.Bumagsak ang mga luha ni Allaric ng makita na wedding ring nila ni Jayna ang napulot ni Troy. Sobra na siyang nag-aalala kung ano na ang nangyari sa kanyang mag-ina. "Ahhhh! Tangina!" Nagwawala si Allaric. Lahat ng nakikita niya, hinahagis niya kung saan. Hindi niya alam kung bakit alam ni Neil palagi ang mga plano niya. Kailangan niyang makaisip ng paraan."Hahaha, tanga! Akala mo masusundan mo ako? Fuck you! Ilang taon akong nag-aral bilang hacker para lang pantayan ka Allaric. Dahil sa pagiging hacker mo noon kaya natunton ng mga magulang mo ang mga magulang ko at pinatay! Ubusin ko lahat ng lahi nyo, Putang ina ka!" Nanlilisik ang mga mata Neil, habang nanonood sa screen monitor ng laptop niya.
Mahigit dalawang oras ang nakalipas, lumabas si Adira sa Surgery Room. Patakbong sinalubong ni Allaric ang kambal at tinanong ito. "Adira, kamusta na ang ate mo?"Ngumiti si Adira at tinapik-tapik ang balikat ng kuya nya. "Wag kayong mag-alala kuya. Ligtas na po si Ate at ang baby niya. By the way, congrats kuya ah, nakita ko sa ultrasound dalawa ang amniotic sac sa loob ng tiyan ni Ate. Paano ba yan, mukhang hindi na mapipigilan ang pagdami ng lahi ng mga Dela Vega. Nagmana ka talaga kay Daddy. Unang gawa pa lang, kambal na kaagad." Nakangiting saad ni Adira."Dami mo talagang kalokohan Adira. Sige na ayusin mo na ang VIP room sa top floor, para mailipat na ang ate mo." "Wheee, ito naman si kuya pa humble effect pa kunyari, gustong-gusto lang naman puntahan si Ate."Naiiritang binalingan ni Allaric ang kakambal. "Umalis ka na nga Adira, pagod ako. Wala pa akong pahinga ng ilang araw. Gusto kong magpahinga sa silid na paglipatan sa ate mo."Hindi na kinulit pa ni Adira ang kuya niya.
JAYNA AND ALLARIC WEDDING"Ate, congratulations!" Nakangiting wika ni Adira kay Jayna ng lumapit ito sa kanya. Gabi ang kasal nila ni allaric at ginanap ito sa isang sikat na resort na pagmamay-ari din nila. Nagtaka siya kung bakit ngayon lang ito dumating, gayung kanina pa natapos ang kanilang kasal ni Allaric. Nag-uwian na nga ang mga bisita nila. Pati ang quadruplets at si Arley ay lasing na rin dahil nag-inuman silang magkakapatid kaya ngayon nakatulog na. Siya naman ay busy na ngayon sa pagpapatulog sa kanyang triplets. Tiningnan niya ang oras sa wall clock. Pasado Alas onse na ng gabi."Thank you." Sagot niya at kinumutan ang ngayon tatlong taong gulang na mga anak habang magkatabing natutulog sa kama. Napagod ang mga ito sa kakalaro sa tabing dagat kanina. Binalingan niya si Adira."Teka, bakit ngayon ka lang?" Takang tanong niya."Busy kasi ate. Si kuya? Galit ba siya?" Tanong nito."Hmmm..medyo. pero ako na ang bahala magpaliwanag sa kanya.""Thank you ate. Hindi na rin ako ma
"Doc, ang asawa ko," naluluhang tanong ni Jayna ng makita na lumabas ang Doctor mula sa loob ng Operating Room. "Ate, ligtas na si Kuya.""Adira," saka pa lang napansin ni Jayna na si Adira pala ang Doctor na lumabas."Paanong nandito ka? Akala ko nakaalis ka na?" Takang tanong ni Jayna ng kumalas na sila ng yakap sa isa't-isa."Actually nasa flight na ako ng sinabi sa akin ni Kuya Troy ang nangyari kay Kuya. Kaya nag request ako sa pilot na bumalik." Umupo sila sa mga nakahilera na mga upuan sa labas ng Operating Room."Kailan magising ang Kuya mo?" Tanong niya ng nakaupo na sila."Kapag naghupa na ang anesthesia sa katawan niya. Baka bukas gising na rin siya." Masiglang sagot nito."Ahmmm, si Neil at Glee?" Alanganin niyang tanong."Si Glee, ligtas na siya ngunit hindi pa rin nagigising. Si Neil, naman, hindi na nakaabot sa hospital at binawian na ng buhay. Malalim ang tama ng bala sa dibdib niya. Ang sabi ni Lolo Allen, binaril niya si Neil dahil akala niya nakasuot pa rin ito ng
