“Hindi kaya, iyong Angel, ay si Dr. Angel din?” tanong ni Sapphire kay Nicole. Tumawa ng napakalakas si Nicole dahil sa sinabi ng dalaga. “Dr. Angel? Are you kidding me? Hindi dahil magkapareho ang pangalang Angel na first love ni Kai ay si Dr. Angel na ito. Kilala ko si Dr. Angel, alam mo ba kung
“Madam, may naghahanap po sa inyo…” Napalingon si Nicole sa kasambahay niya, tumango siya’t iwinagayway ang kamay. “Susunod na lang ako.” Alam na ni Nicole kung sino ang bisita niya, matapos niya kasing kausapin si Sapphire ay agad niyang tinawagan ang isang reporter sa isang sikat na publishing c
Napakunot ang noo ni Greta nang may makita siyang isang maganda at mamahaling kotse na pumarada sa mansyon nina Mrs. and Mr. Kai Daemon. Mabilis niyang nilapitan ang kotse at nagtanong. “Ano ho ang atin?” magalang na tanong ni Greta sa driver ng kotse na iyon. Ibinaba ni Nicole ang bintana ng kotse
Ilang oras na ang nakalipas nang mag-grocery si Maddox sa mall, matapos niyang ihatid sa airport ang kan'yang mga kaibigan na sina Divine at Heart ay agad siyang dumiretso sa mall upang bumili ng mga sangkap na kakailanganin niya sa pagluto ng dinner nila ng kan'yang asawa. Sumama na si Heart sa US
Ngumiti ng pilit si Nicole, gusto niyang magwala dahil sa sobrang inis ngunit kailangan niyang magtimpi. Hindi siya papayag na gan'to na lang. “Hindi ako mapapagod na kausapin ka, kahit na ipagtabuyan mo pa ako. Malinis ang intensyon ko sa'yo, pwede bang isipin mo naman ang mga alaalang pinagsaluha
“May pumunta raw ditong bisita?” tanong ni Maddox habang inihahanda ang mga kakailangan niya para sa treatment ni Daemon. Natigil naman ang binata saka napatingin kay Maddox. “Hmm yeah…” Napansin ni Maddox ang sandaling pagtahimik ni Daemon kung kaya't napakunot siya ng noo. “May problema? Anong n
Nang matapos silang kumain ay agad na pumunta sila sa kanilang kwarto. Nanitiling nakabusangot si Daemon samantalang siya ay natatawa sa kan'yang isipan. Alam niya kasing bitin na bitin ang asawa kanina, mabuti na nga lang at tinigalan siya nito nang sabihin niyang hindi niya na-lock ang pintuan sa
Hindi pa rin maka-move on si Nicole sa nangyari sa kan’ya noong kinausap niya si Daemon. Sariwang-sariwa pa rin sa isipan niya kung paano paulit-ulit na pinagdidiinan ni Daemon kung gaano kamahal at kahalaga ang asawa nito sa kan’ya. Sobrang sakit dahil pinagtabuyan pa siya nito’t hindi man lang s
Malakas ang buhosng ulan, kasabay ng malakas na pagkulog at pagkidlat. Sobrang dilim ng kalangitan habang ang ihip ng hangin ay umuugong sa tahimik na kapaligiran. Sa loob ng silid ay mayroong malamlam na ilaw at naroon ang isang lalaki na kanina pa umiigting ang panga dahil sa sobrang galit. Pun
Nang marinig ni Maddox ang sinabi ni Daemon sa kan'ya ay hindi niya maiwasan ang maguluhan. "Ngunit lahat ng empleyado namin ay ni-background check nila Logan. Mayroon din akong initial interview na ni-conduct pati na rin ang final interview. Nasa akin din ang resume ng lalaki, lahat naman iyon ay
Galit na galit na nakatingin si Kevyn kay Kai Daemon, natawa rin siya habang nanunuyang tiningnan ang lalaki. Ha! Nananaginip na naman ng gising ang pilay na iyon. Si Maddox ay pagmamay-ari niya lang at sila ang magkakatuluyan in the future, and he will make that happened! Kahit itaga pa niya sa
Naroon na sa loob ng office si Daemon at tinitingnan ang labas, naroon ang tatlong sina Rain, Lance at Gideon. Tuwang-tuwa ang mga ito at alam niya kung bakit, malamang mag-ce-celebrate ito dahil matagumpay ang plano nila. Kinuha niya ang telepono saka nagtipa ng numero at tinawagan ang kan'yang a
"Kuya Kai, si Gideon ang magpapaliwanag ng lahat sa'yo..." Napatango naman si Gideon at kinwento ang naging karanasan niya kanina kay Dr. Kevyn. "Boss Daemon, hindi niyo alam kung gaano niya ako kinamumuhian kanina. Nang binunggo niya ako at um-acting akong natapilkok, tinulungan niya nga ako nguni
Sina Rain at Lance naman na nakapwesto sa malayo ay nakatingin kay Gideon na kasalukuyang nakakunot ang noo habang nakaupo sa isang wheelchair. Nang marinig ng dalawa ang sinabi ni Gideon ay mas nanlaki ang mga mata nila. Kitang-kita rin nila kung paano tingnan ni Kevyn si Gideon at kung paano
Ang planong "Operation: Seducing Mr. Bad Guy" ay agad na ginawa ng tatlo sa ospital nina Daemon at Maddox. Ngayon ay kasalukuyang inaabangan ng tatlo na lumabas si Kevyn Greenshore. Maghahapon na kung kaya't alam nilang out na ngayon ng doktor dahil binigay sa kanila ni Daemon ang schedule ng lalak
Kumunot ang noo ni Gideon nang marinig ang sinabi ng amo. Sandaling sumingkit pa ang mga mata ng bouncer at nagtanong, "Ano po iyon, Boss?" "Pwede mo ba akong tulungan?" Sobrang nahihiya man ngunit kailangan niyang gawin talaga ang pinapagawa sa kan'ya ng Kuya Kai niya. "Pwede mo ba akong... Pwede
"Jacob paki-report sa akin kung sino-sino ang mga lalaking nakakasalamuha ni Kevyn Greenshore. At kung ano ang mga tipo nito sa lalaki," utos ni Daemon sa assistant niya. "Fortunately, mayroon na akong report about doon, Boss. Kadalasan na nakikita kong nakakasalamuha niya ay iyong mga malalaki an