May story po ako, ito po ang title niya. ARAW-ARAW KANG MAMAHALIN♥️
Inalalayan ni Sonnie si Charlotte hanggang sa makasanay ng kotse nito. Iyak ng iyak si Charlotte, sobrang nasasaktan siya... para siyang kakapusin ng hininga. "A-ang sakit... p-paano niya nagawa 'to sa akin?" Hindi maintindihan ni Charlotte... okay naman sila ni Johnson bago ito umalis... masaya pa silang magkasama, ramdam niya na may puwang pa siya sa puso ng binata... kaya bakit? "Charlotte..." awang-awa si Sonnie rito. "N-napakasakit, Sonnie! S-sana h-hindi ko nalang siya hinabol... h-hindi ko na sana narinig pa iyon sa kanya... hindi sana ako n-nasasaktan ng ganito," Tumiim ang bagang ni Sonnie habang nagmamaneho. Sobrang nasasaktan si Charlotte. Ano ba ang sinabi ni Mr. Darmilton rito at nagkakaganito ang dalaga? Bakit kung umiyak ito ay parang hindi lamang simpleng pagkastigo ang natamo nito? Tinawagan ni Sonnie si Ivy at Fredo para alamin kung saan tumutuloy ang dalaga, pero ayon sa dalawa ay hindi nila alam. Mukhang walang alam ang dalawang kaibigan ni Charlotte sa tuna
Malamig na pinukol ng tingin ni Johnson si Charlotte. "Anong 'tayo?' Walang tayo, Charlotte. You seduced me that's why we ended up in bed. Pero hindi iyon katulad ng iniisip mo," may diing sabi ng binata. "Ano ang gusto mo? Porke naghubad ka sa harapan ko ay babalik tayo sa dati? Oh come on, Charlotte, hindi na tayo mga bata." Pagak na natawa ang binata, may panunuyang tumingin ito sa dalaga. "Like I told you before, you will regret for seducing me. Hindi ko na kasalanan kung naghubad ka sa harapan ko at pinatulan kita. Ginusto mo ito, Charlotte... walang ibang dapat sisihin rito kundi ikaw," paninisi pa ng binata. "J-Johnson..." lumapit si Charlotte kay Johnson, nagmamakaawang yumakap ang dalaga rito. "P-Please, w-wag mo akong iiwan... Oo, inaamin ko na inakit kita, pero aminin mo rin, mahal mo pa ako... naramdaman ko iyon sa bawat araw na magkasama tayo, kaya wag mong sabihin sa akin iyan... p-please, nakikusap ako... ako ang piliiin mo..." "Then what do you want me to do? Iwan
“Mr. Darmilton, may appointment meeting ka after lunch kay Mr. Limop—“ “Cancel it,” agad na putol ni Johnson kay Hernan. “Pero, Mr. Darmilton, mahirap kumuha ng appointment kay Mr—“ Malakas na hinampas ni Johnson ang kamao sa kanyang office table. “Cancel it because I say so! Wala akong pakialam kung anumang alibi ang sabihin mo! Just cancel all my appointments today and the next damn day! Fvck!” Tumango na lamang si Hernan habang napapalunok ng laway. Napansin ng binata na halos isang buwan nang wala sa mood ang kanyang amo. Kung noon ay tolerable pa ang kasamaan ng ugali nito, ngayon ay hindi na. Halos lahat ng empleyado ay takot ng lumapit sa binata, makita pa lamang ito ng mga tauhan ay nagkukumahog nang tumakbo palayo. Napasabunot sa buhok si Johnson. He succeeded in getting revenge, but why isn’t he happy despite of everything? Bakit hindi niya magawa na maging masaya? He planned this… he wants it… “T-Tangina!” Malakas na hinampas ng binata ang kamao ng paulit-ulit sa m
