Share

Chapter 2

Author: norgeous
last update Last Updated: 2021-12-10 15:15:28

IRITHEL POV

"Iriiiii!" 

"I'm in the kitchen!" malakas na sigaw ko. Nagluluto kasi ako ng pananghalian.

"Iriiii!" at nakita kong bumungad siya sa pintuan ng kusina. 

"Heyy! What happen to you?" agad kong pinatay ang apoy ng niluluto ko at nilapitan ito. 

"Iri" mahinang sagot niya. Nakikita ko pang paonti-onti pa nitong pinupunasan ang mga luha na nalalaglag sa mga mata niya.

"Are you okay? What happen in school?" nag-aalalang tanong ko dito. Sa pagkakataon na ito nakalapit na ako sa kanya ng tuluyan. Inalis ko naman ang mga kamay niya na pilit na pinupunasan ang mga tumutulong luha sa mukha niya, hinawakan ko ang mga ito. 

"Iri is it true?" humihikbi siya habang sinasabi ito. Medjo huminto na ang kanyang pagpatak ng luha sa mga mata niya. 

"What is it?" Mas lalo akong nag-aalala pero malumanay ko pa rin siyang kinakausap. Kumalas na ako sa pagkakayap sa kanya at pinagmasdan ko siyang mabuti. Halatang umiyak ito ng sobra dahil namamaga ang mga mata niya, namumula na ito sa kakapunas niya. "Hey, stop crying! Sshhhh!" at niyakap ko siya ng mahigpit. 

"Iri did you get me inside of a garbage bag?" nakayukong tanong niya. Halatang nahihiyang tanong niya pa sakin sa pagkakataong yun.

"Huh? Garbage bag?" sa pagkakataon na yun sobrang nagtataka ako sa tanong niya. 

"Napulot mo lang ba ako sa labas, in a garbage bag" ulit pa nito. 

"Huh?" sa pagkakataon na yun dun ko na naintindihan ang gusto niyang itanong saken. Medjo nalungkot ako dahil sa murang edad nagagawa niyang sabihin at tanungin ang mga ganitong bagay na dapat ay hindi. "Ano yang sinasabi mo? Ikaw talagang bata ka!" ginulo ko naman ang buhok niya at tinitigan siya pero hindi niya inaangat ang kanyang tingin sakin, "Okay, who told you that?" mahinang tanong ko sa kanya.

"Rico said that his mom told him that all the babies that do not have a father are trash. Napulot lang daw sa b****a ang kagaya ko" that caught me off guard. Sa konting segundo natahimik at nanlamig ako.

"Hindi ibig sabihin na wala kang tatay, napulot kana sa basurahan. Look at me" Inantay ko namang titigan niya ako ng deretso bago nagsalita ulit. "I'm your mom, and also your dad. Diba kahit babae ako, kayang-kaya ko maging papa mo. Diba?"

Tumango lang ito. Naririnig ko pa rin ang mga hikbi niya. 

"Look Lylia. Alam ko mahirap pa para sayo na intindihin lahat ng 'to pero pangako pag kaya mo ng intindihin ang sitwasyon natin, lahat ipapaliwanag ko sayo" pagbibigay assurance ko dito. 

"Iri, thank you for telling me the truth. Akala ko talaga napulot ako sa basurahan" inosenteng sagot nito sakin. 

"Of course you're not. Never kang napulot sa basurahan. You're our angel. A blessing sent by above" malambing kong sagot dito. Totoo namang isang blessing ang pagdating ni Lylia sa buhay ko. Hindi man siya kasama sa plano ko sa buhay noon, napaaga man siya ng dating sa buhay ko kahit kelan hindi ko kinuwestiyon ang panginoon sa mga nangyare sakin noon.

Nagulat pa ako nung natuloy na naman ang pag-iyak nito. 

"Shhhh" niyakap ko siya ng mahigpit. 

