"Saan ka ba kasi nagpunta kanina, Chelle? Nagmamadali ka na namang umalis gaya nung dati." Tanong ni Ron nang nasa kitchen kami at kumakain.
Nang umalis ako sa hospital ay tinawagan ko siya at sinabing pupunta ako rito sa unit niya. Hindi ko na pinasama ang mga body guards ko dahil sa baba lang naman nito ang unit ko.
"I visited my friend, Ron." Sagot ko sa kaniyang tanong at nagpatuloy sa pagkain.
"A friend? Who's friend?"
"My co-model." Simple kong tugon.
"You don't have any friends here, Chelle. Aside from Quinn and Brynn, alam kong wala ka ng ibang kaibigan dito."
I sighed deeply and looked at him. Nakita kong kumunot ang noo niya nang hinarap ko siya. Alam ko namang hindi siya maniniwala, pero...
"I met a new friend here, okay? Noong hindi pa kayo nagpupunta rito nila Brynn ay may nakilala ako. At siya iyong–"
"Yes, mom, nasa Pilipinas na po ako." Sambit ko kay mommy at sumakay na sa kotse."Kasama mo ba ang mga body guards mo?""Opo. Pinadala ko sa kanila ang kotse ko.""Okay, good. Drive safely, darling. Magpahinga ka pagkauwi mo sa iyong condo." Bilin niya."Okay. Baba ko na 'to."Pagkapatay ko ng tawag ay binaba ko ang bintana ng sasakyan ko."You can go home now. May pupuntahan pa ako." Sabi ko sa mga body guard ko."Sasamahan na lang po namin kayo, ma'am." Agad nilang utas.Napairap na lang ako. Gosh! Puwede bang bumalik na lang ng Korea para wala sila? Buti pa doon wala akong bantay!"Bahala nga kayo. Basta 'wag ninyong sasabihin kila mommy na may pinuntahan ako, okay?""P-pero, ma'am hindi po puwede 'yon–""Tatanggalin ko kayo sa trabaho n'yo kapag
Dahil nga isang linggo akong pahinga sa trabaho, halos wala rin akong ginagawa. Nasa bahay lang ako at paminsan minsan ay dumadalaw kay Jian sa hospital. Busy ang kambal dahil sa kanilang business kaya hindi ko rin muna sila nakakasama.Natutulog si Jian habang ako naman ay nakaupo sa sofa nang marinig kong tumunog ang kaniyang phone galing sa loob ng isang bag. Tumayo ako at hinagilap ko iyon doon."Louzel... Sino naman 'to?" Bulong ko sa aking sarili bago ni-swipe ang cellphone niya para masagot ang tawag."Jian..." Pamilyar ang kaniyang boses. "Kumusta ka na? I'm sorry hindi ako nakakadalaw. Ang daming pinapagawa sa akin sa trabaho–"Agad ko siyang pinutol."Uh... I'm sorry, miss, but this is not Jian.""H-huh? Sino 'to? Si Elly ba 'to–""No..." Muli kong putol sa kaniya. "Nasa school si Elly. I'm Jian's... friend." Tama na
"Are you going to leave me here, Chelle?" Tanong ni Ron pagkatapos kong ibaba ang cellphone ko.Sabay kaming pumunta ni Ron dito kanina kaya wala akong dalang sasakyan. So, I called my body guards to bring my car here.Huminga ako ng malalim at hinarap siya."You can still enjoy the party, Ron. Nandyan naman si Bryle and some our friends in model industry. You can be with them–""And where are you going?" Singhal niya."May pupuntahan lang ako." Simpleng tugon ko.Kumunot ang noo niya bago siya humugot ng malalim na hininga."Sasama ako kung ganoon.""What?" My brows snapped together. "You can't, Ron. Hindi ka puwedeng sumama." Umiling ako."And why not? Hindi naman kita guguluhin kung saan ka man pupunta, Chelle. Sasama lang ako–""Are you crazy? Hin
Isang linggo na simula nung sinundan ako ni Ron sa hospital. Pagkauwi ko nun ay kinausap ko siya. I told him na tinutulungan ko lang nga sila Jian. Nakumbinsi ko rin siya na h'wag ipaalam kila mom and dad ang tungkol dito."You are invited to Mrs. Garcia's runway tomorrow, Richelle. As judge again." Si Mrs. Vera nang mag-usap kami sa kaniyang opisina."Tomorrow? What time?""Three in the afternoon. I gave her your number, sinabi kong tawagan ka na lang niya mamaya."I nodded my head.Tumayo na ako at inayos ang aking sarili."I'll go now. Magpapahinga na." Paalam ko."Okay. Take care..."Paglabas ko ay naabutan ko si Ron na nakahilig sa kaniyang kotse. Nag-angat siya ng naramdamang dumating ako."You done? Anong pinag-usapan ninyo?" He asked as he opened the front door for me.
