Tawag nang tawag si Cora. Ang kulit-kulit. Ilang araw na din ang nakalipas mula nang sabihin ko sa kaniya na may ibibigay ako sa kaniya. Mukhang hindi na makapaghintay."Sorry, busy kasi ako these past few days. Free ako tonight, kita tayo?" "Sure. Puwede tayong magkita sa mall sa Quezon City."Ako pa talaga ang pupunta doon? Asa ka naman na mapapasunod mo ako. "Nasa Taguig kasi ako, e. Pero puwede namang some other time na lang.""Hindi, pupuntahan kita," she insisted. That's a two hours drive, pero dahil traffic matatagalan pa siya. Hindi naman ako maghihintay sa kaniya, siya ang maghihintay sa akin. "Okay." Sinabi ko sa kaniya kung saang restaurant kami magkikitang dalawa. Nandito ako ngayon sa Ayala, may tiningnan ako na space for rent at hinihintay ko ang broker sa susunod na space na titingnan ko. Mag-o-open kasi ako ng business, na-approved na ito ni Ziyad. Hindi na ako nakatira sa kaniyang penthouse ngayon. I moved out. Sa kabilang tower lang naman ako lumipat, dahil kaila
THIRD POV Nanggagalaiti sa galit si Cora nang hindi na naman umuwi sa magdamag si Jacob, kaya hinanap niya ito sa lahat ng puwede nitong puntahan. At natagpuan niya ito sa penthouse kinaumagahan. Pinigilan pa siya ng bodyguard ni Jacob kanina sa labas. At kung hindi lang siya nagwala hindi pa siya papapasukin sa loob. Nadatnan niya ang mga kaibigan ni Jacob sa may living room na mga tulog pa at may mga katabing mga babae. May mga babae, kaya naisip niya na mayroon ding babae si Jacob. Alam niyang nasa loob ng silid si Jacob, kaya halos gibain niya ang pintuan nito sa lakas ng kaniyang pagkatok. "Jacob!""Buksan mo itong pinto!" Naalimpungatan naman ang mga kaibigan ni Jacob. Nagmamadali ang mga 'to na magbihis at sinama nila sa pag-alis ang mga babae na kasama nila. Nagising naman si Jacob pero hindi ito agad bumangon. Masakit ang kaniyang ulo at katawan. Napangiwi siya nang maramdaman niya ang hapdi sa kaniyang dibdib at kaniyang likuran. Napamura sya dahil tila sumobra ata i
Pakiramdam ni Precious ay pagod na pagod siya nang makasakay siya sa taxi na nakaabang sa kaniya sa labas ng unit ni Jacob. Ilang oras ang tiniis niya para makasama ang lalake. Jacob wanted to bed her. Mabuti na lang at tawag nang tawag sa lalake ang ilang kasosyo nito sa negosyo. She breathe a sigh of relief when the car starts to move. Kaunting tiis pa, Precious, bulong niya sa kaniyang sarili. Sumisikip ang kaniyang dibdib. Halo-halo ang kaniyang nararamdaman pero sinikap niyang patatagin ang kaniyang sarili. She's not that weak, fat and ugly woman anymore. Dumiretso siya sa kaniyang condo at nadatnan niya si Ziyad na naghihintay sa kaniya. May pag-aalala ito sa mga mukha. Pinagmasdan niya ang dalaga mula ulo hanggang paa, sinisigurado na ayos lang ito at hindi napano. Ngumiti si Precious sa kaniya sa kabila ng paninikip ng kaniyang dibdib. "Are you okay?" tanong ng binata. Of course, he knew that she's not okay. sa sobrang pagmamahal niya sa babae, alam niya kapag may bumabag
