Weston VegaI've never been this curious and covetous, ngayon lang talaga at kay Isandro pa. I should be happy but I'm feeling something and it's not good. Iisipin ko na lang siguro na okay na rin 'yon para kahit papaano ay may magiging kaibigan siya at kausap, and at least kilala ko para makampante rin ako. May tiwala naman ako kay Isandro. Ayokong mag-isip ng iba dahil baka malunod ako sa mararamdaman at may mangyari na hindi maganda. Ayokong dumating sa punto na may masisira dahil lang sa isang bagay. Hindi naman siguro mangyayari 'yong iniisip ko 'noh? Huwag naman sana. Hindi ko maiwasan na hindi mapatitig kay Indie habang kausap niya si Isandro. Si Isandro ang maingay, puro tango at iling lang din si Indie sa kanya. Nasa yacht kami ngayon ay papunta sa isang isla. Lagpas isang oras din daw ang lalayagin kaya medyo matagal. Wala pa ata nga kaming 30 minutes na lumalayag. Nagulat din ako kasi akala ko hindi siya sasama, mas nauna pa nga ata sila ni Isandro sa amin. Maya-maya ay tu
Weston VegaOne thing that I love about them is that they value honesty. Whatever the circumstances are hindi 'yon nawawala sa amin nila Isandro. May pagkakataon na nagbibiruan, hindi rin naman kasi nawawala sa amin 'yon but we rarely fight over serious things. Sa babae, wala naman. We mind our own business. Alam namin kung saan kami lulugar, tamang support lang sa mga bagay na gusto namin gawin sa buhay. "Kinabahan ka 'no?" Isandro teased. Napatingin ako kay Indie na kinukuhaan ng litrato ang tatlo. Nang sabihin 'yon kanina ni Isandro ay agad tumakbo sila Jonathan papunta kay Indie at mukhang inaya na magpicture. Ilang minuto na silang andoon at buti na lang ay hindi nahiya si Indie sa tatlo kahit na ang ingay. "You know me, kiddo." Nalukot na naman ang mukha niya sa narinig. "Manipis ang pasensya ko sa ibang bagay. Huwag mo akong subukan," dagdag ko pa. "I know. Kaya nga nainis ka agad," aniya habang nakangiti. "You're so damn whipped. Nakakatakot ka pala magselos. If looks can
Weston VegaShe put down her glass of wine. "Are you aware that you're not a drinker?" Parang bata siyang tumango sa akin. Naging sunod-sunod ang pagmumura ko sa aking isipan. I'm getting mad and… goddamn it! Araw-araw talaga akong sinusubok ni lord! "Then why are you here?" Hindi siya nakasagot sa akin at nakita kong pinagdikit niya ang dalawang kamay. Ilang minuto rin kaming natahimik. Nagmamasid lang din ako sa paligid. I wonder why she’s alone at walang lumalapit sa kanya? "Babalik na rin naman ako sa Cabin kaso dumating ka," senyas niya sa akin, halatang kinakabahan. I smirked. "Really, huh?" Kung hindi pa pumasok dito sa loob si Jonathan at hindi siya nakita ay for sure na tuloy pa rin siya. Saan siya kumuha ng lakas ng loob para pumunta rito? At bakit hindi namin siya napansin? Nasa labas lang kami at kitang-kita sa pwesto namin ang mga pumapasok unless… unless nauna siya? Sa idea na mas nauna nga siya sa amin dito ay mas naramdaman ko ang inis. There could have been some
Weston VegaNapalayo siya sa akin at sumenyas. "Ako pa talaga ang mag-aaya?" "Bakit hindi ba— Indie naman!" Nagreklamo ako nang kurutin niya ang tagiliran ko. Pinanlakihan niya ako ng mata. "Ikaw ang may gusto sa akin kaya paniguradong ikaw ang mag-aaya!" My eyes narrowed at her then asked her. "Saan mo nalaman 'yan?" Napakamot siya sa ulo at akmang aatras na talaga nang hapitin ko siya para mayakap sa beywang niya. "I-Isandro," she answered, mouthing it. "Ah, that kid!" I hissed. Binulgar agad! Pinapangunahan ako! Muli niya akong tinulak kaya naglayo na ang katawan naming dalawa. "Why me?" May pag-aalala sa mukha niya habang sinesenyas iyon. "You told me the other night that you don't like me, then Isandro said that you're still unsure with your feelings for me. Sabi ko sa 'yo don't catch feelings for me, ibaling mo na lang sa ibang mas deserving. Okay lang kung magkaroon ka ng babae. All I can offer to you is… friendship." Diretso niyang senyas sa akin, nakakunot pa ang noo n
