Wulfgrim is an outskirt town of Morganda. Binubuo ito at hinati sa apat na teritoryo. Ang pinakamalaki at maunlad ngunit kinatatakutang teritoryo ay ang RedTails na pinamumunuan ng alphang si Luc Deriston Montego. Sumunod ang pinakatahimik at organisadong teritoryo, ang WhiteTails na pinamumunuan naman ni Griel Thrain Kinnison. Ikatlo ang GrayTails na pinamumunuan ng bugnuting si Ronther Louvel Mourgent. At, ang panghuli ay ang BlackTails na pinamumunuan ng basagulero at palaging nasasabit sa gulong si Rhonen Vallin Wulfric.
And, they were the infamous alphas of Morganda.Magkaiba man ang kanilang pag-uugali at walang sandali na hindi nagkakainitan ng ulo kapag magkakasama, ay hindi iyon hadlang sa pagkakaibigan ng apat. Si Luc ang pinakamabagsik sa apat ngunit may itinatagong kabaitan. Si Griel naman ang palaging namamagitan sa tuwing nagkakainitan sina Luc at Rhonen. Taga-awat kapag nagpang-abot ang dalawang alpha. Samantalang wala namang pakialam si Ronther kahit pa magsuntukan ang mga ito sa harapan niya. Hindi na iyon bago sa pinuno ng GrayTails. Sanay na itong halos magbasagan ng mukha ang dalawa tuwing nagkakainitan kaya wala na iyong epekto sa kanya.
Kagaya na lang ngayon....
Nasa ng isang bar sila na nasa loob ng teritoryo ni Luc at masayang nagpapalipas ng gabi habang nagki-k'wentohan. O, mas tamang sabihin na nagtatalo.
Pareho na namang mainit ang ulo nina Luc at Rhonen habang nakangisi lang na umiinom ng beer si Ronther sa tabi ng dalawa. Alam niyang ilang sandali lang ay may mababasag na namang mukha at mawawasak na naman ang kagamitan sa loob ng bar. Si Griel naman ay tahimil lang at panaka-nakang sinusulyapan ang dalawang nagtatalo."You fucking idiot!" Gigil na angil ni Rhonen at dinuro pa ang mukha ni Luc.
"Gago! Huwag mo akong duru-duruin lalo na kung nasa loob ka ng teritoryo ko!" Galit namang singasing ni Luc at malakas na tinapik ang kamay ng kaibigang Alpha.
"C'mon, buds. Stop—"
Natigil sa pagsasalita si Griel nang sabay na umangil ang dalawa. Itinaas ng alpha ng WhiteTails ang dalawang kamay at walang emosyong inismiran ang dalawang tila batang nag-aaway nang dahil lang sa walang k'wentang usapan.
"You fool!" Muling singhal ni Luc kay Rhonen na mas lalong umasim ang mukha. "You should have killed that damn bastard if I were you!" Dugtong pa nito na salubong ang malalagong mga kilay.
Pinagtatalunan ng dalawa ang gulong pinasok ng huli noong nakaraang linggo sa kabilang bayan kung saan nakabangga nito ang isa sa mga alpha roon.
"Kung hindi ba naman nakialam ang gagong ito, e 'di sana nadukot ko na ang puso ng walang k'wentang iyon." Medyo kalmado nang sagot ni Rhonen at tinapunan ng masamang tingin si Griel na mas piniling huwag na lang sumagot. Wala rin namang mangyayari kung makikisali pa siya sa pagtalo ng dalawa.
"You know what, guys? Why don't we go back there para matapos na iyang problema ninyong dalawa?" Sabad ni Ronther bago ibinaba ang hawak na bote ng beer.
Sabay pang bumaling rito sina Luc at Rhonen na parehong umangil.
"At, sino ang nagsabi sa iyong pinu-problema namin ang walang k'wentang iyon?!" Asik ni Luc.
"Hindi ba? Akala ko kasi pino-problema n'yo. Pinag-aaksayahan n'yo kasi ng oras na pagtalunan, eh." Kibit-balikat na tugon ni Ronther at muling tinungga ang laman ng hawak na beer.
