NASA hapag ang pamilya Ignacio kasama sina Lucas, Nora at Chloe nakain ng tanghalian maliban kay Levi at Logan."Thank you, Chloe for helping our bunso." Saad ng mama ni Ensley."Wala po yon, mabait na bata po si Ensely." Parang matandang sabi nito sa ina.Sinamaan naman ni Ensley si Chloe ng tingin na binalewala lang ng kaibigan."Sa totoo lang ay habang wala po kayo rito ay inampon na po namin siya ni kuya Parker, kahit na makulit silang dalawa ni kuya ay mahalaga po sila sa akin." Sabi pa nito.Hindi naman makapaniwala nakatitig kay Chloe ang buong pamilya ni Ensley."Chloe." Sabat ni Ensley dito.Bigla naman tumawa ang ina ni Ensley."See? I'm just joking, diba po tita Mila?" Sabi pa ni Chloe.Napailing na lang si Ensley sa kalokohan nito. "Nasaan po pala sina Logan at Levi?" Siniko naman siya ni Ensley."I mean kuya Levi at k-kuya L-Logan." At pilit na ngumiti sa mga ito. Hindi naman mapigilan ni Mila ang pagtawa sa kakulitan ng kaibigan ni Ensley at tumawa na rin si Lorenzo.
NASA hapag ang pamilya Ignacio kasama sina Lucas, Nora at Chloe nakain ng tanghalian maliban kay Levi at Logan."Thank you, Chloe for helping our bunso." Saad ng mama ni Ensley."Wala po yon, mabait na bata po si Ensely." Parang matandang sabi nito sa ina.Sinamaan naman ni Ensley si Chloe ng tingin na binalewala lang ng kaibigan."Sa totoo lang ay habang wala po kayo rito ay inampon na po namin siya ni kuya Parker, kahit na makulit silang dalawa ni kuya ay mahalaga po sila sa akin." Sabi pa nito.Hindi naman makapaniwala nakatitig kay Chloe ang buong pamilya ni Ensley."Chloe." Sabat ni Ensley dito.Bigla naman tumawa ang ina ni Ensley."See? I'm just joking, diba po tita Mila?" Sabi pa ni Chloe.Napailing na lang si Ensley sa kalokohan nito. "Nasaan po pala sina Logan at Levi?" Siniko naman siya ni Ensley."I mean kuya Levi at k-kuya L-Logan." At pilit na ngumiti sa mga ito. Hindi naman mapigilan ni Mila ang pagtawa sa kakulitan ng kaibigan ni Ensley at tumawa na rin si Lorenzo.
LUMAPIT ang dalawang bisita na kasama ni Logan sa mga magulang ni Ensley. "Ma!" Tawag ni Logan sa ina. Tumingin si Mila sa kasama nito. "You must be—" saad ng ina."Parker Wu, Mrs. Ignacio. Thanks for inviting me and if you don't mind po, sinama ko yung kaibigan ko." Magalang na saad ni Parker sa ina ni Ensley at naki-pag shake hands pa ito rito. "He needs company tonight." Habol pa ni Parker at pinalo ang balikat ng kaibigan at tumawa pa. "I'm sorry for crashing your dinner party, Mrs. Ignacio. My name is Dior Moore." Magalang na saad din nito at naki-pag shake hands din."No worries, I think Ensley knows you too. So, it's okay." Saad ni Mila sa mga ito. Tinawag naman niya si Ensley at lumapit naman ito sa kanila. Habang nag lalakad si Ensley palapit sa mga ito ay ramdam niya ang titig ni Dior sa kaniya. "Ma!" Ngumiti naman si Ensley sa dalawa."Ensley, Happy birthday! Kung nalaman ko lang nang mas maaga ay sana nabilhan kita ng regalo." Saad ni Parker kay Ensley at nakipag beso
