FATIMA: Elle! Great news! Nakausap ko na si Ma’am Eisha! Binigay niya raw ang resume mo sa kapatid niyang nangangailangan ng katulong sa bahay at ang sabi ay tanggap ka na raw! Nanlaki ang mga mata ko nang mabasa ang mensahe ni Fatima kinagabihan. Ang buong akala ko ay hindi ako tatanggapin dahil buong araw akong naghintay ng balita mula sa kanya. Akala ko ay wala akong pag-asa pero umaagos na ang saya sa dibdib ko dahil mali ako! Ako: Totoo ba, Fatima? Naku, pakisabi naman sa amo mo na salamat ng marami! Malaking tulong ‘to para sa akin! Salamat din sa ’yo! Fatima: Ano ka ba! Syempre tayo lang naman ang magtutulungan dito! Saka sa kapatid ka niya magwo-work, ha? Malapit lang naman ‘yong mansyon ni Ser Eionn. Halos magkakapitbahay lang silang magkakapatid dito sa malaking subdivision sa BGC. Kailan ka pwede magsimula? Ako: Kahit bukas ay ayos lang! Fatima: Uy, talaga? Matutuwa niyan si Ma’am Eisha. Kailangan na raw kasi ng matinding linis no’ng mansyon ng kapatid n
HALOS mapanganga ako nang makarating kami sa bahay ng magiging amo ko. Napakalaki nito. Tila ba isang glass house dahil sa mga naglalakihang glass window. Para bang tatlong malalaking bahay na pinagdikit-dikit at maganda ang kinalabasan, nakakaakit dahil din sa kulay na napili para sa mga haligi nito. . . puti at kulay abo ang mga pader samantalang kulay kayumanggi naman ang mga naglalakihang pinto. Ang mga berdeng halaman at bermuda grass naman na nasa harapan ng bahay ay nagdadala ng lamig sa aking mga mata. Inikot ko ang aking paningin. Animo'y ginto ang malaking gate samantalang may malawak na parking space na halos kasya ang limang kotse. "We're here!" bulalas ni Ma'am Eisha. "A-Ang laki naman po ng bahay ng kapatid mo, Ma'am. . ." Hindi ko napigilan ang bibig ko habang patuloy ang pagkamangha sa mga nakikita. Tumawa sina Ma'am Eisha at Fatima marahil ay dahil sa reaksyon ng mukha ko. Sino ba namang hindi mamamangha sa ganitong kagandang bahay? Sa pelikula lang ako naka
NAGISING ako pasado alas dos ng madaling araw nang makaramdam nang pagkauhaw sa tubig. Nanunuyo ang lalamunan ko dahilan para bumangon muna ako at lumabas ng kwarto. Tumikhim ako at saka naramdaman ang sakit sa aking lalamunan pagkatapos ng ilang pagkalunok. Huwag naman sana akong magkaubo. Huminga ako nang malalim at naglakad sa madilim na pasilyo. Naglakad ako pababa ng hagdan at napatingin sa kabilang parte ng bahay kung saan makikita ang malawak na kwarto kung saan galing si Sasha kanina. May kaunting ilaw akong naaaninag galing do'n kaya baka nakauwi at nagpapahinga na ang amo ko. Sinikap kong maglakad ng tahimik at dumiretso sa kusina. Kumuha lamang ako ng baso sa cabinet at maingat na nagsalin ng tubig mula sa water dispenser nang maramdaman ang pagpasok ng kung sino galing sa aking likuran. Hindi ako nakagalaw at natigil sa pag-inom ng tubig. Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng fridge kaya naisip ko na baka ang amo ko 'yon! Dahan-dahan akong lumingon sa gawi niya.
