Chapter 39
"Nakakagulat ka naman." siko ko kay Carter.
"Let’s go?" aya niya na wala man lang kangiti-ngiti sa mga labi.
"Ah okay. Jacob, mauna na kami. Ingat ka sa daan." paalam ko kay Jacob.
"Sige, ingat din." kaway pa ni Jacob.
Akmang kakaway din ako nang hagipin ni Carter ang braso ko at hinila na ako palayo.
"Oi, makahatak ka naman, may lakad?" tanong ko kay Carter habang palabas kami ng publishing house.
"Rush hour na, mahirap matraffic."
"Sabagay." nasabi
Chapter 40"Naku girl, medyo matagal din tayong hindi nagkita, ah? Kaya dapat shot ka!" halos pasigaw na ani Irene dahil hindi kami magkarinigan sa lakas ng sound system sa bar na pinuntahan namin sa may BGC ."Oo, libre mo naman, eh! Teka asan jowa mo, bakit hindi mo sinama?" tanong ko saka lumagok ng isang shot ng kung anumang cocktail drinks ‘yon."War kami. Kaya tayong dalawa lang, kaya magpakalunod ka diyan. Hayop na ‘yon, di man lang ako naalalang batiin." himutok niya sabay lagok."Ah! Kaya pala dito mo ko niyaya! Magsisenti ka!" kantiyaw ko.Usually kasi kapag birthday niya, ililibre niya lang ako ng food sa resto or fast food o kaya sa bahay niya kasama family niya."Hayaan mo na ko, double purpose ang araw na ‘to.""Sige, kukunsintihin kita kasi ikaw ang gagasta, pero bakla, palagi na lang kayong nag-aaway, hindi malabong sa hiwalayan ang tuloy niyo. Sabi ko naman kasi sa’yo ‘wag mo ng bigyan ng
Chapter 41 "Thanks for cheering me up. The best ka talaga Renato." Umirap siya at bahagya akong tinampal sa braso. "Okay na sana kaso bakit Renato? Panira ka!" "Cheers!" angat ko sa baso ko. And there we went on and on and on. Hanggang sa halos hindi na kami parehas makatayo sa sobrang hilo. "Waiter, paorder naman ako. Isang giniling at isang tasang kanin." senglot ng kausap ko sa waiter. "Gaga! Ano’ng akala mo nasa karinderya lang tayo?" saway ni Irene sa akin. "Bakit ba? Sa gusto ko ‘yon, eh! Alam mo ba noong nagluto ako ng giniling, nagustuhan ni Carter. Best ulam daw na natikman niya." kwento ko at dumukmo nasa counter. "Ah, giniling, bagay sa puso mong hindi napagbigyan ang hiling?" pang-aasar niya sabay tawa kaya naman napairap ako. "At sa’yo dinuguan para sa puso mong sugatan! Hahaha!" ganti ko. "Ge, tawa ka! Kain ka na lang ng lumpia para sa puso mong nahopia!" "Sa’yo nilaga
Chapter 42 Hailey "Oh, Cal nandiyan ka na pala. Nagluto na ko," nakangiting bati ko kay Callie na kadarating lang galing trabaho. Hindi siya sumagot kaya itinigil ko muna ang paghahayin ko sa lamesa. Humiga siya sa yantok na sofa namin. Ni hindi na nakapagtanggal ng sapatos. Pagod, malamang. "Okay ka lang ba?" usisa ko saka ko siya nilapitan. "Medyo masama lang ang pakiramdam ko." Matamlay ang boses niya. "Namumutla ka. Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong ko at sinalat ang leeg niya. "Callie? Ano'ng medyo masama ang pakiramdam?Inaapoy ka na ng lagnat! Halika magpalit ka ng damit tapos magpahinga ka na," inalalayan ko siyang tumayo papuntang kwarto at tinulungang magpalit ng damit. Humiga kaagad siya kaya binalutan ko na ng kumot dahil ginawa na ginaw daw siya. "Magluluto lang ako ng noodles. I