"Eh, ito kasing—" Napatigil sa pagsasalita si Luc nang bumukas ang pinto ng bar.
Sabay pang napatingin sa pinto ang apat at tinitigan ang papasok na babae. Luc frowned as his eyes focused to the girl who just entered the bar. Sino ang babaeng ito?Ang lakas naman yata ng loob nitong pumasok sa teritoryo niya nang walang pasabi. Pinaka-ayaw niya pa naman niya sa lahat iyong may dayong bigla na lang sumusulpot sa RedTails. Mahina siyang umangil na hindi nakaligtas sa pandinig ng tatlong mga kasama.
"C'mon, dude. She's just an ordinary human girl. I'm sure, she can't harm you nor RedTails." Natatawang usal ni Ronther.
"Babae rin ang dahilan ng pagkatalo ni Samson." Malamig ang tinig na tugon ng binata habang ang mga mata ay nakasunod pa rin sa babae.
Tinitigang mabuti ni Luc ang babaeng bagong dating. Nakasuot ito ng hapit na itim na pantalon at tastas sa bandang gitna ng hita. Pinatungan nito ng feathered and hoody sweater ang suot na puting blouse at nakabrown anckle boots. Maganda ito at bahagyang kulot ang itim na itim na buhok.
Nangunot ang noo ni Luc nang may mapansin sa babae. She looked familiar to him. Saan niya ba nakita ang babaeng ito?"Ako lang ba ang nakapansin?" Untag ni Griel na mga mata ay nakasunod sa babae. "She looked familiar. Have we seen her before?" Kunot-noong sabi ng alpha ng WhiteTails.
Titig na titig pa rin siya sa babaeng humakbang palapit sa bar counter at umupo sa isang stool doon.
"Excuse me," Dinig ni Luc na bati nito sa babaeng nasa bar counter.
They are werewolves that's why he can still clearly hear what they're talking about."Yes, Ma'am? What's your order?"
Saglit pa munang nag-isip ang babae at tila nag-aalinlangang tinitigan ang kaharap.
"Ahm, can I ask you something?"
"Ano po iyon?"
Humugot ng malalim na buntong-hininga ang babae bago alanganing ngumiti. " Safe ba ang lugar na ito?" tanong nito.
Natigilan naman ang pinsan niyang si Gayle na siyang may-ari ng bar at bahagyang sumulyap sa grupo nila bago tipid na ngumiti sa kaharap.
"Yes, ma'am!" Tipid na tugon ni Gayle.
Lalo namang lumalim ang pagka-ka-kunot ng noo ng binata dahil sa tanong na iyon ng babae.
Well babe, see it for yourself then.
"Can I ask another question, please." Muling sabi nito.
"Yes?"
Nakatalikod ito sa gawi ni Luc kaya hindi niya nakikita ang itsura nito.
"Oh, I'm sorry. I haven't introduce myself to you yet. I am Rashida but my parents used to call me Abbey." Ani nito at hindi nakatakas mula sa matalas na pakiramdam ni Luc ang lungkot sa boses ng babae.
Mas lalong nangunot ang noo ni Luc. Hindi niya inalis ang mga mata sa nakatalikod na babae. Matiim niya itong pinagmasdan habang dahan-dahang sinisimsim ang beer na hawak.
What are you up to, human?....
****************
" My name is Gayle."
Muling bumalik ang pansin ni Abbey sa kaharap na babae nang magsalita ito. Bahagya siyang napakurap bago pilit na ngumiti. Bahagyang nilipad ang isip niya nang maalala ang mga magulang.
"Nice to meet you." Pilit ang ngiting sabi niya. "Ah, one margarita, please." Dugtong niyang bahagyang ikinurap ang mga mata pagkatapos ipilig ng mahina ang ulo.
