Hmm, sadya ba ni Ms. Santos? O mayroon talaga?
=Elvira’s Point Of View= Wala akong nagawa kundi sumang-ayon. Ayoko nang patagalin pa ang usapan. Habang nasa elevator kami, tahimik lang akong nakatayo sa tabi niya. Nararamdaman ko ang mga tingin niya, pero ni hindi ko man lang siya nilingon. “Hon…” muli niyang bungad nang makasakay kami sa kotse. “Zian, please. Huwag mo akong kausapin,” pigil ko, idinirekta ang tingin sa bintana habang nagmamaneho siya. Ramdam kong may gusto pa siyang sabihin, pero buti na lang at pinili niyang manahimik. ** Pagdating sa bahay, agad akong bumaba ng kotse bago pa siya makapag-park nang maayos. Tumawag pa siya sa akin, pero hindi ko na siya nilingon. Diretso akong pumasok sa loob at dumiretso sa kwarto ko. Pagkasarado ko ng pinto, doon ko na lang ibinuhos ang inis ko. Sinipa ko ang gilid ng kama at mariing napasapo sa noo. “Anong gagawin ko?” bulong ko sa sarili ko habang paulit-ulit na pumapasok sa isip ko ang text ni Ms. Santos. Naalala ko ang malanding ngiti ng babaeng iyon noo
=Elvira’s Point Of View= And there’s Ms. Santos, making a scene. “She pushed me!” sabi niya habang kumpulan ang taong tumulong sa kanya. “Paano kita matutulak Ms. Santos? I’m way far from you,” sabi ko at tinaasan siya ng kilay. “You did it!” bulyaw niya kaya tinignan ako ng lahat. “Well, if you say so?” tugon ko. Later on, dumating si Zian at sinulyapan kaming dalawa. “What’s wrong here?” kwestyon niya at lumapit sa akin. “Ewan, tatanga-tanga siya ayon nadapa tapos biglang ibabato ang sisi sa akin na tinulak ko daw siya,” sagot ko at prenteng naupo sa office chair. “You really pushed me! Aminin mo na! Stop having everyone’s sympathy that you’re innocent!” sunod-sunod niyang sigaw. Napangiwi na lang ako. Siya naman talaga yung nagsisinungaling at hindi ako, isa pa siya kaya yung tinutukoy niya? Siya nga ‘tong nagbibintang eh. Siraulo talaga. “That’s enough,” awat ng iba, ngunit natigilan ako sa pahabol na sabi ng ilan sa mga mas matataas sa akin. “Engr. Monte
=Elvira’s Point Of View= Salubong ang kilay kong nakatitig sa computer expert habang magkakrus ang mga braso ko. Inaantay ang resulta ng cellphone ni Zian. “Matagal pa po ba?” naiinip kong kwestyon at hindi mapakali. Ramdam ko kasi ang kaba sa dibdib habang mas tumatagal ako dito. “30 mins pa,” sagot nito at panay ang pindot sa kanyang keyboard habang nakasaksak ang cellphone. Nang matapos ay inabot nito sa akin ang cellphone kaya naman agad kong kinalkal ‘yon ngunit natigilan ako nang makita na walang ibang mensahe na na-retrieve yung expert. Labis akong nakahinga ng maluwag not until i-back ko ang messages at makita ang usapan nila ng daddy niya. It made me curious… And nervous… Hindi ko napigilan lalo na nang magpop up ang ilan sa mga deleted messages… Halos sumikip ang dibdib ko sa nabasa. [CONVERSATION] Dad (Zai): Son, have you cleared the mission? Dad (Zai): Make sure it’s successful, so we don’t stress. Zian: What mission dad? I thought i’m all goods?
