A million thanks sa inyong lahat na walang sawang sumusuporta. Godbless po!
Dumating sa Crown Tower Corporation si Bryan sa kauna-unahang pagkakataon. Tinitigan niya ang pinakamatayog na building sa buong bansa. He hated the company dahil dito namatay ang kaniyang ina. Bumigat ang loob niya ng maalalang dito nahulog sa pinakamataas na floor ang Mommy Melinda niya. Hanggang
Natameme si Bryan. “Babaguhin ko ang isip mo. Bigyan mo ako ng pagkakataon.”“Huwag na muna nating pag-usapan iyan. Mag-pokus tayo sa pagkakaroon ng anak.”“Ayan, ayan. Gusto ko ‘yan,” anitong nagpark sa ilalim ng malaking puno sa gilid ng kalsada na ipinagtaka niya.“Bakit ka huminto? Nasiraan ba t
Kunot ang noong nahulog siya sa malalim na pag-iisip. Sino ang tunay na tagapagmana ng Crown Tower Corporation?Hindi niya ma-open ang files. Agad siyang nagmessage sa boss na mamayang pag-uwi na lang niya titignan ang ipinadala nito. Bumalik siya sa mesa kung nasaan naghihintay si Jace. Nakapaming
Ngumiti si Kristin at inabot ang juice. Nag-toast silang dalawa.“Bryan, maraming salamat.”“Saan?”“Sa pagsama mo sa akin. Sa lahat ng bagay na ginagawa mo. I appreciate it.”“Masanay ka na dahil magkasama na tayo palagi. Hindi ka na mag-iisa. I will always be there for you. Hindi kita papabayaan,
Naalimpungatan si Bryan at bumangon. Agad niyang isinara ang laptop. Nanghihina ang kanyang tuhod. Bakit naglihim si Bryan sa kanya? Ngunit ang malaking tanong ay kung sino ang kliyente na nagbayad ng malaki para ipahanap ito?“Good morning,” bati ng binata.Halos hindi niya maibuka ang bibig. Hindi
“Huwag kang mag-alala. Naglalaro lang din ako. No feelings involved kaya huwag kang kabahan,” sabi ni Kristin na parang sa ilong lumabas ang mga salita.“Come on. Women don’t usually play. At isa pa, the way you look at him is full of love,” ani Beatrice na hindi kumbinsido.“Anong sinasabi mo?”“Ma
Nadinig ni Kristin ang yabag ng palapit na si Bryan. Kumakabog ang kanyang dibdib. Malalaman ng binata na sumusunod siya dito. “Kristin?!” ani Bryan na nagulat ng makaharap siya.“Bro, si Kristin as in ‘yun Kristin na ikinukwento mo sa akin na babaeng kinababaliwan mo?” singit ni Gabriel.“Oo, siya
Naglapat ang mga mata nila Kristin at Bryan. Umiwas siya ng tingin.Kinuha niya ang maleta at walang kibong lumabas.“Saan ka pupunta?” anang binata.“Bryan, huwag nating pahirapan ang sarili natin.”Niyakap siya nito mula sa likuran. “Babe, huwag mo akong iwan. Kung kailan inaayos ko na ang buhay k
Natapos ang selebrasyon ng may ngiti sa labi ang lahat ng dumalo lalo na ang kaligayahan sa puso ng bagong kasal.Lumapit sina Bryan at Kristin sa kanilang dalawa.“Congratulations sa inyo. Sabi ko na nga ba at road to forever din kayo. I’m very happy para sa inyo,” ani Kristin na yumakap sa kanilan
“Anong kondisyon?” kunot noong tanong ni James kay Nicole.“Simpleng kasal lang ang gusto ko. Basta sa simbahan.”“May naipon ako. Kaya kitang bigyan ng engrandeng kasal gamit ang sarili kong pera.”“James, walang sari-sariling pera sa mag-asawa. Ang pera ko ay pera mo at ang pera mo ay pera ko din.
Nagpunta sa ospital na pinagdalahan kay Samantha sina James at Adrian. Kumpirmadong patay na ito. Nakipag-usap sila sa pulis. Hindi siya umalis ng ospital hanggang hindi nakikita ang bangkay ni Sam.Pauwi na sila ni Adrian ng magsalita ang kaibigan.“Bro, huwag mo nga palang sasabihin kay Jasmine an
Hinatid ni Nicole ng tanaw ang kaibigan. May tumulong luha sa mga mata niya para sa pagwawakas ng kanilang pagkakaibigan ni Samantha. May mga taong kahit kabutihan ang ipakita mo ay susuklian ka pa din ng kasamaan.Humakbang siya palabas ng kulungan. Sarado na ang chapter na ito ng kanyang buhay. Pa
Napatakbo sina James at Adrian upang puntahan ang sinasabing lugar ni Dra. Cecil. Pinaharurot niya ang sasakyan. Nagmamadali silang bumaba ng kotse. Wala ito sa likod ng simbahan. Naihilamos niya ang dalawang kamay sa mukha. Tila naunahan sila ni Sam na makita si Dra. Cecil.Ngunit hindi siya nawala
Hinawakan ni Nicole ang kamay ng duktor na nagpaanak sa kanya. Pilit nilalabanan ni Nicole ang panghihina at pag-aagaw ng liwanag at dilim. Gusto niyang iligtas ang anak ngunit wala siyang lakas kahit na sumigaw upang humingi ng tulong. Hanggang sa tuluyan na siyang mawalan ng malay.Bumukas ang pin
Pagdilat ni James ay nasa madilim siyang lugar at nakatali ang kamay at paa. May busal din ang kanyang bibig. Halos hindi siya makahinga. Mukhang trunk ng kotse ang pinaglagyan sa kanya. Bigla ang silakbo ng kanyang damdamin ng maalala si Nicole na manganganak na! Napumiglas siya. Pilit niyang inaal
Kabuwanan na ni Nicole. Habang palapit ang kanyang panganganak ay hindi niya maiwasang hindi mag-alala.Lumabas ng banyo si James na bagong ligo. Napatitig siya sa gwapo at matipunong katawan nito.“Asawa ko, huwag mo akong titigan ng ganyan. Baka kahit buntis ka, hindi ako makapagtimpi,” biro nito.
Nagmamadaling umakyat si James sa kwarto nilang mag-asawa. Marahas niyang binuksan ang pinto ngunit wala si Nicole. Nasaan ang asawa niya? Nakita niyang bukas ang bintana! May nakataling kumot sa veranda. Lumabas ito ng bahay gamit ang kumot at bedsheet! Dumungaw siya at nakita niyang hawak ni Rafae