Hindi siya komportable sa lugar at pinagpa-pawisan na siya ng malapot kahit malamig naman roon. Kanina pa niya nararamdaman ang mga matang iyon na mainit na nakatitig sa likuran niya. Pakiramdam niya ay napapaso ang manipis niyang balat dahil sa init ng titig ng kung sino mang nagmamay-ari ng mga mata iyon. Ayaw naman niyang lumingon dahil pakiramdam niya ay pagsisihan niya iyon kapag ginawa niya. Kailangan niya ng alak para bahagyang mabawasan ang kabang nararamdaman. Muli tuloy siyang napaisip kung tama bang pumunta siya sa lugar na iyon kahit walang siya kakilala roon kahit isa. It was her first time in Wulfgrim. A place that never expected to exist.
"Here's your margarita. Enjoy!"
Bahagya pang napapitlag si Abbey nang marinig ang boses ni Gayle. Napatingin siya sa kopitang inilapag nito sa harap niya at wala sa loob na dinampot iyon at tinungga.
Bottoms up...
"One more, please." Aniya habang pinipitik-pitik ang mga daliri sa makintab at makinis na tablang ginamit para gawing bar counter.
Napatingin sa kanya ang babae pero pinili niyang hindi ito pansinin. Naging malikot ang kanyang mga mata at pasulyap-sulyap sa paligid. Walang kibong dinampot ng babae ang kopita niya at tumalikod. Nang muli itong humarap ay iniabot nito sa kanya ang panibagong baso ng alak.
"Thank you!" Tipid niyang ani at mulinay deritso iyong tinungga bago muling humingi ng panibagong alak.
Kumunot ang noo ni Gayle at napailing na lang dahil sa nakikitang miserableng anyo ni Abbey."Take it easy." Ani ni Gayle sa kanya pagkaraang mai-abot ang ikatlong kopita ng margarita.
Mapait na ngumiti si Abbey at muling tinungga ang laman niyon. Nakakailang kopita na siya nang maramadaman niyang unti-unti na siyang na-a-apektohan ng alak at nagsisimula na rin siyang maging madaldal.
"You know what?! Bakit pakiramdam ko ay katapusan ko na?" Aniya na bahagya pang ikinumpas ang kanang kamay. Lumingon siya sa paligid at dinuro ang isang lalaking nakatingin sa kanya. "Ikaw? Bakit ganyan ka makatingin? Parang gusto mo akong lunukin ng buhay? 'Yong totoo, halimaw ka, 'no?!" Malakas ang boses na sita niya rito.
Wala siyang pakialam kung nakuha niya ang pansin ng lahat ng naroroon at tila iisang taong napatingin sa kanya. Hindi rin niya pinansin ang nag-aalang mga tingin ni Gayle.
Napatigil siya nang biglang makarinig ng angil.
"Ay, bakulaw!" Gulat na bulalas ni Abbey. "What was that? Did you just growl?!" Namimilog ang mga mata dahil sa pagkagulat na dugtong niya.
Isa pa muling angil ang narinig ni Abbey ngunit bakit parang dumoble iyon. Hala, ano 'yon? Dumami sila? Agad-agad? May mga alaga bang aso ang may-ari ng bar na ito?! Naku po! Katapusan na yata niya. Hindi p'wede. Virgin pa siya. Pati labi niya, never been kissed pa. Kailangan niya munang makatikim ng halik kahit isa lang kaya hindi pa siya p'wedeng sumunod sa mga magulang niya sa langit.
"Lasing ka na, Abbey." Dinig niyang tawag-pansin ni Gayle.
Abbey waved her hands as she stood up. Kahit na nahihirapan ay pinilit niya pa ring tumayo ng tuwid habang halos hindi na maidilat ang mga matang naghanap ng mahahawakan. Nakayukong itinukod niya ang isang braso sa stool na katabi para mai-balanse ang katawan niya. At, eksaktong pagpihit ay nabangga siya sa matigas na pinto. Teka, paanong nagkaroon ng pinto roon? Hindi pa naman siya nakakaalis sa bar counter.
