TULUYAN iminulat ni Klaire ang mata, naramdaman niya ang sumisidhing kirot mula sa likuran niya.Bigla ay naalala niyang, natamaan pala siya ng baril. Kahit hinang-hina ay pinilit niyang bumangon mula sa pagkakahinga. Iniikot niya ang buong pansin sa kinaroroonan silid. Halos puti at asul ang kulay ng mga bagay na nakikita niya. Sa tingin niya ay nasa silid siya ng isang hospital, dahil naamoy pa niya ang napakapamilyar na samyo."K-kailangan kong makalayo," usal ni Katarina na katal ng takot ang kabuuan ng maalala ang nangyari.Kailangan niyang magmadali, dahil maaring pinaghahanap na siya ngayon ni Luis at kapag nalaman nitong buhay siya. Tiyak hindi ito titigil hangga't hindi siya napapatay, wala itong kasing sama!"Gising ka na pala." Isang tinig galing mula sa bumukas na pinto.Bigla siyang nilukuban ng pangamba ng makita niyang si Don Agoncillo iyon ang tiyuhin ni Luis.Kahit hinang-hina pa ay napilitan na siyang tumayo. Kailangan na niyang makaalis ngayon, dahil nangangani
PATULOY sa pag-eempake ng mga damit ng anak niya si Katarina nang pumasok si claims roon."Mama, anong ginagawa mo bakit ka nag-iimpake?" Nagtatakang tanong nito sa kaniya."Aalis na tayo ngayon din, wala ng dahilan para mag-stay pa tayo rito." Nakaiwas niyang sagot dito.Kaagad naman napalapit si Claims, mabilis nitong inagaw mula sa kaniya ang isang damit na akmang ipapasok nito sa trolley."Ayuko Ma na umalis, bakit ngayon pa; si Papa alam na ba niya---""Walang dapat malaman ang Papa mo, dahil aalis tayo na wala siya. Matagal tayong nagkalayo dahil sa kaniya!" Hindi na mapigilan ni Katarina ang emosyon.Nailing-iling naman si Claims, tuluyan na rin itong napaiyak."No! I will stay here! Hindi ko iiwan si Papa!" matigas na sambit nito."Pero anak ito ang dapat na kailangan natin gawin ang umalis, dahil masamang tao ang ama mo. Hindi ko kayang maiwan ka ng mag-isa rito." Pakikiusap naman ni Katarina. Akmang aabutin nito ang bata ng kusa itong napalayo sa kaniya. Nasa mga mata nito a
KATULAD ng napag-usapan ni Katarina at Luis ay pinayagan na ng huli ang una na kunin si Claims.Ikinagagalak iyon ng labis ni Katarina, ngunit hindi naging madali ang lahat sa kanilang dalawa ng anak niya. Hindi noong una na nakabalik siya ay maayos ang pakikitungo nito. Ngayon ay nahihirapan siyang kuhanin uli ang loob ng anak."Kumusta ka Kat, si Claims okay na ba kayo? kinikibo ka ba niya?" Nagtanong si Ruiz ng minsan ay dumalaw ito sa kanila sa unang linggo magmula nang makarating sila sa America.Tuluyan niyang iginawi ang binata papasok upang makaupo ito sa sofa na nasa sala."Ang totoo we're not in good terms ni Claims. But I'm looking forward sa mga susunod na araw ay babalik din sa dati ang pakikitungo ng anak ko sa akin." Punong-puno iyon ng paniniwala na darating din ang panahon na mare-realize nito na tama siya sa desisyon na ilayo ito sa poder ng ama. Na tanging gusto lamang niya ay ang makakabuti sa kalagayan nito."Alam ko naman iyon and absolutely Claims will find t