HINDI na ni Ensley nakausap ang kaniyang ina, pagod na raw ito at nag papahinga na. Sigurado siya bukas na hindi ito makakalimot na kailangan nila mag-usap. Dapat na rin niya ihanda ang sarili, sa mga itatanong ng mga ito.Lalo na nakita ng mga kuya niya kung paano siya hawakan ni Dior.'Parang sira talaga ang lalaking iyon!' Sigaw niya sa sarili.Pagkatapos niya umalis sa yakap ni Dior ay naging tahimik na ito. Ang huling sinabi na lang nito ay nung mag tanong ito kung sino si Lucas."He's my best friend." Saad ni Ensley dito."Guy Best friend ha?" Sarkastik na sabi nito sa dalaga."Oo, may problema ba doon?" Naiinis na tanong ni Ensley sa binata. "Wala!" Inis din na sagot ni Dior dito.Lumabas naman sa loob ng bathroom si Chloe at umakyat na sa kama ni Ensley. Medyo malaki at malawak naman ang kwarto at kama ni Ensley, kaya ayos lang na rito matulog sina Chloe at Nora."Kumusta?" Tanong ni Ensley kay Nora na ka-kapasok lang sa loob ng kwarto at sumalampak na rin sa higaan. "Tinano
INAAYOS ni Ensley ang sarili bago lumabas ng rest room.May ilan na estudyante ang pumasok sa rest room at tinitingnan siya mula ulo hanggang paa. Hindi na niya ito pinansin at tiningnan na lang ang kaniyang sarili. Magulo ang buhok, may bakat ng kuko at konting dugo ang mag kabilaan na braso nito at namumula rin ang kaniyang pisngi sa sampal. May mga luhang pilit na pinipigilan din ang makikita sa mga mata nito.Masakit din ang kaniyang tuhod dahil sa malakas na pwersa na pag tulak sa kaniya kanina.Naka-suot kasi siya ngayon ng dress, regalo ng kaniyang ina. "Are you okay?" Saad ng isang babae sa gilid niya. Humarap naman si Ensley dito at ngumiti. "I'm okay." "Are you sure? Gusto mo ihatid kita sa Clinic?" Saad pa nito."Ay! No need na. Galos lang ito, malayo sa bituka." Sagot naman ni Ensley dito at tumawa pa ng pilit.Pinasadaan ulit siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa. "I don't think so, sa ayaw o sa gusto mo. You need to go to Clinic." Pilit pa nito dahil hindi talaga
GUMISING si Ensley na wala na sa tabi niya si Dior. Hindi siya makapaniwala sa mga nangyari kagabi, pakiramdam niya ay panaginip lang ang lahat nang iyon. "From now on, I don't want to see you crying and hurting anymore. I want you to be happy." Pagkatapos sabihin ni Dior ang mga katagang iyon ay hindi na siya hinayaan nito mag salita pa at sinabihan siya na matulog na. Alanganin na humiga ulit si Ensely sa kama at pinagmasdan si Dior na pumunta sa bathroom. Nag kunwari natutulog na si Ensley nang marinig na niya mamatay ang gripo sa loob ng bathroom at makalipas ang ilang segundo ay narinig na rin niya'ng bumukas ang pintuan. Madiin na pumikit si Ensley habang nakatalikod sa binata. Naramdaman na lang niya ito na humiga ulit at niyakap siya patalikod. Bumangon na ito at nag simula na kumilos para sa panibagong araw. Naabutan ni Ensley ang lamesa na may nakatakip na pagkain nakahain dito. Nakita niya rin na may sticky note rito sa ibabaw nito. 'Eat up, sleepyhead. We have morn
GUMISING si Ensley nang mas maaga kaysa sa kadalasan niya'ng gising sa tuwing may pasok siya. Balak niya kasi ngayon'ng araw ay dalhan sina Dior ng breakfast. Maaga kasi ito pumapasok sa University para mag practice dahil nalalapit na naman ang sunod na laban nito sa soccer.Ang orihinal na plano ay siya mismo ang gagawa nang pagkain ng mga ito ngunit dahil nga hindi pa siya ganoon kahusay sa larangan ng pag luluto ay pupunta na lang siya sa malapit na diner para doon bumili ng pu-pwede ibigay sa mga ito. Nalaman niya rin kasi na may malapit na diner sa kanilang Unibersidad. Pumasok siya sa loob ng 3r's diner at may ngiti sa labi na binati siya ng mga employee roon. Pagkatapos niya ibalik ang bati ng mga ito ay dumiretso siya sa counter para makapag order na rito."Good morning! How can I help you?" Masiglang bati ng cashier sa kaniya. Tinitigan niya ito at pagkatapos ay binaling ang tingin sa menu nasa board sa itaas. Binabasa niya ang mga pwede niya ibigay kala Dior. Kumunot din a
