Share

Chapter 1.1

Author: Joe Ignacio
last update Last Updated: 2021-11-04 18:12:09

Fired on the First Day (Part 1)

"Are you sure, ate?" Summer immediately moved away her look from the mirror then turned it to her sister Scarlet who was now sitting on the study table. They were inside their room; three beds were inside.

She nodded.

"Of course,” she replied, “Napakaganda kaya ng offer doon sa kompanyang 'yon kaya papatulan ko na,” She looked again at the mirror. Her brown hair was in ponytail style. Nakasuot siya ngayon ng tee shirt na naka-tuck in sa high-waist jeans.

Samantha Myrtle "Summer" Molina was already twenty-one years old. She was fresh graduated from college. Panganay siya sa kanilang tatlong magkakapatid at noong ipinanganak ang kanilang bunsong kapatid ay namatay din ang kanilang ama sa aksidente noong namamasukan ito bilang driver ng truck sa isang hardware, simula noon ay mag-isa na lamang ang ina sa pagpapalaki sa kanila.

Wala naman silang kamag-anak na makakatulong sa kanila dahil ayon sa kaniyang ina ay mag-isa na lamang ito noong lisanin ang Isla dela Merced at makipagsapalaran kasama ng kanilang ama.

"Ate, anlayo kaya no'n. Ikaw lang mag-isa,” May bahid ng pag-aalala ang pananalita ni Scarlet, ikalawa niyang kapatid, nasa dalawampu't isang taong gulang ito. Basta lang na nakapusod ang buhok nito habang nakasuksok ang salamin sa mata. Tanging kupas na P.E tee shirt ang suot nito ay jogging pants ang pang-ibaba.

Alas-singko pa lamang ng umaga pero nagsusunog na ito ng kilay sa pagbabasa. Sa kanilang magkakapatid ay si Scarlet ang pinakatutok sa pag-aaral, hindi rin maipagkakailang ito ang pinakamatalino. Nagtataka nga lang siya kung bakit hindi accounting ang kinuha nitong kurso o anumang academic, dahil Hospitality Management pa ang kaniyang kinuha, katuwiran nito, mas in-demand ang ganoong field sa panahon ngayon lalo na't kumakapal ang turismo sa bansa.

Samantalang si Summer naman ay Business Administration ang kinuha at nangangarap na maging negosyante at presidente ng sariling kumpanya kalaunan. Pero dahil hindi naman lahat ng tao ay sa itaas nagsisimula, susubukan niyang maging empleyado ng isang sikat na kumpanya sa malayong lugar—ang El Salvador Hotels and Resort.

Gusto muna niyang maging empleyado sa mababang posisyon bago sa itaas. Nang sa gayon ay mas maging pamilyar pa siya sa pagpapatakbo ng negosyo. She often heard from their neighbors that her mother came from a rich family before but because of the bankruptcy, their wealth gone.

She couldn’t help herself from asking how that happened. Hindi ba marunong humawak ng business ang lolo niya? Magaling namang negosyante ang kaniyang ina at nakakaubos ito ng isang banyerang galunggong sa paglalako.

Pero alam niyang negosyo iyon, napakaraming posibilidad sa mga pangyayari. Aangat, bababa, walang kasiguraduhan.

Minsan na rin niyang naitanong sa ina ang tungkol sa bagay niyon pero ang ikinukwento nito sa kaniya ang mala-telenovelang pinagdaanan ng ina dati. Kung paano ito palayasin sa isang islang hindi nga niya alam kung totoo ba. Basta naririndi na siya sa paulit-ulit ng kwento ng ina na hindi niya alam kung totoo ba.

"Of course, mukha ba akong mahina, ha?" buwelta niya sa kapatid sabay pahid ng liptint sa kaniyang labi. Hindi na siya nag-abala pang magsuot ng kolorete dahil hindi naman party ang kaniyang pupuntahan.

Besides, she is naturally beautiful. Fair skin, rosy cheeks, red lips, attractive eyes, and pointed nose. Her simple outfit fits really good to her because of her slim body, sexy to be specific.