Mula sa labas ay pinagmasdan muna ni Jade si Cora na nasa loob ng isang mamahaling restaurant. Halata ang stress sa mukha nito at ang pagbagsak ng kaniyang timbang. Kung siguro nakokonsensya ito sa ginawa nito sa kaniya, baka sakaling kaawaan pa niya kahit paano, pero hindi, e. Walang konsensya ang babae at ni minsan, parang hindi man lang yata sumagi sa isip nito si Precious. Huminga siya nang malalim bago pumasok sa loob ng restaurant. "Hi, Cora... Kumusta ka?"Hindi magawang ngumiti sa kaniya ng babae. Kita niya ang nangingilid na mga luha sa magkabilang sulok ng kaniyang mga mata. "Why? What happened?""He did it again?" Batid na niya kung ano ang tinutukoy ni Cora, pero nagmaang-maangan siya. "Sino? At ano'ng ginawa?" Umiiyak ang babae habang kinukuwento nito ang ginawa ng kaniyang fiance. Mula sa stag party at iyong nangyari kahapon. "Ano'ng sabi ng fiance mo?""Wala! Kaya mas lalo lang akong naiinis kasi hindi man lang nag-explain! Kahit umiyak ako, kahit sinaktan ko, ni
Niyakap siya ni Jacob. Sa kabila ng pag-arte ni Precious, gustong-gusto na din talaga niyang umuwi dahil hindi na siya komportable. Pero paano naman siya makakauwi kung ayaw siyang payagan ng lalake. Hinahalik-halikan nito ang kaniyang pisngi. "Uuwi na ako...""Hindi ka puwedeng umuwi hangga't hindi tayo nakakapag-usap ng maayos," masuyong sagot sa kaniya ng lalake. "Gusto kita, Diamond. That's true." Gusto sana niyang mag-inarte at hard to get kaso matatagalan lang siya lalo dito. "G-Gusto din kita, Jacob. Pero—"Siniil siya ng halik ni Jacob, pero hindi naman iyon nagtagal. "Promise me that this won't be the last." Gustong manigurado ng lalake. Talagang gusto nito si Diamond. Alas! Hawak na kita sa palad ko, Jacob, isip-isip ni Precious. "Oo. Pero bukas busy kasi ako, e.""Hmmm... Okay. The other day, then." Tumango lang si Precious. Hinalikan siya ng madaming beses ni Jacob. Naiinis man, tinanggap ito ni Precious at sinuklian. "Sabay na tayong bumaba. Don't worry, bibilinan k
"Mag-swimming tayo," aya ni Diamond kay Jacob. Kanina pa kasi sila sa loob ng villa at hindi na siya komportable pa na kasama ang lalake. Kung hindi hahalik, kung saan-saan naman dumadapo sa katawan niya ang kamay nito. Nagtitimpi lang siya at baka kapag siya ay nainis baka masampal niya ang lalake at doon pa masira ang kaniyang plano. "Pero baka may makakakita pala sa'yo, kaya ako na lang," bawi niya. Kailangan lang niyang lumanghap ng preskong hangin sa may dalampasigan. Her mind was starting to be clouded. "I'll go with you. We also need to buy some clothes." She had no choice. Sa susunod hindi na talaga siya magdadrama. Hindi niya inakala na ganoon kabilis magdesisyon ang lalake pagdating sa isang babae. Same old Jacob. What would she expect. Once a cheater always a cheater. Nakarating sila sa resort ng walang dalang mga gamit. Mabuti na lang at may shop sa resort. Medyo pricey kumpara sa mall, pero hindi naman problema ang presyo sa kanila ni Jacob. Kung ano-ano ang pinagbibi
PRECIOUS Nakahinga ako nang maluwag nang magkahiwalay na kami ni Jacob. Sumakay ako ng taxi at nag-transfer sa ibang sasakyan nang masiguradong nakalayo na ang lalake. Aalis ito ng bansa kaya makakahinga ako nang maluwag ng ilang araw. Nag-spray ako ng alcohol at nagpunas ng wipes. Tinaasan ko ng kilay si Ziyad dahil pinapanood niya ako. "Wala kang trabaho?" Hindi naman niya ako kailangang bantayan, para saan pa na kumuha kami ng napakadaming bodyguard. "Wala. I'm worried. You're out of town so I decided to follow you.""Thanks..." Kahit naiinis hindi ko na lang pinahalata. Ang martir lang kasi ng atake niya. Ayaw ko sa mga taong martir. Kaya nga I hate my old self. "Busy siya ng ilang araw kaya..." He trailed off."Yeah. He will not be there when Cora needs him the most." Tumango siya at pagkatapos ng ilang minutong katahimikan, saka pa lang niya ako naisipang tanungin. "Are you okay?"Nag-isip naman ako ng ilang sandali. "Actually, I don't know." I'm sad. I'm confused. I'm di