"Pag hindi daw kami naging mabuting bata, itatapon niyo daw ulit kami pabalik doon sa basurahan at iiwan ng tuluyan" dagdag pa nito.

"Talaga? He said that?" napapangiti nalang ako sa mga sinasabi ni Lia saken ngayon. "Do you think magagawa kong itapon ang isang cute na tulad mo sa basurahan?" Kinurot ko ng mahina ang ilong nito at tsaka paonti-onting pinanggigilan at pinaliguan ito ng mga h***k sa mga pisngi at leeg.

"Iri. Hehehehe. Stoop. Iri----" halatang nakikiliti siya sa ginagawa ko sa kanya.

"Hmmm. Bakit? Ayaw mo ng naglalambing si mama sayo. Hmmm. Pakiss pa nga" hirit ko pa dito. Nakita ko naman na parang namula ang mga pisnge nito. 

"Iri stop" maligalig ang mga tawang binibitawanan nito habang pinipigilan niya ako sa paglalambing sa kanya. 

"Why are you blushing?" pang-aasar ko dito. 

"Hmmmm. No. I'm not" agad naman nitong tinakpan ang mga pisngi na parang nahihiya. Sa pagkakataon na yun napansin kong hindi na ito umiiyak pero bakas pa rin sa mga mata nito ang pag-iyak nito kanina. 

"Are you okay now? No more hard feelings huh?" sa pagkakataon na yun tinigilan ko na siyang kilitiin. Mabilis lang naman kasing lambingin si Lia. Lumaki siyang mabait at matalinong bata. Sa sobrang talino ng batang ito kung ano-ano nalang ang naiisip bigla. Kaya naman my parents decided to enroll her in a private elementary school na malapit sa pinagtatrabahuan ni paps. Lia is in kindergarten kahit na 4yrs old palang siya. Nakakatuwa nga dahil siya ang pinakabatang tinuturuan sa buong klase nila. Lumaki din siyang madaldal pero marunong rumespeto. 

"Opo" nakikita kong masaya na siya ngayon. Umaabot na sa mga mata niya ang mga ngiti niya.

"Thats good. And Lia one thing I'm sure of, you came from me. You live here for 9months" tinuro ko naman ang tiyan ko. Hinawakan ko pa yung isang kamay niya para iguide sa tiyan ko at pinahawak doon.

"In your tummy?" takang tanong niya saken habang hinihimas pa rin nito ang tiyan ko.

"Yes. And you got out of there because you couldn't wait to see this wonderful world" nakita kong mas pumupungay pa ang mga ngiti niya. At dahil dun mas gumaan ang pakiramdam ko ng mga sandaling yun. 

"Hehehe. Come here" narinig kong hagikgik niya nung binuhat ko na siya para kargahin. "Lia is mommys little angel, as well as your grandma and grandpa. Okay?" at mahina kong pinisil ulit ang tungki ng ilong niya.

"Okay" tumatangong sagot niya. "Hmmm, did i make a large hole in your tummy? Did it hurt mommy?" bumaba na siya sa pagkakabuhat ko sa kanya at hinaplos ang tiyan ko, "Let me rub your tummy, then you'll be better. Hehehe"

"Thank you!" At tuluyan na akong natawa sa action niyang iyon.

"Promise, I'll be a good girl and wont upset mommy" at tinaas niya pa ang pinky niya para magpinkyswear saken. 

"Okay?!" at sabay na kami napatawa. "You're my little angel" sandali ko siyang pinagmasdan. Lahat ng detalye sa kanyang mukha ay pinakatitigan ko. Ang aking munting inspirasyon. Napakabilis ng panahon, napakabilis niyang lumaki. 

"Ehem!" isang ubo ang pumutol sa malalim kong pagiisip.

"Pa"

"Paps" 

"So hows school?" agad naman nilapitan ni Lia si papa. Pagkatapos magmano, agad naman itong nagpakandong sa kitchen counter. "Mommy old told me, someone bullied you. Who is the unluckiest kid in your class?" 