Samantalang nakita ni Master Allen si Neil na nakabihis. Balot na balot ang katawan nito ng bulletproof vest at napapalibutan ng bala at hunting knife ang baywang papunta sa paa nito. “Saan ka pupunta?” tanong niya kahit na may hula na siya kung saan ito pupunta. “Ililigtas ko si Glee mula sa kamay ni Allaric.” Sagot nito at nagpatuloy sa paglalakad. “Hindi ka pwedeng umalis!” sigaw niya dahilan upang tumigil ito sa labas ng pintuan. Lumingon ito sa kanya. “Lo, ano ang gusto mong gawin ko, ang manatiling nakatunganga rito habang iniimagine kung paano patayin ni Allaric ang kapatid ko?” “Na kagagawan mo!” sigaw niya dahilan upang matigilan ito. “Neil ilang beses ko ng sinabi sa’yo na tama na! Tigilan mo na si Allaric! Ngunit hindi ka nakinig! Dinamay mo pa ang kapatid mo na nanahimik sa buhay niya!” Lumapit siya sa may pintuan. Nakita niya ang pagtagis ng bagang nito habang nakatingin sa kanya. “At sino ang gusto mong mag ligtas sa kanya ikaw? Hindi mo nga magawang patayin si Alla
“Kuya!”Sabay silang napalingon ni Jayna ng marinig ang boses ni Adira. Nakatayo ito sa tabi ng kotse na kanilang nadaanan. Halatang matiyaga itong naghihintay sa kanila na lumabas ng hotel.“Sa tingin ko babe, kailangan niyo munang mag-usap. Mauna na ako sa kotse.” paalam ni Jayna. Ngumiti lang siya kay Adira at hinayaan na mag-usap ang dalawang kambal.“Kuya,” Naluluhang yumakap kay Allaric si Adira. “I’m sorry Kuya. Kasalanan ko dahil hinayaan kong mag leave si Glee. Hindi ko alam na may itim pa la siyang binabalak.”Tinapik tapik ni Allaric likuran ng kapatid. Hinaplos niya ang pisngi nito. “I know. Hindi mo kasalanan ang nangyari. Don’t cry in front of me dahil hindi bagay sa’yo. Lalo kang pumapangit.” Tuluyan ng kumalas ng yakap si Adira sa kanya. Bahagya siyang tinadyakan nito dahil sa inis sa tinuran niya. “Kuya naman eh. Nakakainis ka. Sinusubukan ko lang naman sana kung may panlaban din ako sa pag-aartista. Sinira mo ang momentum ko.” Naiinis na wika ni Adira bagamat nakan
Mahal ko siya, Adira! Mahal na mahal ko si Allaric!” 'SLAP!' Nabaling ang pisngi ni Glee sa kabila dulot ng malakas na sampal ni Adira. Ramdam niya ang sobrang galit mula sa mga mata nito habang nakatingin sa kanya. "Nagawa mong sirain ang pagkakaibigan natin at ang pamilya ni Kuya dahil lang sa dahilan mo na mahal mo siya? Sa tingin mo ba dahil sa ginawa mo, mamahalin ka ng kambal ko? Simulat-sapul kilala mo na ang ugali ni Kuya, Glee! For God sake, sa lahat naging kaibigan kong babae, ikaw lang ang pinansin niya dahil naniwala siyang mabuting kang babae! Pero wala kang pinagkaiba sa—” Hindi na tinuloy ni Adira ang gusto sanang sabihin kahit pa na gusto na niyang saktan ang kaibigan. Nakuyom niya ang kamao, habang naluluhang nakatingin kay Glee na nakaupo sa kama sa loob mismo ng silid pahingahan ng kambal niya. Kararating niya lang mula New York at dito siya dumeritso sa Dela Vega Empire. Pagdating niya hindi niya naratnan ang kanyang Kuya Allaric at si Jayna. Ang sabi ni Troy, n
Ilang beses nag ring ang cellphone ni Jayna ngunit hindi pa rin nito sinasagot. Hindi na mapakali si Troy. Parang hindi maganda ang pakiramdam niya sa mga nangyayaring ito. Nagtaka siya kung bakit at paano napunta rito si Glee gayung ang alam niya nasa New York ito at sa main branch ng Amarah Hospitals nagtatrabaho. Sinubukan muli niyang kontakin ang numero ni Jayna. Ngunit hindi pa rin nito sinasagot. Kinulong muna niya si Glee sa loob ng pribadong silid ni Allaric. Hindi niya hahayaang makaalis ito dahil hindi niya alam kung ano ang nangyayari. Malakas ang pakiramdam niya na mayroong masamang laro sa likod nito. Binalingan niya ang batang boss na kasalukuyan nakapikit ang mga mata habang nakababad sa lamig sa loob ng bathtub. "I need my Wife." Mahinang wika nito. Alam niya ang asawa lang nito ang may kakayahan na gamutin ang init na nararamdaman."Yes boss." Muli niyang tinawagan ang numero ni Jayna ngunit naka out of coverage na ito. Naisip niyang tawagan ang telepono sa mansyon.