"Hindi malaki ang pera niya sa kaniyang bank account," sabi ni Ziyad kay Precious. Gusto niyang malaman ang lahat tungkol kay Awi. Hindi siya matatahimik ngayong araw hangga't hindi niya nalalaman kung kasabwat ba ito nina Jacob at Cora. Kaso ang nasa bank account lang niya ay iyong naitatabi niya mula sa kaniyang sahod. Wala na din siyang ibang account. At ang credit card niya ay bihira lang magamit. Walang luxury na gamit. Doon pa din siya nakatira sa dating condo niya. But to Precious this information doesn't prove anything that Awi was not a villain. Huminga siya nang malalim. Ba't nga ba siya nai-stress sa bagay na 'to? Ang mga taong may kasalanan sa kaniya ang dapat na ma-stress at mamroblema. Gaya ni Cora ngayon. Sana hindi siya makatulog, isip-isip niya. Nakainom siya kaya hindi na muna siya umuwi sa condo niya. At wala naman si Jacob, kaya dito na muna siya. Mas komportable ang kama niya dito sa penthouse ni Ziyad."Goodnight, Ziyad." Tumango lang ang lalake habang titig n
One year later..."Kumusta ang mga babies ko?" Nadatnan ko sina Zion, Pearl at Saphire na naglalaro sa garden. Dito sila naglalakad-lakad kapag ganitong oras. Paggising nila, gusto na nilang lumabas agad. Sobrang kulit at likot na nilang tatlo. Tumatalbog ang mamula-mulang pisngi ng tatlong babies na nag-uunahan na lumapit sa akin. Miss na miss ako ng mga anak ko. Natatawa naman akong naghintay sa kanila na makalapit. Gustong-gusto ko na silang mayakap pero hinayaan ko silang lumapit sa akin. Nauna si Zion na makalapit sa akin. Si Pearl naman ay ilang hakbang pa ang layo sa akin. Samantalang si Sapphire naman ay sinadyang dumapa at umiyak. Siya ang artista sa mga triplets. Masyado siyang madrama. Natatawa namang lumapit sa kaniya si Ziyad. Kauuwi lang din niya galing trabaho. "Don't cry, Daddy is here." Syempre, Daddy to the rescue na naman. Hindi niya matiis na umiiyak ang kaniyang anak. Hinalikan niya ito pero umiiyak pa din si Saphire. Gusto niyang siya ang mauna sa akin. Bin
Nagkatitigan kami ni Ziyad. Alas-tres na ng madaling araw pero hindi pa din kami natutulog. Pinagtutulungan naming alagaan ang triplets. Masama ang pakiramdam ni Mommy kaya pinatulog na muna namin siya. Kailangan niya ng pahinga.Kahit walang maayos na tulog gabi-gabi, masaya kaming mag-asawa. Ang tatlong munting anghel namin na mga iyakin ang nagiging source ng lakas at kaligayahan namin sa araw-araw. Tulog na si Zion. Siya ang pinakamabait sa kanilang tatlo. At siya din ang kamukhang-kamukha ng kaniyang Daddy. Ang dalawang babae naman ay hati sa mukha namin. Kamukha sila ng aming mga ina. Hati ang mukha nila. Gising pa sila. Nagpapakarga habang nakatitig sa aming mukha. Hinawakan ko ang kamay ni Pearl at agad naman niyang hinawakan ang aking daliri. "Hindi ka pa inaantok?" malambing kong tanong sa kaniya. Kinakausap ko kahit na hindi pa naman siya nakakaintindi at hindi pa nakakapagsalita. She's just two months old. "Inaantok ka na?" masuyo naman na tanong ni Ziyad sa aking tab