Nagkataon kasing si mommy ang sumundo kay Lia sa school dahil may parents forum din itong pinuntahan. Kaya siguro mabilis na nakarating kay paps ang balita na pinaiyak ito. 

"Rico didn't bully me. He just gave me a wrong information" sagot naman nito. 

"Really?" nakita ko pang binalingan ako ng tingin ni paps. Nginitian ko lang siya bilang sagot. Napansin ko pa ngang nag-aantay ng sagot ko si paps pero hindi ako nagsalita. 

"Yes" tumatango-tangong sagot ni Lia dito.

"How did you know that its a wrong information then?" takang tanong naman ni papa dito, nakabaling na ulit ang buong atensiyon nito sa bata. 

"Mommy iri told me where I came from." masiglang sagot nito, napangiti nalang ako sa ginawa nitong pagtaas ng kamay. 

"Really?" nakita ko naman na ako ulit ang binalingan ni paps. Nakataas pa ang kaliwang kilay niya na nakangiti. 

"I j-- just told her that she came from my tummy" sabi ko naman at umiwas ng tingin at agad na inasikaso ulit ang niluluto ko. Tinalikuran ko nalang sila. 

"Is that all?" mukhang hindi pa kuntento sa sagot ko dahil may pagkasarcastic ang tanong nito, halata naman kahit nakatalikod na ako sa kanila. 

"Yes" rinig kong si Lia na ang sumagot. 

"Okay. Yun ang sabi niyo e" sa huli hindi na nagtanong pa ulit si paps at pinabayaan na ito. 

"Promise me paps that you will not get angry to my classmate for giving me wrong information. Okay?"

"Hmmmm" reaction na parang nagiisip pa. 

"Paps!" 

"Hahahaha. Okay baby" agad naman nitong sagot at nilambing siya. 

"Pinky swear?" dagdag pa nito sa lolo niya, habang nakataas ang pinky finger niya. 

"Pinky swear" at agad namang nakipag pinky swear si paps dito. 

"Parang okay na ang little angel namin ha?" nakita ko naman si mommy sa pinto ng kusina. Mukhang kadadating niya lang. 

"Mom" nginitian ko naman siya. 

"Mommy old" tawag naman ni Lia dito. Nagpababa naman ito sa kinauupuan niya at mabilis na nilapitan ang dumating. Hinalikan at nagmano pa siya dito.

"Dapat hindi kana nagluto pa. Anong oras ba ang pasok mo ngayon?"

"Ano ka ba ma, minsan ko nalang magawa to sa inyo dahil sa sobrang busy ko sa trabaho. Tsaka hapon pa ang meeting ko para sa client namin kaya okay lang" explain ko naman dito. 

"Thank you anak"

"I should be the one saying thank you" nakangiting sagot ko. 

"Thank you for cooking kare-kare for lunch" sabay nguso niya sa niluluto ko.

"Mommy ha. Hahahaha" at nagkatawanan na kami.

Ako si Irithel Aben, isang simpleng empleyado ng isang private company sa Makati. Si Lylia or Lia ang nag-iisang anak ko. Lumaki siyang kami lang ang kinagisnan niyang pamilya kasama ang pinakaclose niyang ninang na si Giselle. Ito ang munting pamilyang kinagisnan ko kaya natutuwa ako kasi kahit simple lang at maliit ang kinalakihan na pamilya ni Lia mayaman naman siya sa pagmamahal namin. Hindi ako nagsisisi na dumating siya sa buhay ko. Lumaki man siyang nag-iisa ako may karamay naman akong mga magulang sa pagpapalaki sa kanya. 