Natitigilang kinapa-kapa ni Abbey ang kanyang nabangga. Matigas iyon ngunit bakit parang ang sarap pisilin? Teka, may damit? Kailan pa nausong magdamit ang pinto? Muli niyang kinapa at pinisil ang nabangga niya hanggang sa tuluyan siyang matigilan. Hindi kaya—Dahan-dahan siyang nag-angat ng paningin at muntik nang himatayin nang salubungin siya ng mga matang kasing dilim yata ng gabi. Sa nanlalabong paningin dala ng kalasingan ay naaninag niya ang tikom na tikom nitong mga labi at halos magdugtong na ang mga kilay. Jesus, nasa langit na ba siya? Uminom lang siya pero bakit ang gwapo ng nakikita niya? Ito na ba si San Pedro na tagabantay ng pintuan papasok sa langit? Pero kasasabi ni lang na ayaw pa niyang sumunod sa mga magulang niya sa langit, ah. Ang bilis naman ng aksyon ni Lord. Pero kung ito na nga, dito na lang siya. Sasamahan niya itong magbantay sa pintuan ng langit. Kahit walang bayad, okay lang. Gwapo, eh.At, bago pa man siya makapagsalita para tanungin kung kailangan nito ng kasama sa pagbabantay sa pinto ng langit ay bigla niyang naramdaman ang biglaang pag-ikot ng kanyang paningin. Lumilindol yata. Parang niyayanig ang mundo. Napahawak siya sa dibdib ng lalaking kaharap nang mahilo. Nakaramdam din siya ng biglaang pagsama ng sikmura. At, bago pa man niya mapigilan ang sarili ay bigla siyang naduwal kasabay ng malutong na mura ni San Pedro.
"What the fuck?!"
Hala! Marunong palang magmura si San Pedro?!
Kunot-noong pinagmasdan ni Luc ang babaeng walang tigil na tumutungga ng alak sa bar counter. Ginawa na yata nitong tubig ang inumin dahil maya't-maya itong humihingi ng alak sa pinsan niyang si Gayle. Ilang sandali pa ay mukha tinamaan na ito ng nainom dahil nagsimula na itong dumaldal. Panay na rin ang ngiti nito kay Gayle ngunit nagulat siya nang bigla itong lumingon sa gawi niya at dinuro siya. Tumaas ang kilay ni Luc at malamig ang tinging mas lalong tinitigan ang babae. Ang hindi lang niya inaasahan ay nang tawagin siya nitong bakulaw.Napaangil si Luc at gusot ang mukhang umismid lalo na nang manlaki ang mga mata nito. Sabay pa silang napa-angil tatlo nina Ronther at Rhonen nang muli siya nitong tawaging na naman siya nitong bakulaw. Talagang inulit pa nito. Nakakainsulto na ang babaeng ito, ah.Madilim ang anyo a
Nagising si Abbey nang makaramdam ng pagkasilaw sa mga mata. Dahan-dahan siyang nagmulat at napangiti pa bago muling pumikit para namanmin ang magaang pakiramdam. Wala sa loob na nag-inat pa ng katawan si Abbey nang bigla siyang matigilan. Nakiramdam siya sa paligid. Tuluyan na siyang napadilat at nanlalaki ang mga matang inilibot ang paningin sa loob ng kinaroroonang silid. Nawala rin ang bahagya pang antok na nararamdaman niya. Luminga siya sa paligid at napatili nang mapansing hindi pamilyar ang lugar na kanyang kinaroroonan. Ang huling naaalala niya ay pumasok siya sa isang bar at napainom ng marami. Natutop niya ang noo at bahagyang napangiwi.You seriously got yourself wasted in an unfamiliar place, Abbey and you passed out. How can you be so fool and careless? Sermon niya sa sarili.Napatingin siya sa gawi ng pinto nang bigla iyong
Pagkatapos maligo at magbihis ay kaagad na lumabas ng inuukopang silid si Abbey. Natigilan siya nang bumungad sa kanya ang tahimik at mahabang pasilyo. May nakasabit na grandiyosong chandelier sa kisame na kanyang ikinamangha. Kakaiba ang disenyo niyon kaya kunot-noong mataman niya iyong sinipat. Napangiwi pa siya nang tuluyang maunawaan kung ano ang disenyo ng malaki at halatang mamahaling chandelier. Sa halip kasi na bulaklak na kadalasang niyang nakikita sa mga chandelier ay mga nakangangang asong lobo ang design niyon. At, napakaganda ng pagkakaukit dito. Truly artistic!Napatigil siya sa pag-usyuso at nagulat nang biglang may nagsalita sa likuran niya. "Ay, kuwago!" Tili niyang napatalon pa."What are you doing?" Kunot-noong tanong sa kanya ng isang lalaki.