"Hindi naman sa gano'n. Pero, ate, 'di ba malayo 'yon?" usisa pa ni Scarlet. Sandaling napahinto si Summer sa ginagawa. Minsan nang natanong ng mga kapatid kung saan ba siya magtatrabaho pero hindi niya binabanggit na sa isang pueblo sa loob ng isang isla ang papasukan niya, limang oras ang layo mula sa Maynila.

"Oo. E, maganda kasi ang offer kaya G na lang. Huwag kang mag-alala dahil nakausap ko naman na ang HR na nag-interview sa akin noong nag-apply ako, may tutuluyan na ako roon,” Kalmadong wika ni Summer. Lumaki sila sa iisang bubong na mag-iina at hindi sila nagkakawalay-walay. Siya lamang ang kauna-unahang susuway sa kinagisnan.

"Pero alam ba ni mama 'yan?" Tanong pang muli ng kapatid. Napalunok nang mariin si Summer. Her mother didn't know anything about this. Because she knows that if she tells it to her mother, it will not let her.

"Hindi,” Tugon niya.

"Pero, ate, magagalit si mama,” Saad ni Scarlet. Nagpakawala ng malalim na buntong-hininga si Summer. Oo, hindi lingid sa kaniyang kaalaman na ikagagalit iyon ng ina.

"Mama will understand my decision,” She said. "Nag-aaral ka at graduating, si Solenn naman ay ay college na rin. Kung magsasama-sama tayo rito at walang susugal sa malayo para magtrabahp, hindi tayo aasenso,” Pangaral ni Summer. Iniligid niya ang kaniyang tingin sa buong silid na kinaroroonan nila at nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga.

Anliit ng kwarto nilang tatlo at pinagkakasya-kasya pa nila ang tatlong kama. Ang kanilang ina naman ay may sarili nang puwesto sa palengke at maghapon na nagtitinda roon para lang makaipon ng pampaaral nila. Dahil naman magkakaroon na siya ng trabaho, gagawin niya ang lahat ng makakaya niya. Gusto na niyang patigilin sa pagtitinda ang ina, gusto na niyang palakihin ang bahay, gusto na niyang makaranas ng kaginhawaan na tila pinagkait ata sa kanila.

"Ate, aalis ka?" Napatingin siya sa may dulong kama nang marinig ang tanong ng bunsong kapatid na si Solenn. Kakagising pa lang nito at binuksan agad ang cellphone kahit hindi pa makamulat nang maayos.

"Oo. Kayong dalawa na lang ni Scarlet ang maiiwan dito kasama ni mama kaya bawas-bawasan mo ang kaka-overnight mo sa bahay ng mga kaibigan mo,” Sermon ng ate sabay ismid. Si Solenn ang pinakapilya sa kanilang tatlo.

Hindi lingid sa kanilang kaalaman ang mga kabulastugan nito. Nag-iinom, kung saang-saang bar tumatambay, baka nga rin nagalaw na ito ng kung sino, pero kahit ganoon ay hindi na nila ito pinagsasabihan dahil matalino si Solenn, matataas ang marka sa paaralan at maraming raket na nakakadagdag sa pantawid ng araw-araw.

"Si ate naman. Malapit na 'kong mag-third year, 'nu? Kaya dapat mag-chill-chill muna,” Katuwiran ng kapatid habang nakadukdok ang mukha sa cellphone. Napapikit sina Summer at Scarlet nang sunud-sunod ang pagtunog ng notification mula sa telepono ng kapatid.

"Sige. Kapag nakasama ka sa Dean's lister, may gift ako sa'yo,” Saad ni Summer. Agad namang napatingin ang kapatid na mukhang pera sa kaniya.

"Chanel? LV?" Sunod-sunod na tanong nito. Hindi niya alam kung bakit sa kabila ng hirap ng buhay nila ay nagpipiling susyal pa ang kapatid.