Related chapters

  • Love And Stitches   Chapter 3

    IRITHEL POVIsang magandang musika ang tumutugtog sa radio ng sasakyang sinasakyan kong taxi. Tugtog ito ng Maroon 5 na ang pamagat ay "She will be loved". Hapon na ng mapagpasyahan kong bumalik sa opisina para magreport. Naabutan ako ng malakas ng ulan. Pag malakas pa naman ang ulan sa siyudad napakahirap makahanap ng masasakyan kaya naman no choice na ako kundi ang pumara ng taxi. Galing ako sa isang business meeting tapos sumabay pa itong ulan, mas lalo tuloy nadadagdagan ang init ng ulo ko. Paanong hindi iinit ang ulo ko, naframed-up ako. Yung business meeting na nakaassign sakin ay isang set-up. Set-up para tapak-tapakan ang pagkatao ko bilang babae. Buti nalang may paninindigan ako at hindi ako pumapatol sa mga ganung oportunidad.*peeep* *peeep* *peeep*Naririnig ko naman ang mga palakas ng palakas na pag busina ng mga s

    Last Updated : 2021-12-10
  • Love And Stitches   Chapter 4

    THEO POV*ting*"Hi sir, welcome to Ho Group!" pagkabukas ng pinto ng elevator agad naman bumungad sakin ang isang babae sa reception dito sa 32nd floor. Tumayo pa ito sa pagkakaupo at tsaka nagbow. Nakikita sa mga mata niyang gulat na gulat siya sa pagdating ko. Pero yung gulat na yun napalitan na isang matamis na ngiti kaya naman napaismid ako. I never fail to make girls turn to me like that."I'm--""Sir Winfield! I hope you dont mind waiting?" agad naman niya akong nilapitan."Hmmmm" hindi ko na kinailangan magpaliwanag dahil halatang kilala naman niya ako.

    Last Updated : 2021-12-10
  • Love And Stitches   Chapter 5

    IRITHEL POV Wooooh! Sa wakas nagkaroon na ako ng oras para sa sarili ko. Nandito ako ngayon sa mall, nagiikot. Pagkakataon ko na 'to para bigyan ang sarili ko ng oras para makapag-unwind at makapagshopping ng mga gamit, lalo pa at lumalaki na si Lia. Kailangan niya na din ng mga bagong damit. "Wow" nasambit ko ng makita ang isang dress na nakadamit sa dalawang manequin na nakadisplay. Isang malaki at isang maliit na manequin. "FAB BOUTIQUE" "Hi ma'am" pinasok ko ang boutique at tumango din ako sa isang sales lady na nasalubong ko. "Welcome to Fab" sabay-sabay nilang sabi at nagpalakpakan. "What can I help you with?" lumapit na sa akin ang isang nakauniform na s

    Last Updated : 2021-12-10
  • Love And Stitches   Chapter 6

    GYSELLE POV"Akala ko dati okay lang kasi kahit anong mangyare saken pa rin siya umuuwi" tumalikod naman ako at pumunta sa hood ng sasakyan para umupo. Nandito kasi kami ngayon sa isang park na malapit sa village kung saan nakatira sila Irithel."Gyselle" rinig ko namang tawag niya sakin."He keeps his mistresses somewhere, at matagal ko ng alam yun. Halos linggo-linggo iba't-ibang babae. Mga secretary, estudyante, minsan pa nga mga modelo" pag-amin ko dito."Paano mo nalaman ang lahat ng yan?""......" hindi ako nakasagot kundi kinuha ko ang kaha ng sigarilyo sa purse ko at agad na sinindihan ang isang stick nun at hinithit."How can you be so calm and dont do anything about this?" takang tanong niya."Hindi ko siya masisisi. No woman can resist a rich, handsome, caring ma--"

