AMETHYST'S POVHindi ko alam bakit may kung ano sa kalooban ko na naiinis na medyo mabigat sa tuwing nakalapit ang Jean na 'yon kay Aivan."Masisira nga kasi diskarte mo, Amy. Remember na makakakuha ka ng malaking halaga pagkatapos ng tinatawag nilang bakasyon na ito?" mahinang kausap ko sa sarili ko ngayon habang pinagmamasdan silang dalawa mula sa likod ng pinto ng kusina kung saan naroon sila. Dito sa bahay na malapit sa falls.Ang mga ibang kasama namin ay nasa labas at nagsu-swimming. Maliban lang kay Drake Jairus, 'yong lalaking may dalawang pares ng gray na mata tapos dalawa rin ang mga babae. Parang nasa kuwarto sila at alam na.Nakaupo sila sa isang mahabang mesa na may walong upuan. Magkatabi silang nakaupo paharap sa may pintuan. Hindi nila ako nakikita dahil sobrang maliit lang ang siwang ng pinto na saktong isang mata ko lang ang makakasilip at wala rin sa gitna ang pintuan. Nasa gitna kasi ng kusina ang mesa.Pilit na dumidikit itong si Jean habang si Aivan naman ay nagsi
Chapter 22 AMETHYST'S POVPapasok na sana dapat kami sa bahay kanina sa 'di ko rin alam na dahilan dito kay Aivan pero bigla akong nakabalik sa huwisyo ko at sinabi ko rito na bumalik na lang kami rito sa falls at hindi naman ako nabigo. Kaya ngayon ay nandito ulit kami sa malapit sa falls.Sa kabilang banda ng falls, dahil 'yong kabilang banda ay doon nangyari ang pagpatay na lang bigla nitong si Aivan kay Jean.Hindi naman kami lumalangoy. Kung tatalon ka nang medyo mataas mula rito sa kinatatayuan namin ay makikita mo ang mga kasama namin na lumalangoy mismo sa talon. Yes, medyo nakatago kami sa mga kasama namin at nasa ibaba kami ng falls. Pero seems like wala naman silang pakialaman dito. It's like: Do what you want to do.Ewan, iba rin ang porma ng talon na ito. Parang swimming pool lang pero hindi naman daw ito gawa ng tao. Pa-square ang kinababagsakan ng tubig mula sa itaas ng falls. At inaakyat pa ito para malanguyan, kaya nandito kami sa ibaba at nakaupo lang ako sa isang ba
AMETHYST'S POV"Hey guys, did you know?" biglang sabi ni Tristen sa gitna ng pagkain namin ng hapunan.Kumakain kami ngayon sa gazebo.Nilingon namin ito pero ngumunguya pa s'ya.Depongal na Aivan tinatlo ako kanina. But, to be honest? That falls is weird."What?" si dalawang kulay mata na Oliver ang tumugon kay Tristen.Kailan kaya kaming mga so called babae nila ang mag-uusap-usap naman? Lagi na lang sila. Parang wala man kami. Wala pa nga akong close sa mga babae na kasama namin, eh."You know the falls? They say that it is magical." Medyo napabagal ang pagnguya ko dahil sa sinabing ito ni Tristen."The heck?" natatawang komento ni Keenan. 'Yong may magandang brown eyes.'Yong kasama nitong babae na gumawa ng medyo eksena pagdating namin dito ay ngayon nanahimik lang sa tabi n'ya.Seryoso ba s'ya no'n or what?"Dude, I'm serious," medyo nagseryoso nga ang tinig ni Tristen."What do you mean by magical?" tanong naman ni Hendrix."Okay let me tell you the story." Tumikhim muna ito at
