LaylaSaturday Excited na ako sa lakad namin ngayon ni Ma'am Alice. Nakapag impake na rin ako ng gamit ko nung isang araw pa kaya naman sure ko na wala ng naiwan pa ako. Nang mag paalam nga ako kila Mama ay agd na pumayag ang mga ito lalo na nung malaman nila na si Ma'am Alice ang kasama ko. Gusto nga din sana na sumama ni Ate Hanabi kaya lang di naman siya in invite ni Ma'am Alice alangan naman na isama ko siya diba? Nakakahiya naman. Nag chat na rin sa akin si Ma'am Alice na on the way na daw siya kaya naman bumaba na ako ng aking kwarto at sa sala ko na lang ito a antayin. Four pa lang ng madaling araw kaya naman naka hoodie ako at pajama tas naka suot ng crocs sa paa. Sa farm naman ang punta namin kaya hindi ko kailangan na mag ayos pa. Tsaka comfy ako sa ganitong get ups ko tsaka okay lang naman ito e. Hindi naman siguro ako pa pansinin pa ni Ma'am sa ganitong ayos ko. Sakto din lang kasi malamig lalo na at yung sports car yata ni Ma'am ang gagamitin namin ngayon pa Batangas
Layla Pasikat na ang araw ng dumating kami sa farm nila at gaya nga ng sabi nito na maganda nga ang tanawin kapag nandito kana sa farm at sisikat pa lang ang araw. Kitang kita ko ang fog na tinatamaan ng araw pati ang mga puno ng dragon fruit na naka tanim ay ang ganda din tignan lalo pa at may mga bunga at bulaklak na ang mga ito. Grabi halos hindi ko alam kung saan ko ibabaling ang aking tingin. Parang hindi lang farm itong dragon fruit plantation nila na ito e. Parang hacienda na siya sa luwang na aking nakikita. Panay tuloy ang kuha ko ng video. Hindi ako na inform na ang ganda pala dito. Nag dala pa sana ako ng extra memory card ko baka kasi ma full na ang memory ng phone ko dahil sa walang tigil na pag kuha ko ng picture at video e nasa bungad pa lang kami. Wala pa kami sa bahay ng mga ito. Papasok pa lang kami ha. Paano na kaya kapag pinasyal na talaga niya ako. Ang sabi pa naman niya ay hindi lang daw dragon fruit ang tanim nila dito. May mga taniman din daw sila ng lanso
Layla"Hindi ako payatot no. Sakto nga lang katawan ko e. Ikaw kaya ang kumain dyan at para ka ng kalansay na nag lalakad." hindi nag papatalo na sagot ko naman sa kanya. Akala niya ha. Kahit na nandito ako sa teritoryo niya ay hindi naman ako basta basta mag papatalo na lang sa kanya no. Hindi porket alam na alam nito na may gusto ako sa kanya ay hahayaan ko na lang siya sa pam bu bully sa akin. "Ops nag salita ang hindi patay na patay sa akin. So nag lalakad na kalansay na pala ang tingin mo sa akin ngayon. Ano na nga yung mga pinag sa sabi mo sa akin nung nakaraan na buwan? Na ang ganda ganda ko at mukha akong dyosa hmmm" naka ngisi na sagot naman niya. Bigla naman namula ang mukha ko dahil doon. My god bakit kailangan na sabihin pa niya ang bagay na yan? Nakakahiya tuloy kay Ma'am Alice na ngayon ay tumigil sa pagkain at naka tingin na rin sa akin..Bigla ko naman na pinanlakihan ng mata ito dahil sa sinabi niyang yun sa akin. Pero nginisian lang ako nito sabay kindat pa niya.