    Last Updated : 2022-03-08
  • Love And Stitches   Chapter 7

    IRITHEL POVMaaga akong pumunta sa opisina para maayos ang lahat ng bagay patungkol sa trabaho ko. Kailangan ko na din kasing ayusin ang pagfile ko ng leave. Hindi naman din ako papayag na basta-basta ko nalang iiwan ang mga trabahong hindi ko natapos, kailangan ko munang ipaalam sa mga nakatataas ang sitwasyon ko na sa tingin ko naman ay alam na nila. Kailangan ko ring maayos ito para naman mabilis akong makahanap ng trabaho kung sakaling matatagalan bago ako makabalik sa opisina dahil sa kasong biglang kinasasangkutan ng pangalan ko."Kaya mo'to irithel! Bakit ka mahihiya, guilty ka ba?" Agad naman akong napailing sa naisip ko. Bakit ako magiguilty? Kasalanan ko ba kung bakit tinanggihan ko ang project na yun? Mali bang sagutin ang isang sekretaryang walang ginawa kundi ang ipahamak ako dahil insecure? At tsaka yung kaso

    Last Updated : 2022-03-14
  • Love And Stitches   Chapter 8

    IRITHEL POVNagkikislapang mga ilaw. Magagarbong mga sasakyan. Labas pasok na mga tao na may mga magagarbong suot. Mga sikat at kilalang tao sa industriya ng pag-arte at mga mayayaman ang mga tao dito. Nandito lang naman kasi ako ngayonsa isang kilalang hotel, ang Okada Hotel! First time ko magpunta sa ganitong hotel hindi kasi ganito karangya ang buhay na kinalakihan ko. Minsan pinangarap ko din naman maging mayaman pero hindi katulad ng yaman ng mga taong nandidito. Sa ngayon pursigido akong makaahon sa buhay at matupad ang mga pangarap ni Lia sa future.Inhale. Exhale. Napupuno ako ng galit sa mga nakikita ko pero pilit ko pa ring pinapakalma ang sarili ko bago pumasok sa isang restaurant.Nalaman ko kasing nandito ang taong hinahanap ko kaya mabilis akong nagpunta dito. Hindi na ako nagdalawang-isip na komprontah

    Last Updated : 2022-03-16
  • Love And Stitches   Chapter 9

    CONRAD POV"You're not drinking?" takang tanong ko dito kay theo."May iniisip lang!" tsaka niya tinaas ang baso para sa isang cheers at tsaka uminom."Sabi na nga ba eh. Hindi ka magyayaya dito kung hindi malalim ang inisip mo"Paano ba naman kasi bigla itong nagyaya lumabas ngayong gabi sa isang exclusive bar na para sa mga kagaya niyang bachelor."So what are we waiting for? Lets enjoy this night" tumayo ako at nagtatatalon habang sinasabayan ang tugtog."You really love night life" asar pa nito saken."This is happiness!" tinuro ko pa yung jack daniels na nasa lamesa namin."Asshol

    Last Updated : 2022-03-17
  • Love And Stitches   Chapter 10

    IRITHEL POVHalos isang linggo na rin ang nakakalipas simula nang napagdesisyunan kong iwan ang trabaho ko. Isang linggo na din akong taong bahay, lahat ng mga hindi ko nagagawa dati ay nagagawa ko na. Mas nabibigyan ko pa ng oras ngayon si Lia sa lahat ng bagay. At ngayon nga ay linggo, kasama ko siyang nagsimba at nagdasal sa panginoon. Isa ito sa mga hindi ko nagagawa nung mga panahong nagtatrabaho ako. Lagi kong inaasa sa mga magulang ko si Lia dahil kahit weekend trabaho pa rin ang inuuna ko. Ngayon nga ay tatlong araw ng wala sila paps, nagdesisyon kasi silang magbakasyon muna sa probinsya. Kaya ngayong araw ng linggo, dalawa lang kaming nakapagsimba.Bigla ko naman naramdaman na hinila ni Lia ang mga kamay ko. "Iri, dali!"Hinigpitan ko naman ang pagkakahawak ko sa kamay niya. "Teka. Wag kang tumakbo, baka madapa ka". Tsaka ko siya inalalayan.