Magkaharap na nakaupo sa mesa sina Abbey at Luc. Pareho silang nasa loob ng malawak na opisina sa ikalawang palapag ng mansyon ng pinuno ng Wulfgrim. Hawak-hawak ni Luc sa kanang kamay ang sulat na ibinigay sa kanya ni Abbey. Sulat iyon ng Mommy nito na pumanaw na dahil sa sakit na cancer. Nang tanungin kasi ni Luc si Abbey kung ano ang pakay ng babae sa Wulfgrim at kung sino ang nagpadala rito roon ay sinabi nitong hinahanap nito ang isang lalaking nagngangalang Callehan.Kaagad na nagsalubong ang mga kilay ni Luc nang marinig ang sinabi ni Abbey. "Bakit mo siya hinahanap?" Seryoso at mapanganib na tanong niya sa babaeng kaagad namang napairap.Lukot ang mukhang sumagot si Abbey. Sa totoo lang ay hindi na siya natutuwa sa lalaki. Kanina pa siya nito tinatanong at kulang na lang ay tanungin nito kung may love life siya."Walang sinabing dahilan si Mommy. Basta
"Hoy, kayo!" Angil ni Gayle sa walong lalaki. "Spare her, okay?" Sita niya sa mga ito na sabay pang napakamot sa ulo. Ang dalawa sa kanila ay galing sa Gray Tails na ipinadala ni Ronther, sina Jaro at Bruce. Sina Ady at Humpry naman ay kambal, pinsan ang dalawa ni Griel. Sina Emron at Mc Coy ay mga kapatid naman ni Rhonen samantalang sina Ares at Brix ay mga kapatid ni Roe na siyang beta ni Luc."But she's beautiful, no doubt." Apela ni Brix habang buhat ang isang tipak ng nawasak na bato.Si Abbey ang tinutukoy nito na kasalukuyang nakatanaw sa kanila at nakasakay sa kotse ni Gayle na nakaparada sa kalayuan."Hinay-hinay, brad. The human girl is watching and it seems like she's shocked." Natatawang turan ni Emron bago kunwaring tinulungan si Brix sa pagbubuhat.Sino nga naman ang hindi magugu
Pagkatapos makausap ni Gayle ang mga lalaking sa tantiya niya ay mga malalapit din dito ay muli nilang ipinagpatuloy ang pag-ikot. May iilan nang napagtanungan si Abbey kung saan nakatira si Callehan ngunit wala ni isa sa mga ito ang nakakaalam. Pero walang balak na sumuko si Abbey. Desidido siyang mahanap si Callehan dahil hangga't hindi niya ito nakikita at nakausap ay mananatiling kulang ang pagkatao niya. Kasisimula pa lang niya at iilan pa lang ang kanyang natatanong. Tahimik lamang si Gayle simula pa kanina at ipinagwalang- bahala na lang iyon ni Abbey. Marahil ay iniisip pa rin ng babae ang bar nito."Sandali lang, p'wede mo bang itigil sandali diyan sa tapat ng barber shop?" Untag niya kay Gayle na nagkibit- balikat lang bago itinabi ang sasakyan.May ilang kalalakihang nakatambay sa labas ng barber shop at masayang nagki-k'wentohan habang ang ilan ay nagl