ELVIRA’S POINT OF VIEW. A day later… Napahinto ako nang pagbaba ko ng kwarto sa bahay namin ay natanaw ko si Zian na halatang hinihintay ako. ‘Handa na ba siyang makausap ako? Hindi ko na rin alam…’ “E-Elle,” mahinang tawag niya sa pangalan ko. “Mm?” tugon ko. “Let’s talk, please?” malumanay ang kanyang boses at may bahid ng pakikiusap. “Sa taas,” mahinang sabi ko at umakyat pabalik. Pagkapasok sa kwarto ko ay hinarap ko siya. Ngunit napahinto ako nang lumuhod siya sa harap ko. “Z-Zian?” “I’m not a normal person, Elle. I-I swear to God, I am not a normal person. I am different,” paliwanag niya. “Hindi ko alam kung paano sasabihin… It’s because you might find me scary,” pabulong na sabi niya. Napatitig ako sa kanya. Hindi makapaniwala. “P-Pumapatay ka t-talaga?” hindi makapaniwalang sabi ko. Napahinto siya at tila hindi alam kung saan titingin sa mga mata ko. Napatungo siya at nasapo ang noo. Hanggang sa tuluyan na akong mapahinto sa naging mabagal niyang pagtang
=ELVIRA’S POINT OF VIEW= Dahil sa naging usapan namin ni Zian, sinubukan kong unawain ang mga paratang niya. Alam kong mahirap pero susubukan ko dahil mahal ko siya. Pero sana ay mapanindigan niya ang mga winika sa akin dahil kung hindi, saan aabot ang relasyon namin? Sa mga sumunod na araw, sinubukan kong gawing normal ang lahat—kahit pa alam kong may bumabagabag sa isip ko. Kahit alam kong sa bawat titig ko kay Zian, may parte sa akin ang gustong itanong muli kung tama bang manatili ako sa kanya. Pero mahal ko siya. At sinabi ko sa sarili kong susubukan kong intindihin ang mundong ginagalawan niya. “Hon, gusto mong magbakasyon?” bigla niyang tanong habang nasa loob kami ng sasakyan pauwi mula sa site. Napatingin ako sa kanya. “Ha?” Ngumiti siya habang nakatingin sa daan. “Napansin kong stress ka na masyado. Lalo na sa trabaho… at sa akin,” natatawa niyang sabi. “Kaya naisip ko, maybe it’s time to take a break.” Napataas ang kilay ko. “Ikaw mismo ang nagyayaya ng bakas
=Third Person’s Point Of View= Makalipas ang ilan pang mga araw ay sinimulan ni Zian ang misyon hagilapin ang nasa likod ng lahat ng mga ‘yon. “Dad, don’t you have any clue at all? I might need your help at this,” Zian said while facing his dad. “Hindi ko malaman kung anong cover ba ang gamit ng tao na ‘yon anak, but I’ll try to help you. Bakit ba tila desidido ka pala?” mahabang sabi ni Zai na ama ni Zian. Hindi kaagad nakasagot si Zian sa kanyang ama. “Elle caught me, dad…” Four words and Zian’s father was stunned, “Nahuli ka saan? Pambababae o sa—” “The second one, dad.” “Damn it,” pabulong na asik ni Zai sa kanyang anak at tila saglit na natulala sa kawalan. Hindi naman umimik si Zian, alam niyang hindi pa talaga dapat malaman ni Elle ang tungkol sa mga bagay na iyon dahil wala pang kasiguraduhan. “H-Hindi ka naman niya iniwan? Nagalit ba?” sabi ni Zai. Mariing napapikit si Zian bago sumagot, “Hindi naman ako iniwan dad, p-pero gusto niyang itigil ko ang ginagaw