"Kanina pa raw tumatawag sa inyo ang mommy mo, ma'am. Pero hindi ka raw po sumasagot."Nasa labas lang kami ng kuwarto ni Jian. Kaya pala hindi tuluyang sinara ni Aurel kanina ang pinto dahil nag-aabang lang sila rito.Inilahad sa akin ng body guard ang cellphone niya. Kinuha ko naman ito at itinapat na sa aking tainga para makausap si mommy."Mom...""Darling! Anong ibig sabihin ni Mrs. Garcia? Hindi ka nagpunta sa Runway? Where are you then?!" Bungad na tanong ni mommy."Mom, may emergency lang po kaya hindi ako nakapunta. I texted her-""What kind of emergency is that?!" She cut me off. "You're one of the judges, hija! Dapat ay naroon ka!""Mom, hindi naman po importante 'yon. Magagawa naman po nila yung Runway kahit wala ako. Hindi lang naman po ako ang nag-iisang judge doon, may iba pa." Paliwanag ko.
"What? Ikaw ang nagbayad sa hospital bills niya?" Gulat na gulat na tanong ni Brynn.Nasa isang Restaurant kami ngayon at kumakain ng lunch. Nakipag-meet up siya sa isa sa mga business partner nila at nang natapos ay pinapunta niya ako rito. Wala si Quinn dahil may iba raw inaasikaso.Kinuwento ko naman kay Brynn 'yong tungkol sa pamilya ni Aurel at ang pagbayad ko sa hospital bills ni Jian. Gulat na gulat siya nang sinabi ko iyon."Ako naman ang may gustong manatili siya sa hospital, Brynn kaya dapat lang 'yon."Umiling siya. She looked disappointed."You are in love with him, aren't you?" She concluded."What are you talking about? Listen, Brynn... I'm just –""Helping them?" Tuloy niya sa sinasabi ko. "Kabisado ko na mga sagot mo, Chelle. You don't have to tell me that again."Sinimangutan ko si
Halos buong gabi akong nasa hospital. Nakaupo ako sa may bandang gilid ni Jian habang hawak niya ang kamay ko. Hindi ko lang namalayan na nakatulog pala ako sa ganoong ayos.Naalimpungatan lamang ako ng naramdaman kong may humahaplos sa aking buhok. Unti unti kong kinusot ang aking mga mata bago ito idinilat. Nag-angat ako ng ulo at nakitang gising na si Jian."Ayoko sanang gisingin ka, pero hindi ka ba nahihirapan d'yan sa puwesto mo? Baka mangalay ka." Aniya, tunog nag-aalala."No... I'm fine, don't worry." I assured him.Tiningnan ko ang langit sa may bintana at nakita kong malapit na rin lumiwanag. Damn. Really? Nakatulog ako ng ganoon ang ayos? Buti at nakaya ko 'yon!"Umaga na rin pala. Nakatulog naman ako ng maayos kahit papaano." I said to him again.Bumaba ang tingin ko nang muli niyang kinapa ang kamay ko para mahawakan.
"May gusto ka bang sabihin sa akin, sweetie?" Si mommy sa kabilang linya.Maaga pa at tumawag na siya sa akin."Po? Wala naman, mom. Bakit?" Tanong ko, nagtataka."Hmm... Are you sure?" Ulit niya."Yes, mom. Ano naman pong... sasabihin ko?"Medyo kinakabahan na ako sa kaniya ah. Bakit siya nagtatanong?"Nevermind, sweetie. How's your friend nga pala?"Who's friend?"Sila Brynn po?" Sabi ko nang naisip na ang kambal ang tinutukoy niya. "Ayos naman po sila–""No, no... Your friend na nasa hospital?"Oh... Why is she asking? Nakakpagtataka naman yata. Hindi naman niya madalas kumustahin ang mga kaibigan ko. Except the twins dahil matagal ng kilala iyon ni mommy."Ahm, s-she's fine, mom. Paminsan minsan ay sumasakit pa rin ang kaniy
Its been two years when he left me. Its been two years since he's gone. Its been two years... But I am still into him. I put the frame to his grave gently. It was our first picture together. Siya mismo ang kumuha ng picture na iyon. I'm wearing a black halter top while he's wearing his hospital gown. Nakaakbay siya sa akin habang ang isa niyang kamay ay nakahawak sa kamay ko. Simple lang ang litrato na iyon ngunit napaka espesyal nito para sa aming dalawa. Para sa akin... "Hey... Its been two years, Jian. But I'm here again. I miss you." Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa noong araw ng pagkamatay niya. Nanlalambot ang mga tuhod ko at talagang sobrang bigat ng pakiramdam ko. Alam mo 'yon? Minsan ka na nga lang magmahal, minsan ka na nga lang makatagpo ng taong tanggap kung ano o sino ka man. Tapos... mawawala pa. "Jian... Please, wake up... Please... 'Wag mo akong iiwan.