Pagkarating sa mansyon ay kaagad na tumuloy si Abbey sa silid niya samantalang si Gayle ay muling umalis pagkatapos siyang ihatid. Bumalik ito sa bar para raw tingnan kung ano na ang nangyari roon.Pagpasok sa loob ng silid ay kaagad na ibinaba ni Abbey ang dalang clutch bag sa kama at tumuloy sa banyo para maghilamos. Pakiramdam niya ay nanlalata siya. Parang nauubos ang lakas niya na hindi niya maintindihan. Pagkatapos maghilamos ay tinuyo niya ang mukha gamit ang tuyong towel na nakasabit sa towel rock. Isang buntong- hininga ang pinakawalan niya bago lumabas ng banyo. Hindi niya alam kung ano ang naghihintay sa kanya at sa paghahanap niya kay Callehan pero sisikapin niyang mahanap ang lalaki.She's turning twenty- one few weeks from now at sa loob ng dalawampong taon niya sa mundo ay hindi niya naramdamang itinuring siyang iba ng kinilal
Marahang humugot ng buntong- hininga si Luc habang hawak sa kanang kamay ang kopitang may lamang alak. Pinaikot- ikot niya ang hintuturo sa bunganga niyon habang matamang nag- iisip. Nasa loob siya ng kanyang opisina at hindi mawala sa isipan niya ang naging pag- uusap nila ni Callehan na siyang lubos na nagpagulo sa kanyang isipan. Muli ay naalala niya ang huling sinabi ng lalaki."Kaya mo bang saktan at gawing kasangkapan sa iyong paghihiganti ang kaisa- isang alaala na iniwan ni Delaney?""Ano ang ibig mong sabihin? Sabihin mo sa akin kung ano ang nalalaman mo, Willmore!""Why don't you find it yourself? Magaling ka, hindi ba?" Binitawan ni Luc ang hawak na kopita at tumayo mula sa pagkakaupo. Humakbang siya palabas ng opisina at tumuloy sa kanyang silid na nasa ikatlong palapag. Lumapit siya sa built-in cabinet at mula sa pinakaitaas ay kinuha niya ang isang lumang box
"Ano'ng balak mo ngayon?" Seryosong tanong ni Griel sa kanya.Kasalukuyan na silang nasa loob ng mansyon. Si Abbey naman ay sinamahan ni Gayle sa kuwarto nito para magpahinga.Katulad ng madalas mangyari ay nanghina na naman ang babae pagkatapos nitong magshift at idagdag pang malayo-layo rin ang tinakbo nila.Nasapo ni Luc ang noo at nagpakawala ng malalim na buntong-hininga. Ano nga ba ang plano niya ngayong nagkagulo na lahat? Tiyak niyang hindi palalagpasin ni Akella ang pagpatay niya sa kapatid nito. Ngayon ay kailangan na rin niyang paghandaan ang magiging atake nito."Bahala na, Griel. Pero isa lang ang nasisiguro ko, hindi ako uurong sa anumang laban." Tiim ang anyong sagot niya.Napailing si Griel dahil sa sagot niya. Kilala siya nito na walang inu-urungang laban pero sa pagkakataong ito ay batid nila pareho na dehado siya kapag sabay-sabay ba umatake ang grupo ni Akella at ang organisasyong nasa likod ni Abbey magi
"Ano'ng balita?" seryosong tanong ni Callehan sa kaharap.Isa ang lalaki sa matapat niyang kasama. Marami na silang nalagpasang pagsubok simula pa nang una silang nagkakilala."Mukhang tama ka. Hindi kayang saktan ni Montego si Rashida." tugon nito.Napatango siya at napangisi. Mukhang umaayon ang lahat sa kanyang mga plano. Ilang araw na rin niyang pinasu-subaybayan ang bawat kilos ng alpha ng RedTails. At katulad ng inaasahan, nakamantyag nga ito sa bukana ng Lexus sa buong magdamag kasama ang alpha ng WhiteTails. It seems like his old friends never change, huh. At kilala niya si Luc, walang makakapigil dito kapag may gusto itong gawin sukdulang kalabanin nito ang lahat. He was his friend tho. Kabisado na niya ang likaw ng bituka nito pati ng tatlo pa nitong kaibigang sina Griel, Ronther at Rhonen."Kung ganoon ay maghanda ka. Anumang sandali ay mapapalaban tayo." aniya rito sa sery