Chapter 43HaileyLumalalim na ang gabi. At nag-i-enjoy naman akong kasama si Carter.Mayamaya lang ay inabutan ako ni Carter ng isang baso ng alak."H-Hindi ako umiinom, sorry.""That's okay. Means, two glasses for me," nakangiting aniya.Hindi ko na alam kung saan na nagpunta sina Sunshine. Ang laki naman kasi nitong venue."Sana makatayo ka pa," biro ko dahil hindi ko na alam kung pang-ilang baso na iyong nainom niya."Sorry. Hindi naman talaga ako palainom. It's just that...I feel like I could forget her if...""Kung maglalasing ka?" putol ko dahil parang nagbubuhol na ang dila niya.Tumango siya. Namumungay na rin ang mga mata niyang may mahahabang pilik."She just left without a word and...I don't know. It's not fair..."I simply patted his head."Okay lang 'yan. Kung iniwan ka
Chapter 44"Gising ka na talaga!" hindi maiwasang magpatakan ng luha ko, matapos check up-in ng doctor si Hailey. She’s out of danger. Pero dahil sa tagal niyang comatose, asahan daw na maaaring may mga ilang pagbabago sa pasiyente. Lalo nasa ugali. Kaya may mga pagdadaanan ring mga treatments si Hailey habang nasa process siya ng recovery. "G-Gaano ako katagal na nakaratay dito, Callie?" parang batang natututo palang magsalita na tanong niya. "Magtatatlong buwan na." May sumungaw na luha sa mga mata niya. "Ganoon ako katagal na nawala?" confusions was written all over her face. And it broke me.&nbs
Chapter 45 "May mga treatments kang pagdadaanan kaya dapat magpalakas ka," sabi ko kay Hailey nang makauwi si Carter. "Makakalakad ba ulit ako ng maayos?" tanong niya dahil hindi siya makatayo ng sarili niya lang. For three months she’s been a coma patient, kaya naapektuhan din ang paglalakad niya. "Oo naman. Basta tiyaga lang tayo. Kain ka na." akmang susubuan ko siya pero umiling siya. Kinuha niya sa akin ang kutsara at tinidor. Tinitigan niya iyon. She looked so confuse. Akala ko kakain na siyang mag-isa, pero nagulat ako nang ipaltok niya iyon. Nagkalansingan tuloy sa sahig.
Chapter 46 "I’ll pick you up later. 5 pm sharp." ani Carter habang naglalakad kami papasok sa bahay ni Mamshie Elaine. Dito muna kami ni Harlie para makabonding niya si Hailey. Pumayag naman siya kaya hinatid niya kami ni Harlie bago siya pumasok. "Makasharp parang sundalo lang?" biro ko habang bitbit si Harlie. "Siyempre, maghapon ko kayong hindi makikita kaya excited akong iuwi kayo ulit." "Strict naman ni Dade!" Natawa siya at pinisil ang ilong ko. "Aray!" hampas ko at pinitik ko naman siya sa ilong.&nb
Chapter 47Blangko ang isip ko habang naglalakad papasok sa bahay ni Carter. Pero naalerto ako nang makita si Carla na nakatayo sa gilid ng maindoor. Nandito na naman ang bruha. May hawak pang apple. Feeling snow white ampucha. Kunwari wala akong nakikita nang du\maan ako sa harap niya. Diretso ang lakad ko, hanggang sa narinig ko ang pag-aray niya. Natapakan ko yata."Are you stupid? Why did you step on my foot?" gigil siya."Para ka naman kasing tanga, eh. Haharang-harang ka diyan. Estatwa lang girl?""Aba! Ikaw na nga ang nakasakit ikaw pa ang may ganang magalit?""Makatapak ka ba naman ng tae, di ka magagalit?" pamimilosopo ko na ikinalaglag ng panga niya.Iniwan ko siyang nakanganga doon. Wala ako sa mood makipagbarugan sa kanya. Tuloy-tuloy akong umakyat sa kwarto. Nakita ko pa si Carter na palabas ng kwarto niya, karga si Harlie. Pagkatapos kasi namin manggaling