NGINITIAN lang ni Katarina ang kaibigan si Havanah nang tuluyan itong pumasok sa unit niya. Binalingan pa nito ang dalawang tauhan ni Luis na nagbabantay mula sa labas ng pinto.Dahil sa nangyari sa convenient store ay nagpadala na si Luis ng mga magbabantay sa kanilang mag-ina. Maging si Ramil ay panay ang punta sa kanila upang i-check sila, gusto man magtanong pa ni Katarina kung kumusta na ang amo nito ay pinapangunahan siya ng hiya."Thanks God, okay ka lang. Kung 'di mawawalan pa ako ng talented na kaibigan," nag-aalalang sambit ng kaibigan nang makapasok ito."Salamat sa pag-aalala, hindi naman ako nasaktan. Nailigtas ako ni Luis," bigkas niya. Tuluyan silang naupo na dalawa sa sofang naroon."Teka, iyon ba ang Daddy ni Claims? kayo na ulit! akala ko ba nakipaghiwalay ka na. Kaya ba hindi ka na pinupuntahan ni Ruiz dito dahil na-realize mong mas bagay kami," natatawang wika ni Havanah.Maging si Katarina ay hindi na rin mapigilan matawa. Magmula ng ipakilala niya si Ruiz sa k
SA umagang iyon ay naihanda na ni Katarina ang mga gamit na dadalhin niya mula sa pag-uwi ng Pilipinas. Kahapon pa niya natapos ayusin ang para sa anak niya.Kinakabahan man sa naging desisyon niya ay kailangan niyang panindigan ang sinabi niya kay Luis.Isang malalakas na kalampag mula sa nakasaradong pinto ang narinig niya buhat sa labas ng kaniyang silid. Puno ng pagtataka na tumayo siya at tuluyan binuksan iyon."R-Ruiz? Bakit ka napasugod ng ganito kaaga?" Takang tanong ni Katarina matapos pagbuksan ito.Nakita pa niyang nakasunod ang dalawang tauhan ni Luis na nagbabantay sa kanilang mag-ina dito."Sir Ruiz, hindi kayo basta-basta puweding pumasok iyon ang bilin ni Boss," wika ng isang tauhan na humawak sa isang braso ni Ruiz. Ngunit mahigpit lamang hinawakan iyon ng huli at mabilis na tinanggal."Hey! stop it! At sino kayo para bawalan ako na kausapin si Katarina. Wala kayong karapatan!" gigil na pagwawala ni Ruiz.Matapos makawala ay itinulak niya ang tauhan ni Luis na hum
MALAMIG na tinitigan ni Ruiz ang nakatimbuwang na katawan ng nakabatang kapatid sa lupa. Tuluyan niya itong nilapitan."Matagal ko ng plinano ang mangyayari ngayon, hindi ko inaasahan na maisasakatuparan ko iyon ng basta-basta ngayon gabi L," pakikipag-usap ni Ruiz dito.Nagpatuloy siya makaraan ang ilang segundo. "Ipinagpapasalamat ko na malaki ang tiwala mo sa akin. Hindi mo man lang ako pinaghinalaan all the way." Natatawa pang sabi niya, bago muling humakbang palayo.Ngayon wala na ito ay pwedi na niyang sabihin ang gusto niya, dahil kung nabubuhay siya. Hindi niya magagawang pagsalitaan ito katulad ng nangyayari ngayon. Malas lang nito at nauna na sa impyernong dapat kalagiyan nito. Muli ay ipinagpatuloy niya ang pagsasalita na tila ba nakikinig si Luis sa mga sandaling iyon."Noong malaman mo na ako mismo ang tumulong at siyang nagtakas kay Klaire sa isla ay hindi mo man lang ako kinastigo. Pinabayaan mo kami na parang wala lang pakialam, kahit kitang-kita ko naman kung paano k
AKALA ni Katarina ay sa susunod na taon pa gaganapin ang kasal nila ni Luis. Ngunit as she didn't expected ay makaraan ang tatlong Buwan ay magiging ganap na Mrs. Luis Mendrano na siya.Nasa Maynila sila ngayon, kasama ang walong taon niyang anak na si Claims. Kinailangan niya na personal siyang pumunta sa botique ng designer ng mismong gumawa ng wedding gown niya.Iba't ibang mayayaman na personalidad ang client ni Ceerina Ky, Kilala at magaling na fashion designer sa Pariz. Hindi na mabilang ang naging award nito sa ibang bansa.Katulad ni Beatrice De Guzman, asawa ni Rudny Aragon. Isang malapit na kaibigan at kapanalig na mafia boss ni Luis. Noong mga unang Buwan ng pagsasama nila ay inimbitahan sila na makadalo sa esklusibong kasal ng mga ito.Maging ang first lady ng Calu ay ito rin ang nag-desinyo at gumawaPricey man ay hindi na bale, isang beses lang naman niya mararanasan na magpakasal."Wow! Mama! ang ganda mo po." Puri ni Claims sa ina na tuluyan ng pumasok sa loob ng