ZIYAD Wala naman akong ibang intensiyon sa pagkupkop sa kaniya sa resthouse namin noon sa Romblon, pero nang magising siya at malaman ko na wala siyang maalala, doon pumasok sa utak ko ang idea na magpanggap na asawa niya. Kahit ngayon lang, kahit sandali lang at kahit kunwari lang. Sinamantala ko ang pagkakataon. Nakakaramdam ako ng guilt pero mas lamang iyong saya na kasama ko siya. Nalalapitan at nahahawakan ko siya. Nasasabi ko sa kaniya na mahal ko siya at kahit alam kong kunwari lang, masaya ako kapag naririnig ko ang paglalambing niya sa akin. Alam ko namang sandali lang lahat ng ito. May nagmamay-ari sa kaniya, may asawa siya at lalong may iba ng laman ang puso niya pero naging selfish ako. Hindi ko siya kayang ibalik, lalo pa at kakaiba ang nararamdaman ko sa pagsabog ng yacht few weeks after her Dad's death. Paano kung hindi natural ang cause of death niya, kung hindi pinatay din siya. Wala man lang naghanap sa kaniya. After few weeks nag-assume na agad sila na patay na
"Mataba! Pangit! Walang Mommy!" Binu-bully na naman nila si Precious Real. Tiningnan ko ang pinsan ko at nakuha naman niya agad ang gusto ko. Inutusan niya ang mga kaibigan niya na sawayin ang mga babae na nanlalait at nanunukso kay Precious. "Balyena!""Elepante!""Hoy, ano'ng ginagawa niyo? Huh?! Makalait kayo, ah." Lumapit na ang mga kaibigan ng pinsan ko. "Bakit, totoo naman na mataba siya, ah.""Oh, ano ngayon? Madami silang pambili ng pagkain, e! Mayaman sila! Eh, kayo ba mayaman ba kayo? Eh, nagtatrabaho lang naman ang mama mo sa factory ng mga Smirnova, ah! Ah, poor!"Ngayon nabaliktad na ang sitwasyon. Sila naman ang na-bully. Walang kasama si Precious ngayon. Hindi niya kasama ang kaibigan niya na si Cora. Anak ng kanilang maid. How did I know this? I did some research. Grade two pa lang kami nang napapansin ko na siya. Hindi pa siya ganoon kataba noon, pero ngayon na grade five na kami, tumaba siya lalo. Pero wala naman akong makita na masama kung mataba man siya. She'
Simpleng kasal lang naman ang plano namin, pero hindi simpleng kasalan ang nangyari. Our wedding was held in Chateau de Chantilly. This venue holds only few weddings a year and I feel so lucky and thankful that my first wedding was held here. Mayayakap ko talaga ng mahigpit ang Mommy ni Ziyad mamaya. Nagsimula na akong magmartsa. At hindi ako mag-isa na maglalakad sa aisle na mayroong nagkalat na mga pale pink at puting mg flower petals. Ihahatid ako ng Daddy ni Ziyad sa altar. Siya mismo ang nag-offer sa akin kagabi. Emosyonal ako ngayon, dahil bukod sa wala na akong mga magulang at kamag-anak na saksi sa pagpapakasal ko, sobrang saya din ng puso ko. Dahil pagkatapos ng pinagdaanan ko at pagkatapos ng sakripisyo na ginawa ni Ziyad, here we are today, ready to commit to each other until death do us part. "My dearest, Ziyad. We've come a long way until we found our way back in each others arms. As I set foot here at the City of Love, I already made a promise to love you and serve y
"Why are you looking at me like that?" nagtataka ngunit may ngiti sa labi na tanong ni Ziyad. I giggled. "Nagkuwentuhan kami ng Mommy mo kanina. Pinakita niya sa akin iyong mga photo album mo. Pati iyong mga pictures ko mula elementary." Ngumuso ako. Nag-iinit pa ang pisngi ko dahil sa kilig. Mahina naman siyang tumawa. Binitawan niya saglit ang kaniyang celphone upang ituon ang buong atensyon sa akin. "Did you hire a private investigator? Kahit nang umalis ka na ng bansa, may mga kuha ka pa din kasi na mga pictures ko.""Yeah. Iyong scholar namin."Sumimangot ako. "Kawawa naman. Ginawa mo pang stalker ko.""Bayad naman siya. I'm sending him money monthly, in exchange for the pictures."Iiling-iling kong hinaplos ang guwapo niyang mukha. "Hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwala. Napapatanong ako kung bakit ako? Sa dinami-dami ng babae sa mundo, bakit ako?""Kasi naniniwala ako na nakatadhana talaga tayo sa isa't isa. Kaya hindi ako tumigil na mahalin ka kahit sa mga panahon