Epilogue Wakas... Kakatype ko lang ng word na wakas nang may humablot sa laptop ko. Napalingon tuloy ako. Si Carter pala. "Kagulat ka naman!" "Sorry. Just want to check kung okay itong magiging second novel mo," nakangiting aniya at umupo sa damuhan sa tabi ko. Seryoso niyang binabasa ang ending ng manuscript ko na nilagyan ko ng title na 'Lucky Me, Instant Mommy?' Napasinghot ako ng hangin at napatingin sa lapidang nasa harap ko. May sumilay na malungkot na ngiti sa labi ko nang makita ko ang pangalang nakaukit doon. Hindi ko akalain nasa ganito lang ang kahihinatnan niya. Napakabata pa niya. Hindi man lang niya naranasan mabuhay ng matagal sa mundo. "Seryoso? Ito talaga gusto mong maging ending natin?" tanong ni Carter kaya nilingon ko siya. Seryoso ang mukha niyang nakatitig sa monitor. "Tapos bakit iminatch mo pa si Jacob kay Carla?" follow up question niya.
"May mga bagay na hindi natin kontralado kaya may mga nangyayaring hindi planado..." Napailing ako nang maalala kong sinabi ko iyon dati kay Carter. Kaya nga siguro, sa ganito ang ending ng storyang nasimulan namin kahit hindi sinasadya. Napangiti ako habang naglalakad papasok sa simbahan, kung saan magaganap ang isang engrandeng kasalan... Halos may isang oras pa bago magsimula iyon. Inihakdaw ko ang paa ko papasok. Unti-unti palang nagdadatingan ang mga bisita. Humalimuyak kaagad ang bango ng mga bulaklak na nakapaligid sa simbahan. Naglakad ako sa aisle na nalalatagan ng pulang alpombra.
CARTER’S POV Hindi ako makapagconcentrate sa ginagawa ko. Hindi maalis sa isip ko si Callie. Nakatitig lang ako sa laptop ko, pero hindi naman umuusad ang ginagawa ko. Nakaamin na ako sa nararamdaman ko, dahil inakala kong gagaan ang loob ko kapag ginawa ko iyon, pero mas lalo lang bumigat. Napahilamos ako sa mukha. Hindi ko na alam ang gagawin. I love my child. Pero kung susundin ko naman ang nararamdaman ko, wala rin namang mangyayari. Tinanggihan na niya ko. Hindi niya kayang saktan si Hailey at si Harlie. For the past three months hindi siya nawala sa isip ko. I love he
JACOB SAMANIEGO DOCTOLERO Iyon ang pangalan na nakalagay. Napatayo ako bigla. "Callie, where are you going?" takang tanong ni Mamshie pero hindi na niya ko napigilang lapitan ang table nina Jacob. "Excuse me, gentlemen." tawag pansin ko sa kanila. "Hija! Callie!" lumiwanag ang mukhang tawag sa akin ng tatay ni Carter nang makilala ako. "Kamusta po?" nakangiting bati ko pero napansin ko ang gulat na mga mata ni Jacob nang mapalingon siya sa akin.&n
"Tingin mo, wala talaga tayong pag-asa?" tila nahihirapang tanong niya. Yumuko ako at tumango-tango. "Tingin ko, kaya wala tayong pag-asa dahil hindi tayo para sa isa’t-isa. Sorry Carter. Hindi pa man kami naisisilang sa mundo ito, magkasama na kami ni Hailey. Hindi ko siya kayang saktan. Hindi ako karapat-dapat sa’yo dahil hindi kita kayang ipaglaban."I walked away as fast as I can. Halos takbuhin ko na palabas. Ipinagpasalamat ko na lang na hindi na niya ko hinabol.Naglakad ako sa daan na parang wala sa sarili. Ayaw maampat ng luha ko. Nanlalabo tuloy ang paningin ko. Sa sobrang sakit na nararamdaman ko, pakiramdam ko hindi na ko maiinlove ulit.Kung hindi rin lang si Carter,`wag na lang.~*~*~*~*~*~ "Hailey..." tawag ko
