Indie Emerson "Edi wala tayong pasok sa katapusan?" Narinig kong tanong ng isang cashier staff habang pumipili ako ng paint brush sa gilid. May kausap kasi siyang isang sales staff. Mga katrabaho ko sila pero hindi naman kami close. Hindi ko rin naman kasi sila nakakausap dahil nga sobrang ilap ko sa mga tao. May iba kasi na ayaw din naman ako kausap kaya ako na lang ang kusang lumalayo. "Half day lang! Kasal nga kasi ng panganay niyang anak 'di ba?" "Ay, oo nga pala!" Lumapit ako sa pwesto nila at nilapag ang paint brushes na nakuha. Inabot ko rin ang debit card ko para iyon ang gawing pambayad."Paniguradong grande ang kasal nila! Vega at Ynares ang ikakasal!" Napakunot ang noo ko nang marinig ang Vega. Saan ko nga ba 'yon narinig? Inasikaso ng cashier staff ang binili kong brushes at nang okay na ay kinuha ko muli ang card at bumalik sa room kung saan andoon ang painting area namin. Nasa loob lang din naman kasi kami ng Art Bar. Dalawa lang kaming painter ngayon ang pumasok d
Indie Emerson "Wife?" the man uttered. Mabilis kong hinatak sa lalaki ang kamay ko at hinablot sa kanya ang paper bag na nakuha niya kanina. I felt my hands are trembling because of shocked and fear. Ayoko talagang hinahawakan ako lalo na lalaki at hindi ko talagang kilala. Mabilis na lumapit sa amin si Weston at nag-aalala na nilapitan ako. "May asawa ka na?" sambit pa nito. "Are you okay?" Weston asked habang kinukuha ang isang paperbag. I felt him touched my shoulder and looked at me. Tumango ako sa kanya bilang sagot. Naramdaman ko ang pagkalma ng sarili sa hawak niya. Umangat pa ang kamay niya at hinaplos ang maikli kong buhok. "Wait— Weston, care to explain? Wife? Kailan ka pa kinasal?" nagtatakang tanong ng lalaki. Napatingin kami sa kanya. Bakas ang pagtataka sa kanyang mukha at nakakunot pa ang noo niya. Imbis na umalis ay nanatili ako sa tabi ni Weston na parang nagtatago na bata. The guy is also good-looking just like Westom but he looks younger. Halatang anak-mayaman
Weston Vega "Weston, isa siyang pipi." I let out a heavy sigh when I heard Isandro's voice. Ipinatong ko ang mga palad sa kitchen counter at mariin na pumikit. Mukhang kanina pa siya andito at nakita niya ang nangyari. Pakiramdam ko ay naubusan ako ng enerhiya sa naging pag-uusap naming dalawa ni Indie. When I closed my eyes, Indie's downhearted face flashed through my mind. "She's my wife now," I blurted. I don't care if she's mute or not. I don't hold any grudges about that. The moment she wrote something into that board, I've already accepted what she'll gonna say about her condition. It doesn't matter to me. "And you went overboard, you moron!" "Your mouth, Isandro. I'm older than you," sita ko sa kanya. Umismid siya. "I don't care about that age, two years lang naman. What you did was wrong. Indirectly accusing her of what? Having an affair? Kung meron man, edi sana hindi siya pumayag dito," aniya. I just looked at him intently. Gano'n din siya, kapag ganito masasabi kong
Weston Vega"Sino tinatawagan mo?" Isandro asked. Napatingin ako sa phone at ipinakita 'yon sa kanya. "Si Indie," I replied. Naglakad na kami papunta sa waiting shed na nasa labas lang din ng station at doon naupo. Nagtaka naman siya. "Baliw ka ba? Sasagot ba 'yon? Dapat tinext mo na lang." "Hindi rin nagre-reply." Natawa na lang si Isandro. "Kawawa ka naman po," pang-aasar niya. Sinamaan ko na lang siya ng tingin at pinatay na lang 'yong tawag. Hanggang 8PM pa dapat kami kaso maaga kaming pinauwi ni Tito dahil may mga magshishift na rin naman na. Nagtext na nga ako kanina na ako 'yong nagtetext sa kanya para hindi siya matakot pero wala pa rin. Mukha naman kasing hindi siya humahawak ng phone niya palagi. "So, uuwi ka na sa asawa mo?" tanong niya pa. I grinned. "Are you making fun of me for having a wife?" Kasi kanina ko pa napapansin na nang-aasar siya. Nawala ang mapang-asar na reaksyon ni Isandro at napalitan iyon nang maayos na ngiti. Mas lumapit pa siya sa akin at humawa