LaylaMabilis na tinapos ko na lang ang pagkain ko. Dahil baka tuluyan na naman matukso ang puso ko na pilit ko ng inilalayo kay Ate Vexana. Pero ito naman ngayon ang pilit na lumalapit sa akin. Kanina pa rin pinag papawisan ang kamay na hawak ko at hiyang hiya na ako sa totoo lang. Dahil baka isipin pa nito na pasmado ako. Sino ba naman kasi ang hindi pagpapawisan kung ganitong hawakan ng mahal mo ang kamay mo. Baka mahimatay ka pa sa kilig kapag hindi lang malakas ang pag pipigil ko sa aking sarili. Nang matapos kong kumain ay agad na tumayo na ako. Mabuti na nga lang at binitawan na rin nito sa wakas ang kamay ko. "Done kana kumain?" Tanong naman sa akin ni Ma'am Alice. "Opo Ma'am, medyo nangawit lang pwet ko kakaupo kaya tumayo muna ako saglit. Tuloy nyo lang po pagkain nyo. " Sagot ko naman sa kanya .Alangan na sabihin ko dito na yang magaling mo kasing pinsan ay parang di na naman naka inum ng kanyang gamot kaya kumikilos ng kakaiba ngayon. "Ganun ba? Sige lang kung gusto
LaylaPagka layo nito sa akin ay mabilis na namula na naman ang mukha ko. Ito na nga ba ang sinasabi ko na ipapahiya ko lang ang sarili ko sa kanya kaya ayaw na ayaw ko sana na malapit lang ito sa akin kasi naman ay nawawala talaga ako sa aking sarili. Mapa titig pa nga lang sa mata nito y ganito na ako paano pa kaya kung may gawin pa itong iba? Baka ika himatay ko na yun na mas lalo lang ika papahiya ko dito. Pero para pag takpan na rin ang pagka pahiya ko sa kanya ay sinagot ko na lang ang tanong nito sa akin ."Mag kaibigan nga lang talaga kami ni Ma'am Alice. Mabait siya sa akin at sakto na gustong gusto ko na pumunta sa mga ganitong lugar kasi naman naiinip nako sa Manila kaya pumayag na kaagad ako nung niyaya ako ni Ma'am dito. Pero walang ibig sabihin yun. Hindi din naman siya nanliligaw sa akin at saka tingin ko naman ay parang naka babatang kapatid lang din naman ang turing nito sa akin. Kaya walang dapat na isipin na hindi maganda sa pag papakita niya ng kabaitan sa akin."
Layla "Bakit ka ba kasi umiiyak?" Naiiyak na rin na tanong ko dito. Pinaka ayaw ko na ganito siya na parang ang hina hina niya. Na never ko pang nakita sa isang Vexana na ang maldita at hindi nag papakita ng kahinaan nito. Kaya sobrang nakakapanibago ang kinikilos nito. May problema ba siya kaya siya ganyan? Handa naman akong makinig sa kanya e. Mag sabi lang siya. Handa ang balikat ko kung kailangan niya ng maiiyakan. Kaya ba nasabi niya na huwag akong mag move on kasi kailangan niya ako ngayon? Kaya ba ayaw niyang iwasan ko siya? Hayst bakit ba kasi hindi na nito kaagad sabihin sa akin ang dahilan hindi yung nang huhula pa ako. Hindi ba alam ni Ate Hanabi na may problema ang kaibigan niya na ito? Dapat doon siya nag sasabi ng problema niya kasi kaibigan niya yun ako e handa din naman makinig kung sa akon talaga niya gusto ihinga kung ano man ang problema niya. Gustuhin ko man na yakapin ito at haplusin ang kanyang likod upang kahit paano naman ay gumaan ang kanyang nararamdaman
Layla Nagising na lang ako na parang may maingay sa aking tabi. Para bang may nag aaway kaya naman dahan dahan na nag mulat na ako ng aking mata upang maki chismis na rin at malaman kung ano ba ang pinag aawayan ngayon ng mga tao sa paligid ko. Pag mulat ng aking mata ay agad na nakita ko ang dalawang dyosa na masamang naka tingin sa isat isa. Silang dalawa ba ang nag aaway? Tsaka teka anong ginagawa ng dalawa na ito dito sa kwarto?Nang mapansin na nila akong gising ay bigla na lang lumapit sila sa akin at sabay na sabay pa talaga. Ano bang problema ng dalawang ito? "Musta na ang pakiramdam mo? Okay kana ba?" Magka sabay pa na tanong ng mga ito saka mag titinginan tapos mag iirapan. Ano ba kasi ang nangyari? Naka tulog pala ako ng hindi ko namalayan. Basta ang natatandaan ko ay nung dinala ako dito sa room ni Ate Vexana at yun nag flash back na sa akin ang mga pinag gagawa nito at kung bakit bigla na lang ako naka tulog ng hindi ko alam. Hindi pala ako naka tulog bagkos ay nahim
LaylaHindi ko namalayan na naka tulog akong muli. Nagising na lang ako ng parang may humahaplos sa pisngi ko. Kaya naman dahan dahan na nag mulat ako ng mukha at si Ma'am Alice ang namulatan ko na naka upo da may gilid ng kama habang naka tingin sa akin. "Gising kana pala. Okay na ba ang pakiramdam mo?" Masuyo na tanong nito sa akin. Kaya naman agad na ngumiti ako sa kanya upang ipaalam dito na okay na ako at huwag na siyang mag alala pa sa akin. "Okay na ako Alice." Sagot ko naman sa kanya. Alice na lang ang tawag ko dito kapag kaming dalawa lang at yun ang request niya sa akin. Nung una nga ay nahihiya ako natawagin siya ng ganun kasi naman unang una teacher ko siya, pangalawa mas matanda siya sa akin kahit kila Ate Hanabi e mas matanda pa siya kaya parang nakakailang natawagin siya sa pangalan lang niya. Pero dahil yun ang gusto nito at sino ba naman ako para hindi gawin ang simple na hiling niya ay walang hiya na tinatawag ko na lang ito sa kanyang pangalan. Naka hinga nama