SABADO ng gabi. Pumasok si Ensley sa loob ng restaurant. Medyo malayo ito sa kanilang University at sa subdivision. Lumingon lingon ang dalaga sa paligid para hanapin ang tao na kikitain niya. Nag paalam siya sa kaniyang kuya Levi na manunuod ng movie kasama si Chloe pero ang totoo ay sa isang restaurant talaga siya pupunta at makikipag kita kay,"Ens!" Tawag sa kaniya, malapit sa bintana ng restaurant. Lumapit naman si Ensley dito. "Kanina ka pa, Xav?" Tanong niya sa binata at umupo na sa harapan na upuan nito. "Hindi naman. Gusto mo na mag order?" Sagot naman nito at tanong.Tumango na lang si Ensley at tumawag na si Xavier ng waiter. Nakatitig lang ang dalaga rito habang nag oorder ng pag kain nila, kanina tapos na niya sabihin dito kung ano ang gusto niya'ng kainin.Pagkaalis ng waiter ay kay Ensley ulit bumalik ang tingin ni Xavier. Ang totoo ay si Ensely talaga ang una nagyaya rito dahil gusto na niya magkaroon na sila ng closure sa isa't isa at gusto na niya ibigay kay Dior
D I O R M O O R ESA APAT na sulok ng silid ay maririnig ang tunog ng isang classical song na "La vie en rose" by Edith Piaf. Tumutugtog ito sa isang retro vinyl record player stereo habang si Dior ay busy sa pag pinta sa gitnang bahagi ng silid. Palagi siya nag papatugtog sa tuwing nag pipinta siya. Maraming nakakalat na kagamitan para sa pag pipinta niya at maraming mga canvas rin ang naka display sa dingding at sa sahig. Sa isang banda naman ay may isang cabinet, kung saan nakalagay ang mga vinyl records ng binata. Sa katunayan ay hindi niya talaga gusto maging sunod na mag papatakbo ng kanilang kompanya. Para sa kaniya ay hindi siya para roon. Ngunit wala siyang magagawa dahil sa kaniya umaasa ang ama niya at isa pa ay masyado pa rin bata si Riley para sa ganoong bagay. Pagkatapos nang kaarawan ng dalaga ay hindi ito umuwi sa bahay ni Dior dahil tuwing weekend ay sa kapatid nito ito natuloy. Araw ng linggo. At kanina pa siya rito nakaupo at nag pipinta. Pumunta kahapon ang
T H R E E Y E A R S A F T E RHABANG hawak ni Ensley sa kamay ang palumpon ng boho flowers ay pinag-masdan niya ang buong paligid. Maraming bisita ang makikita, mga pamilya at mga kaibigan. Kita sa mga mata at ngiti ng mga ito ang saya. Nakasuot ang mga ito ng magagarang kasuotan para sa okasyon ngayon. Kasalukuyan din sila nasa isang kagubatan. Dito naisipan ganapin ang importante na okasyon ngayon.Binaling niya ang tingin sa lalaki nasa unahan. Masaya itong naka tingin at makikita sa mga mata nito kung gaano nito inantay ang araw na ito, kahit siya ay hindi na rin mapigilan na ngumiti at maluha sa nakikita sa unahan. Sa tinagal nang pag iintay nila ay ngayon ay mag iisang loob na ang dalawang matalik nilang kaibigan na sina Xavier at Zoey.Naka-suot siya ngayon ng isang kulay kayumanggi na mahabang velvet gown. May slit din ito sa gilid at short sleeve ang gown na may mahabang v cut sa dibdib. Tumuloy na siya sa pag lakad sa aisle. Kahit hindi siya ang ikakasal ay kinakabahan