Nang may kumatok sa kwarto ni Charlotte ay agad pinahid ng dalaga ang luha. “Ma’am Charlotte, oras na para maghapunan, hinihintay ka na nila Ma’am at Sir,” tuloy ng kasambahay sa magulang ng dalaga. “I-I’ll go ahead, sige na makakaalis ka na,” aniya. Inayos ni Charlotte ang sarili bago bumaba, nang makita ng dalaga ang magulang ay agad na nagpaskil siya ng ngiti sa labi. “Hi, mom, dad. Hmm, mukhang maganda ang mood ninyo ngayon. Ano ang mayro’n?” Kanyang tanong ng makita ang kakaibang kislap sa mukha ng magulang. Nagkatinginan ang mag asawa, ang ngiti sa mukha ng ginang ay lalong lumaki. “We decided na ipakilala na kayo sa isa’t isa ng mapapangasawa mo anak. Tutal pumayag ka na maikasal sa kanya in the next two months. Bakit hindi ninyo kilalanin ang isa’t isa? Mas mainam iyon para hindi kayo maging estranghero sa isa’t isa sa oras na magsama na kayo.” “Tama ang mommy mo, anak.” Segunda ng kanyang ama, bakas ang labis na kaligayahan sa mukha. “Mas mainam nga iyon… so kaila
“A-ano? H-hindi ko niloloko si Johnson!” Agad na binura ni Claudine ang history call sa kanyang cellphone, at malakas na sinampal ang kanyang sarili ng makarinig ng yabag. Inuntog pa ng dalaga ang ulo sa pader ay pinunit ang suot na dress. “A-ano ang ginagawa mo, Miss—“ “L-Love!” Lumuluhang tawag ni Claudine sa lalaking nasa likuran ni Hernan, si Johnson, “a-ang lalaking iyan, p-pinagtangkaan ako gahasain… m-mabuti na lamang at d-dumating ka…” umiiyak na gumapang pa si Claudine, pinag igihan ang kanyang pag iyak para maging kapani-paniwala. “H-hindi iyan totoo… n-nagsisinungaling siya, Mr. Darmilton—“ malakas na napaigik si Hernan ng makatikim ng malakas na suntok kay Johnson. “M-Mr. Darmilton…” hindi makapaniwala ang binata na gano’n na lamang kabilis paniniwalaan ng kanyang amo ang drama ng babae. “I trusted you, bastard! Magbabayad ka sa ginawa ko sa mag ina ko!” Muling sinuntok ng binata si Hernan, nangangalit ng panga ni Johnson sa galit… nasa mukha pa ang pagpipigil. “
KANINA pa tulala sina Ivy at Fredo habang kaharap si Charlotte. Nag-unahan pa ang dalawa para i-abot sa dalaga ang isang baso ng juice kay Charlotte. “Ano ba, pwede ba tumigil na nga kayong dalawa!” Isa ito sa dahilan kaya hindi gusto ni Charlotte na ipaalam sa iba na isa siyang Helger, nagbabago ang trato ng mga tao sa kanya. Nakangusong umupo ng maayos ang dalawa. “Miss Helger, bakit hindi mo naman sinabi agad na ikaw pala ay tunay na Helger. Tinuring ka namin na ka-level lang namin, n-nakakahiya naman.” Bumuntonghininga si Charlotte at matamlay na tiningnan ang dalawa. “This is the reason why I couldn’t tell you about this. Hindi ninyo ako kakaibiganin at magiging ilag kayo sa akin… and this is I hated the most. Special treatment is different than having a friends. Napapahiyang tumungo ang dalawa. Tama si Charlotte, nag iba bigla ang kanilang tingin rito— na hindi naman dapat dahil kaibigan nila ito. “Pa-Pasensya ka na, Charlotte… hindi nagulat lang talaga kami. P-Pero
Halos maglabasan ang ugat ni Charlotte sa kamay, sa diin ng kanyang pagkakahawak sa kanyang cellphone, pinapakinggang ngayon ng dalaga ang pinag uusapan nina Claudine at Mr. Capil. “Ibig mo bang sabihin ay hindi na natin hihintayin na maikasal kami? Paano namin makukuha ng anak ko ang kayamanan ni Johnson kung hindi na natin itutuloy ang plano?” Boses iyon ni Claudine. “Tagilid ang ating sitwasyon, iha. Ako rin ay gustong maubos ang lahat ng mayro’n si Mr. Darmilton, pero hindi na natin maaring ituloy ang naunang plano. Nakarating sa akin na hindi ka gusto ng mga kapatid ni Johnson. Nasisiguro ko na magpapa-imbestiga sila. Sa oras na mangyari iyon ay hindi natin masisiguro kung magtatagumpay pa tayo. Hindi natin kayang bilhin ang katapatan ng mga tauhan nila Xerxes Helger at Kairo Han, sigurado ako na mapapahamak tayong tatlo nila Vin. Pero ngayong makukuha na natin ang ilang shares sa kanyang kumpanya… madali na lang natin mabibili ang iba pa kung mawawala na siya sa ating landas