Indie Emerson Weston apologized to me and I just said it's okay, hindi ko hahayaan na ilagay sa pahamak 'yong pangalan nila. Hindi ko naman hahayaan na may mangyari sa akin at mauwi na naman sa kung ano. Ayoko nang makarinig ng kung anu-ano sa mga tao. Tama na 'yong nangyari noon. I didn't go to the Art Bar and I was just reading a book the whole day. Alam kong pinapanood ako ni Weston that time, hinayaan ko lang din siya. Nilalapitan niya ako kapag inaalok ng pagkain. The next day, pumasok na ako. Maaga akong umuwi kasi nag-message sa akin ‘yong Mommy ni Weston. She asked if we had free time to visit her. Nahiya na ako kaya pumayag na ako. Maaga akong umuwi kasi baka sakaling makita ko siya pero wala pa pala kaya tumambay muna ako sa Yobo. Hindi ko agad napansin na may tumatawag kasi naka-silent ‘yong phone ko. Hanggang sa kunin ko ‘yong phone at makita ‘yong mga tawag ng isang unknown number– ni Weston. Ang kulit niya! Dinamihan ko na ‘yong reply para hindi na siya mangulit. May
Indie Emerson I was so downhearted that night, umalis ako ng party, sa exit ako dumaan at agad na nag-book ng sasakyan. Sa park malapit sa bahay ako nagpababa. I stayed there dahil magtataka si Manang kung bakit maaga akong umuwi. Ayokong mag-alala siya. Habang nasa park ay iniyak ko lang lahat. Pinsan ni Ingrid si Angela, nakakalaro namin siya nung bata pa kami kaso nung nalaman niya na hindi ako nakakapagsalita nagbago siya. Nagbago silang lahat, nag-iba ang turing nila sa akin. Mas tumindi pa ang trato nung namatay si Ingrid. Mama Isabelle's words lingered in my head. Lahat ng mga sinasabi nila ay nasa utak ko pa rin hanggang ngayon at naglalaro. Dahil sa kalagayan ko, ramdam na ramdam ko kung ano ang ipinagkait sa akin ng mundo. Hindi ko na napigilan ang pagluha nang yumakap sa akin ang Mommy ni Weston. I also hugged and cried silently, hinayaan niya lang ako hanggang sa kumalma na ako. “It’s okay to cry, Indie. Sometimes, you just have to let it all out para maging magaan ang
Indie Emerson "Hi, Indie!" Nanigas ako sa kinauupuan ko nang maramdaman ang kamay ni Shane na humaplos sa braso ko habang bumabati sa akin. Pumisil pa iyon kaya halos magtayuan ang mga balahibo ko sa katawan. Shane, Ingrid's boyfriend, smiled at me as he sat in the chair in front of me. May bitbit siyang paperbag at alam kong para kay Ingrid 'yon. "Kanina pa kayo? Where's Ingrid?" he asked while looking around. Itinuro ko ang banyo. "Oh, comfort room?" Napatango naman ako. Inilapag niya sa tabi ang paperbag na hawak at may hinalungkat doon. Inilabas niya ang maliit pang paperbag at iniabot sa akin. "For you," aniya. Napatitig ako ro'n, iyong ngiti pa niya ay halos hindi na maalis sa labi niya. "Ibinili na rin kita," dagdag niya. Tumango na lang ako at hindi na nag-abala pang usisain iyon. Mabilis kong inilagay 'yon sa bag. Naging tahimik lang kami dalawa hanggang sa dumating si Ingrid. "Hi, babe!" she exclaimed and hugged Shane. Shane kissed Ingrid in front of me. Nahampas pa
Weston Vega"What the hell are you doing here?" I asked, irritatedly. It's already 9:00 in the morning and the first person who appeared in front of me was Isandro. Late na rin ako nagising dahil napasarap ang tulog ko. "We don't have a duty!" he exclaimed, happily. Naningkit ang mata ko. "I know, Isandro." "Pwedeng tumambay?" he asked with a grin on his face. "Wala ka bang bahay?" "Alam mo na sagot diyan!" aniya at basta na lang pumasok sa unit ko. Hahablutin ko na sana ang braso niya nang mabilis siyang tumakbo at sumampa sa sofa. Umagang-umaga mukhang pasasakitin ng lalaking ‘to ang ulo ko! May unit din naman siya at sariling bahay pero kung makatambay sa akin ay akala mo pinapabayaan nila Tita. Sanay naman na ako na andito siya pero andito rin si Indie! Halata naman na hindi komportable ang asawa ko sa mga tao. "Andito si Indie!” paalala ko sa kanya. “So?” hirit niya. My eyes widened and snatched the pillow from the one-seater sofa and threw it to Isandro. “You dimwit! Of
Weston Vega The marriage thing with Indie happens like a strike of thunder. Hindi talaga naging madali sa una, Someone like her— cold, grumpy and distant, is totally different from what I've imagined. Falling in love wasn't on our plan yet we did. I'm the one who fell first. Hindi ko rin akalain na sa kanya lang pala ako bibigay. Naging malalim 'yong nararamdaman ko, naging in denial pa nga ako kasi takot din ako. Natakot sa kung ano pwedeng mangyari lalo na si Indie 'yon, she was so good at hiding and denying things. Sa kung tutuusin ay kayang-kaya niya tapusin sa isang iglap, pero alam kong hindi niya ginawa kasi may pumipigil. She risked everything just to satisfy her foster parents. Iyong kahit tapak-tapakan na siya ay andoon pa rin 'yong pagmamahal niya para rito. She was so selfless. Kahit pinaramdam sa kanya ng lahat na naiiba siya dahil sa kalagayan niya, nanatili siya para sa sarili niya. Yes, she was hurting herself before and that's really awful but it's her way of coping