UMAHON ang matinding kaba sa dibdib ko. Napatingin ako sa kanyang mukha at kitang-kita ko ang lamig sa kanyang mga mata, pirming nakatikom ang mapupulang labi at kalmado ang perpektong panga. Tumagal ang titig niya sa akin na animo’y binabasa niya ang nasa isip ko. Agad akong napayuko nang hindi makayanan ang mga titig na ‘yon. Masyado akong kinakain ng kaba na hindi ko na alam kung ano'ng dapat gawin. “I made a breakfast for you because you cooked for me last night,” saad niya. Naramdaman ko ang paglakad niya na mas lalong nagpatigas ng mga paa ko mula sa kinatatayuan ko. Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng fridge. Narinig ko rin ang pagkuha niya ng baso at pagsalin dito ng tubig. Pigil ang bawat hininga ko habang nakayuko at tahimik na pinapakinggan ang kanyang bawat galaw. Hindi ko rin napigilan ang pagkagat sa aking ibabang labi. “I’m glad that you already stopped working in that freakin' bar," pahayag niya pagkatapos ay sunod kong narinig ang pag-inom niya ng tubig. T
NAKAKAINIS mang isipin ngunit naubos ko ang pagkain na hinanda para sa akin ng lalaking ‘yon. Aminado ako na masarap siyang magluto pero kahit na gano’n ay hindi magbabago ang tingin ko sa kanya. “Masama ka pa rin,” saad ko habang pinagmamasdan ang halos malilinis na pinagkainan ko sa countertop table. “Masarap ka ngang magluto pero dahil pangit ang ugali mo, galit pa rin ako sa ‘yo.” Tumahol si Sasha habang nakaupo pa rin sa kabilang silya. Animo’y naintindihan niya ang mga pinagsasabi ko at dinidepensahan ang amo. Ngumuso ako at nangalumbaba sa mesa. “Ayaw mong pinagsasalitaan ko nang hindi maganda ang amo mo, Sasha?” pagkausap ko rito. Tumahol itong muli. Hindi ko napigilan ang mapangiti. Napakaganda at talinong aso naman nito. Alam na alam kung saan at kanino papanig. “Siguro
ILANG minuto pa akong nananatili sa kinatatayuan ko at nakamasid lamang sa kanila. Mayamaya pa ay parang nakatulog na yata sa kalasingan ang amo ko. Si Sasha naman ay bumaba na sa sahig, halata ang pagka-excite dahil hindi matigil sa paggalaw ang kanyang buntot. Napakunot ang noo ko nang sinimulan nitong kagatin ang dulo ng pantalon ni Eionn. Walang pakundangan niya ‘yong hinila-hila. Dahil na rin sa pagiging malaking bulas si Sasha ay nahihila niyang talaga ang kanyang amo, hanggang sa tuluyan na itong mahulog sa sahig. Samantalang nagpatuloy ang aso sa paghila sa pantalon niya at parang gusto pa siyang kaladkarin. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat at agad na napatakbo palapit sa kanila. “Sasha, itigil mo ‘yan! Ikaw talaga!" saway ko sa aso ngunit umaangil lamang ito at hindi tumitigil sa pagkagat sa pantalon ni Eionn. “Sasha, masama ‘yan! Nahulog na siya, oh!”
HINDI ko na nasundan ang sunod na nangyari. Masyado akong nagulat sa nalaman ko na hindi ko man lang nagawang magsalita ng kahit na ano. Para bang bigla na lamang nagbara ang lalamunan at dibdib ko. Hindi ko alam kung paano pagtatagpi-tagpiin ang lahat. Higit sa lahat, masyadong binabaha ng mga katanungan ang isip ko. Napako ako sa aking kinatatayuan at tinitingnan lamang silang dalawa, pilit na pinoproseso sa isip ko ang katotohanang sumampal sa akin. “Why do you always come here whenever you’re drunk?” Halata ang iritasyon sa mukha ni Eionn nang daluhan ang kanyang kambal. Inakay niya ito patayo. Halos hindi makatayo ang kanyang kambal dahil sa sobrang kalasingan. Pinagmasdan ko itong mabuti. Ngumisi lamang ito sa akin habang namumungay ang mga tusong mata. “The bomb has finally dropped. Can you gue
HINALO ko ang kapeng katitimpla ko lamang. Hindi ko alam pero kinakabahan ako. Ano naman kaya ang pag-uusapan namin ng lalaking ‘yon? Bakit kailangan pa na sa kwarto niya kami mag-uusap? Ang laki-laki ng mansyon niya. Pwede naman sa sala. . . Huminga ako nang malalim at inilagay ang tasa ng kape sa platito at saka ipinatong ‘yon sa maliit na tray. Tumikhim ako, baka sakaling mai-ibsan no’n ang kaba sa aking dibdib pero hindi. Mas lalo pa yatang lumala pa yata 'yong lumala. Ilang minuto pa akong nanatili sa kusina para magpakalma. Hindi ko talaga mahagilap ang lakas ng loob para puntahan siya sa kanyang kwarto. Nakakainis na kailangan kong harapin siya gayong nahahati ang emosyon ko sa galit at pagkakunsensya. Dalawang lalaki sila. . . Hindi ko alam kung ano’ng mukha ang ihaharap sa kanya gayong ang pilyo niya palang kapatid ang dahilan ng mga galit