"Ewan ko sa'yo,” Tanging pag-irap ang nagawa ni Summer. "Aalis na 'ko. Basta kapag tinanong ni mama kung nasaan ako, sabihin n'yo gumala lang. Magchachat na lang ako sa'yo, Solenn, mamaya kung nakasakay na ako para kunwari wala kayong idea na sa ibang lugar ako magtatrabaho,” Bilin niya. Alam niyang mapapagalitan ang mga kapatid kapag nalaman ng ina na hinayaan siya na magtrabaho sa malayo.

"Kailan ka 'te, uuwi?" Tanong ni Scarlet. Sandaling napahinga nang malalim si Summer dahil hindi niya alam ang itutugon.

"Kapag maluwang na ang sched. Magpapadala naman ako ng pera kada sweldo,” Saad niya sabay labas na ng kwarto na animo'y sa kabilang bahay lang pupunta. Nasa labas na ng kuwarto ang kaniyang maleta na naglalaman ng damit. Huminga uli siya nang malalim.

Handa na siyang harapin ang desisyon niya.

Mula Maynila ay apat na oras ang ibinyahe ni Summer patungong Palawan sakay ng jeepney. Mula El Nido, Palawan naman ay tatlong oras ang kaniyang ibinyahe sakay ng ferry boat hanggang sa marating ang daungan ng barko ng El Salvador.

Malalakas at malalamig ang simoy ang sumalubong sa kanilang mga pasahero ng bangkang patungo rito. Ang malawak na basang kapatagan ay binubuo ng puting buhangin at hinahalikan ng malinaw na tubig-dagat, ang sikat ng araw na tumatama sa katawan ng tubig ay nagniningning na tila mga kristal.

Mula sa bangka ay tanaw ni Summer ang maliit na siyudad sa loob ng isla, hindi ito tulad ng mga syudad na matatagpuan sa Maynila dahil ang arkitektura at disenyo ng mga imprastaktura ay hindi modernisasyon ang tinataglay kundi Paraiso.

Ang pinaka entrada ng isla ay isang napakalaking arko na yari sa kahoy at kawayan na dinisenyuhan pa ng mga artipisyal na bulaklak at dahon. Kung ang disenyo ang pagbabasihan, masasabi mong parang nasa Hawaii ka. Napangiti si Summer nang mabasa ang nakapintang pangalan sa arko. 'El Salvador'. Hindi siya magtataka kung bakit ganito ang pangalan nito, bagay na bagay sa hitsura ng lugar na maihahalintulad sa tunay na paraiso.

"Ma'am and sir, welcome to El Salvador! Enjoy!" bati ng operator ng ferry boat na iyon nang iangkla na ang sasakyan sa entrada. Nagsimula na ring magsipagbabaan ang mga pasahero na karamihan ay mga turista.

Summer stood from her seat to get her suitcase placed inside the hand luggage of the ferry. Napansin niya na ang mga kasamahang pasahero niya ay hindi maleta ang mga dalahin kundi travelling bag lang. Mukhang siya ang may pinakamaraming bitbit.

She swallowed hard as she pulled her stuff from that place. She can't help herself from groaning because of the heavy weight of her luggage. Nagitla siya nang may umalalay sa kaniya na ibaba iyon at tinulungan siyang mailapag ang dalahin.

Related chapters

  • Loving The Cold Sun   Chapter 1.2

    Fired on the First Day (Part 2) "T-Thanks…” She cleared her throat when she said that. She took a look to the one who helped her, a man with same age. He was wearing a plain white shirt, short, and pair of shoes. Maganda ang kilay nito kahit hindi makapal, singkit ang mga mata at medyo mestizo. Matangkad lamang ito nang bahagya sa kaniya. "No problem,” Tugon ng binate. Sinundan niya ng tingin ang kamay nito nang humugot ito ng maleta galing sa hand luggage. Walang kahirap-hirap nitong naibaba iyon. Nang ibalik na ng binate ang tingin sa kaniya ay umiwas na siya ng tingin. "Empleyado?" The guy asked her. She just gave him a single nod. "Ikaw?" "Oo. Mukhang tayo lang ata ang empleyado rito,” Natatawang saad nito. Hindi na nakapagsalita pa si Summer dahil hindi naman niya ugaling kumausap sa hindi kakilala. Lumandas lamang siya ng lakad patungo sa may lagusan ng bangka palabas. Nang marating niya iyon ay isang hagd

