Indie's Point Of View I tiptoed and gave him a smack, two times. Natawa siya at hinalikan ang tungki ng ilong ko. Napansin ko na nakahanda na ang mga ingredients doon kaya agad na siyang nakapagsimula. Mukhang napaghandaan na niya talaga. Tahimik sa pwesto namin dahil kami lang dalawa at hindi kami nai-istorbo. May sari-sarili palang cooking area ang mga chef niya. Nilabas ko pa 'yong phone ko habang ginagawa niya iyon at kinuhaan siya ng litrato. Panaka-naka niya ring kinakausap ang ibang andoon sa loob para magtanong ng mga progress patungkol sa Eataly's. Habang naghihintay ay hinatiran pa ako ng staff niya ng milkshake. Weston told me na may ibang kitchen area for desserts and their courses para hindi nagkakagulo. Matagal ang cooking time no'n kaya lumabas muna kami sa kitchen at naghanap ng table. Inabutan ko ng panyo si Weston dahil nakita kong tumulo ang pawis niya. Dahil wala masyadong tao sa pwesto namin at hindi naman kami kita at niyakap ko siya sa bewang. Iniangat ko ang
Indie EmersonWala ibang pinapasok si Weston sa room ni Isandro. Ako, si Jonathan, Myles at Hogan lang. Kapag may kakausapin sila ay sa labas na nila ginagawa. I’m quite nervous but I imprinted in my mind that Weston is with me. Nagtagal pa kami ro’n ng isang oras hanggang sa magising na si Isandro,they had a small talk. They also had a hunch na may connected nga kay Shane ‘yong gumawa no’n. This is the first time na nangyari ‘to sa tauhan ni Weston, nung nakaraan daw kasi na accident na kinasangkutan ni Shane ay iba ang nagbabantay sa kanya. Umalis sila Jonathan para bumili ng pagkain, Weston let me stay inside dahil may kakausapin lang daw siya, kasama ko si Myles na kaharap ang laptop niya habang nakaupo sa sofa. Nakaupo ako sa isang upuan sa tabi Isandro hawak-hawak ang isang bowl ng soup. Sinusubuan ko siya dahil hindi naman siya makakain. Dapat si Myles ang gagawa but I insisted na ako na, minsan ko lang din naman magagawa ‘to. Nagulat pa silang dalawa nung nagpresinta ako. The
Indie EmersonThe call ended, but before that, Weston got the chance to tell me kung saan na hospital isinugod ang Mommy niya. Agad akong nag-book ng sasakyan papunta sa hospital. Kinakabahan akong lumabas ng penthouse ni Weston at dumiretso sa elevator para makababa sa lobby. Signs of a heart attack are no joke. Hindi mo alam kung kailan ka aatakihin, it's a silent killer. Ganoon ang nangyari kay Ingrid, hindi niya kinaya 'yong sa kinasangkutan namin na aksidente at inatake siya. I took all the blame, I suffered emotionally when she died. Ang dami ko pang gusto gawin kasama siya pero dahil sa nangyari nawala lahat, mas nagulo lalo. Hindi ko akalain na mangyayari 'to sa Mommy ni Weston, hindi mo mahahalata sa kanya na may sakit siya kung meron man talaga. She looks so fine and strong, she's always smiling like she had no problems in life. At natatakot ako sa magiging kahihinatnan ng mga mangyayari kapag lumala 'to, I was thinking about Weston. Panganay siya, dalawa lang sila ng kapa
Indie EmersonParang piniga ang dibdib ko sa narinig mula kay Weston. Umangat ang isang kamay ko at dinala sa dibdib ni Weston, hinaplos ang parte ng dibdib niya para pakalmahin siya. Bumaba ang tingin niya sa akin at malungkot na ngumiti. Hinawakan niya ang kamay ko na humahaplos doon, he leaned on me then kissed my forehead. I know how much Ma'am Ester wants me for his son, damang dama ko 'yon. She treated me like her own daughter, kung gaano naging kalupit ang Mama ko sa akin ay kabaliktaran ang ipinakita niya. Simula nung hindi ako sumipot sa hinanda nilang kasal ay bumawi ako sa Mommy niya. Pumapayag ako kapag gusto niyang lumabas na kasama ako. Iyong mga ayaw ko ay nagawa ko na ata habang kasama ang Mommy niya, walang reklamo 'yon at bukal sa loob ko. Sobrang nahulog ang loob ko kay Ma'am Ester. Parang mas nauna ata akong napalagay sa kanya kaysa sa anak niya, and I know that's a good thing. I was deprived by a mother's love and affection at sa kanya ko 'yon naramdaman, kaya so