=Elvira’s Point Of View= A few weeks later, napapansin ko kung gaano kaabala si Zian sa projects na hawak niya. Hindi ko naman masyadong nakakamusta ang tungkol sa napag-usapan namin noon dahil busy rin ako sa trabaho. Gumaganda na rin ang kita ko kahit papaano, tumataas ang sahod at higit sa lahat dumarami na ang projects na nahahawakan ko. Mapamaliit man o malaki. Ngunit tila mas nagtaka ako nang isang araw ay tila lumayo ang loob ni Zian sa akin. Pansin ko ang mga pag-iwas niya sa hawak ko, at ang pagdikit sa akin ay tila nabawasan. Anong mali? Anong meron? Isang gabi ay maganda ang tapos ng trabaho ko kung kaya’t naisipan kong ayain sana siya matulog sa bahay namin ngunit… “Sa inyo? Okay lang ba kung sa condo ko na lang?” tanong niya. “P-Pwede naman,” mahinahon na sagot ko, pilit na dinedeadma ang tila may pagkamalamig niyang tugon. Nakakapagtaka… “Hmm, okay. Let’s go?” tanong niya kaya matipid akong ngumiti at sumama sa kanya. Humawak ako sa braso niya nang m
=Elvira’s Point Of View= “Now, tell me everything! What is it? Why did you point your gun at me?” mariing kwestyon ko sa kanya. Inabot niya sa akin ang cellphone at nasapo ang noo. “D-Does your father also borrow Clayn’s phone?” seryosong tanong ni Zian sa akin na ikinakunot ng noo ko. “Oo, bakit? A-Ano ba kasi—” “This phone is used by the founder to call someone, from below…” paliwanag ni Zian kaya umawang ang labi ko. “So it’s either you, Clayn, or your dad…” Naestatwa ako sa seryoso niyang inasik, tila tumigil ang daloy ng dugo ko. “A-Ano?” nauutal na tanong ko. “H-Hindi ko maintin—” “Naiintindihan mo. Ayaw mo lang intindihin,” mariing sabi niya kaya nanghihina akong napayuko at nasapo ang mukha. ‘Kailan pa?’ “K-Kung kaya mo pa matulog sa isang bubong kasama ako, go ahead, but if you can’t stay and breathe the same air, leave.” Ang malamig niyang boses ay labis na sinaktan ang puso ko. Pinilit ko tumayo, inabot ko ang bag ko na nasa sahig. “I-I can’t,” mahinang
=Elvira’s Point Of View= Pinanood ko ang likuran ni Zian habang nasa tenga ko ang telepono, naghihintay ng kasunod na kataga na bibitiwan nito. “I asked you… Nicely, before…” marahan na sabi ng boses sa kabilang linya nababahiran ng pagkadismaya ang tono, “Leave my son alone…” Gumunaw ang mundo ko sa nakikiusap na tono sa kabilang linya. It was his dad, Zian’s dad. No other than Zai Garcia. Huminga ako ng malalim at mabilis na hinabol si Zian, bago pa man siya makalapit ay nahuli ko ang kanyang pulsuhan. Napahinto siya at lumingon ng may pagtataka. “H-Huwag na… I’ll handle this, Engr. Garcia. Thank you,” mahinahon kong sabi na ikinakunot ng kanyang noo. Tinitigan ako ni Zian, para bang sinusubukan niyang basahin ang dahilan sa likod ng bigla kong pagbabago ng isip. “Elle?” mahinang tawag niya, bahagyang kunot ang noo. Pinilit kong ngumiti ng tipid, kahit na ang bigat sa dibdib ko ay tila sasabog anumang oras. “Huwag na lang, Zian. Ako na ang bahala,” marahan
=Elvira’s Point Of View= A few days after that ruckus, I don’t have a choice but to wait for the confirmation of my lawyer. It was stressing me out, to the point that I couldn’t even sleep. While I was on standby on the site, Zian went into the small container office and gave me glances. “Didn’t know you’re still here,” he said before grabbing a bottle of water from the small fridge. Nang titigan ko siya ay tumaas ang kilay niya ng mapansin ang kabuohan ng mukha ko. “Did you even sleep? What the fuck. Didn’t know my fellow engineer was a panda.” Inirapan ko siya agad. Should I ask for his help? No… I can’t do that… “So—” “Don’t talk,” mariing sabi ko. “Well, Leon’s outside and looking for you. I said you weren’t here since I don’t know that you are here…” Tumaas ang kilay ko sa sinabi ni Zian. ‘Well, I’m glad he didn’t say I am here. I’m avoiding any contact with Leon. He’s a little obsessed and abusive.’ “Alright…” “Are you not going to go outside and cal