ARAW ng kasal, mula sa simbahan na pagdadausan ng pag-iisang dibdib ay makikitang pinaghandaan iyon. Isang luxury glamours themed wedding ang gaganapin.Ang mga bulaklak na kulay asul ay inangkat pa mula Switzerland, maging ang wedding coordinator nila ay pili ni Luis.Sa isla Demorette naman ang reception an all white wedding color scheme— natural na dama ay sophisticated and cohesive. May touch of black nagdaragdag ng contrast at intensity. Coloured silver na may cool toned, gold para sa mga palette. May kaunting glitzy vibe. Ang mga glassware at tableware, mga detailes about calligraphy, for decorative chairs o kaya centerpiece vessels. Pagkatapos ng seremonyas, isang cruise ships ang pangunahin maghahatid sa mga entourage at bisita. Ang mga pagkain na inihanda ay isang kilalang Chief sa Calu na usap-usapan ay mahal kapag kukunin ang service. Maging ang mansiyon na pag-aari ni Luis ay pinamulitian para sa natatanging kasal nilang dalawa.Bagama't sobrang pinaghandaan ang gaganapin
HINDI na alam ni Luis kung ilang oras siyang tulog. Basta pagkagising niya ay nasa isang madilim siyang silid. Nakahiga sa kama at naka-posas ang magkabila niyang kamay at paa. Hinihila niya iyon, ngunit kahit anong lakas ng ginagawa niya upang makawala ay wala siyang napapala. Namula at nanakit lamang ang palapulsuhan at parteng paa niya kung saan naroon ang mga bakal na posas."Ramil! Nasaan ka? Ipaliwanag mo kung bakit ako narito! Anong ibig sabihin nito? Lumabas ka sumagot ka!" panggagalaiti niyang pagsisigaw. Bumalik lamang sa kaniya ang lahat ng ipinagsisigaaw niya. Dahil nasa isang lukob siyang lugar. Halos namaos na siya ay hindi pa rin lumitaw si Ramil. Lalo siyang nainis sa sitwasyon meron.He suddenly stopped.What if Ramil had nothing to do with it? With all that us happening to him right now. Paano kung isa pala sa mga kalaban Mafia Crime Family ang dumukot sa kaniya. Mayroon pa lang masamang binabalak sa kaniya.Iginala niya ang pansin sa paligid. Walang kahit na anong g
LUIS has been drinking beer all the time and has been frequently coming to different Clubhouses for the past Month. He is currently in the VIP seats from Rudny Aragon's newly opened clubhouse. The "Sneak Peek Clubhouse, he's been there for a while. He can't count how many bottles of beer he's consumed. But he has no intention of stopping."Boss Luis, tara na pong umuwi. Maaga pa ang flight niyo papunta sa Paris," wika ni Ramil na kakalapit lamang mula sa kinaroroonan niya.Ngunit tila wala siyang naririnig at ipinagpatuloy niya ang pag-inom."Ram, gusto ko iyong babaeng nasa kaliwang gilid. Take her with me." Iyon ang sinabi niya. Nanatiling siyang tutok sa mga babaeng hapit at manipis ang bawat kasuotan. Sumasayaw sa maharot na tugtugin, ang makukulay na ilaw ay nagbibigay akit sa paningin ng mga costumer na nanunuod."Sige Boss, kausapin ko si Sha-Sha," tugon ni Ramil. Yumuko pa ito bago tuluyan umalis sa harap ni Luis.Naglakad na ito palayo, hindi para mapuntahan si Sha-Sha na ma