Indie EmersonNag-order na si Weston ng makakain naming apat, sabay-sabay na rin kaming kumain sa isang room. Nagising na rin si Winona at napansin ko na pinipilit niya lang na magmukhang masaya. Iyong ngiti niya sa akin ay pilit lang. May dumating din na maid nila dahil may inabot na bag, mukhang gamit nila. May kinakausap na rin siya sa phone para paalahanan ang mga tao na importante para sa event bukas. Nakausap niya na rin 'yong event organizer na hindi siya makakapunta at eto na ang bahala sa event at makipag-ugnayan na lang sa dalawang secretary niya. I got a chance to take a glimpse of event program at talagang ayos lang nga na hindi sila makapunta. Maraming pakulo kasi ang magaganap kaya mas matutuon ang pansin ng mga dadalo sa mismong event. Pagkatapos namin kumain ay bumalik kami ni Weston sa penthouse para kumuha ng iilang damit. Nakatulog nga ako sa sasakyan habang pabalik kami sa unit niya, ganoon din nung pabalik na kami sa hospital, pero ginising niya ako kasi may nad
Indie EmersonNaranasan ko na ang mawalan ng mahal sa buhay, sobrang sakit at ang hirap. I became a lost woman after that and I never find myself back until now. I don't know if how can I comfort him kung hanggang ngayon ay terrified pa rin ako sa nangyari kay Ingrid. Alam kong sobrang sakit sa parte ni Weston dahil mommy niya ang nawala. When I saw him cry on that ICU, I knew that his world collapsed and this will be incredibly tough. There's an indescribable pain in this painful brutality na habambuhay dadalhin ni Weston dahil sa pagkawala ng Mommy niya. This death is too much lalo na't biglaan. The parental connection and bond with her Mom is so strong, and I could also feel how depth it was. "I can't believe this," he mumbled. "She can't just leave us like this," he added. Naramdaman ko ang pagyakap ni Weston sa akin at sumubsob din siya sa leeg ko at doon muli humikbi. Ilang minuto ang nakalipas ay inaya akong umalis ni Weston sa ICU at bumalik sa private room kung saan kami n
Indie Emerson "Ililibre mo ako?" pa-cute na tanong ni Maya sa akin. Kahit hindi niya tanungin ay gagawin ko naman. Ngayon lang ulit kami nagkasama sa isang Art exhibit pagkatapos ng ilang buwan. Malaki-laki ang nakuha ko sa bidding kaya ililibre ko talaga siya. Na-miss ko rin 'yong ganitong event kaya hindi ko 'to pinalampas. Kahit masama ang pakiramdam ko ay pumunta talaga ako. Ang sakit ng ulo ko na para bang pinukpok 'to, sobrang init pa ng mukhang ko. Ayoko rin naman biguin si Madam Sonya dahil inaabangan niya ako. "Ang saya kanina, 'no? Ang galing pa nung performer na kinuha ni Madam. Ang sarap sa tainga pakinggan ng boses niya! Para kang hinihila papuntang higaan!" natutuwa niyang sambit. Tumango ako sa kanya at nginitian siya. Isang oras na ang nakalipas magmula nung matapos ang Art Exhibit. May dinner magaganap pero mamaya pa iyon at nagdadalawang isip pa kami ni Maya kung pupunta ba kami or kakain na lang sa labas. Kakakuha ko lang din kasi nung cheque galing sa bidding,
Indie Emerson Kagabi, naisip ko na sana ay makausap ko ang batang ako. Gusto ko siyang maharap at makausap nang masinsinan kahit ilang minuto lang. Gusto ko kasing tanungin kung masaya na ba siya sa kung ano ako ngayon? Kung may ginhawa na ba sa kanya kasi wala na ang mga gabi ng pag-iyak at pagkukwestiyon sa sarili kung nararapat ba talaga para sa akin na maramdaman ko ang lupit ng mundo. Ano kaya ang pakiramdam ng batang ako kung sasabihin kong kaya ko na ngayon harapin ang realidad? There are already no days of worrying about something they'd probably say about me, days of thinking how unworthy I am of something. No more looking up into a thousand mirrors, mumbling my imperfections, and hating myself for what I am. It was not easy, I stumbled, and was so close to stopping because I thought it'd not work. It was so terrifying and compelling at the same time. I have been carrying luggage for a long time and it was so hard to get along in life with those. Along the way, mas dumami