I don't want to push her away. It's hard to push her away. But what can I do if that's the only way for her to be happy again? Her mom was right... She can't be happy with me. She can't live peacefully with me. Masakit man pero iyon ang totoo. May mga bagay na kailangan nating isakripisyo para sa mga taong mahal natin. Kahit na mahirap ito para sa atin. Kahit gaano pa ito kasakit.Sobrang nahirapan ako noong itinaboy ko siya. Ayokong gawin 'yon, pero iyon ang tamang gawin. Masakit para sa akin na makita siyang umiiyak sa harapan ko. Nasasaktan ako kapag nasasaktan siya. Pero dahil iyon ang dapat gawin, kahit mahirap ay ginawa ko."E-Elly..." Marahan kong sambit sa pangalan ni Elly nang sa wakas ay nagkaroon akong muli ng malay. She's talking to Chelle. I know."Jian, malapit na ako. Please... 'wag ka na munang magsalita."Parang tumalon sa galak ang puso ko nang sa wakas ay muli kong na
Habang tumatagal ay mas nanghihina ang katawan ko. Kahit pagtayo ay nahihirapan akong gawin. Hindi ko na rin gaanong nagagalaw ang mga kamay ko. Dahil sa nangyayari ay halos araw-araw nasa loob lamang ako ng aking kuwarto. Nakahiga at parang lantang gulay na bagsak ang katawan. Ayaw ko na ganito lamang ako ngunit ako mismo ay hindi alam ang gagawin sa sitwasyon ko ngayon.Ilang linggo ang lumipas at ibinalita sa tv na hiwalay na raw si Richelle at ang artistang si Bryle. Masama na na akong tao kung sasabihin kong natuwa ako sa balitang iyon? Damn! Kahit alam kong imposibleng maging akin siya lalo na sa sitwasyon ko ngayon, ay umaasa pa rin ako! I'm really out of my mind!Ang sabi ay maayos raw silang naghiwalay ni Bryle at magkaibigan pa rin naman daw sila hanggang ngayon. Kung maayos silang naghiwalay, ano naman kaya ang maaaring dahilan ng paghihiwalay nila? Sabi ay hindi raw third party, wala rin daw nagl
May mga bagay na hindi natin inaasahan na mangyayari. May mga bagay na ayaw nating maranasan natin. Pero mapipigilan mo ba ang mga bagay na ito? Kung ang mismong tadhana na ang gumagawa ng paraan para maranasan mo ang mga bagay na ito?Halos dalawang linggo na ang lumipas simula nung mawalan ako ng paningin. Nagpunta kami sa ospital ni Elly at sinabi ng doctor na isa raw sa mga sintomas ng sakit ko ay ang pagkalabo ng mata. Pero yung sa akin malala na yata. Hindi lang lumabo ang paningin ko, kundi tuluyan na siyang nawala...Hindi na ako makalakad ng maayos. Hindi na ako makakalakad ng mag-isa. Kakailanganin ko pang gumamit ng tungkod. Hindi na rin ako makakapagtrabaho dahil wala na nga akong paningin. Bulag na ako... Hindi ko na makikita ang mga bagay sa paligid na nais kong kuhanan ng litrato. Hindi ko na magagawa ang mga nais kong gawin... gaya ng dati...Gustuhin ko man magalit sa Panginoon dahil
Halos buong gabi akong hindi nakatulog sa kakaisip sa kaniya. The way she looks at me... The way she touch me... Damn. Ang lambot ng kamay niya nang hinawakan niya ako kahapon. Am I lucky, isn't it? Sa wakas ay nakaharap ko siya ng harapan kahapon. Dati ay inaabangan ko lang siya sa Airport kapag nababalitaan kong magpupunta siya rito. Tinatanaw sa malayo. Pero kahapon ay nakita ko siya ng mas malapit at nakausap pa.Dahil sikat si Richelle ay kumalat ang balita na niligtas ko siya. Iba't-ibang larawan sa Bar ang kumalat sa social media noong araw din na 'yon. Ininterview pa ang kaniyang mga magulang at nagsabi na nagpapasalamat raw sila ng lubos sa taong nagligtas sa kanilang anak. It's my pleasure, though. I really want to protect their daughter. I really want to save her. Always."Kuya, papasok ka sa trabaho?" Si Elly habang inaayos ko ang camera ko."Oo." Simple