“Pagsisisihan mo ito Mr. Dela Vega!” Impit na sigaw ni Mr. Balcuba habang hawak ang kamay na nabutas ng bala ng baril ni Allaric. Kinuha ni Allaric ang wet tissue na binigay ni Troy upang punasan ang kamay niya na natalsikan ng dugo. Halatang sanay na sanay ito sa ginagawa dahil hindi man lang mababakas ang anumang takot, pagsisisi ang aura nito. Nasa mukha pa rin nito na kayang ilarawan ang orihinal na pagiging Demon King sapagkat wala itong kinatatakutan. Kung mayroon man, iyon ay ang madamay ang pamilya niya. They are his bottomline, at sinumang gumalaw ng isa sa mga kapatid niya, asawa o mga anak, siguradong mayroon siyang buhay na ibabawas sa mundo. Sinulyapan ni Allaric ang hourglass sand na nakapatong sa kanyang sariling table na sa loob din ng conference room. Gumalaw ng matigas ang muscles sa panga niya. Nilagay niya ang kamay sa bulsa at matiim na tinitigan si Mr. Balcuba. “Leave! Huwag mo ng hintayin na maubos ang buhangin sa loob ng hourglass na yan, dahil ganyan na lan
“Oh, Glee, nandito ka pala.” Bahagyang nagulat si Adira ng makita si Glee na prenteng nakaupo sa couch sa loob ng opisina niya."Yes sis. May gusto sana akong hingin na favor sa'yo." Kunyaring nahihiya na wika nito.Hinubad ni Adira ang puting Doctor's Coat niya at sinampay iyon sa likuran ng kanyang swivel chair. "Coffee?" Nakita niyang tumango si Glee kaya kumuha siya ng dalawang tasa at isinalang iyon sa coffee maker. Dinala niya iyon sa center table na sa harapan ni Glee."Ano bang favor iyan at mukhang seryoso ang mukha mo?" Tanong niya."Narinig ko kasi na naghahanap ka ng General Surgeon na ilipat mo sa philippine branch ng Amarah Hospital. I'm planning na ako na lang ang ipapadala mo doon since balak ko din naman na magbakasyon upang bisitahin si Mommy."Natigilan si Adira sa pag sip ng Coffee ng marinig ang favor na hinihingi ng kaibigan niya."Hmmm..kilala kita Glee, hindi ka basta-bastang magpalipat ng hospital kung wala kang malalim na dahilan." Nakagat ni Glee ang ibaban
BAM! BAM! SLAP!“Sige, laban! Gusto mong maghiganti? Labanan mo ako!” Galit na galit si Master Alen habang sinisigawan si Neil. Kasalukuyan silang nasa loob ng mansion nito sa New York. Kakauwi lang nila at agad niyang binato ito ng kanyang suntok. Hindi na niya mapigilan ang galit sa kanyang dibdib. Lahat ginawa na niya para tumigil ito sa paghihiganti. Ayaw na niyang maulit ang nangyari noon sa pamilya niya laban sa pamilya Dela Vega. Pagod na siya sa pakikipaglaban simula pa sa panahon ng kanyang asawa. Tiningnan niya ang apo, alam niyang mahal siya nito kaya hindi nito magawang lumaban sa kanya kahit pa may kakayahan itong gawin iyon. Matanda na sya at naghihintay na lang ng panahon niya na mawala sa mundong ito. Ngunit paano niya lisanin ang mundo gayung nakikita niya ang galit sa puso ng apo niya. Buong buhay nito ay nakatuon sa paghihiganti kay Allaric. Tiniis niya ang sarili na saktan ito ngayon para malaman na galit siya sa ginawa nito. Nanatili lamang nakatayo si Neil, hab