AMETHYST'S POVIdinilat ko na ang mga mata at saka ako muna ako nag-unat.Kinapa ko ang phone ko para tingnan kung anong oras na."Alas singko na pala," sabi ko habang nakapikit pa ang isang mata ko."Nandito na kaya sina mama?" tanong ko sa sarili ko nang makaupo na ako sa kama.Tumayo na rin ako kaagad para pumunta sa banyo dahil sa pamimigat ng tiyan ko.Paglabas ko ng kuwarto ay wala akong nadatnan. Wala akong kasama sa bahay. Gumala nga si Crystal.Paglabas ko sa banyo ay dumiretso ako sa kusina.Kumuha agad ako ng tasa at kutsara. Naglagay ako sa tasa ko ng dalawang kutsara ng creamer, isang kutsara ng asukal at kalahating kutsara ng kape. Hinalo ko muna iyon at inamoy bago ko iyon nilagyan ng mainit na tubig at hinalo ulit. Sinukat ko noon itong tasa ko at sa pagkakatanda ko ay 14 oz ito.Ewan, mas trip ko muna magkape ngayon kaysa sa kumain.Hinahalo ko pa rin ang kape ko habang papunta sa sala. Manonood muna ako.Maya maya pa'y habang prente akong sumisimsim ng kape ay narin
CHAPTER 25AMETHYST'S POV"Ma, mag-iingat kayo palagi, ah?" Hinawakan ko ang dalawang kamay ni mama habang nandito kami ngayon sa may pinto namin. 7:30 pa lang ng umaga.Si Crystal at si mama lang ang kasama kong naghihintay.Si tito kasi hindi puwedeng hindi mamasada, si Allen naman may practice raw para sa sayaw nila sa school.Ayos lang naman, hindi naman ako magko-commute, eh.Hinihintay na lang namin ang sasakyan na susundo sa akin.Isang maleta at bag lang naman ang mga gamit ko pero ewan kay Aivan at pinilit n'ya pang ipasundo na lang ako sa mga tauhan n'ya.It's either tauhan n'ya or s'ya raw ba mismo ang magsusundo sa akin.S'yempre no choice kaya pumayag na lang akong magpasundo.Sana lang maayos ang damitan nila at hindi sila parang mga bodyguard talaga sa pagkaunipermado nila."Ikaw din. Update mo kami palagi or kapag hindi ka busy, ah?" Tipid na ngumiti si mama."Ate, 'di ba mag-aasikaso ka pa lang ng mga papeles? 'Yong tono ni mama parang aalis ka na talaga ng bansa." Pal
AMETHYST'S POVUnti-unti kong minulat ang mga mata ko nang maramdaman ko na may kung sino ang tumatapik sa pisngi ko.Medyo napaatras ako nang sumalubong sa akin ang lalaking may asul na mata.Umatras naman ito kaya unti-unti na akong umupo sa kama.Lumingon ako sa labas ng glass wall at gabing mabituin ang bumungad sa akin pati ang mga ilaw mula sa lungsod.Ang ganda ng tanawin pero dahil kakagising ko lang ay pinikit ko muna ulit ang mga mata ko."Ano na bang oras?" tanong ko habang kinukusot-kusot ang mga mata ko."It's already passed 8 pm," sagot nito kaya agad ko itong nilingon."Lagpas na apat na oras din pala ang tulog ko?" mahinang usal ko."Ba't hindi mo ako ginising?" Salubong ang mga kilay kong tanong dito."Why would I?" balik-tanong nito sa akin.Bakit nga ba?Bumuntong hininga muna ako bago ko inalis ang unan at kumot na nasa ibabaw ko."Weird at cringe pero kumain ka na ba?" tanong ko na lang dito. As kasama ko s'ya sa iisang bubong, I think wala naman sigurong mali na i
AMETHYST'S POVUmalis na sa pagkakapatong sa akin si Aivan at humiga na ito sa tabi ko.Medyo habol pa rin namin ang aming mga hininga habang pareho kaming nakatangin sa kisame.Yes, kakatapos lang namin gumawa ng kababalaghan. Napapansin ko nga na every three days namin 'to ginagawa. Parang gumagawa ng pattern ang mokong. Sa mga gabing hindi kami nagbabanggaan ay nanonood kami ng mga movies o 'di kaya ay naglalaro ng mga board or card games minsan.Medyo dumadami na rin ang mga impormasyon na alam ko tungkol sa kan'ya.Nalaman kong nabuo pala ang pagkakaibigan nilang lima no'ng nasa bar sila.Magkaibigan pa lang no'n sina Tristen at si Aivan. Bale dumagdag na lang no'n 'yong tatlo pang iba.Tinulungan nina Hendrix, Keenan at Drake sina Tristen no'n kasi may grupo raw na balak pumatay kay Tristen that night. Malamang hindi kaya ng dalawa ang fifteen na katao kaya ayon, tinulungan sila.Two months daw no'n after naging magkaibigan sina Tristen at Aivan nang makilala pa nila 'yong tatlo