BINALINGAN niya ang paningin ng umusog si Dior sa tabi niya. Nasa dining area sila ngayon nag gagabihan. Kasama rin nila sina Mikee at Kevin sa hapag. Kanina ay nag pababa si Chloe malapit na Mall at may kikitain pa raw ito. Kanina niya pa rin naririnig nag kukwentuhan ang mga ito. Habang siya ay tahimik lang nakikinig sa mga ito at sumasagot kapag tinatanong siya. "Penny for your thoughts?" Tanong ni Dior sa kaniya na kina-ilinganan niya lang.Sa totoo lang ay naiinis siya sa sarili niya dahil nag seselos siya kay Mikee. Kinu-kompare niya ang sarili rito.Mukha na kasi itong may maibubuga sa buhay. Maganda, matalino at may trabaho na. Natatakot siya na baka bumaling ang atensyon ng kasintahan dito lalo na sobrang angat ito sa kaniya. MAY party na ginaganap sa company nila Dior. Andito sila ngayon sa hotel dahil dito gaganapin ang celebration sa pag managed ng binata sa branch sa States dahil naging successful ang naging deal nito sa isang kilalang company. Kasama sina Mikee at
SA DALAWANG buwan ni Dior sa US ay umuwi rin si Ensley sa Costa para bumisita sa mga magulang niya at hindi niya kasama ang mga kapatid. Umupo si Ensley sa lamesa malapit sa bintana ng resto at inilapag din roon ang laptop at kaniyang libro. 11:30 ng umaga sa kaniya habang 10:30 pm naman kala Dior. Pinag patuloy niya muna ang pag babasa habang inaantay ang binata na tumawag sa kaniya. Umaangat ang kaniyang ulo ng mag lapag ng plato na may pag kain si Lucas sa lamesa niya. "Lunch mo, Ens." "Thanks, Lucas." Tinanguhan lang siya nito bago bumalik sa kusina. Pagkaalis ni Lucas ay doon din ang pag tunog ng laptop niya. Nilingon niya ito at nakita na tumatawag na si Dior sa kaniya. May ngiti sa labi na inaccept niya ang tawag nito. "Good evening, Mr. Dior Moore." Bati niya sa binata na kina-ngiti rin nito. Kita sa mukha nito ang pagod pero nagagawa pa rin nito ngumiti sa kaniya. "Good evening, Misis Moore." Balik na bati ng binata sa kaniya na kina-bigla niya. Tumawa ng mahina si D
ILANG araw na umiiwas si Ensley kay Dior. Alam niyang mali ang pinag gagawa niya pero hindi niya talaga kayang harapin si Dior lalo na na-giguilty din siya sa mga naging desisyon niya rito. Baka nga nag tatampo rin ito sa kaniya. University at bahay lang siya nag lalagi. Kapag tinatanong siya ni Chloe ay palagi niya nililihis ang usapan at sa tuwing nakikita niya si Dior ay mabilis siya umaalis para hindi sila mag tagpo. Hindi rin naman siya nito tine-text o tinatawagan. Ganoon din ang ginagawa niya rito. Nag taklob siya agad ng kumot nang marinig ang pag katok ng kapatid niya sa pinto ng kwarto niya. Narinig niya ang unti-onti nitong pag bukas ng pinto at mga yapak nito patungo sa kama niya."I know, you're awake Ensley." Bumuntong hininga muna siya bago niya tinanggal ang kumot sa pag kakataklob sa buong mukha niya. Nakita niya ang kuya Levi niya nakatayo sa gilid ng kama niya. "Kuya, hindi ako gutom." Pag rarason niya sa kapatid."We'll wait you downstairs in 5." Maotoridad na
PAREHAS na hindi makabasag pinggan habang nanunuod ang mag kasintahan sa loob ng sinehan. Si Ensley ay may hawak na popcorn at kina-kain ito habang tahimik nanunuod at patuloy na umaandar ang palabas sa unahan na pinamagatan na "Harley Quinn: Birds of Prey." Si Dior naman ay tahimik lang din nakatutok sa pinapanuod. "You want popcorn?" Alanganin na tanong ng dalaga rito ngunit tumanggi na kumuha si Dior sa popcorn na kina-kain niya. Binalik na lang ulit niya ang tingin sa unahan at inubos ang kina-kain. Nang matapos ang palabas ay lumabas na sila ng sinehan, kumapit siya sa braso ng binata at tinitigan ito. "Gutom na ako, sa Jollibee na lang tayo kumain, ha?" "Okay." Simpleng saad ni Dior sa dalaga na hindi niya mawari kung bakit kanina pa ito walang gana. Ito naman ang nag yaya na lumabas sila pero kanina pa itong walang imik sa kaniya. Tumango siya at ngumiti rito. Nag patuloy na sila papunta sa Jollibee para roon kumain. "Gusto ko ng fried chicken, spaghetti at burger. Gusto