    Last Updated : 2021-11-04
  • Loving The Cold Sun   Chapter 2.1

    Narcissa’s Portrait Wow. It was her first day and she didn't get anything but failure. And because of that failure, she will be going to be fired. E, kung silaban kaya kita kasama ang bulok mong elevator?! She didn't know what to do. But the only thing running inside her mind—is to spit her rant. Oo, gustong gusto na niyang magsisigaw sa harap ng amo niya. Iduro sa mukha nito na bulok ang elevator nila. She was very impressed with the El Salvador, but not the elevator of this building. Ilang sandali siyang hindi makakilos at nakikipagtitigan lang sa harap ng boss niya. Seryoso lamang ang tingin sa kaniya ng amo, komportableng komportable at animo'y hindi niya tinanggalan ng trabaho ang isang taong kailangan ng pamilya. While Summer, no one can paint her face. Hindi na mawarian kung ano ba ang hitsura niya, sinasabayan pa ng panginginig ng mga kamay niya sa galit.

    Last Updated : 2021-11-04
  • Loving The Cold Sun   Chapter 2.2

    Narcissa's Portrait (Part 2) "P-Po?" Tanong niya kung sakaling mali siya ng narinig. Nagpakawala ng marahas na buntong-hininga si Lucius. "Are you deaf?" Inis na tanong nito. "Sabi ko pumasok ka sa kwarto ko habang hindi ka pa nakakapagbihis,” Mariing sambit nito sabay turo sa dulo ng opisina kung saan matatagpuan ang kuwarto ni Lucius. Alanganganing tango na lamang ang naitugon ni Summer tsaka tumakbo papasok doon.

    Last Updated : 2021-11-04
  • Loving The Cold Sun   Chapter 3.1

    Isla Dela Merced (Part 1)Thesound of the waves kissing the white shore was the only sound dominating the entire beach. From her room inside the building, Summer was just watching the steamy yet breezy island. Gabi na ngayon at nakasuot na siya ng pantulog, nakadungaw lamang sa bintana. Hindi siya makatulog kakaisip sa nakita niya kanina sa loob ng stock room ng building.Pinagmamasdan niya ang mga taong suot ang kanilang bikini at swimming trunks habang nagtatampisaw sa malamig na tubig. Gusto sana niyang magtampisaw at magsaya roon ngunit sobrang pagod na siya sa trabaho ngayong araw.Napatingin siya sa hawak niyang phone nang tumunog ito, isang mensahe ang pumasok galing sa kaniyang kapatid.Scarlet: Ate, lagot ka talaga kay mama!Hindi na niya tinugunan ang mensahe ng kapatid at pinatay na lang. Nandito na siya at bakit pa sila babalik? Muli siyang nagpakawala ng ma

    Last Updated : 2021-11-05
  • Loving The Cold Sun   Chapter 3.2

    Isla dela Merced (Part 2)Kinatanghalianay nasa cafeteria si Summer at nakapila para sa kaniyang lunch. Medyo maingay ang buong cafeteria dahil sabay-sabay ang mga empleyado na manananghalian din ngayong lunch break."Oy, ngayon lang kita n