Medyo kabadong naglalakad ako papasok sa publishing company ni Carter, hawak ang business proposal na iniwan niya sa akin last week. Nagtext na ako sa kanya na darating ako. Lunch time kaya nagbababaan na ang mga empleyado para kumain. Halos walang tao akong naabutan sa second floor kung nasaan ang office ni Carter. Bago iyon ay madadaanan ko muna ang office ng mga editors, nagulat pa ako nang makitang lumabas doon si Jacob. Parang nagkagulatan pa kami dahil hindi kaagad siya nakapagsalita. Napansin kong mabilis niyang isinuksok sa bulsa ng polo ang isang flash drive. "H-Hey, Callie!" tila malikot ang mga matang bati niya nang tila makabawi sa pagkabigla. "Uy. Ano’ng ginagawa mo diyan? Isa ka na rin ba sa mga editors?" takang tanong ko.&nb
Chapter 523 MONTHS LATER..."Ma, kamusta na sila?" usisa ko kay Mamshie Elaine nang magkita kami sa isang resto."Thery’re still looking for you anak, magpakita ka na kaya?" himok niya saka dinampot ang menu.Napabuntong-hininga ako. Tatlong buwan na akong parang bulang naglaho sa paningin nina Hailey at Carter. Noong mga unang buwan para akong baliw na iiyak tuwing gabi. Hindi rin ako halos makakain, namimiss ko si Harlie, parang may malaking bahagi ng pagkatao ko ang nawala noong hindi ko na siya makarga, minsan natatagpuan ko ang sarili ko paggising ko sa umaga na nakatingin sa gilid ng kama ko, sa bahay kasi ni Carter katabi ko ang crib ni Harlie.Parang pinatay din ang puso ko nasa tuwing gigising ako, mag-isa na lang ako. Wala na si Carter na bukod kay Harlie ay siya ang unang nakikita ko paggising ko.Idagdag pa na ang tagal naming hindi nagkasama ni Hailey pero hindi ko man lang siya nakasama ulit. Pakiramdam
Chapter 51"Where to?" tanong ni Carter habang naglalakad kami. Nag-isip ako, kung manonood kami ng sine, kakain iyon ng halos dalawang oras. Walang masiyadong bonding na magaganap dahil konsentrado kami sa panonood. Gusto ko kasing sulitin ang last day ko kasama siya. Iyong parehas kaming mag-eenjoy ng hindi nakaupo lang. "D-Doon! Gusto kong subukan." turo ko sa ice skating rink na natanaw ko. Lumiwanag ang mukha niya. "Talaga? Masaya mag-ice skating." "Marunong ka?" "Yup! I’ll be your personal trainor. Let’s go!" hinawakan niy
Chapter 50"Ano pong ilalagay natin sa cake madam?" tanong sa akin ng babaeng crew na binibilhan ko ng cake. Ang pulang laso. "Eto sinulat ko." iniabot ko ang isang papel. Kinuha niya iyon at iniabot sa isa pang crew na lalaki. Kitang-kita ko ang matamis nilang ngitian. "Love, eto pa. Okay ka lang ba diyan?" malambing na tanong ng babae. Bulungan pa, dinig ko rin naman! "Miss, balikan ko na lang, ah?" paalam ko dahil nabibigatan na ko sa dala ko, tapos tatlo pa iyong sinundan ko na dedication cake din ang ipinagawa. "Sige po Ma’am. Receipt niyo po for claiming." abot niya sa akin ng resibo.&nb