Indie Emerson"Why are you looking at me like that?" Isinulat ko 'yon at ipinakita agad kay Maya na kanina pa may matalim na titig sa akin. Kahit na ganyan ay bakas pa rin ang pagtatampo sa kanya."Matagal tayong hindi nagkita, Indie!" she exclaimed.Tinaasan ko lang siya ng kilay at saka muling nagsulat ss board ko, at pinakita sa kanya. "And here we are today, seeing each other again after two months."Mahigit isang linggo na rin ang nakalilipas nung makabalik ako sa Manila. Pumasok ako kanina sa Art Bar pero half day lang dahil biglang dumating si Maya at hinahanap ako. Napadpad kaming dalawa sa isang restaurant na konti lang ang mga kumakain. I chose this because it's quiet and not crowded, tago rin siya.Sumimangot naman siya. "At sa ganitong sitwasyon pa! Kasal ka na pala tapos nag-ala runaway bride ka pa sa second wedding niyo!"Nanlalaki ang mata niyang kwento sa akin. Halatang pigil-pigil ang boses niya sa pagsigaw dahil baka may makarinig din. Nabalitaan niya raw kasi iyon
Indie EmersonI let out a heavy sigh, I think I can't do that, can't really. Just the thought of someone touching my bare skin scares the shit out of me. I already imagined myself trembling and shouting non-stop in fear. But Weston already touched me, nayayakap na niya ako and I gave in because I felt nothing but comfort. We already kissed two times and the second one, I was the one who initiated that. And his lips felt so good on me, it was really soft and his reaction that time was so cute, he lost his consciousness. Imbes na matawa, kinabahan talaga ako kaya. Medyo nagulat pa ako kasi baka mamaya nakagat ko ba siya? pero hindi naman, dinampi ko lang naman kasi 'yong labi ko. Talagang hinimatay lang siya. I guess that's my effect on him, huh. Ang kulit kasi kaya pinatigil ko. I guess it was a good start to overcome my fears? If may iba akong pinagtutuunan ng pansin ngayon, may tendency na makalimot ako kahit panandalian sa mga bagay-bagay na naglulugmok sa akin sa kadiliman. Kahi
Indie EmersonRunning and hustling is my way of escaping when the bags are too heavy. It's my own way to forget all of the voices that get louder and louder in my head. All of the chaos that's happening in me, I also want to find peace and comfort in someone, hindi ko kasi 'yon naranasan sa pamilyang nakagisnan. Is it really too much to ask? I'm truly beyond happy, thankful for his efforts, the past weeks were kinda stressful so it's an escape for that. So in return, I'll be a good friend, susubukan ko. Alam kong mahihirapan ako but I'll try my best. Kahit maging mabait man lang na kaibigan ay magawa ko kahit sandali. And after that, after everything, we can separate ways na. Iyon din naman ang sinabi niya sa akin nung una kaming magkita. He will help me get out of this set-up, I'll look forward to it. Bumitaw na ako mula sa pagkakayakap kay Weston. He tapped my shoulder then his hand went to hair, he fondled the back of my head then smiled. I felt the hair on the back of my neck st
Indie Emerson "You colored your hair?" Halos mapatalon ako sa kinauupuan nang magsalita si Shane. Nasa likuran ko siya at bahagyang nakayuko. Umangat ang kamay niya at humaplos sa buhok. Naramdaman kong nagtayuan ang mga balahibo ko sa leeg dahil sa ginawa niya. Lagpas balikat ang buhok ko, color brown but I put some highlight colors on it kaya nagbago. Naisara ko ang libro na hawak at tumingin sa paligid. Nasa roofdeck kami ng condominium unit niya kung saan siya tumutuloy. Dito agad kami dumiretso pero nagpaalam silang dalawa na bababa lang daw. Ngayon, mag-isa na lang siya. Inabot ko ang board and pen ko na nakapatong sa mesa, nagsulat at ipinakita sa kanya. “Where’s Ingrid?” tanong ko rito. He smiled at me then sat next to me. Mahaba kasi ang woven rattan chair na kinauupuan ko, three-seater to be exact. "He's in my unit, preparing something. Sabi ko ipagluluto ko siya but she insisted." "Hindi mo dapat siya iniwan mag-isa," I wrote again in my board. Bahagya naman siyang
Weston Vega The marriage thing with Indie happens like a strike of thunder. Hindi talaga naging madali sa una, Someone like her— cold, grumpy and distant, is totally different from what I've imagined. Falling in love wasn't on our plan yet we did. I'm the one who fell first. Hindi ko rin akalain na sa kanya lang pala ako bibigay. Naging malalim 'yong nararamdaman ko, naging in denial pa nga ako kasi takot din ako. Natakot sa kung ano pwedeng mangyari lalo na si Indie 'yon, she was so good at hiding and denying things. Sa kung tutuusin ay kayang-kaya niya tapusin sa isang iglap, pero alam kong hindi niya ginawa kasi may pumipigil. She risked everything just to satisfy her foster parents. Iyong kahit tapak-tapakan na siya ay andoon pa rin 'yong pagmamahal niya para rito. She was so selfless. Kahit pinaramdam sa kanya ng lahat na naiiba siya dahil sa kalagayan niya, nanatili siya para sa sarili niya. Yes, she was hurting herself before and that's really awful but it's her way of coping