Kinuha ni Charlotte ang cellphone at tinawagan ang kanyang ama. “Hello, dad… I have favor to ask. May nagtangka sa buhay ko… Will you maku sure na hindi na siya kailanman makakalabas ng bilangguan?” Tanong ng dalaga sa ama. “What?! Nasaan ka at pupuntahan kita!” Galit at nag aalalang tanong ng daddy ni Charlotte. Hindi man kaharap ng dalaga ang ama natitiyak niya na madilim ang mukha nito. Hindi gusto ni Charlotte na umabot sa ganito. Pero sumusobra na si Loisa. Kailangan na nitong maturuan ng matinding leksyon. Hindi lamang siya ang kaya nitong saktan, maging ang kanyang kaibigan. Pagkatapos sabihin ni Charlotte kung nasaan siya ay binaba ng dalaga ang tawag. Tiyak siya na hindi magtatagal ay darating agad ang kanyang magulang. May awang tiningnan ni Charlotte si Loisa. Nakangiti pa ang babae sa kanya, na para bang may nakakatawa sa kanyang ginawa. Nunuyang tinawanan ni Loisa si Charlotte. “Sa tingin mo matatakot mo ako? Kahit tawagan mo pa ang tatay at buong angkan mo ay hi
Gusto ko po magpasalamat sa lahat ng readers ko na sumubaybay dito hanggang sa dulo. Thank you po sa old at new readers ko. Hindi ko man kayo ma-mention lahat, kilala ko kayo✨ sa mga nagpadala ng GEMS 💎 at mga nagbigay ng FEEDBACK ♥️ Grabe ang layo ng stories na narating nating lahat. Xerxes and Apol 💟 Kairo and Alena 💟 Johnson and Charlotte 💟 Axel and Serena 💟 and lastly ay sina Adius at Skye💟 Wag po sana kayo magsawa na sumuporta sa mga stories ko. Ang trapped series ko ay hindi ko pa sure kung kailan ko sisimulan. Pero may soon na stories akong ipa-publish soon. Sana po ay magustuhan at suportahan ninyo. May bago po pala akong story, ito po ang title: MAFIA BOSS SERIES2: THE PRETENDING WIFE [MR. KING] Salamat po ulit sa support✅ By author: Seenie ♥️
Pagkatapos ng dinner at pagsapit ng alas otso ay pinaakyat na sila ni Serena para makapag pahinga. Maaga kasi ang kasal nila ni Adius bukas. At si Serena naman ay kapapanganak lang. pagdating sa kwarto niya ay kumunot ang kanyang noo. May nakita kasi siyang bulaklak sa ibabaw ng kama niya. Balak sana niya na balewalain ito pero biglang sumulpot si Queenie sa gilid ng kama niya. “Tita Skye, hindi mo pa ba pupuntahan si tito Adius?” Napabangon siya bigla. “Ha? Nandito ang tito mo?” “Opo, tita… nasa garden po siya! Bigay niya nga po itong rose eh… para daw po sa magandang future misis niya hehe!” Nakabungisngis na sagot pa nito sa kanya. “Shhh lang daw po, tita, baka daw po malaman nila lola na nandito siya.” Bilin pa nito. Halos isang linggo din silang hindi nagkita kaya excited na pumunta siya sa garden para makita ito. Napasimangot siya ng makita na si Kiro ang naroon. Natawa naman ito ng makitang nakasimangot siya. “Bakit parang nalugi ka, Skye. Dati naman ay masaya ka kapa