AMETHYST'S POV"Where do you want to go?" tanong sa akin ni Aivan pagkapasok namin dito sa mall. Dito sa Tagaytay ko na lang inaya si Aivan. Sa paglilibot ng paningin ko ay may napansin ako.Ba't walang tao maliban sa mga nagtatrabaho rito? Maaga pa ba? Anong oras ba nagbubukas itong mall? Pasado alas diyes na rin, ah?"Wait lang isip muna ako," sagot ko naman dito.We are wearing the simplest outfit that we can. Naka-shades pa nga kami, facemask and cap.Pang-disguise na rin. Who knows may makakakilala pa rin sa akin dito 'di ba? Or may mga kalaban si Aivan dito.Tatlo ang kasama namin na mga bata n'ya."Tara laro muna tayo sa arcade," yaya ko rito at marahan naman itong tumango.Kanina pa ako lingon nang lingon sa paligid pero ba't wala talaga akong makitang ibang tao maliban sa mga nagtatrabaho rito?Hanggang sa makasakay kami ng elevator at pati na rin mismo sa elevator ay kami lang ang nakasakay.Sana naman hindi tama ang hinala ko.Mawiwindang ako kapag totoo 'to.Hanggang sa ma
AMETHYST'S POVPaglabas ni Aivan mula sa banyo ay agad na itong lumapit sa kama.Wala itong damit pang-itaas at nakasuot lang ito ng boxers na blue.Umupo ito sa gilid ng kama habang nagpupunas pa rin s'ya ng buhok.Umalis ako sa pagkakasandal sa headboard at saka ako lumapit dito.Napalingon naman ito dahil inumpisahan ko na s'yang masahiin sa likod.Tipid naman itong ngumiti na s'ya namang ginantihan ko.Patuloy lang ako sa pagmamasahe sa likod n'ya at halata naman na nagugustuhan n'ya ito base na rin sa pag-angat ng ulo n'ya.Pagod kasi s'ya lately.S'yempre ano ba naman if asikasuhin ko s'ya 'di ba?Kaya nga gusto ko s'yang paligayahin ngayon.Lagpas two weeks na rin kaming walang pagtatalik, i-harvest ko muna ang katas n'ya. Kawawa na, eh.Alam ko naman na kahit medyo pagod pa rin ito ay hindi s'ya aatras kapag niyaya ko s'ya.Inilapit ko muna ang bibig ko sa punong tainga n'ya."Lagpas isang taon na tayong kasal, ano kaya kung sundan na natin si Jewel?" Agad n'ya naman akong tin
AMETHYST'S POV"Bye, mom!" Lumapit pa sa akin Jewel para halikan ako sa pisngi."Bye, ingat sa school and enjoy!" Hinalikan ko rin ito sa pisngi at tipid n'ya lang akong nginitian.Nagmadali na rin itong lumabas para makaalis na. Malapit na rin kasi s'yang ma-late.Nasa hapag-kainan ako at ako ang naglilinis ng mga pinagkainan namin.Hindi ko kasi mahagilap si manang Sally maging ang dalawa pa naming katulong.Pati nga si Aivan ay hindi ko rin nakita pagkatapos namin kumain.Dinala ko na lang itong mga pinagkainan namin sa sink.Dahil hindi ko talaga mahagilap sina manang Sally ay napagdesiyonan ko nang hugasan ang mga 'to.Eh, sa wala sila, eh. Nagagalit kasi sila kapag ginagawa ko 'to. Kahit na anong gawaing bahay ay ayaw na nila akong makialam.May trabaho naman na ako, may ari ako ng isang cosmetic products at chocolates.Kaso nag-day off ako ngayon total hindi naman na ako gano'n ka-busy, isa pa kaya na ng mga tauhan ko na manduhin ang business ko.Gamit ang tuyong tela ay pinupu