Indie Emerson I used to have a dull life, tranquility was so hard to achieve because of the gloomy past and voices of the demons in my head. Insecurities, overthinking, low self-image; all of it ruined everything. I should not be easily readable, I don't want people to know how vulnerable and weak I am. When the girl that I love, Ingrid, died everything was messed up. Harsh words here and there. Unfair treatment. They were like a jumble of problems that never vanished, it'd stay in your mind forever. And getting married was the least thing I want to do after what happened to Shane and I, and let me include Diesel, para akong nakulong sa pag-iisip na lahat ng lalaki ay gano'n din ang gagawin sa akin, that they would take advantage of me because I'm like this and I don't deserve to be treated well. And I deserve the bare minimum. Life with the Emerson family was something I didn't expect, because I'm pretty confident about experiencing a happy life until my last breath, not like th
Indie Emerson After that heartwarming meeting of Dion and Weston, I stayed with them dahil dinaldal na si Dion ang Daddy niya. Pinapanood ko lang sila dahil hindi naman ako makapagsalita. Kapag nag-sign language ako, si Weston ang nagta-translate, parang 'yong ginagawa lang namin ni Maya. Tulad ng kay Isandro, ang bilis lang din mapalagay ni Dion kay Weston. Ilang oras pa lang sila magkasama ay ang clingy na nung bata kaya nakakatuwa. Nagpaalam muna ako sa kanila para tapusin ang ginagawa ko. Tinawag ko rin si Susan para maisampay niya 'yong mga nalagay ko na sa hanger. "Ate, makakahinga ka na nang maluwag," aniya bago lumabas ng kwarto bitbit 'yong basket. She's right. I'm now at peace knowing that Dion and Weston already met. Okay naman kasi kami ni Weston and he has the rights to know her. Sadyang inuna ko lang 'yong sa aming dalawa dahil ayokong mabigla at pilitin siya. Para talaga akong nabunutan ng tinik sa dibdib. Nagulat pa ako sa reaksyon niya that he was so proud of me.
Indie EmersonKinagabihan ay inihatid ako ni Weston pabalik sa unit. Mag-isa lang ako dahil nag-text si Maya na umaga pa sila makakauwi, ang service na lagi naming ginagamit ang maghahatid sa kanila dito. Ayaw pa nga sana niya umuwi kaso ang daming gamit ni Dion sa unit at panigurado na makikita niya, walang ligtas kumbaga. Sa sala pa lang andoon na 'yong mga stuff toys niya, activity desk at wiggle car. Ang dami ring plushies sa sofa na halos gawin na naming unan dahil sa dami. Lalo na sa kwarto naming dalawa ni Dion, nandoon 'yong mga malalaki niyang toys na bigay ni Maya. Simula nung bumalik kami rito lagi na niyang binibilhan sa mga online store, kaya laging may delivery. Buti nga plush toys lang, malambot, magaan pero ang hirap labhan. Kaya 'yong iba hindi namin inaalis sa plastic."Hindi ba 'yan inaantok? Bakit ang hyper?" pagtukoy ko kay Dion na kanina pa nakasakay sa wiggle car niya at nakaipit pa sa harapan niya 'yong tatlong plush toys niya. Natawa naman si Maya habang nak
Indie Emerson Weston and I left the hall. Sinabihan siya na idi-deliver na lang daw sa penthouse 'yong portrait na binili niya. Tahimik kaming naglalakad habang hawak niya 'yong kamay ko at bitbit ang bag ko pati flowers na bigay niya. Hindi siya nagsasalita pero nung silipin ko 'yong mukha niya; he was just looking straight with a small smile on his face. Ang higpit pa ng pagkakahawak niya sa akin. Umangat ang free hand ko para hawakan ang braso niya at pinisil iyon. Napatingin naman siya sa akin na para bang nagtatanong pero ngumiti lang ako. "You want something?" he suddenly asked. I just shook my head. "Are you sure? Ako, ayaw mo?" he asked, naughtily. Pinanlakihan ko siya ng mata sabay kurot sa tagiliran niya. He just laughed and made a face like copying my initial reaction. Some jokes are half meant, tawa-tawa lang 'to pero alam kong may balak na 'to. Habang naglalakad kami ay nakita kaming mga bata na may dalang plushies, halatang bagong bili lang din. Feeling ko ay nagin