    Last Updated : 2022-03-18

Latest chapter

  • Love And Stitches   Chapter 24

    GYSELLE POVNandito ako ngayon sa Makati. Nakaparada sa isang parking lot sa harap ng isang presinto. Sa totoo lang kagabi pa ako binabagabag ng kaba sa dibdib ko, halos hindi ako patulugin ng mga mabibigat na tibok nito. Hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko, galit ba o kaba ng katotohanan?Kagabi kasi may isa akong natanggap na tawag. Oo isang random na tawag galing sa isang unknown number. Akala ko pa nung una ay isa itong emergency dahil nakailang tawag ito sakin bago ko pa ito nasagot. Nagulat pa nga ako ng magpakilala ang lalakeng nasa kabilang linya na pulis ito at kailangan nila akong makuhanan ng statement. Halos hindi ko malaman ang magiging reaksyon ko sa sinabi nito. Maya-maya pa ay nabanggit nito na tungkol ito kay Greg Quiño at kailangan na kailangan ang tulong at kooperasyon ko dito dahil asawa niya ako. Imbes na itama ang sinabi ng pulis na "asawa" ako, sumang-ayon

  • Love And Stitches   Chapter 23

    THEO POVNandito kami ngayon sa isang exclusive hotel. Napag-alaman namin na nandidito ang taong hinahanap namin kaya kami na mismo ang pumunta para silipin ito."ID pass sir?" tanong ng isang security officer na bumungad samin bago pa kami makaderetso sa reception ng lobby ng hotel.Inayos ko naman ang business coat ko na nahawakan niya. Tsaka ko siya tinitigan ng masama."We need your ID pass" ulit na sabi nito. Nakita ko naman na nagsilapitan ang mga iba pang kagaya nito sa pwesto nami."What pass?" takang tanong nalang ni Conrad sa mga ito.Hindi sumagot ang mga security officers na nakatayo sa harapan namin bagkus nag radio ang isa sa mga ito sa iba pa nilang kasamahan sa hotel."Unexpected guess. Over" rinig na rinig namin na sabi nito sa hawak niyang itim na walkie talkie.Imbes na

  • Love And Stitches   Chapter 22

    THEO POVTahimik akong nagmamaneho habang tinatahak ko ang kahabaan ng EDSA. Napagpasyahan kong maagang umalis para sana maiwasan ang traffic, pero nagkamali ata ako ng desisyon. Inabutan lang naman ako ng napakahabang traffic kanina, paano ba naman kasi may nagbanggaan na dalawang sasakyan sa may Quirino Avenue. Ang tagal narespondehan ng MMDA kaya naman nag kanda buhol-buhol ang traffic dito kanina.7:17am. Maaga pa naman. Marami pa akong oras. Okay na sana ang umaga ko eh! Planado na lahat ng gagawin ko sa araw na ito bago pa ako makapasok ng opisina mamayang 10am. Pero bigla lang naman akong nakatanggap ng tawag mula kay Conrad."What do you need?" 'yan ang bungad kong tanong ng masagot ko ang tawag nito. Hindi ko na hinayaan na mabati niya ako."I want nobody, nobody but you!" Pilyong sagot nito. Ginaya niya pa talaga yung kantang napauso ng 2ne1 dati, yun ngalang wala sa tono.

  • Love And Stitches   Chapter 21

    IRITHEL POV"Sorry but we are not hiring. Just leave your contact details in case we will be needing additional people for the next few months" sabi ng head ng human resource ng kompanyang pinuntahan ko. Malalim ang pagkakatitig niya sakin pagkatapos ko maipakita sa kanya ang personal resume na dala-dala ko. Inaral niyang mabuti ang mga nakasukat doon bago niya ako tinapunan ng tingin ulo hanggang paa."Okay. Thank you" wala na akong nagawa kundi tahimik nalang nalang na umalis ng kompanyang iyon.Ilang kompanya ang napuntahan ko ngayong araw pero pare-parehas lang sila ng mga sinasabi. Hindi ko alam kung malas lang ba talaga ako ngayon o sadyang hindi talaga para sakin ang maghanap ng trabaho sa ngayon?2:00 pm. Hapon na pala ng mapansin ko ang oras. Halos hindi ko na namalayan ang bilis ng pagdaan ng oras. Nalipasan na rin pala ako ng panangha