Everyone applauded when Don Darius finished speaking. From the front of many people. After his speech, on that day the old man was officially announced. His daughter is alive and the heir of AMF."Hindi ko inaasahan, sa napakahabang panahon na nangulila ako na magkaroon ng sariling anak ay matutupad na rin. I thought there was no end. To my mourning for the loss of my beloved wife and daughter. But that was completely overturned, because my heir is truly alive and she is here before you. Together with my grandson. The Adriano Mafia Crime will continue it's pursuit." Mahabang speech ng Don. Muli isang masigabong palakpakan ang naghari sa bulwagan na iyon.Idinaos sa isa sa hotel na pag-aari lang naman ng Ama ang pagpapakilala sa kaniya. Sa lumipas na Buwan, matapos ang masalimuot na tagpo sa buhay nilang mag-ama.Nginitian ni Katarina ang mga mahahalaga at sumusuportang tao sa Ama at sa kanilang Familia na naroon. Hinayaan siyang magsalita ni Don Darius.She did'nt prepare anything to
MABILIS na lumipas ang mga Araw, Buwan at Taon.Napagtagumpayan ni Edgardo na maitago at ilihim na binuhay nito ang anak ni Don Darius Adriano. Maging sa Ama ni Luis na si Don Leonardo.Tanging si Ramil lamang ang nakakaalam sa tunay na pagkatao ni Katarina. Kahit nang mapatay si Don Leonardo ng matalik nitong kaibigan na si Don Darius. Dahil sa ginawang kasalanan ng anak nitong si Luis. Ang ahasin at itangay nito ang asawa nitong si Julia.Naging malaking usapin sa mundong ginagalawan nina Luis ang naging hidwaan nilang dalawa ng matalik na kaibigan ng Ama nito. Kaya upang magbunsod nang gulo sa dalawang Mafia Crime familia na pinanghahawakan ng mga ito.Isang malagim at madugong enkuwentro ang nangyari. Nilusob ni Don Adriano ang Isla Demorette ng mga Mendrano. Upang muling makuha si Julia, ngunit sa kasamaang-palad napatay si Leonardo ni Don Darius.Magmula noon ay unti-unting nasira ang relasyon meron si Julia at Luis. Sa dami na rin ng mga past trauma at issue sa pagitan ng dala
INIS na naglabas ng sigarilyo si Luis mula sa cigarette holders ng imported niyang tobacco. Habang inililinga sa paligid ang kaniyang paningin.Nasa isang lib-lib na lugar sila. Kung saan mga punong kahoy at ligaw na halaman ang makikita. Hindi na rin sementado ang daan, lubak-lubak at mabato. Walang kahit na anong bahay o inspraktura ang nakatayo.Kung alam lang sana ni Luis na ganoon kalayo at kahirap ang daan papunta sa lugar ng taong kakausapin niya. Sana ay nag-helicopter na lang siya."Alecks, hindi pa ba tapos 'yan?" tanong niya sa bagong driver na nakuha ni Ramil para sa kaniya."Eh, Boss mukhang matatagalan pa ito. Kailangan ko rin magpalit ng bagong gulong," kumakot na saad nito na nasa makina pa rin ng sasakiyan ang buong pansin.Gustong singhalan ni Luis ito, ngunit pinabayaan na lang niya. Naglakad siya palayo at saka kinuha mula sa loob ng jacket ang nakatago niyang celpon.Hinanap niya ang number ni Ramil. Kailangan niyang matawagan ito para makapagpadala ng magsusundo
KATULAD nang kagustuhan ni Luis ay nanatili sa loob ng mansiyon sa Isla Demorette si Katarina. Kahit na aligaga sa buong maghapon na naghihintay lamang siya ay pinagtuunan na lang niya ng pansin ang ibang mga bagay. Muli ay nakialam siya sa pagluluto ni Manang Seselia sa kusina. Baka kasi maisipan na umuwi ng gabing iyon ng asawa niya ay madulutan niya ito ng masarap na dinner. Ngunit sumapit na ang gabi ay hindi ito dumating. Mabuti na lamang at naroon si Claims may nakasama siya sa lamesa. Hindi ito pinahatid kay Ramil sa school, dahil ayon na rin sa ipinag-utos ni Luis.Kasalukuyan siyang nakatapat sa harap ng monitor ng laptop na gamit niya nang pumasok si Claims. Nakasuot na ito ng damit pantulog. Habang hawak-hawak nito ang paboritong stuff toy na bear na ibinigay ng Tito Ruiz nito. Magmula ng maging okay sila ay bumawi talaga ito sa kaniya. Maging pati sa anak niya rin.Kapag nasa mansiyon siya at hindi niya kayang dumalo man lang sa mga meetings ng company nila. Doon siya nakik