"Bro, may maganda akong balita sa 'yo!"Iyon ang bungad ni Aurel sa akin nang isang gabi ay sinagot ko ang kaniyang tawag."Tungkol saan?" Tanong ko habang hinihilot ang aking sentido."Nandito sa Bar si Richelle! At mag-isa lang siya!"Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Mag-isa? Bakit siya pupunta roon ng mag-isa?"Sinong Richelle?" Tanong kong muli kahit na alam ko naman kung sino ang tinutukoy niya. Pero malay ko ba kung ibang tao pala 'di ba?Halakhak agad ni Aurel ang narinig ko sa kabilang linya."Come on, bro! May iba ka pa bang kilalang Richelle? Hindi ba wala naman na?" Halakhak niyang muli. "Richelle Valdez, of course... Your ultimate crush." He still said even though I already knew who he's talking about.Damn."Bilis na. Pumunta ka na rito kung gusto mo siyang makita. Wal
"A-ate... Nariyan po s-sa labas ang parents mo..." Nauutal na sambit ni Elly nang pumasok siya sa loob.Nanlaki ang mga mata ko at hindi ko alam kung tatayo ba ako para labasin sila o mananatili lang dito sa tabi ni Jian. Ayokong iwan siya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagigising. Halos pangatlong araw niya na itong walang malay.Bumukas muli ang pinto at iniluwa naman nito si Aurel na madilim ang tingin sa akin."Lumabas ka na muna. Hinahanap ka nila, Chelle." Seryoso niyang utas."A-ayokong umalis sa tabi ni Jian–""Kung hindi mo sila haharapin ngayon ay sila mismo ang papasok rito."Napahinto ako sa sinabi niya.Damn. Hindi ko akalain na ganito kabilis darating sila mommy! And worst, nagpunta pa talaga sila rito!"Sige na..." Si Aurel. "Bumalik ka na lang rito kapag nakausap mo na sila.
Lumipas ang dalawang araw na hindi ako bumibisita kay Jian. I really want to visit him. I already miss him. I badly want to see him. Kahapon ay sinubukan kong pumunta sa ospital. Naroon na ako actually, pero umaatras ako sa tuwing naiisip ko yung mga sinabi niya sa akin. I love him... I really do. Masakit man sa akin ang ginagawa niyang pagtulak sa akin palayo, mahal ko pa rin siya. Hindi ko kayang iwan siya, gaya ng gusto niya. "Chelle, stop it. You're already drunk." Saway sa akin ni Brynn nang muli akong kumuha ng bote ng beer para sana inumin iyon. Kanina pa kami nandito sa Bar. Niyaya ko sila dahil gusto kong makalimot kahit na saglit lang. I want to forget the pain kahit na sa sandaling panahon lamang... Binalewala ko ang sinabi ni Brynn at ininom na ang panibagong beer na kinuha ko. "Gosh, Chelle!" I heard Quinn sounded irritated. Binalewala ko iyon. "Kanina ka p
Pagkatapos kong sabihin iyon ay tumayo na ako. Sumusunod pa rin ang mga reporters kahit na noong papunta na ako sa opisina ni Mrs. Vera.Nang makapasok sa opisina niya ay agad ko siyang hinarap para muling makausap."Thank you for everything, ma'am. Ikaw ang naging gabay ko noong pumunta ako rito sa pilipinas. Salamat po." I said, genuinely.Sa mga oras na kasama ko si Mrs. Vera sa trabaho, talagang naging masaya ako. She treated me so special. She always makes me feel that I am belong here in her Agency. She always says compliment to me too."No problem, hija." She said. "Basta kung gusto mong bumalik sa pagmomodelo, tawagan mo lamang ako. You are great, Chelle. Sayang ang ipinagkaloob sa iyo na talento kung hindi mo na gagamitin ito."Ramdam na ramdam ko ang panghihinayang sa kaniyang tono. Ngunit sa palagay ko ay kahit ano pang sabihin niya o ng ibang tao, talaga