HINDI pa man umaabot ng limang minuto nang umalis si Ehryl ay nakarinig ako ng mga pagkatok sa pinto. Bumuntonghininga ako at hinawi at pinasadahan ng mga daliri ang aking buhok. Bumalik siya? Naulit muli ang pagkatok kaya naman kahit mabigat sa loob ko ay naglakad na ako palapit sa pintuan. “Ehryl, hindi ba’t--” Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang tumambad sa akin ang walang emosyon na mukha ni Arlana. Malamig ang pagkakatitig nito sa akin. Halos gumapang ang kaba sa buong sistema ko nang makita kung paano’ng nagbago ang itsura niya . . . animo’y ibang Arlana itong nasa harapan ko. Kita ang mga itim sa ilalim ng kanyang mga mata, halatang wala siyang maayos na tulog. Maputla ang mukha at ang tanging nagdadala lamang ay ang mapulang lipstick ng kanyang labi . . . na halos kasing pula
“OPO, Nay.” Tumango ako habang pinapakinggan ang mga payo ni Nanay. Tinawagan ko siya ngayong umaga para ipaalam ang pag-uwi namin ni Auntie Levi ngayong linggo. Lubos naman siyang natuwa sa binalita kong ‘yon. Nang tanungin niya ako kung bakit kami uuwi ay hindi ko na sinabi ang mabigat na dahilan. Mas maganda sigurong si Auntie na lang ang magsabi kay Nanay. “Hindi naman po ako nagpapakapagod. Huwag na po kayong mag-aalala, Nay. Ayos lang po ako.” “Masaya ako na uuwi ka na, anak. Miss na miss ka na namin dito, lalo na ng kapatid mo. Umaayos na rin ang lagay ng palayan natin kaya hindi mo na kailangang manatili riyan sa Maynila para magtrabaho. Mas kampante kami kapag nandito ka kasama namin,” ani Nanay sa nagsusumamong boses. Gumuhit ang malungkot na ngiti sa labi ko. Huminga ako nang malalim habang nakaupo sa kama at nakatingin sa mga damit do’n
ILANG araw din ang nakalipas matapos ang nangyari sa agency kung saan ako nag-apply. Hindi ko maintindihan kung talagang may kinalaman si Arlana sa nangyaring pangre-reject sa akin sa trabaho pero kung mayroon man ay alam ko na kung bakit niya ginawa iyon. Galit siya sa akin, bagay na klaro sa akin. Aminado akong galit din ako sa ginawa niya. Kaya lang ay sa tuwing naiisip ko na may pinagdadaanan siya, na may sakit siya ay nauunahan ng awa ang puso ko. Iyon din ang dahilan kung bakit hindi ko masabi kay Eionn ang nangyari. Hinayaan ko na lang na isipin niyang hindi lang talaga ako nakapasa dahil kulang ang pinag-aralan ko. "Why don't you try college, love?" kuryoso niyang tanong sa akin isang gabi nang dalawin niya ako sa apartment pagkagaling sa kanyang trabaho. "Hindi ko pa kayang pagsabayin. Inuuna ko muna ang kapatid ko," saad ko.&
“MAG-IINGAT ka sa byahe,” wika ko kay Eionn nang makarating kami sa parking lot ng apartment building. Magkahawak ang aming mga kamay. Napangiti ako habang pinagmamasdan ang mga 'yon. Tila ba wala ni isa sa amin ang gustong bitiwan ang kamay ng isa’t isa. Umangat lamang ang tingin ko nang tumikhim siya. “Are you sure you want to stay here? Ayaw mong bumalik sa mansyon?” Nakita ko kung paano gumalaw ang kanyang Adam’s apple dahil sa kanyang malalim na paglunok. “Sasha misses you.” “Nami-miss ko na rin naman si Sasha kaya lang ay hindi naman magandang tingnan na naroon ako. Matagal na akong resigned bilang kasambahay mo,” sagot ko at maingat siyang tiningnan. “Dadalawin ko na lang siguro si Sasha kapag wala akong masyadong gagawin sa apartment.”&