HINDI maintindihan ni Luis ang sarili. Ngunit kusang tinugon niya ang halik ni Katarina. Ramdam niya ang pagmamahal ng babae. Ang pagpapaubaya habang patuloy silang naghahalikan nito.He pinned her in the wall, habang naging abala na ang mga palad niya sa mayayaman dibdib nito. Tuluyan niyang iniwan ang labi nito at pinagapang hanggang sa may baba pababa sa leeg nito ang labi niya. He want to taste every inch of her skin as if he owned her.He heared her moan with pleasure. Siya man ay hindi mapigilan mag-init sa nangyayari sa kanila ngayon. Para siyang gutom na aso na nakahanap ng pagkain at hayok na hayok sa pagtikim dito."I want you now babe," anas ni Luis sa may punong teynga ni Katarina. Nang tumango ito ay kusa na niyang binuhat ang babae. Kumapit lamang ito sa kaniya habang nakapalibot ang dalawang biyas nito sa beywang niya.Dahil sa posisyon nilang iyon ay lalong nagwala ang sandata niya sa loob ng suot niyang pantalon.Ibinaba na niya ito sa leather sofa na naroon."L-Luis..
TAHIMIK lamang si Katarina habang naglalakad silang tatlo. Magpahanggang sa mga sandaling iyon ay binabalot pa rin ng kilabot ang buong katauhan niya. Kung may tama pa siya ng alak sa mga sandaling iyon. Tiyak niyang natabunan na lahat ng iyon ngayon.Aminado siya, walang awa na pumapatay ang asawa niya. Ngunit ang papatay ito ng taong wala naman kasalanan dito. Ibang usapan na iyon para sa kaniya."Are you alright Kat?" tanong ni Ruiz.Tumango naman siya. Nakarating naman sila sa loob ng mansiyon ng maayos. Kahit ganoon pa man ay hindi pa rin naiibsan niyon ang nadarama niya."Ang mabuti pa 'y umupo ka muna. Mukhang mahihimatay ka sa itsura mo ngayon," nag-aalalang sabi naman ni Ruiz na iginiya siya sa isang pang-isahan na sofa sa may living area.Habang si Ramil naman ay pinakuha naman nito ng tubig na maiinom niya."Ano sa tingin mo ang dapat na maging reaction ko sa nakita ko. G-gayong may pinatay siya a-at kakilala ko rin ang taong pinaslang ng a-asawa ko." May bahid ng takot sa
(MAY MGA BAHAGI NG CHAPTER NA ITO NA MASELAN BASAHIN. MAARING PAKI-LAGTAWAN NA LANG. SALAMAT!)PAGKALABAS ng silid ay kaagad nang kinuha ni Luis ang mamahalin niyang Iphone unit sa loob ng suot niyang jacket.Nag-type siya mula roon. Idinikit niya ng tuluyan sa may teynga iyon nang mai-dial na niya ang numero ng taong kakausapin niya."Hello Glenn, ihanda ang kotse. Sabihan ang mga tauhan natin na ihanda ang oubliette chamber,"matapos niyang sabihin iyon ay pinatayan na niya ito. Ibinalik din niya pagkatapos sa loob ng jacket ang Iphone niya.Kaagad siyang sinalubong ni Havanah nang makita siyang naglalakad papunta sa kanila. Mula sa sulok ng mata niya ay nakikita niya ang pakikipag-usap ni Hamir sa mga lalaking kasamahan nitong modelo.Ngingisi-ngisi ito, habang nakatutok sa direksiyon niya. Mukhang may nakakatuwa itong sinasabi sa mga kasama nito, tungkol sa kaniya.Kung meron siyang pinakaiinisan ay iyong mga katulad nito. Pagmumukha pa lang ay nababanas na siya. Para itong ipis s