    Last Updated : 2021-11-05
  • Loving The Cold Sun   Chapter 4.1

    CHAPTER FOUR:Hidden (Part I)"Manong,let's go,” Lucius ordered to his driver but it didn't answer him. He lifted a look at the driver's seat, but his driver wasn't there. His jaw clenched in piss. It was now already late but he still inside his car. He needs to take a rest of his mansion right now! He immediately opened the door of the van then he hopped out to find his driver."Tanod! 'Yung kasama namin!" He turned his look in one side when he heard the voice of a girl asking for help. Namataan niyang may nagtutumpukan doon kaya mabilis siyang lumakad palapit doon."Mr. Salvador!" Tawag ni Miss Amethyst pero hindi siya pinansin ni Lucius nang makita si Summer na hawak-hawak ng babaeng wala sa sarili. May binubulong ito na kung anu-anong mga bagay at panay tawa. Samantalang ang ibang tao naman na nasa paligid ay nagtatawanan lamang.Walang pasubaling kina

    Last Updated : 2021-11-16
  • Loving The Cold Sun   Chapter 4.2

    CHAPTER FOUR:Hidden (Part II)Kinagabihanpagtapos ng trabaho ay dumeretso silang dalawa sa isang maliit na kubo na 'di kalayuan sa resort. Dahil gabi na ay tanging mga cellphone lang ang ginagamit ng dalawa bilang tanglaw sa daanan."Gising na ba 'yon?" Tanong ni Summer. Nakayakap siya sa kaniyang braso upang maibsan ang lamig ng hangin. Isang tango naman ang itinugon sa kaniya ni Chelsea na kalmadong-kalmado lang ang lakad dahil kabisado na ang pagpunta sa bahay na iyon at kinasanayan na rin ang pagpunta roon dahil madalas siyang nagpap

    Last Updated : 2021-11-16
  • Loving The Cold Sun   Chapter 5.1

    CHAPTER FIVE:Seduce the Snowman (Part I)"Noongunang panahon ay may isang prinsesa na naninirahan sa isang napakagandang isla,” Salaysay ng isang ina nasa edad na dalawampu't tatlo, si Narcissa. Nakaupo siya sa sa ibabaw ng papag habang katabi ang tatlong anak na babaeng nakahiga sa kama at nakahandang makinig ng kaniyang ikukuwento. Si Summer na nasa edad tatlong taong gulang, si Scarlet na dalawang taon, at si Solenn na wala pang isang taong gulang. Ganito palagi ang kaniyang ginagawa sa oras na ginagabi nang husto ang asawa sa trabaho nito upang hindi mainip ang mga anak kakaantay sa ama."Anong pangalan ng isla, mama?" Tanong ni summer. Nginitian muna siya nang marahan ng ina bago tugunan."Isla Dela Merced, 'nak,” Ngiti nito. Kahit hindi na kaputian ang kutis ni Narcissa ay kita pa rin ang kagandahan sa kaniya. Magulo-gulo na rin ang kaniyang bu

    Last Updated : 2021-11-17

Latest chapter

  • Loving The Cold Sun   Epilogue (Part V)

    EPILOGUE (Part V)TATLONGtaon ang nakalipas. Sa tatlong taon na iyon ay maraming nangyari. Naikasal sila Summer at Lucius, matagumpay na nailuwal ni Summer ang panganay na lalaki, at muli silang nabiyayaan ng panibagong supling.Nakangiti si Summer habang pinagmamasdan ang po

  • Loving The Cold Sun   Epilogue (Part IV)

    EPILOGUE (Part IV) Tumikhim si Don Leandro kaya napalingon ang tatlo sa kaniya. "H-happy birthday, Dad," bati ng tatlo pero hindi sabay-sabay at hindi magkakasundo sa tiyempo. Tumango na lang si Don Leandro at sinenyasan si Lucius na lumapit sa kaniya. Lumapit naman si Lucius. "Did you bring your girlfriend here?" Tanong ni Don Leandro ngunit hindi nagsalita si Lucius. "That Avilla?" Dagdag pa niya. Tumango si Lucius at pilit na ngumiti.