Indie Emerson I used to have a dull life, tranquility was so hard to achieve because of the gloomy past and voices of the demons in my head. Insecurities, overthinking, low self-image; all of it ruined everything. I should not be easily readable, I don't want people to know how vulnerable and weak I am. When the girl that I love, Ingrid, died everything was messed up. Harsh words here and there. Unfair treatment. They were like a jumble of problems that never vanished, it'd stay in your mind forever. And getting married was the least thing I want to do after what happened to Shane and I, and let me include Diesel, para akong nakulong sa pag-iisip na lahat ng lalaki ay gano'n din ang gagawin sa akin, that they would take advantage of me because I'm like this and I don't deserve to be treated well. And I deserve the bare minimum. Life with the Emerson family was something I didn't expect, because I'm pretty confident about experiencing a happy life until my last breath, not like th
Indie Emerson After that heartwarming meeting of Dion and Weston, I stayed with them dahil dinaldal na si Dion ang Daddy niya. Pinapanood ko lang sila dahil hindi naman ako makapagsalita. Kapag nag-sign language ako, si Weston ang nagta-translate, parang 'yong ginagawa lang namin ni Maya. Tulad ng kay Isandro, ang bilis lang din mapalagay ni Dion kay Weston. Ilang oras pa lang sila magkasama ay ang clingy na nung bata kaya nakakatuwa. Nagpaalam muna ako sa kanila para tapusin ang ginagawa ko. Tinawag ko rin si Susan para maisampay niya 'yong mga nalagay ko na sa hanger. "Ate, makakahinga ka na nang maluwag," aniya bago lumabas ng kwarto bitbit 'yong basket. She's right. I'm now at peace knowing that Dion and Weston already met. Okay naman kasi kami ni Weston and he has the rights to know her. Sadyang inuna ko lang 'yong sa aming dalawa dahil ayokong mabigla at pilitin siya. Para talaga akong nabunutan ng tinik sa dibdib. Nagulat pa ako sa reaksyon niya that he was so proud of me.
Indie EmersonKinagabihan ay inihatid ako ni Weston pabalik sa unit. Mag-isa lang ako dahil nag-text si Maya na umaga pa sila makakauwi, ang service na lagi naming ginagamit ang maghahatid sa kanila dito. Ayaw pa nga sana niya umuwi kaso ang daming gamit ni Dion sa unit at panigurado na makikita niya, walang ligtas kumbaga. Sa sala pa lang andoon na 'yong mga stuff toys niya, activity desk at wiggle car. Ang dami ring plushies sa sofa na halos gawin na naming unan dahil sa dami. Lalo na sa kwarto naming dalawa ni Dion, nandoon 'yong mga malalaki niyang toys na bigay ni Maya. Simula nung bumalik kami rito lagi na niyang binibilhan sa mga online store, kaya laging may delivery. Buti nga plush toys lang, malambot, magaan pero ang hirap labhan. Kaya 'yong iba hindi namin inaalis sa plastic."Hindi ba 'yan inaantok? Bakit ang hyper?" pagtukoy ko kay Dion na kanina pa nakasakay sa wiggle car niya at nakaipit pa sa harapan niya 'yong tatlong plush toys niya. Natawa naman si Maya habang nak
Indie Emerson Weston and I left the hall. Sinabihan siya na idi-deliver na lang daw sa penthouse 'yong portrait na binili niya. Tahimik kaming naglalakad habang hawak niya 'yong kamay ko at bitbit ang bag ko pati flowers na bigay niya. Hindi siya nagsasalita pero nung silipin ko 'yong mukha niya; he was just looking straight with a small smile on his face. Ang higpit pa ng pagkakahawak niya sa akin. Umangat ang free hand ko para hawakan ang braso niya at pinisil iyon. Napatingin naman siya sa akin na para bang nagtatanong pero ngumiti lang ako. "You want something?" he suddenly asked. I just shook my head. "Are you sure? Ako, ayaw mo?" he asked, naughtily. Pinanlakihan ko siya ng mata sabay kurot sa tagiliran niya. He just laughed and made a face like copying my initial reaction. Some jokes are half meant, tawa-tawa lang 'to pero alam kong may balak na 'to. Habang naglalakad kami ay nakita kaming mga bata na may dalang plushies, halatang bagong bili lang din. Feeling ko ay nagin
