Nilamon ng selos ang kanyang puso. Kumulo ang dugo niya sa eksena. At awtomatikong tila siya si Hulk sa silakbo ng damdamin. Hinila niya ang buhok ni Casey! At inilampaso sa labas ng opisina. May ilang empleyado sa hallway na nakakita. Nakabawi sa pagkabigla si Ethan at inawat ang dalawang babaeng
Kasalanan niya, pinapainit niya ang ulo ng boss. Titigilan na niya ang pakikialam dito at didistansya. Kailangan na lang niyang mabuntis at kung hindi naman umabot at makipaghiwalay agad ito. Pagkakasyahin niya ang ibabayad nito sa sandaling malipat na sa pangalan nito ang malaking share ni Lola Ros
Tila bomba ang pinasabog ni Lola Rosa. Kahit siya ay nabigla. Hindi niya inaasahan ang pagbibigay nito sa kanya ng malaking share. Hindi siya masaya lalo at galit at masama ang loob ni Ethan. Hindi pa sila nagkakabati ay may malaking problema na naman sila. Natitiyak niyang isusumpa siya ng binata.
“Kung totoo ‘yan, sana ay kinausap mo siya para tumanggi.” “Kinausap ko siya pero ayaw niyang makinig, mag-asawa daw tayo kaya parang sa’yo din daw niya ibinigay ang share.” “Tama si Lola Rosa. Kaya walang hiwalayang magaganap sa pagitan nating dalawa!” “Ethan, baka nakakalimutan mong may kontrat
Si Ethan! Na tila siya pinaparusahan sa diin ng halik nito. Mapaghanap ang mga labi ng asawa. Kusang bumaba ang kanyang depensa. Ang kamay niyang nagpupumiglas ay napakapit sa matipunong braso nito. Ang kamay naman ng lalaki ay nakahawak sa leeg niya na parang gusto siyang sakalin. Pero hindi niya
*** Nagkasalubong sa parking nila Ethan at Hanna si Dylan. Agad na umakbay si Ethan sa kanya. Nagpalitan sila ng ngiti ni Dylan. Pumasok silang tatlo sa elevator at laking gulat niya ang halikan siya ni Ethan sa labi. Namula ang kanyang pisngi. May ilang empleyado na pumasok din sa elevator. Pinun
Ibinaba na ni Athena ang telepono. Kailangan niyang alamin kung sino ang kausap ng kanyang secretary. Pumasok siya sa loob ng opisina at hindi nagpahalatang nadinig niya itong may kausap. Magsasagawa siya ng sariling imbestigasyon. Posibleng ang nagnakaw ng pera sa kumpanya ang siya ding may kagagaw
“Ethan, wala akong planong ganyan.” “At magde-deny ka pa! Eto ang CCTV, huling huli ka sa akto! Hindi ka makakatanggi!” Nasindak siya ng mahagip siya ng CCTV na binubuksan ang pagkain para sa CEO at may hawak siyang maliit na boteng kulay brown. “Gusto kitang ipakulong ngayon dahil sa ginawa mo.”