=Elvira’s Point Of View= Ngunit bago pa man makasagot muli ay napahinto ako sa pagtunog ng cellphone ko and it was Caleb. “Oh, the fiance’s calling. Are you not gonna answer him?” he asked, there was a hint of sarcasm on his voice and he watched me stare at my phone. Huminga ako ng malalim at sinagot ang tawag. “Caleb—” “I have a bad news,” sobrang hina ng boses ni Caleb sa kabilang linya. Nakakapagtaka naman dahil ano pa ba ang bad news na darating sa buhay ko? “What is it?” Narinig ko ang matunog na paghinga ni Caleb sa kabilang linya. “He’s here. I think he followed you back to the Philippines, Elle. He is here…” Labis na nangunot ang noo ko. He’s here? Sino? “Sino—” I was cut off when I heard a familiar voice on the other line. “Are you calling Elle? Tell her not to diss me. I’ll wait for her, here…” At ang tinig na ‘yon ay nagbigay kaba sa aking puso. ‘No way!’ “A-Ano— b-bakit siya nandito?” naguguluhang tanong ko, shit… “Just come here and take him out bef
=ELVIRA’S POINT OF VIEW= Tangina niya. Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko siyang sinulyapan habang kausap niya yung Angela na ’yon. Mula sa ngisi niya, sa paglapit niya, sa paraan ng pagkakadantay ng kamay niya sa likod ng babae—lahat ng ’yon ay sinasadya. And he’s doing a damn good job pissing me off. Tinungga ko na lang yung laman ng baso ko. Mapakla. Masakit sa lalamunan. Pero mas okay na ‘to kesa makita pa siyang nakangiti ng gano’n sa ibang babae. Gago talaga ’yon. “Hey,” mahinang bati ni Caleb, sabay abot ng isang basong tubig. “You okay?” Hindi ko siya sinagot. Imbes ay pinanood ko si Zian habang tumatawa pa sa joke nung Angela. Halos mapamura na lang ako ulit. “Ano, umuusbong na naman feelings mo?” “Shut up,” iritadong bulong ko. “Eh mukha kang gusto mo nang lapitan at bunutan ng pilikmata si ate girl eh.” Napairap ako sabay harap kay Caleb. “Gago ka ba? Bakit ako magseselos? Hindi na kami, ‘di ba?” “Oo nga. Pero hindi naman ibig sabihin non, di
=Elvira’s Point of View= Babe. Nabingi ako sa narinig ko. At hindi ko alam kung dahil ba sa shock o dahil sa sakit na sumaksak sa dibdib ko. Pero tangina—sino ba ako para masaktan? Wala na kami. Matagal na. At sinabi ko na sa sarili ko na hindi ko siya hahayaang makita ang kahinaan ko ulit. So bakit ganito? Bakit parang may humigpit sa lalamunan ko? Tahimik akong pumikit ng ilang segundo, pilit nilulunok ang kung anumang bumara sa dibdib ko. Nang idilat ko ang mga mata ko, naroon pa rin siya—nakatayo, hawak ang telepono sa tenga niya, pero sa akin nakatingin. At putangina. Hindi ko alam kung imahinasyon ko lang, pero parang may kung anong kasiyahang dumaan sa mga mata niya nang makita ang reaksyon ko. Gago ka talaga, Ian Zachary Garcia. Kailangan kong makaalis. Kailangan kong lumabas bago pa niya makita ang epekto ng ginagawa niya sa akin. Pero bago ko pa magawa, naglakad siya papalapit—sobrang lapit, hanggang sa halos isang dangkal na lang