Rodan...iyon ang nabasa ni Abbey sa karatulang nakalagay sa gilid ng kalsada. May pasangang daan sa labas ng Wulfgrim at pinili niyang kumanan kung saan napansin niyang tila mas madawag ang mga puno. Naisip niyang kagaya ng Wulfgrim, baka sa bungad lang din ganoon at kapag nasa sentro na siya ay maayos rin ang Rodan. Ngunit hindi kagaya ng Wulfgrim na pakiramdam niya na tila hinahatak siya ng lugar. Kabaliktaran ang nararamdaman niya sa Rodan. Habang papasok siya sa lugar at palayo nang palayo sa pasangang daan ay bigla siyang nakaramdam ng takot. Nanindig ang mga balahibo niya at parang gusto niyang bumalik. Malayo na ang nararating niya at natatanaw na rin niya ang mga kabahayan.Simula nang madiskubre niyang isa siyang chimera ay luminaw na rin ang paningin niya. Kaya niyang makita ang isang bagay kahit gaano pa ito kaliit at natatanaw niya na parang malapit lang ang isang lugar kahit na malayo. Ayon kay Ziv
Napahugot ng malalim na buntong-hininga si Abbey habang patamad na nakadapa sa kama. Hindi pa uli sila nag-usap ni Luc simula kahapon. Hindi naman niya masisi ang lalaki kung galit ito sa kanya. Hindi siya nag-ingat. Sa kagustuhan niyang i-please ito ay nakaperwisyo pa siya. At, muntik pa niya itong saktan."What now, Abbey?" Pabulong na kausap niya sa sarili bago tumihaya.Wala pa siyang isang linggo roon pero ang dami nang nangyari. Maraming nagbago lalo na sa kanya. Hindi niya pa rin lubos na matanggap ang pagiging halimaw niya. Akala niya kapag pumunta siya sa Wulfgrim ay matatagpuan niya kaagad si Callehan at magiging maayos na ang lahat. Pero mali siya dahil mas naging magulo ang sitwasyon. Mas naging komplikado.Natatakot siyang hindi na siya makabalik sa dati niyang buhay. Paano kung dahil sa pagiging halimaw niya ay makasakit siya ng inosenteng tao or worst ay makapatay siya? Hindi na niya alam kung paano at saan mag
Matapos masigurong maayos na ang kalagayan ni Abbey ayon kay Ziva ay niyaya ito ni Luc sa kanyang opisina. May gusto siyang malaman dito. Iniwan nilang natutulog ang babaeng tila naubusan ng lakas at ipinagbilin na lamang niya kay Kimmy na silip-silipin dahil umalis ang pinsan niyang si Gayle para bisitahin ang café nitong kasalukuyan pa ring ginagawa."Mukhang napapalapit na ang loob mo sa kanya, ah." Kaagad na untag ni Ziva nang makapasok sila sa opisina niya.Taas ang kilay na tiningnan niya ito bago umupo sa couch na naroroon."What are you talking about?" Kunot-noo niyang tanong sa kaibigang doctor.Umupo si Ziva sa tapat niya at tinitigan siyang mabuti na tila ba inuuri ang kanyang kabuoan. "Are you falling for her?" Nananantiya at out of the blue na tanong nito.Napa-angat naman si Luc mula sa pagkakasandal at tila napapantastikuhang tinapunan ng hindi makapaniwalang tingin si Ziva na titig na titig pa rin sa kanya.