  • Loving The Cold Sun   Epilogue (Part II)

    EPILOGUE (Part II)They didn't make love everytime after they met again. Kaya ganoon na lamang ang kagustuhan nila. Sandaling bumangon si Lucius pero nanatili siya sa ibabaw ni Summer. Hinubad niya ang kaniyang pang-itaas habang si Summer naman ay abala sa pagkalas ng kaniyang belt hanggang sa mahubad ang lock ng kaniyang pantalon.Lucius just watch

  • Loving The Cold Sun   Chapter 35.5

    CHAPTER THIRTY-FIVE (Part V)Tumango si Summer. "Like what you said… dapat hindi na natin gatungan pa ang gulo sa kanila. We should end that, instead," saad ni Summer at humugot siya ng malalim na paghinga. Inihanda niya ang posporo. She immediately ignited one match and Lucius offered her the papers."If you light this, that means… you still

  • Loving The Cold Sun   Chapter 35.4

    CHAPTER THIRTY-FIVE:It Ends with Flames (Part IV)Huminga siya nang malalim at lumakad papunta roon at binuksan ang pintuan. Dahil mag-isa lamang siya ay lumilikha ng ingay ang kaniyang sandals nang tahakin niya ang hagdanan paakyat. At nang marating na niya ang pintuan ng silid ay binuksan niya iyon.Ganoon pa rin ang ayos niyon kahit limang taon na ang lumipas. Huminga siya nang malalim at pinuntahan ang bintana. Sariwa pa sa kaniya ang ala-ala ang gabing tinanong siya ni Lucius kung n

  • Loving The Cold Sun   Chapter 35.2

    CHAPTER THIRTY-FIVE: It Ends with Flames (Part II) Dahan-dahangiminulat ni Lucius ang kaniyang mga mata nang magkamalay siya. Si Madame Devon ang una niyang nakita, kasalukuyan itong nagbabasa ng classic novel sa gabi niya. "Tita…" tawag niya. Gulat na napalingon sa kaniya si Devon na may ngiti sa labi. "Oh God! Lucius you're awake!" Masayang sambit ni Madame Devon. Agad niysng kinalas ang suot na reading glass at itinupi ang aklat. Ipinatong niya ang mga iyon sa ibabaw ng tukador at tinulungan si Lucius na makabangon. Isinandal niya ito sa headboard ng kama. "May masakit ba sa iyo?" Umiling si Lucius. Napalingon siya sa kaniyang kanang braso na may benda pa rin pero hindi na makirot ang kaniyabg sugat. "Should I tell this to Summer?" Tanong ni Madame Devon pero mabilis na umiling si Lucius. "Hindi pa po ako makabangon nang husto. Maybe next time? Ayaw kong

  • Loving The Cold Sun   Epilogue (Part III)

    EPILOGUE (Part III) "Summer, wake up," gising ni Lucius. Nakasuot na siya ng polo shirt at jeansm bagong paligo at nakahanda nang bumyahe patungong airport. "Nahihilo pa ako," tugon ni Summer. Alam niyang flight nila ngayon patungong Brazil pero wala siyang ganang bumangon dahil

  • Loving The Cold Sun   Epilogue (Part I)

    EPILOGUE (Part I)It'sbeen a year. Everything was fine. No issues, no scandals, no crime, nothing. Lumalago na rin muli ang El Salvador dahil magkatulong sina Summer at Lucius na nangangalaga nito. Wala man si Summer sa board pero lahat ng desisyon ni Lucius at siya ang kinokonsulta dahil lahat ng tiwala ni Lucius ay nasa kaniya.

  • Loving The Cold Sun   Chapter 35.2

    CHAPTER THIRTY-FIVE:It Ends with Flames (Part II)Kinabukasanay nagtungo si Summer sa office ni Madame Devon sa hotel gayong siya ang pansamantalang tumatayo bilang presidente ng El Salvador hotels dahil sa kalagayan ni Lucius. Naabutan niya si Madame Devon sa opisina nito at agad siyang pinapasok."Nagising na si Lucius kagabi pero hindi pa siya makabangon. He would be happy if you visit him,"bungad ni Madame Devon. Hindi pa nabibisita ni Summer si Lucius mula pa kahapon nang mag-usap sila ni Madame Devon, nga

DMCA.com Protection Status