AMETHYST'S POVAfter two days ay lumipad agad kami ni Aivan pa-Paris, France.Dito namin napagdesisyonan na mag-honeymoon.Agad ni-locked ni Aivan ang pinto pagpasok namin sa unit.Pagharap ko rito ay agad n'ya akong siniil ng halik.Hindi naman nagtagal ang halik na 'yon dahil tinulak ko rin s'ya."I need to take a bath first, okay?" Dismayang tiningnan n'ya naman ako dahil sa sinabi ko. Parang batang pinagbawalan na kumain ng lollipop.Bahagyang tinaasan ko naman s'ya ng kilay at bumuntong naman ito ng hininga. "Okay, fine. I also don't want to do it here on the sofa. Go take a bath and I'll prepar the bed." Ngumisi pa ang sira kaya natapik ko na lang s'ya sa balikat."Bahala ka na nga r'yan!" Tinalikuran ko na ito at hindi naman n'ya ako hinabol.Nang makapasok ako sa banyo ay dali-dali na akong naghubad at pumailalim sa shower.Kaninang madaling araw lang kami nakarating at halos buong araw kami nagpahinga nito mula sa byahe.Tapos bandang hapon nang lumabas kami para mamasyal sag
AMETHYST'S POV"Dalian mo, Toby!" singhal ko kay Toby na personal driver ko na.Oo, si Toby na nagbantay sa akin noon.Si Rex naman ang driver ni Jewel."Ma'am, sobrang traffic po, wala naman po akong magagawa." Napasandal na lang ako sa upuan ko rito sa back seat habang hinihilot ang sintido ko."Okay, sorry sorry. Nakakainis ang Aivan na 'yon!" sabi ko na lang dito."Mabigat po traffic kasi concert ni Taylor Swift," sabi pa ni Toby."Oo nga, eh! At alam na nga ni Aivan na traffic n'yan at iniwan n'ya pa ako sa bahay! Sinama lang n'ya si Jewel?! Tapos isa pa si Jewel! Hindi ako sinabihan!" inis na sabi ko na lang.Alam ko naman na concert ng idol kong si Taylor Swift ngayon. Pero na-late ako dahil iniwan ako nina Aivan!Nasa bahay ako ni mama kaninang umaga kasi pinauwi n'ya ako habang sina Aivan at Jewel ay nasa bahay namin.Yes, bahay namin na ang term ko.Live in naman na kami ni Aivan.Plano talaga namin naming tatlo na six pm aalis dahil seven pm ang concert ni Taylor Swift. Pe
AMETHYST'S POVPasado alas diyes na ng gabi pero wala pa rin si Aivan.Ayaw tuloy matulog nitong si Jewel kahit na antok na antok na s'ya. Sinamahan ko na lang itong manood ng tv sa sala. Nagne-netflix kami at pinapanood namin ang movie na Disney's Mulan.Alangan namang hayaan ko s'yang nakagising lang na mag-isa. Tulog na kasi sina manang Sally."Jewel, gawa lang kita ng milk, ah?" tanong ko rito."Ayaw ko pa po matulog," umiiling na sagot naman nito."Hindi pa naman kita patutulugin, basta inom ka lang ng gatas." Pero muli lang nitong ipiniling ang ulo n'ya habang nakatutok pa rin sa tv.Napabuntong hininga na lang ako habang nakatitig dito.Parang any moment ay mana-knock down na ito pero pinipilit pa rin n'yang maging gising."O sige, kukuha na lang ako ng snacks, ah?" tanong ko na lang dito pagkakuwan."Okay po," sagot naman nito habang nakatutok pa rin sa tv.Inayos ko ang unan sa gilid nito at hindi naman s'ya nagprotesta nang ihiga ko s'ya ro'n.Iniwan ko na muna s'ya para ma
AMETHYST'S POVNapalunok na lang ako nang tuluyan na kaming pumasok sa loob ng gate ng bahay ni Aivan.Ilang sandali pa ay huminto na ang kotse nito sa may tapat ng pinto ng bahay.Hindi ko pa man nahahawakan ang pinto ay nagbukas na iyon dahil sa isang tauhan ni Aivan kaya agad na lang akong lumabas.Pagbaba ko ay napatingala agad ako at tinitingnan ko lang mula sa labas ang malaking bahay ni Aivan.Inilibot ko pa ang paningin ko sa paligid.Wala namang masyadong nabago rito maliban sa mas dumami ang mga halaman at puno.Ang presko tuloy sa mata.Nagbaba na lang ako ng tingin nang maramdaman ko ang mga palad ni Jewel sa kamay ko.Matamis lang itong nakangiti sa akin habang tila kumikislap ang mga mata n'ya sa tuwa kaya tipid ko na lang s'yang nginitian.Excited s'ya na titira na kami sa iisang bubong.Maya maya pa ay nagbukas na ang pinto at iniluwa no'n ang tatlong babaeng nakabihis pangkasambahay.Ang isa sa kanila ay pamilyar sa akin.Si Manang Sally!In fairness, maayos na mga ng