KAHAPON ng tanghali bumalik sina Dior sa Centro. Nangako kasi ito na babalik sa pasko para sa kapatid na si Riley. Nilagay niya rin sa list na bisitahin ang kapatid nito pag bumalik na siya sa Centro. Napa-ngiti siya nang binalik niya ang atensyon sa mga gold fish niya na maligalig na lumalangoy sa pond nila sa resto. Katapos niya lang bigyan ng pagkain ang mga ito.May isang linggo na lang sila at pagkatapos ng new year ay babalik na ulit sila sa Centro. Pagkatapos mag pakain at mag dilig din ng mga halaman ay bumalik na siya sa loob ng resto. "Ens! Naninibago pa rin ako nandito ka." Saad ni Quinn, tumawa naman siya rito at pagkatapos ay pumasok na sa loob ng kusina. Gusto niya kasi matuto mag luto, sabi ng kuya Logan niya at ni Lucas ay tuturuan siya ng mga ito. Nang makita si Nora ay binati niya ito nasa gilid, gumagawa ito ng beverage pagkatapos ay nag tungo na siya kala Lucas at Logan. May ine-experiment ang mga ito na pwedeng maging bagong recipe ng resto. Sa mga sumunod
SA ILANG araw na pamamalagi nila rito sa Costa ay madalas na pumupuslit si Dior sa kwarto niya pero katulad nung nakaraang gabi ay hindi na niya ito hinayaan. Hanggang yakap lang ang nagagawa nito at matulog sa tabi niya.Nailang kasi siya nang pag kagising niya kinabukasan dahil hindi mapigilan ni Parker na ngumiti sa kaniya nang nakakaloko. Ginising niya rin ito nang maaga para bumalik ito sa guest room, dahil hindi niya alam ang sasabihin sa magulang niya kapag nalaman ng mga ito, sa kwarto niya natutulog si Dior.Dalawang araw na lang at pasko na. Nalaman niya rin na bukas ay kaarawan ni Dior. Nagulat talaga siya nang malaman iyon dahil wala siyang katiting na idea na kaarawan nito bukas.Kahapon pa rin siya nag iisip kung ano ba ang pwedeng iregalo rito pero wala siyang maisip dahil lahat naman na ata ay meron na ito. "Alam ko na, sarili mo na lang." Suggestion ni Chloe sa kaniya. Andito sila ngayon sa loob ng kusina, tinutulungan nila si Nora at kasama rin nila si Zoey. "Bibi
NAGISING siya sa tunog ng kaniyang alarm clock. Katulad ng nakasanayan sa tuwing andito siya sa Costa. Nag set siya ng alarm clock kagabi bago matulog. Minulat niya ang mata at tinurn-off ang alarm clock niya. Maganda ang gising niya kaya nag tatalon muna siya saglit para mas lalo siya magising bago tumuloy na sa sarili niyang palikuran. Nang matapos siya ay dumiretso siya agad sa closet niya para kumuha ng damit dito. Nag suot siya ng isang one-piece bathing suit na may spaghetti strap na kulay sky blue at pinatungan niya ng high-waisted linen shorts na kulay itim. Para naman sa mukha niya ay nag sunscreen siya at liptint lang habang hinayaan niya lang nakalugay ang kaniyang buhok. Balak niya pumunta sa dalampasigan para abangan ang pag sikat ng araw. Nang makababa na siya ay naabutan niya ang pamilya niya, maliban kay Levi. "Good morning." Bati niya sa mga ito at lumapit para humalik sa pisngi ng mga ito. "I missed this." Saad ng ina niya habang may ngiti sa labi naka tingin sa