“Dude, are you okay?” Tanong ni Xian sa kanya. Kumunot ang noo nito ng hindi siya sumagot. “Adius, may problema ba?” “H-ha? Wala.. wala…” sagot niya sabay talikod sa kanyang pinsan. Nagkatinginan sila Jansen, Xian at Ax. Lumapit si Xio na kadarating lang at umakbay sa kanya. “Adius, napansin namin na noong nakaraan ka pa wala sa sarili. Sigurado ka ba na wala kang problema? Wag mong sabihin na gusto mong umatras sa kasal niyo ni Skye bukas?” “W-what?! Of course not! Bakit naman ako aatras sa kasa naming dalawa gayong matagal din akong naghintay na ikasal kami?!” Inalis ni Adius ang kamay ni Xio sa kanyang balikat at tumingin sa labas ng bintana kung saang hotel naroon sila. “Kung ganon ano ang problema? Nag-aalala na sila tito Kairo sayo. Tsk. Iniisip tuloy nila na baka napipilitan ka lang na pakasalan si Skye dahil sa bata.” Komento naman ni Axel. Bumuga si Adius ng hangin at seryosong tumingin sa mga ito. Nahihiya man… hindi na siya nakapag pigil. Tumikhim muna siya. “U
Dahan-dahan niyang dinilat ang kanyang mga mata. Ang una niyang nakita ay puting kisame ng silid na kinaroroonan niya. Nauuhaw siya… nanunuyo ang kanyang lalamunan. “A-adius…” paos niyang tawag sa nobyo. Umiiyak na hinawakan niya ang kanyang tiyan… “Adius, ang baby natin!” “Shhh, babe… it’s fine. Wag kang mag-alala ligtas ang anak natin.” Sabi ni Adius habang hawak ang isa niyang kamay. Naluha siya sa sinabi nito. Nang yakapin siya nito ay sinubsob niya ang mukha sa dibdib nito. “B-babe… akala ko hindi ka na darating… akala ko mapapahamak kami ni baby…” nang panahon na hilahin siya nila Hersheys ay napuno na ng takot ang dibdib niya. Inisip niya na hindi na ito darating para iligtas sila. Humagulhol siya ng maalala ang maraming dugo sa pagitan ng mga hita niya. “A-akala ko mawawala na ang baby natin, babe… so-sobra akong natakot… akala ko mapapahamak siya…” Niyakap ni Adius ng mahigpit si Skye. Dama niya takot at ang panginginig nito. “I’m sorry, babe kung nahuli ako.
Pagdating ni Adius sa basement ay sumalubong sa kanya si Xio na may hawak na baseball bat. “Mabuti naman at dumating ka na. Parating na ang mga tauhan ni Axel kasama sila. Magsisimula pa lang ako pero may nag-eenjoy na sa loob.” Sabi nito. “Where is she?” Tanong niya. “Nasa dulo, kasama si Aimee.” Sagot ni Xio, Kumunot ang noo ni Adius. Akala niya ay nasa hospital din ito ngayon kasama sila Axel. Pagdating niya sa pinakadulong kwarto ay nadatnan niya ang kakambal na nakaupo sa couch at nanlilisik ang mga mata na nakatingin kay Hersheys. Nakatali ang dalawang kamay ni Hersheys pataas, sabog ang buhok nito at putok ang labi at duguan ang mukha. Ayon kay Xio ay may nag-eenjoy na dito. Mukhang ang kakambal niya ang tinutukoy nito. Tumayo si Aimee at galit na dinuro si Hersheys. “Adius, hindi ko mapapatawad ang ginawa niya kay Skye at sa pamangkin ko… please, let me kill her now!” Nanlilisik sa galit ang mga mata na sabi ni Aimee. Nanlaki ang mata ni Hersheys sa takot. “Pa-paran
Binalibag ng malakas ni Adius si Hersheys sa sahig bago niya nilapitan ang nobya. “Damn!” Malakas niyang mura ng makita ang nakakaawang kalagayan nito. “B-babe… hold on.” Pinangko niya ito. Kanina ay walang nanaig sa kanya kundi matinding galit. Ang tanging nasa isip niya ay kitilin ang buhay ni Hersheys dahil sa ginawa nito kay Skye. Ngunit ng makita niya ngayon ang kalagayan ng nobya na duguan ay kinain ng takot ang kanyang puso. Nanlalamig ang kanyang katawan sa takot na baka mawala ito o ang kanilang anak. Hindi niya mapapatawad ang kanyang sarili kapag may nangyaring masama sa kanyang mag-ina. “B-babe, come on.. wake up. Don’t fall asleep in my arms, babe…” pakiusap niya sa nobya habang buhat ang walang malay na katawan nito. Tuluyan na itong nawalan ng malay sa kanyang bisig. Malaki ang sugat sa noo ng nobya. Walang patid ang pag-agos ng dugo dito, maging sa pagitan ng hita nito. “Babe, o-open your eyes, please… nandito na ako. U-uuwi na tayo…” Garalgal ang boses na p