KATATAPOS ko lang maligo. Hindi ko maalis ang kaba sa aking dibdib, para bang hindi pa rin ito nakakabawi dahil sa presensya ni Eionn. Ilang beses akong huminga nang malalim habang nagbibihis sa banyo. Dahil gabi na rin naman ay minabuti kong magsuot na ng pantulog. Isang t-shirt na maluwag at pajama iyon. Nagsuklay ako ng buhok at ilang beses tiningnan ang repleksyon ko sa salamin. Maayos naman ang itsura ko ngunit ewan ko ba, para akong batang hindi mapakali sa pag-iisip na naghihintay sa akin si Eionn habang nakaupo sa aking kama. Lumunok ako at pilit na kinalma ang naghuhuramentado kong puso. Hindi pa rin ako nakakabawi sa naging halikan namin at sa bawat segundong pag-iisip no’n ay nararamdaman ko ang pag-iinit ng mukha ko. Umiling ako at hinagilap ang aking ulirat. Hindi naman pwedeng maging marupok ka agad, Elle! Marami kaming dapat pag
PIGIL ang paghikbi ko nang maramdaman ang mahigpit na yakap sa akin ni Eionn. Maraming mga tanong ang gumugulo sa isipan ko na gustuhin ko mang isatinig ngunit napang-iibabawan ng sakit na nararamdaman ng puso ko. “Hush now, love. . . I’m sorry. I didn’t know Arlana would go that far. . .” marahan at nakaliliyo ang boses ni Eionn nang sabihin ang mga salitang ‘yon. Kinagat ko ang ibabang labi ko. Tila ba mas lalo pang umapaw ang mga luha ko ngayong narito siya sa harapan ko. “I’m sorry. . . This is my entire fault. I am sorry, Elle. . .” Lumunok ako. Masakit man sa damdamin, hinang-hina man ang katawan at tuliro man ang isipan ay hinagilap ko pa rin ang kaunting lakas mula sa kalooban ko para kumalas sa pagkakayakap niya. “Elle. . .” gulat na tawag sa akin ni Eionn. “Oo, kasalanan mo ‘to, Eionn. . .” Tuloy-tuloy ang paglandas ng mga luha ko sa aking m
PAGKARATING sa mall, dumiretso kami ni Ehryl sa isang store na nagbebenta ng mga mamahalin at iba’t ibang uri ng gitara. Nakamasid lamang ako sa kanya habang seryoso niyang kinikilatis ang mga gitarang natatapatan, hinahaplos ang mga string ng mga ‘yon at tinitingnan ang kaledad. Hindi ko maiwasang mapangiti habang pinapanood siya. Siguro nga ay nagloloko siya sa halos lahat ng bagay pero pagdating sa musika ay nagiging seryosong tao siya. Nakikita ko sa mga mata niya ang dedikasyon at pagmamahal sa karekang tinatahak niya. Lumapit ako sa kanya para usisain siya sa ginagawa. Titig na titig siya sa isang light brown na gitarang may kalakihan kumpara sa mga katabi nitong mga gitara. Makakapal ang string niyon at halatang gawa sa mataas na kalidad na kahoy at kung ano pang materyales.
HALOS isang buwan na rin ang nakalipas magmula nang lisanin ko ang huli kong trabaho. Aminado akong hindi nababawasan ang sakit na nararamdaman ko sa puso ko, na para bang kahit dumaan na ang mga araw ay parang kahapon lang nangyari ang lahat. Hindi ko maitatanggi na nahihirapan pa rin ako dahil sa pagkabigo sa unang pag-ibig. Ganito nga siguro ang pakiramdam ng masaktan ng taong mahal mo. Iyong tipong kahit gaano mo pa subukang pawiin ang sakit para magpatuloy, hindi mo naman kayang diktahan ang puso mo. Siguro nga ay kailangan ng mahabang panahon. Hinayaan ko ang puso ko na ramdamin ang sakit at lungkot. Hinayaan ko ang sarili kong umiyak gabi-gabi, kwestyunin ang naging pagtrato sa akin ng tadhana at sisihin ang sarili dahil sa mga mali kong desisyon sa buhay. Marahil ay normal nga na ganito ang maramdaman ko pagkatapos ng mga nangyari. Hinayaan ko na lamang ang sarili ko. . . ang nararamdaman ko, umaasa
PAGPASOK pa lamang sa pamilyar na mansyon ay sinalubong na agad ako ni Sasha. Dinamba niya ako at paulit-ulit na dinilaan ang aking pisngi dahilan para marahan akong matawa. Ramdam ko ang pagka-miss sa akin ni Sasha. Kahit ako ay na-miss din ang presensya ng asong ito. Hinaplos-haplos ko ang kanyang ulo hanggang sa kumalma siya at umalis sa pagkakadamba sa akin. Lumuhod ako at niyakap siya. “Na-miss kita, Sasha. Kumakain ka ba nang maayos?” Tumahol ito, labas ang dila at halatang nakangiti ang mga mata. Animo’y gumagaan ang mga bagay kapag may alagang hayop. Sa simpleng paglalambing nila ay parang umaayos na ang lahat. “Pasensya ka na at hindi na kita maaalagaan,” sabi ko habang patuloy na hinahaplos ang kanyang balahibo. “Mami-miss kita palagi.” “You have nothing to worry about, Calys. Eionn will take care of Sasha. M