Maaga daw kumakain ng agahan dito sa bahay nina Ziyad kaya maaga din akong bumangon. Naligo ako at nag-ayos. Sinuot ko ang bigay ng maid na isang Bronx and Banco na dress. Magaling talagang manamit ang Mommy niya. Mahilig din siya sa mga diamonds. Kahit nasa bahay lang ay nakasuot pa din siya ng jewelries. Hindi tulad ko na sobrang simple lang. Sabagay, si Daddy lang naman kasi ang mag-isang nagpalaki sa akin. Hindi din ako nakaranas ng glow up nang dalaga pa lang ako. Nang magkakilala kami ni Ziyad, sa kaniya lang ako nagsimulang mag-ayos ng husto. trinato niya ako na parang isang reyna. Nakaayos na ako nang magising si Ziyad. Nakangiti siyang yumakap sa akin at humalik. "Hmmm, ang bango naman at ang ganda ng asawa ko."Ang lapad tuloy ng ngiti ko. Ang ganda agad ng umaga ko dahil sa bolerong lalake na 'to. "Good morning, Ziyad.""Morning, baby. Hmmm..." Hinaplos niya ang aking bewang paakyat sa aking dibdib. Humagikgik ako na nauwi sa malakas na tawa. Patuloy naman siya sa paghim
Sa sobrang saya na nararamdaman ko hindi na matigil-tigil ang pag-agos ng mga luha sa aking mga mata. Pauwi na kami ngayon ni Ziyad sa kaniyang hotel. Kumuha siya ng tissue at siya na mismo ang nagpunas sa basa kong pisngi. "Tahan na," masuyo niyang sambit habang malamlam ang mga mata na nakatitig sa akin. Tumawa naman ako at muling umiyak. "Ikaw kasi, e. Bakit ba ang suwerte ko sa'yo? Ano bang nagawa ko at sobra mo akong mahalin?"Matamis siyang ngumiti. Kinuha niya ang kamay ko at masuyong hinalik-halikan. "Hindi ko din alam. Basta ang alam ko lang, isang beses lang akong magmamahal. Hindi ako nagbibiro nang sabihin ko sa'yo na tatanda akong binata." Tumawa ako. "Hindi ka tatandang binata. Tatanda ka kasama ako at ng mga magiging anak natin. Gusto ko ng madaming anak, Ziyad."He smirked and then grinned, and ended up with a chuckle. "Why are you laughing?""Nothing. I want more kids too."Kinagat ko ang aking labi. Ngayon na napunta doon ang topic, naisip ko kung ano ang puwed
It was too sudden and too soon but it doesn't feels wrong. Everything feels right. I love him and he loves me dearly too. Nakatingin ako sa singsing na suot ko habang yakap naman ako ni Ziyad at hinahalik-halikan ang aking balikat. "Para sa akin ba talaga ang singsing na 'to?" nagdududang tanong ko, making him chuckle. "Of course. Ikaw lang naman ang babaeng gusto ko, mahal ko at handa akong pakasalan at makasama habang buhay."Napabungisngis ako. "Kailan mo 'to binili?" "Bago ako bumalik ng Pinas. Umaasa ako na mahuhulog ka na sa akin." Tumawa ako dahil sa galak. Tapos halos ayaw niya akong pansinin noon. Akala ko bumalik lang siya para ipamukha sa akin na siya lang naman ang lalakeng sinayang ko. Nilingon ko siya at hinalikan. "I love you, Ziyad. At oo nga pala, paano kung hindi ako tanggap ng mga magulang mo?" Baka mamaya kausapin niya ako para sabihin na layuan ko ang anak niya. "Bakit naman hindi?" Kumunot ang kaniyang noo. "Mula pa nang nine years old ako, alam na nilang m