Gulat na napalingon si Abbey sa namumula sa galit na si Luc. Nawala sa loob niya ang nabitawang kawali."What the hell are you doing?!" pasigaw pa ring tanong nito sa kanya.Awang naman ang mga labi at namumutlang napatanga siya sa kaharap na lalaki. Madilim ang anyo nito at tila anumang oras ay gusto na siyang tirisin.Hindi alam ni Abbey kung paano siya magpapaliwanag. Nalulon na yata niya ang kanyang dila dahil sa labis na tensyong nararamdaman sa mga sandaling iyon. Napakalaki naman kasi ng anger issue ng lalaking ito. Gwapo nga sana at fafable pero palagi namang may topak."S-sorry..." medyo nabubulol na turan niya nang mahamig ang sarili sa pagkabigla at takot."Sorry? Is that all you can say now? Ano ba kasi ang naisipan mo?!" singhal nito sa kanyang ang mga mata ay nakatutok sa sunog na mga pancakes na nasa harap nito.Aba naman, sumusobra naman yata
"Ano'ng plano mo ngayon?" Tanong ni Gayle kay Luc habang nasa loob sila ng kanyang opisina.Dalawang araw na simula nang matuklasan nila ang kakaibang katauhan ni Abbey. Kasalukuyang nagsasanay ang babae at nasa quadrangle kasama si Roe. Tinuturuan ito ng beta niya kung paano mako-kontrol ang biglaang pagpapalit-anyo lalo pa't nalaman nilang pangatlong beses na itong nanaginip ng ganoon ngunit nagigising naman daw itong nakahiga pa rin. Iyon nga lang, para raw itong hinang-hina."Hindi ko pa alam, Gayle. Pero hindi ko siya p'wedeng isuko sa counsils. They'll use her and I justcan'tallow it to happen." Nakatingin sa kawalan na tugon ni Luc. "Kung totoo nga'ng pangatlong beses nang nangyari sa kanya ito at palagi ziyang nagigising na nasa silid niya at nakahiga pa rin, ibig sabihin ay may bang nakakaalam ng tungkol sa tunay niyang pagkatao.Sinisiguro nitong hindi makakaramdam ng kahit na anong pangamba si Abbey kapag nagising ang
Nakalabas na sila ng clinic nang biglang magpumiglas si Abbey mula sa pagkakabuhat ni Luc."Put me down! Put me down!" Bakas ang pagka-inis sa boses na sigaw ni Abbey kay Luc.Madilim ang anyong tinapunan ni Luc ng masamang tingin si Abbey habang patuloy ito sa pagpiglas. Padarag nitong ibinaba ang babae na mas lalo namang naimis.Nameywang si Abbey at namumula sa inis ang mukhang hinarap si Luc."What are you doing? Why am I here?!" Magka-kasunod na tanong ni Abbey.Ang huling tanda ni Abbey ay nasa loob siya ng kanyang silid. Pagkarating nila ni Gayle mula sa pag-iikot at pagtanong-tanong ay pumasok siya sa banyo at naghilamos. Pagkatapos ay humiga siya dahil para siyang nanghihina. Nanaginip siya. Isang kakat'wang panaginip. Nagkaroon daw siya ng pakpak. Itim ang mga iyon. Matulis na sungay at katawang kagaya ng sa asong-lobo.Oh, my ghad! Ang weird ng panaginip
"Ano'ng nangyari?" Kaagad na tanong ni Ziva, ang pack doctor ng RedTails.Marahang ibinaba ni Luc sa operating table na naroroon ang walang malay na si Abbey. Naghilom na ang sugat nito sanhi ng kagat ni Lulu, ang Harou na nakakagat dito. Kumuha ng ilang gamit si Ziva at in-eksamin ang dalaga. Pinunasan nito ang bakas ng dugong naiwan sa balikat ng babae habang kunot ang noo. Pagkatapos masigurong maayos naman ang kalagayan nito at walang natamong pinsala ay binalingan ni Ziva si Luc na kunot din ang noo at salubong ang mga kilay na natingin sa wala pa ring malay na babae."What is she?" Mahinang tanong ni Luc sa kaibigang doctor pagkaraan ng ilang sandali.Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa nakita niya kanina. Anong klaseng nilalang si Abbey?"What exactly did you see, Luc?" Balik-tanong ni Ziva sa kanya."Isang nilalang na kakaiba. She have horns of a goat, wings of a raven and a body of a wolf." Kunot-noo pa r