( Luciana's POV ) "Next applicant, Ms. Luciana Bitangcol." Tawag ng babaeng interviewer. Agad akong napabalikwas ng tayo sabay taas ng aking kamay. "Ma'am present po." Turan ko na abot hanggang tainga pa ang aking ngiti. Napatingin naman lahat ng kapwa ko aplikante sa direksyon ko. Magkahalon
"Kailangan pa lang magaganda ang empleyado ninyo rito? Hanep ma'am ah, paano ka natanggap?" Pang-aasar ko with a sarcastic smile. At kita ko ang nanlilisik nitong mga mata sa inis. At bago pa niya ako tuluyang ipakaladkad sa mga gwardiya ay tumakbo na ako ng mabilis! Hingal akong nakalabas ng bu
Habang ako'y tahimik lang na nakamasid sa mag-ina. Siya namang paglapit ng isang gwapong lalaki na sa tingin ko ay daddy nitong batang tisoy ayon na rin sa reaksyon nitong puno din ng pag-aalala ang mukha. May tatlong bodyguards pang nakasunod dito. "Ace! My goodness anak! Thanks God you are safe!
"Anak sigurado ka na ba sa desisyon mong iyan? Ayaw mo na ba talagang mag-aral?" Nag-aalalang tanong ni Nanay Helda nang mabanggit ko sa kanila ni tatay ang tungkol sa trabahong inalok sa akin ng mag-asawang Natalie ata Alas Santiago. Pagkarating ko sa bahay ay agad kong naikuwento ang nangyari ka
Ang emosyonal na eksena ay napalitan ng tawanan dahil sa pagiging honest ni Anton. Interpretasyon kasi nito ay nakakaganda ang pagtira sa syudad. Kaya hindi makikitaan ng pagkalungkot ang mukha nito kundi pagkagalak. Mas excited pa nga ito keysa sa'kin! "Naku wag kang mag-alala, baka pag uwi ko ri
Sa isang iglap lang ay napanganga ako sa pagkagulat! Lalo na nang marealize kong para na akong kalabaw na nalublob sa putikan sa sobrang dumi ng mukha at buong katawan ko. Amoy na amoy ko ang lansa ng putik at pati buhok ko'y nanlalagkit. "Kyaaaahhhh!" Napasigaw at nagpapadyak ako sa labis na inis
Kabanata 3 "Hello, magandang umaga po." Bati ko sa kabilang linya matapos mai-dial ang numerong binigay ni Sir Alas at Ma'am Natalie. Ang bilin kasi sa akin ng mag asawa ay tawagan ko ang numerong binigay nila kapag bumiyahe na ako patungo sa mansyon. "Goodmorning. Who's on the line please?" S
Mabuti nalang talaga matalino ako, madiskarte at may mabuting pamilya kung hindi ay iisipin kong isang sumpa ang aking buhay at pagkatao. Buti nalang talaga nakabawi roon eh. Napabuga na lamang ako ng isang malalim na buntong hininga at nagdesisyong kumuha nalang ng facemask para maisuot at matakp
"Baka naman manlilimos ito o manghihingi ng donasyon. Naku! Modus na naman! Mabuti pa umalis ka nalang bago ka pa namin ipadakip sa mga pulis." Mariing turan ng mga ito na halatang nakatingin sa akin mula ulo hanggang paa. At kahit pa may mga suot itong salamin, alam na alam ko ang pangungutya sa
"A--- ako po Manang Martha? Ba-- bakit naman po ako?" Di magkandaugagang tanong ko sa nauutal na boses habang nakaturo ang isang daliri sa aking sarili para makasigurado. Makailang beses na tumango si Manang Martha kaya mas lalo akong tinambol ng kaba. "Ikaw na ikaw nga Lucy! At kung bakit ikaw
Matapos akong pagsabihan ng ganoon ng aroganteng Señorito ay tuluyan na talaga itong umalis at hindi na muli pang bumalik. Dahil nga wala naman akong pagpipilian ay tinapos ko nalang ang sinabi ng doktor na manatili na muna rito ng tatlong araw. Bayad na rin naman lahat kaya sulitin ko nalang lalo
Pagkalabas nito ay hindi na ito ulit bumalik. Para bang pumasok lang iyon sa kwarto hindi para kumustahin ako kundi para paalalahanan ako na hindi libre itong pagdala niya sa akin dito at para ipaalala na rin na bawal ang lampa at tanga sa mansyon nila! Na sa kabila ng lahat na nangyari na muntikan
"Ouch!" Marahan akong napadaing nang maramdaman ang pagkirot ng aking ulo. Hindi ko pa man lang tuluyang naibuka ang aking mga mata ay ramdam na ramdam ko pa rin ang parang pag ikot ng aking paningin. At nang tuluyan at buo kong naibuka ang aking mga mata ay saka ko pa lang napansin ang buong pa
Agad akong nag iwas ng tingin at walang pasabing tumalikod para kunin ang mop. Sa tipo ng tingin ng aroganteng Señorito ay ramdam kong may masama na naman itong interpretasyon sa akin. "Mukha ba akong may nakakahawang sakit para madapuan ang kaibigan niya na nakikipag usap lang naman sana sa akin
Saktong natapos kami ni Claire sa pag iihaw at nagsimula na rin ang kasiyahan nina aroganteng Vincenzo. "Pwede bang samahan mo na rin akong ihatid ito kina Señorito?" Tanong ni Claire na marahan ko lang na tinanguan kahit na nag aalangan ako dahil sa pangungutya sa akin ng lalaking iyon kanina. An
Napahagikhik naman ng tawa si Claire. "Gusto mo ng palayasin kaagad? Ayaw mo bang makakita ng libre ng isang gwapong nilalang?" Tunog panunudyo na tanong nito na siyang ikinasimangot ko. "Kung ganoon naman ka arogante at mapanglait at huwag nalang." Walang prenong sagot ko kaya mas lalo itong na
(Luciana's POV) Parang sasabog ang dibdib ko sa sobrang sakit, kahihiyan at pagkadismaya pero tahimik akong umalis sa harapan niya. Hindi ko makontrol ang panginginig ng buong katawan ko sa harap harapang pang iinsulto at panlalait. Sanay na akong laitin ng kung sinuman eh, pero ngayon ako sobra