Weston Vega The marriage thing with Indie happens like a strike of thunder. Hindi talaga naging madali sa una, Someone like her— cold, grumpy and distant, is totally different from what I've imagined. Falling in love wasn't on our plan yet we did. I'm the one who fell first. Hindi ko rin akalain na sa kanya lang pala ako bibigay. Naging malalim 'yong nararamdaman ko, naging in denial pa nga ako kasi takot din ako. Natakot sa kung ano pwedeng mangyari lalo na si Indie 'yon, she was so good at hiding and denying things. Sa kung tutuusin ay kayang-kaya niya tapusin sa isang iglap, pero alam kong hindi niya ginawa kasi may pumipigil. She risked everything just to satisfy her foster parents. Iyong kahit tapak-tapakan na siya ay andoon pa rin 'yong pagmamahal niya para rito. She was so selfless. Kahit pinaramdam sa kanya ng lahat na naiiba siya dahil sa kalagayan niya, nanatili siya para sa sarili niya. Yes, she was hurting herself before and that's really awful but it's her way of coping
Indie Emerson I used to have a dull life, tranquility was so hard to achieve because of the gloomy past and voices of the demons in my head. Insecurities, overthinking, low self-image; all of it ruined everything. I should not be easily readable, I don't want people to know how vulnerable and weak I am. When the girl that I love, Ingrid, died everything was messed up. Harsh words here and there. Unfair treatment. They were like a jumble of problems that never vanished, it'd stay in your mind forever. And getting married was the least thing I want to do after what happened to Shane and I, and let me include Diesel, para akong nakulong sa pag-iisip na lahat ng lalaki ay gano'n din ang gagawin sa akin, that they would take advantage of me because I'm like this and I don't deserve to be treated well. And I deserve the bare minimum. Life with the Emerson family was something I didn't expect, because I'm pretty confident about experiencing a happy life until my last breath, not like th
Indie Emerson After that heartwarming meeting of Dion and Weston, I stayed with them dahil dinaldal na si Dion ang Daddy niya. Pinapanood ko lang sila dahil hindi naman ako makapagsalita. Kapag nag-sign language ako, si Weston ang nagta-translate, parang 'yong ginagawa lang namin ni Maya. Tulad ng kay Isandro, ang bilis lang din mapalagay ni Dion kay Weston. Ilang oras pa lang sila magkasama ay ang clingy na nung bata kaya nakakatuwa. Nagpaalam muna ako sa kanila para tapusin ang ginagawa ko. Tinawag ko rin si Susan para maisampay niya 'yong mga nalagay ko na sa hanger. "Ate, makakahinga ka na nang maluwag," aniya bago lumabas ng kwarto bitbit 'yong basket. She's right. I'm now at peace knowing that Dion and Weston already met. Okay naman kasi kami ni Weston and he has the rights to know her. Sadyang inuna ko lang 'yong sa aming dalawa dahil ayokong mabigla at pilitin siya. Para talaga akong nabunutan ng tinik sa dibdib. Nagulat pa ako sa reaksyon niya that he was so proud of me.
Indie EmersonKinagabihan ay inihatid ako ni Weston pabalik sa unit. Mag-isa lang ako dahil nag-text si Maya na umaga pa sila makakauwi, ang service na lagi naming ginagamit ang maghahatid sa kanila dito. Ayaw pa nga sana niya umuwi kaso ang daming gamit ni Dion sa unit at panigurado na makikita niya, walang ligtas kumbaga. Sa sala pa lang andoon na 'yong mga stuff toys niya, activity desk at wiggle car. Ang dami ring plushies sa sofa na halos gawin na naming unan dahil sa dami. Lalo na sa kwarto naming dalawa ni Dion, nandoon 'yong mga malalaki niyang toys na bigay ni Maya. Simula nung bumalik kami rito lagi na niyang binibilhan sa mga online store, kaya laging may delivery. Buti nga plush toys lang, malambot, magaan pero ang hirap labhan. Kaya 'yong iba hindi namin inaalis sa plastic."Hindi ba 'yan inaantok? Bakit ang hyper?" pagtukoy ko kay Dion na kanina pa nakasakay sa wiggle car niya at nakaipit pa sa harapan niya 'yong tatlong plush toys niya. Natawa naman si Maya habang nak
Indie Emerson Weston and I left the hall. Sinabihan siya na idi-deliver na lang daw sa penthouse 'yong portrait na binili niya. Tahimik kaming naglalakad habang hawak niya 'yong kamay ko at bitbit ang bag ko pati flowers na bigay niya. Hindi siya nagsasalita pero nung silipin ko 'yong mukha niya; he was just looking straight with a small smile on his face. Ang higpit pa ng pagkakahawak niya sa akin. Umangat ang free hand ko para hawakan ang braso niya at pinisil iyon. Napatingin naman siya sa akin na para bang nagtatanong pero ngumiti lang ako. "You want something?" he suddenly asked. I just shook my head. "Are you sure? Ako, ayaw mo?" he asked, naughtily. Pinanlakihan ko siya ng mata sabay kurot sa tagiliran niya. He just laughed and made a face like copying my initial reaction. Some jokes are half meant, tawa-tawa lang 'to pero alam kong may balak na 'to. Habang naglalakad kami ay nakita kaming mga bata na may dalang plushies, halatang bagong bili lang din. Feeling ko ay nagin