AMETHYST'S POVHindi namin napag-usapan ni Aivan ang tungkol sa set up kay Jewel kahapon dahil nangulit si Jewel na pumunta ng mall.Maybe bukas or mamaya ko na lang kakausapin si Aivan.Pero ngayon? May kailangan muna akong puntahan.Kailangan n'ya pa rin itong malaman.Gusto ko pa rin itong ipaalam sa kan'ya. Gusto kong malaman n'ya na may anak na ako, at kahit na ang ama ng anak ko ay ang dahilan kung bakit s'ya nawala ay hindi dapat s'ya mabahala dahil hindi ko naman pakikisamahan ang ama ng anak ko.Marahas muna ako nagbuga ng hangin bago ako nagpatuloy sa paglalakad dito sa sementeryo.Hindi ko man kasama si Jewel ngayon dahil nasa bahay ito kasama ang lola n'ya ay gusto ko pa rin ipaalam ito kay Earl.Sa susunod na pagpunta ko ay sasama ko na lang si Jewel, pero sa ngayon, ako na lang muna.Ilang metro na lang ang layo ng puntod ni Earl sa akin nang mapahinto muna ako.Bakit nandito ang mama ni Earl? Si tita Jasmine?At saka, sino 'yong kasama n'yang babae? At 'yong bata? Medy
AMETHYST'S POVPaglapit ko sa kotse ni Aivan ay nagsiayos ng tayo ang mga tauhan nito.Ang isa sa mga ito ay binuksan ang pinto ng passenger seat at pumasok naman ako rito.Pag-upo ko ay mataman lang nakatingin si Aivan sa harapan.Hindi n'ya ako nilingon hanggang sa makapagsuot na ako ng seatbelt.Paano ba 'to? Saan ko ba sisimulan ang usapan namin?Napasinghap na lang ako nang buhayin na nito ang makina at paandarin ang sinasakyan namin.Bahala na s'ya kung saan kami pupunta. Ang mahalaga ay makakapag-usap kami.Mataman na lang din akong nakatingin sa labas habang binabalot kami ng nakakabinging katahimikan.Tanging ang mga mahihinang pagtikhim at paglunok ko ang nakakabasag ng katahimikan namin pero wala pa rin gustong magsalita sa amin.Pero napapansin ko ang mga ginagawang pagsulyap sa akin ni Aivan sabay pag-alon din ng adam's apple nito.Nakikita ko rin sa peripheral vision ko ang mga saglitang pag-iigting ng panga nito.Ano na namang problema nito?Hindi naman nagtagal ang biy
AMETHYST'S POV"Uhm, I have to go." Binalingan ko si Arianna nang magsalita ito."Ay, sige. Sabay na kami. Iuuwi ko na muna si Jewel." Tumango naman ito at nauna nang naglakad sa amin.Kinuha ko na ang kamay ng anak ko at hinayaan n'ya naman ako.Wala na rin kaming gagawin dito. Excited na akong ipakilala agad s'ya kina mama.Naglakad na rin kami ni Jewel palabas.At paglabas namin ay natanaw namin si Aivan, hindi pa ito nakakalayo dahil mukhang sinasadya n'yang maglakad nang mabagal."Aivan!" pagtawag ko rito at huminto naman ito sa paglalakad.Nilingon naman kami nito pero nakatalikod pa rin ito sa amin."What?" tanong naman nito."P-puwede mo ba kaming ihatid ng anak ko?" tanong ko rito.Ibinalik naman nito ang tingin n'ya sa harapan n'ya at saka tumango.Hinila naman ako ni Jewel at nagpatianod naman ako rito.Paglingon ko kay Arianna ay papasok na ito sa isang pinto."Arianna!" pagtawag ko rito nang makalapit na kami kay Aivan.Huminto naman ito sa pagpasok gayon din sa paglalak