Hindi na nagulat si Dr. Black nang makita ang reaksyon ni Daemon. Hindi niya tiningnan ang lalaki bagkus kinuha niya ang isang maliit na pot na naglalaman ng tsaa at sinalin ang kan'yang walang laman na baso. He acted normal para hindi makaramdam si Daemon ng hindi pagkakomportable sa sitwasyon. S
"Dr. Black, si Maddox ito," sabi ni Maddox habang hawak-hawak ang telepono't nakatapat sa tainga niya. Hindi na nagulat pa si Dr. Black nang marinig ang boses ni Maddox sa kanbilang linya. Hindi na rin bago sa kan'ya na kapag katapos ng session nila ng pasyente ay talagang may tatawag sa kaniya.
Nagsilabasan naman ang mga empleyado ni Daemon sa meeting room kasabay na rin doon si Jacob, sinabi niya rin sa lalaki na siya na lamang ang babalik sa office niya at gawin na agad ang pinapagawa niya rito. Nang makalabas ang lahat ay napahinga ng malalim si Daemon. Kinuha niya ang cellphone sa bu
Agad na umalis si Alejandro sa restaurant, kaagad naman siyang sinalabong ng kan'yang assistant at pinagbuksan siya ng pinto ng kotse. Bago pa man pinaandar ng assistant niya ang kotse ay agad itong nagtanong sa kan'ya. "Hindi sa nakikihimasok ako sa mga plano niyo, Boss pero talaga bang gusto n
Isang middle aged woman ang narinig ni Maddox sa kabilang linya. "Hi, Maddox? Ikaw ba ito, Dr. Angel?" naguguluhang tanong ng babae sa kan'ya. "Yes, yes... I am sorry, Dr. Tala. This is Dr. Angel..." "Oh! Dr. Angel, kumusta at ano nga pala ang problema? Ano ang maitutulong ko sa'yo?" magalang na
Sa Angel & Daemon Hospital... "Maraming salamat sa pagbisita niyo ulit, Mr. Samonte. Please huwag niyong kalimutan ang habilin ko sa inyo, palagi kayong maaga matulog, iwasan na rin ang pag-iinom ng alak araw-araw. Ang sapat na pagtulog ay napaka-importante para sa mental health niyo, kung hindi n
Hawak-hawak ni Tala ang baba ni Kevyn kung kaya't naestatuwa ang lalaki. Agad na nagulat si Kevyn na para bang nakuryente ito. Kaya naman mabilis niyang itinulak si Tala ng malakas. Dahil sa sobrang lakas ng pagkatulak ni Kevyn sa babae ay napunta ito malapit sa pintuan, ilang metro ang layo sa mesa
Natawa ng mahina si Maddox nang marinig ang sinabi ni Alejandro. "Ako? interesado sa'yo? Hindi ba pwedeng ang asawa ko ang nagpa-imbestiga sa'yo? Sabi nga sa nabasa kong libro ni Sun Tzu, "Know thyself, know thy enemy. A thousand battles, a thousand victories". Ikaw ang kalaban ng asawa ko kung kay
Naging busy si Maddox sa ospital kung kaya’t hindi niya pa nakausap si Alejandro pagkatapos ng komusyon na naganap sa hotel ng kanyang asawa. Matapos na mangyari iyon ay mas umingay pa ang pangalan niya sa madla. Talagang sumikat siya dahil nailigtas niya sa bingit ng kamatayan ang batang nahulugan
Nakaupo si Maddox habang kaharap ang kompyuter niya, nakasaad sa kanyang harapan ang mga dokumento ng mga impormasyon kung saan ang mga shares ay nahati-hati sa iba’t-ibang tao sa kompanya, ang mga pangalang iyon ay napag-alaman niyang mga ordinaryong tao lamang sa Spain. Ni walang kakayahang bumili
Halatang-halata ang pangangambang nararamdaman ni Don Facundo. “Don Facundo, kahit na mahirap puksain ang liver cancer, huwag kayong mag-alala, gagawin ko ang lahat gumaling lang kayo…” Nang marinig ni Don Facundo ang sinabi ni Maddox ay napahinga ng maluwag ang matanda. Nawala ang pangambang nara
Nakatanggap ng tawag si Maddox mula kay Don Facundo, naalala niyang kinuha ni Don Facundo ang kan’yang cellphone noong nasa party sula. Agad niyang sinagot ang tawag ng matanda at magalang na binati ito. “Don Facundo, magandang umaga po.” Narinig naman ni Maddox ang malambing na boses ng matanda
Nang marinig ni Don Facundo ang tanong ng anak ay napasandal ang matanda sa upuan nito. “Candy, palagi mong tatandaan na sa mundo ng negosyo ay isang larangan ng digmaan. Ang kompetisyon sa pagitan ng dalawang kompanya ay hinding-hindi maiiwasan. Alam mong hindi rin mawawala ang kompetisyon dito. Ku
“Siguro hindi napansin ng kuya mo ito dahil malaki ang respeto niya kay Don Facundo. Kung kaya’t ikaw ang tanging paraan upang mamulat ang Kuya mo, dapat ay mapagmatyag din tayo sa kinikilos nitong si Don Facundo at Candy, kailangan nating malaman kung ano talaga ang tunay nilang pakay sa inyo at sa
Natapos ang grand party na idineklara ni Alejandro ng matiwasay. Lahat ng social media ay punong-puno na ng mukha nila. Nakaabot din ito sa iba’t-ibang panig ng mundo. Si Maddox at Kai Daemon ay kasalukuyang nasa loob ng kanilang kwarto upang magpahinga. Ilang oras din silang nakipag-socialize kung
Nang mapalingon si Maddox sa direksyon ni Alejandro ay mag-isa na lamang ito kung kaya’t mabilis siyang lumapit sa pinsan, tinapik niya ang balikat nito at inilahad ang cellphone niya sa lalaki. “Kuya, gusto ka raw kausapin ni Divine.” Si Candy na kasalukuyang nakatayo ‘di kalayuan sa kinatatayuan
Labis naman ang tuwang nararamdaman ni Don Facundo nang marinig ang sinabi ni Maddox na gagamutin ito ng babae. Nahagip ng mga mata nito ang lalaking katabi ni Maddox na si Kai Daemon. Alam ng matanda na mahirap kalabanin ang lalaking nasa harapan, hindi basta-bastang negosyante lamang ang lalaki, m