“Bakit ka bumalik? May nakalimutan ka ba?” sabi ni Nicole na naging mailap ang mga mata.“May masakit ba sa’yo?” ani James at lumapit sa kanya. Tinanguan nito si Sam.“Wala, masakit lang ang katawan ko dahil sa pagkakahulog. Pero okay lahat. Walang dapat ipag-alala.”“Dumating na ba ang resulta ng l
Umuwi si James. Naabutan niya ang pamilya Evangelista na kumakain. Binati niya ang mga ito at umupo sa tabi ni Nicole. Nakipagkwentuhan si Don Benjamin tungkol sa minahan. Niyaya siya nitong uminom sa garden na kanyang pinagbigyan.Pumasok siya sa kwarto at inabutan si Nicole na nagbabasa ng libro.
“Sounds crazy but you give me something that I can’t explain,” ani James na hawak ang kanyang pisngi. Dinampian nito ng halik ang kanyang labi.Inawat ni Nicole ang kamay nito ng tinangkang alisin ang suot niyang maskara. Nanginginig ang katawan niya. Hindi dapat malaman ni James na siya at si Myste
Napangiti si Nicole. Noon pa man she can get anything she wanted dahil sa pera. Pero mukhang ito ang pinaka hindi niya makakalimutan.“Sigurado ka? Hindi naman kita pinipilit,” paniniguro niya.“I’ll do it.”“Huwag kang mag-alala. May rest day naman. Saturday at Sunday, you can do anything you want.
“Luh! Hindi kasama sa usapan ang magselos. Hindi ba pagmamahal at pag-aalaga ang kailangan mong ipakita,” ani Nicole bago pa mapigil ang bibig.“Kasama sa pagmamahal ang selos. Takot kang maagaw ng iba ang taong mahal mo,” sagot ni James.Nakarating sila sa mansyon. Pinagbuksan siya nito ng pinto ng
Napansin ni Nicole na nakasilip si Jasmine sa kwarto nilang nakabukas. Nakita niya ang mukha nitong naiinggit. Bigla siyang kinabahan, alam niya ang mga kabaliwang kayang gawin ng kapatid. Huwag sana naman nitong akitin si James.Matapos kumain ay naghanda na sila papasok. Coffee break ay dinalahan
Naalimpungatan si Nicole. Wala sa tabi niya si James. Tumayo siya upang hanapin ito. Wala ito sa kusina, sa sala at kahit sa garden. Kumuha siya ng tubig sa ref at may nakitang dalawang baso na may yelo pang laman. Kumuha siya ng isang basong tubig at dinala sa kwarto at baka naman andoon na si Jame
“May problema si Kristin. Tutulungan ko lang siya tapos ay babalik ako agad,” ani James at inalis ang kamay niyang nakayakap dito.Ngumiti at tumango siya. “Sige, ingat ka at umuwi agad. Maghihintay ako sa’yo,” aniyang durog ang puso.Kagaya ng dati ay nagmamadali itong umalis. Napabuntunghininga si
Halos lumabas ang puso ni Nicole sa lakas ng tibok. Humigpit ang hawak niya sa sa baril. Baka nakapasok sa compound nila ang nais magpapatay sa kanya. Mabuti na lamang at nag-aral siya ng self-defense noong bata siya. Kaya niyang ipagtanggol ang sarili.Pumasok ang isang malaking bulto ng katawan. B
Napalingon si Nicole sa katabing asawa. Nagtagis ang kanyang mga ngipin.“Hindi ako naniniwala sa’yo! At kung ayaw mong kalbuhin kita at alisin ko ang sustento mo, stay away from my husband,” aniyang sinadyang bungguin ang inggiterang stepsister.“May relasyon ba kayo ni Jasmine?” deretsang tanong n
Umiling si Nicole. Hindi niya hahayaang magmukhang kawawa sa paningin ni James. Ngunit mas hindi niya gustong pilitin ito. Masyado na itong madaming isinakripisyo para sa kanya.“Hindi kita mahal!” aniya. Nakita niya ang pagtagis ng bagang ni James ngunit saglit lamang.“Hindi din kita mahal. Tapusi
“Nic, kumalma ka. Mag-asawa tayo at lulutasin natin ang problema ng magkasama,” sabi ni James.“Hindi kita kailangan. Hindi mo ako kailangang samahan palagi.”“Sige, hahayaan kitang makapag-isip muna,” ani James at lumabas ng bahay.Nagkulong siya sa kwarto. Tanghali na ay hindi pa siya bumabangon.
Mainit na yakap at halik ang gumising kay Nicole. Tunay na umagang kay ganda.“Good morning sa pinakamagandang babae sa buong mundo,” ani James na pinupog siya ng halik sa mukha at leeg.“Wait lang, hindi pa ako naliligo,” aniyang umiiwas sa halik.“Mag-ayos na tayo at umuwi. Checkup mo sa duktor ng
Nagtama ang mga mata nila Nicole at James mula sa labas ng bintana. Nagkubli siya at nagpadala ng message sa driver na tumawag ng pulis. Ilang minuto siyang nasa damuhan at abot abot ang dasal.Muli siyang sumilip sa loob. Hindi nakatiis si Nicole ng akmang papaputukan ng baril si James ng pinakalid
Pakiramdam ni Nicole ay durog ang puso niya ng daang milyong beses. Sana hindi na lang bumalik ang alaala niya. Alam na niya ang tunay na estado ng relasyon nila ni James. Pero hindi siya nagagalit. Mas lamang ang pasasalamat para sa asawang tumutupad sa pangako.Gumalaw si James sa kanyang tabi at
Naghintay si Nicole sa labas ng presinto. Sana naman ay madakip na ang mastermind sa tangkang pagpatay sa kanya ng magkaroon na ng katahimikan. Isang oras bago bumalik si James.“Anong balita?”“Wala kaming mapiga sa taong binayaran para sirain ang mekanismo ng sasakyan mo. Sa telepono lang daw niya
Marahan tumango si Ayana. “Ako nga ang manager.”“Ikaw ang kausap ko tungkol kay Mysterious Girl?”Muli itong tumango.“Please contact her at pakisabi na titigil na ako sa ---”“Hindi mo pa kilala kung sino si Mysterious Girl hanggang ngayon?”Bumalatay ang pagtataka sa mukha niya. “Hindi pa. Sino b