Indie Emerson I'm smiling widely 'cause I couldn't hide my excitement when I saw him. Parang gusto ko na nga siyang dambahin at bigyan ng halik, but I choose to stay calm. Naramdaman ko ang pag-iinit ng pisngi sa naisip, maraming tao at kung anu-ano pa ang naiisip ko! Weston's eyes dilated with the pathos of love, his face flushed and when he blinked, he looked away. Para bang nahiya siya bigla. Napayuko naman ako at tumikhim, pinipigilan ang pagngiti. Napalingon ako sa napansin na abala pa rin ang mga tao sa pagtingin ng portrait. Hinablot ko ang kamay niya at dinala sa kanina niyang tinitingnan. Tinapatan namin 'yong isa kong gawa na mukha niya ang nakapinta. He was smiling while his eyes were closed. May gabi kasi na kapag magkatabi kaming natutulog ay patago ko siyang kinukuhaan ng litrato tapos ayon 'yong ginawa kong reference. Mabilis ko lang siyang nagawa at nakakatuwa kasi halatang ginanahan ako habang pinipinta 'yan. Ang ganda ng kinalabasa. Weston's eyes got teary, that'
Indie EmersonDion is a lovely kid kaya kung magkikita sila ni Weston ay hindi iyon magiging problema, magiging magkasundo agad sila. Sobrang bata pa niya kaya hindi pa niya hinahanap ang papa niya pero minsan ay binabanggit niya ang word na 'yon lalo na't naturuan na siya. Saturday came and Isandro insisted na ihatid kami sa orphanage at pumayag naman kami. Nagtagal din siya doon dahil natuwa siya sa mga bata. Sumabay na rin ako sa kanya pabalik sa Metro, hinintay lang namin na makaidlip si Dion para hindi ako hanapin. Habang nasa byahe ay nag-kwento pa si Isandro tungkol sa mga nangyari sa Vega sa nakalipas na dalawat kalahating taon kaya muling pumasok sa isip ko ang nakangiting mukha ni Ma'am Ester. Nag-request ako na kung pwede ay dumaan kami sa sementeryo kung nasaan ito. Pumayag naman siya, bumili kami ng bulaklak at saka kandila. Pagkatapos magsindi ni Isandro ng kandila niya ay ako naman ang sumunod. Inilapag ko rin 'yong mga bulaklak na binili naming dalawa. Nakatayo lang
Indie EmersonI'd say that mission aborts! Instead of staying in his penthouse the morning, he woke up then lost his consciousness because he thought he was dreaming, I bid my fastest goodbye then left them in wonder. Agad akong sumakay ng taxi at nagpahatid sa condo. "Thutan! Indie Ganda!" Agad na bumaba si Dion sa sofa at tumakbo sa pwesto ko. Nang makarating sa harapan ko ay tumalon-talon pa siya bago nilahad ang mga braso na parang magpapabuhat. Biglang lumabas si Susan mula sa kusina na may hawak na sponge at ngumiti. "Oh, ate! Ang bilis mo naman?" tanong niya. Natawa na lang ako at pinabalik na siya sa ginagawa. Binuhat ko si Dion at natutuwang kumapit siya sa leeg ko. Dinala ko siya ulit sa kinauupuan niya kanina at doon kami naupo. Ipinatong ko siya sa kandungan ko at kinuha I'msa shoulder bag ang board and pen. "Indie will draw?" she asked, medyo bulol pa. Nakangiting umiling ako. "Hindi si Indie ang magd-drawing. Ikaw!" senyas ko sa kanya. Nakakunot ang noo niya haban
Indie Emerson What happened to both of us didn't end up in fury, there's no hate in my heart, just pain. We both needed time to mend our broken hearts and gain our inner calm, if not, we'd lose both of our sanity. Iyong mga narinig ko sa kanya habang wala ako ay sobra-sobra na. I trust Weston with all my heart but I didn't trust him enough to share my resentment and fears. Pinangunahan ako ng takot at dumagdag pa 'yong nangyari sa Mommy niya. May takot nung una kasi alam naman namin na Mommy niya ang dahilan kung bakit nagkasundo kami at humantong sa ganito. I assured him in my letter na kung pwede na at kung pwede pa, babalik naman ako. Kung ako pa rin, why not 'di ba? I know that Weston's intention for me is pure. Pinaramdam niya 'yon at hindi siya nabigo. He's my first in doing such unexpected and beautiful things; the reason for the butterflies in my stomach, the reason why my heart skipped a beat, made my cheeks blushed, and made me dizzy. Kahit siya ang dumaldal buong magdam