“H-hindi totoo ang mga sinasabi mo… ako ang mahal ni Adius…” nitong nakaraan ay sigurado siya na mahal siya ni Adius. Ngunit ngayon ay nabasag ang kumpiyansa niya. Natatakot siya na baka totoo ang sinabi nito. Maisip palang niya na tama ito ay parang dinudurog na ang puso niya sa sakit. Nahihirapan siyang huminga at parang kinakapos siya sa hangin. “Kung mahal ka niya ay hindi niya ibibigay sa akin ang kontratang ito, Miss Malason, at hindi niya sasabihin sa akin ang tungkol sa panibagong kontratang ito. Gumising ka na sa kahibangan mo at matauhan. Hindi ang katulad mo ang mamahalin ni Adius. Malayong-malayo ka sa babaeng nababagay sa kanya. Kaya nga gumawa siya ng kontrata kagaya ng ganito dahil alam niya na aabot sa ganito. Look at you, nag-aassume ka at nangangarap na papatusin ka talaga niya… gold digger bitch!” Dagdag pa ng babae. Dumaloy ang masaganang luha niya sa kanyang mata. Gold digger naman talaga siya. Pera lang ang mahalaga sa kanya. Tama si Hersheys… kaya gumawa
Dinala si Skye ng mga lalaki sa isang abondonadong resort. Kusang-loob siyang nagpa-akay sa mga ito hanggang sa makarinig siya ng pagbukas ng pinto. “Itali ninyo ang babaeng iyan. Hintayin natin si madam. Mamaya ay darating na iyon,” rinig ni Skye na bilin ng isang lalaki. Kahit wala siyang makita dahil sa kanyang piring sa mata ay alam niya na inupo siya ng mga ito sa isang upuan. Naramdaman niya na tinali siya ng mga ito sa kamay at paa. Ang higpit ng pagkakatali sa kanya, ramdam niya ang hapdi ng paglapat ng lubid sa kanyang balat. “Nakatali na si miss. Hindi na makakatakas ito sa higpit ng pagkakatali ko!” Sabi ng isang lalaki. “Mabuti naman. Sa labas na tayo maghintay. Kakatext lang ni madam, malapit na daw siya. Hoy, ikaw, Esko, lumabas ka! Wala akong tiwala sa’yo!” Narinig niya ang paglabas ng mga ito habang nagrereklamo ang lalaki na tinawag nitong Esko. ‘Diyos ko, wag mo kaming pabayaan ng anak ko!’ Hindi niya mabilang kung ilang beses siyang nagdasal na sana a
Habang lulan ng sasakyan ay napansin niya na panay ang tingin sa kanya ng mga katabi niya. Bigla siyang kinabahan sa klase ng tingin nito. Tinakpan niya ang kanyang leeg gamit ang kamay at umusod palayo. Pero may isa pang lalaki sa kanyang tabi kaya wala na siyang mausuran. “Ang ganda mo pala, miss. Kaya pala pinatulan ka ng mayaman eh… amoy baby ka pa at mukhang mabango!” Kahit hindi nakatingin si Skye sa lalaki ay ramdam niya ang malaswang tingin nito sa kanya. “Hoy, Esko! Wag kang magkakamali na galawin ito, baka mamaya ay hindi tayo makatanggap ng bayad at bonus kay madam! Kung ako sa’yo ay manahimik ka!” Sita ng katabi ng driver. Kinurot ni Skye ang hita. Kung kanina ay kalmado siya at hindi natatakot, ngayon ay nagsimula na siyang makaramdam ng kaba. Mukhang hindi lamang kidnaper ang mga dumukot sa kanya. Mukhang mga manyakis pa at talagang halang ang mga kaluluwa. Napapitlag siya ng biglang umakbay sa kanya ang isang lalaki na katabi niya. “Mukhang hindi natatakot si