  • Love And Stitches   Chapter 20

    CONRAD POV"Fvck" sigaw ko.Malakas kong binalibag ang hawak-hawak kong stethoscope sa pader. I'm having a bad day. A very bad day."Doc may emergency sa ER kail-" mukhang nagulat pa yung pumasok na nurse nung makitang nagkalat ang mga papel at iba pang mga gamit ko sa sahig."I'm on my way" yun nalang ang nasagot ko at mabilis na dinampot ang lab gown ko sa mini sofa na malapit sa lamesang kinauupuan ko.Yes. I'm a doctor. A fvcking surgeon! Minsan doctor, minsan businessman. Patakbo naman akong lumabas sa kwartong pinagpapahingaan ko at dederetso na sana sa ER ng makasalubong ko ang isang babaeng importante sa buhay ko ngayon."Con"Agad naman akong huminto sa harap nito. Ipinalibot ko pa ang tingin ko bago ko siya nilapitan ng tuluyan at niyakap."What are you doing here mom?"

  • Love And Stitches   Chapter 19

    GYSELLE POVBagong umaga! Bagong pag-asa! Tama bagong pag-asa. Tapos ko ng iiyak lahat ng sama ng loob this past few days. Sapat na siguro yun para unahin ko naman ngayon ang sarili ko.Wew. Ang sarap talaga ng kapeng barako. Humihigop ako ng kape na galing pa sa batangas. Amoy palang nakakagaan na ng pakiramdam.Maaga akong gumising ngayong araw! Excited na kasi akong pumunta ng hospital at makita ang pangalawang pamilyang kumupkop saken.*booog* *booog*Malakas kong kinakatok ang pinto ng kwarto ni Irithel. "Irii

  • Love And Stitches   Chapter 18

    IRITHEL POVTahimik ang buong paligid. Tanging mga tunog lang ng mga busina ng mga sasakyan ang naririnig. Maliwanag ang paligid dahil sa mga nagkikislapang mga ilaw ng mga matataas na gusali na nasa syudad. Tumingala naman ako nagbabakasakaling baka makakita ako ng mga bituin pero sa huli wala naman akong naaninag. Pagbaba ng paningin ko isang maliwanag na ilaw ang sumilaw sa mga mata ko.*peeeeeeeeep*Isang mahabang busina. Nagulat nalang ako nung nahila na ako ni Drew sa isang gilid at naririnig ko nalang ang mga sigaw niya. "Watch where you driving asshole! This is a sidewalk not a goddam rice track!!!!" nakita ko pang nagpakita siya ng middle finger sa sasakyang papalayo samin.

  • Love And Stitches   Chapter 17

    IRITHEL POVL i G H T S - O U T BARNasa tapat ako ngayon ng isang kilalang bar dito sa Taguig. Nasa labas palang ako pero andaming taong pumapasok at lumalabs dito. Naririnig ko na din ang malakas na tugtugin mas lumalakas pa ito ng makapasok ako sa loob. Halos maghiyawan ang mga tao sa dance floor ng bar na yun habang sumasabay sa tugtog. "Asan kana ba gyselle?" Kanina kasi tumawag ito at sinabing puntahan ko siya dito. Hindi ko naman sana siya pupuntahan dito kung hindi ko napansin na medjo lasing na ito habang kausap kanina. Mas nabahala pa ako nung hindi na nito sinasagot ang mg tawag ko sa kanya."Heyy. Pretty boy. You look pretty in your suit". Sa wakas nakita ko na ri

  • Love And Stitches   Chapter 16

    THEO POV"Iri" Nagulat ako sa isang mahinang boses na narinig ko. May ibang tao pa pala dito sa kwarto ko. "Ssshhh"Narinig ko pang sagot nung isa."Dalian mo na kasi"Yun

DMCA.com Protection Status