=Elvira’s Point of View= Hanggang ngayon, pakiramdam ko nasa loob pa rin ako ng conference room na ‘yon—kahit nasa sasakyan na ako, kahit si Caleb ay nagsasalita sa tabi ko, kahit patuloy na umaandar ang mundo sa labas. Dahil sa isang hawak lang. Isang titig lang. Tangina. Muling bumalik sa isip ko kung paano niya ako hinawakan—hindi mahigpit, pero sapat para pigilan ako. Hindi marahas, pero hindi rin malambing. Parang hindi niya alam kung dapat ba niya akong hayaang umalis o dapat ba niyang sabihin ang isang bagay na hindi ko maintindihan. Pinikit ko ang mga mata ko saglit at mariing napabuntong-hininga. “El, okay ka lang?” tanong ni Caleb, bahagyang binagalan ang pagmamaneho niya. Nagmulat ako ng mata at pilit ngumiti. “Yeah. Just tired.” Sinamaan niya ako ng tingin. “Tired or stressed?” Ngumuso ako. “Both.” “Because of your ex?” asar niyang tanong. Napairap ako. “Caleb, please.” “Nagtatanong lang naman, baka kasi—” “I’m fine,” madiin kong putol sa sasabih
=Elvira’s Point of View= Napapitlag ang daliri ko sa ibabaw ng keyboard. Hindi ko alam kung dapat ko bang buksan ang email o balewalain na lang. Pero kahit anong pilit kong huwag bigyang pansin, tila may sariling isip ang kamay ko at agad na tinap ang notification. From: Engr. Ian Zachary Garcia Subject: Design Revision Meeting - Urgent Elvira, We need to discuss the design revisions for the structural framework of the arena. The client has requested modifications that will affect the load distribution. The meeting is scheduled for tomorrow at 10 AM in the main conference room. Be there. • Garcia Wala man lang Regards o kahit anong pormalidad. Diretso. Walang emosyon. Walang bahid ng kung anong familiarity. Para bang… hindi niya ako dating kilala. Napalunok ako. Gusto kong matawa sa sarili ko. Ano ba kasing ini-expect ko? Na pagkatapos ng dalawang taon, magiging casual lang kami? Na babati siya ng Hey Elle, long time no see! at tatawanan namin ang lahat ng nakaraa
=Elvira’s Point of View= Nag-freeze ako. Sa pagitan ng sobrang tahimik na silid at ng dagundong ng pintig ng puso ko, hindi ko agad nagawang gumalaw. Nakatayo lang ako roon, hawak ang documents, habang nararamdaman ko ang malamig na presensyang nanggagaling kay Zian sa isang banda—at ang mainit na boses na pumuno sa silid mula sa likuran ko. Dahan-dahan akong huminga bago ko tuluyang nilingon ang nagsalita. At sa unang pagkakataon mula nang bumalik ako sa Pilipinas, nakita ko ulit si Caleb. Matangkad, nakasuot ng light gray button-down shirt, at relaxed ang postura. Pero ang unang sumalubong sa akin ay ang mga matang puno ng lambing, tila ba masayang-masaya siyang makita ako. “Elle.” Muling tawag niya, mas malambing ngayong mas malapit na siya. Saka niya inilagay ang kamay niya sa baywang ko, marahan akong inilapit sa kanya. “Kanina pa kita hinahanap. Bakit hindi ka nag-update?” Alam kong dapat akong sumagot. Pero hindi ko magawa. Hindi dahil sa tanong niy
=Elvira’s Point of View= You won’t lose, Elle. Pinanindigan ko ‘yon. For the rest of the inspection, I kept my composure. Wala akong pakialam kahit na naramdaman kong nasa peripheral vision ko si Ian Zachary Garcia, kahit na bawat utos niya sa site workers ay para bang may halong pwersang sinasadya niyang iparamdam sa akin. He didn’t talk to me again. And I sure as hell didn’t talk to him either. Pero sa bawat hakbang namin sa site, sa bawat pagkakataong napapalapit kami sa isa’t isa, ramdam ko ang presensya niya—sobrang dilim at lamig na parang sinusubukan niya akong lamunin. Tangina, gusto niya akong gibain? Hindi ako patitinag. Sa dulo ng walkthrough, tumigil kami sa isang elevated section ng site kung saan tanaw ang buong proyekto. Kasama namin ang clients at project director, nagdidiscuss ng final remarks. Ako naman, tahimik na nakatingin sa site, pilit na ine-enjoy ang tanawin para mawala ang bigat sa dibdib ko. But then, I felt it. A presence too close.