Indie Emerson I'm smiling widely 'cause I couldn't hide my excitement when I saw him. Parang gusto ko na nga siyang dambahin at bigyan ng halik, but I choose to stay calm. Naramdaman ko ang pag-iinit ng pisngi sa naisip, maraming tao at kung anu-ano pa ang naiisip ko! Weston's eyes dilated with the pathos of love, his face flushed and when he blinked, he looked away. Para bang nahiya siya bigla. Napayuko naman ako at tumikhim, pinipigilan ang pagngiti. Napalingon ako sa napansin na abala pa rin ang mga tao sa pagtingin ng portrait. Hinablot ko ang kamay niya at dinala sa kanina niyang tinitingnan. Tinapatan namin 'yong isa kong gawa na mukha niya ang nakapinta. He was smiling while his eyes were closed. May gabi kasi na kapag magkatabi kaming natutulog ay patago ko siyang kinukuhaan ng litrato tapos ayon 'yong ginawa kong reference. Mabilis ko lang siyang nagawa at nakakatuwa kasi halatang ginanahan ako habang pinipinta 'yan. Ang ganda ng kinalabasa. Weston's eyes got teary, that'
Indie EmersonDion is a lovely kid kaya kung magkikita sila ni Weston ay hindi iyon magiging problema, magiging magkasundo agad sila. Sobrang bata pa niya kaya hindi pa niya hinahanap ang papa niya pero minsan ay binabanggit niya ang word na 'yon lalo na't naturuan na siya. Saturday came and Isandro insisted na ihatid kami sa orphanage at pumayag naman kami. Nagtagal din siya doon dahil natuwa siya sa mga bata. Sumabay na rin ako sa kanya pabalik sa Metro, hinintay lang namin na makaidlip si Dion para hindi ako hanapin. Habang nasa byahe ay nag-kwento pa si Isandro tungkol sa mga nangyari sa Vega sa nakalipas na dalawat kalahating taon kaya muling pumasok sa isip ko ang nakangiting mukha ni Ma'am Ester. Nag-request ako na kung pwede ay dumaan kami sa sementeryo kung nasaan ito. Pumayag naman siya, bumili kami ng bulaklak at saka kandila. Pagkatapos magsindi ni Isandro ng kandila niya ay ako naman ang sumunod. Inilapag ko rin 'yong mga bulaklak na binili naming dalawa. Nakatayo lang
Indie EmersonI'd say that mission aborts! Instead of staying in his penthouse the morning, he woke up then lost his consciousness because he thought he was dreaming, I bid my fastest goodbye then left them in wonder. Agad akong sumakay ng taxi at nagpahatid sa condo. "Thutan! Indie Ganda!" Agad na bumaba si Dion sa sofa at tumakbo sa pwesto ko. Nang makarating sa harapan ko ay tumalon-talon pa siya bago nilahad ang mga braso na parang magpapabuhat. Biglang lumabas si Susan mula sa kusina na may hawak na sponge at ngumiti. "Oh, ate! Ang bilis mo naman?" tanong niya. Natawa na lang ako at pinabalik na siya sa ginagawa. Binuhat ko si Dion at natutuwang kumapit siya sa leeg ko. Dinala ko siya ulit sa kinauupuan niya kanina at doon kami naupo. Ipinatong ko siya sa kandungan ko at kinuha I'msa shoulder bag ang board and pen. "Indie will draw?" she asked, medyo bulol pa. Nakangiting umiling ako. "Hindi si Indie ang magd-drawing. Ikaw!" senyas ko sa kanya. Nakakunot ang noo niya haban
Indie Emerson What happened to both of us didn't end up in fury, there's no hate in my heart, just pain. We both needed time to mend our broken hearts and gain our inner calm, if not, we'd lose both of our sanity. Iyong mga narinig ko sa kanya habang wala ako ay sobra-sobra na. I trust Weston with all my heart but I didn't trust him enough to share my resentment and fears. Pinangunahan ako ng takot at dumagdag pa 'yong nangyari sa Mommy niya. May takot nung una kasi alam naman namin na Mommy niya ang dahilan kung bakit nagkasundo kami at humantong sa ganito. I assured him in my letter na kung pwede na at kung pwede pa, babalik naman ako. Kung ako pa rin, why not 'di ba? I know that Weston's intention for me is pure. Pinaramdam niya 'yon at hindi siya nabigo. He's my first in doing such unexpected and beautiful things; the reason for the butterflies in my stomach, the reason why my heart skipped a beat, made my cheeks blushed, and made me dizzy. Kahit siya ang dumaldal buong magdam