Indie Emerson I'm smiling widely 'cause I couldn't hide my excitement when I saw him. Parang gusto ko na nga siyang dambahin at bigyan ng halik, but I choose to stay calm. Naramdaman ko ang pag-iinit ng pisngi sa naisip, maraming tao at kung anu-ano pa ang naiisip ko! Weston's eyes dilated with the pathos of love, his face flushed and when he blinked, he looked away. Para bang nahiya siya bigla. Napayuko naman ako at tumikhim, pinipigilan ang pagngiti. Napalingon ako sa napansin na abala pa rin ang mga tao sa pagtingin ng portrait. Hinablot ko ang kamay niya at dinala sa kanina niyang tinitingnan. Tinapatan namin 'yong isa kong gawa na mukha niya ang nakapinta. He was smiling while his eyes were closed. May gabi kasi na kapag magkatabi kaming natutulog ay patago ko siyang kinukuhaan ng litrato tapos ayon 'yong ginawa kong reference. Mabilis ko lang siyang nagawa at nakakatuwa kasi halatang ginanahan ako habang pinipinta 'yan. Ang ganda ng kinalabasa. Weston's eyes got teary, that'
Indie EmersonDion is a lovely kid kaya kung magkikita sila ni Weston ay hindi iyon magiging problema, magiging magkasundo agad sila. Sobrang bata pa niya kaya hindi pa niya hinahanap ang papa niya pero minsan ay binabanggit niya ang word na 'yon lalo na't naturuan na siya. Saturday came and Isandro insisted na ihatid kami sa orphanage at pumayag naman kami. Nagtagal din siya doon dahil natuwa siya sa mga bata. Sumabay na rin ako sa kanya pabalik sa Metro, hinintay lang namin na makaidlip si Dion para hindi ako hanapin. Habang nasa byahe ay nag-kwento pa si Isandro tungkol sa mga nangyari sa Vega sa nakalipas na dalawat kalahating taon kaya muling pumasok sa isip ko ang nakangiting mukha ni Ma'am Ester. Nag-request ako na kung pwede ay dumaan kami sa sementeryo kung nasaan ito. Pumayag naman siya, bumili kami ng bulaklak at saka kandila. Pagkatapos magsindi ni Isandro ng kandila niya ay ako naman ang sumunod. Inilapag ko rin 'yong mga bulaklak na binili naming dalawa. Nakatayo lang
Indie EmersonI'd say that mission aborts! Instead of staying in his penthouse the morning, he woke up then lost his consciousness because he thought he was dreaming, I bid my fastest goodbye then left them in wonder. Agad akong sumakay ng taxi at nagpahatid sa condo. "Thutan! Indie Ganda!" Agad na bumaba si Dion sa sofa at tumakbo sa pwesto ko. Nang makarating sa harapan ko ay tumalon-talon pa siya bago nilahad ang mga braso na parang magpapabuhat. Biglang lumabas si Susan mula sa kusina na may hawak na sponge at ngumiti. "Oh, ate! Ang bilis mo naman?" tanong niya. Natawa na lang ako at pinabalik na siya sa ginagawa. Binuhat ko si Dion at natutuwang kumapit siya sa leeg ko. Dinala ko siya ulit sa kinauupuan niya kanina at doon kami naupo. Ipinatong ko siya sa kandungan ko at kinuha I'msa shoulder bag ang board and pen. "Indie will draw?" she asked, medyo bulol pa. Nakangiting umiling ako. "Hindi si Indie ang magd-drawing. Ikaw!" senyas ko sa kanya. Nakakunot ang noo niya haban
Indie Emerson What happened to both of us didn't end up in fury, there's no hate in my heart, just pain. We both needed time to mend our broken hearts and gain our inner calm, if not, we'd lose both of our sanity. Iyong mga narinig ko sa kanya habang wala ako ay sobra-sobra na. I trust Weston with all my heart but I didn't trust him enough to share my resentment and fears. Pinangunahan ako ng takot at dumagdag pa 'yong nangyari sa Mommy niya. May takot nung una kasi alam naman namin na Mommy niya ang dahilan kung bakit nagkasundo kami at humantong sa ganito. I assured him in my letter na kung pwede na at kung pwede pa, babalik naman ako. Kung ako pa rin, why not 'di ba? I know that Weston's intention for me is pure. Pinaramdam niya 'yon at hindi siya nabigo. He's my first in doing such unexpected and beautiful things; the reason for the butterflies in my stomach, the reason why my heart skipped a beat, made my cheeks blushed, and made me dizzy. Kahit siya ang dumaldal buong magdam